fil27-modyul 2

6
ANG KULTURA AT PANITIKANG HAPON Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging maganda ang nakaraan sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang dalawang bansa sa isa’t isa hanggang sa kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang ilang produktong Hapon (o may kinalaman dito) tulad ng mga Anime, ang fast food na Tokyo Tokyo, ang pagkaing sushi, ang larong Game Boy Advance, at mga palabas na may kinalaman sa kultura ng bansa. Sa kabilang banda, walang sawang tinutulungan ng bansang Hapon ang ating bansa sa patuloy nitong pakikipaglaban sa kahirapan. Isa sa pinakamaunlad na bayan sa Asya ang bansang Hapon. Isa rin ito sa pinakakilalang bansa sa Asya. Nangunguna ang bansang ito sa larangan ng teknolohiya at hindi pahuhuli kung pagpapauso ang pag- uusapan, lalung-lalo na sa mga makabagong kagamitan. Hindi nakapagtataka kung bakit mayaman ang bansang ito sapagkat hindi matatawaran ang pagiging malikhain ng mga Hapon. Kitang-kita rin ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng kanilang panitikan. Noon pa man, ang panitikan ng mga Hapon ang isa sa pinakaginagalang na panitikan sa buong Asya. Ito ay kalimitang nasa anyo ng tula, dula ta kuwento. Malaki rin ang impluwensiya ng relihiyong Shintoismo sa kanilang panitikan. Ilan sa mga tanyag na halimbawa ng panitikan ng mga Hapon ay ang Man’yoshu (The Collection of Ten Thousand Leaves) at ang sikat na nobela ni Murasaki Shikibu na Tale of Genji. Nagmula rin sa bansang hapon ang tanyag na Dulang Noh. Isa itong uri ng dulang pantanghalan na hinahaluan ng Sarukagi (Shinto rituals) at Dengaku (acrobatics with juggling). Ang mag-amang sina Kanami at Zeani ang sinsabing nagpasikat ng dulang ito.

Upload: lesleigh-ochavillo

Post on 07-Sep-2015

204 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

Modyul sa FIL27. St. Rita's College of Balingasag

TRANSCRIPT

ANG KULTURA AT PANITIKANG HAPON

Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging maganda ang nakaraan sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang dalawang bansa sa isat isa hanggang sa kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang ilang produktong Hapon (o may kinalaman dito) tulad ng mga Anime, ang fast food na Tokyo Tokyo, ang pagkaing sushi, ang larong Game Boy Advance, at mga palabas na may kinalaman sa kultura ng bansa. Sa kabilang banda, walang sawang tinutulungan ng bansang Hapon ang ating bansa sa patuloy nitong pakikipaglaban sa kahirapan.Isa sa pinakamaunlad na bayan sa Asya ang bansang Hapon. Isa rin ito sa pinakakilalang bansa sa Asya. Nangunguna ang bansang ito sa larangan ng teknolohiya at hindi pahuhuli kung pagpapauso ang pag-uusapan, lalung-lalo na sa mga makabagong kagamitan. Hindi nakapagtataka kung bakit mayaman ang bansang ito sapagkat hindi matatawaran ang pagiging malikhain ng mga Hapon.Kitang-kita rin ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng kanilang panitikan. Noon pa man, ang panitikan ng mga Hapon ang isa sa pinakaginagalang na panitikan sa buong Asya. Ito ay kalimitang nasa anyo ng tula, dula ta kuwento. Malaki rin ang impluwensiya ng relihiyong Shintoismo sa kanilang panitikan.Ilan sa mga tanyag na halimbawa ng panitikan ng mga Hapon ay ang Manyoshu (The Collection of Ten Thousand Leaves) at ang sikat na nobela ni Murasaki Shikibu na Tale of Genji. Nagmula rin sa bansang hapon ang tanyag na Dulang Noh. Isa itong uri ng dulang pantanghalan na hinahaluan ng Sarukagi (Shinto rituals) at Dengaku (acrobatics with juggling). Ang mag-amang sina Kanami at Zeani ang sinsabing nagpasikat ng dulang ito.Iba ang dulang ito sa pangkaraniwang dula sapagkat kalimitan itong ginagamitan ng pamaypay at maskara habang itinatanghal. Kapansin-pansin din ang kakaibang ayos ng entablado sa dulang ito na may tatlong pasukan at labasan. Kalimitan ding makikita ang larawan ng puno ng pino sa entablado. Ang musika naman ng dulang ito ay nagmumula sa mga musikerong tumutugtog sa loob mismo ng entablado, gamit lamang ay plawta at tambol.Sa kabuuan, ang Dulang Noh ay maituturing na hindi gaanong madramang dula. Ang kagandahan nito ay makikita sa kakaunti at pinong galaw ng mga nagtatanghal at sa musika at sayaw na naghahari sa entablado kapag itoy itinatanghal.

Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais ipabatid nito.

TankaHaiku

Katapusan ng Aking Paglalakbayni Oshikochi MitsuneIsinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Napakalayo pa ngaWakas ng paglalakbaySa ilalim ng punoTag-init noonGulo ang isip.Tutubini Gonzalo K. Flores

Hila moy tabakAng bulaklak nanginigSa paglapit mo.

Naghihintay Akoni Prinsesa NukadaIsinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Naghintay ako, ooNanabik ako sa yo.Pikit-mata nga akoGulo sa dampiNitong taglagasAnyayani Gonzalo K. Flores

Ulilang damoSa tahimik na ilogHalika, sinta

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at HaikuIsinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng ibat ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.

Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ngHapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay hiram na mga pangalan.

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumput isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isat isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saanlilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.

Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.

Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigaydaan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas.

Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay palaka na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay unang ulan sa pagsisimula ng taglamig. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku

Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumput isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumput isang pantig pa rin. Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.

Tanka ni Ki no TomonoriIsinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

HaponInglesFilipino

Hi-sa-ka-ta noHi-ka-ri no-do-ke-kiHa-ru no hi riShi-zu ko-ko-ro na-kuHa-na no chi-ru-ra-muThis perfectly stillSpring day bathed in soft lightFrom the spread-out skyWhy do the cherry blossomsSo restlessly scatter down?Payapa at tahimikAng araw ng tagsibolMaaliwalasBakit ang CherryBlossomsNaging mabuway.

Haiku ni BashIsinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

HaponInglesFilipino

ha-tsu shi-gu-reAn old silent pond...Matandang sapa

sa-ru mo ko-mi-no woA frog jumps into the pond,Ang palakay tumalon

ho-shi-ge na-risplash! Silence again.Lumalagaslas