filipino ibong adarna

103
Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I Antas 3: Plano sa Pagkatuto (Learning Plan) Ikaapat na Markahan FILIPINO I Pamantayan sa Programa: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal, pambansa, saling tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi

Upload: love-bordamonte

Post on 03-Dec-2014

1.007 views

Category:

Documents


83 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3: Plano sa Pagkatuto (Learning Plan) Ikaapat na Markahan

FILIPINO I Pamantayan sa Programa: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan

sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal,

pambansa, saling tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na

literasi

Page 2: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 1: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Lumaganap ang mga korido, kabilang ang Ibong Adarna, sa panahon ng pananakop ng mga Español dahil sa mga kanais-nais na pagpapahalagang nakapaloob dito na angkop sa Kulturang Pilipino.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalagang unawain ang Ibong Adarna?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Mga Hakbangin sa Pagsasagawa ng colloquium

Ang mag-aaral ay: � nakapagbabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna � nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng

kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa masining na paraan � masigasig na nakalalahok sa malayang talakayan � nakapagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang

pangkasaysayan ng Ibong Adarna Antas 2

Inaasahang Pagganap: Pagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag at pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna. paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa bisa ng pag-aaral ng korido. paglalahad ng sariling damdamin tungkol sa pinakamainam na paraan ng pagsasadula ng Ibong Adarna. paghahambing sa kaligirang pangkasaysayan na napag-aralan sa nasaliksik na kaligirang pangkasaysayan ng isa sa mga panitikang kinagigiliwan pa rin

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang colloquium batay sa mga kraytirya:

A. Batay sa pananaliksik B. Angkop sa paksa C. Makatotohanan ang mga

impormasyong inilahad D. Taglay ang mga elemento ng colloquium E. Pagtataglay ng mga ebidensya

Page 3: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

ng mga tao sa kasalukuyan. pagbabahagi ng magiging kontribusyon upang mahikayat ang mga mag-aaral na unawain ang Ibong adarna. pagbabahagi ng mga nakalap na im[pormasyon kaugnay ng paksa sa masining na paraan.

F. Naglalahad ng nabuong paglalahat/kongklusyon

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapaliwanag at nakapagpapabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna matapos mabuo ang

picture puzzle (Iminumungkahi sa gurong ibigay sa bawat pangkat ang picture puzzle ng Ibong Adarna na ipabubuo sa mga mag-aaral. Kolaboratibong gawain)

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa masining na paraan

(Iminumungkahing ibigay na ito sa bawat pangkat bilang takdang aralin upang makapaghanda sila sa isasagawang pag-uulat.) � nakapaglalahad ng mahahalagang impormasyon mula sa isinagawang pag-uulat ng bawat pangkat sa tulong ng istratehiyang Caravan

� nakasusulat ng talata gamit ang mga salitang nabuo na may kaugnayan sa pariralang “tulang romansa”

Page 4: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim:

Ang mag-aaral ay: � masigasig na nakalalahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga tanong/gawain: 1. Kapanayamin ang limang (5) kamag-aral at itanong ang kanilang pananaw sa korido,kabilang na ang Ibong Adarna bilang isang uri ng panitikan.

Sang-ayon ka ba sa pananaw nila? Bakit oo? Bakit hindi? 2. Para sa iyo, may mabisa bang paraan ng paglalahad ng aral ang korido? Bakit? 3. Mahalaga ba sa antas sekundarya ang pag-aaral ng Ibong Adarna sa kasalukuyan? Ipaliwanag. 4. Bilang isang uri ng tula, ano ang pinakamabuting paraan ng pagsasadula ng Ibong Adarna? Bakit sa kabila ng pagiging mahigpit ng mga Español ay

pinayagan ng mga ito ang pagpapalaganap ng mga korido, kabilang ang Ibong Adarna? 5. Magsaliksik ng kaligirang pangkasaysayan ng isa sa mga uri ng panitikang kinagigiliwan pa rin ng mga tao sa kasalukuyan katulad ng pabula,

alamat, epiko, at iba pang tulang pasalysay na pinag-aralan. Ihambing ito sa kaligirang pangkasaysayan. 6. Bakit mahalagang unawain ang nakapaloob na aral sa Ibong Adarna?”

(Maaari pang magdagdag ng mga tanong. Tiyakin lamang na malilinang ang anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral.) D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro sa mga dapat tandaan at hakbangin sa pagsasagawa ng colloquium)

Ang mag-aaal ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa isasagawang colloquium � nakapagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Tulang romansa

Page 5: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Picture Puzzle Internet Sipi ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna Mga kraytirya sa pagsasagawa ng colloquium Mga hakbangin sa pagsasagawa ng colloquium

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 2 : Mahahalagang Tauhan sa Ibong Adarna Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katangian ng bawat tauhan sa ibong Adarna.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theatre mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: May katangian ang mga tauhan sa Ibong Adarna na taglay rin ng mga tao sa kasalukuyan.

Mahalagang Tanong: Makatotohanan ba ang mga tauhan sa Ibong Adarna?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapakilala at nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng mga tauhan sa Ibong Adarna � nakapagsasaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga tauhan ng Ibong Adarna � nakabubuo ng sintesis sa aralin � nakagagawa ng Character Portrayal ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan

Page 6: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

na may pagkakatulad sa mga katangian ng piniling tauhan sa Ibong Adarna

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng Character Portrayal ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa katangian ng piniling tauhan sa Ibong Adarna

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. pagbibigay ng sariling interpretasyon sa katangian ng mga tauhan sa Ibong Adarna. pagpapatunay na makikita pa sa kasalukuyang panahon ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda. paghahambing ng sarili sa mga tauhang ipinakilala sa akdang binasa. pagbabahagi ng naging damdamin sa bawat tauhan matapos matalakay ang aralin. paglalarawan sa pamamagitan Character Portrayal ng isang katauhan na may katulad na katangian sa isa sa mga tauhan sa akda.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang Character Portrayal bataysa mga kraytirya:

A. Batay sa pananaliksik ang gagawing pagpili.

B. Makatotohanan C. Napapanahon D. Malikhain

Antas 3

Page 7: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakagagawa ng Character Mirror sa pagpapakilala sa bawat tauhan sa Ibong Adarna ( Ikikilos ng mag-aaral ang katangiang taglay ng napiling tauhan at ipahuhula sa klase ang katangiang iyon.)

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasaliksik tungkol sa mga tauhan ng Ibong Adarna at ang mga katangian ng mga ito. ( Ipasaliksik ito sa oras ng klase. Gabayan sila sa gawaing ito.) � nakapag-uulat sa klase ng ginawang pananaliksik sa masining na paraan (Ipagamit sa mag-aaral ang iba’t ibang istratehiyang kanilang natutuhan

sa pag-uulat.) � naibibigay ang kasingkahulugan ng malalalim na salita sa araling tatalakayin

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng sintesis sa pamamagitan ng pagpupuno sa pahayag na, “Nalaman o natutuhan ko sa araw na ito na ….” � nakikiisa sa pagsagot/pagtalakay sa sumusunod na mga tanong/gawain:

1. Batay sa pagkakalarawan, ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. Gamitin ang Flow Chart para sa sagot. Maaaring dagdagan pa ang mga ito kung kinakailangan. 2. Ayon sa mga saknong na naglalarawan, ano ang masasabi sa mga tauhan sa Ibong Adarna? 3. Sa iyong palagay, makikita pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda? Patunayan. 4. Mula sa bahagi ng talata na ipinakilala ang mga tauhan, kanino maihahambing ang iyong sarili? Bakit? Gamitin ang Compare and Contrast Chart para sa

sagot. 5. Pumili ng isang tauhan sa akda. Ilarawan sa sariling mga salita. 6. Paano mapatutunayan kung makatotohanan o hindi ang mga tauhan sa Ibong Adarna?

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa paggawa ng Character Portrayal.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa paggawa ng Character Portrayal � nakabubuo ng Character Portrayal ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa katangian ng piniling tauhan sa ilang tinalakay na bahagi

sa Ibong Adarna

Page 8: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Internet Mga kraytirya sa paggawa ng Character Portrayal Sipi ng mga istratehiya

Page 9: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 3: Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe (Saknong Blg. 1-27) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tamang pagpapalaki ng anak.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Ang pagiging mabuting anak ay nakasalalay sa tamang pagpapalaki ng mga magulang

Mahalagang Tanong: Paano ang tamang paraan ng pagpapalaki ng anak/mga anak?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: 1. Saknong blg. 1-27 (Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe 2. Sukat bilang katangian ng tula 3. Liham pasasalamat o liham kahilingan

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng simbolo na naglalarawan sa sarili bilang anak � nakapagsasagawa ng panayam hinggil sa paksang “Ang karunungan ay kayamanan” � nakapagbabahagi ng opinyon sa salawikaing kaugnay ng aralin � nakasusulat ng isang liham pasasalamat o kahilingan sa mga magulang

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsulat ng liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginawa nilang pagpapalaki sa mag-aaral

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbubuo ng simbolo na naglalarawan bilang isang anak. paglalarawan sa tauhan ayon sa tungkuling kanyang ginagampanansa aralin at ang sinisimbolo niya sa kasalukuyan. paglalahad ng sariling karanasan o karanasan ng ibang tao na katulad o kabaligtaran ng pagpapalaking ginawa ng mga tauhan sa aralin sa kanilang mga anak. pagbabahagi ng damdamin tungkol sa mga may mga anak na napapasama o naliligaw ng landas. pagbibigay ng iba’t ibang pananaw hinggil sa paksang may kaugnayan sa aralin. pagsulat ng isang liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginagawa nilang pagpapalaki sa mga anak.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang liham pasasalamat o kahilingan sa mga magulang batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan B. Angkop sa Paksa

C. Taglay ang mga elemento sa pagsulat ng liham D. Pagiging matapat

Page 10: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo at nakapagpapaliwanag sa ginawang simbolo na naglalarawan sa sarili bilang isang anak � nakapagbibigay ng feedback sa binuo at ipinaliwanag na simbolo

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

� nakapagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari mula sa Saknong 1-27 sa masining na paraan � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:

- Karaniwang nagsisimula sa isang panawagan o panalangin ang korido. - Ilalarawan ang hari ng Berbanya? Sino ang nananalangin sa bahaging ito ng akda? Ano ang kanyang panawagan? - Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong 19. Sang-ayon ka ba rito?

� napatutunayan ang pag-unawa sa katangian ng tula na sukat bilang katangian ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling halimbawa � naibibigay ang kasingkahulugan ng mga palitang malalim ang kahulugan sa araling babasahin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

� nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Visual Display of Text

Tauhan Tagpuan

Suliranin

Simula

Kasukdulan

Wakas

Daloy ng

mga

Pangyayari

Page 11: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nasasagot/naisasagawa ang sumusunod na mga tanong/gawain ( Iminumungkahing ibigay na ang gawain sa mag-aaral bilang takdang aralin.):

1. Ilarawan si Don Fernando bilang hari ng Berbanya at bilang isang ama. 2. Maglahad ng sariling karanasan o karanasan ng ibang tao na katulad o kabaligtaran ng pagpapalaking ginawa nina Haring Fernando at Doña

Valeriana sa kanilang mga anak. 3. Bakit kaya may mga anak na napapasama o naliligaw ng landas? Bilang isang anak, paano maiiwasan ang ganitong kalagayan?

Sagutin ang tanong sa paraang patula na may wawaluhing pantig. 4. Magsagawa ng isang panayam tungkol sa paksang “Ang karunungan ay kayamanan.” Kapanayamin ang isang taong nagtagumpay sa kaniyang

propesyon tulad ng isang guro, mayamang negosyante o isang mag-aaral na nagtamo ng karangalang pangkarunungan, at iba pa. 5. Ipagpalagay na isa ka sa mga anak nina Don Fernando at Doña Valeriana. Paano mo sila pasasalamatan at pahahalagahan? Sagutin ito sa

paraang patula na may dalawang saknong na may walong pantig ang bawat taludtod. 6. Paano ang tamang pagpapalaki sa mga anak? Gawing batayan ang resulta ng panayam sa mga magulang na ibinigay na takdang aralin.

D. Paglalapat :(Magbibigay muna ang guro ng input tungkol sa liham pasasalamat o kahilingan.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa gagawing liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginagawa nilang

pagpapalaki sa mga anak

� nakapagsusulat ng liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginawa nilang pagpapalaki sa kanila (Ipabigay sa magulang ang liham na ginawa ng mag-aaral) � nakapagsasalaysay sa naging reaksyon ng mga magulang sa ginawang liham ng mag-aaral

Mga Kakailanganing Kagamitan Mga kagamitan para sa pagguhit Aklat ng Ibong Adarna Worksheets

Page 12: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 4: Ang Panaginip ng Hari (Saknong Blg. 28-45) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa suliranin sa akda na dapat mabigyan ng solusyon.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Anumang suliranin sa buhay ay may solusyon.

Mahalagang Tanong: Paano bibigyan ng solusyon ang anumang suliraning maaaring makaharap?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 28-45 (Ang Panaginip ng Hari)

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapalitan ng solusyon tungkol sa isang suliranin � nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa panaginip � nakapaglalahad ng aralin gamit ang iba’t ibang istratehiya � nakapagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na

kinaharap ng pamilya o ng sariling pamayanan na nabigyan ng solusyon Antas 2

Inaasahang Pagganap: Pagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na hinaharap ng pamilya o ng pamayanan at nabigyan ng solusyon

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay ng solusyon sa isang liham na humihingi ng payo. pagpapaliwanag ng pananaw tungkol sa panaginip. paglalahad ng sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa aralin na iuugnay sa kasalukuyan. pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa panaginip ng tauhan sa aralin at iugnay ito sa kasalukuyan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinulat na talatang nagsasalaysay batay sa mga kraytirya:

A. May kaugnayan sa paksa B. Naglalahad ng suliranin

C. Nagmumungkahi ng solusyon

D. Nagtataglay ng mga elemento

ng talatang nagsasalaysay

Page 13: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

pagbibigay ng lunas sa sakit ng tauhan sa akda na maiuugnay sa mga likas na pamamaraan sa kasalukuyan. pagpapahayag kung paano ipinadarama ang pagmamahal sa mga magulang kung sila ay nagkakasakit.

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapagbabahagi ng solusyon sa isang liham na humihingi ng payo (Ang liham ay maaaring mula sa isang kaibigan o mula sa kolum ng isang

pahayagan. )

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

� napahahalagahan ang laman ng saknong bilang 28-45 sa masining na paraan tulad ng dula, sabayang pagbasa/pagbigkas at iba pa. ( Bigyan ng panahon ang mag-aaral upang pag-usapan ang gagawin nilang istratehiya. Gawin itong paligsahan.)

� nakapagbabahagi ng mga puna at mungkahi sa itinanghal ng bawat pangkat (peer evaluation) � nakapagbibigay ng input tungkol sa tugma bilang katangian ng tula at nakapagbibigay ng sariling halimbawa � nakahahalaw ng mga piling salita mula sa aralin

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay: � nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Fan Fact Analyzer o Pagsusuri ng Impormasyon.

Pagsusunud-sunod ng

mga pangyayari

Tagpuan/Tauhan Pagpapahalaga

2

1

3

4

5

Page 14: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� malayang nakikiisa sa talakayan batay sa sumusunod na mga tanong/gawain: 1. Naniniwala ka ba na ang panaginip ay nagkakatotoo? Ipaliwanag ang sagot. 2. Sa kabila ng kasaganaang tinatamasa, bakit biglang nagkaroon ng hapis sa kaharian ng Berbanya? 3. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang panaginip ng hari. 4. Kung iuugnay sa kasalukuyan, ano ang kalikasan ng sakit ni Don Fernando? Ano ang maaaring maging lunas sa ganitong uri ng sakit? 5. Bilang isang anak, paano mo ipinadarama ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang kung sila ay nagkakasakit?

� nakapagbibigay ng mga patunay na may solusyon ang anumang suliranin sa buhay, maaaring batay sa nakalap na impormasyon, sa pamamagitan ng pakikipanayam, paglalahad sa karanasan ng mga nakapanayam o kaya naman ay karanasan ng mga kilalang taong naging matatag sa pagharap sa mga pagsubok o iba pang angkop na gawain ukol dito (Ibigay ito bilang pangkatang takdang aralin na iuulat kinabukasan ng bawat pangkat.)

D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay � nakapagsusulat ng isang talatang nagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na kinaharap ng pamilya o ng pamayanan

na nabigyan ng solusyon � nakapaglalahad ng mungkahing solusyon sa mga isinalaysay na suliranin (kolaboratibong gawain). ( Iminumungkahi sa guro na pumili ng isa sa mga suliranin na isinalaysay ng mag-aaral at bigyan ng solusyon ng bawat pangkat.)

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pagtataya ng gawain Sipi ng istratehiya Pahayagan

Page 15: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 5: Si Don Pedro at Ang Puno ng Piedras Platas (Saknong Blg. 46-80) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kapalaran ni Don Pedro sa paghahanap sa Ibong Adarna.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Anumang pagsubok ay malalampasan kung ang tao’y hindi palilinlang sa mga tukso.

Mahalagang Tanong: Paano malalampasan ng tao ang mga pagsubok sa buhay?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 46-80 (Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras Platas)

Ang mag-aaral ay: � nakatatalakay kung paano nalampasan ng mga kilalang personalidad ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay � nakapagbibigay ng dahilan kung bakit di natatapos ang isang gawain at ang solusyon kung paano ito masosolusyunan � nakapagbubuod ng aralin � nakapagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay

Antas 2

Page 16: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Inaasahang Pagganap: Pagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay ng mga dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang tauhan sa kanyang layunin at iugnay ito sa sariling karanasan o karanasan ng iba. pagbibigay kahulugan sa dahilan nang pag-iwas ng iba pang mga ibon sa puno ng Piedras Platas. pagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa isang tauhan batay sa kabiguang natamo sa pagkamit ng layunin. pagpapahayag ng damdamin sa sinapit ng tauhan sa kanyang kabiguan. paglalahad ng panuntunan sa buhay na natutuhan sa sinapit ng tauhan sa aralin. pagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na monologo batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa paksa B. Makatotohanan

C. Taglay ang mga elemento ng masining na pagmomonologo

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng suliranin ng kilalang personalidad na ipinakita ng guro at pagtalakay kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok na iyon

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapag-uulat ng mahahalagang pangyayari sa mga saknong blg. 46-80 sa masining na paraan � nalilinang ang kaalaman at pang-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasagutan/ideya sa mga tanong na:

- Anu-anong taludtod sa aralin ang nagpapatunay sa pagiging masunuring anak ni Don Pedro? - Bakit naisipan ni Don Pedro na tumigil muna sa kinaroroonan ng kakaibang punongkahoy? - Dumapo ang Ibong Adarna sa Piedras Platas sa tulog na si Don Pedro. Sa iyong palagay, ang pangyayari kaya ay nagkataon lamang o

sinasadya? - Anong salita sa saknong blg. 77 ang nagpapatunay na ito ay tayutay na simili?

� nakapagbibigay ng sariling halimbawa sa tayutay na simile � nakapipili ng kasingkahulugan ng mga salitang nakapaloob sa pangungusap

C. Pagpapalalim :

Page 17: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ang mag-aaral ay: � nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Story Pyramid

� malayang nakikiisa sa pagtalakay sa mga tanong/gawain: 1. Bakit hindi nagtagumpay si Don Pedro sa paghuli sa Adarna? 2. Ano ang dahilan at umiiwas ang iba pang mga ibon na dumapo man lamang sa puno ng Piedras Platas? 3. Ano ang iyong masasabi sa katauhan ni Don Pedro batay sa kabiguan niyang mahuli ang ibon? 4. Bakit may mga pagkakataong hindi natatapos ang isang gawain? Magbigay ng mga dahilan kung bakit hindi ito natatapos. Magmungkahi ng

solusyon kung paano malalampasan ang mga ito sa pamamagitan ng two-way chart. 5. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang gagawing paghuli ni Don Pedro sa Ibong Adarna? Bakit? 6. Nararapat bang kaawaan si Don Pedro sa sinapit niya sa paghahanap sa ibong Adarna? Ipaliwanag ang sagot. 7. Anong panuntunan sa buhay ang iyong natutuhan sa sinapit ni Don Pedro? Paano ito gagawing gabay sa pang-araw-araw na buhay?

� malayang natatalakay kung paano malalampasan ng tao ang mga pagsubok sa buhay

D. Paglalapat : (Ang guro ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa monologo.) Ang mag-aaral ay:

� nakasusulat ng sariling monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay � nakabubuo ng kraytirya sa pagtatanghal ng monologo � nakapagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay

Page 18: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Larawan ng mga kilalang personalidad Mga kraytriya sa pagtatanghal ng monologo Mga hakbangin sa pagsulat at pagtatanghal ng monologo

Page 19: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 6: Si Don Diego at Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong Blg. 81-109) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa sinapit ni Don Diego sa paghahanap kay Don Juan at sa Ibong Adarna.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarn na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Mahalaga ang pagtutulungan at pagdadamayan sa paglutas ng mga suliraning pampamilya.

Mahalagang Tanong: Paano ipinakita sa akda ang magandang samahan ng isang pamilya?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

1. Saknong blg. 81-109 ( Si Don Diego at Ang Awit ng Ibong Adarna

2. Ang tugma bilang katangian ng tula

Ang mag-aaral ay: � nakapag-aanalisa ng suliraning ipinakita sa isa sa mga pelikulang pinanood � nakaguguhit ng larawang nagpapakita ng mga pangyayari sa aralin bilang

pagbubuod � nakapaghahambing ng sitwasyon na inilahad sa aralin at sa kasalukuyang

sitwasyon � nakabubuo ng simbolong naglalarawan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapamilya

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbubuo ng simbolong naglalarawan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagtukoy at pagbibigay kahulugan sa suliraning kinaharap ng pamilya sa isa sa mga pinanood na pelikulang pampamilya. pagpapaliwanag kung bakit hindi nagtagumpay ang tauhan sa kanyang layunin. paghahambing sa ginawang pag-iwas ng mga ibon sa puno ng Piedras Platas sa mga sitwasyon sa kasalukuyang lipunan. pagpapahayag ng damdamin tungkol sa pagpapahanap ng tauhan sa kanyang anak sa Ibong Adarna gayong napahamak na ang una nitong anak. pagpapahayag ng napagtibay na paniniwala tungkol sa pamilya. pagbuo ng simbolo na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa binuong simbolo na nagpapakita at naglalarawan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya batay sa mga kraytirya:

A. May kaugnayan sa paksa B. Malikhain

C. Orihinalidad

Page 20: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakatutukoy ng suliraning kinaharap ng pamilya sa isa sa mga pelikulang pampamilyang napanood at kung paano ito nabigyang solusyon ng mga miyembro ng pamilya

sa nasabing pelikula

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

� nakapagtatanghal ng nilalaman ng aralin sa pamamagitan ng madulang pagbigkas (Isa sa kapangkat ang babasa at ikikilos naman ng mga kapangkat. Gawin itong paligsahan.) � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga na tanong:

- Ano-ano ang pagkakatulad ng karanasan nina Don Pedro at Don Diego? - Anong mga salita ang nagtutugma sa s aknong blg. 95? Sa Saknong 98? Ipaliwanag ang sagot.

� nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng tugma bilang katangian ng tula. C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay: � nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng pagguhit sa mga pangyayari (Ipatalakay sa bawat pangkat ang nabuong mga larawan.) � malayang natatalakay ang mga tanong na: a. Bakit hindi nagtagumpay si Don Diego sa paghahanap kay Don Pedro at sa paghuli sa ibong Adarna? b. Paano maihahambing ang pag-iwas ng mga ibon sa puno ng Piedras Platas sa mga sitwasyon sa kasalukuyang lipunan? c. Kung ikaw ang hari, hahayaan mo pa bang hanapin ni Don Diego ang Adarna gayong maaaring napahamak na ang anak na unang naghanap sa ibon?

Pangatwiranan. d. Paano napagtibay ng aralin ang iyong paniniwala tungkol sa pamilya?

� nakapagbabahagi ng ideya tungkol sa mahalagang tanong na “Paano ipinakikita sa akda ang magandang samahan ng isang pamilya?”

C. Paglalapat : Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pagbubuo ng simbolo � nakabubuo ng simbolo na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya � natatalakay ang binuong simbolo

Page 21: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets TV/cd o vcd player/casette player Mga Kagamitan sa pagguhit Mga Kraytirya sa pagbuo ng simbolo

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 7: Si Don Juan, Ang Bunsong Anak (Saknong Blg. 110-163) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ginawang paglalakbay ni Don Juan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Ang anumang hakbangin ay mapagtatagumpayan kung hihilingin ang patnubay ng Maykapal.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: 1. Saknong blg. 110-163 (Si Don Juan, ang Bunsong Anak) 2. Idyomatikong pahayag

Ang mag-aaral ay: � nakababasa ng mga saknong ng aralin gamit ang iba’t bang tono � nakalalahok sa malayang talakayan

� nakapagbubuod ng mga pangyayari sa aralin

� nakabubuo ng photo documentary batay sa mga pangyayarri sa aralin

Page 22: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbubuo ng photo documentary na naglalarawan sa ginawang paglalakbay ng tatlong magkakapatid

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng kaugnayan ng mga salitang ginamit sa aralin sa buhay ng tauhan. pagbibigay ng ipinapahiwatig ng piling saknong sa aralin. paglalahad kung paano maipakikita ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa. pagpapatunay na ang kabutihang ginagawa ay may kapalit na gantimpala pagpapahayag ng mararamdaman kung ibalik ng taong tinulungan ang naibigay na sa kanya. pagbabahagi ng isang testimonya na nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa Diyos.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa pagbuo ng photo documentary batay sa mga kraytirya:

A. May Kaugnayan sa paksa B. Orihinal

C. Malikhain

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng isang bahagi ng teleserye o pelikulang napanood na nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng mga saknong sa aralin sa pamamagitan ng Intonational Reading. Ang tono ay maaaring natutuwa, natatakot, nalulungkot,

nagagalit o iba pang damdaming maaaring namamayani sa isang tao (kolaboratibong gawain) � nakapagbibigay ng sariling puna sa naging pagtatanghal ng mga natapos na pangkat (peer evaluation) � nalilinang ang aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong na:

1. Bakit ayaw payagan ng hari na maglakbay si Don Juan? 2. Anong magandang pag-uugali ng isang anak ang ipinakikita sa saknong blg. 115?

Page 23: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

3. Bakit mahalagang nakikipag-usap sa magulang kaugnay ng mga binabalak gawin? 4. Paano naiiba si Don Juan sa kaniyang mga kapatid sa ginawa niyang paglalakbay? 5. Ano ang katangian ni Don Juan na hindi taglay ng dalawang nakatatandang kapatid ang inilahad sa saknong blg. 129 hanggang 163? 6. Makatotohanan ba ang ginawang pagkain ni Don Juan ng tinapay nang minsan lamang sa isang buwan? 7. Sa kasalukuyang panahon, kanino maihahalintulad ang katauhan ng leprosong tinulungan ni Don Juan? 8. Ano ang iyong mahihinuha sa ginawang paghingi ng tulong ng matandang leproso kay Don Juan? May iba pa kaya siyang maaaring

gawin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

� nakapagbibigay ng iba pang halimbawa ng mga idyomatikong pahayag (Magbibigay muna ng input ang guro tungkol sa idyomatikong pahayag bago hingan ng halimbawa ang mag-aaral.)

� nakatukoy ang kasalungat na kahulugan ng ilang salitang ginamit sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

� nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng kwadro o frames

� natatalakay ang aralin sa pamamagitan ng malayang talakayan sa mga na tanong/gawain: 1. Isulat at ipaliwanag sa bawat kahon kung ano ang kaugnayan ng mga piling salita sa aralin sa buhay ni Don Juan. 2. Basahin ang saknong 127. Ano ang ipinapahiwatig nito? Makatotohanan ba ito? Ipaliwanag. 3. Paano maipakikita ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa? Maglahad ng karanasang may kaugnayan sa sitwasyon. 4. Naniniwala ka ba na ang kabutihang ginagawa ay may kapalit na gantimpala? Patunayan. 5. Bakit nasaktan ang kalooban ni Don Juan nang ibalik ng matanda ang tinapay? Ganito rin ba ang iyong mararamdaman kung ikaw

si Don Juan? 6. Humihingi ka ba ng patnubay sa Maykapal sa iyong mga gawain? Ano ang nagiging bunga nito sa iyong pagkatao?

� malayang nakapagtatalakay tungkol sa kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos

D. Paglalapat :

F1 Tagpuan F3 Simula F4 Saglit na

Kasiglahan

F5

Tunggalian

F6

Kasukdulan

F2 Tauhan F7 Wakas

Page 24: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagbuo ng photo documentary � nakabubuo ng photo documentary na naglalarawan sa ginawang paglalakbay ng tatlong magkakapatid

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Larawan Mga kagamitan sa pagkuha ng larawan Mga kraytirya sa Pagbubuo ng photo documentary.

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 8: Ang Gantimpala ng Karapat-dapat (Saknong Blg. 164-198) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa magiging bunga ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Kapag kabutihan ang ginawa sa kapwa, asahang ito’y may gantimpala.

Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga ang taos-pusong pagtulong sa mga nangangailangan?

Page 25: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Nauunawaan ng mag-aaral ang: 1. Saknong blg. 164-198 (Ang Gantimpala ng Karapat-dapat 2. Aliw-iw ng tula

Ang mag-aaral ay: � nakapagtatanghal ng tableau na nagpapakita ng gantimpalang ibinibigay

kapag gumawa ng kabutihan sa kapwa � nakapagbibigay ng iba pang kahulugan sa mga piling salita ng aralin

� nakapagbibigay ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa aralin � nakabubuo ng kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng

kabutihan sa kaniya/pamilya

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng kabutihan sa kaniya o sa kaniyang pamilya

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay at pagpapaliwanag ng mga kabutihan at kasamaang dulot ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa piling saknong ng aralin. pagpapahayag ng sariling kahulugan sa mga piling salita sa aralin at bigyan ito ng sariling kahulugan na ihahambing sa kasalukuyan. pagbabahagi ng sariling pananaw sa salawikaing may kaugnayan sa aralin. pagsasalaysay ng sariling karanasan na makapagpapatunay sa salawikaing angkop sa aralin. pagbabahagi kung paano ipinakikita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa isang taong nakagawa ng kabutihan. pagpapadama ng naging damdamin ng kapamamilya sa natanggap na pasasalamat.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawa o binuong kard ng pasasalamat batay sa mga kraytirya:

A. Tapat B. Malikhain

C. Orihinal

Antas 3

Page 26: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

• nakapagtatanghal ng tableau na nagpapakita ng gantimpalang ibinibigay kapag gumawa ng kabutihan sa kapwa

• napahahalagahan ang ginawang tableau sa pamamagitan ng malayang talakayan

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay:

• nakapag-uulat ng nilalaman ng saknong blg. 164-198 sa masining na paraan (Maaaring gamitin ang madamdaming pagbasa o iba pang paraan ng pagbasa na lilinang sa kakayahan ng mag-aaral sa pagbasa ng tula.)

• nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat

• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na: a. Ano ang literal na kahulugan ng salitang “ermitanyo”? Ano ang katangian ng ermitanyong natagpuan ni Don Juan? b. Ano ang tinutukoy ni Don Juan na kahanga-hanga at “isang talinghaga”? Bakit niya ito nabanggit? c. Ano ang iyong pagpapakahulugan sa pahayag na “maging hangga man ng palad, tutupdin ko yaring hangad?” d. Bakit naging karapat-dapat si Don Juan sa tulong ng matandang ermitanyo?

• nakapagbibigy ng iba pang kahulugan ng mga piling salita sa aralin.

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• nakasusuri ng binasang aralin sa pamamagitan ng pagsulat sa Paradaym ng mga natutuhan sa aralin

• malayang nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot/paggawa ng mga tanong/gawain: a. Magbigay ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa saknong 164-198. Isulat ang mga kabutihan at kasamaang dulot nito sa kasalukuyan. Gamitin ang Fish Bone Map. b. Pumili ng isa sa mga piling salita sa aralin at bigyan ito ng sariling kahulugan. Ihambing ang kahulugan nito sa kasalukuyan. c. Naniniwala ka ba sa salawikaing “Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin”? Ipaliwanag. d. Magsalaysay ng sariling karanasan na makapagpapatunay sa salawikaing “Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.” e. Paano maipakikita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? f. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Don Juan, ano ang iyong magiging damdamin sa ginawang pagtulong sa iyo ng matandang ermitanyo?

g. Bakit mahalaga ang taos-pusong pagtulong sa mga nangangailangan? (Maaaring gamitin ang Fan Fact Analyzer)

Page 27: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro sa pagbuo ng kard ng pasasalamat.) Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa bubuuing kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng kabutihan sa kaniya o sa kaniyang pamilya � nakagagawa ng kard ng pasasalamat ang mag-aaral � nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawang kard ng pasasalamat ng kamag-aral bago ipabigay sa pinaglalaanan nito

(Ibigay sa mag-aaral bilang takdang aralin ang gawaing pagbibigay ng kard ng pasasalamat sa taong pinaglalaanan nito. Ipaulat sa klase ang naging reaksyon ng taong pinagbigyan at ang naging damdamin nila sa naging reaksyon ng kanilang pinaghandugan.)

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pagbuo ng kard ng pasasalamat Mga materyales o kagamitan sa pagbuo ng kard ng pasasalamat Sipi ng mga istratehiya

Bakit mahalaga ang taos-

pusong pagtulong sa mga

nangangailangan?

Page 28: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 9: Ang Bunga ng Pagpapakasakit (Saknong Blg. 199-232) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging bunga ng pagpapakasakit at pagkakaroon ng mabuting kalooban ni Don Juan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Bahagi na ng buhay ang pagpapakasakit upang maging matagumpay.

Mahalagang Tanong: Paano makakamit ang tagumpay na hinahangad?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

1. Saknong blg. 199-232 (Ang Bunga ng Pagpapakasakit) 2. Tayutay na personipikasyon

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa mga saknong blg. 199-232 � nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa isa sa mga saknong ng aralin � nakapagpapatunay na ang pagpapakasakit ay nagbubunga nang mabuti � nakabubuo ng isang salawikain tungkol sa maaaring maging bunga ng pagpapakasakit

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Paggawa ng poster na may kaugnayan sa saknong blg. 199-

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapatunay sa bisa ng ginawang hakbang ng tauhan upang makamit ang kanyang layunin.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang poster batay sa mga kraytirya:

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Page 29: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

232. pagbibigay ng kahulugan sa sinabi ng tauhan tungkol sa tamang pakikitungo sa kapatid na maaaring maiuugnay sa sarili. pagbabahagi ng pananaw tungkol sa isang saknong sa aralin at iuugnay ito sa pangyayari sa kasalukuyan. pagsasalaysay ng isang pangyayari sa saknong na may pagkakatulad sa kasalukuyan. pagpapahayag kung paano magpapakasakit alang-alang sa pamilya. pagbuo ng salawikain tungkol sa maaaring maging bunga ng pagkakasakit.

A. Angkop sa paksa ng aralin

B. Malikhain

C. Orihinal

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

• nakapagbibigay halaga sa kamag-aral na nagpapakasakit o nagsasakripisyo para sa pag-aaral (Ipagawa ito sa pamamagitan ng secret balloting upang malaman kung sino ang karapat-dapat na bigyan ng pagpapahalaga. Iminumungkahing huwag munang ipaalam sa mga mag-aaral ang susunod na gagawin upang maging

sorpresa ito sa mag-aaral na napili. Ipagawa ang secret ballotin isang araw bago ang araling ito upang mapaghandaan ang paghahandog sa napiling mag-aaral. Paghandain ang mga mag-aaral ng bulaklak o munting regalo na maaaring ibigay sa napiling mag-aaral.)

• nakapaglalahad ng hinuha kung ano ang maaaring maging bunga sa isang taong nagpapakasakit

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa mga saknong blg. 199-232 (Maaaring ipagamit sa mag-aaral ang iba’t ibang istratehiya sa pagbigkas.)

• nakapaglalahad ng puna at mungkahi sa ipinakitang pagtatanghal ng bawat pangkat (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa tayutay na personipikasyon na ginamit sa aralin pagkatapos ng bahaging ito.)

• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong na: a. Aling mga salita ang kumakatawan sa tayutay na personipikasyon sa saknong blg. 206? b. Ano ang naging damdamin nina Don Pedro at Don Diego sa ginawang pagtulong sa kanila ni Don Juan, ang kanilang bunsong kapatid mula sa pagiging

bato? c. Ano ang mga katangian ni Don Juan ang ipinakita sa saknong blg. 231?

• nakapagbibigay ng ibang uri ng tayutay na personipikasyon

• nakatutukoy sa magkakapares na salita kung ito ay magkasingkahulugan o magkasalungat

Page 30: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• nakapagbubuod ang mga pangyayari sa aralin sa pamamagitan ng dayagram

• nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na: d. Ano ang ginawa ni Don Juan upang mapaglabanan ang antok habang umaawit ang Ibong Adarna? Naging mabisa ba ang ginawa niyang ito?

Patunayan. e. Bigyang kahulugan ang sinabi ng ermitanyo sa tatlong magkakapatid:

“Ngayon, anang ermitanyo, maghanda nang umuwi kayo, magkasundo kayong tatlo’t wala sanang may maglilo.”

f. Nahuhulaan kaya ng ermitanyo ang maaaring maganap sa tatlong magkakapatid? Patunayan.

Page 31: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

g. Pumili ng mga saknong sa bahaging ito at magsalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad dito. h. Magagawa mo bang magpakasakit alang-alang sa iyong pamilya? Bakit? i. Nagbubunga ba ng mabuti ang pagpapakasakit? Patunayan. j. Paano makakamit ang tagumpay na hinahangad?

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa paggawa ng poster.) Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pagbuo ng poster (Papatnubayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo nito.) � nakabubuo at nakapagpapaliwanag ng poster na ginawa kaugnay sa saknong 199-232.

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pagbuo ng salawikain Sipi ng mga istratehiyang ginamit

Page 32: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 10: Ang Bunga ng Inggit (Saknong Blg. 232-275) Bilang ng araw/sesyon: 1

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging bunga ng pagkainggit nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Iwasan ang inggit, dulot nito ay hindi maganda

Mahalagang Tanong: Paano nakahahadlang sa pagtatagumpay ang inggit?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 232-275 (Ang Bunga ng Inggit)

Ang mag-aaral ay: � nakapagtatanghal ng madulang pagbasa sa mga saknong sa aralin

� nakapaglalahad ng sunod-sunod na mga pangyayari sa aralin

� nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang inggit

� nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahagi ng akda

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng kuwento na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahaging ito ng akda

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng kaisipan ng aralin at kung paano ito nakaaapekto sa tagumpay ng isang tao. pagpapahayag ng mungkahi kung paano maiiwasan ang inggit.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa binuong kuwento batay sa mga kraytirya:

A. May kaugnayan sa paksa B. Taglay ang mga elemento

Page 33: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

paglalahad sa tauhang nagkaroon ng bisang pandamdamin sa sarili. pagsasalaysay ng isang pangyayaring narinig, nabasa o napanood na may pagkakatulad sa pangyayaring binasa. paglalahad ng nais ipaalala ng piling bahagi ng aralin bilang anak at kapatid. pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahaging ito ng akda.

ng isang kuwento C. Tumutugon sa layunin D. Gumamit ng mga angkop na salita E. Wastong gamit ng bantas

Antas 3 A. Pagtuklas : (Ipaliiwanag ng guro ang kaisipang “crab mentality”.) Ang mag-aaral ay:

•••• natatalakay kung paano nakaaapekto sa tagumpay ng isang tao ang crab mentality. Maaaring batay sa sariling karanasan o karanasan ng mga taong kakilala ng mag-aaral

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

•••• nakapagtatanghal ng saknong blg. 232-275 sa madulang paraan (Ibigay ito sa mga mag-aaral bilang takdang aralin. Ipahanda ang mga kakailanganin

sa pagtatanghal.)

•••• nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa bawat pangkat na nagtanghal

•••• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na: 1. Ano ang uri ng pagkatao ang ibinabadya ng saknong blg. 233 at 234 tungkol kay Don Pedro? 2. Ano ang maaaring ipakahulugan nang hindi agad pagsagot ni Don Diego sa panukalang masamang balak ni Don Pedro kay Don Juan? 3. Ano ang mga salita ang naglalahad ng tayutay na patambis sa saknong 240? (Iminumungkahing talakayin muna sa mga-aaral ang tungkol sa

tayutay na patambis o pagsalungat.) 4. Ano ang kahinaan ng tao ang tinutukoy sa saknong blg. 243? 5. Sa iyong palagay, bakit hindi ipinagtanggol ni Don Juan ang sarili sa ginawang pananakit ng dalawang kapatid? 6. Bakit tumangging umawit ang ibong Adarna nang dalhin ito sa kaharian ng Berbanya?

• nakalilikha ng iba’t ibang salita mula sa mga piling salitang-ugat. C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng mga sunud-sunod na pangyayari sa aralin sa pamamagitan ng Flow Chart o iba pang istratehiyang angkop sa aralin

Page 34: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

• nakapagtatalakay ng aralin sa pamamagitan ng mga tanong na: 1. Bakit nagawang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan? Nagbunga ba ng mabuti ang kanilang ginawa? Patunayan. 2. Paano maiiwasan ang pagkakainggit? 3. Magsalaysay ng isang pangyayaring narinig, nabasa o napanood na may pagkakatulad sa pangyayaring binasa. Ano ang naging bunga nito at paano ito nalutas? 4. Sino sa mga tauhan ang nagkaroon ng pinakamatinding bisa sa iyong damdamin? 5. Ano ang nais ipaalala sa iyo ng bahaging ito ng aralin bilang isang anak at kapatid? 6. Paano nakahahadlang sa pagtatagumpay ang pagkainggit?

D. Paglalapat: (Ang guro ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dapat tandaan sa pagsasalaysay.) Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pagsasalaysay � nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahagi ng akda

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga props para sa madulang pagtatanghal Sipi ng mga istratehiya Mga kraytirya sa pagsasalaysay

Page 35: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 11: Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap

(Saknong Blg. 276-318) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahilingan ni Don Juan para sa kanyang pamilya sa gitna ng kaniyang paghihirap.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Gabay ang positibong pananaw upang magtagumpay sa buhay

Mahalagang Tanong: Paano magiging magaan ang pagharap sa mga suliranin sa buhay?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

1. Saknong blg. 276-318 (Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap) 2. Ang tayutay na Apostrophe

Ang mag-aaral ay: � nakatatalakay ng mga hakbangin sa paglutas ng sariling suliranin � natutukoy ng ilang saknong na nagkaroon ng malaking epekto sa sarili � nakapagpapaliwanag nang pagsang-ayon sa ikinilos ng tauhan � nakasusulat ng panalangin o dasal para sa pamilya

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsulat ng isang panalangin o dasal na humihiling ng kaligtasan, kalusugan at kapayapaan ng mga mahal sa buhay

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbubuod at pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa aralin. pagbibigay kahulugan sa napiling saknong mula sa aralin na nagkaroon ng bisa sa sarili. paglalahad kung kailan naramdamang hindi nagpabaya ang Diyos. pag-aanalisa sa sarili kung magagawang magpatawad sa mga kapatid na nakagawa ng kasalanan tulad ng ginawa ng tauhan sa aralin. pagkilala sa sarili kung anong mahalagang kaisipan ang natutuhan sa aralin. pagpapahayag kung paano maisasabuhay ang kaisipang natutuhan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinulat na panalangin o dasal batay sa mga kraytirya:

A. Pagiging tapat B. Orihinal C. Taglay ang tayutay na

pagtawag/apostrophe

Antas 3

Page 36: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

• nakapagbabahagi ng ginawang hakbang at ng kaniyang pamilya sa panahong nahaharap sila sa mabigat na suliranin sa pamamagitan ng pagtatala sa Double Entry Journal. Sa unang pahina, ilalagay ang impormasyon tungkol sa sarili. Sa ikalawang pahina ay ang mga ginawang hakbang sa panahon ng pagharap sa mabigat na suliranin.

(Iparinig ang tugtuging instrumental ng isang malamyos na awitin sa mga mag-aaral habang sila’y nakapikit.)

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakababasa nang wasto at may damdamin sa saknong blg. 276-318

• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot at pagtalakay sa mga tanong na: a. Ano ang hinaing ni Don Juan tungkol sa kaniyang mga kapatid? b. Paano bibigyang-kahulugan ang saknong blg. 296? Sang-ayon ka ba sa nilalaman ng saknong blg. 298? c. Ano ang panawagan ni Don Juan para sa kaniyang amang si Haring Fernando? d. Bakit may tayutay na pagtawag sa saknong blg. 312? (Iminumungkahi sa gurong magbigay muna ng input tungkol sa tayutay na pagtawag o apostrophe bago ito talakayin nang may pagsasanay sa klase?.)

• nakabubuo ng kahulugan ng mga piling salita mula sa aralin

C. Pagpapalalim :

Pangalan Ginawang Hakbang

Page 37: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ang mag-aaral ay:

• nakapagbubuod ng aralin gamit ang Caterpillar Technique

• malayang nakapagtatalakay ng aralin sa tulong ng pagsagot sa mga tanong at pagsasagawa ng mga gawain na: a. Ibuod ang mga pangyayari sa aralin sa tulong ng Story Mapping. Simulan ang mga pangyayari sa pagkakalugmok ni Don Juan. b. Pumili ng isang saknong mula sa aralin na nagkaroon ng bisa sa iyo. Ipaliwanag ito. c. Ipinakita sa aralin na ang Diyos ay kumikilos sa tamang panahon. Isalaysay kung kailan naramdamang hindi ka Niya pinabayaan. d. Sang-ayon ka ba sa ipinakitang ugali ni Don Juan? Bakit oo? Bakit hindi? e. Katulad ni Don Juan, magagawa mo rin kayang patawarin ang iyong mga kapatid kung makagawa sila ng kasalanan sa iyo? Ipaliwanag. f. Anong mahalagang kaisipan ang natutuhan sa aralin? Paano ito isasabuhay? g. Paano magiging magaan ang mga kinakaharap na suliranin sa buhay? Talakayin ito sa pamamagitan ng List All Factors Strategy (LAFS).

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa tamang pagdarasal at ang dapat na nilalaman nito.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa binuong panalangin � nakabubuo ng panalangin na humihiling ng kaligtasan, kalusugan at kapayapaan ng mga mahal sa buhay � naiparirinig sa kamag-aral ang panalangin na ginawa para sa pamilya

Tema

Wakas

Tagpuan Mga

Tauhan

Pamagat

Mga Pangyayari

Page 38: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pagtataya sa isinulat na panalangin Cd/vcd player/cassette player

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 12: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong Blg. 319-384) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pag-awit ng Ibong Adarna.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Kailanma’y hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.

Mahalagang Tanong: Bakit kailangang iwasan ang paggawa ng masama?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: 1. Saknong Blg. 319-384 (Ang Awit ng Ibong Adarna) 2. Tayutay na Simile o Pagtutulad

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasadula ng madulang tagpo sa teleserye o pelikulang

napanood � masining na nakapagtatanghal ng mga pangyayari sa aralin

� nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya

� naiaawit sa wika ng mga kabataan sa kasalukuyan ang ilang saknong ng Ibong Adarna

Page 39: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pag-awit sa ilang saknong ng Ibong Adarna ayon sa wika ng mga kabataan sa kasalukuyan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagkilala at pagpapaliwanag sa taong magkatulad ng pag-uugali ni Don Juan sa kasalukuyang panahon. paglalahad ng mga dahilan kung bakit nakadarama ng inggit o panibugho sa kapwa. pagpapahayag ng pananaw tungkol sa salawikaing maiuugnay sa aralin. pagsusuri sa sarili kung kanino higit na dapat manaig ang damdamin nang pagkaawa sa mga taong inihambing sa mga tauhan sa aralin. pagpapahayag ng natutuhan at nalaman sa aralin sa masining na paraan. pag-awit sa sariling wika/interpretasyon sa ilang saknong ng Ibong Adarna.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa pag-awit sa saknong ng Ibong Adarna batay sa mga kraytirya:

A. Kaangkupan ng interpretasyon B. Ganda ng tonong nagawa

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakapagpapakita ng isang tagpo na tulad sa isang pelikula o teleseryeng napanood na nagpapakita ng pagtutunggali ng bida at kontrabida

• natatalakay ang kinahinatnan ng mga tauhan sa pelikula o teleseryeng ipinakita

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay :

• nakapagtatanghal ng saknong blg. 319-384 sa pamamagitan ng masining na paraan. Maaaring intonational reading, madulang pagbigkas at iba pang masining na pamamaraan sa pagbigkas ng tula. ( Gawin itong paligsahan.)

• nakapagpapahahayag ng puna at mungkahi sa mga nagtanghal na pangkat

• nalilinang ang aralin sa pagsagot sa mga tanong: a. Paano sinagot ng Panginoong Diyos ang mga panalangin ni Don Juan? b. Paano ibubuod ang saknong blg. 330-332?

Page 40: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

c. Bakit hindi na ipinagtaka ni Don Juan na alam ng matanda ang mga kaganapan sa Berbanya? d. Ilarawan sa iyong sariling pananalita ang pagbabago sa ibong Adarna nang makita si Don Juan? e. Tungkol saan ang pangyayari na inawit ng Adarna?

• nakapagbibigay ng halimbawa ng tayutay na simile o pagtutulad (Magbibigay muna ng input ang guro tungkol sa simile o pagtutulad na tayutay bago ipagawa ang bahaging ito.)

• nasusuri ang ginamit na tayutay na pagtutulad sa mga saknong na pinag-aralan

• nakapagbibigay ng ilang pagsasanay sa pagkilala sa tayutay na pagtutulad (simile)

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• nakabubuod ng aralin sa pamamagitan ng Staircase Strategy o iba pang istratehiyang angkop sa aralin

• nakalalahok sa malayang talakayan sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga tanong/pagpapagawa sa mga gawain na : a. Paano ipinakita ng matandang ermitanyo ang kabutihan sa tatlong magkakapatid? b. May kilala ka bang katulad na pag-uugali ni Don Juan? Kung mayroon, sino siya at ipaliwanag kung bakit siya ang napili mong ihambing kay

Don Juan. c. Anong pagkakataon nakadarama ng inggit ang isang tao sa isang kapwa? Dapat ba ito? Ipaliwanag ang sagot. d. Naniniwala ka ba sa kasabihang “Ang bawat kasalanan ay may katumbas na kaparusahan”? Anong parusa ang dapat igawad kina Don Pedro

at Don Diego? Bakit? e. Suriin ang iyong sarili. Sagutin ang tanong na: Kanino ako higit na dapat maawa: kay Don Juan na ginawan ng kasalanan o kina Don Pedro

at Don Diiego na parurusahan?

Page 41: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

f. Isulat kung ano ang mga natutuhan sa aralin. g. Bakit kailangang iwasan ang paggawa ng masama? (Ipatala ang mga sagot sa pisara na pagkatapos ay ipabubuo ang isang talata

batay sa mga isinulat na salita.)

D. Paglalapat : Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pag-awit � naaawit ang ilang saknong ng Ibong Adarna ayon sa kanilang wika ( Palapatan ito ng musika na may angkop na instrumento sa mga mag-aaral.)

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pag-awit Musika at instrumentong maaaring gamitin sa pagsasapopular ng ilang saknong

Page 42: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 13: Ang Muling Pagkahamak ni Don Juan (Saknong Blg. 385-441) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kabutihan at kasamaang dulot ng labis na pagtitiwala sa kapwa.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: May limitasyon din ang pagtitiwala sa kapwa.

Mahalagang Tanong: Bakit dapat na may limitasyon ang pagtitiwala sa isang tao?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 385-441 (Ang Muling Kapahamakan ni Don Juan)

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapaliwanag kung paano maiiwasan ang crab mentality � nagagamit sa pangungusap ang angkop na mga pang-uri sa

paglalarawan � nakapagpapaliwanag kung bakit hindi mabuti ang mainggit sa kapwa � nakapagsasagawa ng panayam tungkol sa maaaring idulot ng

pagkainggit sa kapwa.

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pag-uulat sa kinalabasan ng isinagawang panayam tungkol sa sanhi at bunga ng pagkainggit ng tao sa kapwa

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa kabutihan at kasamaang dulot ng pagkainggit sa kapwa. paglalahad ng isang pangyayaring napanood o nabasa na nagpapakita ng naging sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa. pagbabahagi ng sariling paniniwala tungkol sa sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa. pagbibigay ng isang pangyayaring nagbubunga ng positibo ang inggit. pagbabahagi sa naging damdamin sa mga tauhang nakaramdam ng inggit. paglalahad kung paano pinaglalabanan ang nadaramang pagkainggit sa kapatid o kapwa.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pag-uulat sa isinagawang panayam batay sa mga kraytirya:

A. Pagiging matapat B. Gumamit ng makabagong

pamamaraan sa pakikipanayam

C. Mahusay ang pagkakaulat batay sa boses at visual aids na ginamit

Page 43: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay: � nakapagpapaliwanag kung paano maiiwasan ang crab mentality (Gawin itong pangkatan. Ipaulat sa napiling lider ng pangkat ang napag-usapan.)

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa saknong blg. 385-441 � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:

1. Sang-ayon ka ba sa payo ng ibong Adarna na kay Don Juan, na inapi ng mga kapatid na ipamana ang kaharian? Bakit? 2. Ano ang naging hatol ng hari bilang parusa sa dalawang nagkasalang anak? 3. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Don Juan para sa kaniyang mga kapatid? 4. Bakit itinuturing na tayutay na paglilipat-wika ang saknong blg. 404? (Talakayin muna ng guro ang tayutay na paglilipat-wika sa mga mag-

aaral bago ito ipasagot sa mga mag-aaral.) Pagsusuri sa iba pang taludturan na may tayutay na paglilipat-wika Pagbibigay ng pagsasanay sa pagkilala sa tayutay na paglilipat-wika

5. Sa anong hayop inihalintulad ng may-akda si Don Pedro? Sang-ayon ka ba sa paghahalintulad? Bakit? 6. Bakit nangamba si Don Juan nang makitang wala ang Adarna sa hawla?

� nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga pang-uri

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang kinahinatnan ng mga pangyayari sa aralin gamit ang Flow Chart

Page 44: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� natatalakay ang mga tanong/gawain na: a. Bakit hindi mabuti ang mainggit sa kapwa? Ipaliwanag. b. Maglahad ng isang pangyayaring napanood o nabasa na nagpapakita ng naging sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa. c. May kabutihan bang naidudulot ang inggit? Ano naming kasamaan ang naidudulot nito? d. Magbigay ng isang pangyayari kung saan ang pagkainggit ay nagiging positibo o nagbubunga ng mabuti. e. Kung ikaw si Haring Fernando,pagkakatiwalaan mo pa ba ang iyong dalawang anak na nagkasala? Bakit? f. May pagkakataon bang nakadarama ka ng inggit sa iyong kapatid o sa ibang tao? Paano mo ito pinaglalabanan? g. Bakit hindi dapat magtiwala nang lubos sa tao?

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa mga dapat tandaan sa pakikipanayam at mga gabay na tanong tungkol dito.) Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pag-uulat sa ginawang pakikipanayam � nakapag-uulat sa ginawang pakikipanayam sa limang (5) kamag-aral tungkol sa mga kasamaan at kabutihang maaaring idulot ng inggit sa kapwa � nakapag-uulat sa klase ng kinalabasan ng panayam

Page 45: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Sipi ng mga tanong na kakailanganin sa panayam Sipi ng mga istratehiya Mga kraytirya sa pagbuo ng kraytirya sa pakikipanayam

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 14: Sa Bundok ng Armenya (Saknong Blg. 442-476) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging kalagayan ng tatlong prinsipe sa Bundok ng Armenya

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Nakatutulong ang kagandahan ng kapaligiran upang mag-isip at kumilos nang maayos ang isang tao.

Mahalagang Tanong: Bakit kailangang pangalagaan o panatilihin ang kagandahan ng ating kapaligiran?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 442-476 (Sa Bundok ng Armenya)

Ang mag-aaral ay:

� nakapaglalarawan ng magagandang lugar sa Pilipinas � nakapagpapahayag kung paano makatutulong sa pangangalaga ng

kalikasan

� nakapagtataya ng sarili tungkol sa mga katulad na sitwasyon sa aralin

� nakagagawa ng anunsyo o patalastas (advertisement) tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran/kalikasan

Page 46: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Paggawa ng anunsyo o patalastas (advertisement) tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran/ kalikasan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagtalakay sa kagandahan ng magagandang lugar sa Pilipinas. pagbibigay kahulugan sa pagmamahal ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga kapatid. pagpapahayag ng saloobin tungkol sa kapintasan o kahinaan ng tauhan. pagpapahayag kung paano makatutulong ang kalikasan sa sangkatauhan. pagbabahagi kung paano makatutulong sa wastong pangangalaga sa kagandahan ng kalikasan ang isang mag-aaral. paggawa ng anunsiyo o patalastas tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran/ kalikasan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang anunsiyo o patalastas batay sa mga kraytirya:

A. Malikhain B. Orihinal

C. Angkop sa paksa

Page 47: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakapagbibigay ng magagandang lugar sa Pilipinas at natatalakay ang kagandahan ng mga ito (Maaari nang maghanda ang guro ng larawan ng magagandang lugar sa Pilipinas gamit ang slides at projector.)

A. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pangkatang pag-uugnay nito sa karanasan ng mag-aaral (kolaboratibong gawain) Pangkat 1: Ilalahad ang kahalagahan ng kalikasan gamit ang band wagon. Pangkat 2: Isasalaysay ang mga pangyayaring may kinalaman sa kalikasan. Maaaring positibo o negatibo. Gawin ito sa paraang pagbabalita. Pangkat 3: Ilalahad ang mga bagay na dapat gawin upang mapangalagaan ang kalikasan gamit ang Tree Map.

Page 48: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Pangkat 4: Ibibigay ng pangkat ang mga suliraning kinakaharap ng kalikasan at ang epekto nito sa mga tao gamit ang Herringbone Technique Pangkat 5: Tatalakayin ang mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng Pangkat 4

• nakapaglalahad ng puna o feedback para sa kolaboratibong gawain ng mga mag-aaral

• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng mga tanong na: 1. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa saknong blg. 448? 2. Bakit minabuti ni Don Juan na mamalagi na lamang sa Armenya?

3. Ano ang iyong maibibigay na kahulugan sa pagbabago sa himig ng pananalita ni Don Pedro sa saknong blg. 464?

• nakabubuo ng mga salita mula sa titulong Bundok ng Armenya

Page 49: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• naibubuod ang aralin gamit ang Fan Fact Analyzer (Gawin itong pangkatan)

• malayang natatalakay ang mga tanong/gawain na:

1. Ano ang dahilan at tumakas si Don Juan patungong Armenya? 2. Kapintasan ba o kahinaan ni Don Juan ang tapat na pagmamahal sa kaniyang mga kapatid? Ipaliwanag. 3. Ipahayag ang kagandahan ng Armenya sa pamamagitan ng paglalarawan dito gamit ang iba’t ibang uri ng pang-uri. 4. Marami sa mga lugar sa kasalukuyan ang tuluyan nang nasira dulot ng industriyalisasyon. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili

ng kagandahan ng ating kalikasan/kapaligiran? 5. Nabibigyan ng ebalwasyon ang sarili batay sa araling tinalakay. 6. Talakayin kung bakit kailangang pangalagaan o panatilihin ang kagandahan ng kapaligiran. (Ipakitang muli ang magagandang lugar sa

Pilipinas o ang kapaligiran habang tinatalakay ito ng mag-aaral.)

Tagpuan/Tauhan Pagpapahalagang Pilipino

Pagkakasunud-sunod ng mga

Pangyayari

Page 50: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat : (Magbigay ng input tungkol sa anunsyo o patalastas kung paano ito isasagawa at ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa nito.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ang kraytirya sa paggawa ng anunsiyo. � nakagagawa ng anunsiyo o patalastas tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan.

(Pumili ng mag-aaral na magpapaliwanag/magtatanghal sa kanyang/kanilang ginawa. Maaaring ipagawang indibidwal o pangkatang gawain. Indibidwal kung patalastas na pa-poster, pangkatan kung pagsasakilos ang patalastas.)

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Mga larawan sa slides ng power point Mga kraytirya sa paggawa ng patalastas Mga kakailanganing kagamitan sa paggawa ng poster Projector

Page 51: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 15: Ang Mahiwagang Balon (Saknong Blg. 477-506) Bilang ng araw/sesyon: 1

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaiba ng ugali ng tatlong prinsipe sa pagharap sa mga pagsubok sa pamamagitan ng balon bilang simbolismo.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Ang sinimulang gawain ay dapat na tapusin, ugaling ningas-kugon ay di-dapat pairalin.

Mahalagang Tanong: Baki thindi dapat panatilihin ang ugaling ningas-kuson?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 477-506 ( Ang Mahiwagang Balon)

Ang mag-aaral ay: � nakapag-uugnay sa buhay o gawain ng isang tao ang paksa ng aralin � nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagtatapos sa isang gawain � nagagamit sa pangungusap ng mga malalalim na piling salita sa aralin � nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa paksa ng aralin

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng isang interpretasyon sa maaaring isinasagisag ng mahiwagang balon sa kasalukuyan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa kaisipang ningas-kugon. pagbibigay ng kahulugan o pahiwatig ng isang saknong ng aralin na iuugnay sa sariling karanasan. pagpapahayag ng pananaw tungkol sa katotohanan na walang kasiyahan sa buhay ang tao. pagpapahayag ng naging damdamin ukol sa nasimulang gawaing ‘di natapos. pag-uugnay ng naging damdamin sa isang tauhan sa aralin nang makamit na niya ang kaniyang layunin. pagbibigay ng sariling kahulugan o interpretasyon tungkol sa paksa ng aralin.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ibinigay na pagpapakahulugan batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa aralin B. Tiwala sa sarili habang iniuulat

ang nabuong interpretasyon

Page 52: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad kung ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng kaisipang “ningas kugon” at ang kaugnayan nito sa buhay o gawain ng isang tao

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagtatapos sa isang gawain gamit ang Thinking Map

• maayos na nabibigkas ang saknong blg. 477-506 sa masining na paraan. ( Ibigay ito bilang takdang aralin ng mga mag-aaral.) upang mapaghandaan

ang gagawing pagtatanghal na maaaring sabayang bigkas o sabayang pagbasa.)

• nakapagpapaliwanag sa mga pahayag na may pagmamalabis o eksaherasyon sa saknong blg. 479

• nakabubuo ng kahulugan ng mga piling salita sa aralin at nagagamit ang mga ito sa pangungusap

KAHALAGAHAN

Page 53: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay:

• naibubuod ang aralin sa pamamagitan nang pagguhit ng larawan sa mga pangyayari. (Maaari itong gawing pangkatan.)

• natatalakay ang mga tanong/gawain: a. Ano ang kaibahan ni Don Juan sa dalawa niyang kapatid? b. Ano ang nais iparating ng huling saknong ng aralin? c. Totoo bang walang kasiyahan sa buhay ang tao? Nakaranas ka na ba na hindi ka nasiyahan sa buhay, anong sitwasyon ito? d. May nasimulan ka na bang gawain na hindi natapos? Ano ang naging damdamin mo ukol dito? Iugnay ang kasagutan sa naging damdamin

ni Don Juan nang lumusong siya sa balon. e. Ang tao ay sadyang mapanaliksik. Nakatutulong ba sa buhay ng tao ang katangiang ito? Sa paanong paraan?

• nakapagbibigay ng mungkahi kung bakit hindi dapat panatilihin ang ugaling ningas-kugon

D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng mga dapat tandaan sa pagbibigay ng interpretasyon at pagsasalaysay.) Ang mag-aaral ay:

• nakakabubuo ng mga kraytirya sa pagbibigay ng sariling interpretasyon at pagsasalaysay

• nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa mahiwagang balon na binanggit sa aralin Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Kagamitan sa pagbubuo ng larawan Larawan ng mga pangyayari sa aralin

Page 54: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 16: Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan, Si Donya Juana

(Saknong Blg. 507-566)

Bilang ng araw/sesyon: 1

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa damdamin ng mga taong nagmamahal.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Lahat ay gagawin ng taong nagmamahal para sa kaniyang minamahal kahit ang maging kapalit pa nito ay ang sariling buhay.

Mahalagang Tanong: Paano nasusukat ang tunay at tapat na pagmamahal?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 507-566 ( Si Don Juan at Donya Juana - AngPagtatagpo)

Ang mag-aaral ay: � nakapagbibigay ng pahiwatig sa mga bagay na sumisimbolo sa

pagmamahal � nakapagpapaliwanag sa kahulugan ng “pagmamahal sa unang

pagtatagpo” � nakapag-uugnay ng salawikain sa tunay na buhay na may kaugnayan sa araling tinalakay � nakapagsasaliksik ng isang awiting hango sa kasalukuyan na may kaugnayan sa tema ng aralin

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa awiting may kaugnayan sa tema ng saknong blg. 507

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay at pagpapaliwanag sa isang bagay na sumisimbolo sa pagmamahal. pagibigay kahulugan sa “pagmamahal sa unang pagtatagpo” sa naging kasaysayan ng mga tauhan sa aralin at ang naging damdamin sa mga ito. paglalahad sa pangunahing pangyayari na nagbigay ng lakas ng loob sa tauhan upang sagupain at talunin ang katunggali na inilahad sa aralin. paghahambing sa makabagong literatura ng katauhan ng pangunahing tauhan at ng pantulong na tauhan. pag-uugnay ng kasabihan sa isang pangyayari na inilahad sa aralin sa buhay ng tauhan at ng sarili. pagbibigay ng kahulugan ng nilalaman ng awiting sinaliksik.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa pagbibigay ng kahulugan sa awiting sinaliksik batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa tema ng aralin B. Modernong awitin

C. Angkop ang pagpapakahulugan

Page 55: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• naiuugnay ang isang bagay bilang isan simbolo pagmamahal

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pagsasalaysay tungkol sa natuklasan sa larangan ng pag-ibig

• nakapagtatanghal ng sabayang pagbigkas sa saknong blg. 507-566

• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na: a. Ano ang katangian na ipinakita ni Don Juan nang nagpumilit siyang lumusong sa mahiwagang balon? b. Ano ang katangian ng isang babae ang ipinahihiwatig sa saknong blg. 522? c. Ano ang damdamin na mararamdaman mula sa saknong blg. 523 hanggang 527? d. Ano ang ibig ipakahulugan ng saknong blg. 565?

• nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga piling salita na ginamit sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalagom ng aralin sa pamamagitan ng Story Grammar

Tauhan

Panahon

Wakas

Tagpuan

Ginawa/Binabalak

Layunin

Reaksyon

Suliranin

Panimula

Resulta/Kinahinatnan

Page 56: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

• malayang nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong/gawain na: a. Bakit masasabing “pag-ibig sa unang pagtatagpo” ang kasaysayan nina Don Juan at Donya Juana? b. Bakit natutuwa pa ang higante nang malamang may ibang taong kasama si Donya Juana? c. Ano ang nagbigay ng lakas ng loob kay Don Juan upang sagupain at talunin ang higante? d. Sa makabagong literatura o pelikula, saan maihahambing ang mga katauhan ni Don Juan at ng higante gayundin ang ginawa

nilang paglalaban? Ilahad. e. Iugnay ang pagkapanalo ni Don Juan sa sagupaan sa kasabihang “Walang malaking nakapupuwing.” f. Paano nasusukat ang tunay na pag-ibig? Isulat ito sa tulong ng TARGET. Ilahad ang pagkakasunud-sunod ayon sa sariling

pananaw.

1

2

3

4

Page 57: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat : (Bigyan ng impormasyon ang mag-aaral tungkol sa awit na gagawan ng pananaliksik.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng mga kraytirya sa pagtataya sa pagpapakahulugan sa awit na sinaliksik � nakapagsasaliksik ng tungkol sa isang awit sa kasalukuyan na may kaugnayan sa tema ng aralin. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang

nilalaman ng napiling awit

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Sipi ng awiting may kaugnayan sa tema ng aralin Mga kraytirya sa pagtataya sa gawain

Page 58: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 17 : Si Donya Leonora at ang Serpyente (Saknong Bilang 567-650) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng katatagan ng pagmamahal sa gitna ng mga pagsubok.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Lahat ng pagsubok ay kakayanin ng isang tao nang dahil sa pagmamahal.

Mahalagang Tanong: Paano masusubok ang katapatan ng pag-ibig ng isang tao?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 567-650 (Si Donya Leonora at ang Serpyente)

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasatao sa dumating na pagsubok sa isang tao nang dahil sa

pagmamahal � nakauunawa sa mga piling saknong sa pamamagitan ng pagpapaliwanag � nakapaglalahad ng damdamin habang binabasa ang mga saknong � nakagagawa ng akrostik mula sa salitang pag-ibig

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng akrostik mula sa salitang pag-ibig.

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa ipinahihiwatig ng mga pangyayari sa ipinakitang pagsasatao tungkol sa mga pagsubok na naranasan ng tao dahil sa pagmamahal. paghahahambing sa nangyaring labanan na ipinakita sa aralin sa isa sa mga napanood na palabas sa telebisyon o pelikula o kay naman ay sa nabasang aralin. pagbibigay ng interpretasyon sa ginawang paghahambing sa mga pangyayari sa aralin sa isa sa mga napanood na palabas sa telebisyon o pelikula o sa nabasang akda. paglalahad ng sariling pasya kung itataya ang buhay alang-alang sa taong minamahal. pagpapahayag ng naging damdamin habang binabasa ang mga saknong. paggawa ng akrostik mula sa salitang pag-ibig at bibigyan ito ng sariling kahulugan

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang akrostik sa pamamagitan ng mga kraytirya:

A. Akma ang kahulugan

B. Pagkamalikhain

C. May kaugnayan sa tema ng aralin

D. Orihinal

Page 59: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

• nakapagtatanghal ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng mga pagsubok na naranasan ng isang tao dahil sa pagmamahal

• nakapagbibigay ng reaksyon sa naganap na pagtatanghal

• natatalakay ang isinagawang pagtatanghal

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nabibigkas ang saknong blg. 567-650 sa pamamagitan ng Intonational Reading Pangkat 1: tonong natatakot Pangkat 2: tonong natutuwa Pangkat 3: tonong nalulungkot Pangkat 4: normal na tono

• natatalakay ang mga tanong upang malinang ang kaalaman sa aralin: a. Anong kahinaan ni Don Juan ang magpapatunay mula sa saknong blg. 583?

b. Makatwiran bang umibig si Don Juan kay Donya Leonora gayong may pangako siyang binitiwan kay Donya Juana? c. Ano ang nais ipakahulugan ng saknong blg. 611-612? d. Ano ang dalawang bagay na nakatulong sa pakikipaglaban ni Don Juan?

• nakapagbibigay-kahulugan sa mga tayutay sa loob ng mga piling saknong sa aralin

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay:

• natatalakay ang mga tanong/gawain: a. Nang magkita at mapaibig si Don Juan kay Prinsesa Leonora, maituturing bang pag-ibig sa unang pagkikita ang naramdaman nila sa isa’t isa? Patunayan. b. Ano ang maaaring naging dahilan at agad na naniwala si Donya Leonora sa pakiusap ni Don Juan gayong noon lamang sila nagkita? c. Ihambing ang paglalaban nina Don Juan at ng serpyente sa isa sa mga napanood na teleserye o pelikula o kaya naman ay sa nabasang akda. d. Itataya mo rin ba ang iyong buhay alang-alang sa taong iyong minamahal? Bakit? e. Isulat kung ano ang naramdaman mo habang binabasa ang mga saknong kaugnay ng aralin. Magsimula sa pinakapayak na emosyon patungo sa

pinakamasidhi. f. Paano masusubok ang katapatan ng pagmamahal ng isang tao? (Ipatalakay ito sa mag-aaral sa pamamagitan ng pag-uulat sa ginawang panayam

na may kaugnayan sa tanong na ito. Paghandain ang mag-aaral ng mga tanong para sa gagawing panayam. )

Page 60: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat : (Iminumungkahi sa gurong ibigay ang mga paraan sa paggawa ng akrostik at ang mga kakailanganin sa paggawa nito.) Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa paggawa ng akrostik � nakagagawa ng akrostik mula sa salitang PAG-IBIG at naiuulat ito sa klase pagkatapos

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Kartolina, Pandikit, Gunting Mga kraytirya sa paggawa ng akrostik

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 18: Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan (Saknong Blg. 651-680) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting naidudulot ng labis na pagmamahal

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Hindi masamang magmahal, dapat lamang, alam ang hangganan o limitasyon nito.

Mahalagang Tanong: Bakit hindi nakabubuti ang labis na pagmamahal?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 651-680 (Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan)

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapahayag ng pananaw sa nagiging magkaribal sa pag-ibig ng

magkapatid � nakapagbibigay ng pananaw ukol sa isang napiling sitwasyon sa aralin � napangangatwiranan ang uri ng pagmamahal na dapat manaig sa sarili

kung sakaling iibig � nakapagtatanghal ng monologo na nagpapakita ng damdaming

Page 61: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

nakikiusap

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagtatanghal ng monologo na nagpapakita ng damdaming may pagkakatulad sa damdamin ng piling tauhan sa akda.

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng awiting naglalahad nang labis na pagmamahal ng isang tao. paglalarawan sa uri ng pagmamahal na namamayani sa mga tauhan sa aralin at pag-uugnay sa kasalukuyang pangyayaring kanilang nasaksihan. pagpapahayag ng pananaw tungkol sa magkapatid na nagiging magkaribal sa larangan ng pag-ibig. pagpapahayag ng sariling saloobin kung paano umibig o ibigin. paglalahad at pagpapaliwanag sa magiging damdamin sa isang tauhan nagtaksil na inilahad sa aralin. pagtatanghal ng monologo na nakikiusap kay Don Pedro na huwag pagtaksilan si Don Juan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na monologo batay sa mga kraytirya:

A. May kaugnyan sa paksa B. Orihinal

C. May angkop na tinig, wastong

tindig at kumpas

Antas 3 A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakapag-uugnay ng sariling karanasan o sa taong kilala nila sa awiting “Bakit Labis kitang Mahal” (Iminumungkahing iparinig ito ng guro sa mag-aaral gamit ang cd/dvd player o cassette player.)

• napahahalagahan ang awit sa pamamagitan ng malayang talakayan

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapag-uulat ng aralin sa masining na paraan

• natatalakay ang mga tanong na lilinang sa kaalaman sa aralin: a. Ano ang masasabi sa kawalan ng reaksyon ni Donya Juana sa pag-iibigan nina Don Juan at Donya Leonora? b. Bakit tiyak na magiging malubha ang kalagayan ni Don Juan sa pagkahulog niya sa balon?

• nakabubuo ng talata gamit ang mga piling salita sa aralin.

Page 62: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng paghahambing sa katangian ni Don Juan at ni Don Pedro bilang mangingibig (Gumamit ng graphic organizer sa gawaing ito. Maaaring iba’t ibang istratehiya sa bawat aralin.)

• nakapag-uulat ng ginawang pagbubuod (pangkatan)

• malayang nakikiisa sa talakayan sa pagsagot sa mga tanong: a. Paano ilalarawan ang pagmamahal ng mga tauhan sa isa’t isa? b. Ano ang iyong pananaw sa pangyayaring ang magkapatid ay nagiging magkaribal sa larangan ng pag-ibig? c. Sa pag-ibig lamang ba nais pagtagumpayan ni Don Pedro si Don Juan? Ipaliwanag ang sagot. d. Kung ikaw si Prinsesa Leonora, maniniwala ka ba sa mga pangako ni Don Pedro matapos mong masaksihan ang kaniyang kataksilan sa kaniyang

kapatid? Ipaliwanag ang sagot.

Don Juan

Paghahambing

Don Pedro

Page 63: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

• nakapagbibigay ng reaksyon sa tanong na: “Nakabubuti ba ang labis na pagmamahal” Gamitin ang Visual Display of Text.

D. Paglalapat : (Muling pahalagahan at talakayin ang ginawang monologo.) Ang mag-aaral ay:

� nakasusulat ng gagawing monologo � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa itatanghal na monologo � nakapagtatanghal ng ginawang monologo na nakikiusap kay Don Pedro na huwag pagtaksilan si Don Juan � nakapagbibigay ng feedback sa ginawang pagtatanghal

Di Sang-Ayon

Nakabubuti ba ang labis na Pagmamahal?

Sang-Ayon

Konklusyon

Page 64: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets cd/vcd player/casette player Mga kraytirya sa pagtatanghal ng monologo

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 19: Ang Kahilingan ni Donya Leonora sa Hari ng Berbanya (Saknong Blg. 681-725)

Bilang ng araw/sesyon: 1

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan sa bahaging ito ng aralin.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa tao ng Diyos ay ang pagkakaroon ng damdamin, kaya’t dapat natin itong pahalagahan at igalang.

Mahalagang Tanong: Bakit kailangang isaalang-alang ang damdamin ng ibang tao?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 681-725 (Ang Kahilingan ni Donya Leonora sa Hari ng Berbanya)

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapakita ng iba’t ibang uri ng emosyon at ang kahalagahan nito sa

tao � nakapagbibigay-kahulugan sa mga piling salita sa aralin � nakapagpapahayag ng opinyon tungkol sa panaginip � nakapagpapakita ng masining na pagkukuwento

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagtatanghal ng masining na pagkukuwento tungkol sa isang pangyayari o karanasan na nagpapakita ng malalim na pagkaunawa sa damdamin ng kapwa.

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapakita at paglalahad ng kahalagahan ng iba’t ibang uri ng emosyon. paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa panaginip. paglaIahad ng dapat maging damdamin o reaksyon kapag nakaranas ng masamang panaginip. pagbibigay ng sariling interpretasyon sa kahulugan ng salitang premonisyon/pangitain. pagpapahayag ng saloobin tungkol sa isang sitwasyong may kaugnayan sa aralin.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang pagtatanghal sa masining na pagkukuwento batay sa mga kraytirya:

A. Kaangkupan sa paksa

B. Nagpapakita ng malalim na pag-unawa

C. Malikhain

Page 65: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

pagtatanghal ng isang masining na pagkukuwento.

D. Taglay ang mga elemento ng masining na pagkukuwento

Antas 3

A. Pagtuklas: Ang mag-aaral ay:

• nakapagpapakita ng iba’t ibang emosyon sa pamamagitan ng facial expression

• natatalakay ang kahalagahan ng mga emosyong ipinakita

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakapagtatanghal ng sabayang pagbigkas. (Angkupan ito ng wastong pagkumpas.)

• nalilinang ang payak na kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na “Sa iyong palagay, anong uri ng kapatid si Donya Juan batay sa mga pangyayari matapos silang makarating sa Berbanya?

• nakapagbibigay-kahulugan ang mga piling salita sa aralin at nagagamit ang mga ito sa pangungusap

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng kabuuan ng aralin sa pamamagitan ng Eye Witness Balita.

• nakasasagot sa mga tanong: 1. Naniniwala ka ba na maaaring magkatotoo ang isang panaginip? Bakit? 2. Ano ang dapat maging damdamin o reaksyon kapag nakaranas ng isang masamang panaginip? Bakit? 3. Hanapin sa diksyonaryo ang kahulugan ng salitang premonisyon. Ito kaya ang naranasan ng hari sa kaniyang panaginip? 4. Pumili ng sitwasyon na may hindi magangdang bunga na tinalakay sa aralin at isulat ang iyong reaksyon ukol dito. Isulat din kung paano ito haharapin

kung ikaw ay isa sa mga tauhan. 5. Bakit hindi ganap ang kaligayahan ng hari sa pagbabalik ng dalawang anak? Bilang isang magulang, masisisi ba siya kung magkaroon man siya

ng ganitong damdamin? Ipaliwanag ang sagot. 6. Sa iyong palagay, bakit hinayaan na nina Prinsesa Leonora at Prinsesa Juana ang pagsisinungaling ng magkakapatid? 7. Bakit kailangang isaalang-alang ang damdamin ng ibang tao sa pagkilos at paggawa ng desisyon?

(Maaaring dagdagan ang mga tanong na lilinang sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral.)

D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagtatanghal ng masining na pagkukuwento.) Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng mga kraytirya sa pagtataya sa itatanghal na masining na pagkukuwento � nakapagtatanghal ng masining na pagkukuwento tungkol sa isang pangyayari o karanasan kung saan naipakikita ang pag-unawa sa damdamin ng kapwa

Page 66: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakapagtatanghal ng masining na pagkukuwento � nakapagbibigay ng feedback o puna sa ipinakitang pagkukwento ng bawat pangkat

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Mga kraytirya sa pagtatanghal ng masining na pagkukuwento Sipi tungkol sa masining na paraan ng pagkukuwento

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 20: Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo (Saknong Blg. 726-748) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pag-aarugang ginawa ng lobo kay Don Juan nang ayon sa bilin ni Donya Leonora.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Naliligtas sa kapahamakan ang mga taong may busilak o mabuting kalooban.

Mahalagang Tanong: Bakit kailangang panatilihin ang kabutihan sa kapwa?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 726-748 (Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo)

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng mga impormasyon at karanasang nakuha sa

pakikipanayam � nakapagbibigay ng kahulugan sa ilang salitang ginamit sa aralin � nakapagpapahayag kung paano ipinakikita ang pagtanaw ng utang na loob sa

isang tao Antas 2

Inaasahang Pagganap: Pagtatanghal sa madulang pagbasa ng mga piling saknong sa aralin

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapahalaga sa isang tao sa pamayanan na kilala sa kaniyang kabutihan. paglalahad ng mga nakuhang impormasyon sa taong kinapanayam na kilala sa kaniyang kabutihan. pagsusuri sa naging kilos ng pangunahing tauhan sa aralin. pagpapahayag kung paano ipinakikita ang pagtanaw ng utang na loob sa taong nakagawa ng kabutihan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na madulang pagbasa batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa tema ng aralin B. Mahusay ang pagkakabigkas

Page 67: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

pagbabahagi ng naging damdamin sa ginawa ng lobo sa pangunahing tauhan kahit ito’y ‘di niya kalahi. pagtatanghal ng madulang pagbasa ng mga saknong sa bahaging ito ng akda.

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakapagsasagawa ng panayam sa isang tao sa sariling lugar na kilala dahil sa taglay nitong kabutihang loob. Isulat ang mga impormasyon tungkol sa kaniya sa pamamagitan ng Character Profile. (Magkaroon ang mag-aaral ng souvenir photo habang isinasagawa ang pakikipanayam.) � nakapaglalahad sa klase ng nagawang panayam

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: nakapag-uulat ng aralin sa pamamagitan ng istratehiyang RAC (Read As you Comprehend) Pagkatapos, talakayin ang nilalaman ng saknong na binasa. (Hatiin ang saknong para sa limang (5) pangkat ng mga mag-aaral.)

• nakapagbibigay ng kahulugan sa ilang salita sa aralin

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

• naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng sequence organizer

• malayang natatalakay ang mga tanong/gawain:

1. Makatarungan ba ang ginawang pangunguha nang walang paalam ng lobo alang-alang kay Don Juan? Pangatwiranan ang sagot. 2. Paano ipinakita ni Don Juan ang pagpapasalamat sa engkantadong lobo na tumulong sa kaniya? 3. Paano mo ipinakikita ang pagtanaw ng utang na loob sa isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? 4. Ano ang pinatutunayan sa pagkatao ni Don Juan na likas ang pagkagiliw sa kaniya ng lobo? 5. Ipagpalagay na ikaw ang lobo, ano ang nais mong sabihin sa tagapagbantay ng balon upang makakuha ka ng tubig

at hindi mo na kailangan pang mang-umit. 6. Bakit kailangang panatilihin ang kabutihan sa kapwa?

D. Paglalapat : (Magbigay ng input tungkol sa madulang pagbasa.) Ang mag-aaral ay:

P 1 P 2 P 3 P5 P 4

Page 68: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa gagawing madulang pagbasa � nakapagtatanghal ng madulang pagbasa sa ilang piling saknong sa araling tatalakayin na sasalamin sa mahahalagang kaisipan tungkol sa pagtulong sa kapwa � nakapaglalahad ng puna sa pagtatanghal na mga kamag-aral

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Worksheets Camera, Larawan Mga kraytirya sa pagtataya ng gawain

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 21: Ang Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan (Saknong Blg. 744-778) Bilang ng araw/sesyon:

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kabutihang dulot ng may nagbibigay ng payo.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Makinig sa payo at pangaral ng mga nakatatanda sa atin upang matagumpay na makamit ang ating mga layunin.

Mahalagang Tanong: Bakit kailangan nating makinig sa payo ng mga nakatatanda sa atin?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 744-778 (Ang payo ng Ibong Adarna kay Don Juan)

Ang mag-aaral ay: � nakasusulat ng liham na nagbibigay ng payo sa kanyang kaibigan at

naibabahagi ito sa klase � nakapagbibigay ng sariling ideya at opinyon ukol sa aralin � nakasusulat ng liham na nagbibigay payo

Antas 2

Page 69: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Inaasahang Pagganap: Pagsulat ng liham na nagbibigay payo o mungkahi

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa salawikaing, “Sa Kabila ng mga ulap ay may humahawing liwanag. » pagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa ginawang pagsunod ni Don Juan sa payo ng Ibong Adarna. pagpapahayag ng saloobin tungkol sa sitwasyon ni Don Juan na nagtiwala sa Ibong Adarna. pagpapahayag ng mabuti at masamang maaaring idulot ng pagsunod ni Don Juan sa payo ng Ibong Adarna. pagpapahayag kung paano nakatutulong ang pagtanggap o pagtanggi sa payo sa pag-unlad ng pagkatao. pagsulat ng liham na nagbibigay payo.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa pagsulat ng liham na nagbibigay ng payo batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa aralin o paksa B. Gumamit ng tamang bantas

C. Kaayusan at kaangkupan ng mga

salita at pangungusap na ginamit Antas 3

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapagbabahagi ng sariling karanasan ukol sa isinulat na liham na nagbibigay payo sa kanilang kaibigan

(Magbigay ng sapat na panahon sa gawaing ito. Gawing kolaboratibo ang gawaing ito at sa bawat pangkat ay may tatayong dalawang interbyuwer gaya ng ilang talk shows sa telebisyon)

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

� nababasa ng mga saknong blg. 749-778 sa pamamagitan nang maayos at wastong sabayang pagbasa. (Gawin itong kolaboratibong gawain) � nasasagot ang sumusunod na tanong: a. Ano ang uri ng tayutay ang ginamit sa saknong blg. 755?

b. Ano ang layunin ng ibong Adarna sa pagpapayo nito kay Don Juan na limutin na si Donya Leonora? c. Bakit maiututuring na tayutay na pagmamalabis ang saknong blg. 771? d. Ipaliwanag ang magandang kaisipang nakapaloob sa saknong blg. 777.

� nakapagbibigay ng kahulugan ng ilang salitang ginamit sa aralin.

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang binasang mga saknong sa aralin. (Gawin itong pangkatan, pagdugtung-dugtungin ang sagot at ipabasa sa klase.) � napalalalim ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga na tanong/gawain: a. Ipaliwanag ang kasabihang,”Sa kabila ng mga ulap ay may humahawing liwanag.”

Page 70: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

b. Matatawag bang pagtataksil kay Prinsesa Leonora ang pagsunod ni Don Juan sa payo ng ibong Adarna? Patunayan. c. Kung ikaw si Don Juan, magtitiwala ka ba sa ibong Adarna at susundin ang payo nito? Bakit? d. Ipahayag ang mabuti at masamang maaaring idulot ng pagsunod ni Don Juan sa payo ng ibong Adarna. e. Katulad ka ba ni Don Juan na madaling tumanggap ng payo? Paano nakatutulong ang pagtanggap o pagtanggi sa payo sa pag-unlad ng pagkatao? f. Bakit kailangang makinig sa payo ng mga nakatatanda?

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa pagsulat ng liham na nagbibigay ng payo.) Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa isusulat na liham na nagbibigay ng payo � nakasusulat ng liham na nagbibigay ng payo

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Crossword Puzzle Props,cassette/ microphone,vcd/dvd player Mga kraytirya sa pagsasagawa ng dulang panradyo Mga hakbangin sa pagsasagawa ng dulang panradyo

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aaralin 22: Ang Panaghoy ni Donya Leonora (Saknong Blg. 779-794) Bilang ng araw/sesyon: 1

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagtupad sa isang pangako.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Iwasang mangako kung hindi ito kayang tuparin nang maiwasan ang makasakit ng damdamin.

Mahalagang Tanong: Bakit marami ang nakalilimot sa pangako?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

Saknong blg. 779-794 (Ang Panaghoy ni Donya Leonora)

Ang mag-aaral ay: � nakapagbibigay kahulugan sa siniping awiting Pilipino na may tema

tungkol sa pag ibig � masining na nakapag-uulat ng aralin

Page 71: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakapagpapaliwanag ng matatalinhagang pahayag

� nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa paraang pasulat tungkol sa

isang awiting banyaga

Antas 2

Inaasahang Pagganap: Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa isang awiting banyaga

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa mga dahilan ng pagdadalamhati ng tauhansa aralin. pagbibigay ng pananaw tungkol sa payo ng ibong Adarna sa tauhan. pagbabahagi ng saloobin sa ginawa ng mga ibang tauhan hinggil sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan.. paglalahad ng opinyon kung nangyayai pa ba sa kasalukuyan ang paghihintay nang walang katiyakan sa pagbabalik ng isang minamahal. pagbabahagi ng pangako sa mahal sa buhay na hindi natupad at ang ginawang solusyon ukol dito. pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa isang awiting banyaga.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagsulat ng pagpapakahulugan sa awiting banyaga batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa paksa o aralin

B. Mahusay na pagpapakahulugan

C. Napapanahon

D. Paggamit ng mga angkop na salita

E. Kalinawan

Antas 3

Page 72: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakapagbibigay kahulugan sa isang awiting Pilipino

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakababasa ng saknong blg. 779-794 sa paraang marahan at madamdamin

• nakapagpaliliwanag nang maikli ngunit malinaw sa matatalinghagang pahayag sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mga mag-aaral ay:

• naibubuod ang saknong blg. 779-794 sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang istratehiya. (Gawin itong paligsahan at pangkatang gawain. Ibigay na ito bilang takdang aralin upang mapaghandaan ng bawat pangkat.)

• nakabubuo ng sintesis sa pamamagitan nang pagpupuno sa pahayag na “Isang karanasang nadagdag sa aking buhay …”

• malayang natatalakay ang mga tanong: 1. Bakit labis na nagdadalamhati si Donya Leonora? 2. Makatwiran bang sundin ni Don Juan ang payo ng ibong Adarna gayong ipinangako na niya ang kaniyang pag-ibig sa ibang babae? Ipaliwanag ang sagot. 3. Kung sakaling matutong magmahal si Don Juan sa iba, sa iyong palagay, dapat sisihin:si Don Pedro, ang ibong Adarna, o ang kaniyang sarili? Bakit? 4. Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang paghihintay nang walang katiyakan sa pagbabalik ng isang minamahal? Magbigay ng halimbawa. 5. May pangako ka ba sa iyong mahal sa buhay na hindi mo natupad? Isulat ang sanhi, bunga at solusyon na ginawa mo upang mawala ang pagdaramdam sa iyo ng taong pinangakuan mo. Gumamit ng tsart sa paghahanay ng sanhi, bunga at solusyon. 6. Bakit marami ang nakalilimot sa pangako?

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay:

• nakabubuo ng mga kraytirya ukol sa gagawing pagpapakahulugan

• nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa awiting banyaga

Page 73: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Sipi ng awiting Pilipino at banyaga tungkol sa pag-ibig Cassette/vcd/dvd player Mga Kraytirya sa pagpapakahulugan sa isang awiting banyaga Sipi ng mga istratehiya

Page 74: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 23: Ang Paglalakbay ni Don Juan (Saknong Blg. 795- 856) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga bahaging kakikitaan ng pagdamay sa kapwa sa oras ng kagipitan, na bagama’t mahiwaga ay akma pa rin sa katotohanan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarn na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Mahiwaga ang buhay ng tao.

Mahalagang Tanong: Paano naiiba ang tao sa iba pang nilikha sa mundo?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 795- 856 (Ang Paglalakbay ni Don Juan)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng islogan tungkol sa bukas- palad na pagtulong sa kapwa � nakapagpapahayag ng sariling paniniwala o opinyon mula sa mga piling

saknong sa aralin � nakapaglalapat ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita mula

sa mga salitang inilahad � nakapagbabahagi ng mga karanasan batay sa mga hinihinging

sitwasyon � nakabubuo ng mga hakbangin o pamamaraan ng tamang pagtulong sa kapwa

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsasagawa ng pangkatang talakayan tungkol sa tamang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa ginawang islogan tungkol sa bukas-palad na pagtulong sa kapwa. pagsasalaysay ng mga sitwasyong hango sa akda at sariling karanasan ukol sa mga kasabihang angkop sa aralin. pagbabahagi ng damdamin sa karanasan ng pangunahing tauhan at ang tulong na maibibigay sa kaniya. paglalahad ng magagndang kaisipan mula sa aralin. pagsasagawa ng pangkatang talakayann tungkol sa tamang pagtulong sa kapwa.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pangkatang talakayan tungkol sa tamang pagtulong sa kapwa batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan B. May kaugnayan sa paksa C. Masining at malikhain sa pagtalakay D. Angkop na kilos at props E. Angkop at malinaw na tinig sa paglalahad

Page 75: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay:

• nakabubuo ng islogan tungkol sa bukas-palad na pagtulong sa kapwa

• nakapagbibigay ng feedback sa ginawang pagpapaliwanag sa islogan

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nakababasa ng saknong blg. 795-856 nang masigla at may katamtamang lakas ng tinig. (Bigyan ang bawat pangkat ng mga tiyak na saknong na babasahin, pangkatan man

o ang lahat ay sabay-sabay.)

• nakatutukoy sa kasalungat at kasingkahulugan ng mga piling salita sa aralin

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

• nakapagtatanghal ng saknong blg. 795-856 sa pamamagitan ng madulang pagbasa at pagkatapos ay ibubuod ayon sa sariling pag-unawa

• nakalalahok sa malayang talakayan: 1. Muling basahin ang saknong blg. 801-805 at ipaliwanag ang kahulugan ng binasa. 2. Magsalaysay ng mga sitwasyong hango sa akda at sariling karanasan ukol sa kasabihang angkop sa aralin. 3. Bakit masasabing may ginintuang puso ang matanda? Sa iyong palagay, mayroon pa bang katulad niya sa kasalukuyan? Patunayan. 4. Kung ikaw ang masasalubong ni Don Juan at hingan ng tulong, ano ang tulong na ibibigay mo sa kaniya bukod sa pagbibigay ng pagkain? 5. Ano ang iyong natutuhan sa aralin? 6. Paano naiiba ang tao sa iba pang nilikha sa mundo?

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa gagawing pangkatang talakayan tungkol sa pagtulong sa kapwa � nakapagsasagawa ng pangkatang talakayan tungkol sa tamang pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan (Iminumungkahing magpanood ng isang dokumentaryo tungkol sa pagtulong sa mga naging biktima ng Bagyong Ondoy 2009 na guro ang maghahanda ng nasabing dokumentaryo.)

Page 76: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Islogan at mga kagamitan sa paglikha nito/Poster Kraytirya sa pagtataya ng pangkatang talakayan Props, kagamitang biswal Vcd/dvd player/Casette player

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 24: Sa Dulo ng Paghihirap (Saknong Blg. 857-935) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kabutihang maaaring idulot ng mga pagsubok sa buhay.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Magtiis sa hirap ng buhay at manalig sa Maykapal sa kabila ng mga pagsubok.

Mahalagang Tanong: Mas matamis ba ang tagumpay kung ito’y pinaghirapan at pinagsumikapan? Patunayan.

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

Saknong blg. 857-935 (Sa Dulo ng Paghihirap)

Ang mag-aaral ay: � nakapagbibigay ng halaga sa mga inilahad na karanasan ng isang mag- aaral/kakilala na sa kabila ng kapansanan ay nagkamit ng tagumpay � nakapagbibigay ng palagay o ideya ukol sa mga piling salita sa aralin � nakapag-aanalisa ng mga pahayag at sitwasyon mula sa araling tinalakay � nakaguguhit ng poster tungkol sa isa sa mga suliraning kinakaharap ng sariling pamilya o pamayanan at kung paano ito lulutasin

Inaasahang Pagganap: Pagguhit ng poster tungkol sa isa sa mga suliraning kinakaharap ng sariling lugar at kung paano ito mabibigyan ng solusyon

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad sa karanasan ng isang kamag-aral na sa kabilang kapansanan ay nagkamit ng tagumpay at ang naging damdamin sa kaniyang dedeikasyon.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa pagguhit ng poster batay sa mga kraytirya:

A. May kaugnayan sa paksa

Page 77: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

pagpapaanalisa sa mga pahayag at pagpapabahagi ng naging damdamin ng mga tauhan sa sitwasyon sa aralin. pagpapaliwanag kung paano tinanggap ng pangunahing tauhan ang kasagutan ng dalawang ermitanyo tungkol sa hinahanap niyang kaharian. pagbibigay kahulugan o interpretasyon sa pahayag ng pangunahing tauhan na “pitong dusa’t pitong hirap, bago sinapit ang hangad”. pagbabahagi ng mga pagsubok na dumating sa buhay na napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Maykapal. pagbibigay at pagsulat ng ideya tungkol sa matinding suliraning kinakaharap ng bansa at ang solusyon dito. pagguhit ng poster na naglalarawan sa mga suliraning kinakaharap ng sariling pamilya o pamayanan at kung paano ito nilutas o lulutasin.

B. Naglalahad ng suliranin

C. Kaangkupan ng solusyon

D. Pagkamasining

Antas 3

A. Pagtuklas: Ang mag-aaral ay:

• nakapaglalahad ng karanasan ng kamag-aral/ibang tao/sarili na sa kabila sa kapansanan ay nagkamit ng tagumpay

B. Paglinang: Ang mag-aaral ay:

• nababasa ang saknong bilang 857- 935 sa mahinahong paraan.Gawing madamdamin ang pagbasa sa saknong blg. 892-894

• nakabubuo ng mga salita mula sa mga piling salita sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

• naibubuod ang binasang saknong gamit ang iba’t ibang istratehiyang angkop sa aralin

Page 78: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat:

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa isasagawang pagguhit ng poster � nakaguguhit ng poster na naglalarawan sa isa sa mga suliraning kinakaharap ng kanilang sariling pamilya o pamayanan at kung paano nilutas o lulutasin

Mga Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Tsart ng Talasalitaan Kopya ng kraytirya sa pagtataya sa gawain Lapis, kartolina, pentel pen at pangkulay Sipi ng istratehiya

Page 79: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 25: Si Don Juan sa Reyno De Los Cristales (Saknong Blg. 936-987) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging bunga ng ginawang pagkakamali at paghinghi ng kapatawaran ni Don Juan kay Donya Maria.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Matutong magpakumbaba at magsisi sa mga maling nagawa upang kapatawaran ay makamit mula sa kapwa.

Mahalagang Tanong: Bakit dapat humingi ng kapatawaran sa mga maling nagawa?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 936-987 (Si Don Juan sa Reyno De Los Cristales)

Ang mag-aaral ay: � nakasusulat ng liham na humihingi ng paumanhin sa isang kamag-aral o kaibigan na nagawan ng kasalanan

� masining na naisasalaysay ang nilalaman ng mga saknong sa aralin � nakapaglalahad ng kahalagahan ng paghingi ng paumanhin

� nakasusulat ng talambuhay ng isang taong hinahangaan

Page 80: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsulat ng talambuhay ng isang taong hinahangaan dahil sa pagiging mapagpakumbaba at mapagpatawad

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagsulat ng liham na humihingi ng paumanhin sa isang kamag-aral o kakilala na nagawan ng kasalanan. pagpapaliwanag sa isang sitwasyon sa aralin na naganap sa mga tauhan. pagpapahayag sa ipinahihiwatig ng piling saknong sa aralin. pagbabahagi ng pananaw tungkol sa naging gawi o kilos ng tauhan sa aralin. pagsusuri sa maaaring bunga sa pagkatao ng isang tao sa mga kasalanan; gayundin ang bunga ng pagpapatawad. pagsulat ng talambuhay ng isang taong hinahangaan.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinulat na talambuhay batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan B. Angkop ang mga salitang

ginamit C. Tumutugon sa mga layunin D. Sapat ang detalyeng ginamit

sa pagbuo sa akda E. May kaisahan ng talata at

kaayusan ng pangungusap F. Kawastuhan ng paggamit ng

bantas G. Kawastuhan ng pagtatalata

Antas 3

A. Pagtuklas: Ang mag-aaral ay:

� nakasusulat ng liham na humihingi ng paumanhin sa isang kamag-aral o kakilala na nagawan ng pagkakamali � nakapaglalahad ng naging reaksyon ng kamag-aral o kakilala na binigyan ng liham

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasalaysay ng nilalaman ng saknong blg. 936-987 sa masining na paraan (isahang pagtatanghal) � nakapagbibigay ng mga puna at mungkahi sa isinasagawang pagtatanghal ng bawat pangkat � nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga piling salitang ginamit sa aralin

Page 81: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng istratehiyang Clothesline Story.

� nakapagbibigay ng mga dahilan kung bakit nagalit si Donya Maria matapos umahon mula sa paliligo � nakapagpapahayag ng sariling pananaw sa ginawang paghingi ng tawad ni Don Juan kay Donya Maria upang siya’y unawain ng dalaga � naipahahayag ang ibig ipahiwatig kay Don Juan nang winika ni Donya Maria sa saknong 972 � nakapagbabahagi ng pananaw sa mabilis na pagpapatawad ni Donya Maria sa kasalanan ni Don Juan sa kaniya � natatalakay kung ano ang maaaring maging pagkakilala sa isang tao kung madali siyang magpatawad � nasusuri ang maaaring bunga sa pagkatao ng isang tao sa mga kasalanan ; gayundin ang bunga ng pagpapatawad � nakapagtatalakay kung bakit dapat humingi ng kapatawaran sa mga maling nagawa

D. Paglalapat :

(Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagsulat ng talambuhay.) Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng mga kraytirya sa isusulat na talambuhay � nakasusulat ng talambuhay ng isang taong hinahangaan dahil sa kaniyang pagiging mapagkumbaba at mapagpatawad

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Sipi ng mga kraytirya sa gagawing pagtataya sipi ng mga istratehiya ng gawain

Tagpuan Mga Tauhan Pamagat Mga

Pangyayari

Kinalabasan Wakas

Page 82: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 26: Mga Pagsubok ni Haring Salermo (Saknong Blg. 988-1060) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng karamay sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Huwag mangiming ibahagi ang suliranin sa kaibigan o kamag-anak; makatutulong sila upang ang bigat ay mawala, at maaaring ang solusyon sa suliranin ay sa kanila magmula.

Mahalagang Tanong: Bakit hindi dapat sarilinin ang suliranin?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 988-1060 (Mga Pagsubok ni Haring Salermo)

Ang mag-aaral ay: � nakapag-uugnay sa sarili ng tema ng aralin � nakapagbibigay ng kaugnay na kaisipan, salita o parirala sa mga

salitang ginamit sa aralin � nakapagbubuod ng araling tinalakay gamit ang iba’t ibang istratehiya � nakapaglalarawan ng mga katangian ng tunay na kaibigan

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Paglalarawan ng mga katangian ng isang tunay na kaibigan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paggawa ng akronim tungkol sa salitang kaibigan. pagsasalaysay ng mga pangyayari sa sariling karanasan kaugnay ng kaisipang nakapaloob sa isa sa mga saknong ng aralin. pagpapahayag ng damdamin tungkol sa naging kahinaan ng isang tauhan sa aralin. pagbabahagi ng mga paraang ginagawa sa pagharap sa mga pagsubokna ibinibigay ng kapwa. pagbibigay ng interpretasyon sa paghahambing ng katauhanni Donya Maria sa ilang tao sa kasalukuyan. paglalarawan sa mga katangian ng tunay na kaibigan sa pamamagitan ng paglikha ng simbolong makapaglalarawan sa kaniya.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa paglalarawan batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan

B. Gumamit ng mga angkop na pang-uri

C. Angkop ang simbolong ginamit

sa paglalarawan

Page 83: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakagagawa ng akronim tungkol l sa salitang kaibigan � nakapagpapaliwanag ng ginawang akronim

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasalaysay ng nilalaman ng saknong blg. 988-1060 sa pamamagitan ng pagsasadula (Gawin itong Pangkatan. Paghandain ang mga mag-

aaral sa kakailanganing kasuotan at kagamitan. Ibigay itong takdang aralin ng bawat pangkat.)

� nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa isinagawang pagsasadula ng bawat pangkat � nakapagbibigay ng kaugnay na kaisipan, salita o parirala sa ilang salitang ginamit sa aralin

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay: � naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na istratehiya sa aralin (Bigyang-laya ang mga mag-aaral na mag-isip ng istratehiyang gagamitin sa pagbubuod.) � nakapagbibigay ng isang mahalagang kaisipang nakapaloob sa ilang saknong ng aralin at naiuugnay ito sa sariling buhay � nakapaglalahad ng unang pagsubok na ipinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan at kung paano niya ito nalampasan � nakapaglalahad ng gagawin sa isang sitwasyon sa akda � nakapagbabahagi kung paano haharapin ang mga pagsubok na nararanasan � nakapaghahambing ng katauhan ni Donya Maria sa ilang tao sa kasalukuyang lipunan � nakapagpapahayag kung bakit hindi dapat sarilinin ang suliranin

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng mga kraytirya sa pagtataya sa isasagawang paglalarawan � nakapaglalarawan sa mga katangian ng tunay na kaibigan

Page 84: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakapagbabahagi sa klase ng ginawang paglalarawan

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Mga gagamitin sa pagbuo ng simbolo Mga Kraytirya sa gagawing pagtataya

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 27: Pagpapatuloy ng mga Pagsubok (Saknong Blg. 1001-1285) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kahinaan ng tao.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Bawat isa sa atin ay may kahinaan.

Mahalagang Tanong: Paano magiging kalakasan ang ating mga kahinaan?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong 1061-1285 1001-1285 (Pagpapatuloy ng mga Pagsubok)

Ang mag-aaral ay: � nakaguguhit ng isang bagay na nais makuha at paglalahad ng mga

dahilan kung bakit ito ang napili � nakapagbibigay ng kasingkahulugan, kasalungat at kaugnay na kaisipan

Page 85: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

sa ilang salitang ginamit sa aralin � nakapaglalahd ng mga saknong na nagpapakita ng kahinaan ng tauhan sa aralin � nakasusulat ng sariling talaarawan

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsulat sa talaarawan ng sariling kahinaan bilang tao

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagguhit ng isang bagay na nais na makuha. pagbuo ng sariling pananaw tungkol sa pagsubok na kinaharap ng pangunahing tauhan. pagpapaliwanag sa naranasang pagsubok ng mga tauhan sa aralin. pagtukoy at pagbigkas sa mga saknong na nagpapakita ng kahinaan ng pangunahing tauhan bilang tao. pagbabahagi ng ideya kung bakit kailangang tanggapin na may kahinaan din ang bawat isa sa atin. pagsulat ng sariling talaarawan na nagpapakita ng kahinaan bilang tao.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinulat na sariling talaarawan batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan B. Kaangkupan ng mga salitang ginamit C. Tumutugon sa layunin D. Malinis at maayos ang pagsulat E. Wasto ang gamit ng mga bantas F. Maayos ang paggamit ng mga

pangungusap G. Sapat ang mga detalyeng ginamit sa pagbuo ng pahayag

Antas 3

Page 86: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakaguguhit ng isang bagay na nais makuha at nailalahad sa klase kung bakit ito ang napili

B. Paglinang: Ang mga mag-aaral ay:

� naitatanghal nang pangkatan ang saknong blg. 1061-1285 sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng masining na pagbasa. (Bigyang-laya ang mag-aaral

na mag-isip ng paraang gagamitin sa pagtatanghal). � nakapagbibigay ng mga puna at mungkahi sa isinagawang pagtatanghal ng bawat pangkat � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong/gawain:

1. Ano ang bagong utos ng hari? Ano ang iyong masasabi sa utos na ito? 2. Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong blg. 1114. 3. Bakit nakadama nang labis na pagkabigo at kalungkutan ang hari? 4. Bakit kinakailangang si Don Juan ang mag-utos sa mga kawal upang sila ay sumunod? 5. Ayon kay Donya Maria, ano ang pagkakaiba ng bagong pagsubok na susuungin ni Don Juan sa mga nakaraang pagsubok? 6. Paano ipinakita ni Donya Maria ang labis na pag-ibig sa prinsipe? 7. Bakit nagalit si Donya Maria kay Don Juan? 8. Ayon kay Donya Maria, sino ang nagbabalatkayong mabangis na kabayo? 9. Ano ang palatandaan na mahina at pagod na ang kabayo?

� nakapagbibigay ng kasingkahulugan, kasalungat at kaugnay na kaisipan ng ilang salitang ginamit sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

� nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng istratehiyang Story Map � nakikiisa sa talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong:

1. Napakaraming pagsubok ang ipinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan. Alin sa mga ito ang para sa iyo ay pinakamahirap? Bakit? 2. Ayon sa iyong nabasa, bakit pinadadaan ng hari sa matitinding pagsubok ang mga manliligaw ng kaniyang mga anak? 3. Tukuyin at bigkasin ang mga saknong na nagpapakita ng kahinaan ni Don Juan bilang tao. Dapat ba siyang unawain dahil sa kaniyang naging kahinaan? Ipaliwanag. 4. Aling pangyayari ang nagpakita na handang magsakripisyo si Donya Maria para sa prinsipe? Isalaysay. 5. Bakit kailangang tanggapin na may kahinaan din ang bawat isa sa atin? 6. Paano magiging kalakasan ang ating mga kahinaan?

Page 87: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa isusulat na talaarawan � nakasusulat ng sariling talaarawan o diary na nagpapakita ng sariling kahinaan bilang tao

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Kwaderno na gagamiting talaarawan Mga kraytirya sa gagawing pagtataya

Page 88: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 28: Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria (Saknong Blg. 1286-

1381) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maaaring maging bunga nang hindi pagsunod ng anak sa magulang.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib, harangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.

Mahalagang Tanong: Tama bang suwayin ang magulang sa ngalan ng pag-ibig?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong blg. 1286-1381 (Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria

Ang mag-aaral ay: � nakapagpapaliwanag sa utos ng Diyos na “Igalang mo ang iyong mga

magulang” � nakapagbibigay kahulugan sa mga tayutay na ginamit sa piling pahayag � nakapaglalahad ng isang mahalagang kaisipang inilahad sa aralin � nakapagsasagawa ng debate o pagtatalo hinggil sa isang paksa

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsasagawa ng pagtatalo o debate kaugnay ng mahalagang kaisipang nakapaloob sa akda

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad ng pagkaunawa sa isa sa mga sampung utos ng Diyos na “igalang mo ang iyong mga magulang”. pagbibigay at pagpapaliwanag sa isang mahalagang kaisipang inilahad sa aralin . pagbibigay katwiran sa naging kilos/balak ng isang tauhan sa pangunahing tauhan na may kinalaman sa pagpapakasal. pagpapahayag ng saloobin sa pahayag na ang mga kabataan ay likas na mapusok at hindi kayang pigilan ang damdamin. pagpapaliwanag at pag-uugnay sa sarili ng mga pangyayari sa aralin na may kinalaman sa pag-ibig. pagsasagawa ng debate o pagtatalo tungkol sa pagsuway ng anak sa magulang o pagtakwil ng magulang sa anak nang dahil sa pag-ibig.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang debate o pagtatalo batay sa mga kraytirya:

A. Makatwiran ang paglalahad ng paksa/katwiran B. Taglay ang mga elemento ng isang debate o pagtatalo C. Pagbigkas D. Pagkilos E. Husay sa pagtuligsa

Page 89: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng isinulat na pagkaunawa sa isa sa mga sampung utos ng Diyos na “Igalang mo ang iyong mga magulang”

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapagtatanghal ng isang masining na gawain sa saknong blg. 1286-1381 � nakapagbibigay ng mga puna at mungkahi sa isinagawang pagtatanghal � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong:

1. Ano ang iyong pagpapakahulugan mo sa saknong 1293? Sang-ayon ka ba dito? Ipaliwanag. 2. Bakit pinagbilinan ng hari si Don Juan na magmadaling pumunta sa palasyo? Ano ang naging reaksyon ni Don Juan sa tagubiling ito? 3. Ano ang iyong masasabi sa panibagong patibong ng hari kay Don Juan? 4. Paano kaagad natukoy ni Don Juan na nasa ikatlong silid si Donya Maria? 5. Ano ang huling balak ni Haring Salermo upang mahadlangan ang pag-iibigan nina Don Juan at Donya Maria? 6. Paano muling nagkamali si Don Juan sa mga tagubilin ni Donya Maria? 7. Ano ang naging bunga ng kabiguan ni Don Juan na kunin ang matuling kabayo? 8. Dapat bang sisihin si Donya Maria sa ginawang paghadlang sa ama niyang hari upang hindi sila abutan nito? Bakit? 9. Ano ang huling hakbang na ginawa ni Donya Maria upang hindi sila abutan ni Haring Salermo? 10. Dapat bang isumpa ni Haring Salermo ang anak dahil sa pagkakasala nito sa kaniya? Bakit? 11. Ano ang naging bunga sa hari nang pagtatanan nina Don Juan at Donya Maria? 12. Sang-ayon ka ba sa inilalahad ng saknong blg. 1375-1378? 13. Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong blg. 1379.

� nakapagbibigay kahulugan sa mga tayutay na ginamit sa mga pahayag/pangungusap

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang araling tinalakay � malayang nakikiisa sa pagtalakay sa mga gawain/tanong:

1. Magbigay ng isang mahalagang kaisipang inilahad kaugnay ng aralin. 2. Ano ang masamang balak ng hari kay Don Juan nang nakatakda nang ikasal ang anak at si Don Juan? Makatwiran ba ito? Bakit?

Page 90: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

3. Batay sa mga huling saknong, naging suwail at lapastangan ba ang magkasintahan sa ginawa nilang pagtatanan at paghadlang sa hari na maabutan sila? Pangatwiranan ang iyong sagot. 4. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ang mga kabataan ay likas na mapusok at hindi kayang pigilan ang damdamin? Bakit?

5. Ipaliwanag at iugnay sa mga pangyayari sa araling ito ang pahayag na:

Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib, harangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.

6. Pagtalunan: “Dapat ba o Hindi Dapat Suwayin ang Magulang sa Ngalan ng Pag-ibig?”

D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa debate o pagtatalo.) Ang mag-aaral ay:

� nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa gagawing debate � nakagagawa ng debate o pagtatalo tungkol sa isang mahalagang paksa na may kaugnayan sa araling tinalakay

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Mga kraytirya sa gagawing pagtataya sa gawain Worksheets

Page 91: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna

Aralin 29: Ang Muling Pagbabalik sa Berbanya (Saknong Blg. 1382-1437) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masamang dulot ng pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng katotohanan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Walang lihim na hindi nabubunyag.

Mahalagang Tanong: Naniniwala ka bang walang lihim na hindi nabubunyag?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong 1382-1437 (Ang Muling Pagbabalik sa Berbanya)

Ang mag-aaral ay: � nakapagtatanghal ng dula-dulaan tungkol sa isang partikular na

paksa/isyu � natutukoy ang ilang salita o konseptong may kaugnayan sa salitang

pangako � nakapagpapatunay sa katotohanan ng salawikaing “Walang lihim na hindi

nabubunyag” � nakapag-uulat ng naging bisa sa sarili ng ginawang panayam sa kamag-

aral o kaibigan Antas 2

Inaasahang Pagganap: Paghahanay ng mga naging bunga nang pagsisinungaling na nagawa ng mga kamag-aaral at ang natutuhan nila sa mga pangyayaring ito.

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagsasagawa ng isang dula-dulaan tungkolsa paksang “Ang Ugali ng mga Kabataan sa Kasalukuyan na Ikinagagalit ng mga Magulang.” pagpapaliwanag sa mga salita o konseptong may kaugnayan sa salitang pangako. paglalahad ng sariling pananaw sa ginawang pagsalubong ni Donya Leonora kay Don Juan gayong siya’y nakatakda na para kay Don Pedro. pagpapahayag sa magiging damdamin sa ginawang paglimot ng pangunahing tauhan sa kanyang minamahal. pagpapaliwanag kung paano pinatunayan sa aralin ang salawikaing “Walang lihim

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa iniulat na na mga bunga ng pagsisinungaling batay sa mga kraytirya:

A. Makatotohanan B. Gumamit ng makabagong

kagamitan sa pag-uulat C. May sapat na lakas ng tinig D. May kaugnayan sa paksa E. Kaalaman/kasapatan ng mga impormasyon

Page 92: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

na hindi nabubunyag.” paghahanay ng mga naging bunga nang pagsisinungaling na nagawa ng mga kamag-aral at ang natutuhan nila sa pangyayaring ito.

F. Kahusayan

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakapagsasagawa ng isang dula-dulaan tungkol sa paksang “Ang Ugali ng mga Kabataan sa Kasalukuyan na Ikinagagalit ng mga Magulang” � nakapagbibigay ng mga puna at mungkahi sa itinanghal na dula-dulaan

B. Paglinang

Ang mag-aaral ay: � masining na naitatanghal ang nilalaman ng saknong blg. 1382-1437. (Kolaboratibong gawain) � nakapagbibigay ng mga puna sa ipinakitang pagtatanghal � nalilinang ang kaalaman sa pagtalakay sa mga tanong na:

1. Bakit ayaw magpaiwan ni Donya Maria kay Don Juan nang papasok na sila sa kaharian ng Berbanya? 2. Tapat kaya ang layunin ni Don Juan sa pag-iwan kay Donya Maria? 3. Isa-isahin ang naging reaksyon ng mga magulang, mga kapatid at ni Donya Leonora sa pagbabalik ni Don Juan. 4. Ano ang katwiran ni Donya Leonora sa pagpapakita sa madla ng kaniyang kasabikan sa pagsalubong kay Don Juan? 5. Ano ang ibinabadyang “ligalig” at “apoy na sasapit” sa kaharian na binabanggit sa saknong blg. 1433?

� nakapagbibigay ng mga salita o konseptong kaugnay ng salitang pangako

Page 93: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng Balangkas ng Pangyayari

� nakapagpapaliwanag sa mga dahilan ng pagbibilin ni Donya Maria kay Don Juan na umiwas na mapalapit sa kaninumang babae pag dating niya sa kaharian ng Berbanya � nakapagpapahayag ng sariling pananaw kung dapat bang ituring na kahihiyan ang ginawang pagsalubong ni Donya Leonora kay Don Juan gayong siya’y nakatakda na para kay Don Pedro � nakapagpapahayag ng damdamin sa ginawa ng tauhan sa aralin � nakapagpapatunay sa kasabihang “Walang lihim na hindi nabubunyag” � nakapaghahanay ng mga naging bunga ng pagsisinungaling ng kamag-aral at ang natutuhan sa pangyayaring ito � nakapagpapahayag ng naging epekto sa sarili ng ginawang panayam � nakapagpapatunay na walang lihim na hindi nabubunyag

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay:

Ang Muling

Pagbabalik sa

Berbanya

Pangyayari 1

Pangyayari 3

Pangyayari 2

Pangyayari 4

Pangyayari 5

Pangyayari 6

Page 94: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakabubuo ng mga kraytirya sa ginawang pag-uulat sa paghahanay ng mga naging bunga ng pagsisinungaling na nagawa ng mga kamag-aral o kaibigan

at ang natutuhan mula rito � nakapag-uulat ng mga naging bunga ng pagsisinungaling at ang natutuhan sa pangyayari

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Mga kagamitan sa pakikipanayam Mga Kraytirya sa gagawing pagtataya sa isasagawang pag-uulat

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 30: Poot ng Naunsiyaming Pag-ibig (Saknong Blg. 1438-1574) Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaugaliang Pilipino na masasalamin sa akdang binasa.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: May mga kaugaliang Pilipino na nananatili, nababago, nawawala na dulot ng mga pagbabagong dala ng modernong panahon.

Mahalagang Tanong: Bakit may mga kaugaliang Pilipinong nananatili, nagbabago at nawawala?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong 1438-1574 (Poot ng Naunsyaming Pag-ibig)

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng ilan sa mga kaugaliang Pilipinong makikita sa isang

pagtitipon � nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat ng ilang salitang ginamit sa

aralin

� nakapagtatala ng mga kaugaliang Pilipinong masasalamin sa akda

� nakapagsasadula ng piling tagpo sa aralin na nagpapakita ng kaugaliang

Page 95: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Pilipino

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagsasadula ng ilang tagpo sa akda na nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad sa mga kaugaliang Pilipinong makikita sa isang pagtitipon. pagpapaliwanag sa maaaring mangyari sa Berbanya na ikinabahala ng tauhan sa akda. pagbibigay ng pananaw o pagpapakahulugan sa pagtatanghal na ginamit ng tauhan upang ipaalala ang kanilang kasaysayan. pagpapahayag ng damdamin at saloobin sa mga taong nagiging instrumento sa pagpapanatili, pagbabago at pagkawala ng mga kaugaliang Pilipino. paglalahad ng mga dahilan sa pananatili, pagbabago at pagkawala ng ilang kaugaliang Pilipino. pagsasadula ng ilang tagpo sa akda na nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinadulang tagpo sa akda batay sa mga kraytirya:

A. Angkop sa Aralin

B. Angkop ang mga props o kagamitan sa pagsasadula

C. Angkop ang emosyong ipinakita sa bawat eksena

D. Angkop sa paksa

E. Kawili-wili at nakahihikayat sa tagapanood

Antas 3

A. Pagtuklas :

Page 96: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ang mga mag-aaral ay: � nakapaglalahad ang ilan sa mga kaugaliang Pilipino na makikita sa pagtitipon

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nakapagsasalaysay ng nilalaman ng saknong blg. 1438-1574 sa masining na paraan ng pagpapahalaga (Gawin itong kolaboratibong gawain). � nakapagpapalitan ng mga puna at mungkahi sa isinagawang pagpapahalaga sa mga piling saknong ng bawat pangkat � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga na tanong:

1. Paano nagkaroon ng kahanga-hangang kasuotan at sasakyan si Donya Maria? 2. Anong sikat na fairy tale ang iyong naaalala sa tagpong inilalahad sa saknong blg. 1446-1449? 3. Ano ang hiniling ni Donya Maria sa hari upang pahintulutan siya ng gagawin para sa mga ikakasal? 4. Bakit gumamit pa ng banda at mga tauhang maliliit na ita si Donya Maria sa kaniyang palabas? 5. Sino ang kinakatawan ng lalaking Ita sa palabas ni Donya Maria? Makatwiran ba ang kanyang ginawa? Bakit? 6. Bakit ipinalalabas sa dayalogo na nalimutan na ng lalaking Ita ang tungkol sa isang Donya Maria?

� nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang ginamit sa aralin at nagagamit ang mga ito sa pangungusap.

C. Pagpapalalim: Ang mag-aaral ay:

� naibubuod ang aralin sa pamamagitan ng caravan � nakikiisa sa malayang talakayan sa mga na tanong/gawain:

1. Ano ang magaganap sa Berbanya na ikinabahala ni Donya Maria na mangyayari sa simula pa lamang? 2. Bakit isang pagtatanghal ang ginamit ni Donya Maria upang ipaalala kay Don Juan ang kanilang kasaysayan? 3. Ano sa iyong palagay ang dahilan upang sa kabila ng pagtatanghal na ginawa ni Donya Maria ay patuloy pa ring nabibighani si Don Juan kay Donya

Leonora? 4. Ano ang mga kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa bahagi ng akda? 5. Ano ang mga dahilan sa pananatili, pagbabago at pagkawala ng ilang kaugaliang Pilipino?

� nakapagsasagawa ng panayam sa tatlong (3) magkakaibang uri ng tao sa sariling lugar tungkol sa mga dahilan nang pananatili, pagbabago at pagkawala ng mga kaugaliang Pilipino

D. Paglalapat :

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng mga kraytirya sa pagtataya sa isasagawang pagsasadula � nakapagsasadula ng ilang tagpo sa akda na nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino

Page 97: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Sipi ng mga istratehiya Mga kraytirya sa gagawing pagtataya Mga kagamitan sa pagsasadula

Page 98: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 31: Ang Pagwawakas (Saknong Blg. 1575-1717) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging wakas ng akda.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarnana naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Kakailanganing Pag-unawa: Anumang bagay ay maaaring maging maayos sa pamamagitan ng makatarungan at mabuting usapan.

Mahalagang Tanong: Makatarungan ba ang naging wakas ng Ibong Adarna?

Nauunawaan ng mag-aaral ang:

Saknong blg. 1575-1717 (Ang Pagwawakas)

Ang mag-aaral ay: � nakapaglalahad ng mga posibleng solusyon sa mga suliraning

pampulitika at panlipunan sa bansa � nakapagbibigay ang konotasyon at denotasyong kahulugan ng mga

salitang ginamit sa aralin � nakapagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa naging kilos o pasya ng mga tauhan sa aralin � nakasusulat ng suring-basa ng akda.

Antas 2

Inaasahang Pagganap: Paggawa ng suring-basa ng akda

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad ng posibleng solusyon sa mga suliraning pampulitika at panlipunan sa bansa. paghahanay ng mga detalye sa mga katangian ng mga tauhan sa araling tinalakay. pagpapahayag sa naging damdamin ng kamag-aral sa naging wakas ng akdang Ibong Adarna. paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa mahalagang papel na ginampanan ng ibon sa Korido. paghahambing sa pinag-aralang korido sa kasalukuyang panahon. pagbabahagi sa naging bisa sa sarili ng koridong pinag-aralani matapos

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang suring-basa sa akda batay sa mga kraytirya:

A. Batay sa paksa

B. Sumunod sa gabay na balangkas

C. Maayos na pagpapaliwanag sa mga katanungan D. Tumutugon sa layunin E. Sapat ang detalyeng ginamit

Page 99: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

itong maunawaan.

Antas 3

A. Pagtuklas : Ang mag-aaral ay:

� nakapaglalahad ng mga posibleng solusyon sa mga suliraning pampulitika at panlipunan sa bansa (Ibigay itong takdang aralin ng guro sa bawat pangkat. Ipakita ang gawaing ito sa paraang pagbabalita. Pumili sa bawat kapangkat na gaganap na tagapagbalita, tagapanayam, at kinakapanayam.)

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � masining na nakapagtatanghal ng nilalaman ng saknong blg. 1575-1717 (Gawin itong pangkatan) � nakapagpapalitan ng mga puna at mungkahi sa isinagawang pagtatanghal � nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong: (Maaaring gumamit ng teknik o istratehiya ang guro.)

1. Ano ang naging reaksyon ni Donya Leonora sa pagbabalik ng alaala ni Don Juan? 2. Ano ang panibagong suliranin ang maaaring ibunga nang muling pagbabalik ng alaala ni Don Juan? 3. Paano nanumbalik ang alala ni Don Juan tungkol sa nakaraan nila ni Donya Maria? 4. Sang-ayon ka ba sa pahayag ni Donya Leonora na “Ano po ang magagawa ng babae, siya ay mahina?” 5. Sang-ayon ka ba sa pasya ng arsobispo na kay Donya Leonora ipakasal si Don Juan? Bakit? 6. Makatwiran ba ang ginawa ni Donya Maria na pagpapabaha sa kaharian ng Berbanya? 7. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng arsobispo sa paggagawad ng tamang hatol kung kanino ipakakasal si Don Juan? 8. Ano ang ipinapahiwatig nang tahimik na pagtanggap ni Donya Leonora sa pasyang kay Donya Maria pakakasal si Don Juan? 9. Marapat bang kay Don Juan ipasa ang trono bilang bagong hari, gayong si Don Pedro ang panganay na anak ni Haring Fernando? 10. Ano ang inihanda ni Donya Maria para sa mga mamamayan ng Reino de los Cristales? 11. Bakit malugod at mabilis na tinanggap ng mga taga-Reino de los Cristales si Don Juan bilang kanilang bagong hari? 12. Paano pinatunayan nina Don Juan at Donya Maria na karapat-dapat silang mamuno sa Reino de los Cristales?

Page 100: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

� nakapagbibigay ng konotasyon at denotasyong kahulugan ng ilang salitang ginamit sa aralin

C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:

� nakapagbubuod ng araling tinalakay (Bigyang-lay ang mag-aaral sa paggamit ng istratehiya o teknik sa pagbubuod.) � nakapaghahanay ng mga detalye ng araling tinalakay at nabibigyang pananaw ang naging kilos o pasya ng mga tauhan � nakapagpapaliwanag at nabibigyang katwiran ang naging wakas ng koridong Ibong adarna � nakapagbibigay ng ideya o palagay tungkol sa mga dahilan kung bakit Ibong Adarna ang pamagat ng akda � nakapaglalahad ng akdang paghahambingan ng pinag-aralang korido na iaangkop sa kasalukuyang panahon � naihahambing ang ibong Adarna sa iba pang tauhan sa akda � nakapagbabahagi ng naging bisa ng akda sa sarili pagkatapos na ito ay maunawaan � nakapagpapahayag kung naging makatarungan ang naging wakas ng Ibong Adarna

D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng input tungkol sa suring-basa.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa paggawa ng suring-basa � nakagagawa ng suring-basa ng koridong Ibong Adarna

Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna Kopya ng istratehiyang gagamitin Mga Kraytirya sa pagtataya sa suring-basa

Page 101: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 32: Pagpapahalagang Pilipino (Pagtatanghal ng Reader’s Theater) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pagpapahalagang inilarawan sa Ibong Adarna na angkop sa kulturang Pilipino.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng Reader’s Theater ng mga piling saknong na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa Kulturang Pilipino.

Kakailanganing Pag-unawa: Ang Ibong Adarana, bagama’t dayuhang akda ay kasasalaminan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Mahalagang Tanong: Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paglinang ng mabubuting ugaling Pilipino?

Nauunawaan ng mag-aaral ang: Ang Reader’s Theater.

Ang mag-aaral ay: � nakapag-uulat sa ginawang talaan na nagpapakita ng mga kulturang

Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas � nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa pariralang kulturang Pilipino � naipakikita kung paano pinahahalagahan ang sariling kultura � nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga saknong ng Ibong

Adarna

Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pakikibahagi sa pagtatanghal ng Reader’s Theater ng mga piling saknong na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paggawa at pag-uulat sa talaan na nagpapakita ng mga kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. pagpapahayag kung paano mapahahalagahan ang sariling kultura. pagpapaliwanag sa mga saknong na napili na naglalarawan ng magagandang katangiang Pilipino. pagpapakilala sa aspeto ng kulturang Pilipino na ipinagmamalaki sa pamamagitan ng isang anunsyo o patalastas. paglalahad ng pangangaral sa isang kakilala o kaibigan na walang pagpapahalaga sa sariling kultura. pagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga saknong ng Ibong Adarna na nagpapakita ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghla na Reader’s Theater batay sa mga kraytirya:

A. Angkop ang lakas ng boses para sa mga nakikinig

B. Taglay ang mga elemento ng isang

Reader’s Theater

C. Kaangkupan ng emosyon batay sa binabasang saknong

D. Pagtitiwala sa sarili

Page 102: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Antas 3

A. Pagtuklas :

Ang mag-aaral ay: � nakagagawa at naiuulat sa klase ang ginawang talaan na nagpapakita ng mga kulturang Pilipino sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas

B. Paglinang:

Ang mag-aaral ay: � nababasang muli ang mga saknong na kasasalaminan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino � natatalakay ang nasabing saknong sa pamamagitan ng malayang talakayan

C. Pagpapalalim :

Ang mag-aaral ay: � malayang natatalakay ang mga na tanong/gawain:

1. Bilang isang Pilipino, paano mo pinahahalagahan ang sariling kultura? 2. Pumili ng ilan pang saknong na naglalarawan ng magagandang kaugaliang Pilipino at isalin ito sa wika ng rehiyong alam mo. 3. Ano’ng aspeto ng kulturang Pilipino ang iyong ipinagmamalaki? Ipaalam ang nasabing kulturang sa pamamagitan ng isang anunsyo o

patalastas. 4. Kung ang isang kakilala o kaibigan ang iyong naobserbahan na walang pagpapahalaga sa sarili nating kultura, paano mo siya

pangangaralang baguhin ang ugaling ito? 5. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paglilinang ng mabuting ugaling Pilipino?

D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng input tungkol sa Reader’s Theater.)

Ang mag-aaral ay: � nakabubuo ng mga kraytirya sa pagtataya sa itatanghal na Reader’s Theater � nakapagtatanghal ng Reader’s Theater ng mga piling saknong na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Page 103: Filipino Ibong Adarna

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I

Mga Kakailanganing Kagamitan Sipi ng mga Saknong Sipi ng mga kraytirya sa pagtataya sa gawain Mga kagamitan (kung kakailanganin) sa pagtatanghal ng Reader’s Theater