edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

26
Edukasyong Pangkalusugan 3 Ikaapat na Markahan Leson 1: Paggulong at Paghagis ng Bola Una – Ikalawang Linggo I. Layunin A. Maipakita sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga kilos na nagpapagulong at paghahagis ng bola. II. Paksang Aralin: A. Paksa: Mga Tao, Mga Bagay, Musika at Kapaligiran B. Mga Kagamitan: Bola, CD C. Kahalagahan: Pagiging handa at matatag, sumunod saa mga panuto III. Pamamaraan Unang Linggo A. Panimulang Gawain Pampasiglang Ehersisyo Ipagawa sa mga bata ang pag-iikot ng mga braso. Hayaan magbuo ng apat na hanay. Ipagawa ang mga sumssunod: Mga kamay sa harap, sa gilid at sa taas. Gawin ng labindalawang bilang. 1. Gawin ang mahabang hakbang, mga kamay sa baywang 2. Ibaluktot ang katawansa kaliwa (4 na bilang); ibaluktot sa kanan(4 na bilang) 3. Tumayo ng tuwid; mga kamay sa tagiliran; iikot ang mga kamay pasalungat (clockwise-8 bilang) at pakaliwa (counter clockwise-8 bilang) B. Mga Gawain sa Pagkatuto Unang Gawain: Paggulong 1. Pangkatin ang mga bata sa walo. Paglaruin sa posisyon. 2. Ang koponan ay magkaharap. Paggulungin ng manlalaro 1 ng pangkat B. Ang manlalaro bilang 1 ng pangkat B

Upload: jedith-evangelista

Post on 25-Jul-2015

192 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Edukasyong Pangkalusugan 3Ikaapat na Markahan

Leson 1: Paggulong at Paghagis ng BolaUna – Ikalawang Linggo

I. LayuninA. Maipakita sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga kilos na

nagpapagulong at paghahagis ng bola.II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Mga Tao, Mga Bagay, Musika at KapaligiranB. Mga Kagamitan: Bola, CDC. Kahalagahan: Pagiging handa at matatag, sumunod saa mga

panutoIII. Pamamaraan

Unang LinggoA. Panimulang Gawain

Pampasiglang EhersisyoIpagawa sa mga bata ang pag-iikot ng mga braso. Hayaan magbuo ng apat na hanay. Ipagawa ang mga sumssunod: Mga kamay sa harap, sa gilid at sa taas. Gawin ng labindalawang bilang. 1. Gawin ang mahabang hakbang, mga kamay sa baywang2. Ibaluktot ang katawansa kaliwa (4 na bilang); ibaluktot sa

kanan(4 na bilang)3. Tumayo ng tuwid; mga kamay sa tagiliran; iikot ang mga

kamay pasalungat (clockwise-8 bilang) at pakaliwa (counter clockwise-8 bilang)

B. Mga Gawain sa PagkatutoUnang Gawain: Paggulong1. Pangkatin ang mga bata sa walo. Paglaruin sa posisyon.2. Ang koponan ay magkaharap. Paggulungin ng manlalaro 1 ng

pangkat B. Ang manlalaro bilang 1 ng pangkat B ay hahawak ng bola at pagugulungin sa manlalaro bilang 1 ng pangkat A. Tanong:Paano ninyo pinagulong ang bola? Ano ang inyong posisyon nang gawin mo ang pagpapagulong? Hayaang talakayin ang mga mag-aaral kung paano pinagulong ang bola at ituro sa kanila ang tamang pagpagulong ng bola.

Ikalawang Gawain: Paghagis ng Bola

Page 2: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

( Ang gawaing ito ay nakakadagdag-kaalaman ng paghahagis)

1. Pangkatin ang klase sa dalawa. 2. Gumawa ng dalawang hanay na magkakaharap ang isa’t-isa.3. Ihagis ang bola ng unang kasapi sa kapareha.4. Ihahagis naman ng nakasalo sa susunod na miyembro sa

katapat na pangkat hanggang sa huling kasapi.5. Ang kasapi ng pangkat na hindi makasalo ng bola ay siyang

aalisin sa grupo.6. Ang pangkat na may pinakamaraming kasapi na natitira ang

siyang panalo sa laro. Pagkatapos ng gawaing ito, tatalakayin ng mga bata kung ano ang kanilang napagmasdan sa paghagis ng bola habang nasa kinatayuan.Itanong: Alin ang mas madaling gawin; ang pagpagulong ng bola o ang paghagis ng bola? Bakit? Paglalahat: Dapat nasa tamang posisyon ang paghahagis ng bola at ito ay maihagis sa tapat ng dibdib ng tagasambot. Sa pagpapagulong, ibaluktot ang likod, iindayog ang braso habang hawak ang bola at iitsa. Pangwakas na Gawain:Pangkatin ang mga bata sa apat. Sanaying mabuti ang paggulong at paghahagis ng bola.

Ikalawang Linggo:Pagsasanay: Manatili sa kani-kanilang pangkat, magsasanay sa pagpagulong at paghahagis ng bola. Mga alituntunin ng Laro: Pagugulungin ng unang manlalaro sa manlalaro bilang 2 at ihahagis sa manlalaro 1. Sasambutin niya ang bola at iit Pumutol ng mga sa sa likod ng manlalaro 2. Uulitin ng ibang manlalaro ang pamamaraan ng paglalaro.

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) kung tama at ekis (xpulispp) kung mali ang ginawang awain.

Page 3: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Edukasyong Pampalakas 3

Ikaapat na Markahan Aralin 2

I.Layunin A. Maisagawa/maipakita ang kasanayan sa balanseng pagtatalon.II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga Tao, Bagay, Musika at KapaligiranB. Sanggunian : MAPEH 5, pahina 208 – 209 by.Orlando Abonet.et.alC. Kagamitan: upuan/kahon

III. PamamaraanA. Panimulang Gawain

Warm – Up ExerciseHayaan ang mga bata na magpakita ng pagbaluktot at pagtalon.1. Ilagay ang kamay sa baywang at ibaluktot ang tuhod ng walong

(8)bilang.2. Itaas ang mga kamay, ibaluktot ang tuhod at tumalon. Gawin

ito ng tatlong beses.B. Panlinang na Gawain

1. Pangkatin ang klase sa apat.2. TTumawag ng tatlong bata. Isagawa ang wastong pagtalon sa

sahig,magsimula sa bangko/upuan aat kahon.3. Gawin ang wastong pagtalon ng pangkat – pangkat.

C. PagsusuriItanong: Paano isasagawa ng pangkat ang mga gawain?

Naisasagawa niyo ba ang pagtalon ng balance sa sahig? Ano ang ginawa mo upang magkaroon ng balanseng katawan sa pagtalon?

Talakayin sa mga bata ang kahulugan ng pagtalon.

D. Paglalahat Ano ang pagtalon? Ano ang kailangan ninyong gawin upang maging ligtas ang

pagbaba sa bangko/upuan?

Page 4: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

PAGTALON(Jumping) ay ang paglundagng paa, o parehong (2)paa sa

sabayang bagsak.ng (2) paa. Ang pagbaba ng (2) parehong paa na ang tuhod ay flexed.

Ito ang mga dapat tandaan sa pagtalon mula sa iba’t – ibang taas.

1. Ibaluktot ng dahan - dahan ang mga tuhod na bahagyang nakahilig sa sa harap.

2. Nakataas ang dalawang paa ng mga bata.3. Ang katawan ay hindi dapat tuwid.4. Ang kamay ay tuwid para huwag puwersahin.5. Maaaring gumalaw paharap sa pagbaba.

E. PaglalapatGawain 2: Pagtalon at Pagbaba ng balance1. Pangkatin ang mga bata sa lima (5).2. Ang bawat kasapi ng pangkat ay tatayo sa ibabaw ng upuan o

kahon.3. Bibilang ang guro ng tatlo 1, 2, 3, go!, ang mga bata ay tatalon

na may balanseng pagbaba. ( Titingnan ng guro kung naisagawa ng mga bata ang pagtalon na may balanseng pagbaba ).

4. Gagawin ng mga naiwang bata sa bawat pangkat ang katulad sa activity.

Itanong: Naisagawa niyo ba ng wasto ang pagtalon na may balanseng pagbaba?

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek(√ ) ang bawat tanong kung ito ay tama at ekis( x )naman kung mali.

Mga Tanong Oo Hindi

Page 5: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

1. Naisagawa mo ba ng maayos ang pagtalon at pagbaba na may balance?

2. Nasa wastong ayos/posisyon ba ang inyong balakang, tuhod at sakong sa pagtalon ninyo?

V.Takdang Aralin/Kasunduan Magsanay/magpraktis tumalon ng may balanseng pagbaba.

I.A. Maisagawa ang pagkaunawa sa mga pangunahing kasanayan sa balibol.B. Makilala ang mga pangunahing kasanayan sa balibol, paghagis, pagsalo at pagtalbog ng bolaC. Maisagawa ang mga pangunahing kasanayan na ginagamit sa balibol, paghagis, pagsalo at pagtalbog.D. Maipakita ang pagkamaintindihin sa pagsasagawa ng kasanayan salarong balibol.

II. Kasanayan sa Paggalaw. Pangunahing kasanayan sa Balibol. ( Pagsalo, Paghagis at Pagtalbog)

Kagamitan: Bola Sanggunian: MAPEH grade5 pp.30-31 by Orlando Abon et.al Pagpapahalaga: Pagiging Listo at Pagkakaisa

Week 3 I.Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Tuntunin Pangkaligtasan

1. Siguraduhing ligtas ang ang palaruan, walang basag na salamin o bote, matalas na bato at iba pang magdudulot ng kapamahakan.

Page 6: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

2. Gumamit ng pananggalang pangkaligtasan sa lahat ng laro.

(Pangkundisyong ehersisyo)

Hayaan ang mga bata na mag-ehersisyong pangkondisyon katulad ng pag unat, pagbaluktot, pagtalbog at pag jogging.(Gawin sa lantad na lugar)

B. Panlinang na Gawain Hayaan ang mga bata na paunlarin ang kanilang kasanayan sa pagtalbog ng bola. Gawain 1 Pagtalbog ng bola pass relay

1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.2. Ang unang pangkat ng manlalro sa isang koponan ang hahawak ng

bola at patatalbugin niya ito ng tatlong beses sa sahig, pagkatapos ay ihahagis niya ito pabalik ng lampas ulo sa pangalawang manlalaro.

3. Sasaluhin ng pangalawang manlalaro ang bola,patatalbugin ng 3 beses at ihahagis sa ikatlong manlalaro.

4. Uulitin lahat ng natitirang manlalaro ang ginawa ng mga naunang manlalaro.

5. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola.a. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola.b. Ano naramdaman mo nang magpatalbog ng bola? lampas ulong

pinabalik sa susunod na manlalaro?c. Anong kakayahan ang napaunlad sa gawaing ito?

Gawain 2 (Pagpalo at Paghagis ng Bola)

1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.2. Isang bata ay nasa pagitan ng dalawang manlalarong nasa labas

ang magpapalo at ipapasa sa sa isa’t isa.3. Ang nasa gitnang manlalaro ay haharang sa bola.4. Ang mga manlalaro mananatili sa kanilang mga lugar, kapag

lumabas ang bola bawas na puntos sa pangkat ng manlalarong maipalabas ang bola.

5. Tatanggap ng 1 puntos ang koponan na umatake tuwing maipapasa at maihahagis ang bola nang 5 beses sa isang hanay.

6. Ang depensang koponan ay magkakaroon ng 1 puntos kapag naharangan ang pagpasa at pagpalo.

7. Ang koponang unang makalimang puntos ang panalo.

C. Pagsususri/ Abstraksyon Hayaan ang mga bata na talakayin at maibahagi kanilang mga nalaman sa pagmamasid sa iba’t ibang gawain.

Page 7: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Nagustuhan ninyo ba ito?Ano ang dapat gawin ng manlalaro sa “paghagis” at pagpasang patalbog ng bola?

Ikaapat na linggo D.Paglalapat Hayaang ang mga batang magsanay sa “pagpasang patalbog at “paghagis” sa loob ng sampung magkasunod na beses.

E.Paglalahat Anu- ano ang pangunahing kasanayan sa balibol at ang wastong posisyon?

a. Bouncing/Pagtalbog ng bola- ito ay pagbalik ng bola pagkatapos mong hampasin ng kamay ang bola. Nakatayo , magkadikit ang paa at ang palad na ginamit sa pagtalbog

ng bola.b. Volleying-

Nakatayong nakabikaka na ang kaliwang paa ay nasa unahan.c. Tossing/Paghagis ng bola ng lampas ulo at pagtama sa bola na nakaunat

ang bisig. Nakabaluktot ang tuhod at bahagyang ihilig ang katawan. Isang

hakbang paatras ang maaring gawin ng alinmang paa. Upang maibigay sa bola, ituwid ang mga katawan kasabay ng pagtaas na pag unat ng mga bisig.

IV. Pagtataya

Sukatin ang kakayahan ng mga bata gamit ang rubriks

Pangkat Napakahusay

10 puntos

Mahusay

8 puntos

Hindi gaanong mahusya

6 puntos

Kinakailangan ng patnubay

4 puntos

Page 8: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

V.Takdang Aralin

Magsanay pang mabuti sa mga pangunahing kasanayan sa balibol katulad ng pagpasang patalbog,and paghagis o paitsa.

Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 6

40 minutes/ 1 meeting per week

I. Layunin

Maisagawa ang gawaing luksong lubid

II. Paksang – Aralin

A. Paksa: Mga Kasanayan sa Paggalaw (Luksong Lubid)

B. Kagamitan: 1 metro na lubid

C. Pagpapahalaga: pagiging maliksi at listo

III. Gawain sa Pagkakatuto:

A. Pangunahing Gawain:

1. Pangkatin ang mga bata sa 4

Pangkat 1 at 2 tatalon paharap ng 16 counts

Pangkat 3 at 4 tatalon palikod ng 16 counts

2. Tumalon tayo sa ating lugar ng 16 counts

( Ipaliwanag at ipakita muna ang tamang paraan ng pagtalon)

Talon - patulak paitaas ng mga paa sa tulong ng pag indayog

ng mga bisig at pagsayad ng marahan sa lupa.

B. Paglinang na Gawain:

Page 9: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Gawain 1: Luksong lubid

1. Gawin ito ng may kapareha.

2. Ang unang kapareha ay hahawan ang lubid hanggang

baywang.

3. Iduyan ang braso habang pinapaikot ang lubid isagawa ang

pag talon sa lubid ng maayos.

4. Ang manlalaro na makakukuha ng maraming matagumpay

ng pag talon ang siyang mananalo.

C. Pagsusuri

1. Itanong ang mga sumusunod pagkatapos pagkatapos ng

gawain

a. Paano isinagawa ng bawat miyembro ang mga gawain?

b. Ano ang ginawa ninyo upang makakuha ng puntos?

c. Bakit hindi ninyo tinapakan ang lubid?

D. Paglalahat:

Ano ang mga pamantayan na dapat sundin tuwing nagpapakita o

nagsasagawa ng Luksong lubid?

E. Paglalapat:

Isa-isang ipagawa sa mga bata ang luksong lubid.

I. Pagpapahalaga

Humanap ng kapareha isagawa ang Luksong Lubid. Bigyan ng

katumbas na marka sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek(/).

Kasanayan Mga Tanong Yes No

Luksong lubid Naitulak mo ba paitaas ang

ang iyong paa naisayad ng

marahan ang iyong paa sa

lupa?

Page 10: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Tinapakan mo ba ang lubid

habang nagsasagawa ng

Luksong lubid?

IV. Kasunduan:

Magsanay at magsagawa ang Luksong Lubid.

Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 7

40 minutes/ 1 meeting per week

I. Layunin

1. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos

2. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng Tiklos

II. Paksang – Aralin

A. Aralin: Simpleng Katutubong Sayaw (Tiklos)

B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129

C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae

D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa

Page 11: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

III. Paksang- Aralin

A. Pangunahing Gawain

Hayaan ang mga bata na isagawa ang mga pangunahing

posisyon ng mga kamay at paa sa katutubong sayaw

B. Panlinang na Gawain

Gawain 1: Sumunod sa Ritmo

a. Hayaang makinig ang mga bata sa musika.

b. Ipapalakpak ang batayang kumpas 2/4

c. Hayaang matutunan ng mga bata ang kasanayan sa pag

bilang ng (1-4)

Gawain 2; Alamin natin ang hakbang pansayaw

a. Pangkatin ang mga bata sa 5.Humanap ng kapareha at

pagsuotin ng palda ang mga babae.

b. Kasabay sa saliw ng musika, ituro sa nga bata ang

simpleng hakbang sa pagsayaw

Musika A. (Ang magkapareha ay haharap sa unahan. Ang mga babae

ay nakahawak sa palda, habang ang mga kamay ng lalaki ay nasa

beywang)

a. Gamit ang kanang paa, gumawa ng 2 heal and toe change steps

paharap 1-4

b. Isagawa ang change step sideward R & L

1-2

c. Simula sa kanang paa, gumawa ng apat na hakbang

Pabalik sa sariling lugar

1-2

d. Ulitin lahat (a-c)

1-8

Musika B ( Humarap sa kapareha, ang posisyon ay katulad ng sa

Musika B)

Page 12: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

a. Cut L palikod, cut R paharap ulitin lahat

1-2

b. Lumundag ng tatlo pakanan,

1-2

c. Ulitin ang A at B pa punta sa kaliwa

1-4

d. Uliti muli lahat (a-c0

1-8

C. Pagsusuri

Paano ninyo isinagawa ang gawain?

Naisagawa ba ninyo ang pag palakpak ng may batayang

kumpas na 2/4?

Naisagawa ba ninyo ang mga hakbang ng maayos?

Napahalagahan ba ninyo ang kulturang Pilipino sa

pamamagitan ng sayaw?

Paano ninyo maipapakiya ang pagmamahal sa bayan?

D. Paglalahat

Ano ang mga pangunahing hakbang sa hakbang pansayaw ng

Tiklos

Paano ninyo isinagawa ang mga hakbang na pansayaw?

E. Pangwakas na Gawain:

Hayaang magsanay ang mga bata ng hakbang na pasnsayaw

para sa kanilang performance.

Page 13: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 8

41 minutes/ 1 meeting per week

I. Layunin

A. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos

B. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng tiklos

II. Paksang – Aralin

A. Aralin: Simpleng katutubong sayaw (Tiklos)

B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129

C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae

D. Pagpapahalaga: pagmamahal sa bansa

III. Gawain sa Pagkakatuto:

A. Pampasiglang Gawain:

Balik – aralan ang mga batayang hakbang sa sayaw na Tiklos.

B. Pagtataya:

Isasagawa ng bawat pangkat ang sayaw na Tiklos na may

saliw ng musika.

IV. Pagtataya:

Bigyan ng kaukulang grado ang performance ng bawat

Pangkat gamit Rubric sa ibaba.

Itsek ang kahon ang kahon na katumbas ng kanilang

ipinakitang performace.

Group

Very

Good

Good Fair Needs

Improveme

nt

Poor

Page 14: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

(Nakasusunod

sa lahat

batayang

hakbang

ng sayaw

ng wasto)

( Hindi nakasunod

ng isa

sa mga

batayang

hakbang

Ng sayaw)

( Hindi

nakasunod

sa

dalawang

batayang

hakbang

ng sayaw)

(Hindi

naisagawa batayang

hakbang

ng sayaw

kailangan

pagsubayba

Ng guro)

( Hindi

naisagawa

ang

batayang

hakbang

ng

sayaw. Karagdagang Pagsasanay)

10 puntos 8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos

V. Kasunduan:

Sanayin pa ang mga batayang sayaw upang makabisado ito.

PHYSICAL EDUCATION 3 / 4th Quarter Lesson 9Time Allotment: 40 minutes/ 1 meeting per week

I Layunin: 1. Maisagawa ang pagtaga at pag-ilag sa releys at karera2. Makalahok sa larong pagtaga ,pag-ilag sa releys at karera

II Paksang AralinPaksa: Releys at KareraSangganuian: Physical Education Handbook, p. 158 by Belmonte, PazKagamitan: Junior Ball, CDPagpapahalaga: Teamwork, pagiging alisto at pagigingmaasikaso

Page 15: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

III Pamamaraan

A. Paunang Gawain1. Payak na ehersisiyong pangkondisyon (Isagawa ng may musika)

a. Ipasagawa sa mga bata ang sumusunod:

1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, ilagay ang kamay sa bewang at ibaluktot ng dahan-dahan ang katawan ng pakanan at pakaliwa. ( 8 counts)2. Tumayo nang tuwid bahagyang magkalayo ang mga paa, ituwid ang ulo ,ilagay ang kamay sa bewang at iikot ang balikat ng paunahan at palikod ( 8 counts)3. Tumakbo sa puwesto ( 8 counts)

b. Itanong ang sumusunod:

1. Ano ang naramdam nyo pagkatapos ng ating ginawa?2. Bakit kailangan natin isagawa ang ehersisyong

pangkondisyon?3. Bakit mahalaga ang ehersisyong pangkondisyon?

2. Balik-aral

a. Ipagawa sa mga bata ang paraan kung paano ang pagtaga at pag-ilag sa releys at karerab. Mula sa kanilang sinabi kukunin ang kahulugan ng releys at karera.

B. Panlinang na Gawain

1. Sabihin sa mga mag-aaral na sila ay may isasagawang gawain.2. Ipaliwanag ang tuntuning pangkaligtasan ng laro.

a. Siguraduhing ligtas ang palaruan, walang basag na salamin o bote, matalas na bato at iba pang bagay na magdudulot ng kapahamakan.b. Gumamit ng pananggalang sa lahat ng larong isasagawac. Ipaalala sa bata ang tamang paraan ng pagtaya upang maiwasan ang magkasakitan.

Gawain 1: Bulldogs

Paraan ng Paglalaro

1. Magtalaga ng tatlong manlalarong taga-huli sa gitna ng minarkahang lugar.2. Ang ibang manlalaro ay pupuwesto sa magkabilang dulo.

Page 16: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

3. Kapag nataga ang manlalaro siya ay mabibilang sa tagahuli.4. kapag tatlo na lang ang natitira sila ay magiging taya.

(picture)Tandaan: Ito ay isang laro na nagtuturo sa mga mag-aaral na maging listo upang hindi mataga.

Gawain 2: Pagtakbo nang may bola

1. Pangkatin sa apat na grupo ang mga mag-aaral.2. Simulan ang laro ng magkatapat ang bawat miyembro grupo3. Ang unang manlalaro ay tatakbo papunta gitna dala ang bola, at iiwan ito sa gitna, ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat ay sasama matapos ang hudyat.4. Ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat ang siya naming pupunta sa gitna upang kunin ang bola at ipapasa sa unang grupo.5. Matatapos ang laro kapag ang lahat ay nakapgsagawa na.6.Ang unang pangkat na natapos ang siyang mananalo..

Pagkatapos ng gawain, itanong ang sumusunod:

1. Ano ang masasabi nyo sa ating ginawa?2. Ano ang inyong ginawa upang hindi ka mataga o makailag sa inyong kalabang koponan.3. Nataga nyo ban g maayos ang inyong kalabang koponan?4. Anong ginawa ng inyong grupo upang manalo?5. Anong magandang katangian ang inyong natutunan sa laro?

C. Paglalahat

Paano ninyo tinaga ang labanang koponan? Ano ang ginawa ng kalaban nyong koponan upang hindi

sila mataga? Ano ang inyong ginawa upang makailag sa kalabang

koponan? Ano ang ibig sabihin ng reley? karera? Ano ang ginawa ninyo upang makataga o makailag sa

ibang koponan?

Tandaan:Reley – pagpasa ng isang bagay sa iba

Page 17: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

karera - paligsahan sa pabilisan

riley at karera - pangkatang kompetisyon na ang layunin ay paunahan sa pagtapos ng Gawain

pag-ilag - pagkilos nang mabilis upang maiwasan ang isang bagay

pagtaga - tugisin at tagain ang kalaban

Pagtataya

Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang kanilang pagsasagawa ng gawaing pangkasanayan gamit ang rubric.

Iguhit ang araw ( ) kung ginawa mo ang sinasabi sa pangungusap at bituin( ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong sagutan.

Pangungusap o1. Naglaro ako nang may katapatan.2. Tumakbo ako upang di mataga ng kalaban.3. Ginawa ko nang wasto ang pagtaga.4. Kumilos ako nang may katatagan at bilis.5. Nakipagtulungan ako sa mga kasapi sa pangkat upang manalo.

Takdang Aralin

Gumawa ng listahan ng mga laro na ginagamitan ng kasanayang pagtaga at pag-ilag.

Ikaapat na Markahan

Aralin 10 : Wastong ehersisyong Pangkatawan

I. Layunin

Page 18: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

A. Maisagawa ang mga ehersisyong pangkondisyon ng katawan.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ehersisyong Pangkondisyon

Sanggunian: Musika, Sining, Edukasyong Pampalakasan

pah. 199-204

Pagpapahalaga: Pagiging listo at kaayusan ng koponan

Panlinang na Gawain

A. Panimulang Gawain

Gawain 1: Ehersisyong Pangkondisyon

Isagawa ang ehersisyo na may kasabay na tugtog.

a. Head Bending

1. Tumungo..…… ……………………………………………. 4 na bilang

2. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang

3. Tumingala ………………………………………………….. 4 na bilang

4. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang

b. Pag-ikot ng Balikat

1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa balikat

2. Iikot ang balikat pauna, patalikod, pataas at pababa….. 16 na bilang

3. Ulitin ang 1 – 2

c. Lateral Bending

1. Ibaluktot ang katawan pakanan kasabay ang

pagtaas ng kaliwang kamay sa itaas ng ulo……………..…. 4 na bilang

Page 19: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

2. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………... 4 na bilang

3. Ibaluktot ang katawan pakaliwa kasabay ang pagtaas

ng kanang kamay sa itaas ng ulo …………………………….. 4 na bilang

4. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………… 4 na bilang

5. Ulitin ang 1 – 4 ……………………………………………………… 4 na bilang

b. Panlinang na Gawain

Gawain 2 : Laruin ang larong “Mirror, Mirror on the Wall”

Gagayahin ng bata ang gagawin ng guro na may kasabay na saliw ng awit o musika.

1. Pagpapaikot ng leeg.

a. Tumayo ng tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa bewang

b. Ipaling ang ulo sa kanan ………………………………….. bilang 1-8

c. Ipaling ang ulo sa kaliwa ………………………………….. bilang 8-1

d. Bumalik sa dating posisyon at ulitin

2. Pagpapaikot ng Braso - iikot ang braso patungo sa harap at iikot ang

braso patungo sa likuran (8 bilang)

3. Pagbaluktot ng katawan

a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo.

b. Ibaluktot ang katawan sa harap …………………………….. bilang 1

c. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………. bilang 2

d. Ibaluktot ang katawan patalikod …………………………… bilang 3

e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………… bilang 4

Page 20: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

4. Windmill

a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo.

b. Ipihit ang bewang at ibaluktot ang katawan at abutin

ang kaliwang paa ng kanang kamay ……………………….. bilang 1

c. Bumalik sa dating posisyon ………………………………….. bilang 2

d. Ulitin ang titik b at abutin ang kanang paa ng kaliwang

kamay …………………………………………………………... bilang 3

e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 4

5. Jumping Jack

a. Tumayo nang tuwid.

b. Tumalon at ipalakpak ang kamay sa ibabaw ng ulo ….. bilang 1

c. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 2

d. ulitin ang a at b

Pagkatapos ng mga ehersisyo, pangkatin ang mga mag-aaral sa 5 grupo. Hayaang magsanay ang bawat pangkat sa pagsasagawa ng mga ehersisyong natutunan sa loob ng 10 minuto.

C. Paglalapat

Pagkalipas ng 10 minutong pagsasanay, pagsama-samahin ang mga mag-aaral para sa pagpapakita ng kanilang gawain. Hayaang pangkatan ang pagsasagawa nito.

D. Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng tamang pag-eehersisyo?

Page 21: Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter

E. Pagtataya

Suriin ang pagpapakita ng kasanayan ng mga mag-aaral bilang isang pangkat. Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa lebel ng kasanayang kanilang ipinakita.

Pangkat Naisawang lahat ang ehersisyo na may wastong kasanayan

5 puntos

Hindi naisagawa ang isa sa mga ehersisyo

3 puntos

Naisagawa ang ehersisyo ngunit tinulungan ng guro

2 puntos

Hindi naisagawa ang ehersisyo at kailangan pa ng karagdagang oras para sa pagsasanay

1 puntos

I

II

III

IV

V

F. Kasunduan

Isagawa ang mga ehersisyo sa bahay bilang pang-araw-araw na ehersisyo.