Aso at Pusa 1
May Akda:SHELLEY JON LOURDE G.TURINGAN
Isang araw si aso ay naglalakad at tiyempo na nakasalubong niya si pusa.Sa di
sinasadyang pangyayari sinakmal ni pusa si aso.At sa sobrang pagtataka at pagkagulat
tumalilis ito ng takbo at hinabol niya si pusa.Walang patumangga
angpaghahabulan nila at sa wakas naapuhap niya si pusa.Inaway niya ito nang
biglang dumating si oso para sila awatin.Nahirapan si oso na sila ay awatin subalit nagtagumpay pa din siya sa pag-
awat sa dalawa.Pinagbati niya ang mga ito at pinangaralang ang pakikipag-away ay di
magandang Gawain.
Magandang ugali.At magmula noon silang tatlo ay masayang nagsama-sama at di na muli pang nakaroon ng iringan o awayan.
Mga tanong:
1.Ano ang pamagat ng kuwento?
2.Sino ang sumulat ng kuwento?
3.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4.Ano ang ginawa ni pusa kay naso na nananahimik na naglalakad?
5.Gumanti ba si aso?Ano ang ginawa niya?
6.Sino ang biglang dumating para awatin ang dalawa?
2
7.Ano ang pinangaral ni oso sa dalawa?
8.Maganda ba ang naging resulta ng pagbabati ng dalawa?Bakit?
3
Ang Isang Batang Babae
AKDA NI SHELLEY JON LOURDE G.TURINGAN
GRADE III PUPIL SA JOAN OF ARK MONTESSORI INTEGRATED SCHOOL
Sa isang nayon na malapit sa dagat may isang batang babae na nagngangalang Alisa
na sobrang mahiyain sapagkat palagi siyang binubuska ng mga kaklase na anak-
dagat sapagkat ang buhok niya ay kulay mais at ang kulay niya ay nahahawig sa
kulay ng tsokolate.Mabait na bata si Alisa,masunurin at masipag mag-
aral.Walang utos ang kanyang ina na di kaagad nasunod ni Alisa.Kahit siya ay abala
sa paglalaro sa labas ng bahay.
4
Isang tawag lamang ng ina ay agad na tumatalima si Alisa.
Minsan habang nakikipaglaro siya sa batang kapitbahay,may batang salbahe na tinisod si Alisa,nagalit siya at ginantihan ang batang salbahe,Natanaw ito ng nanay niya at dinaluhan ang anak.Kinausap niya ang tumisod sa anak,Sinabi ng bata na naiinis siya sa anak nito dahil ito ay mukhang ulikba.Sa halip na patulan nito ang sinabi ng bata,pinagsabihan na lamang ito na ang bawat tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos hindi siya dapat nag-aapi ng kapwa.Sa pagkapahiya ay tumungo lamang ito at humingi ng pasensiya.
5
Magbuhat noon ay di na ginawa pang muli ng bata ang pananakit sa kapwa.Siya ang nagtatanggol kay alias kapag may batang ibig na manukso o tumutukso kay alisa.
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng kuwento?
2.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3.Sino ang may akda ng kuwento?
4.Ilarawan mo si Alisa?
5.Ano ang ginawa ng bta sa knaya habang siya ay naglalaro?
6.Ano rin ang ginawa ni Alisa sa batang tumisod sa kanya?
6
7.Ano ang Ginawa ng nanay nya sa bata?
8.Nagbago ba ang batang salbahe?Bakit?Ipaliwanag
7
Si Bilmar
Kuwento ni Shelley Jon Lourde G.Turingan.nasa Ikatlong Baitang sa Joan of
Ark Montessori Integrated School,Naic Cavite
Isang hapon si Bilmar ay inutusan ng kuya niya na bumili ng sibuyas sa tindahan para
sa lulutuin nitong Beef Steak.Pinadala sa kanya ang perang buo na nagkakhalagang isangdaan.Sumunod kaagad siya.Sampung piso ang halaga ng sibuyas na binili niya at ang sukli na inabot sa kanya ay di na niya binilang.Pagkauwi inabot niya sa nanay
niya ang sukli,nang bilangin ito ay sobra ito ng isang daan,ang ibig sabihin naisama pala
sa sukli niya ang perang ibinayad niya.
8
Hindi alintana ng nanay nya ang sobrang pera.kaagad itong isinilid sa bulsa,Hindi na kumibo si Bilmar subalit gabi na ay di pa din siya mapalagay.Hanggang nakatulugan nya ang pag-iisip sa sobrang sukli.Kinabukasan pagkagising nya,kaagad nyang kinausap ang ina upang hingin dito ang sobrang sukli,Nang una ayaw ibigay ang sukli subalit ipinaliwanag niya na katumbas din ng pagnanakaw ang pag-angkin sa bagay na hindi laan para sa kanya,Napahiya ang ina sa kanyang inasal at kapagdaka ay niyaya si bilmar nito kaagad isinauli sa tindahan ang sobrang sukli.Ikinuwento ng ina sa ama nito ang kgandahang asal na ginawa niya at taas noo ipinagmamalaki nila ang kanilang anak.
9
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng Kuwento?
2.Sino ang sumulat ng kuwento?
3.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4.Sino ang nag-utos kay Bilmar?
5.Ano ang pinabili sa kanya?
6.Ano ang napansin nya ng isinauli ang sukli sa ina?
7.Bakit di mapalagay si Bilmar?
8.Pagkagising niya ano ang kaagad nyang ginawa?
9.Pumayag ba kaagad ang nanay niya?
10.Paano nya itong napapayag na isauli ang sukli?
10
11.Ano ang nagging pakiramdam nng mga magulang niya sa kabayanihan na ginawa niya?
12.Gagayahin mob a si Bilmar?Bakit?
11
Ang Batang Muslim:Alhannahcris
Isinulat ni Shelley Jon Lourde G. Turingan-batang nasa Ikatlong Baitang ng paaralang Joan of Ark Montessori Integrated School
Ang batang muslim na si Alhannacris at ang kanyang pamilya ay sapilitang lumisan sa probinsiya ng Marawi kung saan sila ay
namumuhay ng tahimik at marangya sapagkat sila ay may kilala doon sa
pagluluto ng mga pagkaing muslim na mabiling-mabili sa buong
probinsiya.Nakapagtayo na ang pamilya nila ng mga branches sa mga karatig na
lalawigan.Nang sumiklab ang kaguluhan ng MAUTE ISIS ang kanilang mga negosyo ay tuluyan nang naipasara at ng dahil wala na
rin mag-aasikaso sa mga branches nito
12
ay ipinagbili na rin sapagkat wala ng magbabantay .Malungkot na malungkot si Alhannahcris na sakay ng isang eroplano patungo sa Luzon.Kung saan sila ay hahabi ng panibagong buhay.Sila ay napadpad sa bayan ng Cavite.Lumipat siya sa isang paaralan dito,sa Paaralang Elementarya ng Tejero,ikatlong baitang.Nang una hindi niya maabot ang uri ng pamumuhay at pakikisalamuha sa mga bagong kamag-aral sapagkat hirap siyang managalog.Subalit sa tulong ng mga tao na matiyagang nagtuturo sa kanya ay unti-unti niyang natatanggap na ito na ang bago niyang buhay.Nakilala niya dito ang bagong kaibigan,si Izabella Joy,madaldal si Izabella Joy kaya siya ay
13
masaya na rin ngayon.Subalit mayroon din mga pagkakataon na kapag sumapit na ang gabi at oras nang tulugan ay hindi makatulog si Alhannacris dahil natatakot siya para kasing may mga putok ng baril at bomba na umaalingawngaw sa kanyang tainga o kung makatulog man siya sa kanyang balintataw ay naroon ang panganib,bigla na lamang siyang sumisigaw sa takot.Nag-aalala na ang kanyang mga magulang kaya pinatingnan sa doctor ng kanyang ina si Alhannacris.Nang mabalitaan ni Izabella Joy ang nangyari sa kaibigan ay ipinagbigay-alam agad niya ito kay Teacher Gie.
Hapon,sa ganap na ikaapat ay nagpasya ang buo nilang klase na dalawin si
14
Alhannahcris.Tuwang-tuwa ang mga kaanak niya.Ang pagmamalasakit ng mga kamag-aral ay malaking tulong sa pagbabalik ng ngiti sa labi ni Alhannahcris.May nagdala sa kanya ng mga babasahin o kuwento,mga laruan,prutas at iba pang pagkain habang siya ay nagpapagaling.
Ang kaibigan nya na si Izabellbell ay walang sawa na siya ay pinupuntahan bago siya umuwi,sapagkat magkalapit lamang sila ng bahay.
Natutuhan ni Alhannahcris na ang pagkakroon ng isang kaibigan ay napkahalaga na higit pa sa yaman na kanyang tinatamasa noong siya ay nasa Marawi pa.Higit palang mahalaga ang pagkakaroon ng katahimikan ng isip at buhay kaysa mga rangya sa buhay.
15
Kaysa mga rangya sa buhay.
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng kuwento?
2.Sino ang bata na sumulat ng kuwento?
3.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4.Saang bayan nanggaling ang pamilya ni Alhannahcris?
5.Saan lugar sila napadpad?
6.Saan paaralan muling nag-aral si Alhannahcris?
7.Ano ang pangalan ng bagong kaibigan na nakilala nya sa bagong paaralan?
16
8.Masaya ba siya sa bago niyang mundo?Bakit?
9.Ano ang masamang nangyari kay Alhannah?Ikuwento mo?
10.Paano niya natakasan ang masamang bangungot na gumgambala sa kanya?
11.Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan?
17
Eldane Anjelou,ang Bibong Beybi ni Tita Dang
Isinulat ni Shelley Jon Lourde G.Turingan,bata sa Ikatlong Baitang ng Joan
Of Ark Montessori Integrated School
Ang Bayan ng San Jose City ang bayan naming kung saan bihira lamang ako
makapunta;pasko lang;bakasyon at uyaong isa napakalungkot pa na pangyayari kinuha
na si nanay ni Lord si nanay Lourdes.Lourdes iyan ang pangalan ng nanay ko,lola ko nanay ni mama.Unique di ba?Ang
pangalan ko ay Shelley Jon Lourde.Ang Isang anak ni tita ko Sonny,Rada Lour naman ang pangalan,si Ten-Ten.O di ba tatlo pala kami na may pangalan na hango sa “Lourdes” at
siya ang isa na may pangalan na may Lou, 18
ELDANE ANJELOU GUMABON SICAT
ELDANE ANJELOU GUMABON SICAT
ELDANE ANJELOU GUMABON SICAT
Pinsan ko na bibong- bibo si Eldane Anjelou,Deng-Deng for short.Dalawang
taon o wala pa yatang dalawa noon nang makita ko siya.Ako Grade 2 na.
2016 iyon.Pumunta kami sa R.Eugenio St.San Jose City,Nueva Ecija.Nang andoon na kami sa bahay nila nanay pinagmamasdan ko si Deng-Deng,hapon iyon.Di pa siya masyado marunong lumakad pero ang galing niya.Nilalaro siya ni Tita Lanie,sumasayaw,kumakanta kahit walang letra at mahusay manggaya sa gagawin ni tita at higit sa lahat sumusunod at sumasagot sa gusto ni tita;ito iyon:”Bog!Dead!Ahh!”,ang kinatuwa ko labas pa dila niya at sabay-sabay
19
na nagtatawanan ang lahat.Si Deng-Deng ang buhay naming laruan.Para siyang matanda
kapag tinawag sasagot,”Uuuuhh!”pag inulit Ang tawag,manggugulat siya,”Waaahhh!”
Minsan naman ng naglalaro ako ng tablet pinuntahan niya ko sa kuwarto,para niya kunin ang tablet binigay ko sa kanya ang Talking English ko,encyclopedia ko na pag tinapat ang talking pen nagsasalita,itinuro ko sa kanya ang paggamit.Matalino talagang bata,mabilis nuyan natutuhan ang paggamit ng lapis na nagsasalita.Natuon ang pansin ko sa kanya ginagaya niya ang sinasabi,”ha!ha!ha! Bibong-bibo!”
Nang umuwi na kami sa Cavite,hinihiram ko 20
ang cellphone ni mama,nakakausap ko si Deng-Deng,mahusay,”Ate,Kamusta,ang gagawa mo?pag sumagot ako nakaupo Bakit daw ako nakaupo?Para bang kaharap lang niya ko pag kausap ko.
Siguro paglaki ng beybi ni tita maraming-maraming medalya ang iuuwi niya.Sabik na sabik na nga ako na Makita siya.
August 12 na ngayon 2017,ilan araw na lang
Uuwi na kami sa San Jose,sabi ni mama October daw,di na ako makapaghintay parang ang tagal-tagal.Dalawang buwan pa.Magbibilang na ako sa kalendaryo.Makikita ko na rin ang pinsan kong bibong-bibo.Sobra na daw sa daldal sabi ni tita Winnie. 21
sabi ni tita Winnie.
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng Kuwento?
2.Sino ang sumulat ng kuwento?
3.Sino-sino ang mga nabannggit na mga tauhan sa kuwento?
4.Saan ginanap ang kuwento?
5.Saan hango ang pangalang Eldane Anjelou?
6.Ano ang pangalan ng batang bibong-bibo sa kuwento?
7.Paano napapasaya ni Deng-Deng ang buong pamilya?
22
8.Sa iyong palagay bakit isinulat ng may akda ang kuwentong ito?
9.Bakit naniniwala ang may akda na baling araw ay mag-uuwi si Deng-Deng ng maraming maraming medalya?
10.Paano nasabi ng may akda na matalino si Eldane Anjelou?Ipaliwanag.
11.Bakit sabik na sabik na umuwi ang may akda sa San Jose City?
23
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral
NI SHELLEY JON LOURDE G.TURINGAN
Pag-aaral ay mahalaga
Huwag natin ipagwalang-bahala
Kinabukasan natin tiyak na masisira
Bigyan-pansin natin!
Mahalin!
Nang ang imbing pangarap,kaya nating abutin.
Bawat araw sa paaralan ay katumbas ng butil ng palay
kapag hindi dinilig hindi dadaloy ang buhay.
Magsumikap ka bata
24
Isakatuparan mo,
Magbata ka!
Sa ikatutuwa ng magulang mo
Ano man bagay na pinaghirapan ay may laan kaginhawan
Aanhin mo ang saya sa paglalaro buong maghapon kung ang kapalit nman nito ay
buo mong buhay
Bawat pangarap ay atin matutupad
Kung ang aapuhapin mo ay aklat
Hindi yoyo,hindi laruan na walang kabuluhan
Hindi k aba natutuwa na balang araw ikaw ay tatawaging,”Sir,Ma’am”
25
Hindi ba’t nakalulugod sa puso ninuman na ikaw ay dakilain baling araw nang dahil lang ito sa pagsisikap mo araw-araw na bigyan halaga ang iyong pag-aaral!
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng tula?
2.Sino ang sumulat ng tula?
3.Ano ang binibigyan diin sa tula?Bakit?
4.Ano ang magiging kapalit kapag ang isang bata ay nagsikap sa pag-aaral?
5.Ano ang mensahe ng Tula?
26
Ang mga Alamat na isinulat ni
Shelley Jon Lourde G. TuringanGrade III
Joan of Ark Montessori Integrated School
27
Paunang Tanong:
-Ano ang alamat?
-Ano matibay na basihan ng pagkakaroon ng alamat ng anuman o alinmang bagay?
-Nakawiwili ba ang pakikinig sa mga alamat?
-May mga alamat ka na bang narinig mula sa inyong bayan?
28
Ang Dahilan ng Pagputok ng Bulkang Pinatubo
Sa isang malayong bayan na kanugnog ng Pampanga ay may may isang bahay
na nakatayo malapit sa gilid ng balon,isa itong kubo.Dito ay may
naninirahang matandang babae na halos puti na lahat ang buhok.Ayon sa mga taong nakatira dito ang babae ay isang mangkukulam.Kaya ilag ang tao
dito.Minsan may mga biyahero na napadpad
sa bayang ito upang mamili ng sari-saring gulay ay narating nila ang lugar
kung saan nakatira ang matandang 29
Babae kung saan nakatira ang matandang babae,sapagkat tila
hinahatak ang mga paa nila para taluntunin ang masukal na daan
patungo sa kubo.Nang kanila nang marating ang lugar sila ay namangha sapagkat hitik na hitik sa bunga ang bawat gulay na nakatanim sa maluwang na bakuran.” Tao po! Tao po! Tao po! “ Malakas nilang tawag upang ipagbigay-alam sa may ari na naroon sila upang pakyawin ang mga gulay na tanim ni na dadalhin sa karatig bayan sa bayan ng San Jose.Dahan-dahan ay biglang bumukas ang pinto na yari sa kawayan,lumalangitngit pa ito.” Sino po
kayo? “, takang pagtatanong ng matanda.Sumagot ang mga biyahero na nabagtas nila ang lugar ng matanda at sila ay interesado na bumili ng mga tanim nito.Ngumiti ang matanda ng malaman na bibili na ng mga tanim niya sapagkat siya ay nangangailangan ng pambili ng gamot at iba pang kailangan sa bahay.Ang mga gulay na tulad ng sitaw,talong,ampalaya,kamatis at iba pa ay binyaran sa kanya ng mga biyahero.Bago umalis ang mga biyahero ay tinanong niya ito,” Hindi ba kayo natatakot sa akin? “ Buong pagtataka na sinagot siya ng mga ito,”Bakit po kami matatakot lola,e napakabait at gaan po ng pagtanggap ninyo sa amin.”Ngumiti nang matanda at ikinuwento sa kanila ang ang ginagawa ng
mga tao na nakapaligid sa kanya na isa siyangmangkukulam,sapagkat sa halip na humingi ng gulay sa kanya ay pinagnanakawan pa siya ng mga ito;kanya raw pinarusahan ang mga ito na maghihirap. Mula noon walang mga tanim ang mga taong ganid at sakim na kumukuha ng di nila pag-aari.Napagtanto ng mg biyahero na ang babae pala ay diwata na nakatira sa Bundok Pinatubo na siyang nagbabantay ng gubat at kabundukan.At doon sila hinila ng kanilang mga paa.Nang nagalit pala ang diwata ay iyon araw ng pagputok ng
32
Pinatubo na naminsala sa halos buong bayan ng Pampanga.At simula noon ay ngayon lamang muling nagpakita ang diwata sapagkat mayroon pa rin palang tao na mabubuti ang loob.sila ay binasbasan sa kanilang paglalakbay.
Ngayon ang bayan ng Pampanga ay unti-unti ng bumabangon sa pinsala na dulot ng pagsabog ng bulkan.Natutuhan na nila ang pagtotroso sa bundok ay tigilan at magtanim na lamang ng palay at iba pang gulay na maipagbibili sa mga karatig baryo.
33
Nang bumalik ang mga biyahero sa lugar ay wala na ang balon sa halip ay bulkan ang nakatayo ditto at isang kubo sa paanan nito.Hindi na muli pang pumutok ang bulkan.
34
Bakit Kambal Ang Pagtubo ng Sibuyas na Tanduyong?
Isinulat ni Shelley Jon Lourde G.Turingan,bata sa Ikatlong Baitang ng
Joan Of Ark Montessori Integrated School,Naic Cavite
Noong unang panahon,ang bayan ng San Jose City ay di pa kilala sa isa sa may
pinakamalaking produksiyon ng sibuyas na tanduyong na tinatawag na pickles,na ineexport sa sa kalapit na bansa tulad ng
Vietnam,Indonesia at China.
Sa tuwing itatanim si Tanduyong ay masaya siya sapagkat alam
Niya na matutuwa na naman si mamang magsasaka sa araw na siya ay aanihin na.Dumating na ang araw ng anihan,lungkot na lungkot si Tanduyong dahil walang pumapansin sa kanya sa pamilihan sa tuwing siya ay idinadala na doon.Umuuwi si mamang magsasaka na malungkot sapagkat wala siyang kinita at walang kakainin ang pamilya niya.Paano ba naman sobrang liit si Tanduyong malaki lamang siya ng kaunti sa buto ng duhat.Naaawa na si Tanduyong sa magsasaka kaya ng gabi na kabilugan ng buwan at siya ay nasa isang malaking sako na nakalatag sa parang,kinakausap
Ni Tanduyong ang sarili niya.”Paano ko matutulungan ang amo ko na makaahon sa hirap gayong ako ay sobrang liit,walang bumibili sa akin.”Halos magpalahaw na sa kaiiyak si Tanduyong sa sa paghingi ng tulong sa Bathala.
Biglang siyang natakot ng magliwanag ang puno ng manga na malapit sa lugar niya. “Huwag kang matakot anak ko,ako ang diwata ng mga halaman sa parang na ito,naparito ako par aka tulungan,tawagin mo na lang akong Diway ang ibig sabihin ay diwata ng mga gulay at halaman.Ikaw ay gagantimpalaan ko sa kagandahang
loob mo.Sa susunod na taniman ay itatanim kang muli ni Ginoong Magsasaka at sa iyong pagtubo ay sanga-sanga na at kabit-kabit ang bunga mo.”Biglang nawala ang liwanag at nakatulugan ni Tanduyong ang sinabi ng diwata.
Sumapit ang araw ng taniman,nangutang muli ng puhunan ang amo niya,nagbabakasakali na siya ay makabenta nab aka lumaki na ang butyl ng sibuyas na itatanim niya.Masayang nagtanim ang magsasaka,di niya alintana ang pagod.At sa wakas dumating na ang araw ng anihan.Nang bungkalin ang tanim
Laking tuwa nito na nagtataka na paano tumubo ng kabit-kabit at malalaki na ito.Sabi niya sa sarili niya kikita na siya sa oras na maidala ito sa bagsakan o pamilihan.Lihim na ngumingiti si Tanduyong natupad an gang kanyang kahilingan.
Araw ng pagdadala kay Tanduyong sa pamilihan.May isang esyranghero na nilapitan ang tinda niya isa pala itong Indonesian at kinausap siya na bibilhin lahat sa malaking halaga ang mga produkto nya,Simula noon lumaganap na sa buong Luzon ang pag-eexport ng sibuyas na ito.Umalwan na ang buhay ng
mga magsasaka na nagtatanim ng sibuyas na TANDUYONG sa San Jose City.
Lumipas ang panahon,nagkaroon ng natatanging festival na ginaganap tuwing ikatlong lingo ng Abril na matatapos ng Mayo 1- araw o Kapistahan ni San Jose,patron ng San Jose,bilang pasasalamat sa masaganang ani ng Tanduyong,ito ang Tanduyong Festival.
40
Mga Tanong:
-Ano ang pamagat ng alamat?
-Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
-Bakit malungkot ang magsasaka ng idala sa pamilihan si Tanduyong?
-Ano ang naramdaman ni Tanduyong ng Makita niya na naghihirap na ang amo nya?
-Sino ang tumulong kay Tanduyong?
-Ano ang gantimpala n abinigay sa kanya ng diwata?
-Ano ang pangalan ng diwata?
41
-Ano ang naramdaman ni Tanduyong sa sinabi ng diwata sa kanya?Bakit
-Nang anihin,ano ang napansin ng magsasaka?
-May pumansin na ba kay Tanduyong ng idala na siya sa pamilihan?paano siyang napansin?
-Sino ang bumili sa kanya?
-Simula noon anon a ang nagging buhay ng magsasaka/
-Ano ang mensahe ng kuwento?
42
Ang Bayani ng Buhay koSHERLITA G. TURINGAN
Araw-araw sa tuwing sasapit na ang ika-4 ng umaga,abalang-abala na si
nanay.Pabalik-balik siya kasi wala kaming sariling serbisyo ng tubig nakikitap lang kami sa kapit-bahay at medyo malayo ito kasi me dadaanan pang isang bahay bago makarating doon.Aminado ako,masipag si
nanay kasi umaga pa lang hinahanda na niya ang pagkain naming kasi papasok pa kami.Hindi pa tumitilaok ang manok
rumerepeke na ang bibig ni nanay nang paggising sa amin magkakapatid.Kahit na antok pa ako babangon na ako kasi may
pang alas 7 akong klase at si nanay maaga siyang pumapasok,taga bukas yata ng gate sa paaralang kung saan siya nagtuturo sa ikaapat na baitang,pangkat Balagtas.Sa pagbibigayan ng award sa early bird panalo na ang nanay ko diyan,Most punctual talaga siya dedicated sa work,best teacher din ,kasi akalain mo tinambakan ng mga batang non-reader;at proud ako napatino na niya napabasa pa niya ang mga batang iyon.Super!
Nang bumangon ako,ang bahay naming basing-basa kaya araw-araw rin akong naglalampaso kada umaga bago ako
Pumasok.Kada tanghali ako na ang nagsasaing kasi alam ko na may uwi nang
ulam si nanay;maaga naman akong nakakauwi e,10:30 wala na akong
klase.Palagi akong pinapagalitan ni nanay na kalian ko lang naunawaan kasi
pumapasok ako na ballpen lang ang dala ko at kapag may quiz saka pa lang ako
manghihingi ng papel.
Hanggang sumapit na ang huli kong semester sa college.Magtatapos na pala ako.Parang kailan lang sukal na sukal sa loob ko ang kurso na pinakuha ni nanay
45
Eto na ako ngayon,malapit nang matapos.Unti-unti natatanggap ko ang mga bagay na pinangaral ni nanay,bayani talaga siya!Nakakakulili ng tainga sa tuwing nababarkada ako ,kapag hindi raw ako makatapos batya at timba ang makakapiling ko sa buong buhay ko.Mabuti na lang kahit ayaw ko ng kursong ito nappagtiyagaan ko,salamat sa bayani sa buhay ko na walang sawa na nagdadadaldal sa tuwing nawawala ako sa alignment.At least,eto makakatapos na ako.Ang sarap ng pakiramdam student –teacher na ako.Kapag tinatawag na palang “MA’AM” nakakataba ng puso.
46
Graduation Day na pero tanghali na wala pa akong toga,kasi walang pera si nanay humanap pa siya ng pambayad na P350 sa graduation fee.Nakadama ako ng awa kay nanay gagawin talaga ang ang lahat para sa mahal na anak.Nang hapon ding iyon sa ganap na alas dos may toga na ako pero wala pa akong white shoes.Alas 4 pa naman ang graduation baka may inorder si nanay.Oo nga,meron!
Alam ko kahit hindi sabihin ng bayani ng buhay ko kitang-kita ko sa labi niya na nagmamalaki siya gagraduate na ako.
47
Oras nang pagtatapos,lalo kong napaligaya si nanay kasi kahit paano may award ako.
Ngayon na nasa serbisyo na rin sa tuwing maaalala ko ang sakripisyo ni nanay,alam
ko na ito ang gusto niya para sa akin kasi,totoo pala talaga,hindi batya at timba
ang kapiling ko,eto,gumagawa ako ng marka ng mga eskwela ko.
Ang lahat ng tinatamasa ko ay utang kong lahat kay nanay,saan man siya naroroon
ngayon alam ko na masaya siya kasi kaming mga anak niya may narating.
Bayani ka talaga nanay!
48
Mga tanong:
49
- Ano ang mensahe ng kuwento?
50
Ang Bunga ng SakripisyoSherlita Eugenio Gumabon Turingan
Tuwing hapon,habang ako ay abala sa pagluluto,may bata akong naririnig na sumisigaw ng,”Gulay!Gulay! “Matiyaga niyang nilalako bahy-bahay ang mga
gulay na hinahanda ng nanay niya para kinabukasan,may pera siyang babaunin sa paaralan.Malapit lamang sa kanilang lugar ang paaralan kaya
nilalakad lamang niya ito.Maaga siyang umaalis ng bhay para hindi siya mahuli at may baon-baon na rin siyang pagkain para kung mainit sa tanghali
hundi siya mag-amoy pawis.Masipag rin siyang mag-aral at walang inaaksayang oras.
Ganyan ang pinagkakaabalahan ni Jon sa loob ng mahababg panahon.Nasaksihan ko ang mga pagtitiyaga niya sa idad na 7 taon,halos
hindi niya nga mabitbit ang basket na pinaglalagyan ng tinda niya.Hanggang nasa hayskul na siya ay wala pa rin sawa sa pagtitinda.Hindi siya nahihiya ang katwiran niya ang lahat ng hirap at pagod ay hindi bumubukol.Nasa kolehiyo na siya ay nagtitinda pa rin siya,hanggang siya ay makatpos ng
kursong Engineering.
Sa tulong at awa ng Diyos,nang maipasa niya ang Board Exam ay agad siyang na-empleyo sa munisipyo.Subalit ang paglalako ng gulay ang puhunan niya
sa pagtataguyod ng kanyang pag-aaral,naisipan niya na magtayo ng tindahan ng gulay sa lugar nila at nadagdagan na ito,may mga kaunting grocery at
karne ng baboy at baka na naisama sa pagtitinda ng gulay.
Isang hapon umuulan,biglang nagbalik-tanaw si Jon sa nakaraan niyang buhay.Hindi niya namalayan na siya pala ay lumuluha na sa tagumpay na knyang tinatamasa ngayon.
Nabasag ang pagmumuni –muni ni Jon ng biglang may batang lumapit sa kanya para umangkat ng ititinda niya.Ang sabi ng bata ay wala siyang babaunin sa paaraalan kung hindi siya magsisikap na humanap at gumawa ng paraan.Nangiti si Jon sapagkat parang nakikita niya ang kanyang sarili sa batang nasa harapan niya.Hindi nagdalawang-isip si Jon na bigyan ng paninda ang bata sapagkat alam niyang sa pagdating ng panahon ay magkakaroon din ng bunga ang alinmang sakripisyo na nilalangkapan ng tibay nang loob,tiyaga at pananalig sa Diyos.Magmula noon ay nagging suki na niya ang bata na ngayon ay hayskul na rin.
Kaysarap ng pakiramdam na ang pangarap ay natupad sa bunga ng walang kahulilip na sakripisyo.
Yumaman si Jon at bilang pasasalamat sa may likha ang sinuman humingi ng knyang tulong ay hindi niya tinatanggihan.
52
Mga tanong:
53
A K L A T
Shelley Jon Lourde G.Turingan,Grade III SA Joan of Ark Montessori Integrated School
A-ng bawat salita,pangungusap o parirala ay matamang nakalimbag upang basahin mo hirang
K-atalinuhan at karunungan ay ganap mong makakamtan
L-ahat ng adhikain mo sa buhay ay tiyak na matutupad
A-ng iyo lang isaisip,ako ay kaibigan na iyong makakausap saan man sulok sa daigdig nais mong
pumunta,sa iyong pag-upo sa pupitre ay ilalayag kita sa buong mundo.
T-itik ko ay sisilid sa isip mo at sa panahon na darating ikaw ay tatawaging titulado.
54
I am UniqueShelley Jon Lourde G.Turingan
I am a Grade III pupil
Active and alert
But there are times
I am naughty
But
I know,
I know to myself
I am unique!
You know why
I am different from other children
55
I can do extraordinary things;
Likewise
I have a broad imagination.
Well! well! well!
In my younger age.
Eight years old.
I have written stories for youngsters.
You?
Can you do such thing?
I knew the answer.
You don’t know.
56
That’s why,I am UNIQUE, I am blessed!
My parents are proud of me
Even
I am moody.
I can Express myself.
57
Ang Batang MasunurinSHELLEY JON LOURDE G. TURINGAN
GRADEIII
JOAN OF ARK MONTESSORI INTEGRATED SCHOOL
Likas sa isang bata ang pagiging malaro,subalit kakaiba si Ashley sapagkat siya ay responsible.Binibigyan siya ng kanyang ina ng mga gawin na dapat niyang maisakatuparan araw-araw.Nang dahil bata at sabik sa laro kung
minsan ay kanya ng nakakaligtaan ang mga iniatang na Gawain sa kanya.Ang kanyang ina ay matiyaga siyang magabayan upang siya ay
mapanuto,wala rin itong sawa na nagpapaalala ng mga bagay na dapat niyang sundin.Napakabait ng kanyang ina at maunawain,kahit na minsan
ay hindi pa siya napagalitan nito.
Isang umaga,araw ng Sabado,ang batang kapit-bahay ay bigla na lamng pumunta sa kanila upang siya ay yayaing maglaro.Nagpaalam siya sa
nanay siya at agad naman siyang pinaunlakan sa kanyang hiling na lalabas atmakikipaglaro at huwag lalayo.Tuwang-tuwa si Ashley,nagging abala sila ni Brenda sa paglalaro ng bhay-bahayan,ng biglang bumuhos ang
malakas na ulan.Natagalan si Ashley na makauwi dahil wala siyang dalang paying.Hinintay muna niyang tumila ang ulan,bago umuwi.Alalang-alala siya kasi baka mapagalitan na siya ng nanay niya.Matagal-tagal na siyang nakatayo sa pinto ngunit di nya makuha na pumasok.Ang sabi ng kalaro
niya,humingi na lamng ng paumanhin kasi umulan.
Nang sandali pa lang iyon ay nakikinig sa likod ng pinto ang ina.Lihim na nangingiti ang ina sapagkat napaksuwerte niya sa anak na mabait na ay masunurin pa.Ipinasya na lang ng ina na buksan ang pinto.Napuno ng takot ang dibdib ni Ashley.” Anak,halika pumasok ka,huwag kang matakot,hindi ako nagagalit,hindi mo kasalanan na umulan kaya di ka nakauwi kaagad. “Nawala ang takot ni Ashley at ito ay yumakap sa ina.Nagpasalamat ang bata na nagyaya sa kanya para maglaro sa labas.
“o,anak,malapit na ang hapunan,bumili ka ng suka at magluluto na ako ng paborito mong adobong manok. “ang sabi ng ina.Dagling sumunod kaagad si Ashley na pakanta-kanta pa na paunta sa tindahan.
Mga Tanong:
59
Ang Matalinong Langgam
Si Gem-Gem Langgam ay isang batang langgam na naninirahan sa isang punso malapit sa kantina ng
unibersidad.Hindi pa siya pinapayagan ng mga magulang na lumabas para maghanap ng pagkain na
kanilang iipunin at ihahanda sa panahon ng tag-ulan.Subalit itong si Gem-Gem Langgam ay sadyang
napakakulit,talagang tumatakas at sumasama sa mga manggagawang langgam na lumabas sa lungga.Hindi
kailan man nakikilala ng mga kasama si Gem-Gem dahil nagsusuot siya ng gora at mahabang
pangtrabaho sa bukid.Gumagawa lang siya ng tahimik upang hindi siya mapansin.Nang dahil matalino
siya,itinuturo niya ang lugar na maraming maiuuwing pagkain.Iyon ay ang lugar kung saan itinatapon ng kusinera ang mga tiring pagkain mula sa kantina.
Niyayaya niya ang mga mangagawa na puntahan ang lugar na iyon.Tuwang-tuwa ang pinuno.Tiyak matutuwa ang reyna sa mga pagkain na maiimbak nila sa palasyo.Hindi na sila kukulangin ng pagkain sa tag-ulan,bagkus sobra-sobra pa nga.
Kinabukasan,sumama naman si Gem-Gem,ditto na napansin ng ina na nawawala ang anak.Hinanap ito sa paligid sa isip na naglalaro ang anak kasama ng mga batang langgam.Sa kasawiang palad,wala!Saan nagpunta si Gem-Gem.Maya-maya ay bumalik na ang maga manggagawa,”Mahal na Reyna,marami po kaming nakuhang pagkain.”sabi ng pinuno.”Maganda kung gayon.”Tugon ng reyna.
“Maalala ko pala napansin ba ninyo ang aking anak? “sabi uli ng reyna.Sumagot ang pinuno,”Hindi po!Baka nariyan lamang siya sa tabi-tabi.Biglang
Sumulpot ito,tapos na siyang makapagpalit ng damit.Ganun na ganun ang ginawa ni Gem-Gem,hindi pa din natutuklasan ng ina na tumatakas siya.
Nang sumunod na araw,muli na naman sumama si Gem-Gem hanggang dumating na ang araw ng tag-ulan.
Habang sila ay nagpapahinga ay sinasabayan nila ng kuwentuhan.Nasabi ng pinuno na may isang manggagawa na nagturo ng maraming pagkain.Ibig nilang magpasalamat dito,ngunit isa man sa kanila ay di alam kung sino ito.Tahimik lang si Gem-Gem pero hindi din siya nakatiis nais niyang ipagtapat sa ina na tumatakas siya.
Kinausap ng palihim ni Gem-Gem ang pinuno upang ipagtapat ditto ang kasalanan.Hindi nagalit ang pinuno bagkus natuwa pa ito at sabay sila na pumunta sa reyna.Ipinagmalaki ng reyna ang anak
Dahil sa katalinuhan ng batang langgam,saganang-sagana ang buo nilang angkan sa pagkain.
Simula noon palagi ng kasama si Gem-Gem sa paghahanap ng pagkain.
63
Ang Pagdating Isang Anghel sa Pamilya
Si Lorena ay isang masipag at mabait na guro.Siya ay nagtuturo sa isang mababang paaralan na malapit lamang sa barangay nila.Bukod pa sa pagiging mabuting guro,mapagsilbi rin siyang
asawa,bago siya umalis ay hinahanda na niya ang baon ng asawa na papasok rin sa
trabaho.Maligayang-maligaya ang mag-asawa,dangan nga lamang at hindi sila mabiyayaan
ng kahit isang anak.Araw-araw bago matulog sa gabi si Lorena ay nananalangin siya sa Diyos na bigyan siya ng anak.Nasubukan na din niya na
magpatingin sa doctor,magpaalaga din,pati mga albularyo ay kanya na rin nilapitan.Inip na inip na siya,minsan lumuluha na lamang siya sa kabiguan
niya na pagkakaroon ng anak.
64
Minsan ay niayaya siya ng kasamahan na dayuhin ang bayan ng Obando upang magsayaw roon.Sumama siya dito.Di Kalaunan ay naramdaman niya na masama ang pakiramdam niya ng mga nakaraang araw,sa pangamba ay kumunsulta siya sa doctor at siya biglang natuwa.Dumating na rin ang pinakahihintay niya,palagi siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil ipinagkaloob ang hiling.
Nang isilang ang munting anghel,napuno ng kaligayahan ang kanilang tahanan.Mahal na mahal nilang mag-asawa ang bata at pinangalanan nila itong Precious Angel,biyaya mula sa langit.Isang anghel na dumating sa buhay nila na mgbibigay ng saya habang buhay.Pinalaki nilang may takot sa Diyos,magalang,mabait at masunurin ang anak.
65
Nasa Huli ang Pagsisisi
Si Toting Tandang ay alaga ni Mang Toso,masipag itong tumilaok sa madaling araw upang gisingin si
Mang Toso na kailangan ng pumunta sa bukid.Bago Umalis ang amo ay hihimasin muna siya pakakainin
at paiinumin.Saka nito pupuntahan ang alagang kabayo na nagngangalang Strike upang ipitas ng
sariwang damo na kakainin din nito bago sil tumakbo sa bukid sa pagtatanim ng mais.Nakikita ito
ni Totong Tandang at nagkakaroon siya ng ibang damdamin.Tila nagseselos na nga
siya.Pinagplanuhan ni tandang ang kanyang gagawin.Susubukan niyang dila-dilaan ang kamay ni Mang Toso kapag binigyan na siya nito ng pagkain.
At iyon nga ang kanyang ginawa,ilalagay
66
pa lamang ni Mang Toso ang pagkain ay tinuka na niya ang kamay nito,nawala sa isip niya sa hindi niya puwedeng kainin ang pagkain sa kamay nito.Sa pagtuka niya ay nasugatan ang palad ni Mang Toso na ikinagalit ng kanilang bantay sa bukid.”Bakit tinuka mo ang kamay ni Mang Toso?”sabi niya ay nagseselos siya sa kabayo sapagkat sa palad sa palad nito kumakain ang kabayo.”Sa uulitin ay huwag mo ng tatangkain na tukain ang amo natin.”pangaral ng tagabantay.
Hindi pa puwedeng magtrabaho sa bukid si Mang Toso nagpapagaling pa siya sa tinamomg sugat.Ang tagabantay muna ang nagpapakain sa kanilang dalawa at nagtatrabaho sa bukid.Sising-sisi ang tandang sa kanyang kamalian.Huli na ang lahat bago niya mapagtanto na masama ang mag-isip ng hindi maganda sa kapwa.
Mga Tanong:
1.Ano ang pamagat ng Kuwento?
2.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3.Sino-sino ang mga alagang hayop ni Mang Toso?
4.Ano-ano ang mga gawain ng dalawang hayop araw-araw?
5.Bakit nagseselos si Tandang sa Kabayo?
6.Ano ang binalak niyang gawin sa amo?
7.Natuloy ba ang plano nuya?
8.Ano ang Nangyari?
9.Ano ang nagging resulta ng ginawa ni Tandang?
10.Maganda ba ang ginawa niya?
11.Ano ang gagawin mo upang sa huli ay hindi ka magsisi?
ANG MGA AKDA NINA SHELLEY JON LOURDE G. TURINGAN AT
SHERLITA G.TURINGAN
68
Siya si Shelley Jon Lourde G.Turingan, ang bata na nasa ikatlong baiting ng Joan Of Ark Montessori Integrated School.