e d i t o r y a l labanan ang batas militar, at ang mga ... · pdf filekaramihan ng mga...

12
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 37 BILANG 2 ABRIL-MAYO 2017 E D I T O R Y A L Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan ang ginawang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. Gayunman, naninindigan ang Pardo Komunista ng Pilipinas na hindi ito sapat na batayan para ideklara ang Batas Militar na sasaklaw sa buong Mindanao, lalo’t higit sa buong bansa. Hindi ang pagdedeklara ng Batas Militar ang lulutas sa malaon nang suliranin sa mga teroristang grupong mayroon din namang koneksyon mismo sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at imperyalismong US tulad ng Abu Sayyaf at Maute Group. Higit lamang na palalalain ng Batas Militar ang krisis na kinakaharap ng bansa. Sa kasalukuyan, libu-libo na ang mga nagbakwit dahil sa nagpapatuloy na susnido at malawakang operasyong militar ng AFP. Malaki na ang ipinagbago ng pang- araw-araw na pamumuhay ng mamamayan. Napakaraming mga tahanan at kabuhayan na ang nawasak bunsod ng mga pag-atake, laluna na ang aerial bombings ng militar na mahigpit na nututulan ng mamamayan. Karamihan ng mga nagbakwit ay wala ni anumang dala kundi kakaunng mga gamit. Kahit nakalayo na sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga labanan, puno pa rin sila ng pangamba dahil walang kayakan na mayroon pa silang babalikang tahanan at kabuhayan sa kanilang mga komunidad. Labanan ang Batas Militar, at ang mga militarista’t kontra-kapayapaan sa gubyernong Duterte M atapos ang 45 taon, muli na namang ipinataw ang Batas Militar. Noong Mayo 23, ipinataw ni Rodrigo Duterte ang Batas Militar sa Mindanao at nagbubukas ng posibilidad na saklawin maging ang mga rehiyon sa Visayas hanggang sa Luzon. At kay Duterte na mismo nanggaling, tatapatan niya ang kalupitan ng Batas Militar na idineklara ni Ferdinand Marcos noong 1972.

Upload: lyhuong

Post on 10-Feb-2018

283 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 37 BILANG 2 ABRIL-MAYO 2017

E D I T O R Y A L

Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan ang ginawang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. Gayunman, naninindigan ang Partido Komunista ng Pilipinas na hindi ito sapat na batayan para ideklara ang Batas Militar na sasaklaw sa buong Mindanao, lalo’t higit sa buong bansa. Hindi ang pagdedeklara ng Batas Militar ang lulutas sa malaon nang suliranin sa mga teroristang grupong mayroon din namang koneksyon mismo sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at imperyalismong US tulad ng Abu Sayyaf at Maute Group.

Higit lamang na palalalain ng Batas Militar ang krisis na kinakaharap ng bansa. Sa kasalukuyan, libu-libo na ang mga nagbakwit dahil sa nagpapatuloy na sustinido at malawakang operasyong militar ng AFP. Malaki na ang ipinagbago ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan. Napakaraming mga tahanan at kabuhayan na ang nawasak bunsod ng mga pag-atake, laluna na ang aerial bombings ng militar na mahigpit na tinututulan ng mamamayan.

Karamihan ng mga nagbakwit ay wala ni anumang dala kundi kakaunting mga gamit. Kahit nakalayo na sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga labanan, puno pa rin sila ng pangamba dahil walang katiyakan na mayroon pa silang babalikang tahanan at kabuhayan sa kanilang mga komunidad.

Labanan ang Batas Militar, at ang mga militarista’t kontra-kapayapaan sa gubyernong Duterte

Matapos ang 45 taon, muli na namang ipinataw ang Batas Militar. Noong Mayo 23, ipinataw ni Rodrigo Duterte ang Batas Militar sa Mindanao at nagbubukas ng posibilidad

na saklawin maging ang mga rehiyon sa Visayas hanggang sa Luzon. At kay Duterte na mismo nanggaling, tatapatan niya ang kalupitan ng Batas Militar na idineklara ni Ferdinand Marcos noong 1972.

Page 2: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

NILALAMAN

ABRIL-MAYO 20172 KALATAS

ABRIL-MAYO 2017Tomo 37 Bilang 2

1 Editoryal

4 Adyenda: Libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka

5 Likhain ang nagsasariling lakas ng mamamayan para isulong ang kanilang mga karapatan

6 Balitang TO

7 Ika-48 anibersaryo ng BHB, inilunsad

Ika-44 taong anibersaryo ng NDFP, ipinagbunyi

8 Mga mag-aaral ng UPLB, naglunsad ng Occupy SU

Bagong koalisyon laban sa jeepney phaseout, binuo sa isang people’s forum

Kilos-protesta laban sa Batas Militar at terorismo ng US, inilunsad

Manggagawa ng TK, nagkaisa sa ika-113 Araw ng Paggawa

9 Supok: rebolusyonaryong organisasyon sa Palawan

Ika-10 taon ng Mangyan Day, ipinagdiwang

Kalbaryo ng Mamamayan, inilunsad sa TK

Anibersaryo ng pagpaslang kina Ka Eden at Eddie,ginunita

10 Bantay Karapatan

11 Kultura

Dagdag pa, talamak na ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Ilan daang mamamayan na ang iligal na inaresto dahil sa mga arbitraryong patakarang ipinataw ng militar. Ipinagbabawal ang pagtitipon o paglulunsad ng pagkilos. Ang mga nagpoprotesta ay isinasailalim sa panggigipit at interogasyon ng militar. Labis na panunupil ito sa kalayaang

sibil ng mamamayan. Ilang sibilyan na rin ang namatay at nasugatan dahil sa walang habas na pamamaril at pambobomba na isinasagawa ng AFP sa mga komunidad.

Walang ibang makikinabang sa Batas Militar kundi ang mga militarista at anti-kapayapaang elemento sa loob ng gubyernong Duterte. Natupad na rin sa wakas ang matagal na nilang minimithing Batas Militar upang supilin ang mga karapatan at pakikibaka ng mamamayan para maisulong ang mga pansariling interes ng malalaking burgesya kumprador, mga panginoong maylupa at burukratang kapitalista.

Nakahanap sila ng ligal na batayan upang isulong ang todo-gera laban sa rebolusyonaryong kilusan. Makailang ulit mang sabihin ni Duterte at ng kanyang mga alipures sa gubyerno na hindi target ng Batas Militar ang Bagong Hukbong Bayan, naghuhumiyaw ang sunud-sunod na mga kaso ng walang habas na pambobomba at pamamaril, iligal na pag-aresto at mga katulad sa iba’t ibang mga lugar sa Mindanao na ilan daang kilometro na ang layo sa Marawi City.

Sa ibang bahagi naman ng bansa, nagpapatuloy din ang mga operasyong militar ng AFP laban sa BHB at tampok din ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Sa Timog Katagalugan, sa ilalim ng kasalukuyang Oplan Kapayapaan ay dumanas na ng malulupit na pag-atake ng militar ang mga komunidad ng mga magsasaka at katutubong mamamayan. Ilang mga progresibo na rin ang iligal na inaresto, ginipit at tinakot. Kung idedeklara ang Batas Militar sa buong Pilipinas, tiyak na mas titindi pa ang pag-atake ng militar sa mga rebolusyonaryo at sa mamamayan.

Dahil sa deklarasyong Batas Militar,

Page 3: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 2017 3 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

[email protected]

balikwastk.wordpress.com

nagkaroon ng pagkakataon ang mga sagadsaring anti-komunista at anti-mamamayan upang isabotahe ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Nagkaroon sila ng oportunidad na pigilan ang pagsusulong ng mga repormang pakikinabangan ng buong bayan na taliwas naman sa interes ng mga naghaharing uri.

Binibira ngayon ng mga maka-kanan at militarista sa gubyernong Duterte ang mga aksyong militar ng BHB gayong ang AFP ang probokador sa mga labanang ito at naglulunsad ng mga operasyong pagtugis laban sa Pulang hukbo. Paanong hindi dedepensa ang BHB kung sila at ang mamamayan ay inaatake ng reaksyunaryong hukbo?

Ang mga elementong ito tulad nina DND Secretary D e l f i n L o r e n z a n a , National Security Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief-of-Staff Eduardo Año ay interesado lamang sa pagkakaroon ng bilateral na kasunduan sa pangmatagalang tigil-putukan upang itali ang kamay ng Pulang hukbo at ilunsad ang kanilang operasyong pagwasak

sa BHB at rebolusyonaryong kilusan. Hindi sila interesado sa paglutas sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa at pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaang nakabatay sa katarungan at hustisyang panlipunan.

Higit na napapanahon ngayong pag-usapan ang mga pang-ekonomikong repormang lulutas sa malaon nang suliranin ng kahirapan, kagutuman at maging ng terorismo sa bansa. Subalit sa ginawang makaisang panig na pagkansela ng GRP sa ikalimang serye ng negosasyong pangkapayapaan, nasayang lamang ang mga pag-usad at mga nakamit ng tagumpay ng sambayanang Pilipino sa nakalipas na mga negosasyon.

Dapat ilantad at labanan ang mga militarista at anti-kapayapaang mga elemento sa rehimeng Duterte. Dapat

ding puspusang labanan ang Batas Militar, igiit ang kagyat na pagbasura nito at ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan.

Kailangang higit na pataasin ang kahandaan ng Bagong Hukbong Bayan na depensahan ang kanyang sarili at ang mamamayan sa mga pag-atake ng militar. At katulad ng ipinamalas ng rebolusyonaryong kilusan noong panahon ni Marcos, lagi itong handang paigtingin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka upang labanan at biguin ang Batas Militar ni

Duterte.

Page 4: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

4 KALATAS ABRIL-MAYO 2017

Adyenda: Libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka

Naigiit ng NDFP na ito ang dapat na maging batayang prinsipyong gagabay sa kanilang pagbabalangkas ng mga probisyon para sa repormang agraryo na lalamnin ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) ng magkabilang panig. Esensyal na usapin ang tunay na repormang agraryo sa CASER upang maisulong ang tunay na pambansang kaunlaran at industriyalisasyon.

Malaon nang suliranin ng masang magsasaka ang malaganap na kawalan ng lupa at ang pyudal at malapyudal na sistema sa produksyon lalo sa kanayunan. Habang ipinagkakait ito sa masang magsasakang siyang nagbubungkal at nagyayaman ng lupa, hinahayaan namang kamkamin ng mga bundat na asendero’t panginoong maylupa at mga lokal at dayong negosyo ang kalakhan ng mga lupain.

Para mapabilis ang konsentrasyon at hawak ng mga asendero-PML-negosyo sa lupa, ang iba’t ibang rehimen ay nagpakana ng samu’t saring mga kautusan at mga huwad na programa sa reporma sa lupa para patuloy na mapagsamantalahan ang mga pobre. Nariyan ang PD27 ni Marcos, CARP/ER ng mag-inang Aquino, NIPAS, National Greening Program (NGP), Land Use Conversion, Mining Act at marami pang iba. Lahat ito sa ngalan ng pagpapanatiling atrasado at nangangayupapa sa neoliberal na polisiyang ipinatutupad ng imperyalismong US.

Pinaninindigan ng NDFP na dapat saklawin ng pamamahagi ang lahat ng lupaing agrikultural at nakatiwangwang, mga lupaing kinamkam ng malalaking panginoong maylupa at mga multinasyunal na korporasyong pagmamay-ari ng dayuhan mula sa masang magsasaka at mga pamayanan ng mga pambansang minorya.

Sa TK, masasaklaw ng panukalang ito ang malalawak na hacienda at farm ng panginoong maylupa at malalaking burgesya-kumprador sa

bansa. Kabilang dito ang Hacienda Yulo sa Laguna; Hacienda Looc, Roxas at Zobel sa Batangas; Patungan at lupang Aguinaldo sa Cavite; Lopez at Ayala sa Rizal; Hacienda Matias, Murray, Uy at Reyes sa Quezon; Yulo King Ranch sa Palawan; at Quintos Golden County Farm at Saulog Farm sa Mindoro. Tiyak na ipagbubunyi ng libu-libong masang magsasaka at mangagawang bukid sa TK ang libreng pamamahagi ng lupa. Pawis at dugo ang puhunan ng masang magsasaka upang pagyamanin ang mga lupaing ito, na nang produktibo at pinakikinabangan na ay inagaw at inangkin naman ng mga asendero-kumprador.

Dapat sana’y pagkakaisahan na sa ikalimang serye ang sasaklawing lawak ng lupaing ipapaloob sa reporma sa lupa at mga kaparaanan kung paano ito mabisang maipamamahagi sa masang magsasaka. Gayunman, matapos ang walang batayan at makaisang panig na pagkansela ng GRP sa ikalimang serye ng usapang pangkapayapaan, nasa bingit ding mauwi sa wala ang lahat ng mga nakamit sa negosasyon sa nakalipas na apat na serye.

Tiyak na dadaan pa sa maigting na tunggalian ang pagkakamit ng mga demokratikong kahilingan ng masang magsasaka. Kailangang patuloy nilang palakasin at palawakin ang kanilang hanay para igiit ang kanilang karapatan sa lupa.

Mayroon man o walang negosasyong pangkapayapaan, ang rebolusyonaryong mamamayan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa lakas ng Bagong Hukbong Bayan, ay patuloy na isusulong ang rebolusyong agraryo para kamtin ng masang magsasaka ang hustisyang panlipunan.

Sa katunayan, ngayon pa lamang ay pinakikinabangan na ng mga magsasaka ang bunga ng minimum na programa sa reporma sa lupa ng rebolusyonaryong kilusan sa anyo ng pagpapababa

Isang pagsulong ang nakamit sa ikaapat na serye ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa The Netherlands

noong Abril 2-6. Sa nasabing pormal na pagpupulong, kinilala ng magkabilang panig ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang nagbubungkal na walang pag-aaring lupa bilang batayang prinsipyo para ipatupad ang tunay na repormang agraryo.

PANGUNAHING LATHALAIN

Page 5: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 2017 5 KALATAS

Likhain ang nagsasariling lakas ng mamamayan para isulong ang kanilang mga karapatan

Sinasamantala ng imperyalismong US at mga reaksyunaryo ang lahat ng pagkakataon

upang mapanatili ang kanyang dominasyon sa bansa. Bukod sa pagdidiskaril sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines, kumikilos ito ngayon upang tanggalin sa pwesto ang mga progresibong elemento sa loob ng gubyernong Duterte. Nitong nakaraan, tuluyan nang inalis sa pusisyon si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang ginawang pagpapatalsik kay Gina Lopez sa DENR ay malinaw na pag-atake sa mga progresibong elemento sa loob ng gubyerno. Habang nakaupong kalihim ng DENR, pinangunahan ni Lopez ang paglaban sa malalaking korporasyon sa pagmimina na sumisira sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan. Umalma ang mga dayuhan at lokal na malalaking korporasyon sa mga isinulong na polisiya ni Lopez kaya naman mabilis na kumilos ang mga naghaharing uri at ang mga alipures nitong burukratang kapitalista sa loob ng reaksyunaryong Kongreso para tanggalin si Lopez.

Nalulugod ang rebolusyonaryong kilusan kina Judy Taguiwalo at Rafael Mariano sa mga ginagawa nila para sa mamamayan. Sa pangunguna ni Taguiwalo, nilabanan niya ang paggamit ng pondo ng Department of Social Welfare and Development sa malaon nang umiiral na sistemang padrino ng mga reaksyunaryong pulitiko, at inilaan ito sa mga programa para sa mamamayan.

Samantala, nagpatupad naman ng mga desisyon ang Department of Agrarian Reform sa ilalim ni Mariano na pumapabor sa kahilingan ng mga

magsasaka para sa lupa. Ilan daang ektaryang lupain na ang ipinamahagi na pinakinabangan ng mga magbubukid. Sa Timog Katagalugan, isa sa mga ito ang pamamahagi ng 105.33 ektaryang lupain sa 175 benepisyaryo sa Barangay Tayamaan sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Sa kasalukuyan, habang nakabinbin pa ang kumpirmasyon nina Mariano at Taguiwalo ay kumikilos naman ang mga militarista at anti-kapayapaang alipures ng imperyalismong US para paupuin ang mga dating heneral ng Armed Forces of the Philippines sa loob ng gubyernong Duterte at pangalagaan ang interes ng mga naghaharing uri.

Itinalaga ang dating punong hepe ng AFP na si Roy Cimatu bilang kapalit ni Lopez sa DENR. Itinalaga naman ang kasalukuyang hepe ng militar na si Eduardo Año bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government na magiging epektibo matapos ang pamumuno nito sa Batas Militar sa Mindanao.

Tiyak na gagawin ng imperyalismo at mga lokal na naghaharing uri ang lahat ng paraan at maniobra upang mapanatili ang kapangyarihan nito at patuloy na isulong ang kanilang interes sa bansa. Nasa kaibuturan na ng burukratang kapitalismo ang pagpapanatili ng pamamayagpag ng mga reaksyunaryong pulitiko sa loob ng gubyerno upang mapanatili ang dominasyon nito sa bansa. At sa gubyernong Duterte, sinimulan na ito sa pagtanggal kay Gina Lopez.

Higit na lalong tumitingkad ang pangangailangan ng mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan na likhain ang sariling dambuhalang lakas para igiit at ipaglaban ang kanilang mga lehitimong interes.

ng upa sa lupa, pagpapataas ng presyo ng produktong bukid, pagpapataas ng sahod ng manggagawang bukid at hakbang-hakbang na pagpawi ng usura. At saanman kakayanin, ipinatutupad na rin ang maksimum na programa ng kumpiskasyon ng lupa at libreng pamamahagi nito sa mga magsasakang wala at kulang sa lupang masasaka.

Hindi kusang ibibigay ng mga naghaharing-uri ng

malalaking burgesya-kumprador at panginoong maylupa ang lupang kinamkam nila sa mga magsasaka. Sa pagtindi ng makauring tunggalian sa pagitan ng uring magsasaka at panginoong maylupa, dapat paigtingin ang armadong pakikibaka upang tiyakin, pangalagaan at ipagtanggol ang mga tagumpay ng rebolusyong agraryo at kilusang antipyudal ng masang magsasaka.

Page 6: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 20176 KALATAS

Balitang TO

Berdugong 202nd IBde, pinarusahan ng CBC-BHB Laguna

Matagumpay ang pitong magkakasunod na taktikal na opensibang inilunsad ng Cesar Batrallo Command-BHB Laguna sa bahagi ng Quezon at Laguna noong Mayo 14 at 17.

Noong Mayo 17, dalawang elemento ng 5th Maneuver Platoon ng Quezon Police Public Safety Company ang inisnayp ng isang tim ng CBC sa pagitan ng Brgy. Kalangay at Mahabang Parang, Lucban, Quezon.

Inambus naman ng isa pang tim ng CBC ang natitira pang pwersa ng 5th MP ng QPPSC at nakumpiska ang isang ammo pouch na may lamang magasin at mga bala, isang military pack at iba pang kagamitang militar bago sinunog ang dalawang sasakyan nito.

Samantala, tinambangan ng mga Pulang mandirigma ang magkakasunod na apat na sasakyan ng militar kabilang ang dalawang 6x6 military truck, isang weapon vehicle at isang anti-personnel carrier sakay ang mga pwersa ng 80th Infantry Battalion ng Philippine Army at kumand ng 202nd Brigade sa Brgy. San Antonio, Luisiana, Laguna bandang alas-3:30 ng hapon.

Nawasak ang dalawang sasakyan ng militar na tinamaan ng mga nakatanim na command detonated explosive device. Hindi bababa sa 10 militar ang patay at tinatayang 10 pa ang sugatan sa 20 minutong ambus habang walang natamong pinsala ang Pulang hukbo at ligtas na nakaatras.

Bago ito, pinarusahan ng CBC ang Global Heavy Equipment, Inc. (GHEI) at ang bayarang 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army at Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Majayjay, Laguna noong Mayo 14.

Isinagawa ng mga Pulang mandirigma ang tatlong magkakasunod na opensiba laban sa tatlong pwesto ng detatsment ng militar sa Brgy. Piit, Majayjay. Isang opisyal ng AFP na si Sgt. Pepito Rodriguez, at dalawang mula sa CAFGU na sina Alvin Alsum at Francisco Agencia ang nasugatan.

Sinunog ang backhoe equipment ng GHEI sa Brgy. Ibabang Banga, Majayjay. Nasugatan sa pamamarusa ang dalawang elemento ng 80th IBPA na nakapwesto sa main office ng GHEI.

Ang aksyong pamamarusa laban sa GHEI at mga inuupahang yunit ng militar na nagbabantay dito ay tugon sa kahilingan ng taumbayan hinggil sa mapaminsalang epekto ng mini hydro power plant sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

Mga aksyong militar ng BHB sa Mindoro, matagumpay

Inisnayp at hinaras ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command ang nag-ooperasyong mga elemento ng 4th IBPA sa Brgy. Cambunang, Bulalacao, Oriental Mindoro noong Mayo 20. Kinaumagahan, pinatay ng mga sundalo si Mario Versoza, isang residente sa lugar, at nagpakalat ng gawa-gawang balitang isa siyang Pulang mandirigma na namatay sa labanan.

Noong Marso 30, inambus ng mga Pulang mandirigma ang pasistang tropa ng Bravo Coy ng 4th IBPA sa Sityo Lalawan, Brgy. Benli, Bulalacao.

Nakumpiska ng LdGC ang isang M4 rifle at iba pang mga kagamitang militar, at nagdulot ng 18 kaswalti sa hanay ng mga sundalo kung saan 12 ang namatay habang anim naman ang sugatan sa halos tatlong oras na labanan.

BALITA

Page 7: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 2017 7 KALATAS

RLRC, matagumpay na inambus ang pasistang 80th IBPA

Matagumpay na inambus ng Rosario Lodronio Rosal Command-BHB Sierra Madre ang mga berdugong elemento ng 80th IBPA sa Sityo Little Baguio, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon noong Mayo 8. Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa hanay ng militar.

Bahay ng druglord at gunrunner sa Palawan, matagumpay na nireyd

Matagumpay na nireyd ng Bienvenido Vallever Command–Bagong Hukbong Bayan Palawan (BVC-BHB Palawan) ang bahay ng druglord at gunrunner na si Gilbert S. Baaco (mas kilala bilang GSB) noong Abril 14, ganap na alas-8 ng gabi sa Brgy. Barong Barong, Brooke’s Point.

Nasamsam ng BVC ang 18 baril, kabilang ang isang

M16, dalawang M4-bushmaster, anim na shotgun, 9mm machine pistol, anim na bull g-cheroke, isang CZ-9mm at isang HS 9mm.

Ayon sa BVC, si GSB ay sangkot sa mga iligal na aktibidad at krimen sa mamamayan ng Palawan na itinatago sa likod ng Rescue 165 at sa pagiging opisyal nya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Tampok sa kaso ni GSB ang pagpatay sa mga nagnanais tumiwalag sa kanilang sindikato, gayundin sa mga sibilyang inaakusahan nilang nagsusumbong ng kanilang iligal na aktibidad, at ang pananakot sa mamamayang nagpapahayag ng kanilang mga hinaing sa lokal na pamahalaan ng Palawan.

Aarestuhin sana ng BVC si GSB para iharap sa hukumang bayan subalit namaril ito na nagdulot ng pagkasugat ng isang Pulang mandirigma. Dahil armado at nanlaban, dumepensa ang Pulang hukbo at napatay si GSB.

Ika-44 na taong anibersaryo ng NDFP, ipinagbunyi

Mahigit 600 kasapi ng mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front

of the Philippines ang naglunsad ng raling iglap at parada sa pangunguna ng NDF-Southern Tagalog sa Mendiola upang ipagbunyi ang ika-44 na taong anibersaryo ng NDFP noong Abril 24. Ipinanawagan ng mga nagprotesta ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP. Tinuligsa nila ang inilulunsad na all out war ng rehimeng Duterte laban sa mamamayan sa ilalim ng DSSP Kapayapaan.

Ayon sa NDF-ST, maningning at puno ng sakripisyo ang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanan na kinakatawan ng mga alyadong organisasyon ng NDFP. Binigyang diin nito na sa pamamagitan ng malapad na rebolusyonaryong pagkakaisa ng mamamayan, makakamit ang tagumpay ng pakikibaka ng lahat ng mga pinagsasamantalahang uri at sektor.

Ipinagdiwang naman ng iba’t ibang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyon ang anibersaryo ng NDFP sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa sa mga sonang gerilya.

Ika-48 anibersaryo ng BHB, matagumpay na inilunsad

Matagumpay na inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Timog

Katagalugan ang ika-48 taong anibersaryo nito noong Marso 29.

Sa kabila ng idineklarang todo-gera ng GRP, inilunsad ng Melito Glor Command-BHB Timog Katagalugan at mga subkomand nito ang mga pagdiriwang sa loob ng mga sonang gerilya kasama ang mga kasapi ng iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyong masa, mga kadre at kasapi ng Partido at iba pang mga kaibigan ng rebolusyon.

Kinatampukan ng makukulay na mga pagtatanghal ang mga inilunsad na programa. Ibinahagi rin ang nilalaman ng mga pahayag ng Komite Sentral at ng Komiteng Rehiyon ng PKP sa Timog Katagalugan.

Samantala, naglunsad ng raling iglap ang rebolusyonaryong mamamayan sa Crossing, Calamba upang pagpugayan ang BHB sa anibersaryo nito. Ipinanawagan nila ang pagpapasampa ng paparaming bilang ng mamamayan sa Pulang hukbo at ang higit pang pagpapaigting ng digmang bayan.

Page 8: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

8 KALATAS ABRIL-MAYO 2017

Kilos-protesta laban sa Batas Militar at terorismo ng US, inilunsad

Naglunsad ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong organisasyon kabilang ang

Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog, Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), Gabriela-ST, Migrante-ST, at iba pa, upang ipanawagan ang pagbasura ng deklarasyong Batas Militar sa Mindanao sa harap ng Cabuyao City public market noong Mayo 24.

Kinundena ni Allan Bagas, Secretary General ng PAMANTIK-KMU ang tumitinding paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao dahil sa Batas Militar. Aniya, ang US ang siyang naghahasik ng takot sa Marawi at sa Mindanao sa tabing ng operasyon kontra-terorismo.

Mga mag-aaral ng UPLB, naglunsad ng Occupy SU

Nag-campout ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños sa

Student Union Building na tinagurian nilang “Occupy SU” upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa paggamit ng SU Building. Sa nakalipas na mga panahon, ipinagkait sa mga mag-aaral ang malayang paggamit ng gusali lagpas sa itinakdang curfew na ipinataw ng pamantasan.

Sa isinagawang campout, ilang magkakasunod na gabing nag-overnight ang mga estudyante sa SU Building at doon inilunsad ang iba’t ibang mga aktibidad tulad ng pulong ng mga organisasyon, pag-aaral at mga talakayan hinggil sa maiinit na usaping pambayan. Pinangunahan ito ng Konseho ng mga Mag-aaral at Rise for Education Alliance.

Manggagawa ng TK, nagkaisa sa ika-113 Araw ng Paggawa

Pinangunahan ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang

Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang paggunita sa ika-113 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa na nilahukan ng humigit-kumulang 10,000 manggagawa sa Crossing, Calamba noong Mayo 1.

Kasama ang ibang organisasyon sa paggawa sa Timog Katagalugan tulad ng Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture (OLALIA-KMU), Cabuyao Workers Alliance (CAWAL), Alyansa ng mga Manggagawa sa Engklabo (AMEN), mga manggagawa sa SIDC at iba pang sektor, ipinanawagan nila ang pagbabasura sa kontraktwalisasyon at pagpapataas ng sahod. Ipinanawagan din nila ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan upang talakayin ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

Bagong koalisyon laban sa jeepney phaseout, binuo sa isang people’s forum

Binuo ng mahigit 150 tsuper at opereytor ng dyip ang Koalisyon ng Mamamayan Laban sa

Jeepney Phaseout at Iba pang Pahirap na Patakaran sa isang people’s forum sa Dita Rotonda Freedom Park, Sta. Rosa, Laguna noong Mayo 22. Ang binuong koalisyon ang nasa unahan ng mga aktibidad laban sa mga anti-mamamayang patakaran ng rehimeng Duterte sa sektor ng transportasyon.

Ani Elmer Portea, tagapagsalita ng Koalisyon, hindi sila tutol sa modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa bansa. Tinututulan nila ang jeepney phaseout sapagkat pinapatay nito ang kanilang kabuhayan dahil oobligahin silang palitan ang kanilang mga dyip ng napakamahal na mga sasakyan tulad ng E-Jeep, Solar Jeep, at Euro 4 engine na hindi kayang bilhin ng maliliit at maralitang drayber.

“Ang ugat ng kahirapan ng sambayanang Pilipino ay hindi mareresolba ng pakikipag-usap lamang at mga reporma. Malalim itong nakaugat sa pandaigdigang krisis ng sistemang monopolyo kapitalismo na siyang nagpapanatili sa pyudalismo at burukratang

kapitalismo na nagpapahirap sa ating lipunan. Tanging ang pagtatagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan patungong sosyalismo ang hahawan sa maaliwas na bukas,” pagtatapos ng NDF-ST.

Page 9: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 2017 9 KALATAS

Kalbaryo ng mamamayan, inilunsad sa TK

Inilunsad ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap-Southern Tagalog (KADAMAY-ST) at Bagong

Alyansang Makabayan-ST (BAYAN-ST) ang Kalbaryo ng Mamamayan noong Abril 12 sa Crossing, Calamba bitbit ang kanilang panawagang “Mithi ay landas ng katarungan at kapayapaan para sa dukha at inaapi”.

Ipinakita nila sa kanilang prusisyon ang mga krus ng inhustisya, militarisasyon, karahasan, kahirapan at kagutumang malaon nang pinapasan ng mamamayang Pilipino at ipinanawagan ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunang dapat na tinatamasa ng sambayanan.

Samantala, noong Abril 14 ay pinangunahan naman ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS), Coco Levy Funds Ibalik sa Magniniyog (CLAIM-Quezon) at Karapatan-Quezon ang Kalbaryo ng Mamamayan 2017 sa Bondoc Peninsula na nilahukan ng 2,000 magniniyog at iba pang mga tagasuporta.

Anibersaryo ng pagpaslang kina Ka Eden at Eddie, ginunita

Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon mula sa Timog Katagalugan

noong Abril 21 sa Mendiola upang gunitain ang ika-14 na anibersaryo ng karumal-dumal na pagpaslang kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. Matapos ang higit isang dekada ay patuloy pa ring nananawagan ng hustisya ang kanilang mga kaanak, kaibigan at mga tagasuporta.

Si Marcellana ay pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Tagalog habang si Gumanoy naman ay tagapangulo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) nang sila ay dukutin noong Abril 21, 2003 sa Victoria, Oriental Mindoro ng mga elemento ng 204th Infantry Brigade na nasa ilalim ng pamumuno ng berdugong si Jovito Palparan. Nagtungo sila sa Mindoro para magsagawa ng fact-finding mission para siyasatin ang mga kaso ng pagpatay, pagdukot, pananakot at paninira ng mga ari-arian. Kinaumagahan, Abril 22, natagpuan ang kanilang mga labi sa bayan ng Bansud.

Ika-10 taon ng Mangyan Day, ipinagdiwang

Sa ika-10 taon ng Mangyan Day, tinalakay ang mga isyung kinakaharap ng mamamayan ng Mindoro

kabilang ang mapaminsalang pagmimina, pagtatayo ng dam at korapsyon sa National Greening Program. Aabot sa 1,500 katao ang dumalo sa nasabing aktibidad sa pangunguna ng HAGIBBAT Mangyan Mindoro sa Sityo Kahil, Brgy. Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro noong Abril 25-28. Tinalakay din ang matinding militarisasyon sa mga komunidad sa Mindoro na nagdudulot ng pinsala sa buhay ng mamamayan.

Supok: rebolusyonaryong organisasyon ng mga katutubo sa Palawan

Matagumpay na idinaos ang pagbubuo ng lihim na pambansa-demokratikong organisasyong

masa ng katutubong mamamayan sa isla ng Palawan. Matapos ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 2016, inilunsad ang kumperensya ng mga katutubo at binuo ang kanilang organisasyong pinangalanang Supok. Ang supok ay katawagan sa katutubong armas ng mga mandirigma ng tribo at ginagamit rin sa produksyon, angkop na salita upang isalarawan ang rebolusyonaryong tradisyon ng katutubong mamamayan.

Sa isinagawang kumperensya, tinipon ang mga Panlima bilang mga delegado. Ang mga Panlima ay ang mga tradisyunal na lider ng mga katutubo na karaniwang sumasaklaw ang pamumuno sa higit 100 pamilya. Patuloy na nagpapalawak ang Supok sa hanay ng mga Palaw’an, Ken’uy, Batak, Tagbanua, Tao’t-Bato at iba pang katutubong mamamayan sa Palawan.

Sa pagkakabuo ng Supok, mas humigpit ang pagkakaisa ng katutubong mamamayan sa Palawan upang isulong ang kanilang mga pakikibaka laban sa kumpanya ng mapaminsalang pagmimina at mga agro-korporasyon, at ang mapanlinlang na National Greening Program ng reaksyunaryong gubyerno. Mas humigpit din ang kanilang pagkakaisang depensahan ang kanilang lupang ninuno at isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka.

Nagpaabot ng pagbati ang NDFP sa pagkakabuo ng Supok bilang pinakabagong kaanib at kaalyadong organisasyon nito.

Page 10: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

Lider-kababaihan, iligal na inaresto ng PNP

Iligal na inaresto at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso ng Philippine National Police

at Criminal Investigation and Detection Group si Jacqueline Alog noong Mayo 3 sa Batangas.

Si Alog ay kabilang sa ST72, mga aktibista at lider masa sa Timog Katagalugan na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo. Dati siyang kasapi ng panrehiyong konseho ng Karapatan-Southern Tagalog at ngayon ay aktibong istap ng Gabriela-ST. Iligal siyang nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa.

Samantala, inaresto at ikinulong rin ng PNP sa Pangasinan si Roderick Alog, bayaw ni Jacqueline.

Mga magsasaka at mangingisda sa Batangas at Cavite, patuloy na dinarahas

Apat na magsasaka ang tinutukan ng baril ng mga elemento ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force sa Brgy. Hukay, Calatagan, Batangas noong Mayo 10 habang naglulunsad ng operasyong militar ang tinatayang 100 elemento nito.

Hinaras at ginipit ng bayarang PAF ang mga magsasaka at mangingisdang patuloy na lumalaban sa pangangamkam ng lupa ng Astorias Mining Corporation na pagmamay-ari ng malaking negosyanteng si Ramon Ang.

Samantala, pinaburan ng reaksyunaryong korte si Henry Sy nang maglabas ng desisyon upang idemolis ang mahigit 300 na bahay para bigyang-daan ang planong pang-ekoturismo ni Sy sa Brgy. Patungan, Maragondon. Saklaw ng kautusan ang 602 ektaryang lupaing agrikultural na inaagaw sa mga magsasaka at mangingisda. Upang labanan ang nakaambang demolisyon, nagtayo ng “Bantayan at Kampuhan” ang mga residente at kanilang mga tagasuporta.

Militarisasyon sa Quezon at Occidental Mindoro, tumitindi

Naglunsad ng malawakang operasyong militar ang 85th IBPA sa Sityo Baliswang, Brgy. Sto. Niño

Ilaya, Lopez, Quezon kung saan sapilitang isinasama ang mga residente sa kanilang kampo at kinukunan ng litrato.

Sa Sityo Alat-alatin, Brgy. San Francisco B, sa bayan pa rin ng Lopez, hinaras ng mga sundalo ang 69 myembro ng isang fact-finding mission ng Karapatan noong Mayo 10. Iniimbestigahan ng nasabing grupo ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Tinatakot ng mga sundalo ang mga residente at iligal na ikinulong nang ilang oras ang magsasakang si Ruel Segui.

Sa isla naman ng Mindoro, naglunsad ng operasyong militar ang 76th IBPA sa Sityo Tagbungan, Brgy. Barahan, Sta. Cruz noong Mayo 12. Iniimbestigahan naman ng Karapatan-ST ang kaso ng pagdukot ng pasistang militar sa isang 50 anyos na magsasaka sa Brgy. Libang, Mamburao, Occidental Mindoro.

Samantala, mula Marso 30 ay biktima ng hamletting ang mga residente ng Sityo Calumbuyan, Brgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro, gayundin ang Brgy. Benli. Walang habas ding binomba at inistraping ng mga tropa ng AFP ang mga lugar na nasa pagitan ng Brgy. Batasan at Benli na nagdulot ng pagkasira ng kabuhayan ng mamamayan.

Mula nang ideklara ng gubyernong Duterte ang todo-gera nito laban sa rebolusyonaryong kilusan, ang mga sibilyan ang naging paulit-ulit na target ng mersenaryong militar.

Kalbaryo ng mamamayan, hinaras ng pulis

Pinalibutan ng humigit-kumulang 30 pulis ang hanay ng Kadamay-ST na naglunsad ng prusisyon para sa kanilang programang Kalbaryo ng Mamamayan. Mayroong namataang mga pulis na nakasuot ng damit na may nakalagay na “SWAT” na nagmamanman sa mga nagpoprotesta.

Sinabi ng mga pulis na walang permiso ang Kadamay-ST na maglunsad ng programa. Gayunman, iginiit ng Kadamay-ST ang kanilang karapatan sa pagpoprotesta at matagumpay na idinaos ang kanilang programa.

ABRIL-MAYO 201710 KALATAS

BANTAY KARAPATAN

Page 11: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 2017 11 KALATAS

KULTURA

Pasabilis

Page 12: E D I T O R Y A L Labanan ang Batas Militar, at ang mga ... · PDF fileKaramihan ng mga nagbakwit ay wala ni ... Natupad na rin sa wakas ang matagal ... inangkin naman ng mga asendero-kumprador

ABRIL-MAYO 201712 KALATAS