encomienda, tributo, at polo y servicios

13
Ano ang gagawin mo kung… Pinipilit ka ng iyong kaibigan na mas malaki sa iyo na gawin ang isang bagay na maaaring makasama sa iyo?

Upload: billy-rey-rillon

Post on 21-Jan-2018

4.012 views

Category:

Education


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Ano ang gagawin mo kung…

Pinipilit ka ng iyong kaibigan na mas malaki sa iyo nagawin ang isang bagay na maaaring makasama sa iyo?

Page 2: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Ano ang gagawin mo kung…

Madalas kang mapalo o masaktan ng iyong magulangdahil lamabg sa simpleng pagkakamali na nagawa mo?

Page 3: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Ano ang gagawin mo kung…

Madalas kang mapalo o masaktan ng iyong magulangdahil lamang sa simpleng pagkakamali na nagawa mo?

Page 4: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Sistemang Encomienda

Tributo at

Polo y Servicios

Page 5: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Paghahawi ng Sagabal

1. Blue-collar job- mga gawain o trabahong manwal gaya ng pagsasaka, pagtotroso, at pagkakarpintero

2. Buwis- takdang halagang ibinabayad ng mamamayan o korporasyonsa pamahalaan

3. Daungan- isang lugar na tinitigilan o hinihimpilan ng mga barko

4. Monopolyo- sitwasyon kung saan kontrolado o hawak lamang ngisang kumpanya o maykapangyarihan ang industriya

5. Pag-aalsa- pagrerebelde o hindi pagsunod sa pamahalaan o pinunodahil sa pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga ginagawa nito

6. Principalia- mga taong may mataas na antas sa lipunan noongpanahon ng mga Espanyol.

Page 6: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Sistemang Encomienda- Angmga lupain ng bansa ay hinati samaliliit na yunit. Ang encomiendaay lupang ipinagkaloob ng hari ngEspanya bilang gantimpala samatatapat na Tauhang Espanyol. Kasamang ibinibigay rito ang mgataong nakatira sa lupain. Encomendero ang tawag sanamumuno rito. Tungkulin niyangmaningil ng buwis mula sakaniyang nasasakupan.

Sistemang

Encomienda

Mga Encomendero sa Pilipinas

Page 7: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Bilang bahagi ng sistemangEncomienda ay ipinatupad angpaniningil ng buwis sa mgamamamayan bunga na rindiumano ng malaking gastusin ngPamahalaang Espanyol sapagtatatag ng pamahalaan saPilipinas. Ito ay ang batas nakanilang ipinatupad simula noong1571.

Page 8: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Tributo- Buwis ngpagkamamamayan. Katumbasito ng 8 reales na maaaringbayaran ng pera o produktonggaya ng ginto, tela, bulak at bigas na may halagang takdasa bawat produkto. Noong1851, itinaas ito sa 12 reales. Noong 1884, pinalitan ito ngSedula Personal.

Pagbabayad

ng Tributo

Page 9: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Sino ang hindi kasama sa magbabayad ng tributo?

Mga Principalia

Page 10: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Saan ginagamit ang Tributo?

• pondo para sa sandatahang lakas

• pantustos sa gastusin ng Espanya

–ekspedisyon sa Moluccas

–diplomatikong pakikipag-ugnayan

–pension sa sundalo

Page 11: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Ano ang Sistemang Kasamá?• Ang mga Pilipinong nagmamay-ari ng lupa

noon ay naging kasamá o nangungupahanlamang sa kanilang lupaing sakahan.

• Nangyari ito nang ipinag-utos ng Espanya nakailangang magparehistro ng lupain sapamahalaan ang mga nagmamay-ari ng lupa.

• Kinamkam ng pamahalaang Espanyol ang mgalupain na hindi naipa-rehistro.

• May mga sitwasyon din na sapilitangpinauutang ng salaping puhunan ang mganagmamay-ari ng lupa at ipinatutubos ito samalaking tubo.

• Haciendero ang tawag sa Espanyol nanagmamay-ari ng mga lupaing ito.

Page 12: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Polo y Servicios- Sapilitang

paggawa. Para sa mga kalalakihang may 16-60 taong gulang. Ang tawag sakanila ay mga polista. Ang trabaho ay 40 araw subalit ibinaba ito sa 15 arawnoong 1884. Makaliligtas ka lamang sapolo kung may kakayahan kangmagbayad ng falla, kung ikaw ay may position sa gobyerno, miyembro ngprincipalia, naglilingkod sapamahalaang Espanyol.

Polo y

Servicios

Isang paglalarawan sa Polo y Servicios

Page 13: Encomienda, tributo, at polo y servicios

Mga Epekto ng Polo y Servicios1. Maraming polista ang nalayo sa kanilang pamilya.

2. Napabayaan ng mga polista ang kanilang sariling kabuhayan.

3. Dumami ang mga gusali at gawaing pampubliko.

4. Bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa gawaing-manwal o blue-collar job.

5. Naging dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino. (hal. Sumuroy: Samar 1649-1650)