dulot ng maagang pakikipagtalik ng mga kabataan
TRANSCRIPT
“DULOT NG MAAGANG PAKIKIPAGTALIK NG MGA KABATAAN”
____________________
Ang pamanahong papel na ito ay inihada sa Departamento ng Information Technology
____________________
Bilang pagtupad isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Filipino II pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik
Na si
John Kennedy N. Rosales
BSIT123
Talaan ng Nilalaman
Pasasalamat . . . . . . . . i.
Dedikasyon . . . . . . . . . ii.
KABANATA I
A. Introduksyon . . . . . . 1-2
B. Layunin ng Pagaaral . . . . . 3
C. Kahalagahan ng Pagaaral . . . . 4
D. Saklaw at limitasyon
ng pag aaral . . . . . 5
E. Depinisyon ng Terminolohiya . . . . 6
KABANATA II
Mga kaugnay na pag aaral at literatura . . . 7-12
KABANATA III
Metodolohiya
a. Disenyo ng pananaliksik . .. . . 13
b. Instrumento ng pananaliksik . . . . 14
Talaan ng sanggunian . . . . . . 15
“Pasasalamat”
Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga
indibidwal na siyang tumutulong at umudyok sa akin upang matapos ko itong
pamanahong papel na ito.Kay Ginoong Julio Cueto, ang aming kagalang-galang
na guro sa asignaturang Filipino II. Nagpapasalamat po ako sa walang sawang
paggabay at pagbibigay ng magandang payo na siyang makakatulong upang
mabuo at magawa ng maayos ang pamanahonang papel na ito.Sa aking mga
magulang, lubos akong nag papasalamat sa inyo sa pag gabay ninyo sa akin at
sa pag bigay ninyo sa akin ng pera para matapos ko ang pamanahong papel
kung ito.Sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa inyo sa walang sawang
pagtulong ninyo sa akin. Salamat sa lahat ng tulong na ginawa ninyo para sa
akin. Lubos din akong nagpapasalamat sa aking girlfriend na si Allen na
nagsilbing inspirasyon at laging nagpapaala-ala sakin na gawin ang
pamanahong papel na ito. At higit sa lahat sa ating mahal na Panginoon, lubos
ang aking pagpapasalamat sa iyo sapagkat binigyan ninyo ako ng kaalaman at
kalakasan upang sagayon ay maisagawa ko na ng nasa tama at nasa ayon ang
proyektong ito.
Maraming Salamat sa inyo!!!
“Dedikasyon”
Inaalay ko ang pamanahong papel nito sa aking mga magulang, dahil sa
inyo natapos ko ang pamanahong papel kung ito. Inaalay ko din ang aking
pamanahong papel sa aking guro na si Ginoog Julio Cueto, salamat po sa
inyong walang sawang pag tulong sa akin sa pagbuo ng aking
pananaliksik.Inaalay ko din Ito sa aking mga kaibigan sapagkat kung wala kayo,
siguro hindi ko matatapos ito. Sa DELTAN CONNECTIONS INTERNET CAFE,
salamat sa libreng oras sa computer at libreng imprenta nitong pamanahong
papel kong ito. At higit sa lahat sa ating Diyos, Ama, salamat sa pagbibigay mo
sa akin ng karunungan para matapos ko ito. MARAMING SALAMAT!!!
Sa inyong lahat salamat, ang lahat ng ito ay para sa inyo. Ang tagumpay
ko ay tagumpay ninyo din!!!
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran nito
A. Introduksyon
Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa mga dulot ng maagang
kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan. Pinili ko ang
paksang ito sapagkat upang malaman ang mga posibleng maging dulot ng
maagang pag aasawa. Ang paksang ito ay kaugnay sa iba’t-ibang
aspeto(pisikal,mental,atbp.) at sa pag-aaral,kalusugan at kinabukasan ng
mga kabataan.
Sa kasalukuyang panahon, marami nang mga kabataang napapariwara
bilang isang epekto ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik. Ang iba ay
kinokonsidera nila ito na parang isang simpleng bagay na maaaring gawin sa
anumang oras. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin ng pakikipagtalik?
Ayon sa biolohikal na kahulugan, ang pakikipagtalik ay isang paraan ng
isang babae at isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa
pamamagitan ng kanilang maselang bahagi ng katawan. At ayon naman sa
bibliya, ginamit ang salitang nakilala, kung kaya’t ang pagtatalik ay ang
pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa, gayon din ng babae sa kanyang
esposo.Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng dalawang
taong natamo na ang sacramento ng kasal; kung kaya ito ay masasabi na
sagrado. Ito rin ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahalan ng isang
mag-asawa lamang. Hindi ito dapat ginagawa ng mga kabataan, lalo na ang
mga minor de edad. Ngunit, kadalasan may mga kabataan pa rin na
pumapasok sa ganitong gawain dahil sa hindi tamang paggamit ng kaalaman
sa pakikipagtalik.
Ang kaalaman ito ng mga kabataan ay mahalagang malaman
para maiwasan ito. Ang maagang pagbubuntis ay napapanahon ngayon. At
ang papel na ito ay makatutulong upang masugpuan ang dumaraming bilang
ng mga kabataang napapasali sa gawaing pakikipagtalik. Ito rin ang gigising
sa isipan ng mga kabataan sa kadahilanan ng dumarami nang bilang ng mga
kabataang naliligaw sa landas. Minsan alam nila na naliligaw na sila ng
landas, at minsan naman ay wala silang kamalay-malay dahil na rin sa dulot
ng kanilang kapaligiran. Matagal na isyu na ang maagang pagbubuntis na
siyang isang dulot ng maling paggamit ng kaalaman sa pakikipagtalik, at
habang tumatagal, lalo itong lumalala, kung saan siyang nagging dahilan ng
pagpili ng paksang ito upang mapag-aralang mabuti. Sa pagtatalakay ko ng
paksang ito malalaman ninyo ang mga magiging bunga ng maagang
pagaasawa.
B. Layunin ng Pag-aaral
Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman at maintindihan
ang posibleng dulot ng maagang kaalaman sa pakikipagtalik sa murang
isipan ng mga kabataan.
Ang tiyakang layunin ng pag-aaral na ito ay:
1. Upang malaman ang maaaring epekto ng maagang kaalaman sa
pakikipagtalik ng mga kabataan.
2. Upang malaman kung anu-ano ang mga posibleng dulot ng maagang
kaalaman sa pakikipagtalik.
3. Upang malaman kung anu-ano ang mga epekto nito sa mga aspetong
pisikal, mental, emosyonal, espiritwal at sosyal.
4. Upang malaman kung anu-ano ang mga pinagmulan ng maagang
kaalaman sa pagkikipagtalik ng mga kabataan at,
5. Upang gisingin ang mga kabataan sa mga katotohanang nakapalibot sa
kanilang kapaligiran nang lalong maiwasan ang sitwasyon gaya ng maagang
pagbubuntis.
6. Upang mabigyan o magkaroon ng rekomendasyon sa maaring negatibong
epekto nito sa buhay ng mga kabataan.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mayroong nais ipaabot para sa mga estudyante,
mga magulang, mga guro at tagapayo, lipunan at pati na rin mismo sa mga
mananaliksik.
Sa mga estudyante, ang pag aaral na ito ay ginawa upang maimulat ang
kanilang isipan sa ganitong isyu upang maiwasan ang maaring masamang
dulot nito.
Sa mga magulang naman, ito ay binuo upang magabayan pa ng husto
ang kanilang mga anak at mapigilan ang maagang pag-aasawa gayun din
ang pagbubuntis.
Sa mga guro’t tagapayo naman, ito ay upang makagawa ng isang
programa o aktibidad ukol sa isyung ito at mahikayat ang mga kabataan sa
mga bagay na kapaki-pakinabang bukod sa pagtatalik.
Samantalang sa mismong lipunan naman, ito ay upang maiwasan ang
lumalalang bilang ng panggagahasa at iba pang krimeng kaugnay nito at isa
pa ay upang maipaabot sa pamahalaan ang mga posibleng sanhi nito at
maiwasan ang problema ng komunidad hinggil dito. At syempre, para na rin
sa mga mananaliksik, upang makapagbigay ng magandang solusyon ukol sa
isyu na ito at makapagbigay ng kaalaman sa sino mang makababasa nito.
D. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa maagang kaalaman at pagkamulat ng
isipan ng mga kabataan.. Ang kadalasang hanguan ng kaalamang ito na
posibleng makaapekto sa pisikal, emosyunal, mental, sosyal at espiritwal na
aspeto ng mga kabataan, at kung anu-ano ang maaring maging aksyon ng
mga nakatatanda upang ang kaalamang iyon ng mga kabataan ay hindi
maghatid sa maling landas. Ang pagaaral na ito ay umiikot sa edad mula
labing isa(11) hanggang labing siyam(19) na taong gulang. At ang iba pang
posibleng magdulot ng problema ng kabataan at iba pang hindi nabanggit sa
pananaliksik ay sakop ng pag-aaral na ito.
E. Depinisyon ng Terminolohiya
WHO- World Health Organization
STD- Sexually Transmitted Disease
AIDS- Acquired Immune Defieciency Syndrome
Premarital Sex – mga menor de edad na maagang nakikipagtalik
Live-in – ang pagsasama ng dalawang tao na hindi pa ntatanggap ang
sakramento ng kasal
Aborsyon – pagpapatangal ng nabuong sangol sa sinapupunan ng ina
Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae
Teenage pregnanacy – ito ang maagang pagbubuntis ng isang dalaga
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Dayuhan na pag-aaral
Ang dayuhang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga dulot ng maagang
kaalaman sa pakikipagtalik sa mga kabataan gaya ng maagang pagpasok sa
pakikipagtalik, maagang pagbubuntis, pagtigil sa pag-aaral, pagkasira ng
kinabukasan at iba pa:
Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados
Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao.
Samantala, Sa Britanya naman, may legal na depinisyon kung saan ang
isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nabuntis
bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang
ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala
pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo, na
nabubuntis.
Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang
buwanang dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay
nag iiba-iba parin ayon sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang
obyulasyon ay nanatiling hindi regular hanggang ilang buwan matapos ang
“menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na edad ng menarche ay patuloy
na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na
manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi
pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa
pagbubuntis ng isang dalaga.
Sa isang pananaliksik ni Robertson et. al, nagawa niyang alamin
ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang
isyung sosyal sa mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod:
mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga
anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang bansa, ang
“teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa
lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito,
nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga
dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga
bansa at kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga
bansa, ang teenage pregnancy ay saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng
“social stigma.”
May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na
ang maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang
bahaging ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga
importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang
nagbubuntis. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag-
aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang
kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa rin
sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain
ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing
nahihikayat sila na makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong
sekswal ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang
kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain”, at 24% ang
“gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila talaga gustong gawin”.
Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga ipinagbabawal na
gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa
mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal
na Gawain
Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa
sekswalidad, ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng
sekswal na aktibidad dahil ito ay “nakakatanggal ng hiya at sakit.”
Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang
“maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin
lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng
hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina.
Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na
nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o
ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang
nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang
Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na
dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga
anak ay ang madalas na dumaranas ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa
mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina. Marami sa mga nagbubuntis
na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional
deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o
hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito,
kasali na ang mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng
pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang oras, at iba pa.
Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas
malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong
masaganang mga bansa. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay
nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga dalaga sa mga hindi
gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization
(WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa
pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad
20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng
limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.
Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang
industriyalisadong bansa ay isang disadvantage dahil ito ay maaring
makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking
tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag-
alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-
aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi
rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan.
Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng
sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya
10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-
29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa
edad na 30.
Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili
(alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang
pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang
relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng
kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at
problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na
masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon.
Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na
“social stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o
tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging
ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga negatibong pananaw
(negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng
pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.
Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa
nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon
sa Kaiser Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina
ay makikita o mapapansin sa paglaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng
kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-
ugali ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag-
aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina
ay paminsan-minsan lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng
kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak, pagngiti, pakikipag-
usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng
kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang
hindi gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal
lamang, ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon
ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at marami din ang
nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na
babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin
sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay
kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa. Sa
pangkabuuan, hinihingkayat sa lahat na gamitin ang kaalaman sa
pakikipagtalik sa mabuti upang hindi makaranas ng mga dulot nito gaya ng
nabanggit.
Ayon sa OPP-PAPERS.COM ang mga bunga ng maagang pag aasawa
ay ang sumusunod.
1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak,
maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak
lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya.
2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-
aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa.
4. Kung mag-kakaanak agad, hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati
mga anak. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa
buhay.
5. Sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang
makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak.
KABANATA III.
Metodolohiya
Sa kabanatang ito, tinatalakay ang disenyo ng pananaliksik,
respondente, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pangangalap ng
mga datos, istatistikal tritment ng mga datos at istratehiyang ginagamit sa
pag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay nagsasaad ng proseso kung saan ang
pag-aaral ay may napiling populasyon para isagawa ang sarbey. At kung
anuman ang magiging resulta ng sarbey ay siyang magiging batayan ng pag-
aaral tungkol sa paksa.
Ang ginamit na disenyo sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon sa pag-aaral na ito ay ang deskriptib na pananaliksik dahil ito
ay mas naaangkop para sa pananaliksik tungkol sa “Dulot ng maagang
kaalaman sa pakikipagtalik sa murang isipan ng mga kabataan.”
Ang deskriptib na pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik kung saan
ang primaryang sakop ay ang paglalarawan sa mga kondisyon at abot-saklaw
na ayos ng isang “written report”, kung saan walang dinoktor na mga
impormasyon.
“Mga Instrumentong ginamit sa Pagaaral”
1. Internet- Sa tulong ng bagong Teknolohiya,ang paggamit sa Internet
ang pinagmulan ng aking pananaliksik at mga datos na aking nakuha. Sa intenet ko rin
nakuha ang at nahanap ang bawat detalye ukol sa aking paksang tinalakay. Nakatulongito
ng malaki sapagkat naibahagi ko ang aking pag-aaral tungkol sa dulot ng
maagang pag aasawa ng mga kabataan.
2. Libro- Sa libro ko naman nahanap ang bawat detalye ukol sa aking
paksang tinatalakay. Nakatulong din ito ng malaki sapagkat naibahagi ko ang mga pag-
aaral ko tungkolsa dulot ng maagang pag aasawa ng mga kabataan na siyang
pumukaw sa aking atensyon upang mabuksan ang aking kamalayan kung anu ng buhay
ang maghihintay sakin kung ako ay maagang magaasawa.
Bibliograpiya
www.yahoo.com
http://blog.taragana.com/health/2009/11/05/foreign-students-need-sex-
educationaustralian-
www.abante.com.ph/isssue/oct0608/op_sf.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Sex_education#United_States
http ://tl.wikipedia.org/wiki/Pagtatalik