filipino 5 dlp 47 - piksyon at di-piksyon.pdf

14
Filipino Piksyon at Di-Piksyon Module 47 5 A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

Upload: maryflor-nambong

Post on 17-Jul-2016

5.121 views

Category:

Documents


502 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

Filipino Piksyon at Di-Piksyon

Module 47

5

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

Page 2: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

18

Magandang umaga! Handa ka na bang pag-aralan ang

modyul na ito?

Nasusuri ang pagkakaiba ng piksyon at di-piksyon

Isulat sa patlang kung ang sumusunod na mga pamagat ay kuwento ay piksyon o di-piksyon. _____________ 1. Ang Talambuhay ni Apolinario Mabini

_____________ 2. Ang Leon at ang Unggoy

_____________ 3. Ang Kasaysayan ng Bansang Hapon

_____________ 4. May Panauhin si Alimango

_____________ 5. Si Josefa Llanes Escoda

Kung tapos ka na, tingnan mo ang tamang kasagutan sa

katapusang pahina ng modyul na ito.

Subukin Natin

Sa Mag-aaral

Gabay sa Pagwawasto

Page 3: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

19

Ano’ng iskor mo? Huwag kang mag-alala kung hindi mo nakuhang lahat ang

tamang sagot. Ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang pagkakaiba ng kuwentong piksyon at di-piksyon.

Alamin mo muna ang kahulugan ng mga salitang hango sa kuwento bago basahin upang higit na maunawaan ito.

1. plota – pangkat ng mga barkong naglalakbay nang

sabay-sabay • Dumating ang mga plota ng mga Pilipino at

Amerikano sa bayan ng Timor upang tulungan ang mga taong nakatira doon.

2. dantaon – isang daang taon • Tayo ay nasa ika-20 dantaon.

3. nagpaligsahan – naglabanan • Nagpaligsahan sa paglangoy sina Aiko at Susan.

4. panrekado – pampabangong bungang gulay sa pagkain.

• Ang lawrel, bawang at paminta ay mga panrekado. 5. paggagalugad – masusing paghahanap

• Ang paggagalugad ng mga arkeologo ng mga kagamitan ng mga sinaunang Pilipino sa kuweba ng Palawan ang sanhi ng pagkakatuklas nito.

Pag-aralan Natin

Page 4: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

20

Ngayong alam mo na ang kahulugan ng mahihirap na salita sa kuwento, handa ka nang basahin ito.

Alam mo ba ang kuwento tungkol sa pagkakatuklas ng

Pilipinas?

Mahigit sa apat na dantaong di kilala ang Pilipinas ng

mga tao sa kanluran. Nakikipag-ugnayan ang bansa sa mga kalapit-bayang Asyatiko sa daigdig tulad ng mga Malay. Ngunit noong umaga ng Marso 16, 1521, isang plota ng mga Espanyol ang pumasok sa tubig ng Pilipinas na malapit sa pulo ng Samar. Ang pangyayaring ito ang palatandaan ng pagkakatuklas ng mga Europeo sa ating kapuluan. Dalawang araw pagkatapos, siyam na magiting na Pilipino ang nakipagkita sa mga puting panauhin at nag-alok ng pagkain. Sila ang unang Pilipinong nakita ng mga Espanyol.

Noong ika-16 na dantaon, nagpaligsahan ang mga

bansang Europa sa pagtatamo ng malakas na pagkakakitaang negosyong panrekado sa Molukas o Pulo ng mga Rekado. Ilang

Page 5: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

21

ekspedisyon ng panunuklas at paggagalugad ang ipinadala ng Portugal, Espanya, Inglatera, Pransya, Olanda, at iba pang bayan sa Europa. Isa rito ay si Ferdinand Magellan, isang Portuges sa lingkurang Espanya, na dumating dito noong Marso 16, 1521. Makaraan ang isang buwan, napatay siya sa pulo ng Mactan sa pamumuno ng Pilipinong mandirigma na si Lapu-Lapu. Ang nalabi sa kanyang pinamumunuan ay nagpatuloy nang pakanluran magmula rito sa Pilipinas at nakabalik sa Espanya makaraan ang kulang-kulang na tatlong taon.

Nawili ka ba sa binasang kuwento? Naunawaan mo ba?

Sige nga sagutin mo ang mga tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang lahi ni Ferdinand Magellan? a. Espanyol b. Portuges c. Pranses 2. Kanino lamang dating nakipag-ugnayan ang mga Pilipino. a. Kalapit-bayang Asyatiko b. Espanya c. Europa 3. Paano nakilala ng mga taga-Kanluran ang Pilipinas? a. Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa b. Nang dumating ang mga Hapones sa bansa c. Nang pumasok ang plota ng mga Amerikano

Page 6: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

22

4. Bakit nagkaroon ng ekspedisyon ang mga Europeo? a. upang maghanap ng magagandang lugar b. upang mamili ng mga pagkain c. upang tumuklas ng mga panrekado para sa kanilang lugar. 5. Anong uri ng kuwento ang binasa ninyo? a. pabula b. di-piksyon c. piksyon

Tama ba ang iyong sagot? Tingnan ang tamang sagot na nasa Gabay sa

Pagwawasto sa huling pahina ng modyul na ito.

Alam mo ba ang pagkakaiba ng kuwentong piksyon at di-piksyon?

Ang kuwentong piksyon ay mga kuwentong kathang-

isip o sariling imbento ng manunulat. Ito ay isinulat upang magbigay-aliw sa mga bumabasa. Kabilang dito ang mga alamat, fairy tales, mga pabula, nobela at mga tula.

Ang kuwentong di-piksyon ay naglalayong magbigay

ng impormasyon sa nagbabasa. Kabilang dito ang mga kuwentong pangkasaysayan (historical accounts), talambuhay, sariling karanasan at kuwento.

Page 7: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

23

Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng piksyon at di-piksyon, handa ka nang gawin ang mga gawain sa modyul na ito.

Uriin ang mga pamagat ng kuwento kung piksyon o di—

piksyon.

_____________ 1. Alamat ng Mangga

_____________ 2. Si Heneral Gregorio del Pilar

_____________ 3. Ang Mensahe para sa Bayan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

_____________ 4. Ang Makasaysayang Pook ng Bohol

_____________ 5. Talambuhay ni Dr. Jose Rizal.

Ano’ng iskor mo?

Kung tama ka lahat, magaling! Dagdagan mo pa ang iyong

kaalaman sa mga kasunod na gawain. Kung 3-pababa ang iyong iskor, may mga kasunod na

gawain pa upang lalo mong maunawaan ang modyul na ito.

Page 8: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

24

Suriing mabuti ang mga nakatalang pamagat ng kuwento.

Itala ito ayon sa tamang kahon.

o Ang Unggoy at ang Buwaya o Ang Batas Militar sa Pilipinas o Rebolusyon sa EDSA o Ang Mahiwagang Lampara o Melchora Aquino, Ina ng Katipunan

Ano’ng iskor mo?

Tingnan sa Gabay sa Pagwawasto na nasa katapusang pahina nitong modyul upang malaman ang tamang sagot.

Gawin Natin

Piksyon Di-Piksyon

Page 9: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

25

Lagyan ng √ ang sumusunod na pamagat ng kuwento kung piksyon at x kung di-piksyon.

________ 1. Maria Paz Mendoza Guanzon, Unang Pilipinang Manggagamot

________ 2. Ang Utak ng Katipunan, Emilio Jacinto

________ 3. Ang Alamat ng Damong Makahiya

________ 4. Si Juan Tamad

________ 5. Pia Adelle Reyes, Kampeon sa Gymnastics

Upang malaman ang iyong nakuhang iskor, tingnan ang

tamang kasagutan sa katapusang pahina ng modyul na ito.

Ano’ng iskor mo? Talagang magaling ka!

Mga Dagdag na Gawain

Page 10: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

26

Tandaan Natin

Ang mga alamat, fairy tales, mga pabula, nobela at mga tula ay nabibilang sa kuwentong piksyon. Ito ay kathang-isip o sariling imbento ng manunulat. Isinusulat ito upang magbigay aliw sa mga bumabasa.

Ang kuwentong pangkasaysayan, talambuhay, sariling karanasan at kuwento tungkol sa pagtatagumpay ng mga kilalang tao sa lipunan ay nabibilang sa kuwentong di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa nagbabasa.

Ang mahalagang salita sa pamagat ay sinisimulan sa malaking titik.

Sariling Pagsusulit

Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-ibang

seleksyon. Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon.

_____________ 1. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.

Page 11: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

27

_____________ 2. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pag-uusapan.

_____________ 3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang sa angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na nakatingin sa kanya. “ Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?” tanong ng kambing. Sagot ng lobo, “ Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago dito?” Lumundag sa balon si Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng kambing ang lobo at nakalabas siya sa balon.

______________ 4. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig

sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.

______________ 5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng Karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng mahihirap.

Page 12: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

28

Ano’ng iskor mo? Kung limang tamang sagot ang iyong iskor, bilib talaga ako

sa iyo! Kung 3-pababa, hindi bale, subukin mong gawin ang nasa Pagyamanin Natin at nakatitiyak akong kayang-kaya mo ito.

Pagyamanin Natin

Isulat sa patlang kung piksyon o di-piksyon ang

sumusunod na pamagat ng kuwento.

____________ 1. Si Manuel Roxas, Unang Pangulo ng Ikatlong Republika

____________ 2. Ang Panahon ng Pamamahala ng mga Espanyol

____________ 3. Ang Alamat ng Saging

____________ 4. Si Malakas at si Maganda

____________ 5. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Page 13: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

29

Subukin Natin

1. di-Piksyon 2. piksyon 3, di-Piksyon 4. piksyon 5. di-Piksyon Pag-aralan Natin 1. b 1. Piksyon 2. a 2. Di-Piksyon 3. a 3. Di-Piksyon 4. c 4. Di-Piksyon 5. b 5. Di-Piksyon Gawin Natin Piksyon Di-Piksyon Ang Unggoy at ang Buwaya Ang Batas Militar sa Pilipinas Ang Mahiwagang Lampara Rebolusyon sa EDSA

Melchora Aquino, Ina ng Katipunan

Gabay sa Pagwawasto

Page 14: Filipino 5 DLP 47 - Piksyon at Di-Piksyon.pdf

30

Mga Dagdag na Gawain Sariling Pagsusulit 1. x 1. di-piksyon 2. x 2. piksyon 3. / 3. piksyon 4. / 4. di-piksyon 5. x 5. di-piksyon

Pagyamanin Natin 1. di-piksyon 2. di-piksyon 3. piksyon 4. piksyon 5. di-piksyon