grade 8 filipino lesson mcart day3

44
Ikatlong Araw

Upload: marco-med

Post on 29-Jan-2015

10.028 views

Category:

Documents


22 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Ikatlong Araw

Page 2: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Mga Gabay na Tanong

Balagtasan

Ano-ano ang elemento ng balagtasan?

Bakit mahalaga ang mga tauhan?(Lakandiwa at mambabalagtas?)

Bakit mahalaga ang mga elemento sukat, tugma, at indayog sa

Balagtasan?

Page 3: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Papel na Ginagampanan sa BalagtasanLakandiwa Mambabalagtas Manonood

____________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

________________________________________

_____

Page 4: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan (Balagtasan)- Jose Corazon de Jesus

LAKANDIWA:Yamang ako’y siyang Haring inihalalBinubuksan ko na itong Balagtasan,Lahat ng makata’y inaanyayahangSa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makataAt ang bibigkasi’y magagandang tula,Magandang kumilos, may gata sa dilaAt kung hindi ay mapapahiya. Itong Balagtasa'y galing kay BalagtasNa Hari ng mga Manunulang lahat,Ito’y dating Duplong tinatawag-tawagBalagtasan ngayon ang ipinamagat.

Page 5: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

At sa gabing ito’y sa harap ng bayanBinubuksan ko na itong BalagtasanSaka ang ibig kong dito’y pag-sapan:BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata,Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitnaAt magbalagtasan sa Sariling Wika.

Page 6: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Sa ulilang harding pinanggalingan koLaon nang panahong nagtampo ang bango,Nguni’t aywan baga’t sa sandaling itoAy may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akinAng bango ng mga bulaklak sa hardin,Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,At si Laka-ILaw ang gagamitin koUpang matalunton ang naglahong bango.

Page 7: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

LAKANDIWASa kapangyarihan na taglay ko na rinIkinagagalak na kayo’y tanggapin,Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,Tingnan sa kanila kung sino at alin. PARU PARO:Sa aking paglanghap ay laon nang patayAng bango ng mga bulaklak sa parang,Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpangBulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirogUbod na ng ganda’t puti ang talulot,Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Page 8: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Kung kaya po naman di ko masansalaAng taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,Matapos na siya’y diligan ng luhaNang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang ArawSa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,- Paruparo, anya kita’y tatalian,Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Isang panyong puting myay dagta ng lasonAng sa aking mata’y itinakip noon,At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Page 9: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Hinabul-habol ko ang bango at samyoHanggang makarating ako sa malayo,At nang alisin na ang takip na panyoWala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro’y naging totohananHanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panigAy siya ang laging laman niring isip,Matulog man ako’y napapanaginip,Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib

Page 10: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Sa apat na sulok ng mundong payapaAng aking anino’y tulang nabandila,Paruparo akong sa mata’y may luha,Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,At kung si Kampupot ay ayw po naman,Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

Page 11: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

BUBUYOG:Hindi mangyayari at ang puso niya’yKarugtong ng aking pusong nagdurusa,Puso ni Bulaklak pag iyong kinuhaAng lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibigPag pinaghiwalay kapanga-panganib,Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan,Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Page 12: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Paruparong sawing may pakpak na itimWaring ang mata mo’y nagtatakipsilim,At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliwDi man Kampupot mo’y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas moAt sa kasawia’y magkauri tayo,Ako ma’y mayroong nawawalang bangoNg isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusapBawat salita mo’y matulis na sibat,Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa,Dalitin ko yaring matinding dalita.Itulot mo rin po, Hukom na dakila,Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

Page 13: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

PARU PARO: Di ko pinipigil ang pagsasalaysayLalo’t magniningning ang isang katwiran,Nguni’t tantuin mo na sa daigdiganAng bawa’t maganda’y pinag-aagawan. LAKANDIWA:Magsalita kayo at ipaliwanangAng ubod ng lungkot na inyong dinanas,Paano at saan ninyo napagmalasNa ito ang siya ninyong hinahanap?

Page 14: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

BUBUYOG:Sa isang malungkot at ulilang hardinAng binhi ng isang halama’y sumupling,Sa butas ng bakod na tahanan namingAy kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,At nang sa butas ko ako’y makalipadAng unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinanglaAng tamis ng aking halik na sariwa,At sa aking bulong na matalinghagaNapamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Page 15: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Nang mamukadkad na ang aking kampupotSa araw at gabi ako’y nagtatanod,Langgam at tutubing dumapo sa ubodSa panibugho ko’y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguanHabang ako’y kanlong sa isang halaman,Luksang paruparo nang ikaw’y maligawAng aking halakhak ay nakabulahaw.Ang inyong taguan, akala ko’y biro,Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa pusoSa akin man pala ay nakapagtago.

Page 16: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Lumubog ang araw hanggang sa dumilimGiliw kong bulaklak dir in dumarating,Nang kinabukasa’t muling nangulimlimAy hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langitAt tinalunton ko ang bakas ng ibig,Ang kawikaan ko sa aking pag-alisKung dimakita’y din a magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipadDito ko natunton ang aking bulaklak,Bukong sa halik kokaya namukadkadDi ko papayagang mapaibang palad.

Page 17: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,Ang unang balik kong katamis-tamisanSa talulot niya ay nakalarawan. PARUPARO:Hindi mangyayaring sa isang bulaklakKapwa mapaloob ang dalawang palad.Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggapNagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilangNang makalabas ka’y saka mo hinagkan:Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,Sino ang malapit sa pagliligawan?

Page 18: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Una muna akong nag-uod sa sangaNa balot ng sapot ng pagkaulila,Nang buksan ng Diyos yaring mga mataBulo’t dahon naming ay magkasama na. Sa ugoy ng hanginsa madaling-arawNagduruyan kaming dalawa sa tangkay,At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloyNa patak ng hamog, aking iniinom;Sa dahon ding iyon ako nagkakanlongSa init ng Araw sa buong maghapon.

Page 19: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Paano ngang siya ay pagkakamalanSa kami’y lumaki sa iisang tangkay,Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhayIbig ko rin namang sa kanya mamatay. BUBUYOG:Huwag kang matuwa sapagka’t kaniigNiyaring bulaklak na inaaring langit,Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibigMalayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupotNakikiinom ka ng patak ng hamog,Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Page 20: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,At akong bubuyog ang dala ko’y buhayBulong ng hiningang katamis-tamisan. PARU PARO:Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulongAy nakayayamot saanman pumaroon,At ang katawan mo’y mayrong karayomPano kang lalapit, di naduro tuloy?

Page 21: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Di ka humahalik sa mga bulaklak,Talbos ng kamote ang siya mong liyag,Ang mga bintana’y iyong binubutas,Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,Iyong mgabulong ay naririnig ko;Kung dinig ng lahat ang panambitan moHiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

BUBUYOG:Kundi iniibig ang nakikiusapLalo na ang tahimik na tatapat-tapat,Kung ang magsalita’y di-magtamong-paladLalo na ang dungong di makapangusap.

Page 22: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Lilipad-lipad ka na payao’t ditoPasagilang-bingit, at patanaw-tao,Pagligaw-matandang sa panahong itoPagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyogNilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,Nguni’t saang panig nitong sansinukobNakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamangSa mula’t mula pa’y di ka minamahal,Ang panyong panali nang ikaw ay takpanIkaw ang may sabing may lason pang taglay.

Page 23: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

PARU PARO:Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibigAng sa aking panyo’y kanyang idinilig. BUBUYOG:Dadayain ka nga’t taksil kang talagaAt sa mga daho’y nagtatago ka pa. PARU PARO:Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawaSa taglay kong bulo nilason na kita.

Page 24: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

BUBUYOG:Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. BUBUYOG: Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. PARUPARO:Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod. LAKANDIWA:Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;Yamang di-malan ang may-ari nito,Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

Page 25: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

BUBUYOG:Kapag hahatiin ang aking bulaklakSa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirapKaya ang talulot niya ang malagas. PARU PARO:Kung hahatiin po’y ayoko rin namanPagka’t pati ako’y kusang mamamatay;Kabyak na kampupot, aanhin ko iyanO buo wala nguni’t akin lamang.

Page 26: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

LAKANDIWA:Maging si Solomong kilabot sa dunongDito’y masisira sa gawang paghatol;Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang naritoNa siyang kampupot sabihin kung sino,Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Page 27: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

KAMPUPOT:Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,At si Bubuyog po’t paruparong bukid,Ay kapwa hindi ko sila iniibig. PARU PARO:Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,Limot mo na baga ang aking pagliyag?Limot mo na bagang sa buong magdamagPinapayungan ka ng dalawang pakpak?

Page 28: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

KAMPUPOT:Tila nga, tila nga sa aki’y mayroongSa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoyAt di inakala na sinuman yaon. BUBUYOG:At ako ba, Mutya, hindi mo na batidAng mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,Ang akin bang samo at mga paghibikNa bulong sa iyo’y di mo ba narinig? KAMPUPOT:Tila nga, tila nga ako’y may napansingDaing at panaghoy na kung saan galing,Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hanginAt di inakala na sinuma’t alin.

Page 29: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

BUBUYOG:Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,Makapitong lumbay o hanggang matapos.PARUPARO:Dito natunayan yaong kawikaanNa ang paglililo’y nasa kagandahan. SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:Ang isang sanglang naiwan sa akinAy di mananakaw magpahanggang libing.

Page 30: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

LAKANDIWA:Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibangNabaliw nang hindi kinababaliwan:Yamang ang panahon ay inyong sinayangKaya’t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos makatula ni Paruparo)

Page 31: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

LAKANDIWA:Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. (Pagkatapos makatula ni Bubuyog) Minamahal nami’t sinisintang bayan,Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;At kung ibig ninyong sila ay hatulan,Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

Page 32: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Pangkatang GawainBigyan ng sariling opinyon ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit iisa lamang ang nagustuhan nina paruparo at bubuyog?

Page 33: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan.

3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kanino panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit?

Page 34: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang Balagtasan? Sang-ayon ka ba sa hatol? Bakit?

Ang higit na matimbang sa

dalaway ay

Page 35: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan? Magtala ng patunay.

Page 36: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang porma.

Page 37: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa

dalaga noon at ngayon

PAGKAIBA PAGKATULAD

Page 38: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Katotohanan Opinyon1.

1.

2. 2. 

3. 3. 

Pagkakaiba ng Katotohanan at Opinyon

Page 39: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Kilalanin ang mga pahayag kung katotohanan o opinyon.

1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tangin sa Pilipinas lamang makikita.

Page 40: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino

Page 41: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012. Sa makabagong panahon ngayon, ang kaugaliang Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin.

Page 42: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.

Page 43: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon.

Page 44: Grade 8 Filipino Lesson MCART Day3

Sumulat ng 5 pahayag na opinyon at 5 pahayag na

katotohanan.