Download - School Inset Makabayan
Curriculum and Instruction:
Ang Pagtuturo ng Makabayan
-Ang Makabayan sa 2002 BEC-Kahulugan at Kahalagahan ng Makabayan-Mga Komponente at Asignatura ng Makabayan -Paksa sa Bawat Asignatura ng Makabayan sa Elementaryang Antas -Wikang Gamit sa Pagtuturo (Medium of Instruction) ng Makabayan -Takdang Oras sa Pagtuturo ng Makabayan -Sistema ng Markahan sa Makabayan
Aralin 1: Ang Makabayan Bilang Saklaw na Aralin (Learning Area)
Aralin 2: Ang Integrasyon sa Makabayan
-Kahulugan ng Integradong Pagtuturo -Iba’t Ibang Pamamaraan ng Integradong Pagtuturo -Iba’t Ibang Antas ng Integrasyon -Mga Halimbawa ng Integradong Banghay-Aralin sa Makabayan -Banghay-Aralin sa Elementaryang Antas ng Makabayan -Gamit ang Content - Based Instruction (CBI)
Sabihin ang tama kung wasto ang pangungusap
at mali kung hindi wasto.
Ang lahat ng komponente o asignatura ng Makabayan ay itinuturo
lamang sa wikang Filipino.
Ang Musika, Sining at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan (MSEP) at
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) ay itinuturo lamang bilang hiwalay na
asignatura simula sa ikaapat na baitang.
Ang Makabayan ay isang disiplina o sangay ng pag-aaral.
Tanging mga paksa lamang tungkol sa Pilipinas at sa pagiging Pilipino ang pinapaksa ng Makabayan.
Hindi magkakaugnay ang mga paksang iba’t ibang komponente ng
Makabayan kung kaya’t mahirap isagawa ang integrasyon sa Makabayan.
Ang Makabayan ay isang saklaw na aralin o learning area sa
2002 Basic Education Curriculum (BEC).
Ang asignatura ukol sa pagpapahalaga sa elementaryang Makabayan ay tinawag na
Edukasyong Pagpapakatao.
Ang Makabayan ay ang saklaw na aralin na nagsisilbi bilang isang laboratoryo ng buhay
(laboratory of life) para sa isang komprehensibo at makabuluhang
pakatutong may kabuuan (holistic learning). Nangangahulugang pinapaksa ng Makabayan
ang lahat ng aspeto ng buhay Pilipino o ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.
Sinasalamin ng Makabayan ang kasaysayan, kultura, kinagawian, kabuhayan
at pagpapahalagang Pilipino at ang mga bagay-bagay na nararanasan o nakakasalamuha
ng bawat mag-aaral sa kanyang paglaki.
Ang Makabayan ay interdisiplinaryo.
Makabayan
Sibika at Kultura(Grade 1-3)HEKASI ( Grade 4-6)
CharacterEducation
MSEP
EPP(Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan)
Musika, SiningAt Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan
Ang paksa ng Makabayan sa una hanggang ikatlong baitang ay:
pambansang pagkakakilanlan pambansang pagkakaisa pambansang katapatan.
Ang Heograpiya Kasaysayan
Pamahalaang Pilipinas Kultura
Pagpapahalaga at Gawaing Pilipino
Sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang,pinapaksa ng Makabayan:
Talahanayan 8:Takdang Minuto Bawat Araw sa Pagtuturo ngMakabayan
Makabayan I II III IV V VI
SK/HKS
EPP
MSEP
EP
60 60 60 40 40 40
40 40 40
40 40
Hindi pa pinag-aaralan
Integrado sa S K 20
20 20 2030 30 30
Sistema ng Markahan sa Makabayan
Sa baitang 1-3 ng elementarya, ang marka ng Makabayan ay ang kabuuang bilang o suma ng marka ng SK at EP na hinati sa dalawa.
SK
EP
Asignatura
82
8482 + 84 = 166/2 = 83
Sa baitang 4-6 ang marka ng Makabayan ay ang kabuuang bilang o suma ng marka ngHKS, MSEP, EPP at EP na hinati sa apat.
Asignatura
HKSMSEPEPPEP
82848583
82+84+85+83=334/4= 83.5
Ang nakuhang marka sa Makabayan = 84
Ang integradong pagtuturo ay isang pamamaraan ng pagtuturo kung saan may
pagkakaisa sa paksa o tema ang mga asignatura o Sabjek ng Makabayan o kung saan ang tuon ng lahat ng
asignatura ng Makabayan ay nasa isang sentral na ideya.
Sa pamamaraang ito, kabuuan ang pagtingin sa isang paksa o ideya. Ang pag-aaral ay
hindi nakalimita sa isang disiplina o sangay ng pag-aaral, bagkus ito ay
bumabagtas sa iba’t ibang disiplina.
Pinag-aaralan ang isang paksa o bagay sa kanyang kabuuan hindi lamang batay
sa ilang aspeto nito.
Uri ng Integrasyon
content-based instruction
focusing inquiry
generic competency,
tematikong pagtuturo
ay isang pamamaraan kung saan ang nilalaman ng isang asignatura o sabjek ay ginagamit bilang paksa sa pagtuturo ng wika.
Content-Based Instruction
Halimbawa ang paksa sa Sibika at Kultura ay ginagamit sa pagtuturo ng Filipino.
Focusing Inquiry
ay isang pamamaraan kung saan angpagtatanong ang pumupukaw sa pag-aaral.
Mahalaga ang nabubuong kaalaman subalit higit na mahalaga ang proseso ng pagsisiyasat na ginamit.
Hindi nakalimita sa isang disiplina ang pagtatanong at pagsisiyasat bagkus ay bumabagtas sa iba’t ibang disiplina.
Generic Competency
inoorganisa ang integradong pagtuturo sa mga pare-parehong
kakayahan o generic competency ng mga disiplina o asignatura.
isang pamamaraan kung saan ang pag-aaral ay nakalibot o nakatuon sa isang tema.
Nakaugnay ang mga paksa at proseso ng pag-aaral ng iba’t ibang disiplina sa temang ito.
Tematikong Pagtuturo
Ang integrasyon sa Makabayan ay dapat nakaugat sa kakayahang pagkatuto ng mga asignatura na pumapaloob sa integrasyon.
Hindi sapat ang pag-awit o pagguhit o pagmartsa.
Dapat talakayin din ang mga kakayahang pagkatuto ng mga asignaturang ito.
Higit na magiging makabuluhan ang integrasyon sa Makabayan kapag ang mga paksa at kakakayahang pagkatuto ng iba’t ibang asignatura ay magkakahanay o aligned.
Ibig sabihin, ang mga ito ay dapat nasa parehong taon o baitang at markahan.
Samakatwid ang kakayahang pagkatutong binigyang-pansin ng isang asignatura ay napalalakas o napatitibay sa iba pang asignatura.