first part (thesis)

25
KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO PANIMULA “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” iyan ay ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na naniniwalang ang kabataan ang may hawak ng susi tungo sa ikauunlad ng ating bayan. Ito rin ang naging sandigan nina Jose C. Olivarez at Dr. Vicente M. Santos ng kanilang itatag ang Our Lady of Fatima College of Nursing noong 1973 na mas kilala na ngayon bilang Our Lady of Fatima University. Isa sa mga institusyong pang-edukasyon na nangunguna sa larangan ng medisina at paramediko, kilala na rin ngayon ang Our Lady of Fatima University sa mga kursong tulad ng Physical Therapy, Hotel and Restaurant Management, Computer Studies, Marine Education at Criminology. 1

Upload: chrisaguda

Post on 05-Dec-2015

1.872 views

Category:

Documents


404 download

DESCRIPTION

a

TRANSCRIPT

Page 1: First Part (Thesis)

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

PANIMULA

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” iyan ay ayon sa ating pambansang bayani

na si Dr. Jose Rizal na naniniwalang ang kabataan ang may hawak ng susi tungo sa

ikauunlad ng ating bayan. Ito rin ang naging sandigan nina Jose C. Olivarez at Dr.

Vicente M. Santos ng kanilang itatag ang Our Lady of Fatima College of Nursing noong

1973 na mas kilala na ngayon bilang Our Lady of Fatima University. Isa sa mga

institusyong pang-edukasyon na nangunguna sa larangan ng medisina at paramediko,

kilala na rin ngayon ang Our Lady of Fatima University sa mga kursong tulad ng

Physical Therapy, Hotel and Restaurant Management, Computer Studies, Marine

Education at Criminology.

Sinasabi nilang ang tagumpay ng isang mag-aaral ay nakabatay sa antas ng

eduksayong kanyang tinapos, ngunit paano pa magiging pag-asa ng ating bayan ang mga

kabataan na hindi nagbibigay importansya sa edukasyon? Maraming mga bagay ang

maaring mawala sa isang mag-aaral kung ito ay liliban sa isang klase, maliban sa dunong

na kanyang makukuha sa pang-araw-araw na pag-aaral, nariyan din ang karanasan na

sana ay kanyang magagamit sa panahong kailangan na niyang magtrabaho. Ngunit ano-

1

Page 2: First Part (Thesis)

ano nga ba ang mga dahilan ng pagliban ng isang mag-aaral sa klase? Ano ang mga salik

na nagtutulak sa mga mag-aaral na lumiban sa kani-kanilang mga klase?

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang iba’t ibang mga dahilan ng madals

na pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima

University.

Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang pag-aralan ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga posibleng epekto ng madalas na pagliban sa klase ng

mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima

University?

2. Anu-ano ang mga kahalagahang maidudulot sa mga mag-aaral ang

palagiang pagdalo sa mga klase?

3. Auo-ano ang mga posibleng paraan na maaring gawin ng mga

institusyong pang-akademiko upang mahikayat ang mga mag-aaral na

limitahan ang bilang ng pag-liban sa mga klase?

2

Page 3: First Part (Thesis)

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang iba’t ibang mga dahilan sa madals

na pagliban ng mga mag-aaral ng unang antas ng Tourism Management ng Our Lady of

Fatima University.

Sa katiyakan, ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

1. Mailahad ang iba’t ibang epekto ng madalas na pagliban sa klase sa

pampersonal at pang-akademkong kahusayan ng mga mag-aaral.

2. Maipakita ang kahalagahan ng palagiang pagdalo sa mga klase.

3. Mabigay ng mga possible paran upang mahikayat ang ga mag-aral na

limitahan ang bilang ng pag-liban sa mga klase.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksin na ito ay naglalayong matukoy ang iba’t ibang mga dahilan ng

madalas na pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management ng Our Lady of Fatima

University. Ang pag-aaral na ito sa isinagawa upang maka-kalap ng kaalaman na

magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:

PARA SA MGA MAG-ARAL: Sa tulong ng pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral ay

mamumulat sa mga posibleng epekto ng madalas na pagliban sa klase sa kanilang

kahusayang pang-akademiko maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kapwa kamag-

3

Page 4: First Part (Thesis)

aral at mga guro. Ito rin ay magbibigay linaw sa kanila ng mga magagandang dulot ng

palagiang pagdalo sa mga klase.

PARA SA MGA MAGULANG:Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan

kaalaman ang mga magulang sa mga hindi magandang dulot ng palagiang pagliban ng

kanilang anak sa klase. Ito ay daan upang magabayan ng tama ng mga magulang ang

kanilang anak sa kanilang pag-aaral.

PARA SA MGA GURO: Hinihikayat ng pag-aaral na ito na alamin ng mga guro ang

mga posibleng dahilan ng madalas na pagliban ng isang mag-aaral sa kaniyang klase.

Magagamit ang pag-aaral na ito upang maayos na magabayan ng mga guro ang mag-aaral

at mahikayat itong pumasok ng palagian.

PARA SA ADMINISTRASYONG PAMPAARALANG: Ang pag-aaral na ito ay

maaaring gamitin upang bumuo ng maayos na alituntunin para sa mga mag-aaral na

madalas lumiliban sa klase sanhi ng iba’t ibang dahilang katanggap-tanggap at hindi.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga dahilan ng madalas na pagliban

ng mga mag-aaral sa klase. Ang pangangalap at pamimili ng datos ay magmumula

lamang sa mga piling mag-aaral ng unang antas ng Tourism Management ng Our Lady of

Fatima University. Ito ay upang malaman kung mayroon bang kaugnayan ang madalas na

pagliban at pang-kahusayang akademiko.

Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng survey-questionnaire sa mga piling

mag-aaral ng unang antas, mapababae man o lalaki ng Tourism Management.

4

Page 5: First Part (Thesis)

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. Pagliban – ito ay ang hindi pagdalo sa mga nakatakdang klase sa paaralan.

2. Kahusayang pang-akademiko – ito ay tumutukoy sa antas ng kakayahan ng isang

mag-aaral sa pag-aaral.

3. OLFU – Our Lady of Fatima University

4. BSTM – Bachelor of Science in Tourism Management

5

Page 6: First Part (Thesis)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay magbigay ng mga lokal at dayuhang literatura at pag-aaral

na may kinalaman sa mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral sa klase.

Kaugnay nito, ang kabanatang ito ay maglalahad din ng mga posibleng epekto ng dahilan

ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Paul Aries A. Estrella, “ang pagliban ay isang malaking

suliranin na kinakaharap ng mga kabataang magaaral sa kasalukuyan”. Ngunit paano nga

ba natin ito masusulusyunan? Ano angmasasamang epekto nito sa ating mga kabataan?

Ano ang mga sanhi at bunganito? At bilang isang mag-aaral, paano nga ba ako

makakatulong sa pagsugponito? Papaano maiiwasan ito?Sa papaanong paraan ito

masusulusyunan ngmga ahensya ng pamahalaan?

Marahil, isa sa mga nalalaman kong dahilan nito ay ang KAHIRAPAN. Marami

samga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin mannilang

makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upangmakapasok. Ikalawa ay

ang PROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kungbakit marami sa mga mag-

6

Page 7: First Part (Thesis)

aaral ay nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sasama ng loob sa mga magulang. Away

siguro ng away ang kanyang mgamagulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang

sa mga ito. At angpanghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG

BARKADA, angmasamang dulot ng modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan.

Maraming masasamang epekto ang nakikita ko sa suliraning ito. Una sa lahat,pag

madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ngkanyang

tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyangnasimulang pag-aaral.

Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos atmarangal na pamumuhay sa

hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang satabi-tabi at malulong sa mga krimen.

Dahil naniniwala ako na ang pagkakaroonng EDUKASYON pa rin ang ating magiging

gabay sa pag-unlad at ito lamangang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak

natin sa panibagong yugtong ating buhay.Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na

ipagbigay-alam sa mga magulang kungano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase.

Nararapat din na intindihin ngguro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap

man itong problema.

Dapat din nating kausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaralang

mga problemang kinakaharap nito. Sa aking palagay, nararapat siguro namagbigay ng

mga scholarships ang pamahalaan para sa mga deservingstudents. Sa ganitong paraan,

maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral saklase. Pero para sa akin, ang

PAGMAMAHAL AT PAGGABAY pa rin ng mgamagulang ang mabisang paraan upang

malunasan ito. Dahil kung pupunan ngmga magulang ng pagmamahal ang kanilang mga

anak ay hindi na nila maiisipna magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay PAGBUTIHIN pa

ito.7

Page 8: First Part (Thesis)

Ayon naman kay Liezl Valenciano Asilo, “Ang ABSENTEEISM ay tungkol sa

pagliban ng isang mag-aaral sa eskwelahang kanyang pinapasukan. Marami tayong salik

kung bakit madalas na lumiliban ang isang bata sa klase. Marahil sa kakulangan ng

pantustos kawalan ng baon sa eskwela, naghahanapbuhay sa murang edad, pagpigil sa

anak na huwag ng pumasok o sa madaling salita ay kahirapan.

Ito ay dahil din, takot sa guro, tinatamad,walang ipapasang proyekto, walang

takdang aralin, udyok ng barkada,tanghali ng magisibg,may nagwang kasalanan sa klase,

nalulong sa pagkokompyuter, pagkakaroon ng sakit o aksidente at marami pang iba.

Dahil sa mga salik, ito ay nagdudulot ng pagbaba ng marka sa mga asignatura, huminto

sa pag-aral, pagpapatalsik sa eskwelahang pinapasukan, pagbalik sa mga asignatura kung

saan sila'y bagsak, pag-ulit sa hayskul, elementary o kaya'y kolehiyo”.

DAYUHANG PAG-AARAL

Ang pagliban sa klase ay hindi lamang nagsisimula sa kolehiyo, kung pag-aaralan

nating mabuti, makikita nating ang madalas na pagliban ay nagsisimula sa panahong ang

mga mag-aara ay tumungtong na sa sekondarya. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni

Franco (1999), “ang pagliban sa klase ay isang pangkaraniwan ng bagay na ginagawa ng

mga tao at mag-aaral na nabibigay daan upang hindi nanila isipin ang mga posibleng

epekto nito sa hinaharap. Ayon sa huling datos na nakalap, isang malaking bahagdan

(81.24%) ng mga mag-aaral ang lumiliban sa klase.”

Sangayon sa pag-aaral na ginawang pag-aaral ni Franco, base sa resulta ng

ginawang pag-aaral ni Song (2013), ang mga karaniwang dahilan ng madalas na pagliban 8

Page 9: First Part (Thesis)

sa klase ng mag-aaral ay ang mga sumusunod: pagkakasakit (30%) – naniniwala ang mga

mag-aaral na ang pagkakakaroon ng sakit ang pinaka epektibong rason sa pagliban.

Teknolohiya (18%) – karaniwang ginagawang dahilan ng mga mag-aaral sa pagliban ay

ang pag-ugnay sa teknolohiya tulad ng pagkasira ng computer, pagkawala ng tinta ng

printer, at kung ano-ano pa. Pamilya (15%) – Ang mga mag-aaral ay naniniwalang, “ang

problema sa pamilya ay labas sa saklaw ng kapangyarihan ng mga guro” at “hindi tamang

kwestyunin ng mga guro kung ang personal na problema ng mga mag-aaral ay totoo o

hindi. Transportasyon (10%) – madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang isyu sa

trapiko dahilan upang hindi sila umabot sa klase. Employment-related (7%) – ang mga

mag-aaral na nagtatrabaho upang mabayaran ang kani-kanilang matrikula. Ang ilan pa sa

mga dahilan ng madalas na pagliban ng mga mag-aaral ay, meeting with the advisor

(5%), school activities (4%) at kung ano-ano pa (11%) tulad ng hindi pagkagising sa

umaga, at hindi pagtunog ng alarm clock.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Chang at Romero (2008), ayon sa 100 na mag-aaral

na nasa unang taon sa kolehiyo, ang pagkakasakit, problema sa pamilya,

pangangailangang pinansyal, part-time job, at gawaing pampaaralan ay ilan lamang sa

mga dahilan sa pagkakaroon nang hindi kaaya-ayang bilang ng liban sa klase. Ang mga

hakbang para pigilan ang mga dahilan ay sinisimulan ng ilatag, ito ay maaring magdulot

ng magandang epekto sa mga mag-aaral upang mapagyabong ang kanilang kaalaman, at

maihanda ang mga ito sa isang mabungang karanasan sa kolehiyo at sa panahong sila ay

magsisimula nang mabuhay bilang isang manggagawa.

Ang mga mag-aaral na madalas lumiban sa klase ay siya ring mga mag-aaral na may

mababang antas ng akademikong pag-unlad. Ang ganitong pangyayari ay isang hadlang 9

Page 10: First Part (Thesis)

na naglilimita sa kakayahan ng mga mag-aaral maging sa mga guro na makapagbigay ng

dekalidad na edukasyon. (Arney, 1997)

10

Page 11: First Part (Thesis)

KABANATA 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

DISENSYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng paglalarawang pagsusuri (descriptive studies).

Gamit ito, inilalarawan, itinatala, sinusuri, at ipinapaliwanag ang mga dahilan ng madalas

na pagliban ng mga mag-aaral sa klase. Sa pag-aaral na ito ay maipapakita ang mga

pagkakaiba sa pang-kahusayang akademiko ng mga mag-aaral ng Tourism Management.

RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa

limampu (50) respondent na naaayon sa mga kategorya na mga mag-aaral ng unang antas

ng Bachelor of Science in Tourism Management ng Our Lady of Fatima University.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng

mga datos upang masuri at malaman ang mga kadahilanan ng mga mag-aaral sa madalas

na pagliban sa klase.

11

Page 12: First Part (Thesis)

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa

ibat’ ibang mga hanguan sa aklatan ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon. Kumuha rin

ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang paraan ng pananaliksik na gagamitin sa pag-aaral na ito ay isang sarbey na

sasagutan ng mga piling mag-aaral sa unang antas ng Tourism Management ng Our Lady

of Fatima University. Ang mga mag-aaral ay tatanungin tungkol sa mga personal na

impormasyon at kanilang mga kadahilanan sa madalas na pagliban sa klase.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pormulang ito ang ginamit upang makagawa ng porsyento o bahagdan ng

mga respondent,

f

P = x 100

n

Kung saan ang P ay tumutukoy sa pursyento, ang f ay tumutukoy sa dami ng sagot ng

respondent, ang n ay tumutukoy sa kabuuang bilang o dami ng respondent.

12

Page 13: First Part (Thesis)

KABANATA 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga interpretasyon ng mga datos na nakalap

ng mga mananaliksik.

1. Anong antas ng lipunan nabibilang ang iyong pamilya?

Mababa (11) Katamtaman (30) Mataas (9)0

5

10

15

20

25

30

35

11

30

9

Sa graph na ito pinapakita ang antas ng pamilya napapabilang ang mga piling

mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas na napasama sa pag-aaral na ito. 22 %

13

Page 14: First Part (Thesis)

(11) ng mga mag-aaral ang napapabilang sa mababang antas, 60% (30) ang nasa

katamtamang antas, at 18% (9) ang napapabilang sa mataas na antas ng lipunan.

2. Ano ang iyong dahilan sa madalas na pagliban sa klase?

1 2 3 4 5 6 7 80

2

4

6

8

10

12

Mga dahilan sa madalas na pagliban

Mga dahilan sa madalas na pagliban

Sa graph namang ito naipapakita ang mga posibleng dahilan ng madalas na

pagliban ng mga mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas. Ayon sa

pananaliksik, ang pinaka madalas na dahilan ay ang Impluwensya ng masasamang

barkada 20% o 10 mag-aaral na sinusundan ng Problema sa guro 18% o 9 na mag-aaral.

Isa rin sa madalas na dahilan ay ang pagkakaroon ng sakit 16% o 8, problema sa pamilya

14% o 7, pananakot o bullying at kaadikan sa pagkokompyuter na may 12 % o 6, at

pinaka huli ay ang kahirapan na may 4 na mag-aaral o (8%).

14

PALATANDAAN:

1 – Impluwensya ng masamang barkada

2 – Problema sa pamilya3 – Kahirapan4 – Pananakot o Bullying5 – May Sakit6 – Problema sa guro7 – Kaadikan sa

pagkokompyuter8 – at iba pang rason

Page 15: First Part (Thesis)

3. Ano sa tingin mo ang epekto sa iyo ng madalas na pagliban?

Sa parte ito ay binigyan ng laya ang bawat mag-aaral na magbigay ng kanila mga

kasagutan. 52% o 26 na bilang ng mga mag-aaral ang nagsasabing isa sa malaking epekto

ng madalas na pagliban sa klase ay ang pagbaba ng grades. Isa rin sa iniisip ng mga

mag-aaral na maaring maging epekto ng madalas na pagliban ay ang pagkakaroon ng

FDA (failure due to absences) na marka sa kanilang transcript na may 10% o 5 mag-

aaral. Ilan pa sa mga dahilan ay ang kawalan ng matututuhan at maaring pagkakaroon

ng problema sa pamilya na may tig-isang mag-aaral o 2%, at 34% o 17 mag-aaral ang

nagsasabing walang magiging kahit anong epekto ang madalas na pagliban. (Tignan ang

pigura sa baba)

52%

10%2%2%

34%

Epekto ng madalas na pagliban

Bababa ang markaFDA sa transcriptPagkakaroon ng problema sa pamilyaWalang matututunanWalang Epekto

15

Page 16: First Part (Thesis)

16

Page 17: First Part (Thesis)

KABANATA 5

KONKLUSYON, LAGOM AT REKOMENDASYON

Konklusyon

Base sa mga natuklasan sa pag-aaral, ang mga sumusunod na konlusyon ay ang

mga sumusunod:

1. Ang pinaka madalas na dahilan ng pagliban sa klase ay dulot ng mga

impluwensya ng mga barkada. Ngunit ito ay madalas na nagyayari lamang sa

mga mag-aaral na nasa 16 na taong gulang.

2. Ayon sa mga mag-aaral ng Tourism Management sa unang antas, sa kahit

anong antas sa lipunan at gulang, isa sa pinakanakikita nilang epekto ng

madalas na madalas na pagliban sa klase ay ang pagbaba ng grado, ibig

sabihin naniniwala sila na ang pagdalo sa mga klase ay nakakaapekto sa mga

natututunan ng bawat mag-aaral, na ang bawat oras na inilalagi sa klase ay

nakakatulong upang madagdagan ang kaalaman at karunungan ng bawat isa.

3. Ang mga dahilan at epekto ng madalas na pagliban sa klase ay depende sa

taon/gulang ng mag-aaral at sa antas ng lipunan na kanyang kinabibilangan.

17

Page 18: First Part (Thesis)

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang alamin ang mga posibleng dahilan na

madalas na pagliban ng mga mag-aaral Tourism Management sa unang antas sa klase.

Inilalahad rin ng pananaliksik na ito ang posibleng epekto ng madalas na pagliban sa

klase.

Gamit ang descriptive-analitik na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay

nagdisenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limanpu (50) na mag-aaral ng

Tourism Management sa unang antas. Ayon sa pag-aaral na ginawa, ang tatlo sa pinaka

madalas na dahilan ng madalas na pagliban ay ang sumusunod: (1) Impluwensya ng mga

barkada, (2) Pagkakaroon ng problema sa guro, at (3) pagkakaroon ng sakit – na

nagrersulta ng pagkakaroon ng mababang grado sa mga asignatura.

REKOMENDASYON

Ayon sa resulta ng pananaliksik, inirerekomenda ng mga tagapagsaliksik ang mga

sumusunod:

1. Magkaroon ng maganda programa/symposium/talk ang student council ng

mga institusyong pang-akademiko na naglalayong na maipakita ang

kahalagahan ng pag-aaral, sa kasalukuyan at sa hinaharap.

2. Magkaroon ng consultation period ang bawat guro para sa mga mag-aaral na

upang magkaroon ng bukas na komunikasyon ang bawat panig, sa

pamamagitan nito maiiwasan ng mga mag-aaral ang magkaroon ng mababang

18

Page 19: First Part (Thesis)

marka, at matutulungan ng mga guro/propesor ang mga mag-aaral na

mapagbuti ang kanilang pag-aaral.

19