filipino sa piling larang (tech-voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina...

15
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 12 FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) Unang Markahan – Modyul 2: Linggo 2 Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Manwal, Liham Pangnegosyo DOLORES T. ALBON A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Upload: others

Post on 17-Dec-2020

27 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

12

FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc)

Unang Markahan – Modyul 2: Linggo 2

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin

Manwal, Liham Pangnegosyo

DOLORES T. ALBON

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

Filipino-Ikalabindalawang Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 1: Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Manwal, Liham Pangnegosyo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dolores T. Albon

Editor: Jade A. Bengua

Tagasuri: Riela Angela C. Josol

Tagaguhit:

Tagalapat: Kevien Ian Albon

Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien -Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag -Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS

Page 3: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

1

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang

sumusunod:

1. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa layunin,

gamit, katangian, anyo. (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin ng komprehensibo?

A. malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw B. maliit ang saklaw D. payak ang saklaw

2. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o

pagpapalit ng depektibong bahagi?

A. Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo B. Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay

3. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?

A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata

4. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham

pangnegosyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan? A. pormal ang pananalita C. tamang gramatika

B. tama ang detalye D. wasto ang balangkas 5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon

na pinagmumulan ng liham? A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

6. Isa sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin na espesyalisado ang bokabolaryo. Ano ang ibig sabihin ng espesyalisado?

A. salitang pormal na ginagamit sa iba’t ibang larangan B. salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan

C. salitang kolokyal na ginagamit ng mga millenials D. salitang teknikal na tatangi lamang sa larangang kinabibilangan

7. Iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham

pangnegosyo. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong

pinadadalhan ng liham. Aling katangian ng mabisang liham pangnegosyo ito makikita?

A. tiyak C. maganda sa paningin B. malinaw ngunit magalang D. maikli ngunit buong-buo

Page 4: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

2

8. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano ang ibig sabihin ng salitang obhetibo?

A. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi humahadlang sa pansariling saloobin tulad ng emosyon at pagpili

B. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at magdesisyon C. may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin tulad

ng emosyon at pagpili D. may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin

9. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang maipabatid

ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.

A. sulating ukol sa pagkain B. sulating ukol sa isang produkto

C. sulating interpersonal o inter-institusyonal

D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

10. Ang recipe at menu ay napabilang sa ______________. A. sulating inter-institusyonal

B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal C. sulating ukol sa pagkain

D. sulating ukol sa isang produkto

11. Anong uri ng anyo ng sulatin napabilang ang manwal sa paggamit ng

produkto?

A. sulating inter-institusyonal

B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal C. sulating ukol sa pagkain

D. sulating ukol sa isang produkto

12. Alin sa sumusunod na sulatin ang naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o

kaganapan? A. sulating ukol sa pagkain

B. sulating ukol sa isang produkto

C. sulating interpersonal o inter-institusyonal D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

13. Anong uri ng manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang

produktong binibili o binubuo bago gamitin? A. employees’ manual o handbook C. training manual

B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

14. Anong uri ng manwal na nagsisilbing gabay sa mga empleyado nang sa gayon

ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.

A. employees’ manual o handbook C. training manual B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

15. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng pagsulat nito?

A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

Page 5: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

3

MODYUL 2

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Manwal, Liham Pangnegosyo

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang madaling

makikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin,

gamit, katangian, anyo, at target na gagamit.

Balikan

Gawain

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa sagutang papel.

Tuklasin

Ang pokus ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ay ang introduksyon ng mag-aaral sa

iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.

L1

pinagkunan: https://www.slideshare.net

Ano ang teknikal-bokasyunal na

pagsulat? __________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

Page 6: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

4

Mga gabay na katanungan:

1. Ano ang masasabi mo sa larawang ito?

2. Bakit mo nasabi ang gayon?

3. Paano nakatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga bahagi ng kompyuter?

L2

pinagkunan: https://www.wattpad.com

Mga gabay na katanungan:

1. Sa tingin ninyo, anong putahe kaya ang nasa larawan?

2. Anong mga sangkap ang kailangan sa pagluluto ng adobo?

3. Paano ang pamamaraan ng pagluluto nito?

4. Kailangan ba ang mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto ng adobo? Bakit?

5. Patunayan ang iyong sagot sa bilang 4

Page 7: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

5

Suriin

Manwal

Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin. Ito rin ay

mga pasulat na gabay o reperensiyang material na ginagamit sa pagsasanay,

pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,

pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga

produkto o pagkukumpuni ng mga produkto. Ang mga gamit tulad ng

appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine,

printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag na user manual o users

guide. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang pagsulat ng mga

manwal na ito.

May iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit:

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para sa konstruksiyon o pagbuo

ng isang gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting ng isang

mekanismo.

2. Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User manual o Owner’s

Manual) -naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular

na pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing

operasyon o gamit ng isang mekanismo.

3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang

mekanismo at kaunting maintenance.

4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo,

troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong

bahagi.

5. Teknikal na Manwal (Technical Manual) – nagtataglay ng espisipikasyon

ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.

6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit sa mga

programang pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.

7. Employees’ manual o handbook ang mga itinakda para sa mga empleyado

ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at

iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa mga

empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga

dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang

halimbawa nito ay faculty manual o students’ manual.

Page 8: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

6

8. User Manual – isang manual sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t

ibang produktong binibili bago gamitin tulad ng gamit sa bahay, appliances,

kasangkapan, gadgets atbp.

Liham Pangnegosyo

Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito

kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo,

nararapat na sundin ang karaniwang pormat na margin na isang pulgada

(inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 81/2”x 11 na

bondpaper. Kalimitang bahagi ng isang liham na pangnegosyo. Mahalagang

tiyakin kung ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging isang liham

kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas, subskripsiyon, pag-aaplay,

pagtatanong atbp.

1. Ulong-sulat – matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at impormasyon

sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham, kalimitan itong

nagtataglay logo ng nasabing kompanya o institusyon

2. Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham

3. Patunguhan – nagmumula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa

salitang “tungo” o ang pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham.

Samakwid inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig

pagbigyan ng liham

4. Bating Pambungad – maiksing pagbati sa patutunguhan ng liham at ang

bantas na ginagamit ay tutuldok (:) at hindi kuwit (,)

5. Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng liham at

tandaan na palagi itong typewritten o computerized

6. Bating Pangwakas -nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam at

nagtatapos sa kuwit

7. Lagda – pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin

Layunin 1. magbahagi ng impormasyon 2. manghikayat ng mambabasa

Gamit

1. ulat panlaboratoryo 2. proyekto

3. panuto 4. dayagram

Page 9: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

7

Katangian 1. may espesyalisadong bokabularyo

2. tiyak 3. tumpak

4. malinaw 5. nauunawaan

6. kompleto ang impormasyon 7. walang kamaliang gramatikal 8. walang kamalian sa bantas

9. angkop na pamantayang kayarian 10. di-emosyonal

11. obhetibo

Anyo 1. Sulating interpersonal o inter-institusyonal - tumutukoy ang mga ito as mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon

upang maipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala. Hal. liham pangnegosyo

2. Sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal – tumutukoy ang mga

ito sa mga sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan. Hal. flyers, leaflets, promotional materials, paunawa, babala at anunsyo

3. Sulating ukol sa isang produkto - tumutukoy ang mga ito sa mga sulating

may kinalaman sa isang produkto. Hal. deskripsyon ng produkto, manwal sa paggamit ng produkto

4. Sulating ukol sa pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain. Hal. recipe at menu

Target na gagamit 1. mambabasa

2. mamimili 3. mga tao sa labas ng organisasyon

Page 10: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

8

Pagyamanin Gawain 1

Panuto: Batay sa iyong sariling pag-unawa, ibigay ang kahulugan ng mga

sumusunod:

1. Manual -Serbisyo ______________________________________________ 2. Teknikal na Manual ____________________________________________

3. Manual na Operasyonal _________________________________________

4. Manual sa Pagbuo _____________________________________________

Gawain 2 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan at at katangian ng

teknikal-bokasyunal na sulatin?

2. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng liham pangnegosyo?

Isaisip

Panuto: Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang konsepto batay sa iyong nalalaman

at mga palagay.

Manwal Liham Pangnegosyo

Ang nilalaman nito ay

_______________________________

_______________________________

Ang wika na ginamit ay

_______________________________

_______________________________

Ang layunin nito ay

_______________________________

_______________________________

Ang nilalaman nito ay

_______________________________

Ang wikang gagamitin ay

_______________________________

_______________________________

Ang layunin nito ay

_______________________________

_______________________________

Kahulugan Kahulugan

Page 11: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

9

Isagawa

Panuto: Sagutin ang graphic organizer sa ibaba.

A.

Student Handbook

Uri ng sulatin

Layunin

Gamit

Katangian

Anyo

Target na gagamit

Kahulugan

B.

Liham Pag-aaplay

Uri ng sulatin

Layunin

Gamit

Katangian

Anyo

Target na gagamit

Kahulugan

Page 12: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

10

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang gagamiting manwal sa pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi?

A. Manwal-Serbisyo C. Manwal sa Pagbuo

B. Teknikal Manwal D. Manwal Para sa Pagsasanay

2. Isa sa katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin na espesyalisado ang bokabolaryo. Ano ang ibig sabihin ng espesyalisado?

A. salitang pormal na ginagamit sa iba’t ibang larangan B. salitang balbal na ginagamit ng mga kabataan C. salitang kolokyal na ginagamit ng mga millenials

D. salitang teknikal na tatangi lamang sa larangang kinabibilangan

3. Ang recipe at menu ay napabilang sa ______________. A. sulating inter-institusyonal

B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal C. sulating ukol sa pagkain D. sulating ukol sa isang produkto

4. Obhetibo isa sa mga katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Ano

ang ibig sabihin ng salitang obhetibo? A. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay na hindi humahadlang

sa pansariling saloobin tulad ng emosyon at pagpili B. pagkakaroon ng abilidad na tingnan ang mga bagay at magdesisyon C. may abilidad na tingnan ang mga bagay ayon sa pansariling saloobin tulad

ng emosyon at pagpili D. may sariling kakanyahan at kumikiling ayon sa pansariling saloobin

5. Anong bahagi ng liham makikita ang logo ng kompanya o institusyon na

pinagmumulan ng liham? A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

6. Anong uri ng anyo ng sulatin napabilang ang manwal sa paggamit ng produkto?11

A. sulating inter-institusyonal B. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

C. sulating ukol sa pagkain D. sulating ukol sa isang produkto

7. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo. Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?

A. pormal ang pananalita C. tamang gramatika B. tama ang detalye D. wasto ang balangkas

Page 13: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

11

8. Anong anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang tumutukoy sa sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang

maipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.

A. sulating ukol sa pagkain B. sulating ukol sa isang produkto

C. sulating interpersonal o inter-institusyonal D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

9. Anong bahagi ng liham pangnegosyo makikita ang layunin ng pagsulat nito?

A. lagda B. katawan C. patunguhan D. ulong-sulat

10. Iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham pangnegosyo. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong

pinadadalhan ng liham. Aling katangian ng mabisang liham pangnegosyo ito makikita?

A. tiyak C. maganda sa paningin

B. malinaw ngunit magalang D. maikli ngunit buong-buo

11. Komprehensibo ang manwal. Ano ang ibig sabihin komprehensibo? A. malawak ang saklaw C. tiyak ang saklaw

B. maliit ang saklaw D. payak ang saklaw

12. Anong uri ng manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang

produktong binibili o binubuo bago gamitin? A. employees’ manual o handbook C. training manual

B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

13. Anong uri ng manwal na nagsisilbing gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan.

A. employees’ manual o handbook C. training manual B. user’s manual o instruction manual D. technical manual

14. Tinatawag ding kalatas ang liham. Ano ang ibig sabihin ng kalatas?

A. balangkas B. saknong C. sulat D. talata

15. Alin sa sumusunod na sulatin ang naglalayong magpabatid ng

impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan?

A. sulating ukol sa pagkain B. sulating ukol sa isang produkto

C. sulating interpersonal o inter-institusyonal D. sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal

Page 14: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

12

Karagdagang Gawain Panuto: Pumili ng kurso o bokasyon na gusto mong pasukin sa kolehiyo o

gawing karera. Magsaliksik sa libro at internet o magsagawa ng panayam

ukol dito.

1. Gumawa ng isang glosaryo na may 5 salita ng mga konsepto o terminolohiyang ginagamit sa napiling larangan.

2. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.

Page 15: FILIPINO SA PILING LARANG (Tech-Voc) · 2020. 10. 17. · appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pa ay laging may tinatawag

13

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Aklat

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Manwal ng Guro

Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc)

Rex Book Store 2017

Hanguang Elektroniko

https://www.slideshare.net/xtin918/batayang-pagsasanay-sa-paggamit-ng-microsoft-word

https://www.wattpad.com/350055721-mga-hakbang-sa-pagluluto-ng-adobo

Tayahin

1.A

2.D 3.D

4.A 5.D

6.D 7.B

8.C

9.B 10.B

11.A 12.B

13.A 14.C

15.D

Subukin

1.A

2.A 3.C

4.B 5.D

6.D 7.B

8.A

9.C 10.D

11.D 12.D

13.B 14.A

15.B