Just Chill MusicBemoxz
MeloLittle Lazy
Flixxbeats Productions
BEMOXZbakit mo ba iniwan, bakit mo ba sinayang
ang aking pagmamahalngayon ako'y nanghihinayang
sa mga oras na dapat nagsama tayong dalawa
ngayon ako'y nag iisa't Iniwan mong nakatanga
mahal kita, yan ang laging sinasabi
tila ba namimiss ang tamis ng iyong labi
dahil ako ay nasaktan nang tayo'y naghiwalay
at nasayang nang bigla'ng pagmamahal na binigay
sayang naman ang oras na nakalipas
sayang naman ang puso ko na pinipilas
ang pusong nagmahal ngayon nataniman na ng galit
ang pusong nagmahal walang masabi kundi bakit
hindi na ba mababalik, ang pagmamahalan natin
di na ba mababalik ang dating pagsasama natin
sana muling makita ko ang ganda ng 'yong mata
at sana mabago ang tadhana at bumalik ka na.
MELONanghihinayang sa mga nangyari satin noon
hanggang ngayon, ay hindi parin ako makabangon
sa aking pagkadapa hindi ko nga alam kung pano ba
ang bumangon mag-isa, ako ay napagod na
pero pinipilit ko parin na sumaya
sa kabila ng kalungkutanna aking nadarama
sayang na sayang talaga ang pagmamahalan natin
hindi man lamang tumagal ang pinagsamahan natin
kung alam ko lang nung una di ka pala nagseryoso
edi sana hindi na kita, minahal ng husto
para san pa yung sinabi mo sa aking ako lang
kung hindi ka nakuntento sakin nung una pa lang
ang puso kong nagmamahal ay sayo lamang nakagapos
ngunit walang magawa kung gusto mo na ngang matapos
wala naman sating hadlang iyo lang talagang sinayang
ating pagmamahalan sadyang nakakapanghinayang
LITTLE LAZYnaaalala pa kita, Dayang kahit nag aasaran pa
nung una biruan na crush kita naging totohanan na
mga natanto kong ligaya sayo lang natagpuan
at bago pa man kita naging kilala, pag ibig mo hangad ko yan
pero sa di inaasahang nakagawa ako ng kamalian
mahal ko alam mo, na yan aking pinagsisihan
ngunit di yan dahilan para mawala ka nang bigla
akin namang ibinuhos ginugol ang oras at panahon sayo diba
kulang pa ba ang lahat ng ginawa't pinapakita ko
sinusuyo kita mahal ayokong masayang pa to
ang pagkakataon, na satin pinagkaloob
at pagpasensyahan mo na kung sumama ang 'yong loob
at kung ibabalik ang nakaraan , tanggap pa din
dahil marami na sating nagdaan ikaw parin
ang mahal kopero sayang sayo ko nilaan
nanghihinayang talaga pag-ibig ko'y sayang naman