filipino^module 6 country cozy-asia pacific

23
PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE) MODULE 6: GET COUNTRY COZY ASIA PACIFIC RIM COUNTRIES

Upload: peosonline

Post on 23-Jan-2018

28.563 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE)

MODULE 6: GET COUNTRY COZY

ASIA PACIFIC RIM COUNTRIES

Page 2: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Get Country Cozy!

Alamin ang mga pangunahing impormasyon sa bansang

gusto mong puntahan, gaya ng:

Visa Fee

Medical Examination Fee

Pamasahe

Klima

Pagkain

Pananamit

Kultura at kaugalian

Oras

Relihiyon

Pananalapi

Immigration and labor laws

Philippine Embassy

or Philippine Overseas Labor Office (POLO)

Page 3: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

Pareho sa Pilipinas ang klima ng Hong Kong, Malaysia,

Singapore, at Brunei Darussalam.

May mga lugar sa Hongkong at Singapore na kung saan

sumasamba ang mga Kristiyano at Katoliko. Ang pinaka-

relihiyon ng Malaysia at Brunei Darussalam ay Islam.

Mayroong embahada ang Pilipinas sa mga bansang ito.

Ingles ang ginamit at naiintindihan na lenggwahe dito

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 4: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

HONG KONG

Ang pamumuhay at pagtatrabaho sa Hongkong ay

magastos dahil ito ay maituturing na bansang mataas

ang antas ng pamumuhay bagamat, ito ay isa sa mga

bansang may mababang buwis na binabayaran.

Ang halaga ng renta ay mataas. Ang kuryente, tubig at

bilihin ay parehong mataas ang binabayaran, halos

lahat ay imported. Para bigyan ka ng ideya – isang litro

ng gatas ay nagkakahalaga ng HK$20 = PHP120.00!

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 5: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

MACAU-SAR, CHINA

Mataas ang antas ng pamumuhay sa Macau.

Mas mahal ang renta sa Macau kung

ihahambing sa Hongkong at Singapore. Ito ang

dahilan kung bakit ang mga OFWs sa Macau ay

gumagastos ng malaking halaga sa pagbabayad

ng upa sa bahay.

Lahat ng residente sa Macau ay mababa

lamang ang binabayarang kuryente at tubig.

Ang inaprubahang sweldo ay nakabase sa kasalukuyang antas ng

pamumuhay na nauukol sa isang empleyado. Ang Human Resource Office

ay nagbibigay ng katanggap tanggap ng sweldo sa mga tiyak na propesyon

at posisyon kahit na walang minimum wage law na sinusunod.(As of March 2014)

Page 6: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

MACAU-SAR, CHINA

COMPENSATION /

EXPENSES

SEMI-SKILLED (CLEANERS/SECURITY

GUARD) (MOP/USD)

SERVICE/TECHNICAL

WORKERS (MOP/USD)

PROFESSIONAL MANAGERS AND

SUPERVISOR (MOP/USD)

Basic Monthly Salary 4,500-6,500/566-818 7,000-12,000/880-1,509 13,667-45,500/1,719-5,660

Housing Allowances 500/63 - -

Minimum Food Allowance

Minimum Transportation Allowance

Overtime Pay (salary no. of days/mo.) 800-1,300/101-164

Annual Leave

300-450/38-57 450-800/57-101 900-3,000/113-377

Sick Leave/ Mandatory Holiday Pay

Total Monthly Earnings 6,100-8,750/768-1,100 7,450-12,800/937-1,610 14,567-48,000/1,832-6,038

Less Total Expenses:

Taxes/ Social Security/EI/CPP - - 957-5,760/120-725

Accommodation/House Rental & Utilities 750-900/94-113 1,000-1,800/128-226 2,500-6,000/314-755

Personal Necessities 1,000-1,500/126-189 1,500-2,500/189-314 2,000-3,000/252-377

Total Expenses 1,750-2,400/220-302 2,550-4,300/321-541 5,457-14,760/686-1,857

Average Net Basic Monthly Earnings 4,350-6,350/547-799 4,900-7,700/616-969 9,110-33,240/1,146-4,181

Average Net Basic Monthly Earnings in USD 547-799 616-969 1,146-4,181

Average Net Basic Monthly Earnings in

Philippine Peso (₱) 23,882-34,884 26,894-42,306 50,034-182,542

1MOP=US$ 0.125270

1MOP=PHP 5.47002

1USD= PHP 43.66

(as of July 2014)

Page 7: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

TAIWAN

Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang

Taiwan. Isang oras at 45 na minuto ang biyahe mula

Pilipinas papuntang Taipei, capital city ng Taiwan.

Tag-init, tag-lamig, tag-lagas, tag-sibol ang klima sa Taiwan. Tatlo hanggang apat

na bagyo ang dumadaan rito na nagdadala ng baha. Malalakas na lindol ang

madalas nararanasan sa Taiwan.

Magkakahalong kultura ang mayroon sa Taiwan. Mandarin o Taiwanese ang

kanilang ginagamit na linggwahe . Ingles ang pinaka-popular na banyagang

linggwahe.

Bukas ang Taiwan sa iba’t ibang uri ng relihiyon at paniniwala tulad ng Buddhism,

Taoism, Christianity, Mormonism, the Unification Church, Islam, and Hinduism, at

Yiguandao.

Page 8: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

TAIWAN

Mabisa at abot-kaya ang transportasyon sa Taiwan.

Maging ang broadband internet connection ay mabilis

magamit.

Baboy, isda, manok, kanin at toyo ang kalimitang

sangkap sa pagkain na niluluto sa Taiwan.

Samantalang kalimitan lamang ang kanilang pagkain ng

karne ng baka lalo na sa mga matatanda.

May mga establisyimentong nagbebenta ng mga pagkaing Pilipino, sim cards at iba

pang karaniwang kailangan ng mga Pilipino. Ang manggagawa sa pabrika ay

kalimitang nakakakuha ng libreng upa sa bahay (dormitoryo) o sila ay nagbabayad

para sa kanilang tirahan. Para makatipid sa pamasahe pinipili na lang nila mamalagi

sa loob ng pabrika. May mga karinderya sa pabrika na kung saan makakabili ka ng

mas mura.

Page 9: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

TAIWAN

COMPENSATION / EXPENSES

FISHERY SECTOR (NT)

MANUFACTURING, CONSTRUCTION,

INSTITUTIONAL NURSING AID SECTORS

(NT)

Basic Pay/Mo. 19,047.00 19,047.00

Total Salary for 36 months 685,692.00 685,692.00

Less:

Pre-Employment Cost 15,625.00 25,057.00

Post-Employment Cost 183,293.00 184,517.00

Total Cost 198,918.00 209,574.00

Net Take Home Pay for 36 Month 486,774.00 476,118.00

Average Net Take Home Pay/Mos. 13,521.50 13,225.50

Total Net Take Home Pay for 36 mos. in PHP@ 1.47 conversion rate

715,557.78 699,893.46

Average Net Take Home Pay/mo. in PHP @ 1.47 conversion rate

19,876.61 19,441.49

Total Net Take Home Pay for 36 mos. in USD @ 0.03 conversion rate

405.64 396.76

1 NT= PHP 1.46

1 US$=PHP 43.66(as of July 2014)

Page 10: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

SINGAPORE

Mga patakarang dapat sundin upang maiwasang magmulta:

Huwag manigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng

taxi, sinehan, opisina at mga establisyimento.

Huwag magtapon ng upos ng sigarilyo sa kalsada. Huwag

dumura sa pampublikong lugar. Ang lahat ng ito ay may

karampatang parusa at multa.

Wag magtinda ng chewing gum.

Linisin ang palikuran pagkatapos gamitin.

Huwag magdala ng sariwang karne ng baboy nang walang permiso.

Huwag magdala at maglabas ng kahit anong uri ng hayop sa bansa.

Huwag mahuhuli sa oras ng trabaho.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 11: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

MALAYSIA

Mababa lamang ang antas ng pamumuhay sa Malaysia.

Karne ng baka , manok, baboy, at tupa ang kadalasang

produkto sa Malaysia. Nabibili sa mababang halaga ang

gulay at prutas sa buong taon.

Mababa din ang gastos sa pabahay kahit sa malalaking

siyudad ng Malaysia. Mabibili din sa murang halaga ang

mga damit, sapatos, gadgets, at iba pang gamit sa

bahay.

Sa pangkalahatan, isa ang Malaysia sa bansang may

mababang antas ng pamumuhay.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 12: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

BRUNEI

Inihayag ni Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah

Mui’izzaddin Waddaulah na ang Shari’ah Penal Code

Order 2013 ay ipapatupad sa sultanato ng Brunei

Darussalam.

Ang Batas Sharia ay ang batas na pang-islam na isang

panuntunan ng pag-uugali, o batas panrelihiyon, ng

pananampalatayang Islam. Mahalagang malaman ng

mga Pilipinong nagtatrabaho at nagbabalak magtrabaho

sa Brunei ang batas na ito.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 13: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

May apat na klima ang Taiwan, Korea, at Japan. Ito ay tag-

sibol, tag-araw, tag-lagas, at tag-lamig. Mayroon din

embahada at consulado sa mga nasabing bansa.

Nirerekomenda din na gamitin ang kanilang lenggwahe

lalo na sa South Korea at Japan.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 14: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

JAPAN

Ang bansang Japan ay isa mga bansang may mataas na

antas ng pamumuhay. Maaaring magkulang ang badyet

ng isang manggagawa dahil sa mga gastusin mula sa

transportasyon hanggang sa pangunahing

pangangailangan.

Ang bahay na tutuluyan ay isa sa pinakamalaking gastusin sa Japan lalo na sa loob

ng Tokyo. Kahit ang mga simpleng tirahan ay umaabot sa halagang JP¥ 90,000 ang

binabayaran. Ang iba pang gastusin tulad ng gas, tubig at kuryente, pati telepono ay

mataas din ang binabayaran.

Mahal din ang bayarin pagdating sa pagkain tulad ng prutas, karne, at gulay. Ang

isang kilo ng bigas ay nagkakahalaga ng JP¥ 560.00 or US$6.00. Ang pagkain sa

isang pangkaraniwang restaurant ay nagkakahalaga ng JP¥1,000 hanggang

JP¥3,000. Kailangan mong gumastos ng halagang PHP24,000.00 kada buwan para

sa inumin at pagkain.(as of May 2014)*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 15: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim CountriesJAPAN

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung

ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Japan

COMPENSATION / EXPENSES

SEMI-SKILLED

(Technical Interns-Welding/Carpenters etc.)

(YEN ¥)

SERVICE / TECHNICAL (YEN ¥)

PROFESSIONAL

MANAGERS and SUPERVISORS

(YEN ¥)

Basic Monthly Salary 140,696.00 222,000.00 706,493.00

Housing Allowances

Minimum Food Allowance

Minimum Transportation Allowance

Overtime Pay 26,000.00 3,206.00/hour

Annual Leave Sunday as Regular Day-

off and Japan Holidays

Sick Leave/ Mandatory Holiday Pay

Total Monthly Earnings 140,696.00 248,000.00 709,699.00

Less Total Expenses:

Taxes/ Social Security/EI/CPP 1,671.00 + 19,277.00 38,756.00

Accommodation/House Rental & Utilities 35,000.00 70,000.00 + 15,000.00

Personal Necessities

Total Expenses 56,652.00

Average Net Basic Monthly Earnings ¥84,044.00 621,234

Average Net Basic Monthly Earnings in US$ 828.564 2,063.18 6,125.39

Average Net Basic Monthly Earnings in

Philippine Peso (₱) 36,169.58 90,105.25 267,495.81

1¥= US$0.00987

1 US$= PHP43.66

(as of July 2014)

Page 16: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

SOUTH KOREA

Higit na binibigyang halaga ng mga korean ay ang

kahalagahan at kapakanan ng pamilya.

Mababa lamang ang mga gastusin sa South Korea, mas

mura din dito ang mga pagkain kaysa bumili ng western

food. Ang halaga ng Starbucks coffee sa Seoul ay USD

5, katumbas ito ng PHP 200.00 dito sa Pilipinas.

Mabibili sa mababang halaga ang kanilang mga panteknolohiyang kagamitan tulad na

lamang ng mga telebisyon, DVD players, digital cameras, cellular telephones,

computer at high tech gadgets dahil sila mismo ang gumagawa nito.

May mga panuntunan na sinusunod ang mga korean. Mahigpit na pinapatupad sa

kanila ang pagsunod sa tamang pagbati, halimbawa nito ay ang pagyuko ng nasa

mababang estado ang pamumuhay sa mataas na estado ang pamumuhay subalit

unang kumakamay ay ang nakatatanda at ang yumuyuko naman ay ang nagsasabi ng

mga salitang "man-na-suh pan-gop-sumnida", na nangangahulagang kinagagalak

kitang makilala.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 17: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

Ang mga bansang tulad ng Australia, New Zealand,

Papua New Guinea ay nabibilang sa isang kontinente

ngunit may magkakaibang klima ito. Ang Australia ay

mayroong apat na klima maliban pa sa matinding tagtuyo

at tag-ulan. Ang New Zealand naman ay mayroon ding

apat na uri ng klima samantalang ang Papua New Guinea

ay mayroong tagtuyo at tag-ulan lamang. Ingles ang

pangkaraniwang ginagamit na lenggwahe.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 18: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

AUSTRALIA

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Ang mga OFW na nagtatrabaho sa Australia aytumatanggap ng matataas at sapat na sweldo habangsinisiguro ng gobyerno ng Australia na maayos at ligtasang kanilang pinagtatrabahuhan batay sa non-discrimnation policy na nakapaloob sa kanilang Fair WorkAct 2009. Sakop ng batas na ito ang tamang pasweldo samga banyagang manggagawa na nagtatrabaho saAustralia, mga karapatan bilang manggagawa atkaligtasan sa lugar na pinagtatrabahuhan. Sakaling maymga reklamo na may patungkol sa pasweldo at kalagayansa kasulukuyang trabaho, maaring idulog ito sa Fair WorkOmbudsman and Industrial Relations Commission.Samantalang ang reklamo tungkol sa bullying, harassmentat discrimination ay pinangangasiwaan naman ngAustralian Human Rights Commission.

Page 19: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Asia-Pacific Rim Countries

AUSTRALIA

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung

ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Australia.

COMPENSATION / EXPENSES

SEMI-SKILLED

(CLEANERS / SECURITY GUARD)

(US $)

SERVICE /

TECHNICAL WORKERS

(US $)

PROFESSIONAL

MANAGERS and SUPERVISOR

(US $)

Basic Monthly Salary 3,240.00 (3,000 AUD) 2,700.00 (3,000 AUD) 5,220.00 (5,800 AUD)

Housing Allowances

Minimum Food Allowance

Minimum Transportation Allowance

Overtime Pay

Annual Leave

661.50 551.00 1,065.75

Sick Leave/ Mandatory Holiday Pay

Total Monthly Earnings 3,901.50 3,906.00 6,285.75

Less Total Expenses:

Taxes/ Social Security/EI/CPP 400.00 650.00 1,134.00

Accommodation/House Rental & Utilities 780.00 450.00 1,523.00

Personal Necessities 500.00 270.00 700.00

Total Expenses 1,680 1,325.00 3,357

Average Net Basic Monthly Earnings in US$ 2,221.50 2,851.00 2,928.75

Average Net Basic Monthly Earnings in Philippine Peso (₱)

91,184.55 117,094.24 120,246.12 1 AUD = 0.90 USD

1 USD = PHP 43.66 (as of July 2014)

Page 20: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Sa kasalukuyang panahon, mas napapadali na ang

pakikipagkomunikasyon sa kani-kanilang pamilya at kamag-

anak dahil sa mga bagong teknolohiya tulad na lamang ng

paggamit ng text messaging, email, video calling gamit ang

skype at viber. Sa pamamagitan ng mga social networking

sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram maari nang

maka pagbahagi ng mga litrato at dokumento.

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG SOCIAL

MEDIA

May iilang bansa ang may mahigpit na panuntunan sa paggamit ng internet at may

karampatang parusa ang sinumang lumabag dito. Ang mga nasabing paglabag

tulad ng paggamit ng mga pornographic sites, paninira ng reputasyon ng ibang tao

gamit ang internet at makakasira sa pangkalahatang siguridad.

Page 21: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG SOCIAL

MEDIA

May ibang tao na hindi iniisip ang maaring maging

negatibong resulta ng sobrang paglalahad ng kanilang

personal na impormasyon, saloobin at mga litrato sa internet,

maari itong magdulot ng paninira sa kanilang reputasyon,

pagnanakaw sa kanilang pagkakakilanlan o mas malala pa

ay mawalan sila ng trabaho. Maaring matanggal sa trabaho

ang sinumang manggagawa ang magpost sa internet kontra

sa lahi at relihiyon ng ibang bansa. Nangangahulugan ito ng

paglabag sa batas at regulasyon ng ibang bansa.

Tandaan na kapag magtatrabaho sa ibang bansa dapat sundin ang mga batas,

regulasyon,kultura at relihiyon na pinaniniwalan nila bilang pagbibigay respeto sa

bansang iyong pupuntahan.

Page 22: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

Suriin at alamin ang mga sumusunod na paalala bago

magpost sa internet o sa online media:

1) Isaalang-alang ang limitasyon at seguridad ng iyong social network

account, kung maari ay kaibigan o malalapit at mapagkakatiwalan na

kakilala lamang ang makakaalam nito.

2) Iwasan i-aacept o i-follow ang iyong amo sa mga social networking

sites. At kung maari ay ihiwalay ang personal na buhay sa iyong

trabaho.

3) Kung magrereport ka ng paglabag sa kontrata o pang aabuso ng

iyong amo ay huwag gamitin ang social media para magreklamo sa

iyong trabaho. Sa halip ay gamitin ang tamang proseso sa

pagrereport tungkol sa paglabag sa karapatan at kontrata.

4) Huwag punahin o siraan ang kultura o tradisyon, paniniwalang panrelihiyon, mga kaugalian at

katangian ng mga taong nakakasalamuha mo.

5) Huwag mag upload ng mga malalaswa, labag sa batas at malisyosong larawan ng ibang tao.

6) Huwag sumali sa mga debate o diskusyon tungkol sa mga usaping pulitikal man o pangrelihiyon.

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG

SOCIAL MEDIA

Page 23: Filipino^module 6   country cozy-asia pacific

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.com

Module 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country?

- END OF MODULE 6 -