Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran: Solid Waste
10
ii
Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Amabhelle R. dela Merced
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
10
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:
Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran: Solid Waste
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran: Solid Waste.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas
Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong aralin:
Leksyon 1: Kahulugan ng Solid Waste
Leksyon 2: Mga Uri ng Solid Waste
Leksyon 3: Electronic Waste (e-waste)
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay ang kalagayan ng ating kapaligiran sa kasalukuyan;
2. nasusuri ang mga dahilan na nagdudulot ng mga suliraning pangkapaligiran;
at
3. nakagagawa ng paraan/solusyon upang makatulong na maibalik ang
kaayusan ng ating kapaligiran.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Panuto: Tara, Subukan Mo Ito! Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang dahilan kung bakit malakas ang negosyo ng turismo sa bansa?
A. Sapagkat maraming magagandang pasyalan sa bansa.
B. Sapagkat nais tumakas sa mga dayuhan.
C. Dahil tanggap ng mga Pilipino ang lahat ng lahing banyaga.
D. Dahil maraming lupain na maaaring tayuan ng bahay sa bansa.
2. Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa
____________?
A. residensyal o tahanan
B. industriyal
C. institusyunal
D. komersyal
3. Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:
A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng
bansa.
B. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning
pangkapaligiran.
C. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na
yaman.
D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa
pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.
4. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng anong
programa upang mabawasan ang problema sa basura.
A. Segregation Waste Facility
B. Material Recovery Facility
C. Basura Mo, Piso Mo
D. Project Dumpsite
5. Ang electronic waste ang pangunahing kinukuha ng waste picker upang ibenta
at pakinabangan.
A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag.
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una at ikalawang pahayag.
3
6. Mahalaga na mapigilan ang coral bleaching upang higit tayong makahikayat ng
turista sa bansa.
A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una at ikalawang pahayag.
7. Ito ay isa sa magagandang resulta ng Ecological Solid Waste Management Act of
2000.
A. Material Recovery Facility
B. Non-biodegradable
C. Bantay Kalikasan
D. Mother Earth Foundation
8. Ang coral bleaching ay isang suliraning pangkaragatan na pumapatay sa coral
reefs na tirahan ng mga isda at iba pang yamang dagat samantalang
pinaghahandaan din ang sobrang pagtaas ng sea level na epekto ng climate
change.
A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una at ikalawang pahayag.
9. Ang Republic Act 7586 ay naaprubahan upang mapangalagaan ang mga
protected areas ng bansa. Ito ay mas kilala sa tawag na _____________.
A. National Resettlement and Rehabilitation Area
B. National Greening Program
C. National Integrated Protected Areas System
D. Sloping Land Protected Area
10. Isa sa mga suliraning kinahaharap ng ating yamang–gubat ay ang illegal logging.
Ang sumusunod ay epekto ng ilegal na pagputol ng mga puno maliban sa isa:
A. Pagtatayo ng mas maraming subdivision upang maging tirahan.
B. Patuloy na pagguho ng mga lupa sa kabundukan.
C. Paglalagay ng mas maraming kalsada at daanan.
D. Pagpaparami ng tirahan ng mga hayop sa kagubatan.
11. Ang climate change ay isang natural na pangyayari na dulot ng pagpapabaya ng
mga tao sa kanyang kapaligiran, ang ilan sa epekto nito ay ang mga nakasulat
sa ibaba maliban sa:
A. El Niño C. La Niña
B. malawakang pagbaha D. paglago ng mga halaman
12. Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.
A. Department of Science and Technology
B. Department of Transportation
C. Department of Environment and Natural Resources
D. Department of Education
4
13. Dahilan kung bakit patuloy na lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura
maliban sa isa.
A. patuloy na pagkasira ng lupang sakahan dulot ng El Niño
B. pagkawasak ng mga palaisdaan
C. pagdami ng subdivision at mall
D. pagdagsa ng suporta ng mga tulong para sa sektor ng agrikultura
14. Ipinag-uutos ng Presidential Decree o Atas ng Pangulo 1153 na ang mga
mamamayang nasa gulang na _____ pataas ay kailangang magtanim ng 12
seedlings bawat taon sa loob ng 5 taon.
A. labindalawa (12)
B. labintatlo (13)
C. sampu (10)
D. labing- isa (11)
15. Maraming mga Non-Government Organizations ang nangunguna sa pagbuo ng
mga programa upang mabawasan ang suliranin sa solid waste, piliin sa
sumusunod ang gumagamit ng mass media bilang platform sa kanyang
adhikain.
A. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation
C. Clean and Green Foundation
D. Greenpeace
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawain.
5
Aralin
1 Konteksto ng Suliraning
Pangkapaligiran
Kamusta? Alam kong naunawaan mong mabuti sa nakaraang aralin ang mga
dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu sa
bansa. Sa ikalawang bahagi ng aralin 1, ang paksang iyong pagtutuunan ng pansin
ay ang mga suliraning pangkapaligiran. Isa sa mga suliraning pangkapaligirang
kinakaharap ng lipunan ay ang isyu sa basura o solid waste. Inaasahan na bilang
isang kabataan ay magiging daan ka upang mabawasan o malimitahan ang
problema na ito.
Balikan
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang konsepto ng kontemporaryong isyu.
Ipinakilala sa iyo ang lipunan na iyong ginagalawan. Bilang bahagi ng lipunan,
inaasahang ikaw ay makatutulong sa pagpapaunlad nito. Upang higit na mapatibay
ang iyong kaalaman ukol dito, punan ang talahanayan ng mahahalagang
terminolohiya nauugnay sa pangunahing salita. Piliin ang iyong sagot mula sa loob
ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
LIPUNAN KULTURA SOCIOLOGICAL
IMAGINATION
Isyung Personal Gampanin Pananampalataya
Kultura Norms Pamilya
Social Group Ugnayan Symbols
Pamahalaan Isyung Panlipunan Mores
6
Tuklasin
Awit – Suri
Panuto: Suriing mabuti ang awiting “Kalikasan”, na isinaayos nina Cesar Nebril Jr.
at Necei L. Nebril. Maaaring hanapin sa internet ang kanta upang masabayan.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
"KALIKASAN"
Masdan mo ang iyong paligid
Bawat isa ay nanganganib
Sa dalang kapahamakan
Na tayo rin ang may lalang.
Paghawan sa kagubatan
Paglason sa karagatan
Usok na di mapigilan
‘Yan ba’y hakbang sa kaunlaran?
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal
Kalikasan, dulot ay kaginhawahan
Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang
matiwasay.
Hindi mo ba nakikita
At di mo ba nadarama
Ganda ng ating kalikasan,
Tila ngayo’y naglaho na.
Ano ang iyong itutugon?
Paano ka tutulong?
Na ang ating kalikasan ay
Kagiliwang pagmasdan.
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal
Kalikasan, dulot ay kaginhawahan
Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang
Matiwasay.
Kung tayo ay magkakaisa
Buhay nati’y liligaya
Paligid ay giginhawa
Kalikasan ay sisigla.
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal
Kalikasan, dulot ay kaginhawahan
Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang
Matiwasay.
Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay
Mahalin ang kalikasan
Upang tayo’y mabuhay nang
matiwasay.
Ang awiting ito ay lubhang may pagmamahal para sa ating kalikasan. Paano ka
naapektuhan ng awitin. Ipakita ito sa pamamagitan ng:
1. Iguhit ang ating kalikasan batay sa awitin. Mula sa awiting ito, ano ang nais ipahiwatig ng awitin? Gumawa ng paghahambing sa ating kalikasan noon at ngayon. Maaaring gumamit ng ½ ng bondpaper at kung iyong nanaisin ay kulayan ito. Idikit o i-stapler sa iyong sagutang papel ang bondpaper.
7
Suriin
Ang kapaligiran ay isang mahalagang salik na pinagmumulan ng mga hilaw
na materyal na ginagamit upang makagawa ng produkto. Ito ay binubuo ng elemento
ng panahon at klima na siyang nag-uugnay sa mga tao, hayop, halaman at iba pang
organismo sa kanyang lipunan.
Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan na pinalilibutan ng maraming
anyong lupa at anyong tubig. Kilala ang bansa sa kanyang pagiging mabundok na
lupain kabilang na dito ay ang Bundok ng Apo, Bulkang Mayon at Bulkang Taal na
nagpakita ng kanyang pagiging aktibo noong Enero 2020. Ngunit nariyan din ang
iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, dagat, mga bukal, mga ilog at iba
pa na dahilan kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista na
nagbibigay ng kita sa turismo at hanapbuhay sa mga mamamayan ng bawat rehiyon.
Ngunit sa kasalukuyan, tila nakalilimutan ng tao ang pag-aalaga sa ating
kapaligiran kaya sa halip na ito ay higit na mapaganda ay pinangangambahan na
makalimutan na. Kaya, ang mamamayang patuloy na umaasa sa kanyang
kapaligiran ay siya ring nakakaranas ng hindi mabuting epekto nito sa kanyang
pamumuhay.
Tara, at aralin natin ang mga suliraning kinahaharap ng ating likas na
yaman.
1. SULIRANIN SA SOLID WASTE
Ang Municipal Solid Waste (MSW) o Solid Waste ay mga basurang
nagmumula sa mga tahanan, komersyal na establisimyento, mga institusyunal at
mga industriyal.
1. Residensyal (Residential Waste) –
Itinuturing na malaking bahagdan ng
basura ay nagmumula sa mga
kabahayan o tahanan. Ayon sa report
ng National Solid Waste Management
Report, 2018, umaabot sa 56.7% ng
basura ay mula sa ating mga tirahan.
Ang ilang halimbawa ng mga
basurang ito ay mga pinagbalatan ng
mga gulay at prutas, mga natirang pagkain, mga pinaglagyan ng pinamili
tulad plastic, styro at maging paperplate at ang espesyal na basura tulad
ng mga bote na ginagamit na panlinis, bote ng mga pabango o maging ng
mga gamot at ang huli ay tinatawag na waste electrical and electronic
equipment (WEEE) tulad ng battery, mga sirang cellphone at appliances.
8
Residential, 56.70%
Commercial, 18.30%
Institutional, 12.10%
Industrial , 4.10%
2. Komersyal o Commercial Waste – Mga
basura na nagmumula sa mga pribado at
pampublikong establisyemento na
bumubuo ng halos 27.1 % ng basura
ayon sa NSWM Report, 2018. Ang mga
pamilihang tulad ng palengke at talipapa
ay may bahagdan na 18.3 % na basura.
3. Institusyunal o Institutional Waste –
Bumubuo sa 12.1% ng mga basura sa
bansa na nanggagaling sa mga
pampublikong opisina, mga ospital at
maging sa mga paaralan gayundin sa
mga nasa sektor ng agrikultura.
4. Industriyal o Industrial Waste - Ayon sa
NSWM report 2018, 4.1% ay nagmumula sa
pabrika tulad ng mga kahon, mga lalagyan
ng mga kemikal at mga materyales na
ginagamit sa kanilang operasyon.
Iba pang mga
establisyemento
Pamilihang Bayan 18.3%
Bahagdan ng pinanggagalingan ng basura
National Solid Waste Management Status Report 2008-2018
9
URI NG BASURA
Ang mga basura ay nauuri ayon sa komposisyon ng mga ito.
1. Biodegradable (nabubulok) – Ang mga
basura na nagmumula sa mga balat
ng gulay at prutas, mga natitirang
pagkain at mga basura mula sa ating
kapaligiran tulad ng tuyong dahon at
mga sanga ng punongkahoy. Ang mga
basurang kabilang dito ay may
kabuuang bahagdan na 52.3% mula
sa datos ng NSWM Report 2018. Ito
ang pinakamalaking bahagdan ng
basura. Ito ay mga uri ng basura na
maaaring ibaon sa lupa upang maging pataba ng mga halaman.
Hatian ng bahagdan ng mga basurang nabubulok
a) Mga basurang nagmumula sa loob ng mga tahanan- 86.2 %
b) Mga basurang nagmumula sa labas ng mga kabayahan – 13.8%
2. Recyclables– Ang mga basura na
kabilang dito ay bumubuo sa
27.78% na bahagdan ng
kabuuang basura ng bansa sa
kabuuang lawak na 4.1 %
hanggang 53.5 %. Kabilang sa
pangkat na ito ay mga papel,
dyaryo, mga bote, mga plastic,
mga kahon na maaaring magamit
muli o makagawa ng mga bagay
mula sa mga ito. Ito ang may
pinakamalaking uri ng basura na itinatapon ayon sa pag-aaral.
Hatian ng bahagdan ng mga basurang nabubulok
a) Mga basurang mula sa plastic – 38%
b) Mga basurang mula sa papel – 31%
c) Mga basurang mula sa goma, mga textiles – 31%
3. Special Waste – Ito naman ang
bumubuo sa mula sa 1.92 % - 9.2 % na
bahagdan. Kabilang sa mga basurang
ito ay mga gamit sa ospital tulad ng
dextrose, syringes, mga bulak at hose,
facemask, gloves, mga sirang gamit sa
bahay tulad ng refrigerator, telebisyon,
radio, washing machine at mga electric
waste.
10
4. Residual Waste – Ito naman ay ang
17.98% ng mga basura na nagmumula
sa mga pabrika, sektor ng agrikultura at
sektor ng industriya. Ang 12% na
bahagdan nito ay tanggapan ng
pamahalaan na pinaghalo-halong
patapon at wala ng gamit na basura.
Electronic Waste (E-Waste)
Isang lumalaking suliranin sa solid waste ay ang ginagawang pagtatapon ng
mga Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE) o Electronic Waste (E-
Waste). Ayon sa ginawang pag-aaral ng Global Information Society noong 2010,
humigit-kumulang na anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa mga landfill na
siyang kinuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang
mapakikinabangan nila sa mga ito tulad ng tanso. Ngunit ang pinangangambahan
na gawain ay ang maling paraan ng pagbabaklas ng mga ito sapagkat ang ilan sa
mga e-waste ay nagtataglay ng lead, cadmium , mercury, barium at polyvinyl
chloride na nakakalason ng lupa at tubig.
Bukod sa suliranin sa e-waste ay malaki rin ang kinahaharap na suliranin ng
bansa hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Bakit nga ba masasabi na mali ang
paraan ng pagtatapon ng basura lalo na sa mga kabahayan?
Bahagdan ng Uri ng Basura
National Solid Waste Management Status Report 2008-2018
Biodegradable, 52.30%
Recylables, 27.78%
Special Waste, 9.20%
Residual Waste, 17.98%
11
Una, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sapagkat maraming
mga kabahayan na ginawa ng basurahan ang mga estero, mga ilog, mga bakanteng
lote at maging mga kalsada. Ikalawa, ang mga kabahayan o maging ang mga ilang
tanggapan ay hindi nakasusunod sa segregation o paghihiwa-hiwalay ng mga uri ng
basura. Ikatlo, maraming mga kabahayan ang nagsusunog ng mga basura na
mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan.
Sa mga suliranin na kaakibat ng basura ay mga epekto na hindi alintana ng
ilan sa ating mga kababayan.
1. Ang maling pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng malawakang pagbaha sa
bansa na nagdadala ng sakit sa mga mamamayan.
2. Ang hindi paghihiwalay ng mga basura ay dagdag gawain sa mga garbage
collector.
3. Ang pagsusunog sa mga basura ay nakadaragdag ng polusyon sa hangin.
4. Ang ulat na pinamagatang “The Garbage Book” ng Asian Development Bank
(2004) na nagpapatunay na ang mga katas ng basura o leachate mula sa
Rodriguez at Payatas Dumpsite ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib
sa kalusugan ng tao. Kung matatandaan, noong Hulyo 2000 ay naipasara ang
Payatas Dumpsite sapagkat ito ay gumuho at pumatay sa maraming katao.
Bunsod ng mga suliranin na ito, ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o Solid Waste Management Act of 2000 na naglalayon na magkaroon ng ligal
na batayan proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Isang resulta nito ay
pagkakaroon ng Material Recovery Facility sa bawat barangay, mga tanggapan at
mga paaralan kung saan isasagawa ang waste segregration bago dalhin sa mga
dumpsite. Tinuturuan din ang mga mamamayan na magresiklo, gumawa ng mga
pataba buhat sa basura at iba pa batay sa memorandum of agreement.
Iniulat din ng National Solid Waste Management (NSWM) na may ilang lokal
na pamahalaan ang gumawa ng paraan upang makatulong na masugpo ang
problema sa basura. Ang ilan sa itinuturing na Best Practices sa pamamahala sa
basura ay:
LUGAR BEST PRACTICES
Sto. Tomas,
Davao del Norte
No Segregration, No Collection
No Orientation & Implementation of Ecological
Solid Waste Management, No Issuance of
Municipal Permit
Municipal-wide composting & livelihood projects,
Quezon City Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with
Methane Recovery for Power Generation
12
Barangay Bagumbuhay,
Project 4 Quezon City
Garbage = Points
Teresa, Rizal Residual Waste Management
Bago City,
Negros Occidental
Takakura Waste Composting
Sta. Rosa, Laguna Basuranihan – coined from basura (waste) and
bayanihan (cooperative effort)
Calatagan , Batangas Eco-Bank project
Magarao, Camarines Sur Zero Basura Olympics
Marikina City Food Waste Truck Program
Taguig City 4 o’clock Habit
https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2019/08/National-Solid-Waste-Management-Status-Report-2008-2018.pdf
Katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa basura ay
mga Non-Government Organization tulad ng:
Mother Earth Foundation– tumutulong sa pagtatayo ng mga MRF sa mga
barangay.
Clean and Green Foundation– pagpapatayo ng mga Orchidarium and
Butterfly Pavillon, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig
at Trees for Life Philippines.
Bantay Kalikasan– paggamit ng mass media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La
Mesa Wastershed at Pasig River Rehabilitation Project.
Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa
pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang ikalawang paksa sa ating
Unang Markahan- Aralin 1. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay
upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo ang iyong
sagutang papel at simulan na.
13
Pagyamanin
A. Tsart ng Solid Waste
Panuto. Buoin ang graphic organizer na nagpapakita ng mga halimbawa, dahilan at
epekto ng suliranin sa basura (solid waste). Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
B. Wasto o Di – Wasto
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang salita o
lupon ng salitang may salungguhit ay nagpapakita ng wastong kaalaman o hindi
wastong kaalaman para sa kabuuan ng pahayag. Isulat ang salitang WASTO kung
ito ay nagpapakita ng tamang pahayag at DI- WASTO kung ito ay hindi
nagpapahayag nang tama. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga basura sa kabahayan ay pinagmumulan ng pinakamalaking bahagdan
ng basura sa bansa.
2. Ang 4 o ‘clock habit sa Lungsod ng Taguig ay nangangahulugang walang
maglilinis ng kapaligiran araw- araw tuwing ika- 4 ng hapon.
3. Ang special waste ay mga uri ng basura na nagmumula sa mga tanggapan ng
pamahalaan at mga pribadong kompanya.
4. Ang recyclable/di nabubulok na basura ay ang pinakamalaking uri ng basura na
itinatapon ng taong-bayan.
5. Ang pagtatayo ng material recovery facility ay resulta ng Ecological Solid Waste
Management Act of 2000.
6. Malaki ang naitutulong ng hindi pagbubukod-bukod ng mga basura sa kaayusan
at kagandahan ng bansa.
SOLID WASTE
EPEKTO DAHILAN HALIMBAWA
14
7. Nagdudulot ng sakit sa balat ang mga kemikal na nagmumula sa katas ng
basura.
8. Isa sa mga solusyon upang mabawasan ang basura ay ang pagsusunog sa mga
ito.
9. Ang mga basura mula sa pamilihang bayan ay kabilang sa komersyal.
10. Malaki ang epekto ng kawalan ng disiplina ng tao sa problema sa basura.
C. Bubble Map
Panuto. Sa pamamagitan ng isang bubble map, buoin ang konsepto ng suliraning
pangkapaligiran na may kinalaman sa solid waste o basura. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
Batay sa iyong naging sagot upang buoin ang bubble map, makikita mo na
mayroong ugnayan ang mga nagaganap na suliraning pangkapaligiran sa
pag-unlad ng bansa. Ukol dito, ipaliwanag ang ugnayan ng suliraning
pangkapalirigan sa pag-unlad ng bansa. Magbigay lamang ng 2 hanggang
3 pangungusap.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________
Epekto ng
Solid
Waste
Uri ng
Solid
Waste
Pinagmulan
ng Solid
Waste
SOLID
WASTE/
BASURA
Suliranin
ng Solid
Waste
15
D. Tapat–Tapatin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga terminolohiyang ipinakikilala sa Hanay A.
Isulat ang malaking titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
HANAY A
1. Mga basura na nagmula sa mga ospital katulad ng
lalagyan ng oxygen, mga dextrose, syringes at mga hose
na gamit na.
2. Ang mga basura na kabilang dito ay nanggaling sa mga
tanggapan / opisina, sa mga paaralan na hindi na
maaaring ipamigay o ipagamit sa iba.
3. Mga basura na maaaring gamiting bilang pataba ng
mga halaman.
4. Isa sa malaking problema na kinahaharap ng bansa na
nagdudulot ng sakit at pangit na kapaligiran sa ating
lahat.
5. Ang mga katas ng basura o leachate ay nagtataglay ng
mga kemikal na ___________.
6. Nangangasiwa sa pagpapatayo ng material recovery
facility sa mga barangay.
7. Isa sa pinanggagalingan ng mga basura sa bansa na
kinabibilangan ng mga pabrika at ibang kompanya.
8. Ang non-government organization na ito ay naglalayon
na baguhin ang tingin ng tao sa kanyang kapaligiran.
9. Ang mga basurang kabilang dito ay ibinubukod ng mga
waste picker upang kuhanin ang mga tanso na
maaaring ibenta at pakinabangan.
10. Ito ay isang best practice na ginawa sa Magarao,
Camarines Sur upang mabawasan ang kanilang mga
basura.
HANAY B
A. Industriyal
B. Special Waste
C. Solid Waste
D. Mother Earth
Foundation
E. Zero Basura
Olympics
F. Institutional
G. Lead at
Arsenic
H. Greenpeace
I. Biodegradable
J. E- Waste
K. Residual
L. Residential
E. Sumulyap at Magmasid
Panuto: Gusto mo na bang lumabas? Sige pinapayagan kitang lumabas ng inyong
bahay ngunit sa bakuran lang.
Ikaw, habang nakatanaw sa iyong komunidad ay muli mong alalahanin ang
iyong napag-aralan tungkol sa solid waste. Tingnan kung may ganito ring problema
ang inyong lugar.
16
Kung ang iyong sagot ay oo, ano ang iyong namasid? Tama ba ang ating
aralin? Kung wala kayong problema sa inyong komunidad tungkol sa ating aralin
ay maaari kang mangalap ng impormasyon sa mga libro, sa dyaryo o magsaliksik sa
internet. Ayan, handa ka na! Ngayon naman ay kunin ang iyong sagutang papel
upang gawin ang iaatas kong gampanin.
Kung bibigyan kita ng pagkakataong makausap ang inyong Barangay
Captain, anong programa ang mailalatag mo sa kanya upang mabawasan ang
suliranin sa basura
Gamitin ang data retrieval chart sa iyong paglalahad sa Kapitan.
Suliranin Dahilan Epekto Programa/
Solusyon
Solid Waste
F. S.E.P.
Panuto: Malaki ang suliranin na kinahaharap ng bansa tungkol sa basura o solid
waste. Buoin ang talaan ng sanhi-epekto-programa. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel
Epekto
Kalusugan
Kabuhayan
Kapaligiran
Programa
Pamahalaan
NGOs
AKO
Problema sa Solid Waste
Mga Dahilan
Kawalan ng disiplina
ng mga mamamayan tungkol sa tamang
pagtatapon ng basura.
ningas cogon sa
pagbubukod- bukod ng
basura
pagsusunog ng mga
basura sa mga
kabahayan
Kagustuhan kumita ng pera o salapi
17
Isaisip
Balik-tanaw sa Aralin
Panuto. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang paliwanag sa sagutang papel.
Magbigay ng 2 hanggang 3 pangungusap sa bawat kasagutan.
1. Ipaliwanag kung bakit mahirap malutas ang suliranin sa solid waste.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa iyong pananaw, ano ang mas epektibong paraan upang malutas ang problema
sa solid waste, Material Recovery Facility o 3Rs (Reduce, Reuse, Recycle)? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang mabawasan ang mga suliranin
sa basura o solid waste?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Isagawa
Junk Art
Panuto: Gumawa ng isang junk art. Humanap sa loob ng inyong bahay o bakuran
na maaaring maging materyales ng inyong proyekto. Bawal lumabas ng inyong
bakuran upang bumili o manghingi sa kapit-bahay. Ang ilan sa maaaring mong
gawin ay ang sumusunod. Pumili lamang ng isa.
a. pencil holder
b. alkansya
c. paso mula sa bote ng mineral
d. pang – disensyo sa ibabaw ng lamesa
- bote na may lamang mga buhangin na kinulayan
- bote na may lamang star na gawa sa makukulay na papel
- anumang bagay na mapapakinabangan
18
Rubric sa Junk Art
Kraytirya
Di
Pangkaraniwan
4
Kahanga-hanga
3
Katanggap-
tanggap
2
Pagtatangka
1
1. Kalidad ng mga
kagamitan
Mahusay,
malikhain,
tama, at
matibay ang
lahat ng mga
bagay na
ginamit.
Mahusay,
malikhain, tama
at matibay ang
maraming mga
bagay na
ginamit.
Mahusay.
Malikhain, at
tama ang ilan,
sa mga bagay na
ginamit.
Di- malikhain at
di - mahusay
ang mga
kagamitan.
2. Leybel 90% ng aytem
ay may tamang
leybel.
80% ng aytem
ay may tamang
leybel.
70% ng aytem
ay may tamang
leybel.
Maliit sa70%
ang may
tamang leybel.
3. Layunin Ang paksa o
pangyayari ay
maliwanag, at
makatotohanang
naisalarawan.
Ang paksa o
pangyayari ay
makatotohanang
naisalarawan.
Ang paksa o
pangyayari ay
maliwanag na
naisalarawan.
Di - maliwanag
at di -
makatotohanan.
4. Kalinisan/
kaayusan
Lahat ng mga
bagay ay
naisagawa nang
maayos at
malinis.
Maramisa mga
bagay ay
naisagawa nang
maayos.
Di - gaanong
naisagawa nang
maayos subalit
malinis.
Walang
kaayusan at di -
malinis ang
gawa dahil sa
pag-aapura.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa
____________?
A. komersyal
B. industriyal
C. institusyunal
D. residensyal o tahanan
2. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng anong
programa upang mabawasan ang problema sa basura.
A. Material Recovery Facility
B. Segregation Waste Facility
C. Basura Mo, Piso Mo
D. Project Dumpsite
19
3. Isang dahilan kung bakit malakas ang negosyo ng turismo sa bansa?
A. Dahil tanggap ng mga Pilipino ang lahat ng lahing banyaga.
B. Sapagkat nais tumakas ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
C. Sapagkat maraming magagandang pasyalan sa bansa.
D. Dahil maraming lupain na maaaring tayuan ng bahay sa bansa.
4. Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:
A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng
bansa.
B. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na
yaman.
C. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa
pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.
5. Ang electronic waste ang pangunahing kinukuha ng waste picker upang ibenta
at pakinabangan.
A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag.
B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.
C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.
D. Mali ang una at ikalawang pahayag.
6. Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa basura,
alin ang hindi kabilang sa mga ito?
A. Ang maling pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, bakanteng lote ay
nagdudulot ng malawakang pagbaha.
B. Ang pagsusunog ng mga basura sa mga bakuran
C. Ang paggawa ng compost pit sa ating mga bakuran.
D. Ang pagsunog ng mga gulong at ibang goma sa ating paligid.
7. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglalayong maibsan ang
suliranin sa basura ng bansa. Saang batas ito nakasaad?
A. P.D. 9000 C. P.D. 9008
B. R.A. 9003 D. R.A. 9006
8. Iba-iba ang mga pinagmumulan ng basura sa bansa. Alin sa sumusunod ang
mga ito?
A. Tahanan, Industiyal, Opisina, Ospital
B. Komersyal, Pabrika, Institusyunal, Kabahayan
C. Tanggapan, Ospital, Pabrika, Paaralan
D. Residensyal, Komersyal, Institusyunal, Industriyal
9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng residual waste?
A. diaper
B. gulong
C. tuyong sanga ng punongkahoy
D. syringes
20
10. Mga halimbawa ng basura mula sa mga kabahayan maliban sa isa:
A. mga kemikal sa pabrika
B. mga lumang testpapers at mga libro
C. mga lalagyan ng pataba ng lupa
D. mga sirang appliances
11. Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.
A. Department of Science and Technology
B. Department of Transportation
C. Department of Environment and Natural Resources
D. Department of Education
12. Dahilan kung bakit patuloy na lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura
maliban sa isa.
A. patuloy na pagkasira ng lupang sakahan dulot ng El Niño
B. pagkawasak ng mga palaisdaan
C. pagdami ng subdivision at mall
D. pagdagsa ng suporta ng mga tulong para sa sektor ng agrikultura
13. Maraming epekto ang pagiging ningas cogon ng mga Pilipino tungkol sa 3Rs,
alin ang hindi kabilang sa mga ito
A. Nadadagdagan ang gampanin ng mga waste collector.
B. Patuloy ang pagtaas ng antas ng suliranin sa basura.
C. Nauubos ang mga kalat sa ating mga kabahayan.
D. Nalilinis ang ating mga kabahayan.
14. Maraming mga Non-Government Organization ang nangunguna sa pagbuo ng
mga programa upang mabawasan ang suliranin sa solid waste, piliin sa
sumusunod ang gumagamit ng mass media bilang platform sa kanyang
adhikain.
A. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation
C. Clean and Green Foundation
D. Greenpeace
15. Ito ay non–government organization na naglalayon na baguhin ang pananaw ng
mga mamamayan ukol sa ating pangangalaga sa kalikasan.
A. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation
C. Greenpeace
D. Clean and Green Foundation
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang
ikalawang paksa sa ating modyul. At handa ka nang harapin ang susunod na
modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang
aking pagbati!
21
Karagdagang Gawain
Gawain 1. Tsek Natin
Panuto: Lagyan ng tsek () ang nagpapakita ng iyong damdamin sa paglutas ng
suliranin sa solid waste. Sagutin ang gawain sa iyong sagutang papel.
______ 1. Maglagay ng tatlong basurahan sa loob ng ating bahay upang
mapatupad ang 3Rs bilang pasimula ng paglutas sa suliranin.
______ 2. Hayaan natin na sunugin ni nanay ang mga basura sa ating bahay.
______ 3. Ibukod ang solid waste na maaaring ibenta tulad ng dyaryo, mga lumang
notebook at mga bote.
______ 4. Gumawa ng compost pit sa likod bahay upang tapunan ng mga balat ng
gulay at prutas.
______ 5. Magtanim ng mga halaman gamit ang mga mineral plastic bottles.
______ 6. Pagsama-samahin ang mga lalagyan ng detergent powder, mga panlinis
ng banyo, mga bote ng gamot sa isang lugar sa ating bakuran.
______ 7. Gumawa ng mga bagong gamit mula sa mga bagay na ating naresiklo.
______ 8. Ang sirang appliances ay ipagbili sa mga tamang tao na may kaalaman
dito.
______ 9. Gumamit ng mga paper bag sa halip na plastic bag sa pamamalengke.
______ 10. Huwag makisali sa mga programa ng barangay ukol sa basura.
Gawain 2. News Reflection
Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong
matapos nito.
EDITORYAL - Basura ng Canada nasa Pilipinas pa (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am
HINDI natupad ang taning na bago mag-Mayo 15 ay maibabalik na sa Canada ang basurang dinala sa bansa noong 2013 at 2014. Puro pangako lang ang Canadian leader na sosolusyunan daw ang problema. Walang isang salita si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Dahil walang nangyayaring pagbabalik ng basura sa Canada, ni-recall na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng Pilipinas sa Canada at iba pang diplomat noong Biyernes. Kinabukasan, nasa bansa na ang ambassador bilang pagsunod kay DFA Sec. Teddy Locsin. Darating na rin ang mga consul at pati ang Labor attaché sa Canada ay nire-recall na rin.
22
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/05/20/1919278/editoryal-
basura-ng-canada-nasa-pilipinas-pa
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng artikulo?
2. Paanong inaksyunan ng pamahalaan ang hindi magandang pangyayari na ito?
3. Makatwiran bang madismaya ang Canada sa paulit–ulit na pag-uutos ng
Pilipinas na kuhanin ang kanilang mga basura. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Isang araw makaraang makauwi ang ambassador ng Pilipinas,
nagpahayag naman ng pagka-disappoint ang Canada sa mabilis na
aksiyon ng Pilipinas. Gumagawa naman daw sila ng paraan upang
masolusyunan ang isyu sa lalong madaling panahon. Nakikipag-ugnayan
na raw sila sa Philippine authorities ukol dito.
Ganito rin ang sinabi ni Trudeau noong Nobyembre 2017 nang magtungo siya sa bansa para sa APEC summit. Nag-usap sila ni President Duterte at sinabi ng Canadian leader na aaksiyunan na ang problema sa mahigit 100 containers ng basura na binubuo ng mga household at hospital wastes. Subalit walang natupad sa sinabi ni Trudeau.
Sa galit ni Duterte, nasabi niya sa Canada na huwag gawing basurahan
ang Pilipinas. Inatasan naman ng Department of Finance ang Customs na ibalik ang mga basura sa Canada bago ang Mayo 15. Walang nangyari sa taning sapagkat hanggang ngayon, nasa bansa pa ang basura.
Tama lamang na pauwiin ang mga diplomat sa Canada para malaman na hindi nagbibiro ang Pilipinas sa isyu ng basura. Maaaring binabalewala ni Trudeau ang bantang giyera ni Duterte at ang pananakot na hahakutin sa Canada at ikakalat sa beaches doon. Ngayong na-recall na ang mga diplomat, siguro naman matatauhan na ang Canada at kukunin na ang kanilang basura.
Huwag gawing basurahan ng Canada ang Pilipinas. Alam naman ng Canada na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala na basura sa ibang bansa. Isa sila sa lumagda sa Basel Convention ukol sa batas na ito. Huwag tantanan ang Canada hangga’t hindi naibabalik ang kanilang basura.
23
PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL
Gumawa ng isang balitang lathalian (feature writing) na nagpapakita ng iyong
natutuhan sa ating aralin. Maaaring lakipan ito ng larawan na makakaakit upang
basahin ang iyong balita.
Gamiting gabay ang mga tanong:
1. Paano nakakaapekto ang problema sa solid waste sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
2. Maglagay ng isang jingle sa iyong lathalain upang mahikayat ang mga
mamamayan na tumulong sa paglutas ng nasabing problema.
3. Tukuyin kung paano nasabi na sociological imagination ang suliranin sa solid
waste o basura at ang dahilan kung bakit maituturing na kontemporaryong
isyu ito.
RUBRICS PARA SA SANAYSAY (PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL)
Kraytirya Di - Pangkaraniwan
4
Kahanga - hanga 3
Katanggap - tanggap
2
Pagtatangka 1
1. Paksa Naipapaliwanag ng malinaw ang mga nasasaliksik
na relatibong detalye na may kaugnayan sa
paksa
Naipaliwanag nang malinaw
Naiugnay ang relasyon ng pang
– suportang detalye sa paksa ngunit di-sapat
Walang kaugnayan ang teksto sa paksa
2. Organisasyon Naisasaayos ng mabuti ang
pagkakasunud – sunod nang
mga detalye at nakapagprodyus ng isang kaaya –
ayang komposisyon
Naisaayos nang mabuti ang
pagakakasunud – sunod ng mga
detalye
Ang organisasyon ng mga ideya
ay hindi sunud – sunod at kulang
ang detalye
Hindi organisado ang Gawain
3. Grammar Nagpamalas ng mayaman at malawak na kaalaman sa paggamit ng mga salita at
wastong bantas.
Nagpamalas ng malawak na kaalaman sa
paggamit ng mga salita at
wastong bantas
Nagpamalas ng limitadong
kaalaman sa paggamit ng
mga salita at wastong bantas
Di angkop ang mga salitang
ginamit at mai ang paggamit ng
bantas
4. Tono ng sanaysay
Tumpak at angkop para sa
pormal na salaysay at
nagpamalas ng kahusayan at
tiwala sa sarili
Angkop para sa pormal na
sanaysay at nagpamalas ng
kahusayan
Nagpamalas ng limitadong
kaalaman sa paggamit ng
mga salita at wastong bantas
Di – wasto at di -angkop ang
sanaysay
5. Kayarian ng sanaysay
May matatag at malinaw na
argumento na sinuportahan ng
mahusay na pagsusuri ng
mga detalye at wikang ginamit
May matatag at malinaw na
argumento na sinuportahan ng
mahinang pagsusuri ng
mga detalye at wikang ginamit.
Simple ang argumento na
sinuportahan ng mahinang
pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit
Hindi mahusay ang argumento
at walang ginawang
pagsusuri sa mga detalye at wikang ginamit
24
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. A
2. A
3. B
4. A
5. D
6. B
7. C
8. A
9. A
10. A
11. B
12. B
13. C
14. A
15. B
BALIKAN
Lipunan
- Pamilya
- Pananampalataya
- Pamahalaan
-Social Group
- Gampanin
Kultura
-Norms
- Symbols
- Mores
Sociological
Imagination
- Ugnayan
- Isyung Personal
- Isyung Panlipunan
TUKLASIN
Ang mag-aaral ay
malayang sumagot
ayon sa kanyang
pagkakaunawa.
A. Tsart ng Solid
Waste
Ang mag-aaral ay
malayang sumagot
ayon sa kanyang
pagkakaunawa
B. WASTO O
DI– WASTO
1. W
2. D
3. D
4. W
5. W
6. D
7. W
8. D
9. W
10. W
C. BUBBLE MAP
Ang mag-aaral ay
malayang sumagot
ayon sa kanyang
pagkakaunawa
D. TAPAT-TAPATIN
1. B
2. F
3. I
4. C
5. G
6. D
7. A
8. H
9. J
10. E
E.SUMULYAP
AT MAGMASID
Ang mag-aaral
ay malayang
sumagot ayon sa
kanyang
pagkakaunawa
F. S.E.P
Ang mag-aaral ay
malayang sumagot
ayon sa kanyang
pagkakaunawa
TAYAHIN
1. D 6. C 11. C
2. A 7. B 12. B
3.C 8. D 13. B
4. B 9. A 14. A
5. A 10. D 15. C
ISAGAWA
Maaaring ibatay
ang pagtataya SA
JUNK ART sa
rubrics o gumawa
ng sarili ang guro
ISAISIP
Ang mag-aaral ay
malayang sumagot
ayon sa kanyang
pagkakaunawa.
TSEK NATIN
1 / 6. /
2. 7./
3. / 8. /
4. / 9. /
5. / 10.
25
Sanggunian
K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10: 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education.
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga
Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education
K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul 3.
2015. 1st ed. Pasig City: Department of Education
Modyul 2: Lupain Ng Ating Lahi.. n.d. 1st ed. Pasig City: Department of Education.
Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of
Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
National Solid Waste Management Status Report. 2018. Quezon City: Department of
Environment and Natural Resources.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]