fil 2 thesis
DESCRIPTION
maganda itoTRANSCRIPT
A MASTERPIECE: ANG DAHILAN NG PAGTANGKILIK NG MGA TAO SA MGA
MUSEYO
APRIL 1 : 2nd to present
PANGALAN:
DUBLIN, CARMELA MAE G.
CORSINO, CHEROUVINE
DALGUNTAS, GLYDEL
BUENAFLOR, LORENZ ROY
GURO:
G. EFREN DOMINGO
FAR EASTERN UNIVERSITY
DATE:
Kabanata I. Introduksyon at paglalahad ng suliranin
Parte ng ating lipunang kinagagalawan ang sining, sa ating pang araw araw na
pamumuhay natutunghayana natin ang iba’t ibang uri ng sining. Ang mga malikhaing
sining na gawa ng ating mga kilalang artist ay may malaking papel sa ating kasaysayan.
Ang mga sining na ito ang sumasalamin sa mga sinaunang pamumuhay ng mga tao,
kulturang kinalakihan, at maging na rin ang mga makasaysayang kaganapan sa ating
bansa. Ang ating mga moseo ang may kapangyarihan at responsibilidad na itago at
pangalagaan ang mga sining na ito. Tunay na mahalaga ang moseo sa isang nasyon upang
ang susunod na henerasyon ay hindi maging mangmang sa kasaysayan at sa kultura ng
kaniyang bansang kinalakihan.
Ngayong modernong panahon ang mga tao ay likas na naghahanap ng pang aliw at
aktibidad na masaya na makakapawi ng kanilang stress sa trabaho at maging na rin sa
kanilang eskwelahan. Ang iba ay pinipiling pumunta sa mga parke, beach, at sa iba’t
ibang tourists spots upang duon mag bakasyon. Ang iilan naman ay mas pinipiling
pumunta sa mga kilalang moseo at duon mag relax kasama ang mga kaibigan at ang
kanilang pamilya. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit sa modernong panahon ay
mayroon paring mga taong tumatangkilik sa mga moseo. Maraming kadahilanan at
layunin ang bitbit ng mga tao sa pag punta sa mga moseo na dapat malaman ng iba pang
mamamayan upang mas maging kilala at bigyan ng importansya ang pag tangkilik sa
ating mga moseo.
Likas sa isang kultura ng tao ang sining, ginagamit ito ng tao upang mailahad ang
kanilang nararamdaman sa isang pangyayari o bagay sa kanilang buhay. Tunay na nakaka
aliw ang mga paintings at mga iskultura na makikita sa moseo kung kaya’t maraming
paaralan ang pinipiling mag fieldtrip sa mga moseong ito sa kadahilanan na rin na
edukasyonal ang pag punta rito. May iilan ring tao ang may trabaho na at bumibisita
parin sa mga moseong ito upang makapag relax kasama ang mga kaibigan. Samu’t saring
mga tao ang makikita sa mga moseo na may interes sa sining.
Maraming tao ang nag hahanap ng paglilibangan sa tuwing sila ay walang pasok sa
trabaho, ang iba ay nag o-outing at ang iba naman ay mas pinipiling magstay na lamang
sa kanilang mga tahanan. Madaming aktibidad ang maaring gawin ng mag-anak sa
tuwing sila ay mag o-outing kasama na dito ang pag punta sa mga kilalang beach resorts,
mag hiking sa mga kilalang bundok, pati na rin ang pag punta sa mga kilalang
amusement park na may masasayang rides. Ngunit bakit nga ba iilan lamang ang mas
pinipiling pumunta sa moseo kesa pumunta sa mga masasayang destinasyon sa ating
bansa. Marahil may magandang dahilan ang mga taong nakapunta na sa mga moseo,
dahilan kung bakit natin tangkilikin pa ang ating mga moseo sa bansa.
Layunin ng Pag-aaral
Maipakita ang mga kadahilanan ng pagtangkilik ng iba’t ibang tao sa mga moseo.
Kahalagahan ng Pag-aaral
A. Para sa sarili
Ang kahalagahan ng pagaaral para sa pang sarili ay upang magsisilbi itong
dagdag kaalaman tungkol sa makasaysayang sining ng ating bansa. Hindi
makakaila na isang malaking parte ang sining sa ating pang araw araw na
pamumuhay, hindi rin mawawala ang pag aaral ng iba’t ibang porma ng sining sa
iba’t ibang kurso.
Ang bawat kurso ay hindi makakailang mayroong sining na nakadikit sa
bawat gawain dahil parte na ito ng ating pamumuhay at maging na rin ng ating
pagkatao. Ang mga moseo ang sumasalamin sa lipunang kinatatayuan nito at ang
sumasalamin sa mga tao na nakatira rito, kung kaya’t mahalaga sa bawat isa ang
pagkilala sa ating moseo.
B. Para sa kapwa mag-aaral
Ang kahalagahan ng pagaaral para sa kapwa mag-aaral ay upang sila’y
mahikayat na mas tangkilikin at bisitahin ang mga makasaysayang moseo kaysa
sa mga kilalang parke, malls at iba pang lugar na kanilang pinupuntahan upang
magsaya kasama ang pamilya at mga kaibigan. Mahalaga rin na magkaroon sila
ng hilaw na kaalaman sa kasaysayan ng sining at sa mga national artist sapagkat
parte sila ng lipunang nagpapahalaga rito.
Magsisilbi rin itong dagdag sa kanilang kaalaman sa labas ng kanilang kurso na
hindi nag tatalakay gaano patungkol sa mga makasaysayang sining na mahalaga
na malaman ng isang estudyante sa aspeto ng pagiging makabayan.
C. Para sa Administrasyon (FEU)
Ang kahalagahan ng pag-aaral para sa administrasyon ay upang buksan ang
kanilang kaisipan sa importansya ng sining sa bawat mag aaral na nag aaral sa
FEU. Upang magkaroon ng ideya na pahintulutan ang mga estudyante ng FEU na
mag fieldtrip sa mga makasaysayang moseo at mas lumawak pa ang kaalaman sa
ksaysayan ng sining ng pilipinas.
Dagdag kaalaman sa administrasyon patungkol sa kahaagahan ng sining sa
bawat kaalaman ng bawat estudyanteng nag aaral sa FEU. Mas lumawak pa ang
kanilang ideya sa aspeto at pag aaral ng sining at ng mga makasaysayang gawa n
gating mga makasaysayang artist na mahalang parte ng pagiging mamamayan ng
isang estudnyante sa ating bansa.
D. Para sa Lipunan
Ang kahalagahan ng pag-aaral para sa lipunan ay para magbigay dag-dag
kaalaman sa aspeto ng sining, at mas mapadami pa ang mga tumatangkilik sa
ating Pambansang Moseo. Sa pamamagitan nito mas lalaganap ang mga
impormasyon tungkol sa magandang naidudulot ng moseo sa mga mamamayang
bumibisita dito at mas marami ang mahihikayat at tatangkilik sa mga moseo.
Mahalaga ring malaman ng bawat mamamayan ang kasaysayan sa
pamamagitan ng pagtangkilik sa mga moseo upang madagdagan ang kanilang
kaalaman sa kung ano ang mga kultura nuong panahon at mapanatili nila ang
ating orihinal na kultura. At maipalaganap ang mensaheng ating pahalagahan ang
moseo para sa susunod pa nating henerasyon.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Museo- isang gusali na kung saan matatagpuan ang mga mahahalagang bagay na
makasaysayan.
Masterpiece- nagtutukoy ito sa pinakamahusay na gawa ng isang tao.
Mitolohiya- isang palaalamatan o mga kwentong pinaniniwalaan lalo na ng mga taong
nabibilang sa mga relihiyosong grupo o kultura at tradisyon.
Museolohiya- Mga pag-aaral tungkol sa mga museo.
Preperensya- Ito ay ang kagustuhan o pagkagusto ng higit kaysa sa iba.
Sining- Ito ay maaaring maging isang paksa o pag-aaral na may kinalaman sa kultura ng
mga tao.
Skalptura/ Iskultura- isa ito sa mga sangay ng sining biwsal na naisasagawa ng tatlong
dimensyon.
Imprastraktura- Ito ay ang mga gusali na dinadaanan ng buwis.
Kritiko- Mga taong nagbibigay ng kanilang mga sariling kumento o pag-unawa sa isang
bagay.
Litratista- Ito ay ang tawag sa taong tagapagkuha ng mga litrato.
Saklaw at Limitasyon
Ang mga napiling bigyan ng survey ay 30 na estudyante ng FEU. Upang ating makita
ang kanilang iba’t ibang preperensya kung bakit nila tinangkilik o binisita ang moseyong
kanilang napuntahan. Mas malilinawagan tayo sa kanilang preperensya sa pagkat sila na
mismo ang nakatunghay kung ano ang ekspiryens na kanilang natamo sa pag bisita ng
moseyo. Sa pag bibigay ng mga survey sa mga estudyante at sa mga may trabaho na,
samo’t saring preperensya ang mailalahad kung kaya’t naglista lamang nang sampung
mga kadahilanan.
Nilimitahan lamang ang mga preperensya sa sampo upang mas spesipikong mga
kadahilanan lamang ang pagpipilian. Ito ay mag bibigay impormasyon sa kung ano ang
mayroong pinaka malaking porsyentong dahilan kung bakit nila tinangkilik ang moseong
napuntahan. At makikita din dito kung ano ang pinaka may mababang porsyento ng
dahilan ng kanilang pag tangkilik.
Sa pag bibigay ng survey sheet na mayroong mga nakalahad na legends at panuto
kung papaano nila sasagutan ang binigay na survey sheet, ang mga napiling respondents
ay malayang ilagay ang kanilang personal na impormasyon sa na sabing survey sheet. Sa
survey na ito nakasalalay ang mga mapipiling kadahilanan ng pagtangkilik ng mga tao sa
mga moseo.
Daloy ng Pag-aaral
Sa introduksyon tinalakay ang iba’t ibang key terms na makikita sa pag aaral na ito
ang kahalagahan at sinisimbolo ng bawat salita sa pamagat ng pananaliksik. Tinalakay rin
dito ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng aming paksa na mga moseo sa bansa, kung
ano ang ugat at nag udyok sa suliraning ito at kung papaano makakatulong ang mga
mamamayan sa pag resolba nitong suliranin. Sumunod ang pag lalahad ng layunin ng pag
aaral na ito na upang malaman ang mga kadahilanan kung bakit tinatangkilik ng mga tao
ang mga moseo na makakahikayat sa ibang mamamayan na tangkilikin din ito at
suporthana ang layunin ng mga moseo na panga-ingatan ang mga sining nga mga artist n
gating bansa. Sunod na tinalakay ang mga kahalagahan ng pananaliksik na ito sa pang
sarili, sa kapwa mag aaral, sa administrasyon ng Far Eastern University, at pati na rin ang
kahalagahan nito sa bawat mamamayan sa lipunan. Tiyak na mahalaga ang pananaliksik
na ito sa bawat isa. Sunod na tinalakay ang depinisyon ng mga salitang malalalim at hindi
pamilyar na mga salitang ginamit sa pag aaral na ito upang maging gabay na rin sa
mambabasa ng pananaliksik na ito.
Kabanata II. Rebyu ng mga kaugnay na literatura
A. MUSEYO
Ayon sa New World Encyclopedia (2014) sa Ingles, ang salitang museum ay
nanggaling sa salitang latina na "museum" o "musea" ito ay nanggaling sa griyegong
mouseion na naglalarawan sa isang lugar o templo na ginagawa para sa muses (mga
patron ng kamahalan ng Griyegong mitolohiya ng sining). Ang museyo ay isang
"permanenteng institusyon" ng pagseserbisyo ng lipunan at ng pag-unlad nito. Ito ay
bukas para sa publiko na nagtataglay, nagrereserba, nagtutuklas, nagbibigay ng
komunikasyon at nagpapakita ng mga dahilan ng pag-aaral, edukasyon, pag lilibang, at
mga makasaysayang ebidensya ng tao at ng kanyang lipunan.
Ngayong modernong panahon kilala ang mga museyo sa mga nakakaaliw na
larawan, paintings at mga skalptura at iba pang porma ng sining. Kung titignan sa
mababaw na aspeto ang papel ng museyo sa bayan, ito ay pinupuntahan lamang upang
mag pa litrato at maaliw sa mga kilalang gawang sining ng mga kilalang artist. Ngunit
mayroon pang mas malalim na papel ang mga museyo kung titignan natin ang
kasaysayan nito. Hindi lamang ito lugar na kung saan nakaimbak ang mga importnateng
sining ng mga makasaysayang artist, kung hindi ito ay koleksyon ng mga ibedensya ng
kulturang nirerepresenta ng isang nayon. Mahalaga na maunawaan natin ang pinagmulan
ng bagay na ating pag-aaralan upang alam natin kung ano ba talaga ang mga nag-udyok
upang ito ay mabuo.
Ayon sa Dictionary of American History (2003) Ang museyo ang kumakatawan sa
mukha ng buhay ng mga mamayanang nakatira sa isang komunidad, lipunan, bansa at
maging na rin ng mundo sa pamamagitan ng interpretasyon ng mga bagay na bunga ng
karanasan o mga nangyayari sa paligid ng isang artist. Ang mga institusyong ito ay
naayon sa mga museyong nakabase sa komunidad. Isa na dito ang Pambansang Museyo
ng Hapones at Amerikano sa Los Angeles, at Museyo ng Kasaysayan ng Chinatown, at
Museyo ng Timog Kanlurang Tenento sa New York City, hanggang sa mga museyong
bahay katulad ng Mocent Venon at Monticello. Sa lahat ng pagunlad ang mga
makasaysayang tanawin, mga muling pinatayong bayan, at mga village kagaya ng Boston
African American National historic site at ang maka saysayang pambansang parke ng
lowell sa massachusetts. Mayroon ding Pambansang Museyo ng Sining at Agham na
kung saan kasali ang Pambansang Museyo ng Institusyong Smithsonian. Ang iba't ibang
uri ng mga museyo ay nag papatunay na kailangan nating ipakita ang iba't ibang
paglalarawan ng mga makasaysayang pangyayari na nagbibigay kahalagahan sa sining at
kultura ng isang bansa.
Mahalaga ang museo sa isang komunidad dahil ito ang masining na pag sasalamin
ng kasaysayan ng bawat isang bayan. Hindi ito nawawala sa isang bayan kagaya ng mga
nabigay na halimbawa ng mga museo sa iba't ibang lugar. Maaari rin nating kilalanin ang
museyo bilang isa sa mga haligi ng ating kasaysayan. Ang pangongolekta ng mga
museyo sa mga painting, iskalptura at iba pang masining na artifacts na gawa ng ating
mga pambansang artist ay isang pamamaraan upang mas ma preserba ang kasaysayan
para sa mga susunod pang henerasyon. Mahalagang malaman ng bawat mamamayan ang
depenisyon at importansya ng isang museyo upang ito ay hindi baliwalain at kalimutan
na lamang ng isang nasyon.
Ayon kay G. Lewis (2014) Kasabay ng pagkilala sa importansya ng museyo sa
isang lipunan, nagkaroon ng pagunlad sa pagaaral ng mga museyo na tinwag na
“museology” o museyolohiya. Dahil sa maraming kadahilanan ang pagaaral na ito ay
mabagal na umuunlad, dahil na rin sa kakulangan sa mga eksperto at interesado sa mga
museyo. Ang mga taong nag tratrabaho sa loob ng isang museyo ay ekspiryensado at
dumaan sa isang spesipikong pagsasanay na mas nag bibigay pansin sa disiplina ng
pangongolekta, kung kaya meron silang hilaw na pagunawa sa kabuuan ng isang museyo
at ang mga kalakaran at ang importnasya nito sa lipunan.
Sa pag unlad ng pagkakakilala sa importnasya ng mga museyo ay nag bunga ng
mga iilang pagbabago sa epektibong pangangalaga sa mga sining ng mga makasaysayang
artist, isa na ang pag didisiplina sa mga nagtratrabaho dito. Malaki ang parte ng mga nag
tratrabaho dito sa araw araw na pag bubukas ng museyo sa pampublikong masa dahil sila
ang may responsibilidad sa pangangalaga ng mga makasaysayang sining. Sila rin ang
bahala sa pag protekta ng mga orihinal na sining ng ating kasaysayan. Malaking
prebelehiyo at kasabaya nito ang mabigat na responsibilidad ang pagtratrabaho sa loob ng
isang museyo.
B. TAO
Ayon sa Arts and Culture and Introduction to the Humanities (2002) Tayong mga
tao ay pumupunta sa mga pampublikong parke, upang magtaka at pag-isipan ang isang
estatwa sa harap ng isang gusali at sumayaw sa galak habang gabi. Lahat ng sitwasyong
ito ay tinatawag na “sining” at ginagawa natin ito, ginagawa sa pang araw-araw. Sa pag-
iisip sa sining na ito, ito ay nananatiling misteryo. Simula nang mga tao ay nagsimula,
natutunan natin ang mundo at ang tungkulin nito. At naiba ang ating paraan ng
pamumuhay. Subalit ang mahahalagang katangian ng pagiging tao at ang simbolo nito ay
hindi nagbago. Ang sining ay nananatiling pruweba ng ating nakaraan, ipinapakita dito
ang hindi nabagong katangian nating mga tao. Tinutulungan tayo nito maintindihan ang
mga paniniwala sa kultura, kasama na ang ating sariling paniniwala at kung paano nito
ipinapahayag ang pangkalahatang katangian ng mga tao.
Likas sa ating mga tao ang pag-appreciate ng sining sa ating pang araw araw na
buhay. Maging sa mga sina unang tao ay likas na ang pag gawa ng mga chants o mga
awitin na ginagamit nila upang ilahad ang taos pusong pasasalamat at pagsasamba sa
kanilang diyos. Maging sa modernong panahon ang mga tao ay likas ng namumuhay
ayon sa iba’t ibang sining na nakapaligid sa kanila. Simpleng pakikinig sa mga awitin sa
radyo, pagsabay ng pagsayaw sa mga tugtugin sa paligid, pag kritiko ng mga
empraestruktura ay isang paraan ng pakikiisa sa sistema ng sining. Hindi mawawala ang
sining sa isang spesipikong kultura at relehiyon dahil gamit ang sining mas nailalahad ng
mga taga sunod ang kanilang malakas na pananampalataya sa kanilang pinaniniwalaan.
Ayon kay D.Sporre (2013) Ang sining ay may kasamang komunikasyon. Ang
isang pintor ay nangangailangan ng kanyang pagsasabihan sa kanyang pang-unawa sa
bagay-bagay. Kapag ang sining at ang tao ay nag-ugnayan maraming posibilidad ang
pwedeng mangyari. Ang ugnayan ay maaaring kaswal at panandalian parang sa pagkikita
ng dalawang tao kapag ang isa o parehas ay hindi interesado sa isa’t isa. Katulad ng isang
pintor na wala masyadong gustong isaad o di ito mailahad ng maayos. Halimbawa ay ang
isang role play, kapag ito ay hindi napaghandaan o di maganda ang istorya hindi ito
mahahanapan ng gana ng mga tao para panoorin ng buo. Ang pagkaabala ng manunuod
ay maaaring makaiba sa pang-unawa nito kaya nababawasan ang karanasang pang-
sining.
Ang sining ay bali wala kung wala itong maipapamahaging mensaheng kokonekta
sa buhay ng taong makakakita nito. Ang epektibong sining ay may mahabang epekto sa
perspektibo ng isang tao, dipende sa kung saang aspeto ng buhay interesado ang tao. Sa
pamamagitan ng sining maari nitong buksan ang kaisipan ng tao sa personal na
pilosopiya ng isang artist. Ang bawat sining ay may iba’t ibang interpretasyong galing sa
iba’t bang tao o kritiko mababaw man o malalim. Iba iba ang epekto ng sining sa mga tao
may iba ay na ririlaks at ang iba naman ay nakaka relate sa lungkot o sa saya ng
mensaheng dala ng isang sining dahil napag papareho ng tao ang kanyang buhay sa
nakikitang sining.
Ayon sa Tourism Business Frontiers (2006) Ang mga tao sa kasalukuyang
panahon ay namumuhay ng mayaman sa pera ngunit kapos sa oras. Dahil sa kulturang
pag tratrabaho ng mahabang oras para sa pamilya, nag bubunga ito ng pag kagusto ng
mga tao ng bago at mas magandang kalidad ng entertainment at pagkakaabalahan.
Karamihan ng mga tao ngayon ay mas pinipili ang mataas na kalidad at maikling
panahon lamang ang kinakailangan para makumpleto ang isang outing o aktibidad sa
kadahilanan ng maikling panahon ng pagpapahinga sa trabaho. Ayon kay Rojek (1993)
Ang apat na uri ng turismo at marangyang atraksyon na kilala sa "landscape of
postmodernism" ay ang mga sumusunod: 1. Theme parks 2.Literary Landscapes 3.
Blackspots at 4. Heritage sites. Maraming heritage sites ang mas nag bibigay pansin sa
magarbong bersyon ng kasaysayan na mas napapansin at na gugustuhan ng mga tao kesa
sa edukasyong aspeto ng isang makasaysayang lugar. Madalas ring i-kritik ang mga
museyong unti unti ng nagiging theme parks sa kadahilanan na rin ng kanilang pakikipag
kompitensya sa iba pang uri ng mamahaling atraksyon na pumapanahon sa gusto ng
kanilang mga consumers na mas maging entertaining ang kanilang ekspiryens.
Marami ang nag uudyok sa mga tao upang maghanap ng masaya at hindi
makakalimutang ekspiryens sa kanilang maikling panahon ng leave sa trabaho. Madalas
pinipili ng mga mag anak ang family outing sa mga kilalang resorts sa bansa kasama na
rin diyan ang pag o-out of the country, pagpunta sa mga amusement park ng mga
magkakaibigan, at ang iba ay pinipili na lamang na mag tahan sa kanilang mga tahanan.
Dahil sa modernong panahon mas gusto na ng mga tao ang masaya at interaktibong mga
aktibidad, kung kaya ngayon ang mga moseo ay madalang na lamang bisitahin, upang
masagot ang poblemang ito ang ibang moseo ay nag rerenovate at binabago ang kanilang
straktura at na krikritiko na nag mumuka ng amusement park ang mga moseong ito.
Hindi mo man masisisi ang mga moseo sa kanilang pag babago dahil nag babago din ang
panlasa ng mga tao sa lipunan na kailangang sabayan ng mga moseo upang sila ay hindi
mapag iwanan ng panahon. Pero hindi ba dapat mas bigyang pansin ang edukasyonal na
aspeto na binibigay ng mga moseo kaysa sa pangaliw na prespektibo at makapanghikayat
lamang lalo ng mga tatangkilik sa mga moseo.
C. PREPERENSYA SA PAGBISITA SA MUSEO
Ayon kay J. Patrick (2010) Ang mga dahilan at iba’t ibang klasipikasyon ng mga
taong bumibisita sa museo ay ang mga sumusunod. Isa dito ang tinatawag na Explorers
ito ay mga likas na interesado sa mga museo, sila rin ay mausisa dahil gusto nilang
makita ang mga bagay bagay na nasa loob ng museo. Ang mga pangunahing luyunin nila
ay masiyahan sa mga arketektura at makasaysayan na larawan sa loob ng museo.Ang
mga facilitator naman ay naparito alang-alang sa ibang tao. marahil ito ay nagdadala ng
isang kaibigan o isang grupo ng mga tao - marahil kabataan o mga mag-aaral - dahil sa
tingin nila na ang pagbisita sa museo ay makikinabang ang iba pang mga partido at hindi
dahil sa isang personal na pangangailangan . Ang kanilang personal na pangangailangan
ay upang gumawa ng isang mahusay na karanasan para sa iba. Experience Seeker—
Gusto nilang makita ang bagay na iconic sa dakong yaon na gusto nilang gawin ' kung
ano ang iyong dapat na gawin sa lungsod o lugar . Maaaring kailangan nilang Makita ang
highlights ng museo upang sila ay masiyahan. Professional/ Hobbyist— Kabilang sa
kategoryang ito guro , tagapagturo, museo propesyonal, artists , at mga tao sa mga
kaugnay na mga patlang. Ang kanilang mga layunin ay maaaring saklaw sa pamamagitan
ng kanilang mga partikular na papel bilang isang propesyonal o hobbiest ; isang litratista
ay maaaring dumalo sa mga layunin sa isip upang kumuha ng litrato sa mga exhibits.
Isang sining tagapagturo ay maaaring maging interesado sa sining tulad ng kanilang mga
larangan, interes, o maaaring sila ay pagpaplano ng isang aralin, at iba pa.
Iba’t ibang personalidad at propesyon ang tumatangkilik at nais masilayan ang mga
makasaysayang sining sa Pambansang Moseo ng Pilipinas. Ang iba ay may mga
mababaw na dahilan kagaya na lamang ng naisama lang siya ng mga kaniyang kaibagan
o ang iba naman ay nais lamang na subukan ang pag bisita sa kilalang museyo. Ang mga
propesyonal naman ay nais may makuhang impormasyon sa mga makasaysayang sining
at maibahagi ito sa kanilang mga etudyante. Iba’t ibang tao ang pumupunta sa mga
museyo na dala ang iba’t ibang dahilan, layunin at ang gustong makita. Ang prebelehiyo
na maka punta sa isang moseo ay dapat may kakambal na prodaktibong layunin na
makabuluhan sa isang tao.
Ayon kay O. Smith (2014) Bakit hindi lahat ng tao ay intresado sa pag bisita sa
museo. Isa sa mga dahilan ay ang lahat ng sining na ito ay nsa internet naman ang
kahanga-hangang Google Art project na nangangahulugan na maaari mong tingnan ang
libu-libong mga masterpieces mula sa gallery sa buong mundo. Pangalawang kadahilanan
pumunta ka lamang dahil ikaw ay sinabihan. Gaya ng iba ikaw ay naingit at naki bagay
lamang sa taong nag sabi sayo na maganda ang museo na iyon kaya nagustuhan mo rin
makita ang mga bagay na nakita ng taong iyon. Ang huling dahilan ay mas magiging
masaya at intresado ang isang tao sa ibang bagay, kaysa mag appreciate ng sining sa
isang tahimik na lugar. Dahil nga ang makabagong panahon ay nakaka apekto sa mga tao
karamihan sa mga ito ay nawawalan na interes malaman ang kasaysayan at mas
gugustuhin pa nilang gumawa ng mga bagay na makakapag pasaya sa kanila. Ang mga
artipakto ay boring sa kadahilanan ng modernong panahon iba na ang panlasa ng mga tao
ngayon hindi kagaya ng dati na makaluma at makasaysayan ang gusto ng mga tao. Mas
marami sa atin ang mas gugustuhin pumunta ng mga malls kesa tumingin ng mga bagay
na hindi naman nakakaakit tignan.
May mga ilang negatibong dahilan kung bakit nababawasan ang mga
tumatangkilik sa mga museo, isa na rito ang impresyon ng mga tao sa mga museo, na ito
ay hindi masaya gawin at aksaya lamang sa oras. Nakadagdag din ang makabong
teknolohiya sa pag bawas ng mga pumupunta mismo sa museyo sa kadahilanan na rin ng
pagamit ng teknolohiya sa papamahagi ng mga larawan ng mga paintings, skulptura at
iba pang porma ng sining na kilala at mas na papadali ang pag lalahad ng mga
impormasyon ng kasaysayan nito. Dahil sa mga pagbabagong ito nababawasan ang
pagiging sentimental ng isang sining sa mga mamamayan, hindi kagaya ng unang
panahon na sagrado at kinikilala ang mga artist at ang sining nila.
Ayon kay P. O (2014) ang limang dahilan kung bakit kailangan nating mga
Pilipino na bumisita sa Pambansang Museo ay una mura at kung minsan ay libre
ang binabayarang entrance fee. Ang bayad para sa pag pasok ng matatanda ay ₱150.
At sa mga Senior citizens naman ay may discount na ₱30 at kung estudyante naman
ay ₱50 lamang. Pangalawa dahil kailangan mong makita ang spoliarium nang
malapitan.Hindi tulad ng Mona Lisa ni Louvre , ang spoliarium ng Pambansang
museo ay hindi ka bibiguin dahil sa laki nito. Ito ay ang pinakamalaking painting sa
Pilipinas na ginawa ni Juan Luna sa Roma noong taong 1884 bilang isang entry sa
Exposición de Bellas Artes (Madrid Art Exposition ), ito ay nagpapakita ng isang
eksena mula sa exit room ang Romanong Colosseum na tinatawag na " spoliarium ".
Pangatlo Ito ay nirenovate at nagkaroon pa ng iba pang mga bagong koleksiyon.
Kung ang naunang dalawang kadahilanan ay hindi ka parin nakumbinsing pumunta
doon,paano naman ang katotohanang ang museo ay nirenovate dalawang taon pa
lamang ang nakalilipas para lang maka-appeal ng mas marami pang mga bisita. Para
doon sa mga nag-skip ng parting ito sa kanilang Philippine History class, ang
Pambansang Museo ay dating bahay ng parahong House of Representatives at ang
Senado mula 1986 hanggang 1996.Nirenovate din nila ang mga lumang tanghalan
at nagdagdag ng mga bagong tanghalan. Ngayon makikita mo ang nirenovate na
Rizal Room na naglalaman ng mga iskulptura ni Dr. Jose Rizal. Ika-apat Ito ay
malapit sa ibang mga atraksiyong pangkultura. Ang Pambansang Museo ng
Pilipinas ay matatagpuan sa gitna ng Maynila. Ibig sabihin ay madali kang
makakagawa ng makabuluhang araw sa pamamagitan ng pagpunta sa mga malapit
na atraksiyon.Ipagpatuloy ang pag-explore sa mga museo sa pamamagitan ng
pagpunta sa Museong Pambata o sa Manila Ocean Park malapit sa Manila Bay.
Maari ka ring pumunta sa Intramuros. At ang ika-lima dahil ito ay higit sa 100 taon
na, Ito ay narito na noong digmaang pandaigdig I at II, nabomba pa ito noong 1945
sa Laban ng Maynila. Laking pasasalamat noong ito ay na-reconstruct noong 1946.
Tiyak na nagtagal sa mahabang panahon at dumaan sa maraming bagay ang ating
Pambansang Museo. Sa pag aaral na ito ang mga nabanggit na dahilan ay naging dagdag
kaalaman sa atin tungkol sa pinagdaanang pagbabago ng ating Pambansang Museo at
kung paano mas naging makasaysayan at napagtibay nito ang ating museo sa
pangkasalukuyang panahon. Inilahad rin dito ang murang singil ng entrance fee sa mga
estudyante at maging na rin sa mga senior citizen na dahilan na rin nang paghihikayat ng
museo sa mga estudyante na mas tangkilikin pa ang sariling sining ng Pilipinas. Ang
kilalang “Spoliarium” ni Juan Luna ay isang malaking kadahilanan na upang bisitahin
ang Pambansang Museo ng Pilipinas.
Kabanata III. Metodolohiya ng pagaaral (interview day FRIDAY)
Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay pinagsamang kwalitatibo at kwantitatibo.
Kwantitatibo dahil gumamit ito ng survey na magbibigay ng resulta ukol sa pag pili
ng mga nabigyan ng nasabing survey kung ano ang kanilang pinaka gustong dahilan
at ang least na kanilang dahilan ng pag tangkilik sa napuntahang moseyo. Ang mga
napiling bigyan ng survey ay ang 30 estudyante ng FEU Manila na galing sa iba’t
ibang kurso, at iba’t ibang batch na nakapunta na sa museyo at least isang beses sa
kanilang buhay.
Ang pag aaral na ito ay kwalitatibo rin dahil nag interview ang mga researchers
ng mga piling propesyonal na tao na nakapunta na rin sa moseyo. Ang mga napiling
interviewhin ay mga propesor sa
Respondente
10 BS ARCHI
7 BS TOURISM
3 BS HRM
7 BM
3 IA
Instrumento ng pananaliksik
-survey - interview
Tritment ng Datos
Ano ang ginawa sa datos?
Tally
pinagsamasama
Kabanata IV. Presentasyon at interpretasyon ng datos
CHART
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0%
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
ALIW
ALIW
ALIW
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
PRESYO
PRESYO
PRESYO
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
LOKASYON
LOKASYON
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
10
20
30
40
50
60
KAGANDAHAN
KAGANDAHAN
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
50
KASIKATAN
KASIKATAN
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
50
KASIKATAN
KASIKATAN
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
50
HILIG
HILIG
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
10
20
30
40
50
60
REQUIREMENT
REQUIREMENT
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
STRESS RELIEVER
STRESS RELIEVER
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
PINAKAMABABA MABABA MATAAS PINAKAMATAAS0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
50
INSPIRASYON
INSPIRASYON
First parag: words galling sa survey
Tatlo ang nag sabi na hindi importunate anim naman na repondente ang…
Second parag: interview
Interviewee
After critic focus sa pinaka importante
Kabanata V. Konklusyon at rekomendasyon
SUMMARY
A masterpiece. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kung bakit tinatangkilik ng
mga tao ang mga museo. Base sa aming gingawang pag-aaral iba’t iba ang mga
dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa mga museo. Kabilang dito ang
presyo, kung ito ba ay may abot kaya na entrance fee. Lokasyon, ang museo ay
malapit sa tinitirhan ng mga tao. Maging ang kagandahan ng museo at ang
pagbibigay nito ng aliw sa mga tao ay nagiging dahilan din nila. May mga tao
din na pumupunta dito dahil gustong makita ang mga makasaysayang gawa ng
ating mga national Artist. May mga tao ding mahilig lang tumangkilik ng sining
kaya sila naeengganyong pumunta o di kaya ito ay nirequire ng kanilang
paaralan para puntahan ito. Ginawa din itong pampawi ng stress at pagod.
Pumupunta rin sila rito upang magkaroon ng inspirasyon sa paggawa ng
kanilang sariling sining. Ngunit dahil na rin sa modernong teknolohiya
maraming mga Pilipino ang nawawalan ng interes pumunta sa mga museo,
ang ilan sa kanila ay walang oras dahil na rin busy sa kanikanilang mga
trabaho.
Lagom konklusyon at rekomendasyon
Summary (2-4pages)
(Nilalaman: Chap1, results, findings
Intro: Suliranin, layunin, kahalagahan, saklaw/limitasyon metodolohiya
Instrumento
Konklusyon- personal (1-2pages)
-Realizations
-moral lesson
Rekomendasyon- Ano ang kulang (1-2pages)
-Go back to your saklaw
Kabanata VI. Mga sanggunian
Aesthetic CommunicationDennis J. Sporre© 2013, 2010, 2007 by Pearson Education Inc.UPPER SADDLE RIVER, NEW JERSEY 07458
ARTS AND CULTURE AN INTRODUCTION TO THE HUMANITIESJanetta Rebold Benton Robert DiyanniUPPER SADDLE RIVER, NEW JERSEY 07458© 2002 by Pearson Education, Inc
National museum of the PhilippinesAuthor: Paola ODate published: July 25 2014Source: http://insights.looloo.com/visit-the-national-museum-of-the-philippines/
Dictionary of american history (2003)Copyright 2003 the gale group inc.Museums
History of Museums (2014)Geoffry D. Lewishttp://www.britannica.com/topic/history-398827
Mga dahilan kung bakit tayo bumibisita sa museoAuthor: Jehra Patrickdate: January 5 2010link: http://blogs.walkerart.org/ecp/2010/01/19/why-do-we-go-to-museums/
Bakit hindi lahat ng tao ay intresado sa pag bisita sa museoAuthor: Oliver Smith. (Digital Travel editor)Date: 19 AUGUST 2014 • 12:00AMLink: http://www.telegraph.co.uk/travel/lists/21-reasons-why-I-hate-museums/
Tourism Business frontiersDimitrios BuhalisCopyright (2006) Elsevier ltd.p.220 Melanie smith
New World Encyclopedia (2014)Gurmeet Singh DangPubisher: Gurmeetweb Technical Labshttp://www.newworldencyclopedia.org/entry/Museum