emilio aguinaldo

14
Emilio Aguinaldo Panahon ng Panunugkulan: Mayo 24, 1899 - Abril 1, 1901 Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Ipinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.

Upload: francis-vasallo

Post on 15-Oct-2014

249 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo

Panahon ng Panunugkulan: Mayo 24, 1899 - Abril 1, 1901

Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal.Ipinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.

Page 2: Emilio Aguinaldo

Manuel L. Quezon

Nobyembre 15, 1935 - Agosto 1, 1944

Pinahalagahan niya ang wikang pambansa. Ipinatupad ni Quezon ang Eight-hour Labor Law dahil sa problema sa paggawa sa lupa. Ipinatupad rin niya ang Minimum Wage Law. Pinaunlad ni Quezon ang pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act. Naipatupad rin ang Payne-Aldrich Law na nagpababa ng ating buwis. 

Page 3: Emilio Aguinaldo

Jose P. Laurel

Oktubre 14, 1943 - Agosto 17, 1945

Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon.

Page 4: Emilio Aguinaldo

Sergio Osmeña

Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946

Nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.

Page 5: Emilio Aguinaldo

Manuel Roxas

Mayo 28, 1946 - Abril 15, 1948

Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal.

Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/mak a t angga p  ng  pe r ang  gaga mi t i n   s a   r ehab i l i t a syon  mu l a s a   d igmaan   ang Pilipinas mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act.

Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan i t o ng 25 t aon noong 1967 ) , nag l im i t a s a panganga l aka l s a mga P i l i p ino , a t pribilehiyo sa mga taga-Estados Unidos na may mga pag-aari at inbestor.

Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga “military police” na naging sanhi ng pagkakabuo o pagtatag ng kalahating parte ng Hukbalahap. Ito ay nagresulta sa malawakang pagmamalupit sa mga mababang uri ng tao o hampas lupa.

Sa kanyang pamahalaan ay lumaganap ang “graft and corruption”. Nagpayaman ng kanilang mga sarili ang mga “collaborators”. Nanatiling nakatali o umaasa ang ekonomiya ng Pilipinas sa ekonomiya ng Estados Unidos.

Page 6: Emilio Aguinaldo

Elpidio Quirino

Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953

Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan. Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.

Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y unti-unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 - ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang Mindanao.Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niyaupang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.

Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan. U m u t a n g s i y a n g 2 0 0 m i l y o n d o l y a r m u l a s a A m e r i c a u p a n g p u n d a r a n a n g ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon. Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay Luis Taruc. I na lok n iya noong Hunyo 21 , 1948 ng kapa t awaran [ amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.

Page 7: Emilio Aguinaldo

Ramon Magsaysay

Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa.Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang p inakama taa s na l i de r ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na Tagapagligtas ng Demokrasya.

Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common na  tao, binuksan niya ang Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo.

I t i na t ag n iya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino.

Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabiliang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.

Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila noon.

Page 8: Emilio Aguinaldo

Carlos P. Garcia

Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap samga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mgahindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika.

Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsirasa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.

Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Da l a r i n n i t o , s i nu l su l an n iya ang paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayawPilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.

Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang “austerity” nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa k inabukasan ,   bagama’ t   b inaba t i kos   s i ya   s a  mga  pag l a l akbay  n iya   s a i bang bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente.

Page 9: Emilio Aguinaldo

Diosdado Macapagal

Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965

Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak  n g pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.

Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng   Wikang Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko,ginamit ang sariling wika natin. Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road,South Super Highway at mga Tenement Housing Projects. Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp. Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.

Page 10: Emilio Aguinaldo

Ferdinand E. Marcos

Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986

Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;

Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;

Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyanng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan. 

Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan)

Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo s apu l s a panahon ng mga Kas t i l a noong 1565 hanggang s a pangas iwaang kanyang sinundan.

Page 11: Emilio Aguinaldo

Corazon C. Aquino

Pebrero 25, 1986 - Hunyo 30, 1992

K a l a y a a n   s a   p a g s a s a l i t a   ( f r e e d o m   o f   s p e e c h )   a t   p a g p a p a h a y a g (free dom of the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkat mahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan hingggil sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa.Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat  s a walang nangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali atpagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pabago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon.