est for p rogress z p filipino

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula FILIPINO Ikatatlong Markahan – Modyul 7: Pagsusuri ng Pelikula Z est for P rogress Z eal of P artnership 8 Pangalan : ___________________________ __________ Baitang/Se ksyon : ___________________________ ____ Paaralan : ___________________________ __________

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: est for P rogress Z P FILIPINO

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

FILIPINO Ikatatlong Markahan – Modyul 7:

Pagsusuri ng Pelikula

Z est for P rogress Z eal of P artnership

8

Pangalan : ___________________________ __________

Baitang/Se ksyon : ___________________________ ____

Paaralan : ___________________________ __________

Page 2: est for P rogress Z P FILIPINO

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Azmabeth C. Hamoy

Editor: Lindo O. Adasa

Philip D. Caermare

Shayne Everette U. Eldian

Tagasuri: Adela S. Luang

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit: Edgardo Jamilar Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, Ed. D., CESO V

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.

Jephone P. Yorong, Ed. D.

Lindo O. Adasa, Jr.

Page 3: est for P rogress Z P FILIPINO

Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

❖ Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa, tema,

layon, gamit ng mga salita, mga tauhan. F8PD-IIIg-h-32

❖ Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa mundo ng

pelikula. F8PT- IIIg-h-32

❖ Naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang

isyung mahihinuha sa napanood na pelikula. F8PD-IIIg-h-32

Balikan

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.( 1 puntos bawat tanong)

1.) Kwadradong electronikong kagamitan, tampok ay iba,t ibang palabas

na kinaaaliwan.

A. Telebisyon C. Radyo

B. Internet D. Pelikula

2.) Musika’t balita ay mapapakinggan dito, sa isang galaw lamang ng

pihitan, may FM at AM pa.

A. Telebisyon C. Radyo

B. Internet D. Pelikula

3.) Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-FB,twitter

o magsaliksik pa.

A. Telebisyon C. Radyo

B. Internet D. Pelikula

4.) Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at

estratehiyang proyekto na sumasailalim sa katotohanan ng buhay at

tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

A. Komentaryong panradyo C. Komentaryong pantelebisyon

B. Dokumentaryong panradyo D.Dokumentaryong pantelebisyon

Page 4: est for P rogress Z P FILIPINO

5.) Bakit nakatutulong ang Broadcast Media sa ating araw-araw na

pamumuhay?

A. Sapagkat naghahatid ito ng mga nakaaaliw na palabas.

B. Sapagkat naglalatag ito ng mga suliranin kahit walang solusyon.

C. Sapagkat naghahatid ito ng mahahalaga at napapanahong

impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang

panlipunan ng mamamayan.

D. Sapakat ito’y naghahatid ng mga bagong tsismis.

Aralin

7 Pagsusuri ng Pelikula

Tuklasin

Panuto: Kilalanin ang pinagmulan ng sumusunod na pahayag mula sa

kilalang pelikula. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang

bilang.

HANAY A

______ 1. Pangit ba ako? Kapalit –

palit ba ako?

_______2. Oo na! Pagod na pagod na

pagod na pagod na ako!

_______3. I love you Ethan. Kaso…

gusto kita, so sorry… I don’t love you.

_______4. Walang himala…

Ang himala ay nasa puso ng tao.

______ 5. Akala mo lang wala! Pero

meron,meron,meron!

HANAY B

A. Hello…Love…Goodbye

B. Bata, Bata Paano Ka

Ginawa?

C. The Hows Of Us

D. Himala

E. My Ex and Whys

F. One More Chance

Page 5: est for P rogress Z P FILIPINO

Suriin

Buod ng Anak

ANAK

Star Cinema

Direktor: Rory B. Quintos

Script Writer: Ricardo Lee at Raymond Lee

Prodyuser: Charo Santos- Concio

Buod ng Pelikula:

Ang pelikula ay umikot sa buhay ng isang inang naging domestic

helper- si Josie Agsibit. Iniwan niya ang kanyang pamilya aa Pilipinas sa

hangaring mabigyan ng magandang buhay ang kanyang tatlong anak.

Matagal na panahon siyang nagtrabaho at hindi nakauwi mula sa Hong

Kong kahit nang mamatay ang kanyang asawang si Rudy. Kinulong siya

ng kanyang mga amo at hindi pinayagang makabalik sa Maynila.

Pagkalipas ng ilan pang taon ay bumalik siya sa bansa at

nagdesisyong magnegosyo na lamang at hindi na muling umalis pa ng

bansa.

Ngunit hindi naging madali ang kanyang pagbabalik. Hinarap niya

ang galit, hinanakit, at pagkukulang niya sa kanyang mga anak.

Gayunpaman ay sinikap niyang bumawi sa mga ito sa pamamagitan ng pag-

aasikaso at pagbibigay ng oras na makasama ang mga ito.

Tinanggap siya ng kanyang pangalawa at bunsong anak na sina

Michael at Daday subalit hindi ni Carla na naging madamot sa pag- unawa

sa mga naging pagkukulang ng kanilang ina. Lalo pa siyang nagrebelde sa

buhay nang bumalik ang kanyang ina sa kanilang tahanan. Lumayas siya

sa kanila at sinadyang gumamit ng droga, uminom ng alak, at magpapalit-

palit ng nobyo. Dalawang ulit nabuntis si Carla kung saan niya ipinalaglag

ang unang sanggol sa kanyang sinapupunan at nalaglag naman nang kusa

ang ikalawa.

Nadagdagan pa ang mga problema ni Josie nang matanggalan ng

iskolarship ang anak na si Michael at umurong sa negosyo ang kanyang

mga kaibigang sina Mercy at Lyn na katulad din niyang OFW sa Hong Kong.

Mabilis na naubos ang kanyang naipong pera kaya’t napagpasyahan na

lamang niyang bumalik saa Hong Kong na siya rin naming gusto ng

kanyang na si Carla. Subalit bago siya tuluyang bumalik sa Hong Kong ay

nagkaroon ng matinding komprontasyon sa pagitan nila ni Carla. Sa unang

paagkakataon ay nasaktan niya nang todo ang anak at doon niya sinabi

ang lahat ng hirap na kanyang tiniis para lamang mabigyan ng magandang

buhay ang mga anak. Dito naunawaan ni Carla ang ina aat ang kanyang

mga pagkakamali kaya’t humingi siya ng tawad saa ina.

Page 6: est for P rogress Z P FILIPINO

Sa pagbabalik ni Josie saa Hong Kong ay mas naging maayos ang

relasyon niya sa kanyang mga anak. Sa mga nagging karanasan ni Josie at

ng kanyang mga anak,higit na mauunawaan naang marami aang kalagayan

ng mga manggagawang Pilipinong nagtratrabaho sa abroad para sa

kapakanan ng pamilya.

https://www.youtube.com/watch?v=g1DibP54qnY&feature=share

Alam mo ba na…

Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing,ay isang

larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang

anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.Nililikha ang

pelikula sa paamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay

(kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera,at/o sa

pamamagitan ng kartun.

Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng

pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay

maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Ang

pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan aat kakulangan

kundi gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalangalang sa

pagpapaganda ng pelikula.

Mga elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng Pelikula

• Kuwento – tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan

umiikot ang pelikula.

Bago o luma ba ang istorya?

Ito ba ay ordinary o gasgas na at nauli- ulit na rin sa ibang pelikula?

Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?

Naakapupukaaw ba ito ng interes?

• Tema – ito ang paksa ng pelikula.Ito ang diwa,kaisipan, at pinakapuso ng

pelikula.

Page 7: est for P rogress Z P FILIPINO

Napapanahon ba ang paksa?

Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip?

Akma ba ang tema sa panahon kung kalian ito nagawa o akma sa lahat ng panahon?

• Pamagat – ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe

nito. Ito ang nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.

Ito ba ay angkop sa pelikula?

Nakatatawag ba ito ng pansin?

Mayroon ba itong simblol o pahiwatig?

• Tauhan- ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay- buhay sa

kuwento ng pelikula.

Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga taauhan?

Makatotohanan ba ang mga ito?

Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?

• Diyalogo – ito ang mga linyang binanggit ng mga tauhaan sa kuwento.

Naisaalang-alang ba ang mga uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwen-

to?

Matino ba ,bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuoan ng pelikula?

Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

• Sinematograpiya- ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng

pelikula.

Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?

Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipaan na nais palutangin?

Ang lente ba ng camera ay na- adjust para sumunod sa galaw ng artista?

• Iba pang Aspektong Teknikal – kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa

pelikula,pagpapalit- palit ng eksena,special effects,pag- eedit.

Tunog

Naisalin ba ng buhay na buhay ang diyalogo at musika?

Epektibo ba ang tunog at katahimikan?

Musika

Pinalilitaw ba ang kahulugan ng tagpo at damdamin?

Inaayunan ba ang ritmo at daloy ng pelikula?

Direksyon

Nagtagumpay ba ang director sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula

Nagawa ba niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan

Page 8: est for P rogress Z P FILIPINO

Pagyamanin

A.Panuto: Gamit ang graphic organizer,suriin ang pelikulang Anak batay sa

mahahalagang impormasyong dapat tandaan sa pagrerebyu ng isang

pelikula.Isulat ang buong pangungusap sa loob ng kahon.

A. Ang mga linya ng mga tauhan sa kuwento ay tunay at makatotohanan.Ang mga

salitang ginamit sa pelikula na may bulgar ay akma sa karakter ng mga tauhan.

B. Malinaw, mahusay, epektibo at kahanga-hanga ang karakterisasyon ng mga

gumaganap sa pelikula.

C. Isang ina na nagtatrabaho bilang OFW na naging dahilan na napariwara ang

kanyang anak.

D. Imulat ang mga kabataan sa sakripisyo ng isang ina upang maitaguyod at

maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

10

ng malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang element o ng pelikula?

Editing

Malikhain ba nitong pinakikitid o pinapalawak ang oras,kalawakan at

galaw?

Disenyong Pamproduksyon

Naisasakatuparan ba sa mal ikhaing paraan ang pook,tagpuan,make - up,kasuotan

at kagamitan?

Pinagyamang Pluma 8

Page 9: est for P rogress Z P FILIPINO

Paksa/Tema ng Pelikula Layon ng Pelikula

Diyalogo Mga Tauhan

ANAK

B. A ng mga salitang nasa loo b ng hugis puso ay mga salitang

ginamit sa mundo ng pelikula.Basahing mabuti ang inilarawan sa bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot . ( 5 puntos )

A. Sinematograpiya B. Sequence Iskrip

C. Paagdidirehe D. Direktor E. Artista

F. Pag - eedit

Page 10: est for P rogress Z P FILIPINO

_____ 1. Pagkakasunod–sunod na mga pangyayari sa isang kuwento sa

pelikula.

_____ 2. Mga pamaraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin

ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

_____ 3. Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga

negatibo mula sa eksenang nakunan na.

_____ 4. Nagbibigay-buhay sa iskrip.

_____ 5. Pagkuha ng wastong anggulo upang maipapakita sa manonood ang

tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng

kamera.

GAWAIN

A. Lagyan ng tsek ( ) ang mga pangungusap na naagsasaad ng

opinion/sariling pananaw at ekis ( x ) ang hindi. ( 5 puntos )

___ 1. Ayon sa surbey na isinagawa ng National Statistics Office, may 2.2

milyong Pilipino ang nagtungo sa ibang bansa noong taong 2011 sa mga

buwan ng Abril hanggang Disyembre upang magtrabaho.

____ 2. Naninindigan akong ang ugali ng isang bata ay hindi lamang

nakukuha sa kanyang magulang kundi sa iba’t ibang salik na nakaaapekto

sa kanyang lipunang ginagalawan.

_____ 3. Sa tingin ko, hindi naman lahat ng anak na may magulang na

nagtratrabaho sa abroad ay naliligaw ng landas kaya’t wala akong nakiktang

problema kung magtrabaho man ang aking magulang sa ibang bansa.

______4. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong manatili sa bahay ang

mga ina kaysa magtrabaho upang mas maalagaan kaming mga anak nila.

______5. Sa ganang sarili, hindi ko alintana kung dapat ba o di-dapat

magtrabaho ang aking nanay basta’t ang mahalaga’y natutugunan nila ang

lahat ng aking pangangailangan.

15

Page 11: est for P rogress Z P FILIPINO

B.Ibigay ang iyong mga pananaw at suhestiyon hinggil sa mga napapanahong

isyung may kinalaman sa pelikulang napapanood. Itala ang iyong sagot sa

graphic organizer na Read and React.(5 puntos bawat bilang)

Read: Laganap ngayon sa bansa an g problema tungkol sa teenage

pregnancy sanhi na rin ng iba’t ibang salik na nakaaapekto sa buhay ng

kabataang Pilipino.

React:

Read: Maraming kabataan na ang napariwara da hil sa kakulangan ng wastong paggabay ng magulang sa kanil ang m ga anak dahil nakatuon

lamang ang atensiyon sa paghahanapbuhay . .

React:

Page 12: est for P rogress Z P FILIPINO

Isaisip

Panuto: Punan ang angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang

kaisipan tungkol sa paksang tinalakay.Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang

karamihan ng mga Pilipino ay ____________.

A. Makapaglibang C. Makapagtrabaho

B. Makapag-aral D. Makapagshopping

2. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay

kailangang magtrabaho at mapalayo sa inyong pamilya?

A. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga

ari-arian at maiaangat ang pamumuhay.

B. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapalayo sa amin na mga anak at

pangungulila sa kanilang pag –aaruga.

C. Kasiyahan dahil makakapasyal sa mga magagandang lugar na

mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa.

D. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapag-abroad.

3. Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi

nasa itinuturo nila sa mga ito.

A. Ang matiyagang pangangaral at pagtuturo ng magulang ay daan

tungo sa magandang kinabukasan ng mga anak.

B. Walang magagawa ang magulang upang gumaan ang buhay ng

kanyang anak.

C. Ugaliing magpaturo sa mga magulang upang ang buhay ay maging

magaan.

D. Hindi na kailangan ang gabay ng mga magulang para mgkakaroon ng

magandang kinabukasan ang mga anak.

4. Ang sumusunod ay mga elemento na dapat isaalang-alang sa pagsusuri

ng pelikula maliban sa __________.

A. Diyalogo C. Iba pang aspektong teknikal

B. Sinematorapiya D. Manonood

5. Ang katangiang ipinapakita ng ina sa pelikulang Anak ay ____________.

A. Mapagmahal C. Makasarili

B. Mapag-aruga D. Mapangarapin

Page 13: est for P rogress Z P FILIPINO

Tayahin

I. Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng

tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

___1.) Ano ang pinakatema ng pelikulang Anak?

A. Ang pelikula ay nakatuon sa kahirapang nagtulak sa isang inang

nagtratrabaho sa malayo at nagresulta sa anak na napariwara dahil sa

paghahanap ng kalinga at pagmamahal ng magulang.

B. Ang pangunahing problema ng mga magulang na OFW.

C. Ang pagtratrabaho ng isang ina sa ibang bansa sa kagustuhang

umasenso sa buhay.

D. Ang pagsakripisyo ng isang ina upang maitaguyod ang kanyang

pamilya.

___2.) Ang mga linya ng mga tauhan sa kuwento ay tunay na makatotoha-

nan at puwedeng maging imortal o walang kamatayan lalo na ang mga

linyang binitawan ni Josie (Vilma Santos) nang komprontahin niya sa

huling bahagi ng pelikula ang anak na si Carla (Claudine

Barreto).Anong elemento ng pelikula ito?

A. Tauhan C. Diyalogo

B. Tema D. Kuwento

___3.) Naging patok sa takilya ang pelikulang anak dahil sa mga sumusunod

na dahilan,maliban sa?

A. Mahusay at epektibo ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa

pelikula.

B. Nagbibigay- aral sa mga nanonood.

C. Ito ay nagpapakita ng mga isyung panlipunang may kinalaman sa

problemang kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan.

D. Ang pelikula ay naging ihemplo ng mga kabataan sa pagiging suwail

na anak.

___4.)Siya ang nagbibigay interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang

iskrip.

A. Manonood C. Direktor

B. Aktor D. Cameraman

___5.) Maliwanag at maayos ang mga camera shot at mahusay na

napalutang ang mga kaisipang nais ipahiwatig sa pelikulang Anak,

ang bawat galaw ng mga artista ay mahusay na nasundan sa kamera

kaya’t tuloy-tuloy at walang putol ang kabuoan ng pelikula at

Page 14: est for P rogress Z P FILIPINO

mahusay din ang pagkakuha ng mga anggulo. Anong elemento ng

pelikula ito?

A. Tunog at Musika C. Disenyong Pamproduksyon

B. Sinematograpiya D. Pag-eedit

Karagdagang Gawain Magsaliksik ng pelikulang Pilipino na may isyung panlipunan na may

kinalaman sa problemang kinaharap ng mga kabataan saa kasalukuyan

RUBRIK sa Pagrebyu o Pagsuri ng Pelikula

Pamantayan Puntos Aking Puntos

Ang sinuring pelikula ay

batay sa paksang

hinihingi

5 puntos

Makatotohanan at

kumpleto sa aspektong

teknikal ang sinuring

pelikula.

5 puntos

Naipapahayag nang

malinaw ang kaisipan,

pananaw,at saloobin

tungkol sa kabuoan ng

pelikula

5 puntos

Naipakita ang kahusayan

at kalinisan sa paggawa

ng awtput

5 puntos

Kabuoang Puntos 20 puntos

5--- Napakahusay 2--- Di- mahusay

4--- Mahusay 1--- Sadyang Di- mahusay

3---Katamtaman

Page 15: est for P rogress Z P FILIPINO

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian: Panitikang Pilipino 8 Modyul Para sa Mag-aaral (Deped Textbook);pahina 176

Pinagyamang Pluma 8 (K-12); pahina 418-422;Almaa M. Dayag

Internet/Websites: https://www.youtube.com/watch?v=glDibP54qnY&feature=share

Pagyamanin

A.

.Isang ina na 1

naagtratrabaho bilang

OFW na naging dahilan

na napariwara ang

kanyang anak.

.Imulat ang mgaa 2

kabataan sa sakripisyo ng

isang ina upang

maitaguyod at maibigay

ang pangangailangan ng

kanyang pamilya .

.Ang mga linya ng 3

tauhan sa kuwento ay

tunay at

makatotohanan.Ang mga

salitang ginamit saa

pelikula na may mga

bulgar ay aakma sa

karakter ng mga tauhan.

4 .Malinaw,mahusay,epekt

ibo at kahanga - hanga ang

karakterisasyon ng mga

magulang.

B. Tayahin

1. B . A 1

2. C 2 . C

3. F 3 . D

4. E . C 4

5. A 5 . B

Gawain A

1. X

2.

3.

4.

5.

B.

1 . C

2 . B

. A 3

4 . D

5 . A

Page 16: est for P rogress Z P FILIPINO

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.