ebolusyon ng tao

23
Ebolusyon ng tao Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Bahagi ng serye sa Biolohiyang ebolusyonaryo Mga mahahalagang paksa[itago] Introduksiyon sa ebolusyon Karaniwang pinagmulan Ebidensiya ng karaniwang pinagmulan Mga proseso at kinalalabasan[itago] Henetikang populasyon Bariasyon Mutasyon Natural na seleksiyon Pag-aangkop Polimorpismo (biolihiya) Pag-anod na henetiko Pagdaloy ng gene Espesiasyon Radiasyong pag-aangkop

Upload: mhaya-severino

Post on 10-Nov-2015

92 views

Category:

Documents


13 download

DESCRIPTION

ebolusyon

TRANSCRIPT

Ebolusyon ng taoMula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedyaBahagi ng serye sa

Biolohiyang ebolusyonaryo

Mga mahahalagang paksa[itago] Introduksiyon sa ebolusyon Karaniwang pinagmulan Ebidensiya ng karaniwang pinagmulan

Mga proseso at kinalalabasan[itago] Henetikang populasyon Bariasyon Mutasyon Natural na seleksiyon Pag-aangkop Polimorpismo (biolihiya) Pag-anod na henetiko Pagdaloy ng gene Espesiasyon Radiasyong pag-aangkop Pakikipagtulungan Kapwa ebolusyon Diberhente Konberhente Parallelong ebolusyon Ekstinksiyon

Natural na kasaysayan[itago] Pinagmulan ng buhay Kasaysayan ng buhay Linyang panahong ng ebolusyon Ebolusyon ng tao Piloheniya Biodibersidad Bioheograpiya Klasipikasyon Taksonomiyang ebolusyonaryo Kladistika Fossil na transisyonal Pangyayaring ekstinksiyon

Kasaysayan ng teoriyang ebolusyonaryo[itago] Buod Linyang panahon ng paleontolohiyay Kasaysayan ng paleontolohiya Renaissance and Enlightenment Bago kay Darwin Darwin On the Origin of Species Bago ang sintesis Modernong ebolusyonaryong sintesis Ebolusyong molekular Evo-devo Kasalukuyang pagsasaliksik

Mga larangan at aplikasyon[itago] Applications of evolution Artificial selection Biosocial criminology Ecological genetics Evolutionary aesthetics Evolutionary anthropology Evolutionary computation Evolutionary economics Evolutionary ethics Evolutionary game theory Evolutionary linguistics Evolutionary medicine Evolutionary neuroscience Evolutionary physiology Evolutionary psychology Experimental evolution Phylogenetics Systematics Universal Darwinism

Social implications[itago] Theory and fact Social effect Controversy Objections Level of support

Evolutionary biology Kategorya: Evolutionary biology Related topics Evolution

v t e

Pagpapakita ng pagkakatulad ng mga kalansay ng mgabakulaw: (mula kaliwa)gibbon,orangutan,chimpanzee,gorilla, atmodernong tao. Ito ang frontispiece ng aklat niThomas HuxleynaEvidence as to Man's Place in Nature(1863) na nagbibigay ebidensiya para sa ebolusyon ng ibang mga bakulaw at tao mula sa isangkaraniwang ninuno.

Mga cranium1.Gorilla2.Australopithecus3.Homo erectus4.Neanderthal(La Chapelle aux Saints) 5.Steinheim Skull6. Anatomikal na modernongtaoAngebolusyon ng taooebolusyong pantaoang proseso ngebolusyonna tumungo sa paglitaw ng species nahomo sapiens(tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ngebolusyong pang-taoay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mgaprimadosa partikular na ang paglitaw nghomo sapiensbilang isang species ng genus naHomo. Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang anghenetika,antropolohiya,primatolohiya,arkeolohiya, atembryolohiya.Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao atchimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao angbipedalismo, pagsasalita, lumaking sukat ngutak, humabangontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal.[1]Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng mgamutasyonsa kromosoma o DNA nanapilisa ninuno ng tao sa paglipas ng panahon. Ito ang pareho ngunit hindi ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon.Mga nilalaman[itago] 1Kasaysayan ng pag-aaral 2Ebolusyon ng tao 3Mga genus 3.1Genus Australopithecus 3.2Genus Homo 3.3Paglisan ng mga modernong tao mula sa Aprika 4Mga ebidensiya ng ebolusyon ng tao 5Kasalukuyang ebolusyon ng mga tao 6Mga sanggunianKasaysayan ng pag-aaral[baguhin]

FossilHominidEvolution Display saThe Museum of Osteology, Oklahoma City, Oklahoma, USABago ng kapanahunan ni Darwin, siCarl Linnaeusat iba pang mga siyentipiko ay tumuring sa mga dakilang bakulaw o apes na mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao dahil sa mga pagkakatulad sa morpolohiya at anatomiya. Ang salitang homo na pangalan ng genus sa biolohiya na kinabibilangan ng mga tao ay salitang Latin para sa tao. Ito ay orihinal na pinili ni Linnaeus sa kaniyang sistema ng klasipikasyon. Ang salitang "human" ay mula saLatinnahumanusna anyong pang-panguri nghomo. Ang salitanghomonaman ay hinango sa ugat na Indo-Europeo na *dhghem, o lupa. Ang posibilidad ng pag-uugnay ng mga tao sa mga mas naunang bakulaw o apes sa pamamagitan ng pinagmulan ay naging maliwanag lamang pagkatapos ng publikasyon noong 1859 niCharles DarwinngOn the Origin of Species(Sa Pinagmulan ng mga Espesye). Ang unang mga debate tungkol sa kalikasan ng ebolusyon ng tao ay lumitaw sa pagitan ninaThomas HuxleyatRichard Owen. Nangatwiran si Huxley para sa ebolusyon ng tao mula sa mgabakulawsa pamamagitan ng pagpapakita ng maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng mga tao at bakulaw sa kanyang 1863 na aklat naEvidence as to Man's Place in Nature(Patunay sa Puwesto ng Tao sa Kalikasan). Gayunpaman, ang maraming mga sinaunang tagasuporta ni Darwin (gaya ninaWallaceatLyell) ay hindi umayon na ang pinagmulan ng mga kakayahang pang-isip at mga sensibilidad namoralng mga tao ay maipapaliwanag ng natural na seleksiyon. Inilapat ni Darwin ang kanyang teoriya ng ebolusyon at seksuwal na seleksiyon sa mga tao nang kanyang ilimbag angThe Descent of Man(Ang Pinagmulan ng Tao) noong 1871. Ang isang pangunahing problema sa panahong ito ang kakulangan ng mgapagitang fossil. Sa kabila ng pagkakatuklas noong 1891 niEugne DuboisngHomo erectussaJavanoon lamang mga 1920 nang ang mga fossil ay natuklasan sa Aprika at ang mgapagitang speciesay natipon. Noong 1925, inilarawan niRaymond Dartang isang specimen ngAustralopithecus africanusna tinawag naBatang Taung. Ang mga labi nito ay isang mahusay na naingatang munting bungo at endocranial na cast ng utak. Bagaman ang utak ay maliit, ang hugis ay bilugan hindi tulad ng mgachimpanzeeatgorilyaat mas tulad ng utak ng tao. Ang specimen na ito ay nagpapakita rin ng maikling ngiping canine at ang posisyon ngforamen magnumay ebidensiya ng lokomosyongbipedal. Ang lahat ng mga katangiang ito ay humikayat kay Dart na angBatang Taungay isang bipedal na ninuno ng tao na isanganyong transisyonalsa pagitan ng mgabakulawat tao. Noong mga 1960 at 1970, ang daang daang fossil ay natagpuan partikular na sa Silangang Aprika sa mga rehiyon ng Olduvai gorge at Lake Turkana. Noong mga 1980, ang Ethiopia ay lumitaw na mainit na lugar ng paleoantropolohiya kung saan si "Lucy" na pinakakumpletong kasapi ngAustralopithecus afarensisay natagpuan. Ang lugar na ito ang naging lokasyon ng maraming mga natuklasang fossil nahomininnoong mga 1990 gaya ngArdipithecus ramidus.Ang rebolusyonghenetikosa mga pag-aaral ng ebolusyon ay nagsimula nang sukatin ninaVincent SarichatAllan Wilsonang lakas ng immunological cross-reactions ng blood serum albumin sa pagitan ng mga pares ng mga species kabilang ang mga tao at aprikanong bakulaw. Ang lakas ng reaksiyon ay maihahayag ng numerikal bilang distansiyang immunological na proporsiyonal sa bilang ng pagkakiba ng asidong amino sa pagitan ng mga homologous proteins sa iba't ibang espesye. Sa paglikha ng isang calibration curve ng ID ng mga pares ng species na may alam na panahon ng paghihiwalay sa fossil record, ang data ay magagamit bilang isang orasang molekular upang tantiyahin ang mga panahon ng paghihiwalay ng mga pares ng mababang uri o hindi alam na mga fossil. Sa kanilang papel noong 1967 sa magasingScience, sina Sarich at Wilson ay nagbigay ng estimasyon ng paghihiwalay ng mga tao at bakulaw na apat hanggang limang milyong mga taong nakakalipas. Ang paglalapat ng orasang molekular ay nagpabago sa pag-aaral ng ebolusyong molekular. Ang ebidensiya ng ebolusyon ng tao ay batay sa maraming mga larangan ng natural na agham. Ang pangunahing mga pinagkukunan ng kaalaaman sa prosesong ebolusyon ay tradisyonal na fossil record ngunit sa simula ng pag-unlad ng henetika noong mga 1970, ang mga analysis ngDNAay nagkaroon ng katumbas na kahalagahan. Ang pag-aaral ngontoheniya,piloheniyaat biyolohiyang ebousyonaryong pampagpapaunlad sa parehong mgabertebrataatimbertebradoay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa ebolusyon ng lahat ng buhay kabilang ang ebolusyon ng tao.Ebolusyon ng tao[baguhin]

AngNotharctusna nabuhay sa Europa at Hilagang Amerika noong 50 milyong taong nakakalipas. Ang mga modernonglemuray nag-ebolb mula sa mga primadong katulad ng genus na ito.

AngProconsulna nabuhay mula 23 hanggang 25 milyong taong nakakalipas noong panahongMiocene.Ang mgaprimadoay humiwalay mula sa ibang mgamamalyanoong mga 85 milyong taong nakakalipas.[2][3][4]Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang angDryopithecusay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahongEoceneatOligocenesa depresyongFaiyumng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species nalemurngMadagascar, mgalorisng Timog Silangang Asya, mgagalagong Aprika, at mgaanthropoid:platyrrhine(mga Bagong Daigdig na unggoy), at mgacatarrhinena kinabibilangan ng mgaLumang Daigdig na unggoyat mgadakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mgatao.[5]Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden naSimiiformesay nagsanga tungo sa mga pangkat naPlatyrrhini(mgaBagong Daigdig na unggoy) atCatarrhini(mgahominoidat mgaLumang Daigdig na unggoy).[6]Ang mgahominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mgaLumang Daigdig na unggoysa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[7]AngHylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula saHominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. AngPonginae(mga orangutan) ay humiwalay mula saHominidaenoong mga 12-15 milyong taong nakakalipas.[8]Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ngSivapithecusatRamapithecusna natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo saPan(chimpanzeeatbonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[9]Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mgachimpanzee, mgabonoboat mgataoay maaaring kinakatawan ng mga fossil naNakalipithecusna natagpuan sa Kenya atOuranopithecusna natagpuan sa Gresya. Ang linyangPan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, angchimpanzeeatbonoboay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[10][11]AngDNAng tao ay 99.4% katulad sa DNA ng mga chimpanzee[12]samantalang ang DNA ng tao ay 96% katulad sa DNA nggorilla.[13]Ang ilang pag-aaral ay nagpapakita na ang mgachimpanzeeatbonoboay mas malapit na nauugnay sa mga tao kesa sa mgagorilla.[14]Dahil sa labis na pagkakatulad ng mga chimpanzee at bonobo sa tao, iminungkahi ng ilang mga siyentipiko na muling uriin ang mga chimpanzee at bonobo sa genus naHomo:Homo paniscusatHomo troglodytes.[15]Ang alternatibong mungkahi ay dapat muling uriin ang tao bilangPan sapiensbagaman ito ay lalabag a prinsipyo ng prioridad dahil ang Homo ay unang pinangalanan bago angPan. Ang pinakamaagang hominin nabipedalangSahelanthropusoOrrorinna posibleng ang pinagsasaluhang karaniwang ninuno ng parehong tao at chimpanzee. AngArdipithecusang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus naAustralopithecus.[16]Angaustralopithecusay nag-ebolb naman tungo sa henus naHomo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo anghomo habilisna nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas mula saAustralopithecus. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ngHomo ergaster/Homo erectus. Anghomo erectusathomo ergasterang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb saHomo heidelbergensisat ang Homo heidelbergensis ay nagsanga naman sa mganeanderthalsa Europa at mgaHomo sapienssa Aprika. Ayon sa teoriyang kamakailang pinagmulang Aprikano ng tao, ang mgahomo sapiensay nagebolb sa Aprika mula saHomo heidelbergensisnoong mga 200,000 taong nakakaraan at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon nghomo erectusatHomo neanderthalensis. Ang paglipat tungo sa pag-aasal na moderno ay nangyari pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-aasal ay mula 80,000 taong nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika, paghihiyas sa sarili, kalakal, mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang mga halimbawa ng mga prehistorikong sining gaya ng mgapigurinang Venusat pagpipinta sa kweba sa kwebang Chauvet ay pinetsahan sa panahong ito.[17]Mga genus[baguhin]Genus Australopithecus[baguhin]

Rekonstruksiyon ng babaengAustralopithecus afarensis

Rekonstruksiyon ngHomo habilisna pinaniniwalaang ninuno ngHomo ergaster. Westflisches Museum fr Archologie, Herne

Homo ergasterna pinaniniwalaang ninuno ngHomo heidelbergensis

Isang rekonstruksiyon ngHomo heidelbergensisna pinaniniwalaang ninuno ng parehong mgaNeanderthalat mgaHomo sapiens.Pangunahing lathalain:AustralopithecusAng genus naAustralopithecusay nagebolb sa silangang Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago kumalat sa kontinente. Ito ay nagingextinctnoong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahon ng pag-iral nito, ang iba't ibang mga anyo nito ay lumitaw kabilang angAustralopithecus anamensis,Australopithecus afarensis,Australopithecus sediba, atAustralopithecus africanus. Ang fossil record ay tila nagpapakita na ang Australopithecus ang karaniwang ninuno ng genus naParanthropus(ang mga matipunong australopith) at ng genus naHomona kinabibilangan ng mgahomo sapiens. Bagaman ang katalinuhan ng mga Australopithecus ay malamang na hindi mas sopistikado kesa sa mga modernongbakulaw, ang pagtindig nitongbipedal(gamit ang dalawang hita) ang mahalagang ebidensiya na nagtatangi ng pangkat na ito mula sa mga naunangprimadodito na mgaquadruped(gamit ang apat na hita).Genus Homo[baguhin]Pangunahing lathalain:HomoBagaman ang ilang mga species ng genus na homo ay maaaring mga ninuno nghomo sapiens(modernong tao), ang marami sa mga ito ay malamang na mga pinsan ng homo sapiens na kapwa humiwalay sa linya na pang-ninuno. Ang henus naHomoaynag-ebolbmula sa henus naAustralopithecus. AngAustralopithecus garhioAustralopithecus sediba[18]ay pinaniniwalaang ang posibleng direktang ninuno ng henus naHomo. Ang paglitaw ng Homo ay tinatayang kasabay ng pagsisimula ng pagyeyelongquartenary. Malawakang pinaniniwalaan ng mga arkeologo at paleontologo na ang mga australopithecus ay gumampan ng isang mahalagang bahagi sa ebolusyon ng tao. Ito ang unanghomininna nagpakita ng presensiya ng isanggenena dinuplikangSRGAP2na nagsanhi ng isang tumaas na haba at kakayahan ng mga neuron sa utak.[19]Anghomo habilisna nag-ebolb mula saAustralopithecusay pinaniniwalaang nag-ebolb tungo sahomo ergasterna nagpalitaw saHomo erectus. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan dahil ang ilang mga natuklasang fossil ay nagmumungkahi na ang H. habilis at H. erectus ay sabay nabuhay.[20]Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isangkladohenetikosa halip naanahenetikona nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[21]Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sahomo habilissa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang ilang homo ergaster ay lumipat sa Asya kung saan ang mga ito ay naginghomo erectussa Asya athomo georgicussa Europa. Ang linya ng ergaster na lumisan sa Aprika at ninuno ng Asyanong homo erectus ay humiwalay mula sa linya ng homo egaster. Anghomo rhodesiensisna nag-ebolb mula sa homo ergaster ay lumipat mula sa Aprika tungo sa Europa at naginghomo heidelbergensis. Ang H. heidelbergensis ay nagsanga sa mga species naNeanderthalatHomo sapiensat marahil ay pati sadenisova homininsa Asya. Ang mganeanderthalay nag-ebolb mula sa H. heidelbergensis noong mga 400,000 taong nakakalipas sa Europa[22]samantalang angHomo sapiens(modernong tao) ay hiwalay na nag-ebolb mula sa H.heidelbergensis noong mga 200,000 at 100,000 taong nakakalipas sa Aprika. Noong mga 100,000 taong nakakalipas, ang ilanghomo sapiens sapiensay lumisan sa Aprika tungo salevantat nakatagpo ang mgaHomo neanderthalensisna may ilang mgaadmixture.[23]Kalaunan noong mga 70,000 taong nakakalipas marahil pagkatapos ngkatastropiyang Toba, ang isang maliit na pangkat ay lumisan sa levant at pumuno sa Eurasya, Australya at kalaunan ay sa mga Amerika. Ang isang subgrupo ng mga ito ay nakatagpo ang mgadenisovan[24]at pagkatapos ng karagdagang admixture, ay tumira saMelanesia. Sa scenario na ito, ang mga hindi Aprikanong taong nabubuhay sa kasalukuyan ay halos may pinagmulan sa Aprika. Gayunpaman, may ilang admixture ang mga tao sa mga neanderthal at denisovan na nagebolb ng lokal. Ang resulta ng pag-aaral nggenomeay nagpapakita na noong mga 30,000 taong nakakalipas, ang tatlong mga pangunahing subspecies ng genus na homo ay sabay umiral: ang mga denisovan, ang mga neanderthal at ang mga anatomikal na modernong tao.[25]Ngayon, ang tangingH. sapiens sapiensang tanging species na natitira ng genus na ito. tingnan usapan baguhinPaghahambing na talaan ng mga species ng henus na Homo

SpeciesNabuhay (milyong taong nakakalipas)Lugar kung saan nabuhayTaas ng matandaMasa ng matandaCranial capacity(cm)Fossil recordPagkakatuklas/ publikasyon ng pangalan

Denisova hominin0.04Altai Krai1 lugar2010

H.antecessor1.20.8Espanya1.75m (5.7ft)90kg (200lb)1,0002 sites1997

H.cepranensis0.50.35Italy1,0001 skull cap1994/2003

H.erectus1.80.2Africa,Eurasia(Java,China,India,Caucasus)1.8m (5.9ft)60kg (130lb)850 (early) 1,100 (late)Marami1891/1892

H.ergaster1.91.4Silanganin at KatimugangAprika1.9m (6.2ft)700850Marami1975

H.floresiensis0.100.012Indonesia1.0m (3.3ft)25kg (55lb)4007 individuals2003/2004

H.gautengensis>20.6South Africa1.0m (3.3ft)1 individual2010/2010

H.habilis2.31.4Aprika1.01.5m (3.34.9ft)3355kg (73121lb)510660Marami1960/1964

H.heidelbergensis0.60.35Europe,Africa,China1.8m (5.9ft)90kg (200lb)1,1001,400Marami1908

H.neanderthalensis0.350.03Europe,Western Asia1.6m (5.2ft)5570kg (121154lb) (heavily built)1,2001,900Marami(1829)/1864

H.rhodesiensis0.30.12Zambia1,300Napakakaunti1921

H.rudolfensis1.9Kenya7002 lugar1972/1986

H.sapiensidaltu0.160.15Ethiopia1,4503 cranium1997/2003

H.sapienssapiens(modernong tao)0.2kasalukuyanBuongmundo1.41.9m (4.66.2ft)50100kg (110220lb)1,0001,980Kasalukuyang nabubuhay/1758

Paglisan ng mga modernong tao mula sa Aprika[baguhin]

Pagtawid sa Pulang DagatSa kanyang aklat naDescent of Man, and Selection in Relation to Sex, iminungkahi ni Darwin ang mga tao ay nagmula sa mga bakulaw o apes na may mga maliliit pa ring mga utak ngunit naglalakad ng patayo na nagpalaya sa mga kamay nito para sa mga paggamit na pumapabor sa katalinuhan. Ang paghulang ito ni Darwin ay nag-aangkin ng kabatiran dahil noong 1871, wala pang mga anumang fossil ng mga sinaunanghominidna nakuha. Pagkatapos ng halos 50 taon mula kay Darwin, ang mungkahi ni Darwin ay sinuportahan nang ang mga antropologo ay nagsimulang makapaghukay ng maraming mga fossil ng mga sinaunang may maliit na utak na mga hominid sa ilang mga lugar sa Aprika. Ito ay karagdagang sinuportahan sa pag-unlad ng henetika at sa pagkakatuklas noong mga 1980 na ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa isang babae(o Mitochondrial Eve na umiral sa Aprika) sa panig ng ina ng lahat ng mga tao.Ang ebidensiyang fossil at henetika ay nagpapakita na ang mga sinaunang homo sapiens ay nagebolb tungo sa mga modernong tao sa Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taong nakakalipas[26]. Ang mga kasapi ng isang sangay ng homo sapiens ay lumisan mula sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taong nakakalipas at sa paglipas ng panahon ay pumalit sa mas naunang mga populasyon ngNeanderthalatHomo erectus.[27]Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na paglisan mula sa Aprika ay noong mga 60,000 taong nakakalipas. Ang dalawang mga piraso nggenomeng tao ay magagamit sa pagtukoy ng kasaysayan ng mga modernong tao: Angmitochondrial DNAatY chromosomeAng lahat ng mga taong nabubuhay ngayon ay nagmana ng parehongMitochondria[28]mula sa isang babaeng tao na nabuhay sa Aprika noong mga 160,000 taong nakakalipas[29][30]na pinangalanangMitochondrial Eve(walang kaugnayan saEbangbibliya). Ang lahat ng mga nabubuhay na lalake ngayon ay nagmana ng mgaY chromosomemula sa lalakeng nabuhay noong 140,000 taong nakakalipas sa Aprika na pinangalanangY-chromosomal Adam(wala ring kaugnayan saAdanngbibliya). Ang unang linya na sumangay mula saMitochondrial Eveang haplogroup naL0. Ang haplogroup na ito ay matatagpuan sa mga taongSanatSandaweng Silangang Aprikan gayundin saMbuti.[31][32]Ang mga pangkat na ito ay sumanga sa simula ng kasaysayan ng mga modernog tao at nanatiling relatibong hiwalay ng henetikal mula nito. Ang inapo ng L1-6 ang mga haplogroup naL1,L2atL3at nakarestrikto sa Aprika. Ang mga makro haplogroup naMatNna mga linya ng iba pang populasyon ng daigdig sa labas ng Aprika ay nagmula sa L3. Ang mga mutasyon na naglalarawan ng makro haplogroup naCT(lahat ng mga haplogroup na Y maliban saAatB) ay nauna sa paglisan mula sa Aprika. Ang inapong makro grupo nito angDEna nakarestrikto sa Aprika. Ang mga mutasyon na nagtatangi ng haplogroup naCfrom sa ibang mga inapo ng CR ay nangyari noong mga 60,000 taong nakakalipas sa sandaling pagkatapos ng unang paglisan mula sa Aprika. AngHaplogroup Fay nagmula noong mga 45,000 taong nakakalipas sa Hilagang Aprika o sa Timog Asya. Ang higit sa 90% ng lalake ngayong hindi katutubo sa Aprika ay direktang nagmula sa linyang lalake ng unang tagadala ng haplogroup F. Sa isang pag-aaral ng 53 populasyon mula sa data ng analysis ng malawakang genome naSNPatInternational HapMap Project(Phase II) atCEPHay nagmumungkahi ang ang mga grupong populasyon ay nahuhulog lamang sa tatlong mga pangkat henetiko: Mga Aprikano, Eurasyano(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Europa, Gitnang Silangan at Timog kanlurang Asya) at mga Silangang Asya(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Asya, Hapon, Timog Silangang Asya, Amerika at Oceania)[33][33][34]Natukoy ng pag-aaral na ang karamihan ng mga pagkakaiba sa pangkat etniko ay maituturo sagenetic drift. Ang mga modernong populasyon ng Aprika ang may pinakamalaking pagkakaiba sa henetiko at ang mga modernong Eurasyano ay medyo higit kesa mga modernong Silangang Asyano.[34]Ang pag-aaral ay nagmumungkahing angnatural selectionay maaaring humugis ng genome ng tao ng mas mabagal kesa sa nakaraang paniniwala at ang mga paktor gaya ng migrasyon sa loob at sa mga kontinente ay mas mabigat na nakaimpluwensiya sa distribusyon ng mga pagkakaibang henetiko.[35]Ang ilang mga siyentipiko ay naniniwala na ang tanging kaunting mga tao ang lumisan sa Aprika sa isang migrasyon na pumuno sa ibang mga lugar ng daigdig. Ito ay batay sa katotohanang ang tanging mga inapo ng haplogrop na L3 ang tanging matatagpuan sa labas ng kontinenteng Aprika. Tinatayang mula sa isang populasyon ng 2,000 hanggang 5,000 mga indibidwal sa Aprika, ang tanging isang maliit na pangkat na posibleng 150 hanggang 1,000 mga tao ay tumawid sa Pulang Dagat mula sa Ethiopia. Sa lahat ng mga linyang umiiral sa Aprika, ang tanging ang mga babaeng inapo ng isang linya na mtDNA haplogroup L3 ang matatagpuan sa labas ng Aprika. Ang mga babaeng inapo ng L3 na mga linyang haplogroup na M at N ay matatagpuan ng napakababang mga prekwensiya sa Aprika at lumilitaw na mga kamakailang pagdating. Ang isang posibleng paliwanag ay ang mga mutasyong ito ay nangyari sa Silangang Aprika sa sandaling bago ang paglisan mula sa Silangang Aprika at sa epektong tagapagtatag ay naging nananaig na mga haplogroup. Sa alternatibo, ang mga mutasyon ay maaaring lumitaw sa sandaling pagkatapos ng paglisan mula sa Aprika. Ang ibang mga siyentipiko ay nagmungkahi ng modelo ng dalawang mga paglisan mula sa Aprika. Ang modelong ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang Haplogroup N ang nanaig sa Europa at kung bakit ang Haplogroup M ay hindi umiiral sa Europa. Sa alternatibo, ang isang maliit na tagapagtatag na populasyong Europeo na sa simula ay naghayag ng parehong mga Haplogroup M at N ay maaaring nawalan ng Haplogroup M sa pamamagitan ng random genetic drift na nagresulta mula sa isang bottleneck. Mula sa Malapit na Silangan, ang mga populasyong ito ay kumalat sa silangan tungo sa Timog Asya noong mga 50,000 taong nakakalipas at sa Australiya noong 40,000 taong nakakalipas. Ang Europa ay naabot ngCro-Magnonnoong mga 40,000 taong nakakalipas. Ang Silangang Asya(Korea, Hapon) ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas. Ang Hilagang Amerika ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas o kalaunan noong 14,000 taong nakakalipas. Ang pangkat na tumawid sa Pulang Dagat ay naglakbay sa kahabaan ng rutang baybayin sa baybayin ng Arabya at Persia hanggang maabot ang India na lumilitaw na unang pangunahing puntong tirahan. Ang haplogroup M ay matatagpuan ng mataas sa mga katimugang rehiyong baybayin ng Pakistan at India at may pinakamalaking pagkakaiba sa India na nagpapakita na ang mutasyon ay nangyari dito. Ang 60 porsiyento ng populasyon ng India ay kabilang sa haplogroup M. Ang mga katutubo ng islang Andamanese ay kabilang rin sa M. Ang mga Andamese ay pinaniniwalaang mga supling ng ilang pinakamaagang tumira sa Asya dahil sa mahabang isolasyon nito mula sa pangunahing lupain ng Asya. Ang mga ito ang ebidensiya ng rutang pangbaybayin. Dahil ang mga Andamanese at New Guinean ay may maitim na balat at may teksturang Aprikano ng buhok, ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang lahat ng mga ito ay bahagi ng ilang mga lumisan mula sa Ethiopia at tumawid sa Pulang Dagat noong mga 60,000 taong nakakalipas. Mula sa Arabya tungo sa India, ang proporsiyon ng haplogroup M ay tumaas ng pasilangan. Sa silangang India, ang M ay mas madami sa N sa rasyo ng 3 sa 1. Ang M ay nananaig sa Timog Silangang Asya ngunit sa mga katutubong Australyano, ang N ay muling lumitaw bilang ang mas karaniwang linya. Ang mga hindi tuloy tuloy na distribusyon ng Haplogroup n mula sa Europa hanggang Australiya ay maipapaliwanag ng mga epektong tagapagtatag at mga bottleneck ng mga populasyon.May mahalagang pagkakaibang biolohikal sa mga homo sapiens. Ang mga katangian gaya ng kulay ng balat, kulay ng mata, kulay at tekstura ng buhok, taas at anyo ng katawan, at mga katangiang pang bungo ay iba iba sa buong mundo. Halimbawa, ang mga gene na nagsasanhi sa mga matandang tao na magdigest na lactose ay matatagpuan sa mga populasyon na may mahabang mga kasaysayan ngdomestikasyonng mga baka na nagmumungkahi na angnatural na seleksiyonay pumabor sa gene na nakasalalay sa gatas ng baka. Ang ilang mga sakit na namamana sa gene gaya ngSickle cell anemiaay madalas sa mga populasyon mula sa mga lugar na ang malaria ay endemiko sa buong kasaysayan. Ang mga populasyon na tumira sa mga spesipikong klima gaya ng arktiko o tropikal o matataas na altitudo ay mas malamang na magkaroon ng mgaphenotypena mapapakinabangan sa pagtitipid ng enerhiya sa mga kapaligirang ito. Ang pagiging maliit at mataba sa mga malalamig na klima, ang pagiging matangkad at payat sa mga maiinit na rehiyon at ang mga may mataas na kakayahan ng baga sa mga matataas na altitudo. Ang pagkakaiba sa kulay ng balat ng mga tao ay nag-iiba iba na ang mga may mas matiim na balat ay nasa ekwador kung saan ang karagdagang proteksiyon mula sa araw ay nagbibigay ng kapakinabangang pang-ebolusyon. Ang mga may mas maputla o puting balat ay nasa mga taong nasa polo kung saan ang kaunting liwanag ng araw at ang mas maputlang balat ay nagpapabuti ng sintesis ng bitamina D.Mga ebidensiya ng ebolusyon ng tao[baguhin]Ang ebidensiya para sa ebolusyon ng mgahomo sapiensmula sa isang karaniwang ninuno na pinagsasaluhan rin ng ibang mga dakilang bakulaw ay kinukumpirma ng mutasyon sa tao na nagsanhi ng isang dulo sa dulong pagsasanib ng dalawang mga kromosomang pangninuno.[36][37][38]. Ang lahat ng mga kasapi nghominidaeay mayroon 24 pares ng mga kromosoma maliban sa mga kasapi nitongtao,neanderthalatdenisova homininna may 23 pares lamang ng mga kromosoma. Ang mga ebidensiya ng pagsasanib na ito sa kromosoma 2 ng tao: ang pagtugma ng kromosoma 2 ng tao sa dalawang mga magkahiwalay na kromosoma ng mga chimpanzee gayundin sa gorilya at orangutan,[39][40]ang presensiya sa kromosomang 2 ng tao ng mga labi ng isang ikalawang centromere na sa normal na kromosoma ay isa lamang[41], at ang presensiya ng mgabestihiyalnatelomerena normal na matatagpuan lamang sa mga dulo ng isang kromosoma ngunit sa kromosomang 2 ng tao ay may karagdagang mga sekwensiya ng telomere sa gitna.[42]Dahil dito, ang kromosoma 2 ay nagbibigay ng napakalakas ng ebidensiya na pabor sa karaniwang pinagmulan ng mga tao at ibang kasapi nghominidae.[42]Sa pagsesekwensiya ng parehong mga genome ng mga tao atchimpanzee, ang mga kasalukuyang pagtatantiya ng pagkakapareho sa pagitan ng kanilang mga sekwensiya ngDNAay sa pagitan ng 96% at 99%.[12][43][44]Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraan na tinatawag namolecular clockna nagtataya ng panahong kailangan para sa bilang ng mgamutasyonnaghihiwalay na natipon sa pagitan ng dalawang mga angkan, ang tinatayang petsa sa paghihiwalay sa pagitan ng mga angkan ay makukwenta. Ang petsa ng paghahati sa pagitan ng mga linyang tao at chimpanzee ay noong mga 4-8 milyong taong nakakalipas noong panahongMiocene.[45][46][47]Ang istrukturangbestihiyalang mga bahagi ng katawan na maliwanag na nawalan ng karamihan o lahat ng mga silbi sa isang species. Ang mga istrukturang bestihiyal ay kadalasang homologoso sa mga istruktura na normal na gumagana sa ibang species. Dahil dito, ang mga istrukturang bestihiyal ay itinuturing na ebidensiya para sa ebolusyon. Ang mga halimbawa ng mga istrukturangbestihiyalsa tao ay kinabibilangan ngappendix,butong buntot,wisdom teeth, ekstrang utong,Darwin's tubercle, loob ng sulok ng mata, mgagoose bump, palmar grasp reflex, nabawasangolpaksiyonatjunk DNAat iba pa. May mga istrukturang molekular nabestihiyalsa tao na hindi na ginagamit ngunit nagpapakita ng karaniwang ninuno sa ibang species. Ang isang halimbawa nito ang gene naL-gulonolactone oxidasena gumagana sa karamihan ng ibang mgamammalat lumilikha ng enzyme na nagsisynthesize ng bitamina C.[48]Sa mga tao at ibang mga kasapi ng suborden naHaplorrhini, ang isangmutasyonay hindi nagpagana ng gene at gumawa ritong walang kakayahang lumikha ng enzyme. Gayunpaman, ang mga labi ng gene ay umiiral pa rin sa genome ng tao bilang isangbestihiyalna henetikong sekwensiya na tinatawag napseudogene.[49]Ang isang mutasyon ay hindi nagpagana ng MYH16 gene sa tao ngunit gumagana sa ibang mga primado.[50]Angmutasyonsa FOXP2 gene sa tao ay maaaring nakatulong sa ebolusyon ng pagsasalita at wika sa tao.[51]Ang gene na ito ay umiiral rin sa mgachimpanzeengunit iba sa tao sa paghahalili ng dalawang asidong amino sa tao.[52]Sa mga tao na nagkaroon ng mutasyon sa kanilang FOXP2 gene, ito ay nagsasanhi ng malalang kahirapan sa kanilang pagsasalita at paggamit ng wika.[53]Kasalukuyang ebolusyon ng mga tao[baguhin]Angnatural na seleksiyonay nangyayari sa mga kasalukuyang modernong populasyon ng tao.[54]Halimbawa, ang populasyon na nanganganib sa malalang sakit nakuruay may malaking sobrang representasyon ng anyo ng immune naprion proteingeneG127Vkesa sa hindi mga immune naallele. Ang prekwensiya ngmutasyonna ito ay sanhi ng survival ng mga taong immune.[55][56]Ang ibang mga direksiyong pang-ebolusyon sa ibang mga populasyon ng tao ay kinabibilangan ng paghaba ng panahong reproduktibo, pagbawas sa mga lebel ng cholesterol, blood glucose at blood pressure.[57]AngLactase persistenceang isang halimbawa ng kamakailang ebolusyon sa tao. Ang karamihan ng mgamammalay normal na tumitigil sa paglikha ngenzymenalactaseat nagiginglactose intolerantpagkatapos ngweaning. Gayunpaman, ang ilang mga populasyon ng tao aynag-ebolbnglactase persistencekung saan ang produksiyon nglactaseay nagpapatuloy hanggang sa pagtanda ng mga ito. Tinatayang ang 75% ng mga matatandang tao sa buong mundo ay may isang nabawasang paglikha ng lactase.[58]Ang prekwensiya ng nabawasang gawaing paglikha nglactaseay mula 5% sa hilagang Europa hanggang 71% sa Sicily hanggang sa 90% sa ilang mga bansang Aprikano at Asyano.[59]Ang distribusyon ng mga pagkakaiba sa paglikha nglactasesa mga populasyon ng tao ay pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na sanhi ngnatural na seleksiyonna pumabor sa mga patuloy paglikha ng lactase sa mga kultura ng tao na ang produktonggatasay pinagkukunan ng pagkain.[60]Ito ay sanhi ng mga independiyenteng nangyaringmutasyonsa ilang mga populasyon ng taong meron nito.[61]