fili 1st

10
SA KUBYERTA KABANATA I Mga Tauhan: Simoun - mag-aalahas na sinasabing anino ng Heneral Don Custodio - ang nakipagtalo kay Simoun Padre Salvi, Padre Sibyla at Padre Camorra - ang 3 prayle sa kubyerta Ben Zayb - mamahayag na mukhang prayle at ang nakipagtalo kay PadreCamorra Donya Victorina - ang Pilipinong nakasuot pang Europeo Kapitan - ang nagpapatakbo ng Bapor Tabo Talasalitaan: Mabalaho- tumama Gumigiya- nagpapatakbo o nagpapaandar Masindak- matakot Iminungkahi- nirekomenda Manalig- magdasal BUOD: Isang umaga ng Disyembre, kahit mahirap waring nagmamalaking sinasalunga ng Bapor Tabo ang Ilog Pasig. Marami itong sakay at kung ilalarawan ang Bapor Tabo ay luma at napakarumi at tanging pahid ng pinturang puti ang makikita rito. Ang sakay nito ay mga pinangangasiwaan ng Reverendo at Illustrisina. Nasa ilalim ng kubyerta ay ang mga katutubong kayumanggi at maiitim pati mga Tsino at mestiso kasama ang mga kargada. Nasa ibabaw naman nito ang mga nakasuot ng Europeo,mga prayle at empleyado na humihithit ng tabako. Ang nagpapatakbo nito ay isang matandang kapitan na Indio din. Naiirita na si Donya Victorina dahil karamihan ng laman nito ay Indio din at kasama siya doon. Tuwing sumisigaw ang kapitan ay bubunutin ng mga timonero ang tikin upang malayo ang barko sa pampang. Nag-usisa si Donya Victorina at kilala ito sa mga kapritso at kasagwaan nito. Mahilig ito dumalo sa mga kasayahan at pinagpapasensyahan na lamang ito dahil kasama nito ang pamangking si Paulita Gomez na ubod ng ganda, mayaman at ulila at kinupkop ng donya. Isang araw ay sinumpong ang kanyang asawa na sunud-sunuran at nasindak ito ng donya kaya tumakas ito dahil sa takot. Lumipat ito sa mga bayan-bayan at probinsya hanggang sa magtago ito sa isang bayan sa Laguna. Pinag-uusapan ng lahat ng tao kung paano maaalis ang mga liko sa Ilog Pasig at maituwid na ang daanang ito. Iba-iba at marami ang mga nagsuhestiyon. At ang huling napag-usapan ay ang pag-aalaga ng pato upang mapalalim nito ang wawa at mahuli ang mga suso. Agad naming nagreklamo si Donya Victorina dahil nandidiri ito at dadami daw ang mga balot. Reaksyon: Maraming gustong mapaayos ang Ilog Pasig at maganda ang kanilang adhikain. Ang sunod-sunod na pagrereklamo ni Donya Victorina ay nakakairita. Wala namang naitutulong sa pagsasagawa ng hakbang upang mapaayos ang Ilog Pasig.

Upload: alyzza-escalante

Post on 15-Apr-2016

127 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

el filibusterismo

TRANSCRIPT

Page 1: FILI 1st

SA KUBYERTAKABANATA I

Mga Tauhan:

Simoun- mag-aalahas na sinasabing anino ng HeneralDon Custodio- ang nakipagtalo kay SimounPadre Salvi, Padre Sibyla at Padre Camorra- ang 3 prayle sa kubyertaBen Zayb- mamahayag na mukhang prayle at ang nakipagtalo kay PadreCamorraDonya Victorina- ang Pilipinong nakasuot pang EuropeoKapitan- ang nagpapatakbo ng Bapor Tabo

Talasalitaan:

Mabalaho- tumamaGumigiya- nagpapatakbo o nagpapaandarMasindak- matakotIminungkahi- nirekomendaManalig- magdasal

BUOD:Isang umaga ng Disyembre, kahit mahirap waring nagmamalaking sinasalunga ng

Bapor Tabo ang Ilog Pasig. Marami itong sakay at kung ilalarawan ang Bapor Tabo ay luma at napakarumi at tanging pahid ng pinturang puti ang makikita rito. Ang sakay nito ay mga pinangangasiwaan ng Reverendo at Illustrisina. Nasa ilalim ng kubyerta ay ang mga katutubong kayumanggi at maiitim pati mga Tsino at mestiso kasama ang mga kargada. Nasa ibabaw naman nito ang mga nakasuot ng Europeo,mga prayle at empleyado na humihithit ng tabako. Ang nagpapatakbo nito ay isang matandang kapitan na Indio din. Naiirita na si Donya Victorina dahil karamihan ng laman nito ay Indio din at kasama siya doon. Tuwing sumisigaw ang kapitan ay bubunutin ng mga timonero ang tikin upang malayo ang barko sa pampang. Nag-usisa si Donya Victorina at kilala ito sa mga kapritso at kasagwaan nito. Mahilig ito dumalo sa mga kasayahan at pinagpapasensyahan na lamang ito dahil kasama nito ang pamangking si Paulita Gomez na ubod ng ganda, mayaman at ulila at kinupkop ng donya. Isang araw ay sinumpong ang kanyang asawa na sunud-sunuran at nasindak ito ng donya kaya tumakas ito dahil sa takot. Lumipat ito sa mga bayan-bayan at probinsya hanggang sa magtago ito sa isang bayan sa Laguna. Pinag-uusapan ng lahat ng tao kung paano maaalis ang mga liko sa Ilog Pasig at maituwid na ang daanang ito. Iba-iba at marami ang mga nagsuhestiyon. At ang huling napag-usapan ay ang pag-aalaga ng pato upang mapalalim nito ang wawa at mahuli ang mga suso. Agad naming nagreklamo si Donya Victorina dahil nandidiri ito at dadami daw ang mga balot.

Reaksyon:Maraming gustong mapaayos ang Ilog Pasig at maganda ang kanilang adhikain. Ang

sunod-sunod na pagrereklamo ni Donya Victorina ay nakakairita. Wala namang naitutulong sa pagsasagawa ng hakbang upang mapaayos ang Ilog Pasig.

SA ILALIM NG KUBYERTAKABANATA II

Mga Tauhan:

Basilio- mag-aaral ng medisina at mahusay na manggagamotIsagani- mas bata kay BasilioKapitan Basilio- matandang kausap ng dalawang estudyantePadre Florentino- matanda na puti na ang buhok at tiyuhin ni IsaganiSimoun- lalaking dumating sa ilalim ng kubyerta na isang mag-aalahas Macaraig- isang mayang mamamayan

Page 2: FILI 1st

Talasalitaan:

Serbesa- alakSalot- pestePalalo- masamaPumanhik-pumunta o tumaasMakisalamuha- makisama

BUOD:Iba naman ang kalagayan sa ilalim ng kubyerta mas marami ang tao na sakay doon

kasama ang mga naglalakihang maleta, bakol at tampipi. Nandoon din sina Basilio at Isagani. Kausap nitong dalawa si Kapitan Basilio na galling sa pamimili sa Maynila. Pinagsabihan ni Kapitan Basilio ang dalawa na masama ang opyo. Maya-maya’y nag-iba ang usapan at napunta ito sa Akademya ng Wikang Espanyol. Sinabi nito na hindi ito magagawang maipatatag dahil tutol si Padre Salvi at saan kukuhanin ang salapi . Nagsalita naman si Isagani at sinabing nasa bapor si Padre Salvi na tutol sa Akademya dahil haharap ito sa Kapitan Heneral na nasa Los Banos; dagdag pa nito ay mag-aambagan ang mga estudyante at ang bahay ni Macaraig ang gagawing paaralan. Sumang-ayon naman ang Kapitan at dagdag nito na kung hindi Latin ang mapag-aaralan ay Espanyol na lang dahil ang aklat na ginagamit ay nasa Espanyol pero hindi itinuturo ang wikang ito. Pagkatapos magsalita ni Kapitan Basilio ay umalis na ito. Pinuna agad ito ni Isagani na lagi na lang daw may pintas ang mga tao sa umpisa at nakikitang lagi na lang sagabal. Napalitan ulit ang usapan at tungkol naman ito sa buhay pag-ibig niya at sinabi ni Isagani na sinermunan ito tungkol sa pag-aasawa. Kutya naman ni Basilio na ang kapintas-pintas lamang kay Paulita ay ang pagkakaroon ng katawa-tawang tiyahin. Bigla namang dumating si Simoun na isang alahera at sinabing hindi ito nakakapunta sa probinsya nila Isagani dahil hindi naman makabili ng alahas ang mga tao doon. Nainsulto si Isagani kaya humingi agad ito ng dispensa si Simoun. Inalok ni Simoun ang dalawa dahil mas gugustuhin pa nila uminom ng tubig. Nakita ng Kapitan ng Bapor si Padre Florentino kaya pumanhik ito sa kubyerta at pinaaalalahanan nito sila Isagani na kung papanhik ito ay huwag magpapaunlak at sumunod naman ito dahil umiiwas din ito kay Donya Victorina.

Reaksyon:Puro kayabangan ang nanalaytay sa dugo ni Simoun. Hindi niya muna pinag-iisipan ang

kanyang mga binibitawang salita. Nakakahanga si Basilio at Isagani dahil malayo ang kanilang mararating dahil sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.

Page 3: FILI 1st

MGA ALAMATKABANATA III

Mga Tauhan:

Padre Florentino- ang nagkwento tungkol sa alamatPadre Sibyla at Padre Irene- kasama sa mga nagkukwentuhanPadre Camorra- ang umawat sa daing ng mga praylePadre Salvi- payat na paring PransiskanoSimoun- ang unang nagsabi tungkol sa alamat

Talasalitaan:Mapawi- mawalaNagtitipon- nagsama-samaNapabantog- nakilalaPiging- salu-saloYungib- kuweba

BUOD:Tila parang walang nangyaring pagtatalo sa kanila. Nagtatawanan at nagbibiruan na

ang mga tao na nagtitipon sa kubyerta. Biglang lumitaw ang ulo ni Simoun sa sarahan ng ilalim ng kubyerta. Nasabi naman ni Don Custodio na nakalimutan na nito ang sama ng loob sa alahero. Nagkwentuhan naman ang lahat tungkol sa alamat ng Mapalad-na-Bato. Ikinuwento ni Padre Florentino ang buong detalye tungkol sa alamat. Pagkatapos nito ay humanga si Ben Zayb sa alamat. Namangha naman si Padre Sibyla ng makitang nanginginig si Padre Salvi na sumulyap kay Simoun. Ayon kay Padre Salvi na ang ilog ay tulad ng lawa ay tahanan ng napakaraming buwaya, napakalalaki, masisiba na sumasalakay sa mga bangkang hinahagupit nito. Labis na humanga si Ben Zayb ay nagbantang susulatin iyon billing isang artikulo para sa pag-aaral tungkol sa relihiyon. Nang papasok na ang Bapor Tabo sa lawa ay halos lahat ay napahanga dahil sa luntiang pampang at bughaw na bundok. Nasa harapan nila ang Bundok ng Makiling. Agad naming nag-usisa si Ben Zayb kung saang dakong lawa namatay ang isang Guevarra,Navarra o Ibarra. Lahat ay napatingin sa Kapitan maliban kay Simoun. Sinagot naman ito ng kapitan at sinabi na ayon sa kabong namumuna sa pagtungis na ang nakulong na si Ibarra ay tumalon sa tubig at nilangoy ang dalawang milya ang haba at pinaulanan ng bala at naganap ito 13 taon na ang nakakaraan. At agad naming nagsalita ang kapitan na huwag tawaging isang tulo ng tubig ang lawang ito dahil higit na mas malaki ito kaysa sa lawa sa Swiza ay ibang lawa sa Espanya kahit pagsamahin pa iyon.

Reaksyon:Nakakamangha ang alamat dahil may nakatirang engkantada doon at naghahagis ng

pilak ngunit habang tumatagal ay nakalimutan na ito. Dagdag pa dito ay nakakamangha din ang Bundok ng Makiling.

Si Kabesang TalesKabanata IV

Mga Tauhan:Kabesang Tales- hinirang na kabesa ng BarangayTandang Selo- isang mangangahoy na nakatira sa pusod ng gubatLucia- panganay na anak ni TelesforoTano- lalaking anak ni Tales na pinakamasipagJuli- anak na babae ni TalesTelesforo- anak ni Tandang Selo

Talasalitaan:Isalpok- itamaSalapi- pera

Page 4: FILI 1st

Natuliro- natulalaMaralita- mahirapAlila- katulong

BUOD:Kasama ni Tandang Selo sa lupain ng kapitalista ang kanyang anak na si Telesforo. Ang

kanilang ikinabubuhay ay ang maghawan ngilang bahagi ng makapal na gubat sa dulo ng bayan. Sa panahong binungkal at nilinang niya ang lupa ay nagkasakit ang buong pamilya at namatay ang ina ay sumunod ang panganay na anak na si Lucia. Marahil ito ang ganti ng espiritu sa gubat hinala ni Tales sa sarili. Nang aanihin na nila ang bunga ng unang tanim ay inangkin ito ng isang korporasyon. Pumayag si Tales na ito ay magbabayad ng buwis taun-taon na nagkakahalagang dalawampu o tatlumpung piso sa administrador ng korporasyon. Naisip ni Tandang Selo na mas magastospa ang pag-aasunto kaysa magbayad sa Prayleng Puti. Itinaas ng mga prayle ang buwis sa lupa nang limampung piso at binayaran ito ni Tales upang makaiwas sa gulo. Nakapagpatayo ng bahay si Tales at pinag-aral ang dalawang anak. Naghimagsik si Kabesang Tales dahil labis-labis na ang hinihinging buwis ng mga Prayle. Sumumpa na si Kabesang Tales na isusuko lamang anglupa kung may magdidilig dito ng sariling dugo. Gawin na nila ang lahat ng gustong gawin nila kay Tales basta sundin ang kagustuhan nito. Ginamit ni Tales ang anak na si Tano upang ibigay ito kung sakaling matalo si Tales. Lahat ay natatakot sa kabesa dahil may dala itong baril at kung anu-anong matutulis na bagay ang bitbit. May matandang babaeng naawa kay Juli at pinautang ito ng salapi kapalit ay ang pagpapaalila nito. Nakarating ang guni-guni ng dalaga sa bundok at kasama nito ang dalawang kapatid sa paliligo at minamatiyagan pa itong bagong amo.

Reaksyon:Nakakalungkot isipin na sa dating panahon ay may mga taong pera lang ang iniisip.

Pero sa kabila ng paghihirap ni Tales ay may tumutulong sa kanya.

Ang Noche Buena ng Isang KutseroKabanata V

Mga Tauhan:Basilio- siya na ang bumaba ng sasakyanKutsero- ang kinawawa ng mga guwardiya sibilKapitan Basilio- ang sinabihan ng kura tungkol sa masamang ulatSimoun- pinuri niya ang kanyang mga inilalakong alahasMatusalem o Noel- isang napakatandang lalaki na may mahabang balbas

Talasalitaan:Kutsero- tawag sa nagpapatakbo ng kabayoNawili- naaliwMagkagasta- mapagastosNangahas- nagtangkaIpatapon- ibasura

BUOD:Pagdating ni Basilio sa San Diego ay naabutan niyang lumilibot na ang prusisyong pang-

Noche Buena. Natagalan siya dahil sa pagpigil ng guwardiya sibil ang kutserong walang dalang sedula. Pinuna ng kutsero ang maling paraan ng pagpaparusa ng guwardiya sibil. Ibinalita pa ng kutsero kay Basilio na malapit nang makawala ang kanang paa ng Hari ng mga Indio na si Bernardo Carpio. At sinabi pa ng kutsero na kapag ito ay nakalaya ay ibibigay nito ang kanyang kabayo, magiging tagasunod siya, papatay siya at papalayain sila sa mga guwardiya sibil. Nawili ang kutsero sa panunuod ng prusisyon at hindi napansin na namatay ang ilawan ng karomata. Nang mapansin iyon ng guwardiya sibil ay inulan ng katakot-takot na mura. Naawa si Basilio kaya bumaba na ito sa sasakyan at naglakad na lang dala ang maleta. Napansin nito na tanging ang bahay na lang ni Kapitan Basilio ang Masaya. Nakita ni Basilio si Sinang at sinabing pandak pa rin ito at tumaba.

Page 5: FILI 1st

Namangha si Basilio nang makitang nag-uusap si Kapitan Basilio ang alperes na si Simoun. Humanga si Basilio kay Simoun dahil nakakapagnegosyo ito kahit saan. Hindi nakasiya kay Basilio ang balita na namatay na ang bantay-gubat at ang pagkadukot kay Kabesang Tales at hindi na kumibo si Basilio.

Reaksyon:

Nakakaawa ang kutsero sa ginawa sa kanya ng mga guwardiya sibil. Sadyang malulupit talaga ang mga ito. Nakakahanga si Simoun dahil magaling ito sa pagbebenta.

Si BasilioKabanata VI

Mga Tauhan:Basilio- isang matalinong tao at ulilang lubosKapitan Tiyago- ang nagpaparal at tumulong kay Basilio

Talasalitaan:Moog- maliit na kampoMatino- maayosNatunton- nahanapPanambitan- dasalPinagtipon- pinagsama-sama

BUOD:Nang tumunog na ang kampana na ibig sabihin ay simula na ang misa sa hatinggabi ay

palihim na umalis si Basilio at pumunta sa gubat kung saan nakalibing ang kanyang ina. Bago pa ito mamatay ay nayakap pa nito si Basilio. Noong gabing din yun ay may sugatang lalaki ang dumating at inutusan ito na humanap ng tuyong sanga ng kahoy at pinasigaan at nagpatulong na sunugin nila roon ang bangkay ng unang lalaking dumating. Pagkatapos noon ay tinulungan naman ito na ilibing ang kanyang ina. Ulilang lubos na si Basilio kaya napagpasyahang pumunta sa Maynila para magtrabaho at makapag-aral. Nang marating niya ang Maynila ay sinimulan na niya ang paghahanap ng trabaho at nakita nito si Kapitan Tiyago kasama si Tiya Isabel at sinundan niya ito hanggang sa makarating sa Binondo. Tinulungan ito ni Kapitan Tiyago si Basilio at tinanggap agad ito sa trabaho kahit walang sweldo pero pag-aaralin ito sa San Juan de Letran. Habang nag-aaral ay nilalayuan siya ng mga kaklase at hindi siya pinapansin ng guro dahil mukha siyang dukha at marumi. Isang araw ay napagkatuwaan siya ng guro at tinanong ito nang tinanong sa pag-aakalang hindi nito masasagot ng tama. Ngunit mali ang akala ng mga ito kahit ang mga kaklase ni Basilio ay nagulat kaya lalong nagalit ang mga it okay Basilio. Pinanghinaan na ng loob si Basilio sa pag-aaral. Nang makarating ito sa ikaapat na taon ay may isang guro sila na isang dakilang makata habang namamasyal ay nakaengkwentro nito ang ilang kadete at humantong sa hamunan. Nakaisip ng paligsahan ang guro at bibigyan ng mataas na marka ang mga lalahok sa munting labanan. Lumabas ang husay ni Basilio at pinagbunyi siya ng mga kaklase at nagging isa sa mga nagging paborito ng guro. Nang taon din yun ay mataas ang mga nakuhang marka na may kasamang medalya. Pinalipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal. Bagong mundo ang kanyang haharapin. Doon siya nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong medisina. Nangarap siyang umuwi sa bayan at papakasalan si Juli. Nahirang itong bumigkas ng talumpati ng pasasalamat. Lilimutin niya ang kanyang sarili at iisipin ang mga dukhang estudyante sa hinaharap.

Reaksyon:Nakakamangha si Basilio dahil hindi naging hadlang ang pagiging ulila at dukha niya.

Nagsipag siya para makapagtapos ng pag-aaral. Pinatunayan niyang kaya niyang makipagsabayan sa kanyang kaklase at sa paligid niya.

Si SimounKabanata VII

Mga Tauhan:

Page 6: FILI 1st

Simoun- ang taong puno ng galit sa pusoBasilio- ang nakakaalam na si Simoun ay si Ibarra

Talasalitaan:

Lihim- sikretoKatarungan- hustisyaPagkakilanlan- pagkakilalaNakasisindak- nakakatakotTulisan- rebelde

BUOD:Pabalik na sana si Basilio sa bayan nang may narinig ito na kaluskos ng mga dahon sa

gubat. Kinabahan si Basilio dahil sa pagkagunita nito sa matandang alamat tungkol sa lugar na iyon. Nagulat ito ng makita niya ulit ang lalaking tumulong sa kanyang ilibing ang kanyang ina. Nang makitang nahihirapan na sa paghuhukay ang lalaki ay nilapitan na ito agad ni Basilio. Nagulat ang lalaki na si Simoun pala. Nilabas nito ang kanyang baril at ikinasa na ngunit hindi nito itinuloy. Puro paghihiganti ang nasa puso ni Simoun. May tiwala naman ito kay Basilio kaya hindi ito pinatay. Sinabi ni Simoun kay Basilio ang lahat ng gusto niyang mangyari na paghihiganti. Ginagawa niya ito dahil hindi niya kayang maging mahirap at nagpapaalipin lamang ang isang katulad niya sa mga Espanyol. Nakinig lang si Basilio at minsan ay nangangatwiran ito. Sinabi ni Simoun na kung magbabago ang isip ni Basilio ay puntahan lang ito sa bahay niya sa Escolta. Nang makaalis si Basilio ay nasabi ni Simoun sa sarili na kailangan na ngang dumanak ang dugo at pabayaan na lamang masawi ang mahihina’t mabuhay ang mga malalakas.

Reaksyon:Nakakamangha si Simoun dahil ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang kanyang mga

kapwa. Ngunit, nakakalungkot din isipin na puno ng galit ang kanyang puso. Gusto niyang tumulong sa kanyang kapwa at sa kanyang bayan na unti-unting sinisira ng mga Espanyol.

Maligayang PaskoKabanata VIII

Mga Tauhan:Tandang Selo- ang matandang nag-iisa na lamang sa bahay Juli- ang umalis upang mamasukan

Talasalitaan:Nangamba- nag-alinlanganUmusal- bumanggitMinimithi- pinapangarapBalisa- hindi mapakaliTinangka- nangahas

BUOD:Madilim pa lang ay gising na si Juli. Bumangon siyang nag-aantanda, umusal ng pang-

umagang panalangin at lumabas ng kanyang silid. Akala nito ay may himalang mangyayari ngunit wala. Nakita niya lang sa paanan ng Birhen ay ang sulat ng kanyang ama na himihingi ng limangdaang pisong pantubos dito. Habang tulog ang kanyang ingkong ay nagluto ito ng salabat. Hindi malayo ang kanyang pupuntahan at makakadalaw naman ito sa kanyang ingkong tuwing makalawa. Nang maliwanag na ay nakita niyang nakaupo ang kanyang ingkong sa isang sulok at pinagmamasdan siya sa paghahanda sa pag-alis. Namuo na ang luha sa mata ng matanda kaya umakyat na ito sa kanyang bahay. Pinapanood niyang papalayong umalis si Juli. Nalungkot ang matanda dahil hindi siya binati ni Juli. Wala siyang nakuhang regalo kahit kanino. Dumating naman

Page 7: FILI 1st

ang kanyang kamag-anak ngunit nagulat ito dahil kahit anung pilit nito magsalita ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nagulat ang mga babae niyang kamag-anak dahil pipi na ito.

Reaksyon:Nakakaawa si Tandang Selo dahil sa araw ng Pasko ay walang nakaisip na batiin siya.

Nag-iisa na lamang siya. Masaya na siyang pinapanood ang mga tao sa labas na handang-handa sa pagpunta sa simbahan para makinig ng misa.

Mga PilatoKabanata IX

Mga Tauhan:

Hermana Penchang- ang amo ni JuliPadre Clemente- ang administrador ng lupa ng mga prayle

Talasalitaan:Gapulok- kauntiTugusin- hulihinLumitaw- lumabasPinaghihinalaan- pinagdududahanTulisan- rebelde

BUOD:Hindi man lang nabalisa ang tenyente ng gwardiya sibil sa kanyang tungkulin. Nagkibit-

balikat na lamang si Padre Clemente na walang kasalanan na tutupad lamang ito sa kanyang tungkulin billing isang administrador. Ngunit mas kailangang pangalagaan ng padre ang kanyang sarili kaysa sa iba. Nalaman ni Hermana Penchang na hindi marunong magdasal si Juli na malapit nang mag-asawa. Napabulalas ang Hermana ng tatlong Hesusmaryosep dahil isa daw itong malaking eskandalo. Nang malaman ni Hermana Penchang na bumalik na si Basilio upang kuhain ang halagang pantubos kay Juli. Nayayamot ang hermana sa librong ibinigay ng kura kaya ipinabasa na lang ito kay Juli. Samantala, naipanalo naman ng mga prayle ang kaso laban kay Kabesang Tales. Bumalik ang Kabesa at nabalitaang pipi na ang kanyang ama na si Tandang Selo at batid nito na nasa kamay na ng iba ang lupain niya. Walang lumabas na salita sa bibig ng kabesa naupo lang ito katabi ang ama at hindi kumibo maghapon.

Reaksyon:

Nakakaawa ang sinapit lahat ng mga tao sa kamay ng mga Espanyol at isa na doon si Kabesang Tales. Nakakalungkot isipin na masyadong silaw ang mga Espanyol sa salapi at kanila pang pinapahirapan ang mga Pilipino.

Yaman at DalitaKabanata X

Mga Tauhan:Kabesang Tales- ang sumama sa mga tulisanSimoun- ang nagbenta ng mga alahas sa mga taoTandang Selo- ang hinuli imbes na si Kabesang Tales

Talasalitaan:Kinukutya- inaasarMarangya- mayamanNaglalagos- tumatagosSasangguniin- tatanungin

Page 8: FILI 1st

Nanaog- umakyat

BUOD:Nagtaka ang buong baryo dahil sa paghingi ni Simoun ng permiso na sa bahay ni

Kabesang Tales ito tumuloy. Dito napili ni Simoun dahil nasa pagitan ito ng San Diego at Tiani kaya alam nito na maraming panggagalingan ng mamimili. Kasama nito ang kanyang dalawang utusan dala ang maleta na may lamang mga alahas. Maraming dumalo kasama na ang mga mayayaman katulad ni Kapitan Basilio kasama ang asawa pati si Sinang na handang gumastos hanggang tatlong libong piso at si Hermana Penchang na bibili ng isang singsing na ibibigay sa Birhen ng Antipolo at iniwan si Juli upang pagbasahin ng libro. Magaganda ang mga inilatag na alahas ni Simoun kaya lahat ay napamangha. Maya-maya’y bumaling naman ito kay Kabesang Tales at tinanong kung may ipagbibili ito ngunit wala dahil naibenta na lahat ng alahas ni Juli. Pero naalala ng kabesa na may isa pa palang natitira ang agnos na galing sa ketongin. Napansin ni Simoun na hindi na bumalik si Tales at may nakita naman itong sulat na nakasaad dito na kinuha na ni Tales ang rebolber ni Simoun at ibinibigay na nito ang gustong makuha ni Simoun. At sumama na si Tales sa mga tulisan. Lalong nasiyahan ang alahero dahil nakuha na niya ang gusto niyang makuha. Nang gabing din iyon ay imbes na hulihin si Tales ay si Tandang Selo ang hinuli. Marami ang napatay sa gabing iyon putol ang mga leeg at may kasamang sulat sa daliri na: Tales.

Reaksyon:

Nakakamangha si Tales dahil sa pagiging matapang. Handa siyang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay at sa kanyang bayan. Gagawin niya ang lahat para hindi lalong pahirapan ang mga katulad niya.