edukasyon sa pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp-7-first...1. bakit mahalaga...
TRANSCRIPT
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1)
Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
7
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Carmelita B. Ginoo
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Jocelyn C. Pacaldo
Moderator: Glicerio L. Camongay
Tagaguhit: May Joy B. Ginoo
Management Team
Schools Division Superintendent:
Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendents
Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID: Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS: Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in ESP: Mrs. Jane O. Gurrea
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 7
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1) Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos
sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region VII, Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255 - 6405
E-mail Address: [email protected]
7
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1)
Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
ii
Mga Tala para sa Guro
Ito'y nagpapaloob ng iba't-ibang repleksiyon, mga tanong para maging gabay sa
mga mag-aaral. Inaasahang magkaroon ng inspirasyon upang matanggap at
lubusang maunawaaan ang mga bagay-bagay na bubuo ng mabuting pagtingin sa
iyong sarili. Inaasahan din ito ang maggaganyak sa iyo upang patingkarin pa ang
iyong halaga bilang isang kabataang may magandang hinaharap at produktibong
kinabukasan.
Para sa tagapagdaloy:
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay binuo, pinag-isipan at kritikal na sinuri ng tagapagturo
upang gabayan ang mag-aaral, ang mga gurong tagapagdaloy sa Edukasyon sa
Pagpapakatao (EsP) upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 sa kalagitnaan ng Pandemya na kumitil ng maraming
buhay dito sa Pilipinas at sa buong mundo.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
pamamagitan ng iba't-ibang gawain na inihanda ng manunulat. Ito ay naglalayon na
ang bawat mag- aaral sa ikapitong baitang ay masigasig at aktibo sa pag-intindi at
pagsagot kahit nasa kanilang kabahayan. Ang gabay ng mga magulang ay isang
mahalagang elemento sa pagtatagumpay sa modyul na ito.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gagamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
v
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Panimula
Ang modyul na ito ay isang alay sa panahon ng iyong pamumukadkad at
pamumukod- tangi. Ito ay hinabi para sa pagtatamo mo ng mataas na pansariling
kamalayan. Inaasahang magkaroon ka ng inspirasyon upang matanggap at lubusang
maunawaan ang mga bagay-bagay na bubuo ng mabuting pagtingin sa iyong sarili.
Inaasahan din na ito ang maggaganyak sa iyo upang patingkarin pa ang iyong halaga
bilang isang tinedyer na may magandang hinaharap at produktibong kinabukasan.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili? Nakahanda ka bang makaalam at makialam sa lipunan?
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
1.1 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (EsP7PS-Ia-1.1)
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala
sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamong mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga /nagbibinata
1.2 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)
2
Subukin
Isasagawa mo: Sa talahanayan sa ibaba, isulat ang mga pagbabagong naranasan mo
Sa edad na 8 hanggang sa kasalukuyan. Isulat din kung paano mo
tinatanggap ang mga pagbabagong ito. Gawin ito sa malinis na isang
pirasong papel.
Mga Pagbabagong
Pisikal
Mga
Pagbabagong
Emosyonal
Mga Pagbabagong
Sosyal/Panlipunan
Paraan ng
Pagtanggap
Mga Tanong:
1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang
aspeto?
2. Sinu-sino ang makikinabang sa pagkakamit nito?
3. Ano ang pakiramdam na tawaging tinedyer?
4. Ano-ano ang mga hamon na kailangan mong harapin bilang isang tinedyer?
5. Anong tulong o gabay ang kailangan ng isang tinedyer mula sa kanyang mga
magulang?
6. Bilang isang tinedyer, paano ka pumipili ng mga kaibigan. Itala sa ibaba ang iyong
mga pamantayan sa pagpili ng kaibigan. Lagyan ng tsek(/) kung nasusunod mo ang
mga pamantayang ito o hindi nasusunod. Maaaring dagdagan ng iyong sariling
pamantayan sa pagpili ng kaibigan. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot nito.
Mga Pamanatayan sa
Pagpili ng Kaibigan
Nasusunod Di-Nasusunod
1. 2. 3. 4. 5.
Tanong:
1. Batay sa talahanayan, Bakit hindi mo nasusunod ang ilan sa iyong mga pamantayan. Ipaliwanag.
2. Anong klaseng mga kaibigan ang dapat piliin ng isang tinedyer?
3
Mga Tala para sa Guro
Paalalahanan ang mga mag-aaral na maglaan
ng Activity Notebook/Porfolio para sa modyul na
ito.
Balikan
Panuto: Sa isang pirasong papel, isulat/iguhit ang simbolo ng iyong mga katangian sa bawat mapa na may bilang.
1. Pisikal na katangian
2. Ang pinakamahalagang kaalamang pangkaisipan na natutuhan mo mula sa
iyong mga magulang o mga guro
3. Ang gusto mong mangyari sa iyong buhay
4. Simbolo ng paniniwala mo sa Diyos
5. Ang maaari mong ibahagi sa iyong kapwa mula sa iyong sarili
6. Ang pinakamahalagang gampanin mo ngayon bilang teenager
7. Ang maialay mo sa lipunan/pamayanan
Gawain: "Pagbuo ng Mapa ng Aking Pagkatao"
4
Tuklasin
Ang Kalikasan ng Tao
Ang tao ay may karapatan at kaukulang pananagutan sa paglinang ng kanyang mga 1. Bilang pisikal mayroon siyang mga materyal na pangangailangan. Dapat
niyang pangalagaan ang kalusugan, kaayusan at mabuting ugnayan sa
kalikasan.
2. Bilang intelektwal, dapat patuloy niyang kamtin ang pag-aaral at
karunungan tungkol sa tunay na kahulugan ng buhay at upang malaman
kung paano niya mapapauunlad ang kaniyang pagkatao at mapabubuti ang
kanyang kapwa at pamayanan.
3. Ang kanyang pagkamoral na dulot ng kaniyang kalayaang umisip at
kumilos nang mabuti na siyang nagpapakita ng pagmamahal niya sa
kanyang kapwa nilalang.
4. Likas sa kaniya ang katangiang ispirtiwal na nagbubuklog ng kanyang pagkatao sa kaniyang Maykapal. Ang kanyang pananampalataya sa Dios ay ipinakikita sa kaniyang kilos, sa kanyang pagmamahal sa sarili at kanyang kapwa at sa pagbibigay ng katarungan sa lahat ng bagay.
5
5. Ang tao ay likas na nakikiugnay sa iba. Nabubuhay siya sa piling ng kaniyang pamilya, kapwa at pamayanan. Ang dapat pahalagahan sa anumang pakikipagugnayan ang daan tungo sa kabutihang panlahat.
6. Sa kaniyang pangkabuhayan, kinakailangan niyang magkaroon ng mga
paraan upang makapaghanap-buhay ng sapat.
7. Ang tao ay kailangan ding mabuhay ng maayos sa isang pamayanan. ang
kanyang layunin ay upang makatulong na maalagaan ang makatarungang
pag-unlad ng mga mamamayan.
Ang panahon ng kabataan ay may mga kaakibat na mga pagbabago na kinakailangan unawain ng mabuti dahil ito ay makatutulong sa paghahanda nila sa kanilang kinabukasan.
Ang pag-unawa at pagganap ng mga kabataan sa kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang tinedyer ay makatutulong upang sila ay maging responsableng
mamamayan sa susunod na yugto ng kanilang buhay.
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.Isulat ang
mga kasagutan sa inyong Activity Notebook. Situation Analysis: Ano ang iyong dapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon 1. Ang iyong kaklase ay may tagos ng dugo sa palda 2. Ang matalik mong kaibigan ay nangongopya panahon sa pagsusulit 3. Palaging huli sa klase ang kaibigan mo 4. Hindi ka nabigyan ng baon ng iyong ina dahil nagkasakit ang iyong tatay 5. Maagang magkaroon ng boypren/girlpren ang iyong pinsan na kasing-edad mo.
6. Magbigay ng at least 5 na tungkulin na dapat mong gawin/ gampanan bilang
isang tinedyer.
a. sa pamilya 1-5
6
b. sa paaralan 1-5
c. sa lipunan 1-5
d. sa simbahan 1-5
7
Pagpapayaman ng Konsepto:
Ang tao ay pinakatangi sa lahat ng mga nilalang ng
Diyos. Likas sa kanya ang kaisipan na wala sa ibang nilalang.
Ang kanyang isip at kamalayan ang batayan ng kanyang kilos.
Ginagamit niya ito sa kanyang pag-unawa kung mabuti o di
mabuti ang isang bagay o gawain.
Pagyamanin
A. Ipaliwanag at sagutin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong.Gamitin ang inyong Activity Notebook.
1. Bakit maraming tinedyer ang nabubuntis sa panahon ngayon?
2. Ano kaya ang epekto nito sa pamilya at lipunan?
3. Bilang isang tinedyer, paano mo maagapan ang suliraning ito?
B. Batay sa ulat na nakita o naririnig sa panahon ng Covid-19, paano mo maiiwasan na hindi ka madapuan o mahawaan ng virus na ito? Magbigay ng limang paalala na dapat tandaan. Isusulat ito sa isang malinis na papel.
8
Ang panahon ng pagbibinata at pagdadalga ay isang paghahanda para sa
kinabukasan. Isa sa mga tanda ng pagdating sa tamang edad na kinikilala ng lipunan ay ang kakayahan ng kabataan na suportahan ang kanyang sarili sa aspetong pinansiyal. Gayunpaman, hindi ito palaging eksaktong sukatan dahil may mga kabataan na hindi agad nakapagtatrabaho. Ang maagang pag-aasawa ay mahirap para sa nakakaraming
kabataan dahil nalilito silang makita ang kaibahan ng pagkaakit na sekswal sa tunay at wagas na pag-ibig.
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Havinghurst (Hurlock, 1982, p.11)Si Robert
James Havinghurst, isang propesor ng experimental education ay nagsasagawa
ng mga pag-aaral tungkol sa tungkuling nagpapaunlad na dapat mong pagdaanan
bilang tao.
Isaisip
Isagawa
9
Pagpapalalim sa walong inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata:
1 . Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad Bilang isang tinedyer ay nais mong kasama ang iyong mga kamag-aaral at mga kaibigan
sapagkat magkapareho kayo ng gusto at hindi gusto, nagsasalita at kumikilos kayo sa parehong paraan.
2 . Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa lalaki at babae
Karaniwang pananaw sa mga lalaki ang pagiging mapamilit at malakas samantalang ang sa babae naman ay ang pagiging mapagbigay at mahina. Sa kasulukuyan, tanggap na sa lipunan ang pagpapalitan ng papel ng babae at lalaki kaya't hindi na kahiya-hiya para sa mga lalaki ang gampanan ang mga gawain ng babae gayundin sa mga babae na gampanan ang mga bagay na dati ay para sa mga l alaki lamang.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
Sa kasalukuyan, laganap ang telebisyon, internet, at mga babasahin na nakaiimpluwensiya kung ano talaga ang dapat taglayin sa pisikal na kaanyuan. Ang
kabiguang matamo ang kahanga-hangang pisikal na anyong ito ay nagdudulot sa ibang kabataan ng kakulangan.
4 . Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Ang
tao ay hindi mabubuhay sa sarili lamang kailangan niya ang pakikipag kapwa tao.
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Ang isang bata ay labis na palaasa sa kaniyang mga magulang. Hindi siya makapagpasiya kung hindi nasa ilalim ng kanilang paggabay. Dapat sanayin at piliin ang pagtungo sa kabutihan na makabubuti sa sarili, sa kapwa, pamayanan at sa bansa.
6 . Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Ang panahon ng pagbibinata/ pagdadalaga ay isang paghahanda sa kinabukasan. Dapt kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan. Hingin ang payo ng
mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo upang makakuha ng magandang hanap -buhay sa hinaharap.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
Ang pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya ay mahirap para sa nakararaming kabataan. Ito ay dahil nalilito silang makita ang kaibahan ng pag-aakit na sekswal (sexual attraction)sa tunay at wagas na pag-ibig.
8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Ito ay maaaring bumuo o sumira ng inyong
kinabukasan. Kailangang maging maingat sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting pamumuhay. Hayaang mangibabaw ang iyong kalikasan. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.
Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Huwag umasa sa opinyon ng ibang tao lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay.
10
pagtubo ng balahibo sa kili -kili at ari may regla buwan -buwan
self - conciousness
kurba na katawan malapad na katawan
walang regla
Nagdadalantao
malakas pag-iiba ng tunog ng boses
may adam's apple mahina
pagkakaroon ng tigyawat
hindi nagdadalantao
May matres
pagkakaroon ng crush
malaki ang suso malambot na kutis
Panuto: Sa bawat inaasahang kakayahan at kilos, pumili ng lima (5) at ipaliwanag.
Isulat ang mga kasagutan sa inyong Activity Notebook. (5 pts. each)
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa lalaki at babae
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa
mga ito
4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal.
Tayahin
A. Gamit ang isang Venn Diagram, isulat sa sagutang papel ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng babae at lalaki. Pumili ng mga sagot sa kahon.
11
B. Sumulat ng isang maikling karanasan sa iyong activity notebook na nagpapakita ng
tiwala sa sarili sa pamamagitan ng limang pangungusap.
C. Panuto: Punan ang chart sa ibaba gamit ang iyong activity notebook. Sa hanay ng
"Ako Ngayon", isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa
hanay ng "Ako Noon", itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa
gulang na 8 hanggang 11 taon.
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad
Papel sa lipunan bilang
babae at lalaki
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpasiya
D. Sa iyong dyornal notebook, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa
paghahambing ng iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa
ibaba.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/bibinata?
Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng pagbabagong ito sa iyo bilang dalaga/binata?
4. Sa anong paraan makakatulong ang pagbabagong ito?
5. Anong epekto ng pagbabagong ito sa sarili mo?
6. Ano-ano ang mga positibong pagbabago na naranasan mo sa iyong buhay?
E. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.
Panuto: Sa sagutang papel, Lagyan ng tsek (/) ang bawat aytem kung ito ay
naglalarawan sa iyo.
1. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
2. Mas madaling nakapagmememorya
3. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
4. Nahihilig sa pagbabasa
12
Malalaman natin kung paano ang wastong pamamaraan ng pagpapasiya upang sa
gano’n ay magiging mabuti at matalino ang pasiya natin tungo sa pagpapaunlad ng
ating pagkatao.
5. Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang
6. Nagkaroon ng maraming kaibigan sa katulad na kasarian
7. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian
8. Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid
9. Madalas na magsimba tuwing linggo
10. Madalas na mainitin ang ulo
11. Madalas na nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase at
pangangatawan.
12. Nagiging mapag-isa sa tahanan
13. Madalas malalim ang iniisip
14. Alam kung ano ang tama at mali
15. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon.
Karagdagang Gawain
Sino ang Magpapasya
13
Gawain: Ako, Tayo, Sila... Sino ang Magpapasya?
Panuto: Basahin ang bawat aytem sa ibaba at kilalanin kung ito ay maari mong pagpapasyahang mag-isa (AKO), o kailangan pagpasyahan kabilang ng iyong pangkat (TAYO), o pagpapasyahan ng ibang tao (SILA). Isulat ang bilang ng gawain sa tamang parisukat: AKO, TAYO, SILA. Gawin ito sa
inyong activity notebook.
1. Ang isusuot ko sa "party" ng aking kaibigan
2. Oras ng aking pagpasok sa paaralan
3. Magkano ang baon ko sa pagpasok
4. Gagawin ko sa bakanteng oras sa paaralan
5. Gupit ng buhok ko
6. Sineng panonoorin
7. Pagkain ko sa almusal
8. Paano gastusin ang pera ko
9. Ang magiging guro ko
10. Ang dapat magin proyekto sa EsP
11. Mga magiging kaibigan ko
12. Saan ako uupo sa klase
13. Ang magiging hanap-buhay ko
14. Pagbili ng bagong sapatos
15. Saang paaralan ako papasok
14
Mga Tala para sa Guro
Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring
magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.
Susi sa Pagwawasto
15
16
17
18
19
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 1-29
Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo, pp.1-2
Enclosure no. 7 to DepEd Memorandum No. 97 s. 2012
UbD 2010 Batay sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari 2010
Barrientos Catherine R., Gabay sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapahalaga 1 pp.4-7
Punsalan Twila G., Gonzales Camila C., et al., AKO: Biyayang Pinahahalagahan (Edukasyon sa Pagpapahalaga) pp. 1-9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – DepEd-Cebu Province
Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu
Telefax: (032) 255 - 6405
Email Address: [email protected]