filipino 8 mga akdang lumaganap sa panahon ng espanyol
TRANSCRIPT
Ang mga akdang lumaganap sa panahon ng Espanyol ay nagsimula noong tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noong 1565. Ang mga panitikan ay naimpluwensiyan ng mga ideyolohiya ng mga Espanyol, partikular na ang relihiyon.
Katangian ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol:
• Sari-Saring kaanyuhan at pamamaraan
• Karaniwang paksa ay Panrelihiyon• Ang mga panitikan ay halaw sa anyo,
paksa at tradisyong Kastila• Ang mga nilimbag na panitikan ay
isinalin sa iba’t-ibang Wikang Filipino (Wikang Tagalog, Bikolano, atbp.)
Noong panahon ng mga Espanyol, pinakilala nila ang panibagong sistema ng alpabeto. Binubuo ito ng limang patinig at labin-limang katinig
Patinig – a, e, i, o, uKatinig – b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y
Doctrina Christiana• Kauna-unahang aklat na
nailimbag sa Pilipinas noong 1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de Plasencia• Nilalaman nito ang mga dasal,
sampung utos, pitong sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo• 87 pahina lamang
Awit• Isang uri ng tulang romansa na may
sukat na labindalawang pantig bawat taludtod
• Patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay
• Ang mga tauhan ay hindi nagtataglay na supernatural na kapangyarihan
• Hango sa tunay na buhay
Korido• Isang uri ng tulang pasalaysay na
may sukat na walong pantig sa taludtod
• Patungkol sa kababahalagan o pananampalataya
• Ang mga tauhan ay natataglay ng supernatural na kapangyarihan
• Halimbawa ay Ibong Adarna
Duplo• Ito ay ang pagtatalo na ginagamitan ng
tula at kahusayan sa pagbigkas• Ginagamitan nito ng mga salawikain,
kawikaan at kasabihan• Karaniwang isinasagawa kapag may
namatay• Villacos – lalaking pangunahing tauhan
Villacas – babaeng pangunahing tauhan
Senakulo• Isang uri ng dula na isinasagawa
tuwing Mahal na araw na nagsasalaysay sa buhay, pagdurusa at kamatayan ni Hesu Kristo
Pasyon• Ito ay isang naratibong tula na
nagsasaad ng buhay ni Hesu Kristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan• Fr. Gaspar Aquilino de Belen –
Unang Pilipinong sumulat at kumanta ng Pasyon
Moro-Moro• Nagmula sa dula ng Europa,
“Comedia de capa y espada”• Isang uri ng komedya• Ito ay nag-ugat sa pakikipag-
laban ng mga Espanyol sa mga Muslim
Panunuluyan• Ito ay isang dulang itinatanghal
at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose sa Bethlehem.