emcee script tagalog.docx

5
Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. At maligayang pagdating po sa ating pag-aaral hinggil sa UTILISASYON ng K to12 AT RPMS PROGRAM and ORIENTATION. Ako po si Angela Lomagdong, mula sa mababang paaralan ng LIBERTY . Ikinagagalak ko pong batiin ang lahat ng partisipado ng pagsasanay ng seminar na ito, lalong –lalo napo ang ating kagalang- galang na tagamasid pampurok si Ginoong Pablo O. Eufracio, sa ating mga matatalino at magagaling na punong guro na walang iba kundi sina Gng. Imelda Valenzuela, Gng. Josephine Cornico , Ginoong Roseller Demolar at sa aking mga kapwa guro isang maganda at mainit na umaga po sa inyong lahat! Hayaan nyo rin pong ipakilala ko ang ating mga bagong guro sa ating distrito. Na walang iba kundi sina ________________ng __________________ng ___________________________. Ngayong umagang ito ay makakasama natin sa ating talakayan at pag-aaral ang tatlong pinakamagagaling na beterano at listo’t lista sa ating propesyon, na naglagak ng kani-kanilang mga oras, pagod at panahon para maibahagi sa atin ang kanilang kaalaman hinggil sa Results-based Performance Management System o ang tinatawag na(RPMS) ng DepEd, na walang iba kundi sina _________.

Upload: pia-lomagdong

Post on 12-Dec-2015

42.898 views

Category:

Documents


2.897 download

TRANSCRIPT

Page 1: emcee script tagalog.docx

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat. At maligayang pagdating po sa ating pag-aaral hinggil sa UTILISASYON ng K to12 AT RPMS PROGRAM and ORIENTATION. Ako po si Angela Lomagdong, mula sa mababang paaralan ng LIBERTY . Ikinagagalak ko pong batiin ang lahat ng partisipado ng pagsasanay ng seminar na ito, lalong –lalo napo ang ating kagalang- galang na tagamasid pampurok si Ginoong Pablo O. Eufracio, sa ating mga matatalino at magagaling na punong guro na walang iba kundi sina Gng. Imelda Valenzuela, Gng. Josephine Cornico , Ginoong Roseller Demolar at sa aking mga kapwa guro isang maganda at mainit na umaga po sa inyong lahat! Hayaan nyo rin pong ipakilala ko ang ating mga bagong guro sa ating distrito. Na walang iba kundi sina ________________ng __________________ng ___________________________.

Ngayong umagang ito ay makakasama natin sa ating talakayan at pag-aaral ang tatlong pinakamagagaling na beterano at listo’t lista sa ating propesyon, na naglagak ng kani-kanilang mga oras, pagod at panahon para maibahagi sa atin ang kanilang kaalaman hinggil sa Results-based Performance Management System o ang tinatawag na(RPMS) ng DepEd, na walang iba kundi sina _________.

Sa pagsisimula ng ating programa, ma-aring tumayo tayong lahat upang makinig sa isang panalangin mula kay Ginoong. ________________________.Manatili po tayong nakatayo , para sa pagpupugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Gng. ______________________.

Ngayon naman ay inaanyayahan ko po kayong makinig sa isang Pambungad na Pananalita ni Gng.___________________.

Maraming salamat, Gng. __________________sa iyong pambungad na pananalita.

Page 2: emcee script tagalog.docx

(Sa pagpapatuloy ng ating programa)

Ngayon naman po ay Hayaan nyong balikan natin ang ating napag-aralan hinggil sa utilisasyon ng k to12… na kung saan natutunan natin ang pagkakahanay-hanay o ang tinatawag na alignment ng CG, TG AT LMS. Na kung saan ang CG ang siyang ating magiging batayan sa ating pagtuturo, nabanggit din sa punto ng “point of clarification” na ang nilalaman ng Teachers guide at ng learners materials ay “can be modified but cannot be deviated” o sa tagalog ay pwedeng baguhin ayon sa kakayahan ng mag-aaral pero hindi maaaring tanggalin ang competensiya na dapat matutunan ng isang mag-aaral.

Sa video nan a ipinalabas din kahapon tinalakay ang 2 uri ng pagtatasa o assessment : ito ang

Formatibong pagtatasa o formative assessment na kung saan ito ay paraan ng pagtatasa na ginagamit ng isang tagapagturo upang masuri ang kaalaman at pang-unawa ng isang mag-aaral 'at maari rin namang maganap habang o pagkatapos ng pagtuturo sa mga kasanayan na naaayon, patungo sa pagpapabuti ng kakayahan ng mag-aaral hanggang sa pagkatuto nito.

At ang Summatibong pagtatasa o summative assessment na kadalasay ibinibigay natin kada tapos ng isang patikular na unit o ng isang quarter. Dito nasusukat natin ang pagkatuto ng mga magaaral kung narating nga ba nila ang tinatawag na standard competency.

Kasama sa mga napag-aralan natin sa video ang mga theories and principles na pinag-angklahan ng k to 12 curriculum kagaya ni Benjamin blooms sa kanyang blooms taxonomy na kung saan sa kanyang revised taxonomy …binanggit na ang recall ang pinakamababa o ung dating tinatawag na knowledge sa kanyang lumang version at ang creating ang pinakamataas na pamantayan ng pagkatuto na kung saan masasabi na natuto ang bata kung siya mismo ang magcrecreate o magpapamalas ng kanyang pagkatuto. kasama din sa nabanggit ang mga prinsipyo ni vigotsky ang zone of proximodal development that learners will learn with the help of the teachers in a spiral method mula sa pinakamadali patungo sa sapat ng lalim ng pagkatuto nito.

Page 3: emcee script tagalog.docx

Tinalakay din natin kahapon kung paano inaassess ang mga bata, paano ang grading system at paano sila binibigyan ng grado.

Kung meron pa po tayong katanungan o clarifikasyon hinggil dito mangyari po lamang na komunsulta tyo sa ating mga eksperto andyan sina Sir Roseller, Mam Valenzuela, Mam Cornico ang, ating mga master teachers, at kung medyo inaatake po tayo ng hiya… madami po tyong video na matatagpuan sa you tube, mga ppt sa slideshare at texto sa mga portals pra sa ating mga pansaring pangkaalaman na may kinalaman dito.

Bago ko po kayo ibigay sa ating kagalang galang na tagapagsalita hayaan nyo pong maibahagi ko sa inyo ang maikling video na ito…

Sa pagpapatuloy ng ating programa, nais ko pong ipakilala sa inyo ang ating kagalang- galang at mahusay na distritong pampurok na walang iba kundi si Ginoong _______________ para ibahagi sa atin ang kanyang kaalaman sa ____________________________

Bigyan po natin si sir ng masigabong palakpakan…

Ngyon naman po ay ipapakilala ko naman po sa inyo ang napakasipag at at napakabait na punong guro ng Sped Center walang iba kundi si Ginang Josephine Cornico.

Napakasipag at magaling na punong guro ng Catarman I Central School na walang iba kundi si Gng Imelda Valenzuela.

Bago po tayo magpatuloy sa ating programa hayaan nyo pong bigyan namin kayo ng konting pantanggal tanglay o ng ice breaker. Tumayo po ang lahat.

Page 4: emcee script tagalog.docx