elias at salome

14

Upload: ailemar-ulpindo

Post on 23-Feb-2015

525 views

Category:

Documents


79 download

TRANSCRIPT

Page 1: Elias at Salome
Page 2: Elias at Salome

Kabanata 25

Elias at SalomeTAUHAN

ELIASSALOME

Page 3: Elias at Salome

Nawawalang kabanata ng Noli Me Tangerenahanapat ni Rizal n sa mga gamipagkatapos niyang mabaril.

Page 4: Elias at Salome

ELIAS AT SALOME

Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi.

Page 5: Elias at Salome

Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa nakakilala kay Elias.

Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro.

Page 6: Elias at Salome

Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso.

Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita.

Page 7: Elias at Salome

Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib.

Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pagaalala nila sa isa’t isa habang magkalayo.

Page 8: Elias at Salome

Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isa’t isa.

Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang umalis at naglaho sa mga anino ng mga puno. Sinundan lamang ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga yabag ng lalaking kaibigan.

Page 9: Elias at Salome

Tahanan ng Pantas

Sa umaga ng sumunod na araw, matapos na dalawin ni Juan Crisostomo Ibarra ang kanyang mga lupain, ay nagtungo ito sa bahay ni Matandang Tasyo.

           Sa umaga ng sumunod na araw, matapos na dalawin ni Juan Crisostomo Ibarra ang kanyang mga lupain, ay nagtungo ito sa bahay ni Matandang Tasyo. Ang ganap na katahimikan ang naghahari sa halamanan sapagka’t ang mga langay-langayang nagliliparan sa harapan ng bahay ay bahagya nang makagawa ng ingay. 

Page 10: Elias at Salome

Ang lumot na tumubo sa matandang bakod na bato na ginagapangan ng isang parang baging na nagiging palamuti sa bintana.  Ang munting bahay na iyon ay mistulang tahanan ng katahimikan.

Ang ganap na katahimikan ang naghahari sa halamanan sapagka’t ang mga langay-langayang nagliliparan sa harapan ng bahay ay bahagya nang makagawa ng ingay. 

Page 11: Elias at Salome

Ang unang nakita ng paningin ay ang matanda na abalang nakayuko sa isang aklat na sinusulatan.  Sa mga dingding ay may sari-saring tinuyong insekto at mga dahon,  kasama ng mga mapa at mga estante  na puno sa aklat na nakalimbag at mga sulat-kamay.

Maingat na itinali ni Ibarra ang kanyang kabayo sa isang tukod, at halos ang daliri lamang ng paa ang inilakad, na dumaan sa halamanang malinis at mabuti ang pagkakaalaga; inakyat niya ang hagdanan, at dahilan sa nakabukas

ang pinto, ay pumasok. 

Page 12: Elias at Salome

Labis na nakatuon ang isipan ng matanda sa kaniyang ginagawa kaya  hindi napansin ang pagdating ng binata, kundi nang ito, sa pagnanais na huwag makaistorbo, ay nagbalak na umalis ng walang pasabi.

           

“Aba!  Nariyan pala kayo?” ang tanong na tinanaw na may pagtataka si Ibarra.

 “Patawarin ninyo!” ang sagot nito,

“napapansin kong marami kayong ginagawa…”               

Page 13: Elias at Salome

“Oo nga, nagsusulat ng kaunti, ngunit hindi naman kailangan na matapos na madali at ibig ko namang magpahinga.  May maitutulong ba ako sa inyo?”

“Malaki po!” sagot ni Ibarra na lumapit, “ngunit…” at  tinanaw ang aklat na nasa ibabaw ng hapag.

Page 14: Elias at Salome