ANG BATAS MILITAR AT SI FERDINAND E. MARCOS
Ang batas militar sa Pilipinas ay ipinairal ni Ferdinan E. Marcos mula 1972
hanggang 1981 na nagresulta sa pagkamatay, ayun sa Amnesty International, ng
mga 3240 katao sa pamamagitan na tinatawag na extra-judicial killing o
pagpaslang labas sa batas at pagkakulong ng mga 70000 bilanggong pulitikal, na
ang halos 34000 ay tinortyur.1 Para maunawaan natin ang mga kaganapan noong
batas militar sa Pilipinas, kailangan makilala natin ang lumabas na diktadur sa
panahong ito, si Ferdinand E. Marcos, at ang kalagayang panlipunan na nagamit
niya upang magkadeklara ng batas militar.
Ang Pagusbong ni Marcos sa pulitika ng Pilipinas
Si Ferdinand E. Marcos (1917-1989) ay mula sa Sarat, Ilocos Norte at ang
tatay niya ay si Mariano Marcos, dating kongresista ng Ilocos Norte. (Ang tatay
niya ay pinatay ng mga gerilyang Pilipino sa pakikipagsabwatan nito sa mga Hapon
noong panahon ng pangalawang digmaan sa Pilipinas.) Si Ferdinand noong 1936
ay nahatulan ng kamatayan sa pagpatay sa ka-ribal ng tatay niya sa pulitika, si
Julian Nalundasan. Sa apela ni Ferdinand sa Korte Suprema, napangwalang sala
siya noong 1940.
Pumasok si Marcos sa pulitika noong 1949 at nanalo bilang kongresista ng
2nd district ng Ilocos Norte. Nanilbihan siya ng tatlong termino hanggang 1959,
kung kailan siya ay tumakbo naman pagka-senador at nagwagi. Nahalal siya bilang
presidente ng Senado mula 1963 hanggang 1965. Nagpasiya siya naman kunin ang
pagkapresidente ng Pilipinas noong 1965, ngunit nang hindi siya pinili ng kanyang
partido, ang Liberal Party, bilang kanilang kandidato sa posiyong ito, lumipat siya
sa Nationalista Party. Dahil ang pulitika sa Pilipinas ay walang kaibahan ang mga
1
programang panlipunan ng mga partido di kagagya, halimbawa, sa Europa kung
saan ang programa ng Socialist Party ay kaiba sa Liberal Party na may programa
naman naiiba sa Green Party, atbp, nagmimistulang mga paru-paru ang mga
Filipinong politiko na palipat-lipat ng partido.
Nagtagumpay ang pagkakandidato ni Marcos bilang presidente ng Pilipinas
laban kay Diosdado Macapagal. Sa unang pagupo niya bilang presidente, ay
binawi ka agad ang pangako niya sa panahon ng pangangampanya na siya ay
hindi magpapadala ng tropa militar sa gera ng Amerika sa Vietnam. Nagpadala
agad siya ng isang contigent ng mga sundalo, ang PHILCAG, sa Vietnam. Noong
panahon ng kampanya din, para palabasin na siya ay natatanging sundalo sa
katapangan, nagpakita siya ng 27 na medalya na binigay daw sa kanya ng Estados
Unidos (EU) bilang bayani ng Pangalawang Digmaan, pinakamaraming medalya sa
digmaang ito. Ngunit, lumabas batay sa rekord ng military archives sa EU, na ang
karamihan medalyang ito ay mga peke at si Marcos ay maliit lamang ang naging
papel noong Pangalawang Digmaan.2
Sa unang panunungkulan niya bilang presidente, (1965-1969), lumaganap
ang korupsyon sa gobyerno at nakakakuha si Marcos ng komisyon sa mga utang
ng pamahalaan ng Pilipinas, sa partikular mula sa mga bangko sa labas ng bansa.
Ang asawa niyang si Imelda, dating beauty queen. ay umasta bilang reyna,
nilalagay ang mga kamag-anak sa mga matataas na posisyon sa gobyerno, at
namimili ng mga mamahaling alahas, kagaya ng mga diamante, at laging
naglalakabay para magpaliwaliw sa ibang bansa kasama ang mga kilalang fashlion
model at beauty queen bilang mga alalay.3 Sa ganitong kabulukan ng pamahalaan
ni Marcos, sumiklab ang malalaking protesta sa kalye, lalo na sa hanay ng mga
kabataan.
2
Nang tumakbo noong 1969 si Marcos sa pangalawang termino niya bilang
presidente at nanalo sa pamamagitan ng lantaran na dayaaan, lalong umigting
ang mga demonstrasyon sa kalye. Umusbong ang tinatawag na First Quarter
Storm(FQS), unang sigwa, noong enero 1970, kung saan libo-libong kabataan,
manggagawa, magsasaka at iba pang hanay, ang nagpartisipa sa mga
demonstrasyon sa kalye at nakipaglaban sa mga pwersa ni Marcos, ang mga pulis
at militar.4 Maraming nasawi sa mga protestang ito. Pati ang Unibersidad ng
Pilipinas(UP) ay kinuha ng mga estudyante at guro ng pamatasang ito at
ideneklara bilang isang independenteng republika labas sa gobyerno ni Marcos
noong Febrero 1971. Ito ang tinatawag na UP Diliman Commune, hango sa Paris
Commune ng 1871, isang daan taon ang nakakalipas. Sa dalawang linggo
madugong labanan, nawasak ng mga pulis at militar ang mga barikada ng Diliman
Commune at napasakamay muli ng gobyerno ni Marcos ang UP.
Noong Agosto 1971, binomba ang rali ng Liberal Party sa Plaza Mirtanda at
13 ang namatay. Pinaghihinalaan na ang pwesa mismo ni Marcos ang may
kakagawaan nito, dahil kaagad binawi niya ang tinatawag na karapatan na habeas
corpus, o ang karapatan di maaaresto kung walang tamang habla o warrant of
arrest. Nagkaroon din ng pagbomba sa isang department store, ang Joe’s
Department Store, kung saan may mga nasawi. Ang may kakagawaan ng
pagbomba sa Joe’s Department Store ay isang sarhento mula sa militar ni Marcos
na nahuli ng mga pulis, ngunit kaagad pinalaya. Binintang ni Marcos ang mga
pagbobomba sa mga komunista5
Magtatapos ang pangalawang termino ni Marcos bilang presidente noong
1973 at pinagbabawalan siya ng konstitusyon ng 1935 na tumakbo ng pangatlong
termino. Kaya, noong 1970, nagpatawag si Marcos ng isang constitutional
3
convention (con-con) para palitan ang umiiral na konstitusyon ng Pilipinas.
Naghahanda siyang ipagpatuloy ang pagka-presidente niya pagdating ng 1973.
Ang Pagdeklara ng Batas Militar noong 1972
Bago niya idineklara ang batas militar na magbibigay ng kapangyarihan sa
kanya upang alisin ang mga basikong karapatan ng mga Pilipino, ay pinaalam
muna ni Marcos sa embahada ng Estados Unidos sa Manila ang tungkol dito.6 Ang
dinahilan niya ay ang peligro na baka daw magtagumpay ang mga komunista
ibagsak ang pamahalaan niya dahil sa mga lumalaking mga protesta sa kalye.
Noong di tumutol ang E.U. pinirmahan ni Marcos ang dekreto 1081 na nagbaba ng
batas militar sa bansa noong 17 ng Septiembre, 1972, ngunit ipinalabas lamang
niya sa publiko ang dekretong ito noong 21 ng Septiembre. Para palabasin na
may nakatakdang kagyat na panganib laban sa gobyerno, kunwari inambus ang
sasakyan ng kanyang Defense Secretary, si Juan Ponce Enrile, na nagkataon
naman di nakasakay sa kotse niya noong naganap ang pekeng pananambang.7
Pagdeklara ng batas militar, kaagad kumilos ang pwersa ni Marcos, ang mga
pulis at militar. Pinagaaresto ang mga nangungunang kumakalaban kay Marcos sa
Senado, sina Senador Benigno Aquino, Jose Diokno at Jovito Salonga, at mga
indibidwal galing sa medya, akademiya at mga organisasyon ng mga mamamayan,
kagaya ng Kabataang Makabayan, Movement for the Advancement of
Nationalism (MAN) at Makibaka(Free Women’s Movement). Pinasaraduhan ang
Kongreso, mga pahayagan at mga organisasyon (student councils) ng mga
estudyante. Sa kabuuan, sa unang hagupit ng batas militar, mga 30,000 kaagad
ang binilanggo mula Septiembre, 1972 hanggang Febrereo, 1973. Nagpalabas ang
Embahada ng Estados Unidos ng isang pahayag na sinusuporta nila ang batas
militar upang pangalagaan daw ang seguridad ng Pilipinas. Sinabi ni Marcos sa
4
mga Amerikano, na nililigtas niya ang demokrasiya nang ibaba niya ang batas
militar.
Pinahayag ni Marcos sa mga palalatutunan ng mga estasyon ng radyo at
telebisyon na may “bagong lipunan” na daw at ang “Sa kauunlad ng Bayan,
Disiplina ang Kailangan” ang naging motto ng bagong lipunang ito. Nagpairal ng
curfew sa lahat ng mga mamamayan mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-sies
ng umaga. Daan-daan ang hinuli na naglalabag sa curfew. Pinagbawalan ang mga
lalaking kabataan pahabain ang kanilang buhok hanggang balikat, at sino mang na
di susunod sa patakarang ito at mahuli ay pinuputulan ng buhok. Para palabasin
na ang gobyerno ay determinado sugpuin ang pagkalat ng droga sa bansa,
pinabaril ang isang Tsinong drug lord nangangalan Lim Seng na pinalabas sa
telebisyon. Ngunit, pinayagan naman lumaganap ang mga bomba film o mga sine
tungkol sa pagtatalik.
Upang siguraduhin na may basbas na legalidad ang patuloy na paghawak ni
Marcos ng kapangyarihan pagkatapos ng 1973, kinontrol niya ang constitutional
convention(con-con) na pinayagan niyang tapusin ang pagpalit ng konstitusyon
ng 1935. Diniktahan niya ang con-con na palitan ang porma ng gobyerno ng
Pilipinas mula sa presidential tungo sa isang uri na may prime minster at
presidente na hango sa pamahalaan ng Pransiya. May ilang myembro ng con-con
ang tumutol sa pagmamanipula ni Marcos sa katawang ito at nagbitiw ng pwesto.
Nasunod din ang kagustuhan ni Marcos at naapruba ang bagong konstitusyon ng
1973 sa pamamagitan ng taasan ng kamay ng mga tao sa mga barangay, imbes na
sa lihim na balota.
Nang maapruba ang konstitusyon ng 1973, nanungkulan si Marcos bilang
prime minister at president magkasabay at pinayagan niyang manatili sa kanilang
5
pwesto bilang mga representante sa tinatawag niyang bagong Batasang
Pambansa yung mga kakampi niyang pulitiko bago pa ideklara ang batas militar.
Ang tinawag ni Marcos sa gantiong sistema ay “constitutional authoritarianism”
na isang porma ng pananalita para pagtakpan ang kanyang pagigiging diktadur.
(Wala kahit saan mang dakong ng mundo ay may ganitong sistema.) Pagdating ng
1978, nagpatawag si Marcos ng isang halalan para pilihin ang mga baong
delegado sa Batasang Pambansa. Naglagay din si Marcos ng mga tauhan sa Korte
Suprema, para suportahan lahat na dekreto (Presidential Decree) niyang ilalabas
bilang diktadur ng bayan.
Ang Papel ng Estados Unidos Noong Panahon ng Batas Militar
Ang Parity Rights na bahagi ng pagamiyenda ng konstitusyon ng 1935 na
ginawa noong 1946 at nagbibigay ng katumbas na karapatan kagaya ng sa mga
Pilipino sa mga negosyo ng EU na bungkalin ang likas na yaman ng Pilipinas ay
takdang magtatapos noong 1974. Binigyan ni Marcas na mas malawak na
karapatan ang mga dayuhan, partikular ang EU, sa dekreto 485 na nagamiyenda
ng Investment Incentive Law at Export Incentive Law noong 1974 para ipalit sa
Parity Rights. Dahil dito, lalong nainganyo ang mga negosyo ng EU, at noong 1977,
may dagdag na 144 na pribadong malalaking kumpanya, karamihan ay mula sa
EU, ang pumasok sa Pilipinas.(SEC, 1977) Lumawak ang sakop ng mga bisnes ng
EU sa bansa, mula sa dating presensiya nito sa manupaktura , minahan,
agrikultura, at sa pagbabangko, pinasaok ang mga serbisyo, kagaya ng sa mga
restoran at grocery.
Noong 1974 din, pinagyagan ni Marcos na magtayo ang mga dayuhan ng
mga tinatawag na free trade zones, at ang mga unang itinayo ay sa Mariveles,
Bataaan, at sa Cavite. Ang mga free trade zones ay mga lugar kung saan ang mga
6
dayuhan ay magkakapagnegosyo, partikular sa manupaktura, na hindi
nagbabayad ng o mababang 5% na buwis sa kanilang gross product at walang
taripa sa import-export.8 Ang lupa ng free-trade zone ay mula sa gobyerno at
inuupahan lamang sa napakababang presyo ng isang dayuhang korporasyon. Pati
ang mga pasilidad kagaya ng kuryenta at tubig ay ang pamahalaan ng Pilipinas ang
nagsusuplay sa mababang presyo. Bawal din ang mga welga ng mga manggagawa
sa mga free trade zones. Kaya pinagsamantalahan ng mga malalaking kumpanya,
lalo na ng mga TNCs, ang mga pribilihiyo na hinahayin sa kanila sa free trade zone
at nagtayo sila ng mga sangay sa mga lugar na ito para makatipid sa kanilang
negosyo. Bukod sa mga pribilihiyo nabanggit, ang bayad sa mga Pilipinong
manggagawa ay napakababa kung kukumpara sa sahod, halimbawa, ng mga
Amerikanong manggagawa.
Nagpalabas ang World Bank, kung saan malakas ang impluwensiya ng EU,
ng teorya na tinatawag na export-oriented-industrialization(EOI), kung saan daw
ang mga aktibidades ng mga kumpanya sa mga free trade zone ay makakatulong
sa pagindustrilisa ng isang bansa dahil ang mga kumpanyang ito ay nagluluwas ng
mga malalaking bulto na mga produkto mula sa mga lugar na ito. Ngunit,
lumalabas na sa loob ng mga free trade zone ay nagtatayo ang mga TNCs ng mga
assembly plant lamang at hindi kumpletong proseso ng pagmamanupaktura ng
mga produkto, at ang mga dinudugtong na mga piyesa ng mga makina dito ay
inaangat ng mga kumpanyang ito. Sa madaling salita, walang koneksyon ang
pagmamanupaktura sa loob ng mga free trade zone sa mga lokal na negosyo sa
labas ng mga lugar na ito.(Sa ingles walang inter-locking business sa lokal na
industriya, isang nangungunang pamantayan ng tunay na industrilisasyon.) Sa
panahon ng batas militar, 12 na free trade zone ang itinayo.
7
Sa mga kaganapan na ito, pinahiram ng IMF-World Bank ang gobyerno ni
Marcos ng $200 milyun noong 1975, pinakamalaking utang na nakuha ng Pilipinas
mula sa dalawang institusyong ito na kontrolado ng EU. Ito ang tinatawag na
Structural Adjustment Loans (SALs) na ang kondisyon ay kailangan gumawa ang
nakatanggap na bansa ng mga Structural Adjustment Programs(SAPs). Ang SAL ay
may mas malaki ang interes na babayaran ng isang bansa kumpara sa mga
regular na pautang ng IMF-WB. Ang WB ay ang siyang mamangasiwa kung
tinutupad ng isang gobyerno ang mga patakaran ng isang SAP. Pinakaunang beses
na nagpalabas ang IMF-WB ng ganitong pautang na may kaakibat na programa
na SAP at ang Pilipinas, Mexico at Ghana, ang naging mga “guinea pig” para
subukan kung magiging matagumpay ito, na ang ibig sabihin, kung mapapalago ng
mga SAPs ang mga ngegosyo ng mga TNCs at TNBs, partikular ng EU, sa labas ng
bansa nila. Sa tuwa ng IMF-WB sa masunuring pamahalaan ni Marcos, sa Pilipinas
ginawa ng dalawang institusyon nito ang kanilang taunang miting noong 1976.9
Mula 1972 hanggang 1983, pinahiram ng EU ang pamahalaan ni Marcos ng $2.5
billyun at mula naman sa mga multilateral institusyon(kagaya ng IMF-WB)
nakahiram siya ng $5.5 bilyun.10
Ang SAPs sa Pilipinas sa ilalim ng batas militar ni Marcos ay pinsimulaang
ipinairal sa sektor ng manupaktura, pinansiya at enerhiya noong 1979, at sa
agrikultura noong 1980. Noong 1982, pagkatapos na kunyari pagalis ng batas
militar sa taon 1981 dahil sa pagbisita ni Pope John Paul II noong Febrero 1981,
inumpisahan naman ang SAP sa sektor ng edukasyon. Ang Isang SAP ay
iistrukturahin ang isang sektor upang paluwagin ang pagnenegosyo, ibig sabihin,
huwag masyadong reregulahin ng gobyerno o di kaya tuluyang di
reregulahin(deregulation) ang mga aktibidades ng mga negosyo sa sektor na ito.
8
Papayagan din ang mga merger and acquisition(M&A) o pagsasama ng mga
bisness sa mga sektor na ito, halimbawa, sa larangan ng pagbabangko, hahayaan
ang ibang mga bangko mapailalim sa isang korporasyon lamang. Kaya
nagsulputaan ang mga tinatawag na mga universal banks sa sektor ng
pagbabangko kung saan ang mga bangko ay nagsamahan, kadalasahan ang mas
malaking bangko ang nagdodomina sa mga maliliit na bangko, kagaya ng mga
rural banks, na siya namang nagsasaraduhan na. Kaya, ang patakaran ng SAPs ay
humantong sa pagsulpot ng mga oligopoly at monopoly sa negosyo ng mga
kapitalista. Sa ilalim din ng SAP, bawal magkumpentensiya ang gobyerno sa
pribadong negosyo, kaya nagpasimula ang malawakang pribitasisyon ng mga
negosyo ng pamahalaan, kagaya, ng pribitasyhon ng PAL at Philipine National
Bank(PNB). Hinayaan din ni Marcos makontrol ng mga pribadong korporasyon sa
langis, ng Shell at Caltex, ang industriya ng langis sa Pilipinas na dati-rati ang
gobyerno ang may hawak na 56% nito. Pagkareristruktura nito, ay nabagligtad na
ang sitwasyon, na ang mga pribadong kumpanya sa langis, na naging isang kartel,
ang namamayani. 11
Sa larangan naman ng agrikultura, napaigting ang mga aktibidades ng mga
malalaking plantasyon ng mga dayuhan, partikular ng EU, sa pagpapalawak ng
lupa na inuupahan nila sa napakababang presyo, lalo na sa Mindanao. Ang mga
plantasyon, del Monte at Dole, na siyang nangunguna na nagluluwas ng mga
saging at pineapple sa Asya at Europa, ay lumawak ang mga erya na nasasakupan.
Ininganyo din ang mga magsasaka na magtanim ng mga export crops para sa
pangangailangan ng ibang bansa, imbes na palawagin ang pagtatanim ng palay o
mais na kailangan ng lokal na merkado. Ang sistemang kasama(tenancy system)
ay nanatili sa kanayunan dahil ang reporma sa lupa(PD 27) na ipinairal noong
9
1973 ay ginawang parang isang negosyo kung saan ang mga mahihirap na
magsasaka ay bibilihin ang lupa nila na may kasamang interes ang presyo mula sa
gobyerno. Siyempre, hindi kinaya ng mga maliliit na magsasaka ang pagbayad sa
amoritisasyon at interes at napapabalik ang lupa sa mga panginoong maylupa.
Sa kapanahunan ng batas militar, lalong umigting ang pagiging mala-
kolonyal ng pulitikang-ekonomiyang kalagayaan ng Pilipinas, kung saan lumalim
ang pagkabaon ng mga negosyo ng E.U. sa bansa at pakikipakailam nito sa
gobyerno. Ang pinakamalalaking base militar ng EU, labas sa bansang ito, ang
Clark Field (para sa US Air Force) at Subic Bay(para sa US Navy) ay tuloy nanatili sa
Pilipinas sa pamamagitan ng US Bases Treaty ng Pilipinas.
Ang sistemang mala-pyudal ng bansa naman kagaya ng nasabi na sa itaas
ay nanatili, dahil di nagiba ang bilang ng mga kasama(tenants) sa kanayunan,
halos isang milyun(NSO) at ang mga nagtatanim din ng mga tinatawag na cash
crops na ang malaking bulto ay ini-export, ay karamihan ay mga kasama din ang
katayuhan, halimbawa sa pagtatanim ng niyog, Ginatasan pa ni Marcos ang mga
magsasaka sa niyog at pinagbayad halos 40% sa kinikita nila ng buwis para sa
coco-levy fund na ipon daw nila para sa edukasyon ng kanilang mga anak at sa
kanilang kinabukasan. Mga P72 bilyun ang nakaltas ng pamahalaan ni Marcos
para sa coco levy fund na binulsa naman ng isang dummy o kroni niya, si Danding
Cojuangco, na ginamit ang pondong ito upang bumili ng mga stocks sa San Miguel
Corp. at United Coconut Planters Bank(UCPB). Hanggang sa kasalakuyan, di
mabawi ng mga mahihirap na daang-daang libong magsasaka sa niyog ang coco-
levy fund na ito, kahit na may desisyon ang Kortre Suprema ng Pilipinas na ibalik
ito sa mga magsasaka sa niyog. Ganito ang lakas ang mga alagad ni Marcos,
kagaya ni Cojuangco, kahit na wala na ang rehimen ng batas militar.
10
Ang Epekto ng Batas Militar sa mamamayang Pilpino
Sa ilalim ng batas militar, lalong naghirap ang masang Pilipino dahil wala ng
makapigil ng pagdarambong ng pondo ng gobyerno at kayamanan ng bayan na
ginagawa ni Marcos at kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Mula sa mga
nauutang ng pamahalaan ni Marcos sa labas ng bansa na sa pagbagsak niya ay
umabot sa halagang $27 billyun, si Marcos at kanyang mga algad ay nakakakuha
ng malaking bahagi, minsan ay umaabot sa 50%, para sa kanilang sariling parte.
Lumabas ang mga tinatawag na “behest loans” (sa “behest” o garantiya ng
Malacanang) na binibigay sa mga kroni ni Marcos o mga dummy niya sa negosyo.
Ang mga nangungunang kroni niya ay yung nabansagan na “Big Four”, sina Henry
Sy, Lucio Tan, John Gokongwei at Dewey Dee, pawang mga tsinoy, o Pilipino-
Chinese, na tumatayong mga dummy ni Marcos sa kanyang mga bisnes, mula sa
pagawa ng sigarilyo, mga otel hanggang pagaari ng airline, ang PAL12 Halimbawa,
si Dewey Dee lamang ay nakakuha ng P400 milyun sa pamamagitan ng “behest
loans” na tinakbo niya. Hanggang ngayon, di malaman kung saan bansa siya
nagtatago. Sumulpot din ang “Rolex 12” dahil niregaluhan ni Marcos ng mga
mamamahaling relong Rolex ang 12 na katao kasama dito, kagaya ni Juan Ponse
Enrile, Fidel Ramos, Danding Cojuanco, Fabian Ver,), atpb. Ang Rolex 12 ay
nakakatanggap din ng mga porsiyento sa mga kontrata ng gobyerno.13
Hindi nakikinabang ang mga mamamayang Pilipino sa mga utang ng
rehimen ni Marcos sa labas dahil kagaya ng nabanggit ito ay ginagamit sa
partikular ng mga alagad ni Marcos upang palaguin ang imperyo pangekonomiya
ni Marcos. Kung mayroon naman ginagastos ang gobyerno ni Marcos para sa
bayan, ito ay para tulungan lamang ang mga nasa taas ng lipunan, kagaya ng
pagtatayo ni Imelda ng Cultural Center Complex(CCC), kung saan naging
11
paboritong pahingahan ng mga mayayaman. Ang pagtayo ng mga imprastruktura
kagaya ng MRT na ang mga kasangkapan ay binibili sa mga dayuhang korporasyon
ay nakabatay sa mga kontrata ng gobyerno kung saan si Marcos ay nakakakuha ng
malaking komisyon.
Ang “Green Revolution” na tinulak ng WB sa Pilipinas kung saan
binibentahan ng mga mamahaling fertilizer mula sa mga malalaking agri-
korporasyon ang mga magsasakang Pilipino ay naging isang pagwaldas lamang ng
pera ng gobyerno at di nagwagi sa pagtaas ng produktibidad ng mga mahihirap
na magsasakang Pilipino, pinakamalaking bulto ng mga nagtratrabaho sa
Pilipinas.14 Bakit naman di ito magiging matagumpay kung ang nakakabili ng mga
mamahaling fertilizer ay yun lamang mga mayayamang magsasaka at panggitnang
magsasaka? Bukod sa mga impraistruktura kagaya ng MRT at mga highway para
dalhin ang mga produkto ng mga malalaking korporasyhon sa mga daungan sa
dagat para i-export, ang paggastos ng gobyerno ay nakakonsentra sa pagtayo ng
mga bilding, kagaya ng CCP at mga otel na pinapagawa ng mga kroni ni Marcos
mula sa mga “behest loans”. Dahil dito nabansagan si Imeda Marcos na may
pagkahumaling sa malalaking bilding o “edifice complex”(mula sa sikolohistang
Sigmund Freud na “oidepus complex, pagkahumaling sa tatay mo).15 Dahil ang
pagbayad ng utang ng gobyerno ay pinapasa sa mga mamamayan sa pagtaas ng
kanilang buwis, nagkahirap-hirap ang masang Pilipino.
Dahil sa lantaran pagnanakaw ng kaban ng bayan at pabaya sa kapakanan
ng masang Pilipino, mula 1972 hanggang 1980, ang karaniwang kita ng isang
sahuran sa Pilipinas ay bumaba ng 20% at ang 10% ng populasyon ng lipunan, lalo
na ang mga Marcos, ay lumaki ang yaman ng dalawang beses kung kukumpara sa
kinikita ng pinakababang 60%. Ang nabubuhay sa ilalim ng lebel ng kahirapan ay
12
lumaki mula 18 milyun katao noong 1965 na naging 35 milyun noong 1985. Ang
presyo ng mga bilihin pagdating ng 1985 ay lumobo ng 60%. Ang mga kagubatan
ng Pilipinas dahil sa walang habas na pagtrotroso ng mga kumpanya malapit kay
Marcos ay bilisan nauubos. Sa 12 milyung ektarya ng kagubatan, halos 7 milyung
ektarya ang nakalbo noong panahon ng rehimen ni Marcos.16
Binigyan ni Marcos ng mga malalaking pwesto sa gobyerno ang kanyang
asawa is Imelda, ang dalawang anak niyang si Imee at Bong-bong, mga pwesto
kung saan may mga oportunidad magpayaman. Lumikha si Marcos sa
pamamagitan ng isang Presidential Decree(PD) (ang pagimplementa ng mga
decree o dekreto ay ginagawa ng mga hari) ng bagong katawan ng gobyerno, ang
Metropolitan Manila Commission (ngayon ay Metro-Manila Development
Authority), na sinasakop ang buong Metro Manila at si Imelda ang ginawang
gobernadora nito. Si Imee naman ang tinalaga na kabuuang taga-pangulo
(Chairperson) na initayo na Kabataang Barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas
at si Bong-bong ay ginawang taga-pangalo din ng itinayong Philippine
Communication Satellite Corp.(Philcomsat), na may malaking buwanang sahod na
$9,700 bagaman minsan-minsan lamang siya pumupunta sa opisina ng
Philcomsat.17 Ang sukdulan ng pangaabuso sa kapangyarihan ng mga Marcos ay
makikita sa isang insidente, kung saan pinatoryur at pinapatay ni Imee Marcos sa
kanyang mga badigard noong Agosto 31, 1977 ang istudyante si Archimedes
Trajano, 23, mula sa Mapua Institute of Technology dahil ito ay nagtangka
kwestyunin si Imee sa isang forum kung bakit siya ang natalagang taga-pangulo ng
Kabataang Barangay na di naman siya nahalal sa posisyong ito.18
Ang Mga Tortyur Yunit ng Batas Militar
13
Ang lumalalang kahirapan ng masang Pilipino ay sinabayan ng matinding
kalupitan laban sa kanila ng mga alagad ni Marcos sa militar at pulis. Noong 1977,
lumobo ang bilang ng pwersang sandatahan ni Marcos mula 65,000 na naging
270,000 at ang badget nito ay umabot ng P8.8 billyun noong 1984 mula sa P608
milyun.19 Ayun sa AI, may 84 regular na nagtotoryur sa nga bilanggong pulitikal sa
loob ng pwersang sandatahan ni Marcos.
Ang mga yunit ni Marcos na naatasang interogahin at tortyurin ang mga
pinaghihinalaang subersibo, lalo na ang inaakalang myembro ng Partido
Komunista ng Pilipinas, ay ang Constabulary Security Unit ( CSU), sa kumand ni
Kolonel M. Aure , ang Metrocom Intelligence and Security Group(MISG), sa
kumand ni Kolonel Rolando Abadilla at ang Intelligence Service of the Armed
Forces of the Philippines(ISAFP), sa kumand ni Heneral Fabian Ver. Ang mga
kilalang tortyurer nito ay sina: Tenyente Rodolfo Aguinaldo, Billy Bibit at Vic
Batac(CSU), Tenyente Panfillo Lacson(MISG),at Gregorio Honasan(ISAFP). Noong
1991, pagkatapos lumipat si Heneral Fidel Ramos, pinsan buo ni Marcos at hepe
ng Philippine Constabulary(PC), kung saan napapailalim ang CSU at MISG, sa
kampo ni Cory Aquino, pinasok niya ang CSU sa bagong itinakdang Philippine
National Police(PNP) na pumalit sa PC. Si Ramos ay pinagtraiduran ang kanyang
dating amo at pinsan na si Marcos, nang ang barko ng huli ay palubog na noong
1986 at pinapaalis na ng kanyang amo, ng EU, sa pagkapresidente. Si Cory Aquino
ang sinuportahan ng EU upang ipalit kay Marcos at itinalaga naman ni Aquino
bilang Defense Secretary si Ramos.
Noong 1992, nang naging presidente naman ng Pilipinas si Ramos, agad
pinasimulaan niyang mabigyan ng general amnesty ang lahat ng mga nahablang
ng gobyerno ni Cory na mga tortyurer ni Marcos, partikular ang mga myembro ng
14
CSU, at mga nagtangkang maglunsad ng coup-de-etat laban kay Cory.
Sumangayun naman si Cory sa general amnesty na ito na pabor din ang EU. Bakit
naman di sasangayun ang EU dahil sila mismo ang nagbibigay ng pagsasanay sa
mga tortyurer sa pwersa ni Marcos. Halimbawa, aral si Kol. Abadilla sa Fort
Leavenworth, USA, at si Tenyente Aguinaldo ay aral sa ilalim ng CIA. Ang CIA ay
pinonduhan ang mga pagsasaliksik tungkol sa “the relative usefulness of drugs,
electric shock, violence and other coercive techniques.”20 Kaugnay nito, ang CIA ay
may inalabas na torture manual na naging batayan ng mga pagpapahirap sa mga
bilanggong pulitikal sa Latin America at sa Pilipinas.
Ang mga karudumal-dumal na kalupitan sa ilalim ng rehimen ni Marcos na
niranasan ng mga mamamayang Pilipino ay nakategorya sa pagtotoryur,
pagkawala(desaparecidos) at pagpatay.
Patotortyur
Sa ilalim ng pagtototyur, sinasalaysay sa mga sumusunod ang mga
pamaraan nito at ilan sa mga nakaranas nito noong panahon ng rehimen ni
Marcos: ( Ang mga datos sa ibaba kasama na yun sa mga tinatawag na
desaparecidos(nawawala) at mga pinatay ay karamihan galing sa artikulong
Tortyur: Human Rights Violations during the Marcos Regime ni Michael Chua na
halaw sa iba’t-ibang batis, partikular sa Amnesty International Report(1973, 1975,
1977, 1981) tungkol sa batas militar sa Pilipinas. Ang iba ay mula sa testimonya
mismo ng nakaranas ng tortyur.)
Electric Shock – Ang mga dulo ng kuryente ay kinakabit sa mga daliri,
o di kaya sa talampakan, ulo at ari ng biktima at kinukuyente ito para
magturo ng mga kasamahan niya o umamin sa mga binibintang sa kanya.
Ang paraang ito ng pagtotortyur ay galing sa CIA na tinuro sa militar ng
15
Pilipinas. Ang ilan nakaranas ng ganitong pagpapahirap ay sina Charlie
Palma, Wilfredo Hilao, Romeo Tolio, Reynaldo Guillermo, Noli Villanueva at
Alejandro Arellano.
San Juanico Bridge – Ang biktima ay pinapadapa sa pagitan ng
dalawang kama at ang kanyang katawan ay nakalaylay. Pagkatapos, siya ay
binubogbog. Ang nakaranas nito ay sina Jose Lacaba at Bonifacio Ilagan.
Truth Serum – Iniiksyonan ng tinatawag na truth serum ang bilanggo
para mawala ng tiwala o kontrol sa sarili upang magtapat ng katotohanan.
Nakaranas nito sina Monico Atienza, Victor Quinto at Jose Lacaba.
Russian Roulette – Maglalagay ng isang bala sa rebolber at paiikutin
ito. Pagkatapos ididiin ang gantilyo, para takutin ang biktima. Ang
nakaranas nito ay sina Ceasar Taguba, Carlos Centenera at Juan Villegas.
Strangulation – Sinasakal ang bilanggo ng kamay o ng sentron
hanggang mawalan ng hininga. Ginamit ito kay Carlos Centenera. Juan
Villegas, William Tutanis at Reynaldo Rodriguez.
Water Cure – Pinapainom ng isang kartebang tubig ang biktima at
pagkatapos ay gugulpihin ang tiyan. Niranasan ito nina Guillermo Ponce de-
Leon, Alfonso Abzagado at Andrew Ocampo.
Pambubogbog – Binubogbog ang katawan at ulo habang nakapiring
at nakaposas ang biktima. Niranasan ito nina Julius Giron, Juan Villegas,
Macario Tiu, Roland Simbulan, Eugenio Magpantay, Joseph Gatus, Rev.
Cesar Taguba, Reynaldo Guillermo, Alejandro Arellano, Charlie Palma,
Victor Quinto, Pedro de Guzman, Reynaldo Rodriguez, Ma. Cristina Verzola,
Armando Teng, Romeo Bayle, Agaton Topacio, Reynaldo Ilao at Ramon
Caslple.
16
Pistol Whipping – Pinapalo ng rebolber ang ulo ng biktima. Ginawa
ito kina Reynaldo Guillermo, Roberto Sunga, Guillermo Ponce de Leon,
Joseph Gatus at Nathan Quimpo.
Cigar Burns – Pinapaso ng sigarillo ang katawan at ari. Naranasan ito
nina Marcelino Tolamgun, Philip Limjoco, Charlie Palma, Maria Cristina
Verzola at Reynaldo Rodriguez.
Pepper torture – Pinapakain ng maraming paminta o nilalagay ito sa
ari ng biktima. Ginawa it kay Meynardo Espeleta.
Pagplansa ng talampakan – Naranasan ito ni Cenon Sembrano.
Pagpapainum ng ihi at pagkain ng tae – Ginawa ito kay Ed Meliton
(pinaium ng ihi at pinakain ng tae niya) at kay Satur Ocampo (pinainum ng
ihi).
Panggagahasa – Naranasan ito nina Hilda Narciso at Aida Santos.
Pagmomolestiya – Ginawa ito kina Erlinda Taruc, Lualhati Roque,
Maria Elena Ang at Judy Taguiwalo.
Pagtrato bilang hayop – Pinusasan at kinulong sa loob ng kubeta si
Leandro Manalo habang nakapiring ng tatlong araw kaya nagka-hipatitis
siya. Ang posas ay di inaalis sa mahabang panahon, kahit na sa pagbabawas
ng biktima, pagpaligo o pagtulog. Ito ay nangyari kina Alejandro Arellano,
Manuel Diaz, Marcelo Gallamin, Romualdo Inductivo, Faustino Samonte at
Rodolfo Macasalabang. Ang pagkain ay pinapasok na lamang sa selda sa
sahig at di alam ng bilanggo kung anong klaseng pagkain ito dahil sa dilim
ng selda.
17
Maaari naman pagsamasamahin ang mga uri ng pagtotoryur na nabanggit sa
itaas . Tatalakayin natin ang dalawang kaso nina Peter Villasenor at Satur
Ocampo.
Kaso ni Peter Villasensor - Dinala siya sa isang kampo ng militar sa Bataan
at tinortyur ng siyam na araw at gabi. Binitin siyang hubad mula sa kisame at
pinipitik ang ari niya ng mga sundalo at nilagayan ng walis-tingting ang loob ng ari
niya. Pinasok ang mga thumbtacks sa kanyang mga kuko at pinaupo siya sa mga
tatlong malalaking bloke ng yelo. Pinapalo ng malaking bato ang kanyang mga
tuhod. Binugbog ang kanyang ulo at tiyan, samantalang pinapatakan ng tubig ang
kanyang ilong.
Kaso ni Satur Ocampo – Dinala sa isang safehouse o torture house na
nakapiring at nakaposas. Kinuryente habang binuhusan ng sopdrink para lalong
dumaloy ang sakit ng pakukuryente sa kanyang katawan. Ang kanyang utong at
ari ay pinaso ng sigarillo at sinampal ang mga tainga, esophagus at ulo. Pinakain
siya ng tae ng kabayo, pinaiunum ng ihe, at binabalaan na kakapunin siya.
Ang pagtotortyur sa mga preso ay kadalasan nagaganap sa mga tinatawag
na “safehouse” o mga lihim na bahay na taguan ng mga myembro ng torture
squad kung saan dinadala ang mga nahuhuli. Maaring tumagal ng dalawang linggo
ang panahon ng pananatili ng bilanggong pulitikal sa safehouse. Sa panahong ito,
hindi pinapakain ang nahuli para lalong bumigay at magturo ng mga kasama o
umamin sa mga binibintang sa kanya. Dito din nagpapasasa ang mga
nagtotortyur, nagiinuman at nagkakainan, at minsan ay ginagahasa ang mga
babaeng bilanggo na dinala sa safehouse. Pati na mga kagamitan ng mga nahuli ay
ninanakaw ng mga tortyurir, kagaya ng pera, pitaka, relos, sentron at iba pa. May
namamatay dito sa safehouse at ito yun mga nabibilang sa mga
18
nawawala(desparecidos). Kung ang isang nahuli ay malampasan ang pagtotortyur
sa kanya sa safehouse, maaari ilipat siya sa mga regular na bilangguan ni Marcos. 21
Maraming preso para sa mga bilanggong pulitikal ang itinayo noong
panahon ng batas militar. Ang pinakamalaki dito ay ang Bicutan Prison Camp sa
Rizal. Sa Fort Bonifacio naman noon(ngayon ay naging Global City) ng Armed
Forces of the Philippines(AFP) matatagpuan ang tinatawag na Youth
Rehabilitation Center(YRC) at Ipil Reception Center(pinangalanan hango sa Ipil
Dormitory sa UP Diliman, upang tuyain ang mga aktibista). Sa loob ng Camp
Crame ay ang Men’s Detention Center, Women’s Dentention Center at ang PC
Stockade. Mayroon din mga kampo para sa mga bilanggo pulitikal sa probinsiya
ng Laguna, Pampanga, Bicol, Cebu, Iloilo, Zambaonga at iba pa.22 May 70,000 na
bilanggo pulitikal ang kinulong sa mga kampo na ito ni Marcos. Tinatanggi ni
Marcos na may bilanggong pulitikal sa Pilipinas sa harap ng mga peryodista ng
mga dayuhang pahayagan.
Pagkawala(Desaparecidos) – Ito ay ang mga tao na nawala na lang at
hinihinalaang pinaslang ng mga pwesa ni Marcos. Sa karaniwang lenguahe ng mga
Pilipino ito ay yun mga sinalvage (mula sa katagang “sinalbahe”). Ayun sa Task
Force Detainees, may 398 na tao ang sinalbahe noong panahon ng rehimen ni
Marcos. Ang ilan sa mga ito ay sina Leticia Ladlad, Hermon Lagman, Rodelo
Manaog, Manuel Ontong, Arnulfo Resus, Mariano Lopez, Fr. Rosaleo Romano,
Emmaunuel Yap, Ceferino Flores, Primitivo Mijares(may akda ng The Conjugal
Dictatorship). Ang kumpletong listahan ng nawala sa panahon ng rehimen ni
Marcos ay makikita sa Bantagyog ng Mga Bayani sa EDSA, Quezon City.
19
Pinatay – Ang ilan sa mga pinatay ng sandatahang lakas ni Marcos ay sina
Liliosa Hilao( minolestiya, tinortyur bago pinatay), Antonio Hilario, Noel Tierra,
William Begg, Emmanuel Lacaba, Lorena Barros, Juan Escandor(tinortyur, pinatay
at nilagay ang medyas sa bungo niya), Edgar Jopson, Fr. Zacarias Agatep, Maclilng
Dulag at iba pa.
Ang Pagbagsak ni Marcos
Noong 1981, dahil bibisita si Pope John Paul II sa Febrero, 1981 sa Pilipinas,
kunyari inalis ni Marcos ang batas militar at nagtawag ng eleksyon para ihalal
ang isang bagong presidente at mga bagong delegado sa Batasang Pambansa
niya. Tandaan na mula noong itinatag ang Batasang Pambansa sa taon 1978
hanggang 1981, si Marcos ang tumayong bilang prime minister nito. Noong 1978,
nagpartisipa ang mga natitirang oposisyon sa halalan, kasama na ang nakakulong
na si Senador Benigno Aquino sa ilalim ng partidong Laban, ngunit malaking
dayaan ang naganap sa eleksyong ito at ang mga pinili ni Marcos na kandidato ang
nanalo. Kaya, noong nagtawag si Marcos ng panibagong halalan pagdating ng
1981, binoycot na ng Laban at alyansa na UNIDO ito. Kagaya ng inaasahan, si
Marcos ang lumabas ng nanalo bilang presidente ulit laban sa kanyang pekeng
kandidato na si Alejo Santos, dating pinuno ng Bureau of Prison. HInalal naman
bilang bagong prime minister ng mga alagad ni Marcos sa Batasang Asembleya
ang pili niya na si Ceasar Virata, apo ng kilalang traidor ng digmaan ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila at Amerikano ng siglo 1900 na si Emilio Aguinaldo.
Sa inaugurasyon noong Junyo 1981 ni Marcos bilang bagong pangulo sa ilalim ng
kanyang 1973 konstitusyon, dumalo si Geogre W. Bush, Sr., bise presidente ng EU
na naging presidente ng bansang ito, at pinuri si Marcos sa mga katagang ito: “We
20
love your adherence to democratic principles and the democratic process, and we
will not leave you in isolation”.23
Pagkatapos ng halalan, pinayagan ni Marcos magpagamot ang nakakulong
na Benigno Aquino sa EU noong 1981 para mawala ang matinding kalaban
niyang ito sa larangan ng pulitika sa Pilipinas. Pagkatapos gumaling si Aquino sa
EU, ito ay nagpumilit bumalik sa Pilipinas bagaman tumungo pa si Imelda Marcos
sa EU upang kumbinsihin si Aquino na huwag ng umuwi sa Pilipinas. Samantala, si
Marcos ay naging ganid na sa pagpalawak ng kanyang maliit na imperyong
pangekonomiya sa Pilipinas at pati negosyo ng mga kumpanya ng Kano, mga
TNCs, ay kinokontrol niya. Halimbawa, minopolisa niya sa pamamagitan ng mga
dekreto ang pagawa ng sigarilyo sa Pilipinas, pabor sa Fortune Tabacco na
pinapatakbo ng kanyang dummy na si Lucio Tan sa pagkadehado ng Marlboro
Cigarettes ng mga Amerikano. Pati na ang mga tradisyonal na kakampi ng EU na
mga komprador burgesiya sa Pilipinas, kagaya ng mga Ayalas at Elizaldes, ay
naalantala ang mga negosyo dahil sa mga batas na ipinapairal ni Marcos pabor sa
kanyang mga kroni.
Nang bumaba si Benigno Aquino sa tarmac ng Philippine airport, pinaslang
siya habang nasa kustodiya ng militar ng gobyerno at si Marcos ang
pinaghinalaang pumatay sa senador bagaman binabaling niya ang bintang sa mga
komunista. Ang asasinasyon ni Benigno Aquino noong Agosto 21, 1983 ay naging
mitsa ng mga malalaking demonstrasyon na nilunsad ng taum-bayan, na
karamihan ay naganap sa distrito ng Makati, lugar ng mga negosyo ng mga
tradisyonal na komprador burgesya sa Pilipinas at suportado nila. Pineresyur ni
Presidente Ronald Reagan ng EU si Marcos na magtawag ng isang “snap election”
sa Febrero, 1986. Kasabay nito naghanda ang isang paksyon sa militar, na
21
suportado ng EU, sa pamumuno nina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile, ng coup
de etat kung magdadaya na naman si Marcos sa snap election. Ang tumakbo
laban kay Marcos sa pagkapresidente ay ang naging balo ni Benigno Aquino na si
Cory Aquino.
Kagaya ng inaasahan nagdaya si Marcos sa snap election, at naganap ang
malakihang demonstrasyon na nabansagan na People Power sa EDSA noong
Febrero 23, 1986 upang suportahan ang coup de etat na nilunsad ng paksyon nina
Ramos at Enrile. Tinawagan ni Senador Paul Laxalt ng Senado ng EU at
nagrerepresenta ng kanyang gobyerno si Marcos noong Febrero 25, 1986 na
magbitiw na bilang pangulo “Cut and cut cleanly”, sabi niya. Nilipad ng
gobyernong EU sa pamamagitan ng isang helicopter si Marcos at myembro ng
kanyang pamilya tungong Hawaii para takasan ang poot ng mga mamamayang
Pilipino na nilusob ang Malacanang at pinagwawasak ang mga kagamitan nito.
Sinuportahan ng EU ang kalaban ni Marcos na si Cory Aquino bilang bagong
presidente ng Pilipinas at tinalaga ng huli si Fidel Ramos bilang bagong Defense
Secretary niya. Ang isang unang ginawa ni Cory pagkalulok niya bilang presidente
ay pumunta sa Washington at magtalumpati sa harap ng US Congress at nangako
na babayaran ng gobyerno niya ang lahat na utang panlabas panlabas($27
billyun) ni Marcos, kahit na yun ninakaw nito, na ang estima ay sa mababang $10
bilyun hanggang mataas na $13 bilyun.
Ang Lawak ng nakaw ni Marcos at kanyang mga kroni
$3 bilyun lamang hanggang ngayon ang ipinasiya ng isaang korte sa New
York na maaaring mabalik sa gobyerno ng Pililpinas sa mga ninakaw ni Marcos. Sa
hatol din ng korteng ito, nagpasiya din na bigyan ng kumpensisyon yun mga
naging biktima ng pangaabuso ng rehimen ni Marcos. Ang mga biktimang ito na
22
binansagan mga “human rights victims” ay umaabot sa 9539 na nagpareheristo na
lumabas sa tinatawag na “Hawaii list”.Noong Julyo 15, 2003 at Abril 23, 2012,
pinasiya ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang $658 milyun dolyar at $40 milyun
dolyar sa magkahiwalay na mga deposito sa bangko sa Switzerland ay nakaw ni
Marcos at pinababalik ito sa pondo ng Pilipinas.24
Ang kabuuang utang ni Marcos panlabas na $27 bilyun ay babayaran ng
mga Pilipino hanggang 2025 o 59 na taon pagkatapos maging presidente siya ng
Pilipinas at 39 na taon pagkatapos napaalis siya. Hanggang ngayon,
nagmamayagpag pa ang mga dating kroni ni Marcos sa maraming sektor ng
ekonomiya ng Pilipinas. Naan diyan si Henry Sy (pinakamayaman sa buong
Southeast Asia) na dominadao ang pagbabangko sa Pililpinas sa Banco de
Oro(BDO), na pinagsama na PCI Bank ng mga Lopez at ng Equitable Bank. Si Henry
Sy ay ang mayari din ng mga SM mall, partikular ang Mall of Asia, na nagsimula sa
maliit na department store sa Sta. Cruz, Manila, ang ShoeMart Department Store,
na nagtitinda ng mga sapatos na lumaki nang lumaki sa pamamagitan ng mga
behest loans mula kay Marcos. Noong napatalsik si Marcos, inaangkin ni Imelda
Marcos ang mga kayamanan ni Sy at ng iba pang kroni ni Marcos. Dahil ilegal
naman ang usapang pagiging dummy, ayaw isauli ni Henry Sy ang kanyang
napalagong kayamanan mula sa behest loans.
Naan diyan din hanggang ngayon si Lucio Tan na mayari ng Philippine Air
Line(PAL), Philippine National Bank(PNB) at Fortune Tobacco, si Antonio Floriendo
na may malalaking plantasyon ng saging sa Mindanao, si Eduardo Cojuanco, na
ayaw pa isauli ang P72 bilyun kinaltas ni Marcos sa mga magsasakang sa niyog na
binili naman ni Cojuanco ng mga stocks sa San Miguel Corporation at Philippine
23
Coconut and Industrial Bank, ang mga Gogongwei, na mayari ng mga Robinson
malls, Robinson Bank at mga conduminium.
Sa imbestigasyon ng International Consortium of Investigative
Journalism(ICIJ) noong Abril 2013, sa mga tinatawag na mga offshore banks ,
natuklasan na kasama sa mga nagtatago ng mga lihim na kayamanan sa mga
bangko ito ang pangalan ni Imee Marcos. Si Imee ay tinatago ang mga ninakaw ng
kanyang tatay sa mga offshore banks na ito na hindi pinapatawan ng buwis ang
mga deposito, partikular sa mga bangko sa British Virgin Islands . At noong Mayo
9, 2016, sa listahan na tinatawag na Panama Papers na mga nagtatago ng mga
lihim na kayamanan sa mga offshore banks ay nabibilang ang mga pangalan nina
Imee Marcos at kapatid na si Irene Marcos Araneta, mga apo ni Ferdinand
Marcos na si Fernando Manotoc, Matthew Joseph Manotoc, Fedinand Richard
Manotoc, ang manugang ni Marcos na si Gregorio Araneta III, ang mga kamag-
anak ng kanyang dating manugang na si Tommy Manotoc na sina Ricardo Gabriel
Manotoc, Teodoro Kawa Manotoc at Maria Eva Estrada Manotoc. Ang estima ng
dyaryo Guardian ng ninakaw ni Marcos ay $10 bilyun, na kung isasangalang-alang
ang implasyon ng dolyar ay umaabot sa $21 billyun o P500 bilyun hanggang P1
triyun noong taong 2014.
Bukod sa mga tagong yaman ng mga Marcos sa mga offshore bank,
mayroon din silang mga ariarian sa real estate na kabilang ang mga bilding, mga
apartment at shopping center sa New York at New Jersey, 3 condos sa California,
ang Helen Knudsen Estate sa Honolulu, at mga mansyon sa London, Rome at
Hawaii.25
Nabansagan ng Global Transparency noong 2004 si Marcos na
pangalawang pinaka-korupt na lider ng isang bansa sunod kay Heneral Suharto ng
24
Indonesia. Sa ulat naman ng Forbes Magazine, siya ay nangunguna na, ayun sa
editoryal ng Philippine Daily Inquirer na lumbas ng Agosto 11, 2016.
Ang Pagbabalik ng pamilya ni Marcos at mga alagad nila sa pulitika
Si Marcos ay namatay noong 1989 sa Hawaii at pinayagan ni Presidente
Cory Aquino makabalik ang kanyang pamilya sa Pilipinas noong 1991. Tumakbo
pagka-presidente ng Pilipinas si Imelda Marcos noong Mayo 11, 1992 pagkatapos
ng termino ni Aquino, ngunit natalo ng dating Defense Secretary ni Cory na si
Fidel Ramos. Pagdating ng 1998, sinikap ni Imelda kuhanin ulit ang pagka-
presidente ng Piipinas, ngunit nabigo sa pangalawang beses naman ni Joseph
Estrada, dating mayor ng San Jaun at matinding taga-suporta ng batas militar ni
Marcos. Samantala ang mga anak ni Imelda na si Imee at Bong-bong ay
nagpapalitan lamang bilang kongresista ng 2nd district ng Ilocos Norter at
gobernador ng probinsiyang ito mula taon 1998 hanggang 2007. Sa
kasalakuyan(2016) si Imee Marcos ay ang gobernardora ng Ilocos Norter at si
Bong-bong naman ay naging isang senador ng Pilipinas. Munti nang nananalo
pagka-bise president si Bong-bong noong halalaan ng 2016. Si Imelda ang pumalit
naman sa kanyang mga anak bilang kongresista ng 2nd district ng Ilocos Norte,
dating bulwarte ni Ferdinand Marcos.
Sa mga dating alagad naman ni Marcos, si Fidel Ramos ay nanungkulan
bilang presidente ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998 at si Joseph Estrada mula
1999 hanggang 2001, kung kalian siya napabagsak ng binansagan ng People
Power II. Si Juan Ponce Enrile naman ay kasalakuyang senador(2016) ng Pilipinas
na nasa pangatlong termino na niya, si Panfilio Lacson at si Gregorio Honasan,
mga tortyurer noong panahon ng batas militar, ay mga senador din. Si Nanding
Conjuanco na tumakbo din pagkapresidente ng Pilipinas noong 1998 ngunit di
25
nagwagi ay hanggang ngayon ay malawak ang dominasyon sa ekonomiya ng
Pilipinas. Kagaya na ng nabanggit sa itaas, si Conjuanco ay ayaw pa isauli sa mga
Pilipinong magsasaka sa niyog ang P72 billyun pinuwersa ni Marcos kunin sa
kanila sa pamamagitan ng isang PD.
Bakit ba ang mga Pilipino o ng kanilang gobyerno ay napakaiksi ang
memorya tungkol sa mga mabibigat na mga kasalanan ng mga lider nila sa
nakaraan? Sa katunayan, pinawalang sala pa si Imelda Marcos ng Hukuman ng
Rehiyon ng Maynila noong 2006 sa salang pandarambong niya ng pera ng bayan.
At hanggang ngayon, sa mababang estema na $10 bilyun nakaw ni Marcos, ang
narerekober lang ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng PCGG(Philippine
Commission on Good Government) ay $1.95 bilyun at karamihan dito ay nawala
dahil sa korupsyon ng mga gobyerno sumunod kay Marcos. Bakit di ba naman
mawawala ang perang ito dahil ang mga sumunod na presidente pagkatapos ni
Cory ay mga pawang alagad ni Marcos, si Fidel Ramos at Joseph Estrada, na
parehong naging mga bilyunaryo pagkatapos ng kanilang panunungkulan. Si
Estrada nga ay nahabla dahil sa pandarambong ng pondo ng gobyerno(plunder) at
nahatulan ng pagkabilanggo pang-habang buhay, ngunit ipinatawad ni Presidente
Gloria Arroyo.
Pagkatapos ng People Power I, nanantiling bulok ang sistemang pulitikal ng
Pilipinas at ang mga dating nagsamantala sa mga mamamayang Pilipino ay
nagmamayagpag pa sa kapangyarihan. Sabi nga ng dating prime minister ng
Singapore na si Lee Kuan Yew: “It is a soft, forgiving culture. Only in the
Philippines could a leader like Ferdinand Marcos, who pillaged his country over 20
years, still be considered for a national burial. Insignificant amounts of the loot
26
have been recovered, yet his wife and children were allowed to return and
engage in politics.”26
Ang Kaso ng Pilipinas Kumpara sa Chile at Argentina
Para lalong magagap ang mapagbigay na katangian ng mga Pilipino (isang
katangian na ayun sa pilosopong si Benedict Spinoza ay maaaring maging isang
masamang ugali ng tao kagaya ng kayabangan), kumpara natin ang kaparusahan
ipinataw ng dalawang bansa, Argentina at Chile, sa kanilang mga lider na
nagtatag din ng mga pamahalaan na may kamay na bakal kagaya ng batas militar
ni Marcos.
Sa Argentina, binuo ang tinatawag na isang Komisyon para sa
Katotohanan(Truth Commission) ang CONADEP (Comision Nacional Sobre la
Desparicion de Persones ) noong Disiyemb re 16, 1983, pagkatapos matalo sa
isang eleksyon ang diktador na si Heneral Benito Bignone. Naganap ang halalan sa
presyur pang-internasyonal at dahil sa lokal na krisis pangekonomiya ng
Argentina. Ang prestiyo ng gobyerno ni Bignone ay bumaba din dahil sa pagkatalo
ng Argentina sa Falkland noong 1982. Nahalal bilang bagong presidente si Raul
Alfonsin at inimbestigahan ang mga ginawang pagpapahirap ni Bignone sa mga
mamamayang Argentino sa panahon na tinatawag na “dirty war”(maduming
digmaan) na tumagal ng pitong taon mula 1976 hanggang 1982. Ang partikular na
tinutukan ng CONADEP ay ang pagkawala ng may 9000 na tao sa ilalim ng
diktadura ni Bignone at ng pinalitan niyang at isponsor na si Heneral Rafael Videla.
Si Videla ay umagaw ng kapangyarihan pulitikal laban kay Isabel Peron noong
1976 sa pamamagitan ng isang coup de etat. Ang kinalabasan ng imbestigasyon ng
CONADEP ay nilitis ang mga myembro ng junta militar na itinayo nina Videla at
Bignone at nakulong ang siyam na heneral kasama na sina Bignone at Videla. Si
27
Bignone ay nahatulan ng 90 taon ng pagkakulong at si Videla naman ay habang
buhay pagkapreso. Namatay si Videla habang nakakulong noong 2012. Ang
amnestiya para sa mga gumawa ng mga abuso noon panahon ng “maduming
digmaan” na madalian ipinasa ni Bignone bago matanggal siya bilang presidente
ay pinawalang bisa ng bagong gobyerno noong 2003. Ito ay nagresulta sa 50 pang
alagad ni Bignone at Videla ang makulong. 27
Kumpara natin ang pagwalang bisa ng amnestiya na ito sa ginawa ni
Heneral Fidel Ramos, isang nangungunang heneral ni Marcos sa pagmamalupit sa
mamamayang Pilipino noong panahon ng batas militar sa Pilipinas. Tandaan nang
naging presidente si Ramos noong 1992, agad inapruba niya ang isang general
amnesty para sa lahat ng mga tortyurer sa panahon ni Marcos. Hanggang ngayon,
umiiral pa ang general amnesty na ito at si Ramos ay malaki pa ang impluwensiya
sa pulitika ng Pilipinas. Sa katunayan, nagpasalamat ang kasalukuyang presidente
ng Pilipinas(2016), si Rodrigo Duterte, kay Ramos sa pagtulong sa kanya maging
presidente noong inugurasyon pagkapresidente ni Duterte! Bakit di magaya ng
gobyerno ng Pililpinas ang ginawa ng Argentina ng pagwalang bisa ng general
amnesty sa mga nagmalupit sa panahon ng isang diktadura, kagaya ng rehimen ni
Marcos?
Sa Chile naman nagtayo ng isang junta militar si Heneral Alfredo Pinochet
noong 1973 pagkatapos pabagsakin at patayin sa pamamagitan ng isang coup de
etat sa tulong ng CIA ang legal na halal na Markista na si Presidente Salvador
Allende. Kagaya sa Pilipinas, napilitan si Pinochet pumayag magdaos ng isang
eleksyon noong 1989, ngunit di siya nakapagdaya sa halalang ito at natalo ni
Patricio Aylwin sa pagkapresidente. Ka agad, nagtatag si Aylwin ng isang Komisyon
para sa Katotohanan (Truth Commission), ang Comision Nacional de Verdad y
28
Reconciliacion o ang “Rettig Comission” dahil ang pinuno ng komisyong ito na may
walong myembro ay ang dating Senador Rettig ng Senado ng Chile. Inibestigahan
ng Rettig Commission ang mga abuso ng diktadura ni Pinochet, ang 3428 kaso ng
pagkawala(desparecidos), tortyur, pagpatay at pangingidnap. Ang masidhing
tiningnan ng Rettig Commission ay ang mga krimen ginawa ng DINA ni Pinochet o
ng kanyang Pangkalahating Direktoryo ng Pangisispiya sa mga mamamayang
Chileano. Ang kinalabasan ng pagiimbestiga ng Rettig Commission ay ang
pagkakulong sa mga opiysal sa militar ni Pinochet, kasama na ang ilang matataas
na heneral. Si Pinochet ay namatay noong Desiyembre, 2006, habang
nakakulong.28
Pagsusuma
Bakit di nagbuo ng isang Komisyon ng Katotohanan ang gobyerno ni Cory
Aquino para imbestigahin ang mga pagaabuso ng mga tortyurer at mga lumabag
sa karapatang tao na mga heneral at iba pang alagad ni Marcos? Kung ikukumpara
sa Chile, mas maraming namatay at tinortyur ang rehimen ni Marcos. Sabi ng iba,
sina Fidel Ramos, Juan Ponce Enrile at Gregorio Honasan ay itinakwil na si Marcos
sa pamamagitan ng tangkang coup de etat noong Febrero 23, 1986, kaya di na
kailangan managot sila sa partisipasyon nila sa mga pagmamalupit na naganap sa
panahon ng diktadura ni Marcos, lalo na noong batas militar. Sina Bignone, Videla
at Pinochet ay nagkoopera din sa mga bagong liderato na pumalit sa kanila sa
Argentina at Chile, ngunit nahatulan pa ng pagka-bilanngo. Di ibig sabihin na dahil
sumama ka na sa bagong pamahalaan (kagaya ng kay Cory Aquino), di ka na
mananagot sa mga mabigat na kasalanan ginawa mo labag sa mga karapatan ng
tao sa nakaraan. Ang mas masahol ay yun mga nangunguang mga tortyurer at
pinuno ng torture squad(sr Ramos) ay pinayagan maging mga matataas na
29
pulitiko ng Pilipinas at si Ramos pa ay naging presidente ng Pilipinas! Hindi man
sila inimbistigahan at nang naging presidente si Ramos ng Pilipinas ay
pinaaprubahan niya ang isang general amnesty sa lahat ng mga tortyurer noong
panahon ni Marcos at sa mga nagtangkang maglunsad ng mga coup de etat laban
sa gobyerno ni Cory. Siyempre, ang general amnesty na ito ay inaabsuwelto din si
Ramos sa pagiging hepe ng nangungunang torture squad, ang CSU, noong
panahon ng batas militar ni Marcos. At walang naging reklamo sa mga opisyal ng
gobyerno ni Cory Aquino na nakaranas ng abuso sa diktadura ni Marcos laban sa
maka-sariling amnestiya (self-servingf) ito ni Heneral Fidel Ramos.
Ano ba ang kaibahan sa ugali ng mga Pilipino at ng mga Argentino at
Chileano sa paninindigan para sa hustiya? Bakit ba maiksi ang memorya ng
karamihan ng mga Pilipino sa mga mabibigat na kasalanan ng kanilang mga lider?
Nasaan na ang malalim na nasyonalismo ng mga Pilipino na pinamalas nila noong
panahon ng rebolusyon ng bayan laban sa mga Kastila at noong digmaan laban sa
mga Amerikano? Nasaan ang masidhing hangarin para makamit ang hustiya para
sa mga inaaapi na ipinakita nina Bonifacio, Jacinto at Malvar? Tandaan ang mga
Pilipino ang unang-unang lahi lumaban sa kolonyalismo at imperyalismo ng
dayuhan sa Asya at unang-unang nagtayo ng demokratikong republika na tinawag
na Republika ng Mga Anak ng Bayan.
Sa magkaibang kasaysayan na dinanas ng mga Pilipino, Chileano at
Argentino ay maaring mahanap natin ang mga sagot sa paghina ng nasyonalismo
at kapursigahan makamit ang hustiya ng mga Piliipino. Pagkasupil sa mga Pilipino
sa digmaan Pilipino-Amerikano, naging mas malalim ang impluwensiya ng
imperyalismo na EU sa Pilipinas dahil ito ay naging kolonya ng una di kagaya ng
Argentina at Chile. Hanggang ngayon, tinatali tayo ng EU sa kanyang saya, ika nga,
30
sa pamamagitan ng pagawa sa atin bilang mala-kolonya, sa pagkontrol sa ating
militar, pulitika at ekonomiya na mas naging lantad noong panahon ng diktadura
ni Marcos. Ang Argentina at Chile, pagkatapos ng mga paglaya nila sa Espanya
noong siglo 1900, ay nakapagtatag na ng mga sariling hukbo at gobyerno,
bagaman sinisikap pa din ng EU makialam sa kanilang militar sa pamamagitan ng
CIA. Sa Pilipinas naman, ang EU mismo ang nagtatag ng Sandatahang Lakas nito
noong 1935 sa pagsusuperbisa ni Heneral Douglas MacArthur. Ang EU din ang
nagsuperbisa sa kung anong uring gobyerno ang itatatag ng mga Pilipino noong
1946. Sa katunayan, tinaon pa nga ng mga Amerikano ang pagbibigay ng huwad
na independensiya sa Pilipinas sa petsa Julyo 4, petsa ng paglaya ng rebolusyon
Amerikano sa Inglatera. Pinayagan ng EU palitan ni Presidente Macapagal noong
1962 ang garapalan pagsabay ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa EU. Ngunit ang
pinili naman ni Macapagal na bagong Araw na Kalayaan ay Junyo 12, araw nang
pinoroklama ni Heneral Aguinaldo ang Pilipinas, bilang isang protectorate ng EU
noong 1898. Kaya hanggang ngayon, ang araw ng kalayaan ng Pilipinas ay may
tatak na pagiging mala-kolonyal. Hanggang ngayon, malalim ang baon ng kontrol
ng EU sa Armed Forces of the Philippines(AFP) at sa lahat ng miting ng General
Staff nito ay may myembro ng CIA ang dumadalo. 29Taon-taon binibigyan din ng
EU ng milyun-milyun dolyar ang AFP sa tinatawag nilang Military Education and
Training(MET) program. Hanggang ngayon, mayroon pang Mutual Defense Pact sa
EU ang Pilipinas at nagagawa ng una ang buong bansa bilang teritoryo sa
pagsasanay ng kanyang tropa sa pamamagitan ng tratado ng EDCA.
Kung sino ang mayhawak sa militar siya din ang malakas sa pulitika, kaya
pinoprotekta ng EU ang mga alagad nito sa Pilipinas, kagaya ng West-Point
educated na si Fidel Ramos at iba pa. Kaya, magtataka pa ba tayo na ang mga
31
tortyurer na pinaprotektahan ng CIA kasama ang buong pamilya ni Marcos ay
malakas pa sa sistemang pulitika ng Pilpinas hanggang ngayon? Matataka pa ba
tayo na ang mga may malalaking kasalanan laban sa mga mamamayang Pilipino
noong panahon ng batas militar ay di nakukulong at namamayapag pa sa kanilang
kapangyarihan at kayamanan sa kasalukuyan?
Ang isa pang dahilan upang maintindihan ang ugaling mapagbigay ng
karamihan ng mga Pilipino ay mula noong nilupig ng mga tropang Amerikano ang
rebolusyonaryong hukbo ni Malvar, kinontrol na nila ang kaisipan at ugali ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagpairal ng isang public eduction na ginawang
modelo ang gobyerno at kultura ng EU. Sa pamamagitan din ng paglaganap ng
mga kaugaliang pang-Holywood at materyalismo(konsumerismo) ng negosyo ng
kapitalismo ng EU, umigting ang malakas na indibidwalismo sa mga mamamayang
Pilipino, lalo na yun mga nakatira sa kalunsuran. Sa kabutihang palad, may nanatili
pang malakas na pakikisama sa kapwa, ang ugaling barangay o bayanihan, sa mga
liblib na pook sa mga probinsiya ng Pilipinas. Ngunit, ang kulturang ikinakalat ng
EU, ang tinatawag na popular culture, ay dahan-dahan pinapatay ang malakas na
pamamalasakit sa kapwa na minana natin sa lahi nina Bonifacio at Jacinto. Ang
materyalsimo ng kapitalismo ay nagdadala din ng mga madaliang kasarapan sa
kamalayan at katawan ng tao sa pamamagitan ng droga. Sinabi nga ng iskolar na
Amerikno na si Alfred McCoy ang CIA mismo ang nagpapakalat ng droga sa isang
bansa, halimbawa sa Columbia, para makontrol nito ang isang sistemang pulitikal. 30Hanggang nasa ilalim tayo ng impluwensiya ng EU, ang problema ng droga sa
ating lipunan ay di masusugpo.
Ang mala-pyudal na sistema ng lipunang Pilipino, lalo na sa mga probinsiya,
ay siyang rin naging dahilan kung bakit ang mga Marcos sa Ilocos, si Nanding
32
Cojuanco sa Central Luzon at Juan Ponce Enrile sa Cagayan ay nakabalik sa
matataas na posiyson sa lipunan. Hanggang ngayon, malakas pa ang
rehiyonalismo ng mga Pilipino na pumapabor sa mga mayayamang pamilya na
mayari ng mga malalawak na lupain (tinatawag sa Ingles na family o political
dynasty) sa mga probinsiya. Ang sistemang padrono ay umiiral pa hanggang
ngayon sa Pilipinas, lalo na sa kanayunan. Ang mga nabanggit na katangian ay
kahalintulad ng lipunang pyudal na umiral sa Europa noong Kalagitnaang Siglo, na
dinala ng mga Kastila sa Pilipinas sa pamamagitan ng sistemang encomienda at
hacienda. Ang sinaunang pyudal na sistemanang ito sa Europa ay natatangi sa
pagiging watak-watak na mga kaharian(mga fiefdom) sa mga probinsiya na
pinapamunuan ng iba’t-ibang panginoon ng kastilyo(lord of the castle) na may
autonomiya sa pamumuno ng isang pangkalahatang panginoon(overlord) na
nakatira sa lungsod. Di nagtagal ang pangkalahatang panginoon na ito ay naging
hari o monarkiya sa pagpapalakas ng kontrrol niya sa mga maliliit na kaharian ng
mga panginoon ng mga kastilyo sa mga probinsiya. Sa Pilipinas nanatili ang hawak
ng mga pangunahing pamilya na inaaway din ng ibang pangunahing pamilya
(kagaya ng naganap sa War of the Roses sa Inglatera at away ng mga Ampatuan at
Manginadato sa Mangindanao) sa mga probinsiya. Ang rehiyonalsimo ng mga
Pilipino ay mas napaigting dahil sa may iba’t-ibang dyalektiko ang mga probinsya
ng Pilipinas. at Ito ay lalo pang napalala ng 1994 Local Government Code(LGC), na
tinulak ng WB na maapruba, dahil ang LGC na ito ay pinapalawak ang
kapangyarihan pulitikal ng gobyerno lokal na kadalasan ay hawak ng mga
panginoong maylupa sa probinsiya.
Panghuling Pananalita
33
Malaki pa ang trabaho at responsibilidad na kailangan isagawa ng mga
namulat na mamamayang Pilipino upang dumating ang tunay na hustisiya at
kaunlaran sa ating bayan. Ngunit, naan diyan ang mga materyal na batayan na
makakatulong upang mas madaling maisakatupran ang pagbabago ng lipunan
mula sa kanyang kasalukuyang kalunos-lunos na kalagayan. Ang Pilipinas ay isa sa
pinaka-mayamang bansa sa buong daigdig sa kanyang mga metal at minerales,
ginto, tanso, bakal, produktong agrikultural, yaman dagat at iba pa. Ang kailangan
lamang maganap ay magising ang mamamayang Pilipino sa kanyang pagkalulon sa
wari bagang isang napakahabang pangarap na hatid ng EU na nagdadala sa kanila
sa pagiging pasibo at pagkawatak-watak. Ang pagintindi ng tunay na mga
naganap sa kasaysayan ng bayan ay maaaring pumakaw sa atin sa makamandag
na pangarap na ito. Ang pagunawa sa sariling kakayahan at pagkalinga at
paglaban para sa kabutihan ng kapwa-mamamayang Pilipino ay kaakibat ng
pagising na ito. Inaasahan na sa pamamagitan ng maliit na aklat na ito ay hindi-
hindi natin makakalimutan ang malagim na kapalaran na sinapit ng mamamayang
Pilipino sa ilalim ng diktadura ni Marcos at gagawain natin ang lahat upang di na
maulit ang ganitong kalagayan.
***
34
1 Mula sa Tortyur: Human Rights Violations during the Marcos regime, ni Michael Briones Chua, p.2, Internet.2 Ferdinand Marcos, Wikipedia3 Interbyu kay Maita Gomez, isang fashion model kasama ni Imelda Marcos sa mga paglalakbay nito sa labas ng bansa, 1988.4 Tignan ang librong, Days of Disquiet, Nights of Rage, ni Jose F. Lacaba, Anvil, 2003, passim. 5 Interbyu sa sarhentong ito sa Camp Bicutan, 1977.6 Raymond Bonner, Waltzing with a Dictator, The Marcoses and the Making of American Policy , New York Times Book, 1987, p.3.7 Inako ni Juan Ponce Enrile ang pekeng pananambang na ito sa isang interbyu sa TV pagkatapos naang napabagsak si Marcos noong Febrero 25, 1986.8 “Free Trade Zones”, Kish Promotion Center, Internet.9 Eric Toussaint, The World Bank and the Philippines , Global Reach, Oct. 9, 2014. 10 Ferdinand Marcos, Wikipedia.11 Edberto M. Villegas, “The Philippine Fiscal Crisis and the Neo-Colonial State”, Papers on the Philippine Financial Crisis and its Roots, Defend Phil., Nov. 4, 2004, passim at Studies in Philippine Political Economy, Silangan Publ., 1983..12 Some are Smarter than others, The History of Marcos Crony Capitalism, ni Ricardo Manapat, Aletheia Publ., 1991., passim.13 Ibid.14 Lessons from the Green Revolution: Do We Need a New Technology to End Hunger?, by Peter Rosset, Joseph Collins & Frances Moore Lappe, Tikkun Magazine, vol. 15, no. 2, March/April 2000.15 Sudjic, Deyan, The Edifice Complex: How the Rich and Powerful Shape the World, The Penguin Press, 2015.16 Ferdinand Marcos, Wikipedia.17 Galing sa manipesto ng CAARMA, Internet.18 Archimedes Trajano, Internet.19 Chua, Ibid.20 “Dark Legacy, Human Rights Under the Marcos Regime”, by Alfred McCoy, 1999, lecture at the Ateneo de Manila University.21 Testimonya ni Juan Villegas na dinala sa isang “safehouse”, tinortyur ng tatlong araw bago nilipart sa Camp Crame.22 “Detention Camps: Manila”, Ninotchka Rosca, 1974, Internet.23 Ferdinand Marcos, Wikipedia24 Mula sa manipesto ng The Coalition Against the Marcos Burial in Libingan ng mga Bayani, , Opinion, Insquirer, September 3, 2016.25 Ibid.26 Mula sa From Third Word to First: The Singapore Story, 1965, autobiography ni Lee-Kuan Yew, darting prime minister ng Singapore.27 Mula sa US Institute of Peace at autobiography nina Rafael Videla at Benito Bignone, Internet.28 US Institute of Peace at autobiography ni Alfredo Pinochet, Internet.29 Edberto M. Villegas, “The Philippine Armed Forces: A Neo-Colonial Army of the US”, Philippine Development Forum, 1988.30 Tnignan ang The Politics of Heroin: CIA Commplicity in the Global Drug Trade, ni Alfred McCoy, Chicagp Lawrence Hill, 2003, 710 p., passim
PILING BIBLIOGRAPIYA
Aquino, Belinda, ed. “Cronies and Enemies: the Current Philippine Scene”, Philippine Studies Program, Center for Asian and Pacific Studies, University of Hawaii, 1982.
Blitz, Amy, The Contested State: American foreign policy and regime change in the Philippines, Rowman & Littlefield Press, 2000.
Bonner, Raymond, Waltzing with a Dictator, The Marcoses and the Making of American Policy, New York Times Book, 1987.
Boyce, James, The Political Economy of growth and impoverishment in the Marcos era, Ateneo de Manila University Press, 1993.
Chua, Michael Briones, “Tortyur: Human Rights Violations during the Marcos regime”Internet.
Chaika, David, et. al, The Marcos Kleptocracy-Corruption and money laundering, a symbiotic relationship, Macmillan, 2009.
Celoza, Albert F. Ferdinand Marcos and the Philippines: the Political Economy of authoritarianism, Greenwood Publ., 1997.
Conde, Carlos H. “Marcos family returning to the limelight in the Philippines”, The New York Times, July 8, 2007.
Gerth, Jeff & Brinkley, Joel, “Marcos Wartime Role Discredited in US Files”, New York Times.
Hoffman, Daniel, et. al., “In Crucial Call, Laxalt told Marcos; ‘Cut Cleanly’, The Washington Post.
Kishida, Kenji, “The Political Economy of the Philippines under Marcos – Property Rights in the Philippines from 1965-1986”, Stanford Journal of East Asian Affairs, 2003.
Global Corruption Report, (PDF), Transparency International, Internet.
Lacaba, Jose F., Days of Disquiet, Nights of Rage, Anvil, 2000.
Lee-Kuan Yew, Third World to First: The Singapore Story, 1965-2000, autobiography of Lee-Kuan Yew.
Library of Congress Country Studies, Philippines, The Inherirtance from Marcos.
Manapat, Ricardo, Some Are Smarter than Others: The History of Marcos Crony Capitalism, Aletheia Publ., 1991.
Mijares, Primitivo, The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos, Union Square Publ., 1986.
Maynigo, Benjamin, “Marcos Fake Medals (Part I & II) Asian Journal.
McCoy, Alfred, Policing American empire: The United States, the Philippines and the rise of the surveillance state, University of Wisconsin Press, 2009.
______________ The Politics of Heroin: CIA Complicity in the Global Drug Trade, Chicago Lawrence Hill, 2003.
_______________ “Dark Legacy: Human Rights under the Marcos regime,” lecture at the Ateneo de Manila University.
Orbeta, Aniceto Jr., “Structural Adjustment and Poverty Alleviation in the Philippines”, Philippine Institute of Development Studies, 1996.
Rempel, William, Delusions of a Dictator, The Mind of Marcos as Revealed in his Secret Diaries, Little Brown & Co., 1993.
Report of the Amnesty International Mission to the Republic of the Philippines, AI Publ., September, 1976.
Rivet, Rohan, “The Mark of Marcos –Part I: A deafening silence in the Philippines”, The Age, 1973.
Rosset, Peter, Collins, Joseph & Frances Moore Lappe, “Lessons from the Green Revolution: Do We Need a New Technology to End Hunger?”, Tikkun Magazine, March/April 2000.
Salonga, Jovito, Presidential Plunder, The Quest for Marcos ill-gotten wealth, Regina Publ., Manila.
Schirman, Daniel & Shalom, Stephen, The Philippine Reader: A History of Colonialism, Neo-Colonialism, Dictatorship and Resistance, South End Press, 1987.
Seagrave, Sterling, The Marcos Dynasty, Harper Collins, 1988.
Sudjic, Deyan, The Edifice Complex: How the Rich and Powerful Shape the World, The Penguin Press, 2015.
Stolen Asset Recovery Initiative, Ferdinand and Imelda Marcos, Switzerland, World Bank, Internet.
Tupaz, Edsel, Wagner, “The Missing Marcos Billions and the Demise of the Commission on Good Government”, The World Post.
Toussient, Eric, “The World Bank and the Philippines”, Global Reach, 2014.
Villegas, Edberto, Studies in Philippine Political Economy, Silangan Publ., 1983.
_____________ “The Philippine Fiscal Crisis and the Neo-Colonial State”, Papers on the Philippine Financial Crisis and its Roots, 2014.
_______________ “The Philippine Armed Forces: A Neo-Colonial Army of the US”, Philippine Development Forum, 1988.
World Ten Most Corrupt Leaders, Transparency International Global Corruption Report, 2004.