globo

2
GLOBO Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente. Mga bahagi ng globo 1. Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig. 2. Latitude - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador. 3. Longitude - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano. 4. Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera . 5. Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras .

Upload: jii-ar

Post on 12-Jan-2016

200 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Globo

TRANSCRIPT

Page 1: Globo

GLOBO Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.

Mga bahagi ng globo

1. Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.

2. Latitude - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.

3. Longitude - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.

4. Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.

5. Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.

6. Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.

7. Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi ng ekwador.8. Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng ekwador.

Tatlong malalaking pangkat ng latitud:1. Mababang Latitud2. Gitnang Latitud3. Mataas na Latitud

Natatanging guhit sa mukha ng globo:1. Ekwador 2. Tropiko ng Kanser 3. Tropiko ng Kaprikorn 4. Kabilugang Artiko 5. Kabilugang Antartiko

Page 2: Globo