gabay sa pagsalaysay sa kalusugan ng pamilya

24
Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya LANAI COMMUNITY HEALTH CENTER 1 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA

Upload: lenga

Post on 28-Jan-2017

309 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Gabay Sa Pagsalaysay sa

Kalusugan ng Pamilya

LANAI COMMUNITY HEALTH CENTER

1I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA

Page 2: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Panimula 1

PagkolektaMga impormasyon na kokolektahin 6Paano kokolektahin 8Mga halimbawa sa mga katanungan 12Mga halimbawa sa itatanong 14

PagbuoPaano bubuohin 16Pangkalusugang Larawan ng Pamilya 18

Pag-unawaAno ngayon 20Mga mapagkukunan 21

Basahin “Libreta 2: Gabay Para GenetikoAt Kalusugan” sa karagdagang kaalaman: 1. Bakit importante and genetiko para

sa akin at sa aking pamilya?2. Anong sakit ang pangkaraniwan

sa aking pamilya?

Ang nilalaman nitong libreta ay gabay sa pagkolekta, pagbuo, at pag-unawa sa kasaysayang pangkalusugan ng pamilya. Sa unang libreta: “Gabay sa Pagsalaysay sa Kalusugan Ng Pamilya,” bawat parte ay may mga pagpipiliang gawain. Piliin ang aktibidades na puede mong gawin.

Talaan ng Nilalaman

Page 3: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

?Kasaysayan ng kalusugan ng pamilya, ano ito?

Ang kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family history) ay impormasyon tungkol sa mga karamdaman na nararanasan ng bawat miyembro, kasama na rin dito ang nakagawiang pagkain, mga nakasanayang gawain, at kinagagalawang kapaligiran na pinamamahagian ng iyongpamilya. Kung kayo ay may nalalaman tungkol sa mga pangkaraniwang karamdaman na nararanasan ng iyong pamilya, ito ay makakatulong sa pagdesisyon kung paano kayo puedeng mananatiling malusog.

Ang kalusugan ng iyong pamilya ay isang bahagi ng iyong family history. Habang sinasaliksik mo ang iyong “family history”, bigyan ng pansin ang mga pangyayari, kwento, karanasan na iyong naririnig. Habang kinokolekta ninyo ang inyong family history, nababanggit at naipamamahagi ninyo ang mga kwento ng bawat pamilya at impormasyon tungkol sa kalusugan ng ibang kapamilya – anak, apo, mga kapatid, pamangkin, tiya at tiyohin.

“ Ang family history ay matatagpuan sa mga desisyon mo, mga kwento na pinamamahagi ng miembro ng pamilya at ang kultura ng komunidad ninyo. TUKLASIN MO ANG MGA ITO UPANG MAPABUTI ANG IYONG KALUSUGAN!”

– Sharon F. Terry President & CEO Genetic Alliance

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 1

Talaan ng Nilalaman

Page 4: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Marami kang namamana galing sa magulang mo at lolo’t

loala mo. Napapasa ang kultura, kaugali-an at pagpapahalaga

sa pamamagitan ng mga litrato, kwento, espirituwal na mga

nakasanayan o pananampalataya at mga awitin. Namamana

mo rin ang iyong hitsura – halimbawa, kung gaano ka

katangkad at kung ano ang kulay ng iyong mata. Maliliit na

estraktura na nasa mga “cells” ng iyong katawan na tinatawag

na “genes” ang nagdadala ng mga impormasyon na nauukol

sa iyong katangia-an at kung paano gumagana ang iyong

katawan. Sa pamamagitan ng iyong mga magulang naipapasa

ang mga genes na ito sa iyo.

Paano ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya nakakaapekto sa kalusugan ko?

2 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

*Kuwento ni MapuanaSa parte ng aking ina na laging naging aktibo at isinaalang-alang lagi ang kalusugan, ay nasa mga mabuting kondisyon, kasama na dito ang aking lolo’t lola na walumpong taon gulang na. Hangad ko rin sana na ganon din sa parte ng aking ama. Subalit, karamihan sa kanila ay mayroong mga talamak na sakit (chronic diseases) na kalimitan nakakaapekto sa lahi ng Hawayano (tulad halim-bawa sa pagiging mahilig sa mga pagkaing nakapagkakasakit, hindi pagiging aktibo o hindi nag-eehersisyo, hilig sa alkohol at paggamit ng bawal na gamot at iba pa). Dahil sa ang aking ina ang unang nagpalaki sa akin, mapalad kong nakuha ang karamihang malusog na pag-uugali o makakalusugang estilo ng pamumuhay niya (healthy lifestyle).

Page 5: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Ang ibang genes ay puedeng magdala ng ilang sakit sa

iyo. Kung may nalalaman kang mga sakit na nararamdaman

ng miyembro ng iyong pamilya, puede ka ring magkaroon

ng sakit na iyon sa hinaharap. Ito ay sa dahilang, kayo ay

maaaring may kaparehas na genes, pamumuhay, nakakagawi-

an at kapaligiran. Gayun pa man, puede mo itong maiwasan

kung batid mo ang kasaysayan tungkol sa kalusugan ng

buong pamilya at malapit na kamag-anak. Itong mga sakit

na sinasabi nila, ay maiiwasan mo rin sa pag-iingat at kung

pananatiliing pipiliin mo ang kung ano ang makakabuti sa

kalusugan mo (by making healthy choices).

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 3

Naiintindihan ko kung gaano kamapangyari-han ito sa pagpabago ng sarili nating kalu-sugan, at kalusugan din ng ating pamilya at komunidad. Kung naiintindihan natin kung gaano kahalaga ang pamumuhay na malusog para maiwasan and mga sakit na maaring dumapo sa atin, malaki ang pagkakataon na ito ay maging bahagi na rin ating pag-uugali at pamumuhay na malusog sa hinaharap.

Page 6: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Did you know this amazing fact about col lect ing infomation? Now you do!

6

Maraming bagay ang bumubuo sa kalusugan mo. May mga

bagay - tulad ng kinakain mo, kung ikaw ay naninigarilyo o

nag-iinsayo, kung ano ang hanapbuhay mo – nakadepende

sa mga desisyon, kagustuhan o sa mga pinipili mo. Para

makagawa ng maka-kalusugang pagpipili, kailangang

maintindihan mo ang kasalukuyang kalusugan mo, mga sakit

na malaki ang pagkakataon na makuha mo, pati na rin ang

iyong kapaligiran at kinagagawi-an.

Paano ang mga pinipili o hilig mo ay nakakaapekto sa kalusugan mo?

4 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Hindi ko akalain na ang alta presyon ay karaniwang sakit pala sa magkabilaang pamilya ng mga magulang ko. Kung hindi pa dahil dita sa aking pagkainteres sa kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya (Family health history) di ko pa nalalaman na dalawa na pala ang namatay sa aking mga kamag-anak at ang aking lolo ay napakabata pa niya nang namatay. Ang kinatatakutan ko pa ay sa lahi ng nanay ko karaniwan sa kanila ang sakit na dayabetes.

Kuwento ni Rose Jane*

Page 7: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Did you know this amazing fact about col lect ing infomation? Now you do!

Ang kaalaman sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya ay ang unang hakbang tungo sa mas mahusay na kalusugan.

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 5

Nagpapasalamat ako’t natutuwa, na binigyan ko ng panahon alamin ang tungkol sa kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya. Dahil dito nabuksan lalo ang aking mga mata na kailangang magplano para mabago ang kahinanatnan ng kalusugan ko. Dahan-dahan at unti-unting nababawasan ang timbang ko. Ito ang isang paraan na bumaba ang pagkakataon na magkaroon ng dayabetes at atake sa puso at strok upang sa ganon matamasa ko ang bunga ng maka-kalusugang pamumuhay.

Tayo naman ay maliit lang na komunidad, maaari nating suportahan ang bawat isa at lumikha ng - malawakang kultura ng pagkain ng tama - malawakang kultura ng aktibong pamumuhay - at pinalakas na maka-kalusugang pagpili - simula sa ating mga kapamilya. Ito ang pinakamabuting mangyayari sa Lanai – kasi tayong lahat naman ay gustong mabuhay ng malusog, maligaya at nasisiyahan.

Page 8: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Anong impormasyon ang dapat kong kolektahin?Mula kanino mangongolekta ng impormasyon?• Sarili

• Mga magulang

• Mga kapatid

• Mga anak

Pagkatapos isama na rin ang iyong mga tiya at tiyohin, pinsan, mga lola at lolo sa magkabila-ang mga magulang.

Anong mga impormasyon ang kokolektahin?• Pangalan at kung ano ang relasyon ninyo(sarili, nanay, tatay,

anak atb.)

• Lahi, etniko, at/o pinagmulan ng pamilya

• Taon na pinanganak (o yong pinakamalapit mong tantiya o hula)

• Lugar na pinanganakan

• Kung patay na, idad nang pagkamatay at sanhi ng pagkamatay

Hindi mo kailangan na kolektahin and lahat! Importante may nalalaman ka.

Mangolekta ng mga kuwento tungkol sa iyong lipi at kultura. Ito ay magandang pagkakataon para panatilihin ang mga alaala ng buong pamilya.

6 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 9: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Who to collect info from

Collect the medical and health information on:YourselfYour brothers and sistersYour childrenYour parents

Then go back a generation at a time and include:GrandparentsAunts and UnclesCousinsNieces and nephews

Basic info to collect

Name and relationship to you (myself, parent, child, etc.)

Race, ethnicity and/or origins of family

Date of birth (or if the information is unavailable, write your best guess—for example “1940’s”)

Place of birth

If deceased, age and cause of death

7

Hindi mo kailangan na kolektahin and lahat! Importante may nalalaman ka.

• Mga operasyon

• Pagbabakuna

• Pangkaisipang sakit (tulad ng sobrang pagkalungkot o lugang, skisoprenya)

• Labis na katabaan

• Sa panganganak (bilang ng anak, bilang ng aborsiyon o di natuloy na pagbubuntis, mga komplikasyon)

• Atake sa puso

• Pagkalulang sa pinagbabawal na gamot (tulad ng alkohol o alak, mga druga)

Pamumuhay:• Pag-iinsayo o ehersisyo

• Kinagawi-an (tulad ng paninigarilyo, pag-inom, regular na pagpatingin sa doctor o dentist)

• Libangan at mga gawain o aktibidades

• Nutrisyon at diyeta

• Hanapbuhay

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 7

Kasaysayan ng kalusugan ng pamilya: • Alzheimer na sakit o sakit ng

pagkalimot

• Asma o alerge

• Deperensiya magmula sa kapanganakan (bungi, sakit sa puso, “spina bifida”)

• Pagkabulag/o unti-unting pagkabulag

• Kanser (sa suso, obari, kolon, prosteyt)

• Ini-inom na medisina

• Pagkabingi/ o pagkawala ng pandinig sa simula pa sa batang idad

• Mahinang pagtubo o pagka-antala ng kaisipan

• Dayabetes/sakit sanhi sa mahina o hindi pagproseso ng katawan ng tamis o asukal

• Sakit sa puso

• Alta presyon

• Mataas na kolesterol

Siguraduhin na itala ang idad noong unang naramdaman ang sakit

Page 10: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Makipag-usap sa iyong mga kapamilya Ang iyong mga kamag-anak ay ang magandang pagkakuhaan

ng mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya. Ito

ay kalimitan pinamamahagi habang nagkukuwentuhan sa mga

handaan tuwing kaarawan, kasal, reyunyon, pangsimbahan na

pagtitipon, bakasyon, at sa lamay.

Paano kokolektahin ang kasaysasayan ng kalusugan ng aming pamilya?

8 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 11: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Gamitin kong ano man ang mayroon na kayo Alamin kong mayroon na kayong “family tree,” “charts” o listahan

ng miyembro ng pamilya. Ito ay maaring nasa mga ginawang

libro sa bawa’t pinapanganak na bata, litrato, album, listahan ng

mga petsa ng bawat birthday ng miyembro ng pamilya, bibliya

ng pamilya, o ibang mga talaan na pangsimbahan. Alamin

at baybayin mo rin ang ang kasaysayan ng pansarili mong

kalusugan na kasama ang iyong doktor upang masiguro na wala

kang nakakalimutan.

Magplano kung sino at paano kakausapin Pagkatapos mong banggitin ang plano mong pagkolekta ng

kasaysayang pangkalusugan ng pamilya, malamang na may

gusto kang kausapin para makakuha ng mas kompletong

kuwento o impormasyon. Kung maari gumamit ng “tape

recorder”, upang mabalikan muli ang p ag-uusap. Kasama sa

babasahin na ito ay ang listahan ng mga posibleng tanong.

Magpadala ng palatanungan o “questionnaire”

Puede ka ring magpadala ng palatanungan o “questionnaire.”

Ang paglikha ng “newsletter” o pahayagang palihan ay isang

mabilis at madaling paraan ng pagkolekta nang ganitong

uri ng imposmasyon. Hindi lahat ay sang-ayon sumagot sa

“questionnaire”. Siguruhin na naipaliwanag mo kung bakit

kailangan ang mga katanungang iyon.

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 9

collect organize understand

Page 12: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

• Magsimula sa iyong mga magulang kung sila ay buhay pa. Kalimitan ang mga nakakatandang kamag-anak ay magandang pagkukunan ng mga impormasyon at sila ay puedeng magsilbi na tigasalaysay ng kasaysayan ng iyong pamilya o “family historian.”

• Kung ikaw ay anak-anakan o “adopted child,” puede mong malaman ang iyong kasaysayan pang pamilya sa mga tunay mong magulang. Puede ka ring humingi ng mga impormasyon o rekords sa ahensiya na pinanggalingan mo.

Mga tips sa pagkolekta sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya

10 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Ako ay may maliit na pamilya. Kahit na kung ano-anong mga sakit ang naririnig ko sa kanila, alta presyon pa lang ang naging karaniwang sakit sa aking mga magulang at mga kapatid na babae. Sa aming paguusap tungkol sa mga miyembro ng aming pamilya, nakakatuwang gunita-in ang mga alaala ng tiyo at mga lolo at lola kasama na rin ang aking tatay na pumanaw na. Nagtataka ako kung bakit ang “pagkamataba-in” ay hindi kasama doon sa mga kondisyon ng katawan na pinagpipilian sa pag lalarawan sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya (family health portrait). Alam ko na puede rin naman itong isama- p-e-r-o mahirap pa rin kung ano ang tiyak na ilalagay dahil karamihan sa mga kamag-anak ko ay malimit mag-sisiso ang kanilang mga timbang: bumibigat – gumagaan, gumagaan – bumibigat ang kanilang mga timbang. Ang tambang timbay ay unang hakbang panlaban sa sakit na dumadapo sa katawan.

Kuwento ni Anne

Gina’s Story

Page 13: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

• Mahalaga ang paggalang sa iba. Ang ibang kamag-anak ay puedeng hindi nila gusto na isalin sa iba ang kanilang kasaysayan ng kalusugan. Ang iba naman ay talagang wala silang alam anomang salaysayin.

• Puedeng nakakatakot malaman ang tungkol sa problemang pangkalusugan o karamdaman ng mga kapamilya. Kung sasabihin mo ito sa iyong doktor malalaman mo kong ikaw ay nanganganib na magkasakit din nito.

• Maaring hindi malinaw na maitukoy ng mga kapamilya mo ang mga karamdaman nila. Halimbawa, ang isang nakaranas ng di pagkibo o sobrang pagkamatahimikin ay puedeng nagkaroon ng “depression” o sobrang pagkamalungkutin at wala na sa sarili. Tanungin ang kamag-anak mo kung paano siya kumilos.

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSU -GAN NG PAM I LYA 1 1

collect organize understand

Ang isang bagay na gusto kong gawin ay magbawas ng timbang. Nitong nakaraang tag-init, naku! ako ay nagdagdag ng timbang. Biglang tumaas ang BMI ko sobra sa 25, kung kaya’t pag-iigihan ko na hindi lumiban sa aking mga “exercise classes”. Mayroon akong 4 na klase sa isang lingo – 2 ehersisyo sa tubig (water aerobics), 1 na gamit ay bola (pilates) at isang sayaw (zumba) . Bukas pagkatapos ng aking “exercise” didiretso ako sa aking mga estudyante na pinagpapawisan, pero naman, ito ay magandang halimbawa sa kanila. Ika nga sa ingles “you walk the talk”. Kung sa atin pa – lalakarin mo ang salita mo. Ay mali! GAGAWIN MO ANG SINASABI MO.

Page 14: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Sa sunod na pahina ay listahan ng mga tanong na puedeng makatulong sa pakikipag-usap ninyo sa miyembro ng iyong pamilya. Ang mga katanungang ito ay makakatulong para malaman mo ang mga kuwento ng pamilya, karaniwang kondisyon at ano mang naging epekto ng kapaligiran, pamumuhay, at ano mang kasaysayan ng kalusugan sa miyembro ng pamilya ninyo. Dagdagan mo ng ibang tanong na makahulugan sa iyong pamilya.

Paghandaan ang nakatakdang pag-uusap • Isulat ang lahat ng nalalaman ninyo – mga pangalan

ng miyembro ng pamilya, saan sila isinilang, o ilan ang kanilang mga anak.

• Piliin ang mga itatanong mo bago mangyari ang pakikipanayam.

• I-record and pakikipanayam sa “tape recorder” o “video camera.”

Paano ko tatanungin ang aking mga kamag-anak tungkol sa pangkalusugang kasaysayan ng aming pamilya?

12 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

*Kuwento ni WilmaMaalala ko pa noong akoy nakarating ng Lanai noong 1985. Lahat ng tao dito ay halos tumigil na sa pagtratrabaho sa plantasyon ng pina. Isa sa kanila ay ang aking Ama. May 9 taon siyang nagtrabaho sa plantasyon bilang tiga pitas sa mga pinya. Sa katagalang paglanghap niya ng kemikal na binubomba sa plantasyon nahirapan na siyang huminga hanggang namatay na rin siya ng kanser sa baga. Namatay siya sa idad na 65.

Hindi ko ipinagwalang bahala ang mga simptomas ng mahirap na paghinga lalo na ang paglagay sa mapayapa at ligtas na kapaligiran sa ano mang

Page 15: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Sa kasalukuyang nag-uusap kayo • Isulat ang mga nababanggit na impormasyon na

nauukol sa kalusugan.

• Hangga’t maaari dapat maiksi lang ang mga tanong. Iwasan ang mga tanong na masasagot ng oo o hindi.

• Sundan ang mga tanong ng “bakit” “paano” at “puede ka ba magbigay ng halimbawa.”

• Huwag mong asahan na alam nila lahat ng sagot sa iyong mga tanong.

• I-respeto ang kahilingan ng kausap mo kong may ayaw siyang banggitin o pag-usapan.

• Hilingin mo ang kamag-anak mo kung mayroon siyang mga larawan, resipe, sulat at iba pang naitatago niya na galing sa inyong pamilya sa matagal nang panahon. Ito ay makakatulong sa kanya sa pag-aalala ng mg detalya at kuwento tungkol sa inyong pamilya.

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 1 3

Hangga’t maari hayaan mo lang siyang magkuwento – huwag siyang gambalain habang nagsasalaysay!

collect organize understand

panggagalingan ng lason o kemikal na makakasira sa katawan. Lahat kami ngayon, ang aking pamilya, aking ina, mga kapatid at mga pamangkin ay nagpapasalamat na ligtas na ang palibot naming at kapaligiran sa puedeng panggalingan ulit ng kanser sa baga. Naging leksiyon sa amin ang parteng ito ng kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya.

Page 16: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

16 DOES IT RUN IN THE FAMILY?

Itong mga tanong ay halimbawa lang. Kung kinakailangan pali-tan niyo ito para mai-angkop sa iyong pinag-uusapan.

Mga tanong tungkol sa pagkabata

• Saan kayo pinanganak?

• Saan kayo lumaki?

• Nakaranas ba kayo ng problema sa kalusugan (katulad ng alerge) noong bata pa kayo?

• Mayroon ba kayong mga kapatid? Buhay pa ba sila? Ilang taon na sila?

Mga tanong tungkol sa karapatang gulang (adult)• Ano ang mga naging trabaho mo? Ilarawan mo ang araw-

araw na nangyayari sa trabaho mo?

• Ano ang masasabi mo tungkol sa kapaligiran ng pinagtratrabahoan mo?

• May mga anak ka ba? Ano ang pangalan nila? Kailan sila ipinanganak? Nagkaroon ba sila ng problema pangkalusugan?

• Ano ang kanilang mga hilig (pagpaaraw, pag-ehersisyo, panigarilyo atbp.) na posibleng nakaapekto sa kalusugan nila?

• Nagkaroon ka ban ng problema sa kalusugan nang ikaw ay lumaki na? Sa anong gulang? Paano ito ginamot (medisina, inopera atbp.)?

Mga halimbawa sa itatanong

14 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 17: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 17 •

Mga tanong tungkol sa mga magulang at mga lolo at lola• Kailan at saan isinilang ang mga magulang mo? Ano

ang nalalaman mo tungkol sa kanila? (hanapbuhay, mga libangan)?

• Kailan at saan pinanganak ang mga lolo at lola mo? Ano ang mga naaalala mo tungkol sa kanila?

• Nagkaroon ban ng problema sa kalusugan ang iyong mga lolo at lola?

• Alam mo ba kung umiinom sila ng medisina lagi? Kung oo, para saan? Sa kanilang tahanan may ginagawa ba silang panggagamot? Anong paraan at para saan man?

Mga tanong tungkol sa pamumuhay ng pamilya• Tumira ba ang pamilya ninyo sa isang lugar na siyang

naging sanhi sa pagkasakit ng ilang miyembro (hlb, dinaanan ng lakamidad, basurahan)?

• Anong klase ng pagkain ang laging kinakain ng pamilya ninyo? Ilarawan ang isang karaniwang almusal at hapunan? Kayo ba ay kumakain ng espesyal na pagkain kung may mga okasyon? Anong klase ang mga ito? May mga pagkain ba kayo noon na iniiwasan o nililimitahan?

• Mayroon ba sa inyo nagkaroon ng problema sa panganganak o pagkabata Mayroon bang mga sakit na karaniwan o komon sa ating pamilya?

• Mayron ka pa bang iba na gustong banggitin sa akin tungkol sa kalusugan ng ating pamilya?

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 1 5

collect organize understand

Page 18: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

18 DOES IT RUN IN THE FAMILY?

Ang mga impormasyon na iyong nakolekta ay puedeng isulat o i-tayp sa kompyoter sa paraan na may kahulugan sa iyo, sa iyong pamilya at sa iyong doktor. Ang susunod ay mga ideya kung paano mo gagamitin o bubuohin ang mga nakuha mong impormasyon.

Pangkalusugang Larawan ng PamilyaAng pangkalusugang larawan ng pampamilya ay halintulad sa punong-pampamilya o “family tree” pinapakita ang bawat miyembro ng pamilya at ang kanilang kalusugan. Dahil sa ito ay simpleng paglarawan ng kalusugan ng iyong pamilya madali itong ibahagi sa iyong doktor. Puntahan ang pahina 18 para sa karagdadang impormasyon.

Paano ko bubuohin ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya

Did you know this amazing fact about col lect ing infomation? Now you do!

616 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

*Nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na makausap ang Nanay ko upang malaman ang lahat tungkol sa kalusugan ng aming pamilya bago man mahuli ang lahat! Natuklasan ko na lang na galiit lang talaga ang nalalaman ko tungkol sa aking lolo at lola, mga tiyo at tiya. Nagulat na lang din ako na ang alta presyon at atake sa puso ay karaniwang sakit pala sa aming lahi – pagtumatanda mga 60 taong gulang. Kung iisipin malapit na ako sa idad na ito kaya kailangang magdahandahan na ako.

Ngayon, pinagtibay ko ang aking pangako sa sarili na laging nag-ehersisyo araw-araw , laging kumain ng tama, at tamasahin ang buhay na kasama ang pamilya at mga kaibigan. Naisipan ko ring bigyan ang aking kapatid

Kuwento ni Diana

Page 19: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAMILYA 19

7a guide to family health history 19

Did you know this amazing fact about col lect ing infomation? Now you do!

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 17

ng kopya nitong kasaysayan ng kalusugan ng aming pamilya at ituloy nila ang pagbakas nito sa panig naman ng kanyang asawa at mga anak.

Nagpapasalamat ako na binigyan ko ng panahon na malaman at pag-aralan ang kalusugan ng aming pamilya. Ang mga Hawayano at tama nga: TAYO ANG TALAANGKANAN AT TAYO DIN ANG KASAYSAYAN NG ATING PAMILYA. Kung baga sa ingles: we are our genealogy and family history.

Kard Para sa ManggagamotSa internet (www.geneticalliance.org/ccfhh), may makikita kang kard para sulatan ng mga impormasyon nadadalhin sa iyong manggagamot.Ang kard nakapokus tungkonl sa kasaysayan ng kalusugan ng iyong pamilya. Ito ay makapagbibigay sa iyong manggamot ng maraming kaalaman kung paano magagamit ng husto ang iyong “family health history” na matukoy ang pagkakataon na ikaw ay magkaroon ng takdang sakit.

collect organize understand

Page 20: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Ang pagsasalarawan sa kasaysayan ng kalusugan ng pamilya?

Ang isang madaling paraan sa pagbuo ng pangkalusugang larawan ng pamilya ay ang paggamit ng internet at hanapin ang U.S. Surgeon General’s My Family Health Portrait sa www.familyhistory.hhs.gov para lumikha ng pangkasulugang kasaysayan ng pamilya.

Puede mo ring iguhit ang pangkalusugang larawan ng iyong pamilya. Tingnan ang isang ehemplo sa susunod na pahina. Tagubilin sa pagguhit ng pangkalusugang larawan ng pamilya.

Paano ko isasalarawan o i-drodrowing ang kalusugan ng aming pamilya?

• Isulat ang iyong pangalan sa itaas ng malapad na papel.

• Guhitin mo ang sarili sa sentro gamitin ang parisukat kung ikaw ay lalaki at bilog kung ikaw ay lalaki.

• Iguhit mo ang mga magulang mo sa itaas mo at tatakan mo ang parisukat at bilog ng kanilang mga pangalan at kaarawan (o tantiyang idad).

• Gumuhit ng linya na maghihiwalay sa kanila at isang linya din na maghihiwalay sa kanila at sa iyo.

• Kung mayroon kang mga kapatid iguhit mo rin sila at ang mga kapatid ng mga magulang mo magmula sa pinakamatanda hanggang bunso, simula sa kaliwa papuntang kanan sa malaking papel.

• Idagdag ang mga impormasyong pangkalusugan na nakolekta mo tungkol sa kanila.

• Idagdag ang lipi at iba pang mga impormasyon na iyong nalalaman.

18 does it run in the family?

Mga simbolo sa pagsasalarawan ng kalusugan ng pamilya: lalaki babae patay na

18 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 21: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

a guide to family health history 21

Ang Kuwento ni Kim

Sinimulan ko ang pankalusugang larawan ng aking pamilya sa pama-magitan ng pagguhit ko sa aking sarili. Lahat ng babae sa larawan ay bilog. Sa ilalim ng pangalan ko, inilagay ko ang aking kaarawan.

1

Sumunod, ginuhit ko ang aking nanay at tatay. Sino mang lalaki ay pinan-gangatawan ng parisukat. Kinonekta ko ang mga magulang ko ng isang linya at gumuhit ako ng isa pang linya konektado sa akin.

2

Pagkatapos, idinagdag ko ang mga kapatid ko at saka ang kanilang mga kaarawan. Kinonekta ko bawat isa sa kanila sa linya ng aming mga magulang.

3

Para sa magulang ng tatay ko, nilagay ko ang mga pangalan nila sa ibabaw ng aking tatay at pagkatapos, gumuhit ako ng linya para konektado silang lahat sa tatay ko. Idinagdag ko rin ang lipi nila. Sa huli, ginuhitan ko ng dayagol na linya ang bilog na kumakatawan sa lola ko para

makita na siya ay namatay na.

4

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 19

collect organize understand

me (Kim)b. 1975

Markb. 1950

Helenb. 1952

me (Kim)b. 1975

Jonb. 1974

Rebeccab. 1979

Markb. 1950

Helenb. 1952

me (Kim)b. 1975

alta presyon

Jonb. 1974

Rebeccab. 1979

germany

Anab. 1930

heart attack,age 42

mexico

Luisb. 1929

Markb. 1950

Helenb. 1952

me (Kim)b. 1975

Page 22: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

?Ano ngayon?

• Panatilihin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong

pamilya at magdagdag ng mga bagong impormasyon na

nalalaman mo tungkol sa iyong pamilya.

• Alamin o magsaliksik tungkol sa mga sakit na

karaniwan o komon sa iyong pamilya.

• Ibahagi ang mga impormasyon sa iyong pamilya.

• Dalhin ang kasaysayang pangkalusugan ng iyong pamilya

sa doctor ninyo.

• Basahin ang Pangalawang Libreta:

“Mga Gabay sa Genetika at Kalusugan.”

20 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 23: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

Mga KasangkapanGenetic Alliance Family Health History Resources

www.geneticalliance.org/familyhealthhistory

The Smithsonian Folklife and Oral History Interviewing Guide

www.familyoralhistory.us/news/view/the_smithsonian_folklife_and_

oral_history_interviewing_guide/

and visit the American Folklife Center website:

www.loc.gov/folklife/fieldwork

Lanai Community Health Center

www.lanaicommunityhealthcenter.org

collect organize understand

GABAY SA PAGSALAYSAY SA KALUSUGAN NG PAM I LYA 21

Page 24: Gabay Sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya

478 Lauhala Place

Lanai City, HI USA 96763 – 0142

Phone: 808-565-6919 Fax: 808-565-9111

[email protected]

WWW.LANAICOMMUNITYHEALTHCENTER.ORG

4301 Connecticut Ave. NW, Suite 404

Washington, D.C. 20008-2369

Phone: 202-966-5557 Fax: 202-966-8553

[email protected]

WWW.GENETICALLIANCE.ORG

Ang Lanai Community Health Center (LCHC) ay binibigyan ng pundo ng gobyernong pederal ng Estados Unidos na tumatanggap ng pasyente -

mayroon o wala man siyang insyurans. Ang LCHC ay nagbibigay ng malawakang saklaw sa pag-

bibigay ng iyong lunas, maingat sa iyong praybasi, mataas na paggalang at respeto sa

iyong mga paniniwala at kultura at pangunahing pag-aalaga para sa buong pamilya.

ORAS NA BUKASLunes/Miyerkules/Biyernes:

9:00 ng UMAGA – 7:00 ng GABIMartes/Huebes: 8:00 ng UMAGA – 5:00 ng HAPON

Sabado: 8:00 ng UMAGA – 3:00 ng HAPON