editoryal rebolusyonaryong paglaban ang tugon sa saywar at ... · editoryal papet ang rehimen ni...

8
umubha ang krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema ng ating bansa sa pagkakaluklok kay Noynoy Aquino. Ngayon ay nalalantad siya bilang pangunahing kinatawan ng naghaharing uri sa higit pang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan. Pinatutunayan ni Noynoy na pawang kasinungalingan lamang ang kanyang mga ipinangako bago siya naluklok sa pagkapangulo na umano’y dadalhin niya ang bansa tungo sa “landas ng pagbabago”. Sa katunayan, walang makabuluhang pagbabago para sa mamamayan ang hatid ng rehimen ni Noynoy kundi ang patuloy na pagiging sunud-sunuran ng gubyerno sa mga utos ng imperyalismong US. Kasabay nito ang pagtindi rin ng pagkamkam ng naghaharing uri sa yaman ng bansa, pagkait sa mga demokratikong karapatan at interes ng mamamayan, at todong pagsupil sa kilusan para sa rebolusyonaryong pagbabago. REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Taon XXXV Blg.1 Pebrero 28, 2011 Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at Pasismo ng Rehimeng US- Noynoy Aquino sundan sa pahina 2 L EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra ng gubyernong US ang pagkakaroon niya ng malaking kalamangan sa nagdaang eleksyon. Kapalit nito, buong-lugod niyang sinusunod ang mga utos ng US sa balangkas ng imperyalistang globalisasyon.

Upload: others

Post on 30-Oct-2020

15 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

umubha ang krisis ngmalakolonyal at malapyudalna sistema ng ating bansasa pagkakaluklok kay

Noynoy Aquino. Ngayon aynalalantad siya bilang pangunahingkinatawan ng naghaharing uri sahigit pang pagsasamantala atpang-aapi sa mamamayan.

Pinatutunayan ni Noynoy napawang kasinungalingan lamang

ang kanyang mga ipinangako bago siya naluklok sa pagkapangulo na umano’y dadalhinniya ang bansa tungo sa “landas ng pagbabago”. Sa katunayan, walang makabuluhangpagbabago para sa mamamayan ang hatid ng rehimen ni Noynoy kundi ang patuloy napagiging sunud-sunuran ng gubyerno sa mga utos ng imperyalismong US. Kasabay nitoang pagtindi rin ng pagkamkam ng naghaharing uri sa yaman ng bansa, pagkait sa mgademokratikong karapatan at interes ng mamamayan, at todong pagsupil sa kilusan parasa rebolusyonaryong pagbabago.

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Taon XXXV Blg.1Pebrero 28, 2011

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Ilinalathala minsan bawat ikatlong buwan ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

RebolusyonaryongPaglaban ang Tugon sa

Saywar at Pasismo ngRehimeng US-Noynoy Aquino

sundan sa pahina 2

L

EDITORYAL

Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikanoang kanyang kampanya at minaniobra ng gubyernong US ang pagkakaroon niya ng malakingkalamangan sa nagdaang eleksyon. Kapalit nito, buong-lugod niyang sinusunod ang mgautos ng US sa balangkas ng imperyalistang globalisasyon.

Page 2: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

2 Pebrero 28, 2011 * SILYAB

M

Sa Bikol at maging sa marami pang panig ng bansa, nagpapatuloy at lumalawak paang mga mapandambong na pagmimina ng mga dayuhang korporasyon. Hindi lamangnito nilalapastangan ang pambansang patrimonya.Pinapatay din ng malalaking dayuhangkorporasyong ito ang kalikasan. Winawasakang kabuhayan ng masa. Inilalagay sapanganib ang buhay ng tao.

Ang itinutulak ni Noynoy naumano’y “Private-PublicPartnership” ay walang ibangpakahulugan kundi angpagpapatuloy at pagpapatindipa ng denasyunalisasyon,pribatisasyon, deregulasyon, atliberalisasyon. Ipinipilit ngayonng malalaking negosyantengAmerikano na payagan din niNoynoy ang pagmamay-ari ngmga dayuhan sa mga negosyosa pagtitingi, telekomu-nikasyon, at pagmamay-ari nglupa sa bansa. Dapat itonglabanan ng mamamayan upang pigilan si Noynoy na ipaubaya sa imperyalistang US angmga natitira pang bahagi ng ekonomya na dapat ay para sa mga negosyanteng Pilipinolamang.

Hindi sa interes ng masang Pilipino nagsisilbi ang rehimen ni Noynoy kundi sa mgaimperyalista. Sunud-sunuran siya sa atas ng International Monetary Fund na magpatawng dagdag na mga buwis sa mamamayan, itaas ang singil sa mga serbisyo publiko, atbawasan ang mga subsidyo para mapigilan ang lalong pagkabangkarote ng gubyerno.

EDITORYAL

sundan sa pahina 3

p. 1

p. 4

p. 7

p. 8

Editoryal:RebolusyonaryongPaglaban ang Tugon saSaywar at Pasismo ngRehimeng US-NoynoyAquino

Berdugong 9th ID,Nagpapatuloy angBrutalidad at Karahasansa Bikol

Tula: Hindi Maapula angApoy sa Silangan

Batoy

NilalamanPebrero 28, 2011

Kaugnay nito, 457.1 bilyong piso ang inilaan ni Noynoypara lamang sa pagbabayad ng interes sa dayuhang utang ngbansa. Ito ang pinakamalaking bahaging kokonsumo ngpambansang badyet. Pinalobo din ang badyet ng militar, patina rin ang sariling pork barrel ni Noynoy, gayundin ang samga mambabatas. Samantala, walang pakundangan namangbinawasan ang pondo para sa serbisyong panlipunan katuladng kalusugan, edukasyon, agrikultura, at iba pangimprastraktura.

Korap at kontra-mamamayan ang rehimen ni NoynoyAquino. Sa kasaysayan ng mga eleksyon sa Pilipinas, siyaang nakatanggap ng pinakamalalaking kontribusyon mula samga imperyalista at kapwa niya naghaharing uri. Hindinakapagtataka na ang mga iniluklok ni Noynoy sa mgamakapangyarihang pusisyon sa

Page 3: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

SILYAB * Pebrero 28, 2011 3

EDITORYALgubyerno ay yaon ding mga kinatawan ngmga imperyalista at malalaking kumpradorat panginoong maylupa nasumuporta sa kanyangkandidatura. Gayunpaman,marami sa mga hinirang naito ay may dati nang rekordng korapsyon kung kaya’tmabilis ding nalantad sapubliko ang mga dati atbagong kaso ng korapsyonng mga kasamahan ni Noynoysa kanyang pangkat. Magingsi Noynoy ay pasimuno sakabulukan at kawalang-sensibilidad sa dinaranas napaghihirap ng bayan. Saharap ng nagdudumilat nakrisis at kagutuman ng masa,umaalagwa si Noynoy sapamumuhay nang korap atmaluho.

At habang sinisiguro angpagpupuwesto ng kanyang rehimen upangmagpakasasa sa yaman ng bansa, angkanyang pamilya naman ay nagmamaniobrapara hindi maipatupad ang distribusyon nglupa sa Hacienda Luisita, mapag-ibayo paang monopolyong kontrol at pakinabang salupa, at kumita ng bilyun-bilyon sapamamagitan ng pagpapalit-gamit ditopalayo sa agrikultura.

Sa gayon, nasisiyahan ang buong uringpanginoong maylupa dahil nakatitiyak silang kanilang monopolyo sa lupa.Maaasahang instrumento nila ang kanilangpangulo upang panatilihing atrasado angkanayunan at patuloy nilangmapagsamantalahan at apihin ang masangmagsasaka.

Pasista ang rehimen ni Noynoy.Pinatunayan ng pagpalawig niya sanagdaang Oplan Bantay Laya 2 ang kanyangpagkiling sa pasismo upang pigilan ang

sundan sa pahina 4

rebolusyonaryong paglaban ngmamamayan. Ang kanyang bagong kontra-

insurhensyang kampanyanaman, ang OPLANBayanihan, ay malinawna sumusunod sa mgadikta ng 2009 USC o u n t e r i n s u r g e n c y(COIN) Guide. Esensyalsa mga panuntunan ng USCOIN Guide angepektibong pagkukunwaring gubyerno nanaglilingkod ito samamamayan kasabay ngmarahas na pagsupil samga rebolusyonaryongpwersa. Ganito mismoang ginagawa ng rehimenni Noynoy – engrandengsaywar para sa lugmok-sa-krisis na mamamayan,kaakibat ang marahas na

armadong pagsupil para sarebolusyonaryong paglaban.

Ito ang tunay na mga katangian ngrehimen ni Noynoy Aquino na pilit niyangitinatago sa likod ng matatamis na salitaat pangako ng pagbabago. Ang tiyak nanakahain para sa mamamayan sa ilalim niNoynoy ay ang mas matinding krisis,pinatinding pandarahas ng militar, atengrandeng saywar para pagtakpan angkrisis at pandarahas.

Lubusan nating ilantad at basagin angmaskara ng rehimeng US-Noynoy Aquino,at manindigan tayo na ubos-kayang labananang papet, kontra-mamamayan, atpasistang mga hakbangin nito. Mahigpitnating mga tungkulin ang buong-determinasyong isulong ang mga anti-imperyalista, anti-pyudal at anti-pasistangpakikibaka upang iangat ang kabuhayan atkamalayan ng ating mga kababayan.

Page 4: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

4 Pebrero 28, 2011 * SILYAB

9th ID

Patuloy ang walang-habas napamamaslang at pang-aabuso ng

militar sa mga sibilyan sa ilalim ngrehimeng US-Aquino. Sa buong Bikol,mas pinatindi ang mga kampanyangmilitar sa pinalawig na mapanalasangOplan Bantay Laya 2 na naghabolwakasan ang rebolusyonaryong kilusannoong pagtatapos ng 2010.

Sa kanayunan ng Bikol, patuloy na sinasalanta ng mgakampanyang militar at abusadong Special Operations Team ang kabuhayan ng daan-daang magsasaka. Napi-perwisyo ang kabuhayan ng mga magsasaka dulot ng pagkaantalang mga gawain sa produksyon sa tuwing may sakyada ang militar. Marami ang napu-pwersang umalis sa lugar, pagkat may banta sa kanilang kaligtasanat kapanatagan maging sa sariling tahanan.

Sa pamamagitan ng masikhay napagpopropaganda, pag-oorganisa, atpagpapakilos sa ating mga kababayan,naiaabante natin ang mga tunay at saliganginteres ng mamamayan dahilnapapabulaanan din ang mga hungkag narepormang bahagi ng pagpapanggap nggubyerno ni Noynoy.

Sa pamamagitan ng pagpapalahok natinsa pinakamaraming bilang ng mamamayansa mga pakikibaka at kilusang masa,napapalaki din natin ang bilang ng atingnaimumulat upang sa malaon ay mapalahoksa rebolusyon, sa paraan man ng ligal napakikibaka, tungo sa lihim at armadongpaglaban.

Pagsikapan nating maging largado angpaglulunsad ng malaganap at masinsingpakikidigmang gerilya na tiyak na umaaning malawak at malalim na suporta ngmamamayan. Ito’y upang itaas ang antas

EDITORYAL

SSSSS

sundan sa pahina 5

Berdugong 9th ID,Nagpapatuloy angBrutalidad atKarahasan sa Bikol

ng ating digmang bayan na siyang tugonsa mithiin ng mamamayan para usigin angnaghaharing uri at ang kanyang pasistangmilitar, at sa proseso’y mailatag ang mgabatayan para sa estratehikong pagkapatas. Matinding diskuntento ang ibinubungang lumulubhang krisis sa bansa. Walangibang makatuwirang sagot kundi angrebolusyonaryong paglaban ngmamamayan. Ang pandarambong,kasakiman, at karahasan ng US at ngrehimen ni Noynoy Aquino ay nararapatlamang na harapin ng tapang at sigasigsa pagkilos. Huwag nating bigyan ngpuwang ang mga mapagsamantala’tmapang-aping uri na makagawa ng isapang hakbang na ikapapahamak ng atingmga kababayan, at samantalahin natinang lahat ng pagkakataon upang tuluy-tuloy silang pahinain at lubos na magapi.

Page 5: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

SILYAB * Pebrero 28, 2011 5

Sa mga sentrong bayan at syudad,nagkakalat ng lagim ang SOT-White Areasa pagmanman ng mga aktibidad ng mgaaktibistang masa at pagtangkang supilinang pagkilos ng mga progresibong pwersaat mga organisasyon ng kabababaihan,kabataan, mala-manggagawa atmga maralita sak o m u n i d a d .Pinatindi rin angp a n g g i g i p i t ,pagbabanta atpagsasampa nggawa-gawangmga kasongkriminal at pag-ugnay saaktibidad ng NPAsa mga kilalanglider-masa atprogresibo.

N o o n gOktubre 11,2010, nadagdagsa listahan ng karumal-dumal na mgakrimen ng 2nd IB ang pagmasaker sa isangpamilya sa Brgy Nabasan, Daraga, Albay.

Bandang alas dos ng madaling araw,pinasok ng mga militar ang bahay ngpamilyang Lotino. Walang awangpinagbabaril ng mga militar ang natutulogna mga biktima. Malapitang pinagbabarilat pinatay sina Kagawad Wilfredo Lotino,ang kanyang asawang si Evelyn, at angpamangkin nitong si Anjo Martos. Nasugatannaman ang 17 taong gulang na si JennyLotino.

Batay sa salaysay ng kanilang mgakababaryo, dati nang pinag-iinitan ng mgamilitar si Kagawad Lotino dahilpinagbintangan itong poste at tagasuportaumano ng BHB, at pilit itong pinasusuko ngmga elemento ng SOT ng 2nd IB noong 2009.Mga armadong nakamotor ang pumasok sa

Berdugong 9th ID

sundan sa pahina 5

bahay ng pamilya Lotino, at may bakas pang kombat boots sa sinipang pintuan.

Naganap ang pagmasaker sa mgasibilyan, ilang oras matapos ang isangtaktikal na opensiba ng BHB sa temporarypatrol base ng 2nd IB sa Brgy. San Ramon,

Daraga noongOktubre 10 nggabi.

N a b u n y a gnitong Pebrero 11sa pagkakarestong PNP-Albay kayFrailon Jimenes,na isang kasaping CAFGU sailalim ng 22nd IB,9th ID ang isa samga salarin sapagmasaker saBrgy Nabasan.

Sa CamarinesSur, isangsibilyan angnamatay at apat

ang nasugatan sa pag-atakeng-ginawa ngmga elemento ng 9th ID sa Sitio Culpa,Brgy Lubgan, sa bayan ng Bula noongSetyembre 12, 2010.

Dakong alas siyete ng gabi, pinaulananng bala ng mga sundalo ang bahay ngpamilya Bergado. Namatay ang sibilyang siRoderick Ballebar, habang sugatan ang mag-aamang sina Francisco Bergado, ang asawanitong si Amelita, at mga anak na sina Rose,at Margio. Hindi isinaalang-alang ng mgamilitar ang buhay ng mga sibilyan nangatakehin nito ang pinagpapahingahangbahay ng BHB.

Sa Masbate, apat na magsasaka angminasaker sa bayan ng Mobo noongSetyembre 7. Dakong alas-12:30 ng tanghalinang pagbabarilin ng mga militar ang apatna magsasaka sa Brgy Sta. Maria, sa bayan

Page 6: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

6 Pebrero 28, 2011 * SILYAB

ng Mobo. Nakilala ang mga biktima na sinaVicente Flores, Richard Oliva, at si MelecioMonacelio at anak nitong si JonathanMonacelio, na isang 21 taong gulang naestudyante ng Sta. Maria High School.

Nagpapahinga ang mga magsasakamula sa pangangaso nang minasakerng mga elemento ng 9th InfantryBattalion. Natutulog ang mga ito nangpasukin ng mga sundalo ang bahay napinagpapahingahan nila at walang-awasilang pinagbabaril. Nakita pa ng mgatestigo nang mahuling buhay ng mgamilitar ang sugatang si Richard Oliva.Nakatalon ito sa bintana, ngunit pinataydin ng mga sundalo matapos mahuli.

Mariing kinukundena ng NationalDemocratic Front-Bicol ang karumaldumalna pagmasaker sa apat na magsasakahabang buong yabang na ipinangalandakanng mga upisyal ng 9th Infantry Division namga kasapi umano ng Bagong HukbongBayan ang apat na biktima at pinapurihanpa ni Maj Gen Ruperto Pabustan angkanyang mga pasistang tauhan.

Paglabag ito sa internasyunal na mgabatas ng digma, walang kalaban-labang mgasibilyan ang biktima ng pamamaslang atpagmasaker ng mga elemento ng 9th ID.

Patunay ito ng brutalidad at kalupitanng militaristang kampanyang Oplan Bantay

Berdugong 9th ID

Laya, na mas piniling palawigin ng rehimengUS-Aquino.

Desperado namang pinagtatakpang ngmga tagapagsalita ng berdugong 9th ID angkanilang mga krimen sa Bikol. Ipokrito pangnag-aanunsyo sa publiko si Maj GenPabustan na igagalang umano ng kanyangmga tauhan ang karapatang pantao ngmamamayan.

Sa basbas ng bagong rehimeng US-Aquino, muling pinatunayan ng AFP na itoay berdugo sa mamamayan at walangkinikilalang internasyunal na batas ng digmaat makataong batas. Kanino pa kaya

mananagot ang mga papet narehimeng ito ng US at bayarannitong hukbo sa kanilang walang-habas na paghahasik ng lagimsa bayan? SSSSS

Page 7: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

SILYAB * Pebrero 28, 2011 7

Hindi maapula ang apoy sa SilanganNatatanaw sa langit ang pula’t ginintuanMga bagang naipon sa naiwang tungkoBinuhay ng matapat na pagpuna’t pagwawastoAng bagong apoy na matiyagang pinagliyabLumaki, lumakas, lumawak, lumaganap.

Mumunting alipato, naatasang kumalasSa pwera at publasyon, dumapo at nagningasPinukaw ang idlip, niyakag ang kimiSinisinsin ang hanay ng mga inaapiSa diwa ng masa’y marubdob ang gatongSaanman mahimpil, may saligang pugon.

Ang karit at ang maso’y aserong pinagbagaSa alab ng kataastaasang ideolohiyaAnupa’t ang talim kung gumuhit ay kidlatAnupa’t paghampas sa bato’y nagsisilab!Kapanalig nila sa ibayong dagatSa apoy na natanaw, humugot ng liwanag.

Partido Komunista, sa bayan ay apoyLagablab ng rebolusyong nagpapatuloySa buong sansinukob, nakapapasong initGagapang at hahawa, dilgan man ng pilitTatlong higanteng salot, tutupuking tuluyanHindi maapula ang apoy sa Silangan!

Hindi Maapula ang Apoy sa Silangan

RRRRRebolusyonaryong Tulaebolusyonaryong Tulaebolusyonaryong Tulaebolusyonaryong Tulaebolusyonaryong Tula

SSSSS

Page 8: EDITORYAL Rebolusyonaryong Paglaban ang Tugon sa Saywar at ... · EDITORYAL Papet ang rehimen ni Noynoy. Pinondohan ng malalaking negosyanteng Amerikano ang kanyang kampanya at minaniobra

8 Pebrero 28, 2011 * SILYAB

SSSSS