Filipino Unang Markahan – Modyul 2
Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang
Aksyon, Karanasan at Pangyayari
10
Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas 2020
Department of Education- Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628
Pangkat na Bumubuo sa Modyul
Manunulat : Noeme Batoctoy, Juvelyn I. Puzon
Tagasuri : Ruel C. Arranchado
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino
ii
Filipino 10
Unang Markahan – Modyul 2
Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang
Aksyon, Karanasan at Pangyayari
iii
Paunang Mensahe
Para Sa Mga Guro o Facilitator:
Para lugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa mga Akdang Pampanitikang Mediterranean.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Mga Akdang Pampanitikang Mediterranean. Ang modyul na ito ay ginawa bilang
tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
iv
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
Susi sa Pagwawasto
v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Para sa Guro
Mahalagang magamit ng mga bata
ang magalang na pananalita sa pang –
araw - araw na buhay lalo na sa pagbati,
paghingi ng pahintulot, at pagtatanong ng
lokasyon ng lugar. Maaaring ito’y kanilang
simulan sa tahanan, paaralan at sa mga
kaibigan. Responsibilidad nating mga guro
na ituro sa ating mga mag – aaral ang mga
ito.
vi
Panimula
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/
myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat
ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong unang
panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Ang salitang
mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang
kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha
ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng
marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng
mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng
lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani,
tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may
kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang
naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at
sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa
kuwentong- bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa
ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at
Mindanao.
May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa
kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng
malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina
Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao
sa mundo. (kinuha mula sa Filipino10 Learning Material)
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-
64
• Nagagamit nang wasto ang gamit ng pandiwa (aksyon, karanasan at pangyayari)
sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
sa pagsulat ng paghahambing;
sa pagsulat ng saloobin;
sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at
isinulat na sariling kuwento
1
ALAMIN
Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:
1. nakilala ang angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari.
2. natutukoy ang angkop na gamit ng pandiwang gagamitin sa pangungusap sa
pagpapahayag ng opinyon/mensahe.
3. maayos at malinaw na naipapahayag ang saloobin sa mga katanungan mula sa
paksang tinalakay
JIGSAW PUZZLE (https://www.bookwidgets.com/a/widgets)
I. Panuto: May mga bilang ang bawat piraso ng larawan. Upang mabuo
mo ito, ayusin o buuin ito ayon sa tamang pagkakasunod- sunod
ng bilang. Isulat sa kwaderno o sa sagutang papel ang naging
tugon.
1._____________________________
Aralin
2
Nagagamit nang wasto ang
gamit ng pandiwa (aksiyon,
karanasan at pangyayari)
SUBUKIN
1
3
4
6
5 9
2 8
7
1
2
2. _______________________
PAGPAPALIWANANG
II. Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at ipaliwanag ang
inyong naging tugon. Isulat sa inyong kwaderno o sa
sagutang papel.
1. Kilala mo ba ang nasa mga larawan? Ano ang pagkakatulad ng
dalawang magkapares sa larawan?
2. Ano ang meron sa ibang mag- asawa na wala sa kanila at mahalaga ba
ito?
3. Bakit mahalaga sa mag- asawa ang magkaroon ng anak? Ipaliwanag
ang iyong saloobin.
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at
gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel
at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng
nararapat na marka.
1
3
2 7
6
8
4
5
3
PAGPIPILI-PILI
I.Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at isulat ang mga naging
tugon sa kwaderno.
1. Diyos ng kalawakan at panahon, kinikilalang hari ng mga diyos.
a. Apollo b. Neptune c. Jupiter d. Pluto
2. Tinuturing na diyosa ng kagandahan.
a. Psyche b. Venus c. Athena d. Juno
3. Kung si Cupid ay diyos ng pag- ibig sino naman si Psyche?
a. kagandahan b. kaluluwa c. karunungan d. katusuhan
4. Ang nagsabing “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.”
a. Cupid b. Psyche c. Venus d. Proserpine
5. Saang bansa nagmula ang kwentong Cupid at Psyche?
a. Norway c. Espanya b. Rome, Italy d. England
6. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
a. dahil kinuha ni Psyche si Cupid sa kanya
b. dahil sa kagandahan ni Psyche nakalimutan na siyang sambahin at
alayan ng mga kalalakihan
c. dahil mas pinaboran ng mga diyos at diyosa si Psyche
d. dahil mas makapangyarihan si Psyche kaysa sa kanya
7. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na
suliranin sa kaniyang buhay?
a.pagiging gahaman sa kayamanan
b.kawalan ng tiwala sa kanyang asawa
c.pagseselos na wala sa lugar
d.pagbigay ng mamahaling bato sa kanyang mga kapatid
8. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging
manugang si Psyche?
a. dahil susunod na si Psyche sa kanyang mga gusto
b. dahil napagtanto niyang mahal talaga ng kanyang anak si Psyche
c. dahil naging katulad na din niyang diyosa si Psyche
d. dahil napamahal na sa kanya si Psyche
BALIKAN
4
9. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
10. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal
batay sa mitong Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang
magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d.Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano
makaligtas sa halimaw na asawa.
Sinasabing ang anak ang siyang biyaya ng Maykapal sa magulang, kaya
gayun nalang ang pagnanais ng mag- asawang Wigan at Bugan na
magkaroon ng anak. Basahin natin ang kanilang kuwento.
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang
si Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi
pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-
momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”
TUKLASIN
5
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan
na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan,
pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang
diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,
dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan.
Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan.
Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta
Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng
lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.”
Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige
magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga
diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang
buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng
Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng
aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi
kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”
Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa
tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng
kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo
na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa
kung hindi ako magkakaroon ng anak.”
Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita.
Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo
ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa
hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay
narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba
pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa
labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.
“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay
upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang
5
6
magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo
dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami
nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.
“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin
natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong
baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon
ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak,
masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa
ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.
Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang
mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan
ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.
Mga Hamon sa Pag- unawa:
Panuto: Isulat ang inyong mga naging tugon sa iyong kwaderno o sa
sagutang papel.
1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?
2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?
3. Ano ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa mitolohiyang
ito?
4. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na
ang mga mitolohiya ng mga taga-Rome sa, mga mitolohiya ng
Pilipinas? Pangatuwiranan ang sagot?
5. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa
mitolohiyang “Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan
at Bugan”. Sagutin sa tulong ng dayagram.
Pagkakatulad
d
Pagkakaiba Pagkakaiba
7
Alam mo ba na….
iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayag ng
aksiyon, karanasan, at pangyayari.
GAMIT NG PANDIWA
1. Aksiyon, Kilos o Galaw
Kapag nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw ang pandiwa, lagi
itong may aktor o tagaganap ng aksiyon, tao man o bagay.
SURIIN
• Ang anak ay biyaya ng magulang gayundin sila sa atin. Hindi tayo makakapili kung sino ang maging magulang natin gayundin sila.
• Isang tunay, totoo at tapat ang pagmamahal ng magulang sa anak. Hindi man sila perpektong magulang gayundin ang anak.
• Tandaan gaya ng pagprotekta ng Panginoon sa kanyang mga anak gayundin ang mga magulang sa kanilang mga anak.
• Hindi mapapantayan ang kanilang pagmamahal gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin.
• Sa mga sakunang hindi natin inaasahan gaya ng naranasan natin na pandemic ay isa lang ang dapat tandaan maging mapagmatyag, sundin ang sinasabi ng gobyerno at bilang isang Pilipino kahit natatakot ay sinusubukan pa ring harapin ang mga pagsubok sa tulong ng Panginoon na magbibigay sa atin ng lakas.
• Kasama na sa ating kinagisnan ang mga paniniwala ng ating mga ninuno, mahalaga lang pagtibayin at huwag kalimutan ang pagka- Pilipino at ipagpapatuloy natin na alagaan at pagyamanin pa ang sariling atin
lalo na ang wika natin.
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos. b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
si Psyche Tumalim
a
Naglakba
y Pandiwa si Bugan Aktor
AKSIYON may aksiyon ang
pandiwa kapag may
aktor o tagaganap ng
aksiyon/kilos.
8
2. Karanasan
Nagpapahayag ng damdamin o saloobin. May tagadanas ang
damdamin o saloobin na inihuhudyat ng pandiwa
3. Pangyayari
May ipinahihiwatig na naaapektuhan ng naturang proseso o
pangyayari na karaniwang hindi sinadya o binalak. Tatawaging
“tagatanggap” ng proseso (o pangyayari) ang bagay na
naaapektuhan
Tandaan:
e. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid. f. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
Sumasaya ni Venus Naluno
d ang mga tao Pandiwa Aktor
PANGYAYARI
ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
PORMULA NG PANDIWA AYON SA GAMIT
PANDIWA Tagagawa ng kilos AKSIYON
Damdamin KARANASAN
Resulta PANGYAYARI
PANDIWA
PANDIWA
si Bumabacker ang lahat
c. Tumawa si Bumabacker sa paliwanag ni Bugan. d. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Tumawa Nalungkot
Pandiwa Aktor
KARANASAN
nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil
dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.
Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
9
(Mga pangungusap ay kinuha mula sa Filipino 10 Learning Material)
Pagsasanay 1: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang
papel. Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay
ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari.
______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang
pagmamahal kay Cupid.
______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
______ 3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang
lumayo na lamang.
______ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
______ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni
Venus kay Psyche.
______6. Patuloy na naglakbay si Bugan upang makita ang mga diyos.
______7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan
na puno.
______9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
PAGKURO- KURO
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Kung ikaw si Bugan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa dahil sa
hindi pagkakaroon ng anak? Bakit?
2. Sa iyong palagay tama ba ang pagpapakamatay dahil lamang sa hindi
nabiyayaan ng anak? Pangatwiranan ang sagot.
3. Bilang isang magulang balang araw o bilang isang kabataan paano mo
maprotektahan ang iyong pamilya kung may sakunang mangyari na
di mo inaasahan gaya ng pandemic na nangyari sa buong mundo?
Anu-ano ang iyong mga hakbang at dapat gawin para maging handa?
PAGYAMANIN
ISAISIP
10
4. Sa kasalukuyan marami na ang mag- asawang nagkakahiwalay at isa
sa mga dahilan nito ay hindi makakabigay ng anak ang kanilang
kapares, sa iyong pananaw sapat ba ito na dahilan na mawala ang
pagmamahal at maging sanhi ng hiwalayan?
5. Paano magagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri
nito?
JUMBLED LETTERS
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap at Isaayos ang mga
nakahalong titik (jumbled letters) upang mabuo ang sagot.
1. Dumaan si Bugan sa ANTIOP.
2. Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong BOBAY,
KONAM at LAKAWAB.
3. DA- UB ang ritwal na ginagawa uoang magka-anak.
4. Habang naghihintay si Bugan ay humiga muna siya sa SULONG.
5. Sa NGAYAKIN nakatira sina Bugan at Wigan.
6. Sinaluhan ni Bugan ang PINGAT.
7. Nakakita siya ng buwaya sa DAGUL.
8. Sa NAYANGA siya nakakita ng igat.
9. Ang MAMMO ang nginunguya ng mga matatanda sa Ifugao.
10. Pumunta si Bugan sa YONGIB ng sinimulan niya ang paglalakbay.
ISAGAWA
TAYAHIN
Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola sa inyong pamilya o komunidad.
Magpakuwento sa kanila ng mga mito (o iba pang kauri nito). Isulat at isalaysay muli ang
mito ayon sa iyong pagkakaunawa. Sikaping isaalang-alang ang iba’t ibang gamit ng
pandiwa upang mailahad nang malinaw ang mga pangyayari sa mito. Salungguhitan ang mga
pandiwa at isulat sa ibaba ng salaysay. Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang mga ito.
11
II. Panuto: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel.
Isulat sa inyong papel kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit
bilang AKSIYON, KARANASAN o PANGYAYARI.
__________1. Naglakbay si Ethan patungong Israel.
__________2. Sumisigla ang paligid sa tuwing ikaw ay nakangiti.
__________3. Labis na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng dayuhan.
__________4. Ginamit ni Rhylle ang lahat ng kanyang lakas upang maisalba
ang kanyang kasintahan sa tiyak na kapamahamakan.
__________5. Nasira ang bahay ng dahil sa malakas na lindol.
__________6. Nalumbay si Ana sa balitang nasagasaan ang kanyang alagang aso.
__________7. Umasa ang lalaki sa pangako ni Vina.
__________8. Hindi nakuntento si Alma sa ginawa niyang pagmamalupit kay
Aime.
__________9. Nabalisa si Aling Lea matapos malamang naaksidente ang
kanyang asawa.
__________10. Nagpakalasing si Zeke dahil sa problemang dinadala.
Panuto: Pipili ng isang tanong, sagutin at ipaliwanag ang inyong napili.
Gumawa ng isang slogan gamit ang pandiwa bilang AKSIYON.
Batay sa naunawaan mong mensahe mula sa mitolohiyang
“Nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan” paano mo ito maiuugnay
sa iyong sarili, lipunan, pamilya at pamayanan. Gamit
ang grapikong presentasyon.
Gumawa ng isang awit gamit ang pandiwa bilang KARANASAN.
Gumawa ng sariling tig-dadalawang halimbawa ng Aksiyon,
Karanasan, at Pangyayari at ipaliwanag.
pamilya lipunan
pamayanan
KARAGDAGANG GAWAIN
MENSAHE
sarili
12
Rubriks para sa Gawain:
Krayterya at
lebel
Pinakamahusay
(5pts.)
Mahusay
(4pts.)
Di- gaanong mahusay
(3pts.)
Tamang
paglahad ng
impormasyon.
Tama at nakakaintindi
sa kinanta at
naipaliwanag ng maayos
ang impormasyon ng
mensahe at sa awit.
Ang ibang
impormasyong
inilahad ay hindi
tugma.
Wala masyadong
impormasyong nailahad.
Pagpapaliwanag Buo ang loob na
ipaliwanag ang mensahe
ng gawain at sa pagbuo
ng awit.
Medyo kulang ang
pagpapaliwanag/
mensahe ng awit.
Hindi gaanong
naipaliwanag ang
mensahe ng gawain/
awit.
Presentasyon Organisado at may
kaayusan ang
presentasyon ng
mensahe.
Hindi gaanong
organisado ngunit
may kaayusan ang
presentasyon ng
mensahe.
Hindi masyadong
organisado at hindi
masyadong maayos ang
presentasyon ng
mensahe.
Magaling!
Binabati kita at
natapos mo ang
pag – aaral sa aralin
na ito. Sana ang
natutuhan mo
ngayon ay
gagamitin mo sa
pang - araw - araw
na buhay.
13
JIGSAW PUZZLE
1. 1, 4, 3, 5, 7, 2, 6, 9, 8; Heart Evangelista & Chiz Escudero;
2. 1, 2, 8, 5, 6, 4, 6, 7; Sarah Geronimo & Matteo Guidecilli
PAGPAPALIWANAG
1. Opo, mag- asawa
2. mag- asawang wala pang anak
3. Ang anak ang biyaya ng Panginoon at nagbibigay ng karagdagang kaligayahan sa mag- asawa.
PAGPIPILI-PILI
1.C 2. B 3. B 4. B 5. B 6. B 7. B 8. C 9. C 10. B
MGA HAMON SA PAG-UNAWA
1. Mag- asawang nais magkaroon ng anak.
2. Opo, dahil wala silang anak ni Wigan.
3. Paniniwala at pagpapahalaga sa pamilya.
4. Nakakaapekto ang mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga diyos at diyosa sa mga ritwal na gawin kapag
may mga okasyon/handaan.
5. Paghahambing
Pagkakatulad
Mitolohiya
Mag- asawa
Parehong nagpapakita ng pagpapahalaga ng bawat isa
Pagmamahalan
Napagtagumpayan ang mga pagsubok upang makamit ang ninanais
Pagkakaiba
Nakikipagsapalaran si Bugan upang magkaroon ng anak.
Ipinaglaban ni Psyche ang kanyang pagmamahal kay Cupid.
Ipinapakita ni Psyche ay matatag sa kabila ng kanyang kahinaan.
Ipinipakita ni Bugan ang kanyang kahinaan ngunit sa kabila nito ay nagtagumpay pa rin siya sa kanyang
nais.
PAGYAMANIN
1. Aksiyon 6. Aksiyon
2. Karanasan 7. Karanasan
3. Karanasan 8. Aksiyon
4. Karanasan 9. Aksiyon
5. Karanasan 10. Pangyayari
PAGKUKURO- KURO
Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad ng tama ang mga
mensahe ng kanilang opinyon.
JUMBLED LETTERS
I. II.
1. Poitan 6. Pating 1. Aksyon 6. Karanasan
2. Baboy, Manok at Kalabaw 7. Lagud 2. Karanasan 7. Aksyon
3. Bua-ad 8. Ayangan 3. Karanasan 8. Karanasan
4. Losung 9. Momma 4. Aksyon 9. Karanasan
5. Kiyangan 10. Ibyong 5. Pangyayari 10. Pangyayari
KARAGDAGANG GAWAIN
Tanggapin ang lahat ng mga sagot/tugon ng mga mag-aaral at bibigyan ng mark ana naaayon sa binigay
na rubriks.
SUSI SA PAGWAWASTO
14
Sanggunian
Filipino Grade 10 Learning Module
Google Internet Information tungkol sa paksa
Youtube
*http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/nagkaroon-ng-anak-sina-wigan-at-
bugan.html
Youtube
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]
15