gawain 7,8, at 9

7
TAKDANG-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN Ipinasa ni: Sophia Marie D. Verdeflor Grade 10-1 STE Ipinasa kay: Gng. Villa B. Antigo Guro

Upload: sophia-marie-verdeflor

Post on 13-Apr-2017

2.775 views

Category:

Education


0 download

TRANSCRIPT

TAKDANG-ARALINSA

ARALING PANLIPUNAN

Ipinasa ni:Sophia Marie D. Verdeflor

Grade 10-1 STE

Ipinasa kay:Gng. Villa B. Antigo

Guro

GAWAIN 7: PAGSULAT NG REPLEKSIYON

Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

BILANG MAG-AARAL

KAHULUGAN Katulad ng lokal at pambansang ekonomiya na kung saan gumagawa ng iba’t-ibang desisyon, bilang isang butihing mag-aaral, sumasailalim din sa masusing pagdedesisyon ang isang mag-aaral katulad ng maayos na paggamit ng baong pera, pagbabadyet ng oras na nakalaan para sa pag-aaral at pati na rin sa tamang pagdedesisyon pagdating sa paggawa ng mga takdang-aralin, proyekto at iba pa.

KAHALAGAHAN Sa pag-aaral ng ekonomiks, magkakaroon tayo ng maayos at mabuting pamamahala at pagbubuo ng matalinong desisyon. Bilang isang mag-aaral, ang kahalagahang nakapaloob dito ay posibleng lubos tayong maging matalino, mapagmatyag, mausisa at mapagtanong sa mga kaganapan sa kapaligiran ng lugar na ating kinalalagyan. Isa pang kahalagahan nito sa mag-aaral, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng kapwa ko mag-aaral ay maaari din itong luminang at humubog sa ating mga gawi, pang-unawa at pag-uugali sa isang paaraang tiyak na makapagbibigay tulong sa ating pagsasagawa ng isang desisyon para sa ating pagtatrabaho para sa kinabukasan upang magkaroon ng napakaginhawang pamumuhay sa hinaharap.

BILANG KASAPI NG PAMILYA

KAHULUGAN Bilang kasapi ng isang simpleng pamilya, maiuugnay ang ekonomiks sa wastong paggamit ng bawat miyembro na bumubuo ng isang partikular na pamilya ng kanilang pera, isa na rin ang pagbabahaginan ng kani-kaniyang tulong nang sa gayon ay matugunan ang mga pangangailangan at kasama na rin ang matalinong pagpapasya, hindi lang ng bawat isang miyembro kundi ang buong pamilya, para sa ikabubuti ng nakararami.

KAHALAGAHAN Ang kahalagahan ng ekonomiks bilang isang kasapi ng pamilya ay ating masasalamin sa wastong pang-unawa sa mga desisyon na isasagawa ng ating pamilyang kinabibilangan. Maaari din nating magamit ang ating kaalaman sa ekonomiks, partikular na sa kaalaman sa alokasyon at pamamahala sa pamamagitan ng kapag may isang isyu na nakakasangkutang ng isang pamilya katulad na lamang ng tungkol sa pag-aaral, paglilibang, paggasta, pagkita, at pagtugon sa pangagailangan at kagustuhan ng pamilya ay maaari nating ihalintulad sa ating nalalaman tungkol sa ekonomiks. Ang kaalaman na ating natutunan sa ekonomiks ay lubos na makakatulong upang ang bawat isa sa atin ay makapagbigay ng isang makatuwiran, makahulugan at makabuluhang opinyon tungkol sa pagsasagawa ng desisyon ng pamilya.

BILANG KASAPI NG LIPUNAN

KAHULUGAN Bilang isang kasapi ng lipunan, ating maiuugnay ang ekonomiks sa wastong paggamit ng ating tinataglay na mga likas na yaman, pati na rin ang pagbabayad ng kaukulang buwis at isa pa ay ang pakikisangkot sa mga isyung panlipunan.

KAHALAGAHAN Maaari nating magamit ang ating kaalaman sa ekonomiks bilang isang kasapi ng lipunan at ito ay ating maisasagawa sa pamamagitan ng pag-unawa ng mahusay sa mga napapanahong isyu na kinasasangkutan ng lipunang kinabibilangan at syempre ang mga isyung ito ay may kaugnayan sa mga importanteng usapin tungkol sa ekonomiya ng bansa. Para naman sa mga batas, programa at proyektong ipinapatupad at isinasagawa ng pamahalaan na kung saan ang mga ito ay may kaugnayan sa pagkamit ng kaunlaran sa ekonomiya ng bansa ay maaari nating maunawaan ng mabuti kung ito ay ating ihahalintulad sa mga bagay na ating natutunan sa ekonomiks.

GAWAIN 8: SITWASYON AT APLIKASYONPag-isipan ang sumusunod na sitwasyon: Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan at manukan sa inyong komunidad, at si Tam ay isang sikat na basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad. Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa mga konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng

ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya at

lipunan.

Kung ang aking pamilya ay biniyayaan ng kakayahan na makapagtayo ng isang negosyo, ang pipiliin kong negosyo ay katulad ng negosyo ni Mat na kung saan ay isa siyang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan at manukan. Bakit ito ang napili ko? Simple lang, dahil sa ekonomiks. Kung ating iintindihing mabuti ang pinagkaiba ng dalawang nasabing negosyo, mauunawaan natin na mas maganda talaga ang negosyo ni Mat kaysa kay Tam. Ang negosyo kasi ni Mat ay isang uri ng pangkabuhayan na kung saan hindi ka malulugi. Sa isang kainan kasi, kahit saan at kahit kailan ay may posibilidad na malugi ang negosyo depende na rin sa kalidad ng pagkain na inihahanda. Bilang isang mag-aaral, ako ay naging mapanuri at mausisa sa kung ano ang maaaring maidulot ng negosyong ito. Bilang isang kasapi ng pamilya naman ay nakapagbigay ako ng makabuluhang rason sa pagdedesisyon sa pagpili ng negosyong tatahakin. At ang huli, bilang isang kasapi ng lipunan, aking lubos na naunawaan ang mga posibleng problema na maaaring makasangkutan ng isang negosyo.

GAWAIN 9: BAITANG NG PAG-UNLADNgayong natapos mo na ang lahat ng mga gawain sa araling ito ay muling magmuni-muni at pag-isipan ang iyong mga nalaman at naunawaan sa aralin. Muling sagutan ang BAITANG NG PAG-UNLAD at sa pamamagitan nito ay

ibigay ang kahulugan ng ekonomiks at ang kahalagahan nito sa iyong pang-araw-

araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

FINAL NA KAALAMANAng ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong dulot ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.Mag-aaral- Bilang isang mag-aaral, ang kahalagahang nakapaloob dito ay posibleng lubos tayong maging matalino, mapagmatyag, mausisa at mapagtanong sa mga kaganapan sa kapaligiran ng lugar na ating kinalalagyan.Kasapi ng Pamilya- Ang kaalaman na ating natutunan sa ekonomiks ay lubos na makakatulong upang ang bawat isa sa atin ay makapagbigay ng isang makatuwiran, makahulugan at makabuluhang opinyon tungkol sa pagsasagawa ng desisyon ng pamilya.Kasapi ng Lipunan- Maaari nating magamit ang ating kaalaman sa ekonomiks bilang isang kasapi ng lipunan at ito ay ating maisasagawa sa pamamagitan ng pag-unawa