gabay sa pagsali.docx

Download Gabay sa Pagsali.docx

If you can't read please download the document

Upload: miguel-dominique-martinez

Post on 29-Oct-2015

328 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

MMMMMMM

TRANSCRIPT

Lakan at Lakambini ng Wika 2012PATNUBAY SA PAGSALI1. Ang Lakan at Lakambini ng Wika 2012 ay bukas sa lahat ng mga mag- aaral ng Paaralang Elementarya ng Matanag.2. Bawat baitang ay magpadala ng mga kinatawan para sa kumpetisyon. 3. Bawat kinatawan ay kinakailangang magsumite ang Application form sa mga Tagapangasiwa ng kumpetisyon.4. Walang anumang halaga na babayaran sa Tagapangasiwa upang makasali sa kumpetisyon. Inaasahan ang suporta ng mga magulang para sa ilang pangangailangan ng kanilang mga kinatawan.5. Inaasahan ang pagpunta ng bawat mapipili sa bawat gawain na ilulunsad ng grupong Tagapangasiwa na may kinalaman sa kumpetisyon lalo na sa mga pagsasanay na gagawin para sa kanila.6. Ang kumpetisyon ay gaganapin sa Biyernes, ika-31 ng Agosto 2012 bilang bahagi ng Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wika. Gaganapin naman ang Tagisan ng Talento sa ika-29 ng Agosto 2012.7. Ang bawat kalahok ay makatatanggap ng pagkilala sa kanilang partisipasyon sa naturang patimpalak. Ang mga mananalo naman ay makatatanggap ng mga sumusunod na titulo:Ikatlong Lakan at Lakambini ng Wika Ikatlong Munting Lakan at Lakambini ng WikaIkalawang Lakan at Lakambini ng Wika Ikalawang Munting Lakan at Lakambini ng WikaLakan at Lakambini ng Wika Munting Lakan at Lakambini ng Wika8. Ang mga mananalo ay magiging kinatawan ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino para sa mga gawaing maka-Filipino. Ang mga ito ay magiging pansamantalang miyembro ng samahan sa loob ng isang taon, ngunit maaring ipagpatuloy ang pagiging miyembro paglampas ng isang taon kung ibig ng mga ito.9. Ang mga hindi mananalo ay iniimbitahan ding lumahok sa Samahan upang maipagpatuloy ang naisin nitong alagaan ang Kuluturang Pilipino at Wikang Filipino.10. Ang grupong Tagapangasiwa ay may kakayahang idiskwalipika ang sinumang kalahok na mahuhulihan ng hindi kaiga-igayang katangian sa paaralan. 11. Ganundin, ang Samahan ay may kakayahang alisin ang titulo ng sinumang mananalo na masasangkot sa anumang di kaaya-ayang isyu o masasangkot sa anumang kaguluhang nagpapakita ng pagiging hindi magandang halimbawa.12. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maari pang magbago.

PROSESO NG KUMPETISYONBawat baitang ay magpapadala ng magiging kalahok sa kumpetisyonAng pinal na kalahok ay magkakaroon ng Tagisan sa Malikhaing Kasuotan, Kasuotang Pilipino at Pagsagot sa Tanong upang patunayan kung sino ang karapat dapat na maging kinatawan ng Wikang Filipino.

PAMANTAYANPISIKAL NA KAGANDAHAN/KAKISIGAN25%MALIKHAING PANANAMIT25%KASUOTANG PILIPINO25%TALINO SA PAGSAGOT AT PAKIKIPAGTALASTASAN25% KABUUAN 100%

PAMANTAYAN SA TAGISAN NG MALIKHAING PANANAMITDISENYO AT PAGKAMALIKHAIN NG DAMIT50%GALING SA PAGDALA/PAGPRESENTA NG DAMIT50%KABUUAN100%PAMANTAYAN SA TAGISAN NG KASUOTANG PILIPINODISENYO AT FITTING NG DAMIT50%GALING SA PAGDALA/PAGPRESENTA NG DAMIT50%KABUUAN100%

MGA ESPESYAL NA PARANGAL:

Pinakamagaling sa Malikhaing KasuotanPinakamagaling sa Kasuotang PilipinoPinakamagaling sa TalentoPinakamagaling sa Pambungad na BilangPinakamagaling sa PagrampaPinaka-PhotogenicPinakapalakaibigan