edukasyon at relihiyon sa panahon ng mga amerikano

22
Edukasyon at Relihiyong Ipinakilala ng mga Amerikano

Upload: jetsetter22

Post on 15-Apr-2017

6.585 views

Category:

Education


73 download

TRANSCRIPT

Edukasyon at Relihiyong Ipinakilala ng mga

Amerikano

Pagsasanay

1. Unang Alpabetong Pilipino ay tinawag na English Alphabet.

2. Ang sistema ng edukasyon ng mga unang Pilipino ay pormal.

3. Pagano o paganismo ang relihiyon ng mga unang Pilipino.

4. Ballpen ang tawag sa ginamit ng mga unang Pilipino sa pagsusulat

5. Guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral noon.

: Like sign kung tama, dislike sign kung mali.

Balik-aral

Transportasyon at Komunikasyon…

Pagganyak

1. Alam ba niyo kung kanino nagmula ang inyong mga relihiyon?

2. Kung kayo ang papipiliin, anong relihiyon ang nais nyo?

3. Bakit? 4. Nais mo bang ang magturo

sa iyo ang taga-ibang bansa? Bakit?

Pagbuo ng tanong

Ano ang patakarang pang-edukasyon ang ipinatupad ng mga Ameriko?

Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

Paglalahad Kung ang pagiging isang Kristiyano ang binigyang-diin sa edukasyon ng mga Kastila, itinuro naman ng mga Amerikano ang demokratikong paraan ng pamumuhay.

Kung ang simbahan ang sagisag ng Espanya, ang paaralan naman ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano…

Naniwala ang mga Amerikano na ang demokratikong paraan ng pamumuhay ay maituturo sa pamamagitan ng edukasyon

Layunin ng mga Amerikano na sa kanilang patakarang pang-edukasyon na:

-turuan ang lahat na maging isang mabuting mamamayan ng isang demokratikong bansa. -bigyan ng ganap na edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong gulang. -ituro ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano.

turuan ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang pamumuhay

malinang sa bawat Pilipino ang damdaming makabayan.

magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mahihirap na magsasaka

Mga sundalong Amerikano at dating gurong Pilipino ang naging unang mga guro. Maraming bata ang nag-aral. Binigyan ng mga kendi, tsokolate , at libreng gamit sa paaralan ang mga mag-aaral.

Ang Komisyong Taft ang nagpanukala sa pagtatatag ng paaralang bayan. Nagpalabas ito ng Batas Blg. 74 na nagtatakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang bayan…

…Noong 1901, dumating ang 600 tunay na mga gurong Amerikano. Sila ang mga Thomasites. Sila ang pumalit sa mga gurong sundalo…

May mga Pilipino ring sinanay na maging guro. Sila ang mga Pilipinong matatalino at may sapat nang edukasyon.

Batay sa sistema ng edukasyon ng Amerika ang ating paaralang pambayan. Ito ay binubuo ng elementarya, sekundarya, unibersidad at kolehiyo.

Naging matagumpay ang edukasyon sa panahon ng mga Amerikano. Nakita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon kaya’t maraming magulang at anak ang nagsakripisyo at nagkahilig sa pag-aaral…

Ito rin ang naging mabuting katulong ng mga Amerikano upang mapaamo at mapasunod ang mga Pilipino, higit na binigyang halaga ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano kaysa sa sariling bansa at kultura. Nahubog ang kaisipang kolonyal sa mga Pilipinong taglay pa rin ng marami hanggang ngayon…

Dala ng mga Amerikano ang relihiyong Protestantismo sa bansa na may iba’t-ibang sekta.

Nanatili rin ang Islam sa mga pook na pinaglaganapan nito…

Ipinatupad din mga Amerikano ang demokratikong simulain sa paghihiwalay ng simbahan at estado na isinasaad ng Konstitusyon ng Malolos noong 1899…

Paglalahat

May mga programang pang-edukasyon ang mga Amerikano para sa mga Pilipino, gayundin ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang relihiyong Protestantismo.

Paglalapat

Kung ikaw ang tatanungin, anong relihiyon ang iyong pipiliin

at bakit?

Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

1.Kung ang simbahan ang sagisag ng mga mga Espanyol ang sa mga Amerikano ay________a. paaralan b. bandila c. krus d. panahanan2. Ang mga sundalong Amerikano ang naging unang guro ng mga Pilipino, Noong 1901 dumating ang mga gurong Amerikano. Sila ay ang mga ___________a. Pari b. Thomasites c. misyonero d. INC

Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

3. Ang pagtuturo sa relihiyon ay hindi gaanong binigyan ng pansin ng mga Amerikano, subalit may ipinakilala rin silang relihiyon, ito ay ang________a. katolisismo b. Aglipayano c. Protestantismo d. INC4. Sa panahon ng mga Amerikano, nagkaroon ng kalayaan sa pagsamba, naitatag din ang iba’t-ibang relihiyon. Dahil dito___________a.Marami ang naging Protestantismo b. Marami ang sumaba sa mga Amerikanoc.Malaya ang pagpili ng relihiyong aaniban

Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang agot..

5. Sa panahon ng mga Amerikano, nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang lahat. Nalinang din ang kaisipang kolonyal kaya ikinahiya ng mga Pilipino ang sariling kultura., Samakatuwid, ang edukasyong itinuro ng mga Amerikano ay________a.Maganda ang layunin para sa bansab.Pinahahalagahan ng mga Pilipinoc.May mabuti at di mabuting epekto sa ating kulturad.May mabuting ibinunga