ganap na kompetisyon2003 edt

30
ISTRUKTURA ISTRUKTURA NG NG PAMILIHAN PAMILIHAN

Upload: christinemanus

Post on 15-Nov-2014

58.190 views

Category:

Education


5 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

ISTRUKTURA ISTRUKTURA NG NG PAMILIHAN PAMILIHAN

Page 2: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

PAMILIHAN

Page 3: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Ang PamilihanAng pamilihan o merkado ay hindi lamang

tumutukoy sa isang tindahan o lugar na pinag darausan ng bilihan ng kalakal. Ito ay isang mekanismo ng interaksyon ng mamimili (konsyumer) at nagbibili (prodyuser o suplayer) upang magtakda ng presyo habang nagpapalitan ng mga produkto at serbisyo.

Page 4: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Sa isang sistemang pamilihan, ang lahat ay may presyo. Hudyat ang presyo ng pagkakasundo sa pagitan konsyumer at prodyuser o suplayer hinggil sa dami at halaga ng produkto o serbisyong pamilihan.

Page 5: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Ang pamilihan ay nauuri sa ganap na kompetisyon at di ganap na kompetisyon. Ang paguuri ng pamilihan ay naayon sa dami ng mamimili at nagbibili, pagtatakda ng presyo, uri ng mga produkto at ang kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan.

Page 6: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

GANAP NA KOMPETISYONVS. MONOPOLYO

Page 7: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

GANAP NA KOMPETISYON

Page 8: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Isang uri ng pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante ay may lubos na kapangyarihan na makipagkompetisyon sa mga kapwa negosyante.

Ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

Page 9: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

MARAMI ANG MAMIMILI AT NAGBIBLI NG PRODUKTO

Hindi maaring makapagtakda ng presyo ang mga negosyante sa pamilihan dahilan sa maliit na negosyante lamang ang pumasok sa pamilihan.

Sumusunod sila sa presyong umiiral sa pamilihan.

Page 10: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

MAGKAKATULAD NA PRODUKTO Magkapareho ang mga produktong ibenbinta

kaya walang pagkakailanlan kung sino ang nagprodyus ng isang produkto

Hindi na kailangan ng mga negosyante ang pag-aanunsyo sa mga produktong agrikultural

Page 11: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

MALAYANG PAGGALAW NG MGA SALIK NA PRODUKSYON

Walang sinuman ang maaaring kumontrol o humadlang sa paggamit ng mga salik ng produksyon dahilan ng malayang pagpasok at paglabas ng mga negosyante sa pamilihan

Page 12: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

LIBRE SA PAGLABAS AT PAGPASOK SA INDUSTRIYA

Ang sinumang negosyante ay may kalayaang makapamili ng mga produkto na nais niyang ibenta.

Normal na tubo lamang ang kanilang kinikita dahil magkakatulad na produkto ang kanilang binibenta.

Page 13: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

SAPAT NA KAALAMAN

Ang isang negosyante ay kailangang may sapat na kaalaman sa paggawa ng produkto at pagbebinta nito sa pamilihan . Ito din ang paraan upang magkaroon ng tamang pagdedesisyon sa papili ng produkto na ang kapalit nito ay mas malaki pa ang halaga kaysa sa kanilang produktong binibili.

Page 14: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

PAGTATAKDA NG PRESYO AT LEBEL NG PRODUKSYON SA GANAP NA KOMPETISYON

Page 15: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Dami ng produkto(Libo)

PresyoTR

(Libo)

TC(Libo

)

Tubo(Libo)

AR MR MC

1 25 25 35 -10 25 ______ ______

2 25 50 55 -5 25 25 20

3 25 75 60 15 25 25 5

4 25 100 80 20 25 25 20

5 25 125 105 20 25 25 25

6 25 150 140 10 25 25 35

7 25 175 180 -5 25 25 40

8 25 200 210 -10 25 25 30

TR=Total Revenue AR=Average revenueMR=Marginal Revenue

Page 16: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Makikita sa talahayan na ang presyo ng produkto ay hindi nagbabago kahit gaano karami ang produkto na ipagbibili. Nagpapatunay na hindi pwedeng magtaas ng presyo ang isang tindera sa ganap na kompetisyon. Kapag ang dami ng produkto (Q) ay iminultiplay sa presyo ng produkto ay makukuha ang total revenue(TR) o kabuuang benta, halimbawa 1 x 7 =17. Habang ang kabuuang benta ay tumataas din kahit di nagbago ang presyo.

Ang average revenue (AR) ay ang benta sa bawat produkto na ipinagbili ng negosyante at ang marginal revenue(MR) ay karagdagang benta sa bawat karagdagang produkto ng ipinagbili, ang dalawang ito ay makukuha sa paraang

AR=TR/Q, 25/1=25 at M = TR/ Q

Kung saan ang TR=TR2-TR1 (150-25=25) Q=Q2-Q1 (2-1=1)=25/1=25

Page 17: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Sa pag-alam ng lebel ng produksyon na magbibigay ng pinakamalaking tubo sa isang negosyante ay ginagamit ang dalawang pamamaraan.

1. TR=TC, ang pagbawas sa kabuuang benta ng kabuuang gastos ay magreresulta ng pagkuha ng tubo. Bawat negosyante sa ganap na kompetisyon ay naghahangad na matamo ang pinakamalaking tubo sa anumang lebel ng produksyon.

2. MR(Marginal Revenue)=MC, ang paraang ito ang nagpapaliwanag na anumang karagdagang benta ay katumbas ng karagdagang gastos ng negosyante na siyang pinakamainam na lebel ng produksyong tinatawag na optimum level.Ang pinakamainam na lebel ng produksyon ay mula sa ikaapat na libo hanggang ikalimang na libo kung saan natamo ng negosyante ang pinakamalaking tubo at ang MR=MC. Dahil normal na tubo ang kanilang tinatanggap, hindi ito hadlang para sa mga negosyante na tumigil sa kanilang negosyo sapagkat napapaganyak sila nito.

Page 18: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

DI GANAP NA KOMPETISYON

Page 19: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Sa di ganap na kompetisyon, may kumokontrol ng presyo at mabibilang ang dami ng mamimili at nagbibili sa pamilihan.

Page 20: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

MONOPOLYO

Uri ng pamilihan na iisa ang nagbibili ng produkto. Ibig sabihin nito, may isang prodyuser o negosyante ang kumokontrol ng malaking porsyento ng suplay ng produkto sa pamilihan na tinatawag na monopolista.

Ito ay may sumusunod na katangian:

Page 21: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

IISA ANG NAGBIBILI

Nakokontrol ng mga monopolista ang presyo at dami ng mga produkto sa pamilihan.

Walang direktang kakompetensya ang mga negosyante.

Page 22: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

KAKAIBANG PRODUKTO

Madaling makontrol ang demand ng produkto at dahil may kalayaang magtakda sila ng presyo, babawasan nila ang produksyon upang ang mamimili ay mapipilitang bumili ng produkto sa mataas na presyo.

Page 23: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

KAKAYAHANG HADLANGAN ANG KALABAN

May kakayahang itakda ang presyong ekwilibryo at dami ng produkto sa pamamagitan ng pagbaba ng presyong produkto. Ito ay tinatawag na cutthroat competition. Ito ay upang mapatalsikin ang kalaban sa pamilihan.

May kakayahang kontrolin ang pinagkukunan ng mga hilaw na salik ng produksyon upang ang kakompetensya ay mawalan ng materyales na gagamitin sa paggawa ng produkto.

Ang produkto ng monopolyo ay may patent at copyright upang hindi gagayahin ang paraan ng paggawa ng mga produkto

Page 24: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Pinagkakalooban sila ng pamahalaan ng prankisa o franchise upang mamumuhunan sa mga gawaing pambayan dahil ang monopolyo ay nagmamay-ari ng malaking planta at kapital na mahalaga sa pagkakaloob nila ng mga produkto at serbisyo.

Walang kauri na produkto

Page 25: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

SA PAGTATAKDA NG PRESYO AT LEBEL NG PRODUKSYON SA MONOPOLYO

Page 26: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Sa pagtatakda ng presyo at dami ng produktong ipagbibili ng isang monopolista ay isinasaalang-alang ang mga gastusing pamproduksyon.

Inaalam ng monopolista ang lebel ng produksyon ng may pinakamalaking tubo sa paraang TR-TC at iyon ang batayan ng presyo at dami ng produkto.

Page 27: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

DamiQ(Libo)

Presyo TR(Libo)

TC(Libo)

Tubo(Libo)

MR MC

1 30 30 31 1 ________ ________

2 27 54 42 12 24 9

3 25 75 60 15 21 18

4 22 88 73 15 13 13

5 20 100 90 10 12 17

6 16 108 100 8 8 10

7 15 105 104 1 3 4

Page 28: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Base sa talaan, ang optimum level ay nasa ikaapat na libo. Dahil dito, matatamo ang pinakamalaking tubo at ang MR at MC ay pantay. Maaaring ang presyo at dami ng produktong paiiralin at itatakda ng monopolista ay batay sa lebel na iyon. Ang pagsasaalang-alang ng kabuuang benta at kabuuang gastusin sa produksyon ay isang mabisang paraan upang tukuyin ang tiyak na dami ng produksyon.

Page 29: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

MONOPSONYO

Page 30: Ganap Na Kompetisyon2003 Edt

Sa Monopsonyo, iisa lamang ang mamimili ng produkto. Marami ang nagsusuplay at nagbibili ng produkto at serbisyo ngunit iisa lamang ang mamimili sa pamilihan.

Makikita natin ang kapangyarihan ng mamimli na pababain ang presyo ng produkto at serbisyo na nais niyang bilhin. Magagawa ng mamimili na pumili ng produkto na may pinakamataas at pinakamagandang kalidad para sa kanyang kapakinabangan.

Bumibili ang pamahalaan ng iba’t ibang serbisyo para sa gawaing pambayan. Tanging ang pamahalaan lamang ang nagbabayad sa mga taong nagkakaloob o nagbibigay ng serbisyong publiko. Nagagawa ng pamahalaan na kontrolin ang presyo ng mga iyon para sa kanyang kagalingan. Ang sweldo at sahod ng mga ito ay ayon sa pagtatakda ng pamahalaan. Sa monopsonyo, maipakikita ng mamimili ang kanyang kapangyarihan at pwersa sa pamilihan.