estratehiya sa tubig ng kalakhang sydney

4
1 Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/632 | Tungkol sa Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney Ang Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ay nagtatakda ng pangmatagalang pananaw at direksyon upang matiyak ang matatag at sustenableng mga serbisyo ng tubig para sa mga tao ng Kalakhang Sydney, kabilang ang Illawarra at Blue Mountains. Sa planong estratehiya, binalangkas namin kung paano namin pangangasiwaan ang ating tubig at kung ano ang gagawin naming aksiyon upang mapanatili ang mataas na kalidad ng ating tubig at mga sistema ng gamit nang tubig (wastewater) gayundin ang pagtitiyak ng katatagan at kaunlaran para sa Kalakhang Sydney sa hinaharap. Ang estratehiya ay: Susuporta sa pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpiyansa sa seguridad at pagiging sustenable ng suplay ng tubig sa Kalakhang Sydney Susuporta sa paghahatid ng Rehiyonal na Plano para sa Kalakhang Sydney — Metropolis ng Tatlong Syudad at ng mga Prayoridad ng Premier para sa tinatawag na ‘greening’ ng syudad. Magtutukoy ng estratehikong mga daanan upang matiyak na nagagawa ang tamang mga desisyong nauukol sa pamumuhunan sa tamang oras sa pakikipagkonsulta sa mga kostumer at sa komunidad. Magtatakda ng mga daanan upang matukoy ang pinakamataas na pang-ekonomikong halaga at pinakamakakayanang mga portpolyo ng pamumuhunan sa impraistruktura sa tubig. Isang komprehensibong hanay ng pinagsamang mga estratehiya sa tubig para sa NSW Ang Estratehiya sa Tubig ng NSW ay ang malawakang gabay ng estado para sa hanay ng 12 rehiyonal at 2 metropolitang mga estratehiya sa tubig (Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney at Plano para sa Seguridad ng Tubig sa Lower Hunter). Magkasamang itatakda ng mga estratehiyang ito ang paraan ng pagpapanatili ng katatagan ng mga mapagkukunan ng tubig sa estado sa loob ng darating na mga dekada. Binabalangkas ng plano ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ang hanay ng mga pamamaraan ng suplay at pangangailangan ng tubig na magbibigay ng istruktura kung paano pangangasiwaan ang tubig sa rehiyon para sa benepisyo ng komunidad at ng ating kaunlarang pang-ekonomiya sa loob ng darating na 20-40 taon. Ang Polyetong Pang-impormasyon Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Upload: others

Post on 25-Oct-2021

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

1Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/632 |

Tungkol sa Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Ang Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ay nagtatakda ng pangmatagalang pananaw at direksyon upang matiyak ang matatag at sustenableng mga serbisyo ng tubig para sa mga tao ng Kalakhang Sydney, kabilang ang Illawarra at Blue Mountains. Sa planong estratehiya, binalangkas namin kung paano namin pangangasiwaan ang ating tubig at kung ano ang gagawin naming aksiyon upang mapanatili ang mataas na kalidad ng ating tubig at mga sistema ng gamit nang tubig (wastewater) gayundin ang pagtitiyak ng katatagan at kaunlaran para sa Kalakhang Sydney sa hinaharap.

Ang estratehiya ay:

• Susuporta sa pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpiyansa sa seguridad at pagiging sustenable ng suplay ng tubig sa Kalakhang Sydney

• Susuporta sa paghahatid ng Rehiyonal na Plano para sa Kalakhang Sydney — Metropolis ng Tatlong Syudad at ng mga Prayoridad ng Premier para sa tinatawag na ‘greening’ ng syudad.

• Magtutukoy ng estratehikong mga daanan upang matiyak na nagagawa ang tamang mga desisyong nauukol sa pamumuhunan sa tamang oras sa pakikipagkonsulta sa mga kostumer at sa komunidad.

• Magtatakda ng mga daanan upang matukoy ang pinakamataas na pang-ekonomikong halaga at pinakamakakayanang mga portpolyo ng pamumuhunan sa impraistruktura sa tubig.

Isang komprehensibong hanay ng pinagsamang mga estratehiya sa tubig para sa NSWAng Estratehiya sa Tubig ng NSW ay ang malawakang gabay ng estado para sa hanay ng 12 rehiyonal at 2 metropolitang mga estratehiya sa tubig (Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney at Plano para sa Seguridad ng Tubig sa Lower Hunter). Magkasamang itatakda ng mga estratehiyang ito ang paraan ng pagpapanatili ng katatagan ng mga mapagkukunan ng tubig sa estado sa loob ng darating na mga dekada.

Binabalangkas ng plano ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ang hanay ng mga pamamaraan ng suplay at pangangailangan ng tubig na magbibigay ng istruktura kung paano pangangasiwaan ang tubig sa rehiyon para sa benepisyo ng komunidad at ng ating kaunlarang pang-ekonomiya sa loob ng darating na 20-40 taon.

Ang Polyetong Pang-impormasyon

Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Page 2: Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/632 | 2

Mga paghamon sa tubig sa Kalakhang Sydney

Layunin ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney na tugunan ang limang mahalagang mga paghamon. Kailangan nating magpaunlad ng mga estratehiya upang matiyak na ang ating mga sistema sa tubig ay makakatugon sa pag-unlad, habang nagiging matatag din sa mga kondisyon ng tagtuyot na maaaring mas madalas at matindi sa hinaharap.

Unang larawan (Figure 1). Limang mahalagang mga paghamon sa Kalakhang Sydney

Paglingkuran ang tumataas na

populasyon

Palakasin ang katatagan para sa tagtuyot at nagbabagong

klima

Pagbutihin ang mga resulta ng pangangasiwa

sa tubig para sa Katutubong mga tao

Suportahan ang ekonomiya at mga

trabaho

Bigyan ng prayoridad ang usapin ng tubig sa ating syudad at mga komunidad

Page 3: Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

3Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/632 |

Natutugunan ng pangangasiwa at mga serbisyo sa tubig ang mga pangangailangan ng komunidad.

Malusog ang ating mga daluyan ng tubig at mga landskeyp.

Nauunawaan natin kung gaano karaming tubig ang kailangan natin at kailan.

Malusog ang mga hardin at matitirahan ang ating syudad.

Ang ating mga sistema ng tubig ay mapapanatili sa pangmatagalan at matatag sa matinding mga kaganapan.

Unang prayoridad

Ika-2 Prayoridad

Ika-3 Prayoridad

Ika-4 na Prayoridad

Ika-5 Prayoridad

Pagpaplano para sa pagtaas ng populasyon at paghahanda para sa tagtuyot sa hinaharap Sinasabi sa atin ng ating modelo ng suplay at pangangailangan sa tubig na lumalaki ang puwang sa pagitan ng suplay at pangangailangan sa tubig, at ito ay tataas pa habang umuunlad ang Kalakhang Sydney.Ipinakikita sa plano ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ang pangmatagalang daanan sa loob ng 40 taon. Sa planong estratehiya tinugunan namin kung paano namin pangangasiwaan ang ating tubig, at kung anong akskiyon ang kailangan naming gawin upang mapanatili ang mataas na kalidad ng ating tubig at mga sistema ng gamit nang tubig gayundin ang pagtitiyak ng katatagan at kaunlaran para sa Kalakhang Sydney sa hinaharap. Ito ay nangangahulugan na kakailanganin ang pamumuhunan para sa bagong impraistruktura sa suplay ng tubig na magbibigay ng mga mapagkukunan ng tubig na hindi umaasa sa tubig-ulan, katulad ng desalinasyon at nilinis na niresaykel na tubig. Ito ay bilang karagdagan sa mahalagang bagong pamumuhunan sa mga inisyatiba ng pagiging mahusay at pagtitipid ng tubig. Sa pagitan ng Hulyo 2017 at Pebrero 2020, ang Kalakhang Sydney kabilang ang Illawarra ay dumanas ng isa sa ating naitalang pinakamatinding tagtuyot kung saan mas mabilis na naubos ang mga imbak na tubig kaysa sa inaasahan. Tinutukoy sa planong estatrehiya ang mga aksiyon upang mapagbuti ang katatagan ng Kalakhang Sydney para sa hinaharap na mga tagtuyot habang patuloy na nagbabago ang klima.

Panukalang mga aksiyon sa planong estratehiya Sinusuri ng planong estratehiya ang malawak na hanay ng potensyal na mga solusyon, kabilang ang:• Ipagpatuloy ang pamumuhunan sa

komprehensibong mga programa ng pagtitipid at pagpapahusay ng tubig upang makatipid nang hanggang 49 GL/taon sa pagsapit ng 2040 sa halos mababang halaga

• Dagdagan ang paggamit ng kasalukuyang Planta ng Desalinasyon sa Sydney upang makagawa ng karagdagang 20 GL/taon

• Palawakin pa ang paggamit ng stormwater o tubig na dumaloy sa ibabaw ng lupa galing sa ulan at niresaykel na tubig upang maging presko ang hangin at malusog ang mga hardin sa syudad at suportahan ang mga gawaing panlibangan

• Ipagpatuloy ang pagpaplano para sa bagong mga opsyon sa suplay na hindi umaasa sa tubig-ulan katulad ng desalinasyon at pag-iimbistiga ukol sa nilinis na niresaykel na tubig kung saan naaangkop

• Mamuhunan sa mga pagbabago, bagong mga koneksyon at pangangasiwa sa pagtagas upang tugunan ang mga panganib na dulot ng mga sistema at impraistruktura ng tumatandang tubig at gamit nang tubig

• Pagsamahin ang pagpaplano ng ating paggamit ng tubig at lupa nang mas mahusay upang makabilang ang sustenableng paggamit ng tubig sa pagdidisenyo ng gusali at landskeyp.

Pangalawang Larawan (Figure 2). Estratehikong mga prayoridad ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney..

Page 4: Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

4Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/632 |

Magbigay ng inyong opinyonPinahahalagahan namin ang inyong opinyon tungkol sa planong estratehiya. Isasaalang-alang ang inyong mga pananaw ukol sa kung paano kami maglilikha ng isang matatag at garantisadong suplay ng tubig para sa Kalakhang Sydney habang naghahanda kami ng pinal na Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney.Bukas ang pampublikong konsultasyon mula ika-28 ng Setyembre 2021 hanggang ika-8 ng Nobyembre 2021. Matapos ang panahon ng pampublikong konsultasyon ikukunsidera at isasama namin ang inyong mga pananaw, mga ideya at mga alalahanin sa pinal na estratehiya. Upang mabigyan ang mga miyembro ng komunidad ng pagkakataong magbigay ng kanilang opinyon, magdaraos ang kagawaran ng isang online na sesyong pang-impormasyon sa komunidad sa ika-14 ng Oktubre 2021 sa ganap na alas- 11n.u. hanggang ala-1n.h. Makakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa programa ng pakikipag-ugnayan sa publiko kabilang ang pagrerehistro sa sesyong pang-impormasyon at maaaring makakuha ng kopya ng dokumento ng planong estratehiya sa website ng kagawaran sa: dpie.nsw.gov.au/greater-sydney-water-strategy

Matapos ang panahon ng konsultasyon kami ay:• maglalathala ng tinatawag na ‘what we heard’

na ulat na nagbibigay-buod sa mga opinyong natanggap namin

• maglalathala ng pinal na Estratehiya sa Tubig sa Kalakhang Sydney, na kabilang ang planong pagpapatupad na may mga timeline, at mga tungkulin at responsibilidad para sa pagpapatupad ng mga aksiyon sa estratehiya.

Patuloy na pagtatasa ng pagpapatupad at pag-aangkop ng estratehiya habang nagbabago ang mga kalagayan.

Ikunsidera ang mga kalakaran, pinakamahusay na makukuhang impormasyon ukol sa klima, mga pagsisiyasat, mga pagrerepaso at opinyon ng komunidad.

Maglathala ng tinatawag na ‘what we heard’ na ulat. Maglathala ng pinal na estratehiya at plano ng pagpapatupad.

Pakinggan ang mga pananaw ng komunidad ukol sa mga prayoridad at mga aksiyon. Gumawa ng pinal na estratehiya.

Gumawa ng Plano para sa Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Kasalukuyang aksiyon: Pampublikong konsultasyon

Unang bahagi ng 2022: Gawing pinal ang Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

2022 pasulong: Magtasa at mag-angkop

Ikatlong larawan (Figure 3).Proseso ng pagbubuo ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney.

Pangkalahatang mga pagtatanong: 1300 081 047

greatersydney.waterstrategy @dpie.nsw.gov.au

Kung kailangan mo ng interpreter, mangyari lamang na tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450 at hilingin sa interpreter na tawagan kami sa (02) 9842 8439

© Estado ng New South Wales sa pamamagitan ng Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran 2021. Ang impormasyong nakapaloob sa publikasyong ito ay batay sa kaalaman at pag-unawa sa panahon ng pagsusulat (Setyembre 2021). Gayunpaman, dahilan sa mga pagsulong sa kaalaman, dapat tiyakin ng mga gumagamit na ang impormasyong inaasahan nila ay napapanahon at itsek ang pagiging napapanahon ng impormasyon sa naaangkop na opisyal ng kagawaran o sa independiyenteng tagapayo ng gumagamit.