filipino thesis: ang hinagpis at kabiguan ng mga tao sa likod ng salamin ng pag-ibig

37
1 Kasawian: Ang Hinagpis at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig ___________________________________________________________ Isang Tesis na Isinumite sa Departamento ng mga Wika Kolehiyo ng Sining at Agham Miriam College ______________________________________________ Bilang isa sa mga Tugon sa Mga Kahingian para sa Kursong Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik _____________________________ nina Christine Catuncan Giana Hari Nelijah Nuada Kloe Tamor Mayo 2017

Upload: nelijah-nuada

Post on 23-Jan-2018

1.438 views

Category:

Data & Analytics


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

1

Kasawian:

Ang Hinagpis at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

___________________________________________________________

Isang Tesis na Isinumite sa

Departamento ng mga Wika

Kolehiyo ng Sining at Agham

Miriam College

______________________________________________

Bilang isa sa mga Tugon sa

Mga Kahingian para sa Kursong

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

_____________________________

nina

Christine Catuncan

Giana Hari

Nelijah Nuada

Kloe Tamor

Mayo 2017

Page 2: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

2

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para sa layuning malaman ang mga

kasagutan sa likod ng pagkaka-ugnay ng kasawian sa pag-ibig at ng tao. Inilagay dito ang

mga dahilan sa koneksyon ng tao at kasawian sa pag-ibig sa likod ng emosyonal,

sikolohiyal, sosyal at pilosopikal na pakikitungo. Sinuri dito ang mga bagay na higit na

nakaka-apekto sa pag-uungay ng mga tao sa kasawian sa pag-ibig. Ito ay maaring tungo

sa sariling karanasan, pakikitungo sa ibang tao, o mga pisikal at sosyal na bagay. Napag-

alaman na ang edad na 18 hanggang 29, ay kung saan mas nakaka-ugnay ang mga tao sa

kasawian sa pag-ibig, ito nga ay dahil sa taon na ito hindi pa matatag ang gulang para sa

pangmatagalan na relasyon sa pag-ibig. Sa mga bagay/kaganapan na ibinigay namin, ang

pagkatuto mula sa karanasan mula sa ibang tao o sa sarili o mula sa Social Media ay ang

pangunahing kadahilanan bakit sila ay nakaka-ugnay. Sa kabuuhan ng pananaliksik na

ito, masasabing ang kasawian o kalungkutan sa pag-ibig ang naghuhubog sa mga tao

upang maging matatag at gumulang at maraming nakaka-impluwensiya sa kasawian sa

pag-ibig ng mga tao dahil lahat ng tao ay may nararamdaman na pag-unawa sa mga

karanasan at kalungkutan ng ibang tao.

Page 3: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

3

Talaan ng mga Nilalaman

I. PANIMULA

Panimula 4

Kaligiran ng Pag-aaral 5

Paglalahad ng Suliranin 6

Kahalagahan ng Pag-aaral 7

Rebyu ng Kaugnay na Literatura 8

Teoretikal at Konseptwal na Balangkas 11

II. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik 13

Metodolohiya 14

Mga Kasapi 14

III. RESULTA 15

IV. DISKUSYON 26

V. BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Buod 28

Konklusyon 28

Rekomendasyon 29

VI. MGA SANGGUNIAN 30

VII. APPENDIKS 33

Page 4: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

4

Kabanata 1

Panimula

Ang buhay natin ay kaakibat na ng mga pangyayari at karanasang nagbibigay kulay at

kabuluhan. Mabuti man o masama ang ating karanasan ay maaaring makapagpatibay o

makapagpahina ito sa bawat isa lalo na sa usapang pag-ibig. Ang aming pananaliksik ay

tungkol sa pagsubok na humahamon sa ating katatagan, at iyon ang pagkasawi. Ang

aming grupo ay aalamin ang iba’t-ibang pananaw ng karamihan pagdating sa larangan ng

pag-ibig, malaman kung gaano nga ba karami sa ngayon ang sang-ayon o tutol sa pag-

ibig, at bakit nga ba may mga relasyong hindi nagtatagal at nauuwi na lang sa pagkabigo

at pagkawasak ng taong naiwan o nasaktan. Nais naming malaman ang mga bagay

tungkol sa mga taong nakakaranas ng pagkasawi sa pag-ibig at bakit nga ba

naaapektuhan ang mga tao dahil sa pagkaramdam ng lungkot, maski naranasan man nila

ito o hindi. Sinu-sino nga ba ang mga kadalasang nakakaranas ng mga ganitong

pangyayari ng pagkabigo?

Layunin ng tesis na ito ang malaman kung bakit nga ba may mga taong sawi at bigo sa

pag-ibig lalo na sa panahon natin ngayon na ang mga kabataan ay maaga nang

namumulat sa pag-ibig. Kaya kami ay kakalap ng impormasyon sa mga edad na 18

hanggang 29, lalaki man o babae. Aming aalamin sa mga respondente ang mga

katanungan gaya ng pananaw nila sa pag-ibig.

Page 5: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

5

Kaligiran ng Pag-aaral

Binibigyan ng pansin ng pananaliksik na ito ang kasawian sa pag-ibig ng mga

Pilipino at kung ano ang kanilang mga nararamdaman o karanasan tungkol dito. Layunin

ng pag-aaral na ito ang makita ang mga iba’t-ibang pananaw ng karamihan pagdating sa

larangan ng pag-ibig. Nais din masulyapan ng mga mananaliksik kung gaano karami ang

mga ayon o tutol, sa pag-ibig. At sa huli, aalamin ang mga epekto ng kasawian sa

kaugalian at mga kinalilibangan ng mga tao dahil sa kanilang nararamdaman.

Page 6: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

6

Paglalahad ng Suliranin

Ang Pag-aaral na ito na may paksang Kasawian: “Ang Hinagpis at Kabiguan ng

mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod

na suliranin:

1. Paano nailalarawan ng mga tao ang pag-ibig?

2. Ano-ano ang mga posibleng dahilan bakit nakakaugnay ang mga tao sa mga bagay

patungkol sa kasawian sa pag-ibig?

3. Bakit naaapektuhan ang mga tao ng pagkaramdam ng kalungkutan sa pag-ibig maski

kung sila ay nakaranas man o hindi?

4. Nakaka-apekto ba ito sa paraan ng pag-iisip o ugali ng isang tao?

5. Sinu-sino ang kadalasang nakaka-ugnay sa mga bagay na tungkol sa kasawian sa pag-

ibig?

Page 7: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

7

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa dami ng mga iniisip natin araw-araw, kailangan ayusin natin ang ating utak para hindi

tayo magsasayang ng oras sa mga bagay na hindi dapat natin masyadong binibigyan ng

pansin. Masasabi na ang kasawian ay isa sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pag-

iisip at paggawa ng desisyon dahil sa mga damdamin at emosyon na dinudulot nito. Ayon

sa “Hierarchy of Needs” na ginawa ni Abraham Maslow (1943), ang mga tao ay

nangangailangan ng pagmamahal at pakikisama sa ibang tao. Ito ay nagbibigay sa atin ng

kabuluhan sa ating buhay dahil nararamdaman natin na tayo ay tinatanggap at minamahal

ng ibang tao. Walang tao na pwedeng mabuhay na mag-isa lamang kaya kailangan na

marunong tayong makitungo sa iba at dapat alalahanin natin ang ating mga

nararamdaman dahil pwede itong makasama o makakabuti sa atin. Layunin ng tesis na ito

ang malaman ang mga iba’t-ibang epekto ng kasawian sa mga kabataan at bakit ito

mabilis na lumaganap sa pop culture ng mga Pilipino ngayon.

Page 8: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

8

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon sa librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” (Bautista, 2012), ipinapaliwanag

dito ng manunulat na si Ramon Bautista na isang guro sa UP Diliman tungkol sa mga

bagay-bagay na kinakaharap ng mga taong sawi. May mga bagay na kinakailangan

munang intindihin bago ito basahin. Tunay nga naman kasi na ang panahon natin ay

nagbabago. Mayroong mga bagay na hindi na katulad dati, tulad na lamang ng mga

kabataan ngayon. Kailangan pa rin natin silang patnubayan sa kanilang mga gawain,

hindi yung dapat tanggapin na lang natin. Matalino nga raw ang mga kabataan ngayon.

Sila na ang pipili kung sino ba ang gusto nilang paniwalaan. Ika nga ni Ramon Bautista

na, “There is more to life than love.” Wala nga daw gamot para sa tanga, at mag-aral ng

mabuti kung ayaw mong maging taong grasa at “huwag mag-BF for the sake of having

one.” Ito ang iba sa mga nakalakip sa kanyang libro na makakapagbigay payo sa mga

makakabasa nito upang maiwasan ang kasawian.

Kapalit ng pag-ibig, isang artikulo isinulat ni Ramon M. Bernardo (Bernardo, 2017)

tungkol sa usaping pag-iibigan o relasyon ng isang lalaki at isang babae. Ito ay kung bakit

marami ang nakakadarama ng kabiguan, kasawian, kalungkutan at paninibugho kapag

hindi natugunan ang nadarama nilang pagmamahal sa isang tao. May mga gumagawa pa

ng karahasan, nagwawala at nasisiraan ng isip dahil pinagtaksilan o pinagpalit sa iba o

kaya hindi pinansin o niloloko kaya ng taong pinag-ukulan nila ng tinatawag nilang

wagas na pagmamahal. Hindi nila matanggap ang naranasan nilang kabiguan.

Page 9: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

9

Ipinapaliwanag ng artikulong ito tungkol sa tila nga ba napakabigat at napakahirap ang

pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Pero meron din naman itong punto. Bakit kapag

nagmahal ka, umaasa kang mamahalin ka rin? Ibig bang sabihin, kailangan mahalin ka

rin ng taong mamahalin mo. Kung tapat at halos ibigay mo na ang buong buhay mo sa

kanya, ay hindi ka pa pala magagawang mahalin. Ilan ito sa mga katanungan natin sa isip

sa tuwing nakararanas ang iba sa atin ng isang matinding pagkabigo. Hindi ka man

mahalin nito, aalalahanin mo pa rin ang kanyang kapakanan, kabutihan, kaligtasan,

kapayapaan ng isip, at maayos na buhay at kinabukasan. Dito masusubukan kung gaano

mo kamahal ang isang tao, walang sukatan, walang sukli at walang kapalit.

“Totoo ba ang happy ending? Karapat-dapat ba ang isang tao ng pangalawang

pagkakataon? Bakit kung sino pa ‘yung nagmamahal, sila pa ‘yung nasasaktan?” Ilan ito

sa mga katanungang hinugot mula sa librong “Para sa Hopeless Romantic” ni Marcelo

Santos III (Santos, 2014). Isa itong kwento ng lihim na umiibig, umaasang babalikan,

naghahangad na mamahalin, natatakot nang umibig muli, nagsusumikap na makalimot, at

ng isang nag-aasam ng maligayang pag-iibigan. Ang nobelang para sa mga taong iniwan

at ipinagpalit, para sa mga taong naging panakip-butas, mga nangangarap na mahalin,

umaasang balikan, para sa naghahangad ng happy ending at para sa mga hopeless

romantic o para sa madaling salita, mga taong sawi sa pag-ibig. Lahat ng tao ay may

kanya-kanyang kuwento ng pag-ibig. Mga kuwentong tayo mismo ang nagmimistulang

manunulat. Mga sariling buhay pag-ibig na nais nating magkaroon ng happy ending.

Ngunit tila nga ba na kaunti lamang ang nabibiyayaan ng mala fairytale na pag-iibigan.

Page 10: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

10

Ang kuwento ng nasabing nobela ay umiikot sa buhay ng mga karakter patungo sa

kanilang paglalakabay patungo sa magpakailanman. Kinatatampukan ito ng limang tao na

pilit na lumalaban sa masalimuot na mundo ng pag-ibig: sina Maria, Ryan, Becca, Nikko,

at Faye. Kahit man nasaktan sa kani-kanilang landas upang makamit ang tunay na

layunin na magmahal at mahalin nngg kapalit, pilit pa rin silang lumalaban upang

magwagi o makakuha kahit lamang kakarampot na ligaya o tagumpay sa larangan ng

giyera ng mga puso.

Page 11: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

11

Teoretikal at Konseptwal na Balangkas

Ang “triangular theory of love” ay isang teorya ng pag-ibig na isinulong ng

sikolohiya na si Robert Sternberg. Ayon sa kanya, mayroong tatlong komponent ng pag-

ibig na binubuo ng intimacy, passion, at decision/commitment na komponent.

Ang Passion ay maaaring maiugnay sa pisikal na atraksyon o emosyonal na

stimulasyon. May tatlo itong depinisyon:

1. Malakas na pakiramdam na pagkasabik o pagkagulilat dahil sa pagkakagawa ng isang

bagay

2. Malakas na pakiramdam (tulad ng pagkakagalit) na nagiging dahilan kung bakit ang

mga tao ay nakagagawa ng mga delikadong bagay

3. Malakas na pakiramdam na pagkalibog o pagkagusto sa isang tao

Ang Intimacy ay ang pagkakalarawan ng mga damdamin ng pagkakalapit o

attachment ng isang tao sa isang tao. Ito ang nagiging sanhi kung bakit nagiging mas

matibay ang pagkakabuklod sa pagitan nitong dalawang tao.

Ang Commitment naman, ‘di tulad ng dalawang naunang komponent, ay

nagdadawit ng conscious decision upang mapanatili ang relasyon ng bawat isa. Ang

desisyong ito ay madalas na nalalaman sa pamamagitan ng lebel ng satispaksyon na

siyang ibinibigay ng isang katuwang mula sa kanilang relasyon.

Page 12: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

12

Isa rin sa mga naunang teorya pagdating sa pag-ibig ay nilinang ni Sigmund

Freud (1938, September 23). Ang kanyang teorya ay sumesentro sa paligid ng

pangangailangan ng “ego ideal”. Ang depinisyon nito ay ang imahe ng isang tao kung

saan gusto ng isa na maging katulad niya.

Isa pang teorya ay ipinakilala naman ni Maslow. Ang herarkiya ni Maslow ng

pangangailangan ay nilalagay ang kakayahan sa limitasyon ng potentialities isa sa

pinakamataas. Pinapanatili niya na kung sino ang nakaabot sa kakayahang ito ay kayang

magmahal.

Page 13: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

13

Kabanata 2

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong uri ng sarbey. Tinatangka ng

pag-aaral na ito na alamin ang kaalaman, damdamin, kaisipan at pananaw ng mga tao sa

mga bagay patungkol sa kasawian sa pag-ibig. Nais rin ng pananaliksik na ito na suriin

ang mga dahilan at epekto kung bakit nakaka-ugnay ang mga tao tungkol sa kasawian sa

pag-ibig maski man may karanasan o hindi.

Page 14: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

14

Mga Pamamaraan

Ang unang hakbang na aming patutunguhan ay ang paggawa ng sarbey.

Kailangan makagawa ng mga tanong na malawak at may kaugnayan sa pag-ibig upang

makakakuha ng impormasyon na maiintindihan at para hindi mahirapan ang mga sasagot.

1. Kukuha kami ng 120 o mas higit pa na mga tao na may edad na 18 hanggang 29

upang sagutin ang aming sarbey.

2. Pagkatapos ay isusulat namin lahat ng datos at sagot at ihahambing namin ang mga

kaibahan at pagkaka-parehas ng mga ito base sa kanilang mga edad at kasarian.

3. Sa huli, hahanapin ang mga karaniwan na pinanggalingan ng kasawian sa mga

kabataan ngayon.

Mga Kasapi

Ang mga respondente ay nabibilang sa edad na 18 hanggang 29, lalaki man o

babae. Napili namin ang mga edad na ito dahil ayon kay Jeffrey Arnett (Arnett, 2014)

ang tawag sa edad na 18 hanggang 29 ay “emerging adult”. Sa yugto na ito ang panahon

kung saan nakamit na nila ang pisikal at sekswal na gulang. Sa gulang din na ito

nararanasan ang ‘di matibay na relasyon sa pag-ibig. Ang mga kalahok ay di lalagpas sa

bilang na 120. Ang mga respondente na maaring sumagot ay maaring may karanasan sa

pag-ibig o wala.

Page 15: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

15

KABANATA 3

Resulta

Makikita sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap mula sa survey na pinasagot

sa mga taong 18-29 na taong gulang. 112 ang kabuuang bilang na sumagot sa survey at

karamihan sa kanila ay mga estudyante sa kolehiyo pero meron din mga tapos na sa

kanilang pag-aaral o nagtratrabaho na.

1. Kasarian at Edad

Sa kasarian, makikita na 92.9% sa mga sumagot ay mga babae habang ang natitirang

7.1% naman ay lalaki. Makikita rin na karamihan na sumagot sa survey ay mga 18 na

taong gulang habang ang pinaka-kaunti naman ang 29 na taong gulang dahil walang

sumagot dito.

2. Katayuan/Estado

Page 16: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

16

Sa katayuan o estado ng mga tao, 61.6% sa kanila ay walang asawa o kabiyak, 21.4% ang

nasa isang relasyon, 16.1% ang nalilito, at 0.9% naman ang kasal na. Nakikita dito na

karamihan sa mga tao ngayon ay walang kabiyak at kaunti lang ang may asawa na.

Medyo marami rin ang mga taong nasa isang relasyon at nalilito.

3. Naranasan mo na ba umibig?

77% ang mga taong nagsabi na sila na ay nakaranas nang umibig, 8.9% naman ang hindi

pa nakaranas ng pag-ibig, at 13.4% naman ang hindi pa alam. Marami nang mga tao ang

nakaranas na ng pag-ibig sa kanilang buhay pero may mga tao na hindi pa alam kung

naramdaman na nila ang pag-ibig.

4. Nakaranas ka na ba ng kasawian sa pag-ibig?

Page 17: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

17

10.7% ang mga taong nagsabing hindi nila alam kung nakaranas na sila ng kasawian sa

pag-ibig, 15.2% naman ang hindi pa nakaranas nito, at 74.1% naman ang nakaranas na ng

kasawian sa pag-ibig. Makikita dito na maraming tao ang nakaranas na ng kasawian sa

pag-ibig sa kanilang buhay.

5. Sa tingin mo ba “love is everywhere?”

Karamihan sa mga tao ang nagsabing “oo” na ang pag-ibig ay nakikita kung saan-saan.

84.8% ang sumagot nito habang 8.9% ang sumagot ng “hindi’ at 6.3% ang sumagot ng

“hindi ko alam”.

6. Maari mo bang ipaliwanag ang iyong sagot?

Page 18: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

18

Dito ipinaliwanag ng mga tao ang kanilang mga pananaw kung ang pag-ibig nga ay

matatagpuan kung saan-saan. Ang madalas na sagot dito ay maraming uri ang pag-ibig at

pwede ito manggaling sa kahit na anong bagay o tao kaya masasabi nila na ito ay hindi na

kailangan hanapin dahil pwede itong matagpuan kung saan-saan.

7. Madalas ka bang:

- Humugot

- Manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig

- Makinig sa mga kanta tungkol sa pag-ibig

- Magalit sa tuwing nakakakita ka ng magkasintahan

- Mahilig gamitin ang mga salitang "sawi", "ampalaya", "bitter" o "walang forever"

- Magbigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan sa isang relasyon

Page 19: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

19

Ang madalas na ginagawa ng mga tao ay ang manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig sa

67.9% pero marami rin ang nagbibigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan

sa isang relasyon sa 66.1%. Kaunti naman ang mga taong nagagalit sa tuwing nakakakita

sa ng magkasintahan sa 16.1% lamang. 45.5% ang mga humuhugot, 61.6% ang nakikinig

sa mga kanta tungkol sa pag-ibig, at 28.6% ang mahilig gamitin ang mga salitang “sawi”,

“ampalaya”, “bitter”, o “walang forever”.

8. Sa iyong palagay, bakit mo ito ginagawa?

Page 20: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

20

Maraming dahilan ang mga tao kung bakit sila gumagawa ng iba’t-ibang bagay dahil sa

kasawian. Pinakita ng mga tao na iba ang kanilang paraan ng pagraos ng kasawian dahil

hindi naman lahat ng bagay ay kanilang kinagigiliwan kaya humahanap sila ng gagawin

para hindi sila patuloy na masawi.

9. Maihahaintulad mo ba ang mga hugot tungkol sa pag-ibig na iyong nababasa/narinig sa

buhay mo?

Marami ang mga tao na sumagot na ang mga “hugot” tungkol sa pag-ibig na kanilang

nabasa o narinig ay naihahalintulad nila sa kanilang buhay. Ang mga sumagot ng oo ay

63.4%. Samantalang sa hindi naman makaramdam ng pagkakahalintulad ng mga “hugot”

sa buhay nila ay bumibilang sa 23.2%. Ang mga hindi naman sigurado ay nasa bilang ng

13.4%.

10. Pumili ng mga dahilan bakit nakaka-ugnay ka sa kasawian sa pag-ibig:

- Personal na karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig

Page 21: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

21

- Mga naririnig o nakikita na kwento tungkol sa Pag ibig (ex. Social media,

teleserye etc.)

- Karanasan ng kasawian mula sa ibang tao

Umabot sa bilang na 71.4% ang mga tao na nagsabing nakaka-ugnay sila sa kasawian sa

pag-ibig dahil naririnig o nakikita nila ito sa Social Media, teleserye, atbp. Sumunod

naman 65.2% na sumagot ito ay dahil sa personal na karanasan. 63.4% naman ang

dahilan ito ay galing sa karanasan ng kasawian mula sa ibang tao. Huli naman ang 2.7% n

nag dahilan na ito daw ay dahil sa ibang rason.

11. Paano mo nalaman ang bagay tungkol sa kasawian sa pag-ibig?

- Nakikita sa social media/telebisyon/babasahin

- Mula sa karanasan

- Mula sa mga kaibigan/kakilala

Page 22: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

22

Nasa bilang ng 84.8% ang sumagot na mula sa kaibigan/kakilala nila nalaman ang bagay

tungkol sa kasawian. Ang sumagot naman na nakikita nila ito sa Social

Media/telebisyon/babasahin ay 80.4%. 66.1% naman ang bilang ng ito ay nalaman mula

sa karanasan. At 0.9% ang ibang rason.

12. Masasabi mo bang marami nang tao ang may alam tungkol sa mga hugot/kasawian

sa pag-ibig?

Nasa humigit kumulang 91.1% ang sumagot na marami nang tao ang may alam sa mga

hugot/kasawian sa pag-ibig. 3.6% naman ang nagsasbing hindi. Ang iba naman ay ‘di

makapagpasya sa natirang 5.4%.

Page 23: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

23

13. Bakit sa tinggin mo marami ang nakaka-ugnay dito?

Ang mga kasagutan nila kung bakit marami na ang nakakaalam nito ay marami ang

nagsabing dahil ito sa impluensya na henerasyon natin at Social Media. Ang iba naman

ay nagbigay ng dahilan na ito ay natural lang na nangyayari sa ating buhay, ika nga

walang perpekto, pero lahat ay nagmamahal.

14. Masasabi mo bang mabuti ang dulot ng mga hugot/kasabihan tungkol sa kasawian sa

pag-ibig?

Page 24: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

24

Nasa bilang ng 44.6% ang maraming sumagot na ito ay mabuti. 32.1% naman ang tila

naguguluhan at “di alam. 23.2% ang tutol sa mabuting dulot nito.

15. Ano ang nagiging epekto ng pagiging sawi sa iyong buhay?

- Nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay tungkol sa pag-ibig

- Natuto nang maging mas maingat sa pag-ibig

- Nawawalan ng tulog/gana kumain

- Hindi nakakapagtrabaho ng taimtim/mabuti dahil maraming iniisip

- Umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi

Sa bilang na 83%, marami ang sumagot na sila ay natuto nang maging mas maingat sa

Page 25: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

25

pag-ibig. 45.5% naman ang nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay

tungkol sa pag-ibig. 25% ang umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi. Parehas

20.5% ang nagsabing nawawalan sila ng tulog/gana kumain at hindi nakakapagtrabaho ng

taimtim/mabuti dahil maraming iniisip dahil dito. 13.4% naman ang nagbigay ng ibang

dahilan.

Page 26: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

26

Kabanata 4

Diskusyon

Batay sa mga resulta, makikita na maraming mga tao ang nakaranas na ng pag-

ibig at kasawian sa kanilang buhay. Ang nakapagtataka lang dito ay marami rin sa mga

taong ito ay walang kabiyak o relasyon kaya lumalabas ang tanong na “Paano mo

masasabing ikaw ay sawi sa pag-ibig kung hindi ka pa nagkaroon ng relasyon?” Kung

baga “Paano mo nalaman na masakit o masarap ang pag-ibig o kahit na anong bagay

kung hindi mo pa ito nararanasan o pinagdaanan?” (Hume, 2007)

Ang pag-ibig nga ba ay matatagpuan kung saan-saan? Marami naman ang

naniniwala na totoo ito. Ang pinaka madalas na sagot ng mga tao dito ay ang pag-ibig

kasi ay nanggagaling kung saan-saan. Hindi kailangan na ikaw ay nasa isang relasyon

upang makaranas ng pag-ibig dahil pwede ito manggaling sa iyong mga magulang,

kaibigan, mga hayop, at iba pang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. May mga nagsasabi

rin na ang pag-ibig naman ay darating sa tamang panahon at dahil dito ay natuto silang

pumili ng tao na sa tingin nila ay nararapat sa kanila. Maraming mga masamang

nangyayari sa mundo at dahil dito ay may mga tao na hindi masyadong binibigyan ng

pansin ang pag-ibig o kasawian o kaya naman sinasabi na wala silang panahon pa dito.

Pero sa halip ng mga masasamang bagay sa mundo, ang pag-ibig pa rin ang munting

nagpapatakbo nito.

Tayong mga Pilipino ay wagas magmahal at naiuugnay natin ang ating sarili sa

maraming bagay na may kinalaman sa pag-ibig kaya kahit gaano man tayo kasawi o

nasaktan, nagagawa pa rin nating malibang o mapasaya ang ating buhay at pati na rin ang

Page 27: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

27

mga buhay ng mga tao sa ating paligid. Nakakagawa tayo ng mga hugot, tinatangkilik

natin ang mga sawing kanta na OPM o kaya mga pelikula, at nagbibigay tayo ng mga

payo sa iba.

Bagaman nagdudulot ito ng sakit sa ating buhay, hindi tayo nananatiling

malungkot o matamlay dahil marami tayong naiisip na gawin dahil sa kasawian na may

aral kahit na gaano pa man yan kababaw. Kailangan din natin irespeto ang mga

damdamin ng mga ibang tao dahil iba ang kanilang nararamdaman at pananaw ukol sa

pag-ibig. May mga tao na gustong ilabas o ipakita ang kanilang mga emosyon at meron

namang mga tao na gusto lang manahimik.

Sa pangkalahatan, hindi naman natin maiiwasan ang masaktan at may mga

sitwasyon na hindi natin alam kung paano natin ito tutunguhan kaya minsan ay kailangan

humingi ng payo sa iba kahit na hindi pa sila nakaranas ng pag-ibig o magkaroon ng

kabiyak. Maraming nakakaimpluwensiya sa ating pag-iisip at ito ay nagdudulot ng

maraming tanong at takot sa atin kaya nagagawa nating magtanong o magkwento sa iba

tungkol sa buhay pag-ibig natin. Sa huli ay lahat tayo ay gusto ng pag-ibig sa buhay natin

kahit na minsan ay mapili tayo kung saan o kanino ito nanggagaling.

Page 28: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

28

Kabanata 5

Buod

Ang kasawian sa pag-ibig ay nararanasan kung ikaw ay may kaalaman sa umibig

at nakatangpo na ng kalungkutan o kabiguan pagdating sa romantikong relasyon. Ang

mga tao ay likas na nakakaramdam ng pagkahabagin tungo sa ibang tao, o ‘di kaya maka-

ugnay sa isang bagay tungo sa sariling karanasan o ‘di kaya sa ibang tao. Ang mga bagay

na maaring magkapagbigay sa mga tao ng dahilan upang maka-ugnay sa kasawian ay

tungo sa Social Media o sa ibang tao. Ang pag-ibig ay ‘di mabubuo kung wala ang iisang

component, ito nga ay passion, commitment, at intimacy, kung isa man dito ay wala tiyak

na makakaramdam ng kasawian o ‘di kaya walang pag-ibig talaga. Ang paggamit ng mga

tao ng “hugot” ay naging kasama na ng kultura ng ating bansa kung saan ang mga

Pilipino ay nakaka konekta sa ibang tao ng kanilang hinanakit sa pamamagitan nito. Sa

bandang huli ang kasawian sa pag-ibig ay may maibabahagi ding magandang dulot sa

isang tao, upang matuto na sila, at naka-ambag sa kultura ng ating bansa.

Konklusyon

Kaming mga mananaliksik ay umabot sa konklusyon na maraming mga tao pala

ang nakaranas nang umibig, ngunit ito ay nauuwi lamang sa kasawian. Dahil dito, sila ay

natuto nang maging mas maingat pagdating sa larangan ng pag-ibig. Sila rin ay

natututong humugot, o kaya nanonood na lamang ng mga pelikulang angkop sa kanilang

nararamdaman. Nalaman din namin na ang pag-ibig ay may iba’t-ibang kahulugan sa

Page 29: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

29

mga tao at iba rin ang kanilang mga pananaw tungkol dito. Ang pag-ibig ay hindi lamang

may kaugnay sa romansa pero pati na rin ang pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan.

Walang hanggan at possibilidad ang pag-ibig kaya hindi dapat hayaan ang pagkabigo sa

buhay dahil lang nasaktan ka na. "Love is everywhere", ika-nga nila. Maraming

nagagawa ang pag-ibig sa isang tao at kasama doon ang pagiging mas maingat sa

paghahanap o pagtagpo nito. Ang pagmamahal sa isang tao ay masakit, dahil marami ang

pwedeng lumabas na mga problema pero dapat hindi ito ginagawang hadlang para

tumigil o bawasan ang ating pagmamahal.

Rekomendasyon

Ang mga mananaliksik ay nais na ibahagi ang kanilang mga nakalap na

impormasyon mula sa iba’t ibang boses at pananaw ng mga nakakaugnay sa usaping

kasawian ng mga respondente ukol sa aming pananaliksik na may pamagat na: “Hinagpis

at Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig”. Ang pananaliksik na ito ay

nakatuon sa mga taong nasa edad 18 hanggang 29 taong gulang. Nirerekomenda ng mga

mananaliksik na dapat may espesipikong kahulugan o batayan ang kasawian sa pag-ibig,

kung ito ba ay romantiko o filial piety na uri ng pagmamahal. Tinanong sa survey ang

mga pananaw ng mga tao sa kasawian pero iba-iba ang kanilang kaalaman at pakikitungo

sa mga tao o sitwasyon na kaugnay ng kasawian.

Ang mga respondente ay dapat din pinalawak sa edad na bababa sa 18 at tataas

din sa edad na 29. Ayon sa Health Link BC (Staff, 2016) , ang mga kabataan na edad 18

Page 30: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

30

pababa ay namumulat sa maagang romantikong pag-ibig dulot ng Social Media at sila ay

madaling maapektuhan ng ibang tao kaya maaring sabihin na may kaalaman at karanasan

na rin sila sa relasyon. Ayon naman sa Bundrant (Bundrant, 2012), para naman sa edad

30 pataas, ito ang yugto ng buhay kung saan nakatuon ang tao sa pag-aalala sa sosyal na

katayuan at hinahanap ng pagtanggap sa ibang tao. Kaya’t maaaring makaranas din sila

ng kasawian sa pag-ibig pag dating sa relasyon sa ibang tao.

Ang mga “hugot” tungkol sa kasawian ay dapat mag silbing gabay lamang sa

ating pamumuhay o relasyon sa ibang tao, hindi ito dapat laging makakaapekto sa iyo ng

masama. Isang magandang halimbawa ang pabago-bagong relasyon at ang kawalan ng

pagkatotoo sa iyong kabiyak, makikita na tila ba nasasama lang sila sa opinyon ng

lipunan tungkol sa “kasawian sa pa-ibig” at ginagawa itong masama.

Page 31: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

31

Kabanata 6

Mga Sanggunian

Allott, R. (1992). Evolutionary aspects of love and empathy. Journal of Social and

Evolutionary Systems, 15(4), 353-370. doi:10.1016/1061-7361(92)90023-7

Bautista, R. (2012). Bakit hindi ka crush ng crush mo?. Philippines: (PSICOM

Publishing, Inc.)

Bernardo, R. M. (2017, February 12). Kapalit ng pag ibig.

http://www.philstar.com/punto-mo/2017/02/12/1671490/kapalit-ng-pag- ibig

Bundrant, M. (2012, july 3). INLP Center. Retrieved from www.inlpcenter.org:

http://inlpcenter.org/six-stages-of-human-growth-and-development/

Burton, N. (2015, May 22). Empathy Vs Sympathy. Retrieved March 15, 2017,

from https://www.psychologytoday.com/blog/hide-and-seek/201505/empathy-vs-

sympathy

Ego ideal. (2016, October 8). Retrieved May 01, 2017, from

https://en.wikipedia.org/wiki/Ego_ideal

Sternberg, R. (1938, September 23).

https://en.wikipedia.org/wiki/Triangular_theory_of_love#Early_theories_of_love

Hume, D., & Millican, P. F. (2007). An enquiry concerning human understanding.

Oxford: Oxford University Press.

Jeff rey J Arnett, R. Ž. (2014, December). Research Gate. Retrieved from

www.researchgate.net:https://www.researchgate.net/publication/269393724_The_new_lif

e_stage_of_emerging_adulthood_at_ages_18-29_years_Implications_for_mental_health

Page 32: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

32

Maslow, A. (1943) A theory on human motivation. Psychological review, Volume

50(4), July 1943, 370-396

McLeod, S. (2016). Maslow’s Hierarchy of Needs. Retrieved from

https://www.simplypsychology.org/maslow.html

Santos, M. (2014) Para sa hopeless romantic. Quezon City, Philippines: VIVA

PSICOM Publishing Corp.

Staff, H. (2016, january 27). health link bc. Retrieved from www.healthlinkbc.ca:

https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/te7221

White,J. N. & Ciccarelli, S.K. (2014). Psychology (Third Edition). Singapore:

Pearson Education Limited

Page 33: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

33

Kabanata 7

Apendiks

Mahal na respondente,

Magandang araw! Kami ay mag-aaral mula sa Miriam College na sina

Kloe Tamor, Nelijah Nuada, Christine Catuncan at Giana Hari ng klase ng Filipino 102.1,

na naglalayong mangalap at magsulat ng pananaliksik sa paksang “Kasawian: Ang

Hinagpis at Kabiguan ng mga Kabataan sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig”. Hinihiling po

naming ang inyong tulong sa pagsagot ng aming inihandang kwestyuner. Ang pagsagot

nito ay opsyonal at boluntaryo lamang. Asahan ninyo na anumang bagay na naibahagi

ninyo sa amin ay mananatiling konpidensyal. Maraming salamat!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Lagyan ng tsek (√) ang kahon

ng napiling sagot, kung may patlang punan lamang ito.

PANGALAN (opsyonal): _______________________________________

*Paaralan, Kurso at Taon : ____________________________________

*Contact No. : _______________

A. Kasarian

❏ babae

Page 34: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

34

❏ lalaki

B. Edad: ______

C. Katayuan/Estado

❏ Walang asawa/kabiyak ❏ Nasa isang relasyon

❏ Nalilito/MU/It’s complicated ❏ Kasal

D. Naranasan mo na bang umibig?

❏ Oo ❏ Hindi pa

❏ Hindi ko alam

E. Nakaranas ka na ba ng kasawian sa pag-ibig?

❏ Oo ❏ Hindi pa

❏ Hindi ko alam F. Sa tingin mo ba “love is everywhere”?

❏ Oo

❏ Hindi pa ❏ Hindi ko alam

G. Maaari mo bang ipaliwanag ang iyong sagot sa letrang F?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

H) Madalas ka bang (maaring marami ang piliin): ❏ Humugot

❏ Manood ng pelikula tungkol sa pag-ibig ❏ Makinig sa mga kanta tungkol sa sawing pag-ibig

❏ Magalit sa tuwing nakakakita ka ng magkasintahan

Page 35: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

35

❏ Mahilig gamitin ang mga salitang “sawi”, “ampalaya”, “bitter”, “walang forever” ❏ Magbigay ng payo sa mga taong sawi/may pinagdadaanan sa isang relasyon

H. Sa iyong palagay, bakit mo ito ginagawa? ________________________________________________________________________

____________________________________________________________________

J. Maihahaintulad mo ba ang mga hugot tungkol sa pag-ibig na iyong nababasa/narinig sa buhay mo?

❏ Oo

❏ Hindi ❏ Hindi ko alam

K. Pumili ng mga dahilan bakit nakaka-ugnay ka sa kasawian sa pag-ibig: (Maaaring marami ang piliin)

❏ Personal na karanasan sa pagkabigo sa pag-ibig

❏ Mga naririnig o nakikita na kwento tungkol sa Pag ibig (ex. Social media, teleserye etc.) ❏ Karanasan ng kasawian mula sa ibang tao

Iba pa: ___________________________________________

L. Paano mo nalaman ang bagay tungkol sa kasawian sa pag-ibig? (Maaaring marami ang piliin)

❏ Nakikita sa social media/telebisyon/babasahin ❏ Mula sa karanasan

❏ Mula sa mga kaibigan/kakilala Iba pa: ___________________________________________

M. Masasabi mo bang marami nang tao ang may alam tungkol sa mga

hugot/kasawian sa pag-ibig? ❏ Oo

❏ Hindi ❏ Hindi ko alam

N. Bakit sa tinggin mo marami ang nakaka-ugnay dito?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____

Page 36: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

36

O. Masasabi mo bang mabuti ang dulot ng mga hugot/kasabihan tungkol sa kasawian

sa pag-ibig?

❏ Oo ❏ Hindi

❏ Hindi ko alam P. Ano ang nagiging epekto ng pagiging sawi sa iyong buhay?

❏ Nalulungkot tuwing nakakakita/nakakarinig ng mga bagay tungkol sa pag-ibig

❏ Natuto nang maging mas maingat sa pag-ibig ❏ Nawawalan ng tulog/gana kumain

❏ Hindi nakakapagtrabaho ng taimtim/mabuti dahil maraming iniisip ❏ Umaasa na lang at wala nang ibang iniintindi

Iba pa: ___________________________________________________________________

Q. Mga nais na idagdag na puna kung mayroon: ______________________________________________________________________

Page 37: Filipino THESIS: Ang Hinagpis at  Kabiguan ng mga Tao sa Likod ng Salamin ng Pag-ibig

37