filipino 106 report

32
FILIPINO 106 PROF. N.F.CAPAGUE Ang Wika sa Edukasyon

Upload: iryn-mallari-ilagan

Post on 24-Apr-2015

194 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 106 Report

FILIPINO 106 PROF. N.F.CAPAGUE

Ang Wika sa Edukasyon

Page 2: Filipino 106 Report

KONSTITUSYON NG 1987,ARTIKULO XIV SEKSYON 7

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhanaang batas, Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.

Page 3: Filipino 106 Report

Sa konstitusyong nabanggit sa Seksyon 7,tiniyak dito ang wikang panturo.Kaya bilang pagtugon sa batas, naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports( dating MECS )ng palisi sa edukasyong bilinggwal na nakasaad sa DECS Order No. 52, s. 1987 na may pamagat na “Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987”.

Page 4: Filipino 106 Report

EDUKASYONG BILINGGWAL

Ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na aralin ( subject ) sa kurikulum.

Page 5: Filipino 106 Report

LAYUNIN NG EDUKASYONG BILINGGWAL

Pagtatamo ng magkapantay na kasanayan sa paggamit ng Filipino at Ingles sa lebel pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wika at paggamit ng mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon.

Page 6: Filipino 106 Report

Sa madaling salita, magiging wikang pantulong ang mga wikang rehiyunal sa mga unang baitang ng paaralang elementarya.

Page 7: Filipino 106 Report

MITHIIN NG SAMBAYANANG FILIPINO:Magkaroon ng kasanayan ang mga mamamayan sa wikang Filipino upang magampanan nila ang kanilang tungkulin bilang Filipino, at kasanayan sa wikang Ingles upang matugunan nila ang pangangailangan ng bansa sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang bansa.

Page 8: Filipino 106 Report

ANG PAGTUTURO NG FILIPINOAyon kay Gonzales(1998), isa sa

pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sisitema ng bawat paaralan.Dito itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong midyum sa pagtuturo( Filipino, Araling Panlipunan, Eduksyon sa pagpapahalaga at iba pa. Ang pagiging epektibo nito at kabisaan ay dahil sa itinuturo ito sa isang kapaligirang pabor sa wika. Bunga nito, nagiging mabilis ang pagkalat ng wika.

Page 9: Filipino 106 Report

SA ELEMENTARYA 2 TUON SA PAGTUTURO SA ELEMENTARYA

1. Sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang pag-aaral ng pagbabasa at pagsulat sa wika.

Page 10: Filipino 106 Report

2. Sa mga di Tagalog na kailangan pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang pagtuturo sa kanila ng Filipino bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at pagsasalita.

Page 11: Filipino 106 Report

SA SEKUNDARYA Kailangan ang pagpapaunlad ng mga gawain sa pagbasa at pagsulat. Kapag narating na ng mga estudyante ang tintawag ni Jean Piaget, isang sikolohista, ang pormal na hakbang ng kognitibong paglinang, dapat na matutuhan na nilang harapin ang mga gawain para sa mataas na order-kognitibo sa Filipino.

Page 12: Filipino 106 Report

Halimbawa:Kaalaman sa mga katotohanan (facts)

Paglalaan ng mga gawain para sa ganap na pag-unawa ng iba’t ibang teksto sa sa larangang akademiko ( paglalapat ng mga prinsipyong natutunan sa kongkretong sitwasyon, paggawa ng makabuluhang analisis, pagbuo ng sintesis, malikhaing pagbuo ng mga pangyayari at ebalwasyon.

Page 13: Filipino 106 Report

Pagpapabasa ng mga multi-lebel na babasahin sa Filipino( tungkol sa iba’t iabang paksa ) at dapat magtaglay ng mga gawaing magsasanay sa kritikal na pag-iisip at kaiangan ding hamunin ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng sarili sa Filipino tungkol sa mga isyung sopistikado at mataas na kaisipan.Makikita ito sa larangan ng deskripsyon, eksposisyon at panghihikayat sa pagsasalaysay.

Page 14: Filipino 106 Report

Pagsasanay sa mag-aaral sa tinatawag na “displaced speech”,isang pagpapahayag tungkol sa mga referent o bagay/ tao na hindi nakikita kundi nasa ibang lugar.Ayon sa mga sikolohista,ang ganitong kasanayan ay hindi likas na natatamo, kailangan nito ang “ alaga at pagsasanay”

Page 15: Filipino 106 Report

SA TERSYARYA Ayon pa rin kay Gonzales,apat ang mahahalagang puntos na dapat isaalang-alang sa pagtuturo ng Filipino sa tersyarya.

Page 16: Filipino 106 Report

Una, Dahil sanay na sanay na sa Filipino ang ga estudyante pagtuntong sa kolehiyo sa lebel ng BIC (Basic Interpersonal Communication) o iyong Filipino para sa gamit sosyalisasyon ( social language skills), kailangan nila ay ang Cognitive Academic Language Proficiency ( CALP Cummins 1980,1981 ) sa Filipino upang matuto sila sa paggamit ng Filipino sa higit na matataas na abstraktong pag-iisip sa mga espesyal na paksa sa kurikulum.

Page 17: Filipino 106 Report

Tinutukoy ng CALP ang kakayahang gamitin ang wika sa mga sitwasyong tinatawag na context reduced, ang kakayahang gamitin ang wika sa pag-aaral at pagtalakay ng mahihirap na kaisipan (abstractions).Sa madaling salita, malapit na kaugnay ng literasi ang CALP, ang kakayahang gamitin ang wika bilang kasangkapan ng karunungan, pagbasa para sa mensahe at para masiyahan at maglibang, pagsulat upang makipagtalastasan at marahil, mas mahalaga, magagamit ang wika sa paglilinaw ng kaisipan at pagtuklas ng bagong kaalaman at kaisipan.

Page 18: Filipino 106 Report

Ikalawa, Huwag ituro ang balarila kahit na makabago pa. Isang abstraktong disiplinang teoretikal ang balarilal. Hindi ito daan sa mas mataas na kasanayang pangwika kundi sa kasanayan sa pagsusuri ng linggwistika.Sa kabilang dako, nararapat pa rin sigurong bigyang puwang ang pagtuturo ng aspektong pambalarila dahil kailangan ito sa pagpapataas ng paggamit ng wika.( Nasa pangangailangan ang pagtuturo nito).

Page 19: Filipino 106 Report

Ikatlo, Bigyan at pabasahin sila ng mahihirap na teksto hanggang sa “masaktan” sila, para malinang ang kanilang mas mataas na antas ng kasanayan sa pagbasa.(pagbibigay ng abstrak na ideya, mapanuring pag-iisip, pangangatwirang lohikal, atb.

Page 20: Filipino 106 Report

Ikaapat, Pasulatin sila nang pasulatin dahil isang kapangyarihan ang pagsulat sa paglagong kognitibo at pagtatamo ng CALP.Ito’y mga ssulating lagpas pa sa pagsasalaysay, eksposisyon, argumento at deskripsyon.

Page 21: Filipino 106 Report

PROGRAMANG FILIPINO SA KURIKULUM

A.Sa Edukasyong Elementarya Ang araling Filipino ay

tinatawag na Sining ng Komunikasyon mula sa kinder hanggang Ikaanim na Baitang.Itinuturo ang mga makrong kasanayang nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa at Pagsulat.

Page 22: Filipino 106 Report

MGA BATAYANG LAYUNIN-SINING NG KOMUNIKASYON(ELEMENTARYA)

PAKIKINIG Nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.

Page 23: Filipino 106 Report

PAGSASALITA Naisasagawa ang makabuluhan at mabisang pakikilahok sa mga gawaing nauukol sa pakikipagtalastasan.

Page 24: Filipino 106 Report

PAGBASA Kasanayan sa Pagkilala ng Salita Nakakamit ang higit na kasanayan sa kahusayan sa pagkilala at pag-unawa ng mga sal

sa iba’t ibang paraan sa tulong ng pahiwatig sa pamamagitan ng pagsusuri ng tunog ng mga salita

sa pamamagitan ng kayarian nito

Page 25: Filipino 106 Report

PAG-UNAWA

Ganap na napapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa

nakakamit ang kasanayan sa mapanuringpag-unawa sa binasa

natatamo ang mga kasanayan sa pagpapahalaga

nagkakaroon ng higit na maunlad na kasanayang pang-aklatan

Page 26: Filipino 106 Report

PAGSULAT Nakakaugalian ang pagsunod sa wasto at maayos na pagsulat sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat

Nagkakaroon nang ganap na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat sa paggamit ng sangkap sa pagsulat

Page 27: Filipino 106 Report

B.SA EDUKASYONG SEKUNDARYAMga Layunin Malinang ang mga kasanayang makro ( pakikinig, pagsasalita, pagbasa at panitikan, pagsulat ) tungo sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo o ang kakayahan sa paggamit ng angkop na Filipino sa iba’t ibang sitwasyon ng pakikipagtalastasan.

Page 28: Filipino 106 Report

MGA LAYUNING PANLAHATa.Malinang ang kaalaman at kasanayang magamit ang narinig Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat sa angkop na sitwasyon

b.Malinang ang kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri, pagpapakahulugan at pagbibigay-halaga sa mga kaisipan/paksang narinig at nabasa.

Page 29: Filipino 106 Report

c.Malinang ang kaalaman, mga kasanayan at pagpapahalaga sa panitikang Filipino.

d.Malinang ang kakayahan at kasanayan sa pagkilala at paglikha ng iba’t ibang uri ng katutubong panitikan.

e.Mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik at pagsasaling-wika.

Page 30: Filipino 106 Report

KATAWAGAN AT MODELO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURA

Sa programang ito, ang asignatura ay tatawaging Filipino (I-IV).Itinuturo ito sa araw-araw sa loob ng 40 minuto. Kaugnay nito, maaaring mamili ang guro sa sumusunod na mungkahing modelo:

Page 31: Filipino 106 Report

Unang Modelo- Isang linggong pagtuturo ng wika, Isang linggong pagtuturo ng panitikan

Ikalawang Modelo- Unang linggo: 3 araw na pagtuturo ng wika, 2 araw na pagtuturo ng panitikan

Ikatlong Modelo- kung unang itinuro ang wika, tapusin muna ito bago magsimula sa araling pampanitikan, o bise-bersa

Page 32: Filipino 106 Report

MARAMING SALAMAT

IRYN MALLARI-ILAGANTagapag-ulat

Pambansang Mataas na Paaralan ng Sandoval

Sandoval, Narra, Palawan