fil presentation[1]

26
Tan, Sharyna Medriano, Karen Sison, Tom Morales, Miguel Maria, Ang Iyong Anak

Upload: tom-sison

Post on 22-Nov-2014

380 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Fil Presentation[1]

Tan, SharynaMedriano, KarenSison, TomMorales, Miguel

Maria, Ang Iyong Anak

Page 2: Fil Presentation[1]

SIMULA: Si Maria ay pinakilala bilang isang dating tindera ng kandila sa harap ng simbahan ng Quiapo. Siya’y pinakitang tinaggap ang alok na pangongolekta ng kotong ng pulis para maitaguyod ang anak na si Jesus.

Banghay

Page 3: Fil Presentation[1]

TUNGGALIAN: Nagbalak ang kanyang anak na si Jesus na ipagtanggol ang mga maliliit at naaapakan sa lipunan sa pamamagitan ng isasagawang rally kasama ang iba pang mga mag-aaral, hindi siya sang-ayon ngunit walang nagawa sa pamimilit ng anak.

KASUKDULAN: Dalawang rally ang nagdaan. Sa parehong kaganapan, maraming sugatan at naghingalo dahil sa marahas na paghaharap ng mga mag-aaral at mga pulis. Nakita niyang pataysi Jesus sa isang estero.

Page 4: Fil Presentation[1]

 KAKALASAN: Kinukuha sa kanya ng mga

pulis ang bangkay ni Jesus, siya’y ikinaladkad ng mga ito habang kanyang pinagmumumura, nilait, at inalipusta. Ito ang pagkamulat ni Maria at magiging pagbabago niya.

WAKAS: Hindi natin alam kung ano ang kanyang kinahinatnan pagkatapos siyang kunin ng mga pulis ngunit masasabing siya’y namumuhi sa mga ito at maging katulad sa kanyang anak na galit sa gobyerno ay ipaghiganti ang kanyang pamilya.

Page 5: Fil Presentation[1]

TAUHAN

Page 6: Fil Presentation[1]

Maria-matanda na

-hirap sa buhay,dating tindera ng kandila sa Quiapo bago maging tagakolekta ng kotong ng mga pulis

-mapagmahal at mapagsakripisyo sa anak

-malaki ang pangarap para sa anak

- naghahangad ng magandang buhay

Page 7: Fil Presentation[1]

JESUS

-anak ni maria-matalino-mapagmahal sa bayan-may prinsipyo-matapang-gustong maging katulad ng kanyang ama

Page 8: Fil Presentation[1]

JOSE

-asawa ni maria-manggagawa-marangal-matapang-matatag ang loob-may prinsipyo-malaki ang pangarap para sa anak

Page 9: Fil Presentation[1]

Pulis-mga sakim at ganid sa pera, kabilang sa mga diyus-dyosan ng lipunan

Kabataan-mga estudyanteng naghahanap ng pagbabago

Lida-dalaga na nakaranas ng karahasan ng mga pulis, inosente, maganda

Page 10: Fil Presentation[1]

GUMAMIT NG MGA FLASHBACK ANG MAY-AKDA.

JOSE: ipinakilala si Jose bilang isang marangal na manggagawa sa pabrika ng kendi.

Dito isinalaysay ang kanyang pag-aaklas sa pamunuan ng pabrika at sa pagkakatagpo sa kanyang bangkay sa estero.

LIDA : ipinakilala si Lida bilang isang dalagitang nagbebenta ng sampagita sa Quiapo.

Dito isinalaysay ang pagdampot sa kanya ng mga pulis at ang pagkawala niya ng ilang araw.

Page 11: Fil Presentation[1]

Ilang mga pagsusuri:

Page 12: Fil Presentation[1]

Nagkakaiba ang mga prinsipyo nina Maria at Jesus sa isa’t isa.

Ngunit sa huli, nakita natin na nagising si Maria sa kanyang sariling kamalian at nabuksan ang kanyang mga mata na tama ang ipinaglalaban ni Jesus na katarungan

Si Jose ay naging impluwensiya ni Jesus sa kanyang mga hangarin.

Page 13: Fil Presentation[1]

Sagrada Familia vs. AkdaMARIA-Pagkakatulad: Handang gawin ang lahat para kay Jesus.

-Pagkakaiba: ang Maria sa akda ay nagawang pasukin kahit na ang masamang gawain para sa pangarap parakay Jesus

Page 14: Fil Presentation[1]

JOSE

-Pagkakatulad: Pangarap ang isang magandang kinabukasan para kay Jesus.

-Pagkakaiba: Hindi tulad ni Jose sa Sagrada Familia na pumayag sa pagsuhol ng Diyos sa kanya na tanggapin si Jesus bilang anak upang ito’y ‘di mamatay, ang Jose sa akda ay may paninindigan na ating nakita sa pagtanngi sa suhol ng may-ari ng pabrika.

Page 15: Fil Presentation[1]

JESUS

-Pagkakatulad: Handang isakripisyo ang buhay para sa tama at para sa ikabubuti ng lahat

-Pagkakaiba: Hindi tulad ng Jesus sa Sagrada Familia, ang Jesus sa akda ay lumalaban sa mga nanggigipit sa lipunan.

Page 16: Fil Presentation[1]

Ang panaginip ni Maria ay isang imahen sa tula.

 Nasa gubat kasama ang anak (si Jesus at mga kaibigan, Jose at mga katrabaho, at si Lida, mga pulibi’t mga sidewalk vendor)

Inatake sila ng mga mababangis na hayopBukal- ang nais kunin sa kanila na

nangangahulugang katarunganNaglaban ang dalawang grupo at unti-

unting nasawi ang kanyang mga anakHanda siyang pumatay para sa

ipinaglalaban

Page 17: Fil Presentation[1]

Ang mga mababangis na hayop ay ginamit na imahen para sa mga matataas sa lipunan na nanggigipit sa mga maliliit.

Ang bukal ay ginamit na imahen para sa kanilang katarungan, dignidad at kapayapaan ng loob.

Page 18: Fil Presentation[1]

Ikatlong katauhan; limitedNakilala si Maria sa iba’t ibang aspeto.

Nasuri ang lahat ng aspeto ni Maria bilang pangunahing tauhan.

Nakikita sa kwento ang takbo ng isip ng tauhan.

Maria = sagisag ng mga magulang na nagpapadala sa oportunismo at korupsyon umiiral sa lipunan..

Punto de Bista

Page 19: Fil Presentation[1]

Bibliya: Ipinaubaya ni Jesus kay Juan ang kanyang ina at kay Maria ang kaibigan si Juan.

Akda1) Pagkamulat ng mata ni Maria sa mga

kaganapan at pagsisimula ng kanyang bagong paninindigan

2) Para sa mambabasa na tanggapin ang mga kabataang lumalaban at handang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Maria, Ang Iyong Anak

Page 20: Fil Presentation[1]

-urbanismo

-dehumanisasyon

-erotisismo

-antinomyanismo (laban sa piyudalismo at imperyalismo)

Bakit moderno?

Page 21: Fil Presentation[1]

Mataas ang pagtingin ni Maria sa kanyang asawa na namatay bilang isang bayani sapagkat may prinsipyo ito at nasa katwiran pero siya bilang asawa at ina ay nagawang maging imoral.

Tinuturing niyang biyaya ng Nazareno ang alok ng mga pulis sa kanya samantalang ang gawain na iyon ay masama.

Kabalintunaan

Page 22: Fil Presentation[1]

Tagpuan:

Panahon: maaaring naganap sa mga pagitan ng mga huling taon ng dekada ‘60 hanggang sa mga unang taon ng dekada ’70

“Battle of Mendiola Bridge”Pook: Kamaynilaan, partikular na sa

Quiapo

Pinapakita sa akda ang mga pinagdaraanan ng mga mahihirap at minumulat ang mga mambabasa sa realidad.

Page 23: Fil Presentation[1]

Isinilang sa Bay, Laguna noong ika-13 ng Mayo 1942

Ama: Dominador VirtusioIna: Antonina PasayanPang-apat sa walong magkakapatid: Amado,

Renato, Romeo, Nelia, Dominador Jr., Lydia, at Celia

5 taong gulang: nanirahan sa National Bilibid Prison Reservation sa Muntinlupa

1969: Ikinasal kay Susana Clemente, isang katrabaho

Wilfredo Pa. Virtusio

Page 24: Fil Presentation[1]

Edukasyonsa Muntinlupa nagtapos ng elementarya at

hayskul.1959: Literary editor ng ChanticleerAB English sa MLQUPinangaralan ng Distinguished Alumni Award

sa Muntinlupa High School

Wilfredo Pa. Virtusio

Page 25: Fil Presentation[1]

Trabaho1965-1979: tagasalin sa Foster Parents Plan Sa mga taong iyon, nakapagsulat ng mga

akda para sa Philippines Free Press sa Wkiang Filipino, Liwayway, Taliba, at UE Dawn

Naging scriptwriter sa programang pang telebisyon na Metro Magazine

Nagsulat ng mga dulang “Vida” at “Daga sa Hawla”

Wilfredo Pa. Virtusio

Page 26: Fil Presentation[1]

Ilan sa mga akda:Bilanggo (nagwagi ng unang gantimpala

noong 1969)SenkaMaria, Ang Iyong AnakVoice Tape

Namulat sa “impluwensiyang praktikal” mula sa mga bilanggo: ilan sa mga akda’y tungkol sa daigdig ng mga bilanggo (tao rin sila kahit na sila’y mga nakakulong)

Wilfredo Pa. Virtusio