e d i t o r y a l palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · tulad sa ibang rehiyon, tusong...

10
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 38 BILANG 4 ABRIL 2018 N agkukumahog ngayon ang iba’t ibang lokal na pampulikang paksyon na maghabol para sa kanilang mga kandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elecons sa susunod na buwan. Ito ay matapos ang ilang beses na pagpapaliban nito ng rehimeng US-Duterte at mga kasapakat nya mula noong Oktubre 2016 sa layuning konsolidahin ang kapangyarihang pampulika sa bansa hanggang sa pinakamababang antas. Sa katunayan, hanggang sa huli ay mandi ang pagpupumilit ng mga alipures ni Duterte sa Kongreso, ang “supermayorya” upang muli itong antalahin. E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa pagharap sa Barangay at SK Elections! Sa saligan, ang eleksyon ay makapangyarihang instrumento ng imperyalismo at reaksyunaryong pangkan ng mga naghaharing-uri sa bansa upang palabasing umiiral ang demokrasyang pampulika sa anyo ng kunwaring pagbibigay-karapatan sa mamamayang pumili ng kanilang lider. Ngunit ang eleksyon sa Pilipinas ay dinodominahan ng mga naghaharing-uri upang kontrolin ang kapangyarihan at magpasasa sa kabangyaman ng bansa. Ang mga Barangay at SK elecons, bagama’t relabong maliit at limitado ang saklaw ng awtoridad at kakayahan, ay minamaksimisa ng reaksyunaryong estado upang ipatupad ang mga patakaran at programa alinsunod sa oryentasyon ng burukrata-kapitalismo at imperyalismo. Sa kasaysayan ng Timog Katagalugan, ang mga eleksyong lokal sa antas-barangay ay nagiging instrumento ng mga lokal na burukratang pambayan at panlalawigan upang magsilbing baseng pang- eleksyon sa mga kasunod na mid-term at naonal elecons. Sa kasalukuyan, yak na sisikapin ng mga lokal na naghaharing pampulikang paksyon sa rehiyon na manipulahin ang takbo ng eleksyon sa Mayo 14. Kabilang dito ang mga Remulla at Revilla ng Cavite; Recto, Leviste at Mandanas ng Batangas; Ejercito, Hernandez at Chipeco ng Laguna; Reyes ng Marinduque; Mendiola at Sato ng Occidental Mindoro; Umali ng Oriental Mindoro; Alvarez, Abueg at Hagedorn ng Palawan; Alcala, Suarez at Tañada ng Quezon; Ynares at Rodriguez ng Rizal; Firmalo at Madrona ng Romblon. Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang ha- hain ang mamamayan at buwagin ang kanilang pagkakaisa. Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte at nagdaang rehimeng US-BS Aquino, higit na naging sistemako ang paggamit nito sa Local Government Units (LGU) bilang makinarya sa kontra-rebolusyonaryong mga pakana nitong

Upload: nguyentu

Post on 29-Aug-2019

216 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 38 BILANG 4 ABRIL 2018

Nagkukumahog ngayon ang iba’t ibang lokal na pampulitikang paksyon na maghabol para sa kanilang mga kandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod

na buwan. Ito ay matapos ang ilang beses na pagpapaliban nito ng rehimeng US-Duterte at mga kasapakat nya mula noong Oktubre 2016 sa layuning konsolidahin ang kapangyarihang pampulitika sa bansa hanggang sa pinakamababang antas. Sa katunayan, hanggang sa huli ay matindi ang pagpupumilit ng mga alipures ni Duterte sa Kongreso, ang “supermayorya” upang muli itong antalahin.

E D I T O R Y A L

Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa pagharap sa Barangay at SK Elections!

Sa saligan, ang eleksyon ay makapangyarihang instrumento ng imperyalismo at reaksyunaryong pangkatin ng mga naghaharing-uri sa bansa upang palabasing umiiral ang demokrasyang pampulitika sa anyo ng kunwaring pagbibigay-karapatan sa mamamayang pumili ng kanilang lider. Ngunit ang eleksyon sa Pilipinas ay dinodominahan ng mga naghaharing-uri upang kontrolin ang kapangyarihan at magpasasa sa kabangyaman ng bansa. Ang mga Barangay at SK elections, bagama’t relatibong maliit at limitado ang saklaw ng awtoridad at kakayahan, ay minamaksimisa ng reaksyunaryong estado upang ipatupad ang mga patakaran at programa alinsunod sa

oryentasyon ng burukrata-kapitalismo at imperyalismo.

Sa kasaysayan ng Timog Katagalugan, ang mga eleksyong lokal sa antas-barangay ay nagiging instrumento ng mga lokal na burukratang pambayan at panlalawigan upang magsilbing baseng pang-eleksyon sa mga kasunod na mid-term at national elections. Sa kasalukuyan, tiyak na sisikapin ng mga lokal na naghaharing pampulitikang paksyon sa rehiyon na manipulahin ang takbo ng eleksyon sa Mayo 14. Kabilang dito ang mga Remulla at Revilla ng Cavite; Recto, Leviste at Mandanas ng Batangas; Ejercito, Hernandez at Chipeco ng Laguna; Reyes ng Marinduque; Mendiola at Sato ng Occidental Mindoro;

Umali ng Oriental Mindoro; Alvarez, Abueg at Hagedorn ng Palawan; Alcala, Suarez at Tañada ng Quezon; Ynares at Rodriguez ng Rizal; Firmalo at Madrona ng Romblon.

Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin ang kanilang pagkakaisa. Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte at nagdaang rehimeng US-BS Aquino, higit na naging sistematiko ang paggamit nito sa Local Government Units (LGU) bilang makinarya sa kontra-rebolusyonaryong mga pakana nitong

Page 2: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

NILALAMAN

ABRIL 20182 KALATAS

ABRIL 2018Tomo 38 Bilang 4

1 Editoryal

3 Krisis at rehimeng US-Duterte ang magtutulak sa mamamayan ng Quezon upang ipagtagumpay ang

rebolusyon

5 Ang walang humpay na militarisasyon sa TK laban sa nakikibakang mamamayan

6 Mamamayan ng TK ipinagdiwang ang ika-45 anibersaryo ng NDF

7 Ang Manipesto ng Partido Komunista bilang gabay ng uring mangagagawa

8 Kilos Protesta

9 Bantay Karapatan

10 Kultura

Oplan Bayanihan at DSSP Kapayapaan. Sa gayon, titiyakin nilang papabor sa tanim nilang mga ahente at kontra-mamamayan ang resulta ng eleksyon sa Mayo 14. Sa katunayan, bago pa ang eleksyon, ang ilan sa mga Sangguniang Barangay ay ginigipit at kinakatuwang ng mga pwersa ng AFP-PNP-CAFGU sa pagpapatupad ng bagong paraan ng estado ng pagsesensus, ang National ID System sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa pambansang antas, isang katiyakang ang nalalapit na Barangay Elections ay bahagi rin ng paghahanda ng rehimeng US-Duterte para isakatuparan ang pangarap nitong charter change at pederalismong gagawad sa kanya ng absolutong kapangyarihang pang-estado.

Pinatunayan na sa mahabang kasaysayan na hindi kailanman malulutas ng eleksyon ang saligang suliranin ng lipunang Pilipino bilang isang malakolonyal at malapyudal na bansa. Digmang bayan lamang at hindi eleksyon ang lulutas sa problema ng mamamayang Pilipino at magpapalaya sa kanila sa daan-taong kahirapan at kaapihan.

Kaugnay nito, tungkulin ng mamamayang isagawa ang malawakang pagmumulat kaugnay ng reaksyunaryong katangian ng ilulunsad na Barangay elections at itampok ang linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Sa isang banda, habang hindi pa ganap na nagtatagumpay ang rebolusyon ay sinasamantala natin ang ganitong mga pagkakataon upang suportahan ng mamamayan ang mga kandidatong tunay na progresibo, mapagkaibigan at rebolusyonaryo na subok na nagtatanggol at nakikipaglaban para sa interes ng mamamayan laban sa kanilang mga kaaway. Bagamat isang limitasyon ang maliit na saklaw ng Barangay at SK Elections, maitatransporma ito ng mamamayan at mapagsisilbi sa pagpapalakas ng kanilang pagkakaisa at pakikibaka para sa kanilang mga interes at kagalingan.

Okasyon din ang mga lokal na eleksyon upang patampukin ang mga isyung pambayan tulad ng malawakang kawalan ng lupa, mababang sahod at kawalan ng regular na hanapbuhay, paglaban sa mga kontra-mamamayang Oplan ng rehimen, Comprehensive Local Integration Program (CLIP), Inter-agency Committee for Legal Action (IACLA), mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at karapatan sa mga benepisyo mula sa gobyerno.

Kailangan ang masusing pagkilala ng mamamayan sa katangian ng mga kandidato kung nararapat sila sa kanilang posisyon. Susing usapin kung susuportahan nila ang pakikibaka ng kanilang mga kababaryo para sa kanilang pang-ekonomyang kagalingan, kung tatanggapin at makikiisa sila sa pagtatayo ng mga organo ng pampulitikang kapangyarihan at kung maninindigan sila para sa hinaing ng mamamayan laban sa militarisasyon. Kasabay nito, kailangang laging nasa unahan ang pagtataguyod sa pagkakaisa ng buong baryo at paglaban sa anumang pakanang panghahati ng estado.

Gawing pagkakataon din ang kampanya sa Barangay at SK Elections upang palawakin ang alyansa at pagkakaisa mula antas-barangay, bayan at mas mataas pa para sa pagsuporta sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Ganundin ang paghamig sa iba pang demokratikong uri at sektor sa lipunan upang makiisa at sumuporta sila sa mga pagkilos ng masang api para sa kanilang kagalingan at karapatan.

Page 3: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

ABRIL 2018 3 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected] balikwastk.wordpress.com

PANGUNAHING LATHALAIN

Pagpasok pa lang ng taong 2018, higit na bumaba ang presyo ng produkto ng mga magniniyog. Sumadsad ang presyo ng kopra sa halagang P19-21 kada kilo mula sa P35-37 noong katapusan ng 2017. Sa ilang bayan pa nga tulad ng Macalelon, bumaba ang presyo ng kopra sa P16-17 kada kilo. Habang bumaba naman ng P5-6 kada kilo ang presyo ng buong niyog mula sa dating presyo nitong P12-14 kada kilo.

Nananatiling mababa ang presyo ng niyog dahil sa sabwatan ng mga AKU, mga malalaking oil mill at mga korporasyong multinasyunal na siyang nagmomonopolyo ng industriya ng niyog at nagtitiyak na napupunta lamang sa iilan ang malaking kita ng industriya. Ang mga korporasyong multinasyunal na ito ang nagtatakda ng presyo ng niyog na bibilhin sa mga magsasaka, tubo ng mga pabrika at kita ng mga AKU. Sinisiguro nilang mababa ang presyo ng kopra at buong niyog upang lalo pa silang magkamal ng malaking kita. Isa ang kumpanyang Unilever sa nagmamanupaktura ng mga produktong niyog ang pangunahing sangkap

at bumibili ng coconut oil mula sa mga pabrika sa Lucena.

Sa ganitong kaayusan, napalaki ang kinikita ng mga AKU mula sa bawat kilo ng kopra na

isinusulit sa kanila ng mga magniniyog. Sa kasalukuyang P19-21 kada kilo, aabot sa P38-42 ang ibinabayad ng mga pabrika, halos doble sa presyong ibinabayad ng mga AKU sa mga magniniyog para sa bawat kilo ng kopra. Walang kapagud-pagod na kumikita ang mga AKU ng P18-20 kada kilo, bukod pa sa kanilang kinikita mula

sa mga iligal na kaltas sa tara1 , resikada2 , talsik3 at taktak4 . Naitatali pa ng mga

AKU ang mga magsasaka na sa kanila magsulit dahil sa pagpapautang sa

1 Sa ilang mga bayan sa Quezon, kinakaltas ang katumbas ng presyo ng isang kilong kopra sa timbang para diumano sa bigat ng sako.2 Kinakaltas ang 15% mula sa kada kilo na presyo ng kopra para sa resikada.3 Bahagi ng timbang ng kopra na hindi na binabayaran ng mga AKU dahil hindi na umaabot ng kilo.4 Sa sistemang taktak, nagbabayad ng piso ang mga magniniyog sa mga manggagawa sa sulitan para itaktak ang kanilang produktong sinusulit. Sa esensya, ang mga magniniyog pa ang nagbabayad sa sariling empleyado ng mga AKU.

Krisis at rehimeng US-Duterte ang magtutulak sa mamamayan ng Quezon upang ipagtagumpay ang rebolusyon

Nahaharap ngayon ang mamamayan ng Quezon sa matinding krisis na dulot ng rehimeng US-Duterte kasapakat ang mga asyendero-koprada-usurero (AKU) at ang mersenaryong Armed

Forces of the Philippines. Higit na binusabos ni Duterte ang abang kalagayan ng mamamayan habang nagpapasasa ang mga naghaharing-uri sa lalawigan mula sa mga produkto ng pawis at dugo ng mga magniniyog.

Page 4: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

4 KALATAS ABRIL 2018

mga magniniyog sa kanilang pagkokopra.

Bungad pa lamang ng taong 2018, mayroon nang hindi napapanahong pagbaba ng presyo ng mga produktong niyog. Malaking salik dito ang pagsasabatas ng TRAIN Law ng rehimeng US-Duterte na lalong nagpataas sa mga binabayarang buwis sa bansa. Ipinapapasan sa mga magniniyog ang buwis ng mga malalaking kumpanya sa industriya ng niyog. Pinasahol ni Duterte ang hambalos sa mamamayan ng mga neoliberal na patakarang ipinatutupad ng imperyalismong US.

Kulang na kulang ang P23 kada araw na kita ng mga magniniyog upang buhayin ang kanilang mga pamilya. Hindi ito sapat upang bumili man lamang ng isang kilong bigas na aabot na sa P46 kada kilo at ang sumisirit na presyo ng iba pa nilang pangangailangan. Hindi kataka-takang, maging ang mga anak ng mga magniniyog ay naoobliga nang magtrabaho kaysa mag-aral pa. Masahol pa, nababaon ang mga magniniyog sa utang na sa kalauna’y nagiging dahilan pa ng pagkawala ng maliit na lupang pagmamay-ari nila.

Ang mga kalagayang ito ng mga magniniyog ang nagtutulak sa kanilang magkaisa upang labanan ang iba’t ibang tipo ng pagsasamantalang ginagawa sa kanila ng mga AKU at mga malalaking korporasyong multinasyunal na kumokontrol sa industriya ng niyog. Ngunit, imbes na tugunan ang kanilang mga karaingan, pasismo ang tugon sa kanila ng rehimeng US-Duterte. Pinararatangang mga terorista ng rehimen ang mga magsasakang lumalaban sa kanyang mga patakaran kasabay ng paggamit ng buong lakas ng reaksyunaryong estado upang pigilan ang kanilang mga pakikibaka. Naging aktibo ang rehimen na wasakin ang pagkakaisa ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagrerekrut ng mga kasapi ng CAFGU, AFP, PNP at BIN (Barrio Intelligence Network) sa hanay ng mga

magniniyog. Sa kasalukuyan, hindi na humupa ang panghahalihaw ng mersenaryong AFP sa lalawigan. (Tingnan ang kaugnay na artikulo hinggil sa mga inilulunsad na mga operasyong militar sa Quezon)

Bukod sa mga operasyong militar, umarangkada ang kampanyang pagpapasuko ng rehimen na

bumibiktima sa mga sibilyan at nagpapakalat ng mga itim na propaganda at fake

news upang palabasing humihina na ang rebolusyonaryong kilusan sa

lalawigan. Nais linlangin ni Duterte ang mamamayan kasabay ng

paglulunsad ng mga operasyong militar na malalaki at malalawak ang saklaw at nagdudulot ng talamak na paglabag sa karapatan pantao tulad ng pananakot at pagbabanta, iligal na pag-aresto, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso at pampulitikang pamamaslang. Pinakahuling biktima ng pampulitikang pamamaslang si Fe Delos Santos, ina ng inaakusahang Pulang kumander ng BHB. Ilan lamang ito sa mga kinakaharap ng mamamayan ng Quezon

na lalong nagpapaalab sa naghihimagsik nilang damdamin upang isulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas.

Ang tumitinding krisis ang higit na magmumulat at mag-oorganisa sa kanila upang kumilos at igiit ang kanilang mga lehitimong karapatan. Ang nagpapatuloy na pambubusabos, pandarahas at pasistang atake ng rehimeng US-Duterte sa mamamayan ng Quezon ang lalong magtutulak sa kanilang tumangan ng sandata at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at muling buhayin ang dakilang tradisyon ng mamamayan ng Quezon na magpasampa ng libu-libong pinakamabubuting anak sa Pulang hukbo. Sa diwa ng pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan, hindi na lamang ang karapatang mabuhay ng disente ang kanilang ipaglalaban kundi higit lalo ang paglikha ng isang lipunang walang pagsasamantala at pang-aapi, isang lipunang may tunay na demokrasya at kalayaan.

Page 5: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

ABRIL 2018 5 KALATAS

Nagaganap ang mga focused military operation sa mga bayan ng Lopez, Gumaca, Macalelon, Mulanay, San Andres, San Narciso, San Francisco, Atimonan, Pagbilao, Mauban, Tayabas at General Nakar sa lalawigan ng Quezon; Nasugbu, Balayan, Tuy, Calatagan, Lian, Calaca, San Juan, Lobo, Taysan, at Rosario sa Batangas.

Gumagamit ang pasistang AFP ng hindi bababa sa pinagsanib na tatlong batalyon ng 85th IBPA, 1st IBPA, 80th IBPA, mga kumpanya ng Division R e c o n n a i s s a n c e Company na mga yunit ng Philippine Army, 730th Combat Group ng Philippine Air Force, lahat ng mga yunit sa ilalim ng 2nd ID-Philippine Army at 202nd Bde.

Nilatagan ng mga mersenaryong sundalo ang mga bayan at baryo sa baybayin at panabihang hi-way sa 1st district ng Batangas. Nilatagan naman ng tig-15 kataong peace and development team ng 1st IBPA ang lahat ng mga sityo ng mga barangay ng General Nakar mula Brgy. San Marcelino hanggang Umiray. Hindi tinitigilan ng mga operasyong militar ang mga hangganang baryo ng Tayabas-Pagbilao-Mauban-Atimonan. Kasabay nito, tuluy-tuloy at hindi na halos inaalisan ng pwersa ng 85th IBPA ang mga hangganang baryo ng Gumaca-Lopez-Macalelon, ganondin ang mga barangay sa San Andres, San Francisco, San Narciso, at Mulanay.

Ang mga focused military operation ng AFP ay

reaksyon sa mga tuluy-tuloy at papasiglang taktikal na opensiba ng Pulang hukbo sa mga eryang sinasaklaw ng mga malalawak at malalaking operasyong militar na pumipinsala ng buhay at kabuhayan

ng mamamayan. Layunin nitong bigyang-kumpyansa at protektahan ang malalaki

at engrandeng negosyo at proyekto ng mga dayuhang kapitalista,

malalaking panginoong maylupa, kumprador-burges at lokal na

burukrata. Kapansin-pansing ang mga pokus na barangay,

bayan at lalawigan ang sya ring konsentrasyon

ngayon ng mayor na mga proyektong pang-imprastruktura

at ekoturismo ng pambansa at lokal

na reaksyunaryong gubyerno.

Sa ganitong kalagayan, dapat pang pag-ibayuhin

ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang kanilang pakikibaka gaano man katindi ang maging ganting aksyon ng reaksyunaryo at papet na estado. Ang pagiging garapalan ng pasismo ng rehimeng US-Duterte ang sya ring numero unong kahinaan nito na syang bibigo sa kanya. Sa mga susunod na buwan, tiyak na aasahan ang higit na paparami pang bilang ng mga taktikal na opensiba at aksyong militar ng mga yunit ng BHB sa ilalim ng Melito Glor Command upang parusahan ang mga kriminal at pusakal na lumalabag sa buhay, karapatan at ari-arian ng mamamayan—ang mga armadong pwersa ng estado, mga bayarang goons ng mga panginoong maylupa at kumprador-burges at mga lokal na kasapakat ng mga ito.

Ang walang humpay na militarisasyon sa TK laban sa nakikibakang mamamayan

Higit na pinatindi ng mersenaryong AFP-PNP ang militarisasyon sa TK. Mula sa ikalawang hati ng Marso hanggang Abril, naglunsad ang buong pwersa ng 2nd Infantry Division ng walang humpay,

malalaki at malawakang saklaw na operasyong militar upang hanapin at lipulin ang mga yunit ng BHB sa rehiyon. Naging pokus ng mga malawakang operasyong militar ang mga larangan sa buong lalawigan ng Quezon, at 1st at 4th district ng Batangas.

Page 6: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

ABRIL 20186 KALATAS

BALITA

Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan ang ika-45 anibersaryo

ng National Democratic Front sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad. Pinangunahan ng NDF-ST ang inilunsad na raling iglap sa Crossing, Calamba, Laguna noong Abril 24 na nilahukan ng mga kasapi ng iba’t ibang alyadong organisayon ng NDF. Ipinanawagan ng mga nagkilos-protesta ang kagyat na pagtutuloy ng peace talks at ang pagpapalayas ng mga militar sa kanayunan ng TK.

Sa harap ng matitinding operasyong inilulunsad ng mersenaryong AFP sa rehiyon, nakapaglunsad ng mga programa at kapehan ang iba’t ibang yunit sa ilalim ng Melito Glor Command-BHB TK na nagpupugay sa mga ambag ng NDFP sa rebolusyonaryong kilusan sa nakalipas na 45 taon mula nang maitatag ito noong Abril 24, 1973. Nagpahayag rin ng kani-kanyang mensahe ng pakikiisa ang mga delegado mula sa iba’t ibang rebolusyonaryong organisasyon sa ilalim ng NDFP. Samantala, nagsagawa ang isang yunit

ng Pulang hukbo ng medical mission kasabay ng kanilang pagdiriwang upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.

Nagpahayag ng pagsuporta si Jaime “Ka Diego” Padilla, tagapagsalita ng MGC-BHB TK sa pagtanggap ng NDFP sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng reaksyunaryong GRP. Ani Ka Diego, “malugod itong tinanggap ng rebolusyonaryong mamamayan sa pag-asang magiging seryoso ang rehimeng US-Duterte sa usapang pangkapayapaan upang lutasin ang batayan at pundamental na problema ng sambayanang Pilipino, ang kahirapan na siyang deka-dekadang ugat ng makauring tunggalian sa bansa.”

Ipinahayag naman ni Patnubay de Guia, tagapagsalita ng NDF-ST ang kahandaan ng NDF na ipagpatuloy ang peace talks upang itaguyod ang kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan.

Kinundena ni de Guia ang lumalalang militarisasyon sa Timog Katagalugan na nagdudulot ng matinding paglabag sa karapatang pantao. Ipinanawagan niya sa mamamayan na singilin si Duterte at mga pwersa ng 2nd ID ng Philippine Army, 710th SPOW ng Philippine Air Force, 3rd Marine Brigade, mga yunit ng PNP sa ilalim ng PNP Regional Command sa CALABARZON at MIMAROPA sa kanilang mga krimen at atrosidad laban sa mamamayan.

Nanawagan naman si Ka Diego sa lahat ng yunit ng BHB sa TK na paigtingin ang inilulunsad na mga taktikal na opensiba laban sa pasistang AFP upang tapatan ang papatinding atake nito laban sa mamamayan ng rehiyon.

Mamamayan ng TK, ipinagdiwang ang ika-45 anibersaryo ng NDF

Kasal ng magkasintahang lesbyana, ginanap sa Mindoro

Ginanap ang isang kasal ng magkasintahang lesbyana noong Abril 24 sa isang sonang gerilya sa Mindoro, kasabay ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Pinagpugayan ng bagong kasal na sina Ka Monica at Ka Claire ang Partido, Bagong Hukbong Bayan at NDF dahil sa pagtataguyod sa karapatan ng mga may piniling kasarian. Ayon kay Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng NDF-Mindoro, payak ngunit makabuluhan ang seremonya ng kasal sa rebolusyonaryong kilusan. Dagdag pa nya, isinasabuhay at ginagalang nito ang karapatan ng mga may piniling kasarian sa pamamagitan ng pagtataguyod ng institusyon ng kasal kahit sa hanay ng mga bakla, lesbyana at iba pang kasarian.

Page 7: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

ABRIL 2018 7 KALATAS

“... sinasalamin ng kasaysayan ng Manipesto ang kasaysayan ng modernong kilusang manggagawa mula noong 1848. Sa kasalukuyan, walang dudang ito ang pinakamalaganap at pinakapandaigdigang produkto ng

lahat ng panitikang sosyalista, ang programang komun ng milyun-milyong manggagawa ng lahat ng bayan mula Siberia hanggang California.”

Friedrich Engels (1890)

Sa gitna ng umiigting na pakikibaka ng uring manggagawa noong kalagitnaan ng ika-19 siglo ay nailathala sa France, ang pinakamahalagang dokumentong gumagabay sa uring manggagawa at kanilang pakikibaka, ang

Manipesto ng Partido Komunista noong Pebrero 1848. Kolektibo itong isinulat ng magkaibigan at magkasamang sina Marx at Engels bilang gabay ng Liga ng mga Komunista (Communist League).

Inilatag ng Manipesto ang pangkalahatang mga prinsipyo ng Komunismo at tinunggali ang black propaganda ng burgesya at reaksyunaryong pwersa noon sa Europa kaugnay sa “multo ng komunismo”. Bukod rito, tinunggali rin ng aklat ang iba’t ibang tipo ng mga mapanlinlang at di-siyentipikong sosyalismong inilalako ng mga naghaharing-uri sa kanyang panahon.

Mula noon, ang Manipesto ng Partido Komunista na ang nagsilbing manwal ng sinumang manggagawa at aping uri sa daigdig na nagnanais baguhin ang kanyang kapalaran. At hanggang sa kasalukuyan, 170 taon na ang nakalilipas ay pinatutunayan ng muling lumalakas na pandaigdigang kilusang komunista ang katumpakan ng Manipesto.

Ikalawa sa serye ng mga artikulo hinggil sa ika-200 kaarawan ni Karl Marx.

Ang Manipesto ng Partido Komunista bilang gabay ng uring manggagawa

Matagumpay na inilunsad ang dalawang bats ng Kursong Pagsasanay ng Instruktor sa Intermedyang Kursong pamPartido (IKP) sa rehiyon noong Marso na nakapagpatapos ng higit 60 bagong instruktor.

Inilunsad ang pagsasanay sa lungsod noong ikalawang linggo ng Marso na tumagal ng limang araw. Dinaluhan ito ng mahigit 30 kadre’t kasapi ng Partido mula sa iba’t ibang komite ng Partido sa kalunsuran sa TK. Samantala, isinagawa ang KPI-IKP sa sonang gerilya noong huling linggo ng Marso na nilahukan din ng higit 30 kadre’t kasapi ng Partido sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan at tumagal nang halos walong araw. Ang mga pagsasanay ay inisponsor ng Pambansang Kagawaran sa Edukasyon.

Inilunsad ang mga KPI-IKP alinsunod sa resolusyon ng Panrehiyong Kumperensya sa Edukasyon, Propaganda at Kultura (EPK) noong nakaraang taon upang magluwal ng mas marami pang instruktor sa mga kursong pamPartido. Layunin din ng KPI-IKP na magbunga pa ng paparaming pagsasanay mula na rin mismo sa mga kadre’t kasapi ng Partido na nagsanay. Natapos ang dalawang pagsasanay nang matiwasay at walang aberya sa gitna ng tumitinding pag-atake ng rehimeng US-Duterte sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan sa rehiyon.

Dalawang bugso ng Kursong Pagsasanay ng Instruktor sa IKP, inilunsad

Page 8: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

8 KALATAS ABRIL 2018

KILOS PROTESTA

Mangyan Day 2018: Mangyan kami,hindi terorista

Sa pangunguna ng HAGIBBAT-Mangyan, matagumpay na inilunsad ang taunang Mangyan Day noong Abril 13 hanggang 16 sa Brgy. Villaflor, Puerto Galera sa Oriental Mindoro. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 1300 katutubong Hanunuo, Alangan, Gubatnon, Iraya, Buhid, Bangon, at Tadyawan, gayundin ng iba’t ibang mga progresibong organisasyon ng mga guro, kabataan-estudyante at taong-simbahan mula sa loob at labas ng isla.

Ipinagdiwang ang Mangyan Day sa pamamagitan ng paglulunsad ng pag-aaral sa kalagayan ng mga Mangyan sa Isla, Radyo Katribu, mga kulturang pagtatanghal at konsultasyon ng iba’t ibang grupo ng Mangyan kasama ang mga organisasyong sumusuporta sa kanila tulad ng Tulong Ugnayan para sa mga Mangyan (TUGMA). Sa huling araw, nagkilos-protesta at nakipagdayalogo ang mga katutubo sa provincial government sa kapitolyo sa Calapan.

Bitbit na panawagan sa mga aktibidad ang paglaban sa National Greening Program, dayuhang mina, renewable energy projects, kawalan ng serbisyong panlipunan at militarisasyong apektado ang mga katutubo at kanilang karapatan sa lupang ninuno.

Anibersaryo ng pagpaslang kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy, ginunita

Sa temang “Hindi krimen ang aktibismo”, ginunita ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang anibersaryo ng pagpaslang kina Eden Marcellana, dating pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-ST at

Eddie Gumanoy, dating tagapangulo ng KASAMA-TK. Sa pangunguna ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan at KARAPATAN-TK, naglunsad ng kilos protesta ang mamamayan ng TK sa Pala-pala, Cavite noong Abril 21 upang singilin si Duterte sa talamak na paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon. Sa araw ding ito, muling binuo ang DEFEND-ST, isang alyansang pangunahing lumalaban sa ginagawang pampulitikang panunupil ng kasalukuyang rehimen laban sa mga progresibong indibidwal at organisasyon. Anito, humigit-kumulang 78 lider, organisador at mga aktibista sa rehiyon ang humaharap ngayon sa mga gawa-gawang kasong isinampa ng militar at kapulisan matapos ang deklarasyon ni Duterte ng crackdown sa mga progresibo at militanteng organisasyon.

Ang DEFEND-ST ay unang binuo noong taong 2008 sa panahon ng rehimeng US-Macapagal Arroyo matapos sampahan ng gawa-gawang kaso ang may 72 mga aktibista at progresibong indibidwal sa rehiyon na tinaguriang “ST 72”.

Peace Mission sa Quezon, matagumpay na inilunsad

Matagumpay na inilunsad sa lalawigan ng Quezon ang tatlong araw na Dalaw Pamayanan, isang peace mission sa pangunguna ng Pilgrims for Peace-Southern Tagalog at Karapatan-TK noong Abril 17-19. Sinaklaw ng peace mission ang mga bayan ng Gumaca, Lopez, Macalelon, Mulanay at San Andres kung saan maigting ang inilulunsad na mga operasyong militar ng mga pwersa ng 85th IBPA, 59th IB-CAA kasapakat ang mga bayarang goons ng panginoong maylupang si Dr. Vicente Uy. (Tunghayan ang artikulong Ang walang humpay na militarisasyon sa TK sa pahina 5) Ang peace mission ay regular na isinasagawa ng Pilgrims for Peace sa mga militarisadong lugar upang magsagawa ng forum, pag-aaral sa batayang karapatang pantao at pagsasadokumento ng kalagayan ng kanilang mga karapatan sa gitna ng mga operasyong militar. Sa mga nasabing bayan, inilunsad ang serye ng mga fact-finding mission, psychosocial briefing, relief mission, at mgadiskusyon hinggil sa nilalaman ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights & International Humanitarian Law (CARHRIHL) sa mga komunidad at mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Page 9: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

ABRIL 2018 9 KALATAS

BANTAY KARAPATAN

Nagpapatuloy na panggigipit sa mga magsasaka sa Hacienda Uy

Mula buwan ng Pebrero ay tumindi ang panggigipit ng pamilyang Uy sa mga magsasaka at tenante sa asyenda laluna matapos tayuan ng kampo ng 59th IB-CAA ang bodega ni Dr. Uy kung saan dating nagsusulit ang mga magsasaka. Ginagamit ng mga Uy na instrumento ang mersenaryong CAFGU upang pasunurin ang mga magsasaka sa kagustuhan nitong muling sa kanila magsulit ng kopra at ibalik sa dating kaayusan ang partehan sa kabila nang di-makataong kondisyon. Matatandaang taong 2016 ay naipagtagumpay ng mga magsasaka at tenante sa Hacienda Uy ang 70-30% hatian pabor sa kanila.

Pebrero 21 ng gabi, sinira at pinutol ng mga katiwala ni Dr. Uy kasama ang mga bayarang goons at CAFGU ang bakod na barbed wire ng 50-ektaryang pinagtataniman ng mga magsasaka ng mais, saging, gulay at niyog. Kasunod ito ng pagpapakawala ng mahigit 200 paalagang baka ng mga Uy upang ipakain ang tanim ng mga magsasaka. Taong 2017 inilunsad ng mga magsasaka sa asyenda ang sama-samang pagtatanim ng mga produktong pangkonsumo upang ayudahan ang kakulangan sa kita nila sa pagkokopra.

Nakaambang pagpapalayas sa mga maralitang setler sa baybayin ng San Andres, Quezon

Takot at pangamba ang nararanasan ng may 250 residente ng Sityo Tubigan, Brgy. Talisay sa madalas na pagpapatrolya at pagtambay ng mga elemento ng 85th IBPA sa paligid ng baryo. Ang lugar ay kabilang sa 135 ektaryang lupaing pinangangambahang nabili ng Ayala Group of Companies para pagtayuan ng proyekto. Mula Abril 4, dumalas ang inilulunsad na rekurida ng mga pwersa ng 59th IB-CAA sa lugar.

Magsasaka sa Lupang Kapdula, patuloy na dinarahas

Sinira ng mga gwardya at bayarang goons ng JAKA Investment Corporation na pagmamay-ari ng pamilyang Enrile ang mga kubo ng mga magsasaka ng Lupang Kapdula noong Abril 24. Tinutukan din nila ng baril at binantaan ang mga magsasaka.

Ang Lupang Kapdula ay kinamkam ng pamilyang Enrile sa mga magsasaka sa pamamagitan ng panlilinlang at pagpapaloob sa joint venture agreement. Noong Mayo 30, 2017, nagsagawa ang mga magsasaka ng Bungkalan sa lupa upang ipakitang sila ang may karapatan sa lupa at hindi ang pamilyang Enrile.

Pitong residente ng Palawan, iligal na inaresto

Iligal na inaresto at ikinulong ng pwersa ng Philippine Marines ang pitong sibilyan noong huling linggo ng Marso. Hinuli ng mga pwersa ng militar noong gabi ng Marso 29 sina Rodjie Casiano, Richard Lachica, Rodizon dela Torre at Rommel Zamora, mga residente ng Sityo Salvador, Dumarao, Roxas. Nauna pang hinuli rito si Rabbie dela Cruz na mula rin sa parehong lugar at sina Richard Castor at Danilo Montessa Jr, na mga taga-sityo Malonlon, Bgy. Tanatanaon ng parehong bayan.

Pampulitikang pamamaslang sa QuezonAbril 7, pinaslang si Kapitan Domingo Ruedas ng

Brgy. Cambuga, Mulanay sa loob ng kanyang pamamahay. Bukod dito, habang nakaburol si Ruedas ay nilooban ang bahay nito at ninakaw ang mahigit P20,000 cash na tulong ng mga nakiramay at 3 cellphone ng kanyang mga anak. Si Ruedas ay kilalang supporter at alyado ng Anakpawis Partylist-Quezon Chapter at muling tatakbo bilang kapitan ng nasabing barangay.

Talahulugan ng mga kaso ng paglabag sa mga sibil at pulitikal na karapatan

Kriminalisasyon ng mga Pampulitikang Aksyon Pag-aaresto, pag-iimbestiga, pagsasampa ng kaso, paglilitis o pagdedetine ng isang indibidwal gamit ang

batayang kriminal (hal. pagpatay) imbes na ang nararapat na pampulitikang habla (hal. rebelyon) na naaayon sa aksyon ng isang indibidwal batay sa kanyang pampulitikang paninindigan.

Page 10: E D I T O R Y A L Palakasin ang rebolusyonaryong hanay sa ... · Tulad sa ibang rehiyon, tusong nagagamit rin sa TK ang mga lokal na eleksyon upang hati-hatiin ang mamamayan at buwagin

10 KALATAS ABRIL 2018

KULTURA

Maaalala kita sa tuwing umaga’y babangonKasama ang kumander sa pagtitiponMaghahanda na sa mahabang maghaponRebolusyon, iyong layon

Isang tunay na Pulang mandirigma Sa armadong pakikibaka ika’y sumampaPara sa mamamayang iyong pinaglilingkuranTanging hangari’y palayain ang sambayanan

Muli kitang maiisip sa tanghaliMaaalala ko ang iyong mga ngitiPara sa mga kasama at masang iyong tinatangiLagi kang maaalala sa bawat sandali

Sa galing mong sumipatSa labanan lagi mong inilalapatBawat kalabit sa gatilyoTutumba ang isang sundalo

At sa hapon kita’y maaalalaAng itsura ng iyong mukhaLaging may pag-asa sa rebolusyon at pakikibakaPagod man sa maghapong trabahoAlam kong hindi mo alintana itoUpang gumampan muli Ito ang iyong rebolusyonaryong gawiMakamtan ang kalayaang iyong minimithi

Namatay ka man sa kamay ng mga pasistamga mersenaryong sundaloSino ba sila para agawan ka ng buhay?Parang hayop, ika’y itrinatoSino silang ika’y husgahanKailanma’y hindi nila hawak ang iyong kapalaran

Kasaysayan ang huhusga sa atinItuturing kang bayaning hindi kailanman nagpaalipinSa sistemang sa ati’y patuloy na nang-aapiSa puso ng mamamayan ika’y mananatili.

sa alaala ni Crisanto “Ka Marco” Surion, isang malapit na kasama at kaibigan at ni July “Ka Voltaire” Elorde na

napaslang sa depensibang labanan noong Marso 29 sa Lopez, Quezon.

Ocramni Ka Leroy