hamon sa pagdaluyong - · pdf filemitolohiya ng rehimeng u.s-aquino ii sa mata ng sambayanang...

8
SA ISYUNG ITO Praymer hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis Demolisyon sa mga komunidad Ika-4 na Pulong ng Pambansang Konseho ng Anakbayan, idinaos Bagong Aso, Lumang Amo OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ANAKBAYAN ABRIL 2011 2 3 7 8 Sa bawat araw na lumilipas, lalong bumibilis ang pagbagsak ng mitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng U.S-Arroyo, sa dami ng mga isyu na sumusulpot: pagtaas ng presyo ng langis, bilihin, pamasahe, at mga serbisyo; kawalan ng trabaho, kabuhayan, lupang sina- saka, at mga tahanan; pag-abandona sa mga serbisyong panlipu- nan, kahirapan, kagutuman, pagkalat ng sakit, at iba pa. Mahalaga ang papel ng Anakbayan at iba pang katulad nitong organisasyon sa pagbibigay ng wastong pagsusuri sa mga isyu at sa kabuuang kalagayan ng lipunang Pilipino sa pinakamalaking bilang ng mamamayan para magabayan ang tumitinding galit ng mamamayan laban sa bulok na Rehimen. Kinakailangan ip- aabot sa pinakamalaking bilang ng mga Pilipino ang pambansa- demokratikong pagsusuri sa mga isyu, sa kabuuang kaayusan ng lipunan, at sa pambansang demokrasya at sosyalismo bilang solusyon. Kung magagawa ito, mabilis nating mapapalawak ang mga bal- angay at pormasyon ng ating organisasyon, at magsisilbing bag- as sa mga mas malalaking protesta at iba pang pagkilos laban sa Rehimeng U.S-Aquino II. Sa ganitong paraan, naitatransporma natin ang ispontanyong galit ng mamamayan patungong rebo- lusyonaryong lakas, o ang pagkilos na nag-aambag sa pamban- sa-demokratikong rebolusyon, o nag-aambag sa tunay na pag- babago. Hamon sa Pagdaluyong SUNDAN SA PAHINA 4

Upload: vumien

Post on 31-Jan-2018

288 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

SA ISYUNG ITO

Praymer hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis

Demolisyon sa mga komunidad

Ika-4 na Pulong ng Pambansang Konseho ng Anakbayan, idinaos

Bagong Aso,Lumang Amo

o p i s y a l n a p a h a y a g a n n g a n a k b a y a n

abRil 2011

2

37

8

Sa bawat araw na lumilipas, lalong bumibilis ang pagbagsak ng mitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng U.S-Arroyo, sa dami ng mga isyu na sumusulpot: pagtaas ng presyo ng langis, bilihin, pamasahe, at mga serbisyo; kawalan ng trabaho, kabuhayan, lupang sina-saka, at mga tahanan; pag-abandona sa mga serbisyong panlipu-nan, kahirapan, kagutuman, pagkalat ng sakit, at iba pa.

Mahalaga ang papel ng Anakbayan at iba pang katulad nitong organisasyon sa pagbibigay ng wastong pagsusuri sa mga isyu at sa kabuuang kalagayan ng lipunang Pilipino sa pinakamalaking bilang ng mamamayan para magabayan ang tumitinding galit ng mamamayan laban sa bulok na Rehimen. Kinakailangan ip-aabot sa pinakamalaking bilang ng mga Pilipino ang pambansa-demokratikong pagsusuri sa mga isyu, sa kabuuang kaayusan ng lipunan, at sa pambansang demokrasya at sosyalismo bilang solusyon.

Kung magagawa ito, mabilis nating mapapalawak ang mga bal-angay at pormasyon ng ating organisasyon, at magsisilbing bag-as sa mga mas malalaking protesta at iba pang pagkilos laban sa Rehimeng U.S-Aquino II. Sa ganitong paraan, naitatransporma natin ang ispontanyong galit ng mamamayan patungong rebo-lusyonaryong lakas, o ang pagkilos na nag-aambag sa pamban-sa-demokratikong rebolusyon, o nag-aambag sa tunay na pag-babago.

Hamon saPagdaluyong

sundan sa pahina 4

Page 2: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

2 ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

sundan sa pahina 4

Hinggil sa Pagtataas ng Presyo ng Langis at iba pang Produktong Petrolyo

Araw ng protesta kontra OPH, matagumpay na inilunsad

Kaliwa’t-kanang mga protes-ta sa iba’t-ibang dako ng bansa ang inilunsad sa tinaguriang Pambansang Araw ng Protesta laban sa Pagtaas ng Presyo ng Langis noong nakaraang Marso 31. Sa Metro Manila, daan-daang mga jeep at FX sa ilalim ng Pag-kakaisa ng mga Tsuper at Op-erator Nationwide (PISTON), ang progresibong unyon ng mga manggagawa sa pampub-likong transportasyon, ang nag-karaban mula Q.C. Circle hang-gang Mendiola. Sinamahan sila ng mga libo-libong progresibo mula sa mga sektor ng ka-bataan, kababaihan, mangga-gawa, maralitang-lungsod, mi-grante, guro, atbp. Nagkaroon rin ng mga katu-

rafael antonio dulce

lad na pagkilos sa Timog Kata-galugan, Bulacan, Bicol, Cebu, at Negros. Samantala, halos wala ni-isang jeep, bus, FX, at tricycle na pumasada sa buong Hilaga at Timog Mindanao bilang pa-kikiisa ng mamamayan sa nasa-bing Araw ng Protesta. Ganoon rin ang itsura sa Pampanga. Bahagi ng protesta ang pag-tuligsa sa P3 ‘subsidyo’ para sa mga jeep bilang ‘limos’ ng Rehi-meng U.S-Aquino. Nanawagan ang mga kalahok ng mga tunay na reporma para kontrolin ang presyo ng langis sa bansa. Narito ang isang Praymer Hinggil sa Pagtataas ng Presyo ng Langis na inihanda ng Pam-bansang Tanggapan ng Anak-bayan.

pray

mer

Ilang beses na nagtaas ng pr-esyo ng langis? Ano ang epekto nito sa mamamayan?

Ngayong taon (as of March 31):.11 beses na nagtaas ang pr-esyo ng Diesel (P8.10/liter).11 beses nagtaas ang Gaso-lina (P6.10/liter).11 beses nagtaas ang Kero-sene (P7.50/liter).3 beses nagtaas ang LPG mula March 1 (P3.00/kg)

Sobrang dalas at laki ng pag-taas ng presyo ng langis. Mula 2001, higit triple na ang itinaas ng halaga ng bilihing petrolyo..Premium mula P16.56/litro noong 2001, P58.46 na ngayon.Diesel mula P13.82/litro noong 2001, P46.05 na ngayonNagbabadya pa na higit na tataas ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa mga su-sunod na linggo.

Anong epekto ng pagtataas ng presyo ng langis sa mamama-yan?

Pagtaas ng presyo ng mga pan-gunahing bilihin at produk-syon, na magreresulta sa higit na krisis sa ekonomiya at kabu-hayan ng mamamayan ang du-lot ng walang habas na pagtaas ng produktong petrolyo. Nitong nakaraan, nagtaas na ang minimum na pama-sahe mula P7.50 hanggang P8. Tinataya pang aabot sa P9.50 ang pagtaas ng pamasahe kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng langis. Nagtaas na din ang pamasahe sa taxi mula P30 flagdown rate tungong P40 at P3.50 na ang kada patak. Ga-yundin, nagtaas ng piso ang pa-masahe sa ordinaryong bus.Sa kabuuan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa bawat P1/litro na oil price hike, tu-

mataas ang inflation rate ng 0.10-0.14%. Mas makikita ang lupit ng epekto nito kung ikokonsidera ang walang-kapantay na tantos ng krisis, kahirapan at despera-syong kasalukuyan nang di-naranas ng mamamayan:.70% ng populasyon ay lubog sa kahirapan o nabubuhay sa mas mababa sa P104 kada araw.1/3 ng labor force ay walang trabaho, at 4,000 ang napipi-litiang umalis ng bansa kada araw

Walang kasingtaas ang tantos ng nagugutom na ayon sa sur-vey ay umabot na sa 24% o 4.4 milyong pamilya.

Bakit hindi makatarungan ang walang habas na pagtataas ng presyo ng langis?

Una, malinaw na overpriced ang produktong petrolyo da-hil monopolyado ng kartel ang lokal na suplay ng langis. Pangalawa, dahil monopoly-ado din ng kartel ang pandaig-digang merkado, minamanipu-la nito ang presyo ng langis sa daigdig, sinisirit pataas at pina-patungan bago pa man ito du-mating sa bansa. Pangatlo, artipisyal na isinisir-it pa pataas ng spekulasyon ang presyo ng produktong petrolyo sa daigdig para pagkakitaan pa ng husto ng mga pinansyal na institusyon at malalaking kumpanya ng langis.

Paano nakakapanggoyo ang kartel ng langis at nag-oover-price sa lokal na pump prices?

Dahil kontrolado ng Shell, Caltex at Petron, ang tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis sa bansa ang halos

bisitahin ang www.anakbayan.org para sa mga nagbabagang balita, praymer sa mga isyu, at iba pa.

Page 3: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

Mahigit 40 sibilyan na ang namatay mula ng magsimula ang pambobomba ng Esta-dos Unidos at North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa bansang Libya nung ika-19 ng Marso. ‘Pagprotekta sa mga sibilyang nag-aalsa’ laban sa kasalukuy-ang gobyerno ng Libya ang binigay na dahilan ng mga bansang sumusuporta sa ti-naguriang ‘no-fly-zone’. Subalit pinabulaanan ito ng mga mara-ming gobyerno, organisasyon, at indibidwal na tumututol sa pambobomba. Ani nila, gusto lamang pabagsakin ng E.U ang kasalukuyang gobyerno ni Col. Muammar Gaddafi at palitan ito ng isang rehimen na mas ‘malapit’ sa kanila at iba pang imperyalistang bansa. Kapansin-pansin na sa mga ibang bansa sa kaparehong re-hiyon na malapit sa E.U, tulad ng Bahrain, Yemen at Syria, tahimik ang Amerika sa gina-gawang pagmasaker sa mga kontra-gobyernong mga sibily-an. Sa buong rehiyon ng MENA (Middle East-North Africa), sumiklab ang mga ispontan-yong pag-aalsang bayan dulot sa matinding kahirapan. Dala-wang diktador na, sa Tunisia at Egypt, ang napatalsik. Subalit kapansin-pansin na tanging sa Libya lamang ‘nagsasalita’ at

‘umaaksyon’ ang Amerika. Inihintulad ito sa ginawang paglusob ng E.U sa bansang Iraq nung 2003, di-umano para wasakin ang mga weapons of mass destruction (WMDs) ng dating lider nila na si Saddam Hussein. Subalit walong taon ang nakalipas, ni-isang WMD ay hindi pa natatagpuan. Sa-mantala, kontrolado na ng mga korporasyon ng E.U ang iba’t-ibang industriya ng bansa. Dagdag rito, nagsimula ang pambobomba ng Libya sa mis-mong anibersaryo ng paglusob sa Iraq. Ang Libya ang may ika-9 sa pinaka-malaking mga reserba ng langis sa buong mundo, at pinaka-malaki sa kontinente ng Aprika. Ang kanilang National Oil Company, na nangangasai-wa sa isinabansang industriya ng langis nila, ang ika-25 sa mga pinaka-malaking kumpanya ng petrolyo sa buong mundo. Para sa marami, ang pagbubukas ng industriya ng langis ng bansa sa mga multinasyunal at transnas-yunal na mga korporasyon ang pangunahing layunin ng E.U. Naninindigan ang mga pro-gresibo na tumututol sa tinagu-riang ‘gera ng agresyon’ laban sa Libya na ‘sumasakay’ lamang ang E.U sa nagaganap na pag-

3ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2011

Nagtayo ng ‘barikadang bay-an’ ang mga maralita sa iba’t ibang komunidad sa Kamay-nilaan bilang paghahanda sa anumang banta ng malawakang demolisyon. Aabot sa mahigit isandaang libong mamama-yang Pilipino ang nakaambang mawalan ng tirahan dulot ng mga demolisyon ngayong ikala-wang kwarto ng 2011. Ilan sa mga tatamaang ko-munidad ang Sitio San Roque sa Bgy. Paga-asa, Bgy. Central, NIA Road sa Bgy. Pinyahan, Bgy. Culiat, Bgy. Bahay-Toro at Bgy. Old Balara na pawang nasa Lunsod Quezon. Sa Maynila naman, nariyan ang Road 10 at Dypac Compound sa Tondo, mga barangay sa loob ng In-tramuros, at mga komunidad sa Estero dela Rena at Estero Magdalena . Humaharap din sa parehong isyu ang Bgy. San Roque sa Navotas, at Bgy. Cora-zon de Jesus sa San Juan. Ayon sa grupong Alyansa Kontra Demolisyon, isang malawak na pagkakaisa ng mga samahan at koalisyong kontra demolisyon sa Kamaynilaan, kalakhan sa mga demolisyon ay dulot ng mga proyektong pangkaunlaran o public-private

partnerships na pinapasok ng mga pamahalaang panlunsod kasabwat ang pambansang pamahalaan at ang mga mala-laking dayuhang negosyante. Matingkad na halimbawa nito ang proyektong Quezon City Central Business District na sinimulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na si-yang ipinagpapatuloy ni Alkal-de Herbert Bautista sa tulak ni Pangulong Noynoy Aquino ay ng mga negosyante sa pangun-guna ng mga Ayala. Tinatayang 16,000 na manggagawa at em-pleyado ng gobyerno sa North Triangle, Lunsod Quezon ang maaapektuhan ng makadayu-hang proyekto. Sa pamamagitan naman ng National Housing Authority (NHA), naglalako ang goby-erno ng murang negosyong pa-bahay bilang relokasyon sa mga itinaboy na maralita halimbawa sa Montalban, Rizal at Gaya-gaya, Bulacan. Ngunit ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahi-hirap, 1 sa bawat 10 relocatees ang nagsasabing nagsisisi sila sa paglikas dahil sa mga suliran-ing kinakaharap doon tulad ng

Bansang Libya, binomba ng EU-NATO sa kanilang ‘gerang agresyon’

Demolisyon sa mga komunidad,handang biguin ng maralitang lunsod

rafael antonio dulce

john francis losaria

sundan sa pahina 7

sundan sa pahina 7

mula sa associated press

Page 4: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

4 4 ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

90% ng pamilihan, kaya nilang magkuntsabahan para dayain ang presyo ng produktong petrolyo. Kahit na may imbak pa nang aabot sa tatlong buwan ng lan-gis, agad nang magtataas ng presyo ang mga kumpanya oras na gumalaw ang presyo sa pan-daigdigan o di kaya’y tumaas ang halaga ng dolyar. Awtomatiko ding may pa-tong ang mga kumpanya sa ba-wat paggalaw ng presyo sa pan-daigdigang merkado na higit sa halagang dapat na katumbas. Kapag bumababa naman ang presyo sa pandaigdigang pamil-ihan o halaga ng dolyar, hindi naman nagbababa ng angkop na halaga ang mga kumpanya. Kadalasan pa nga’y nagtataas pa sila ng presyo. Ang mga iskemang ito ay hinahayaan at higit pang si-nusuhayan ng patakaran ng deregulasyon ng gubyerno. Sa kabila ng panggogoyo ng mga kumpanya, walang ginagawa ang gubyerno para pigilan ang mga pagtataas ng presyo nito. Sa halip, pinabibigat pa nga nito ang pasanin ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa binabayaran ng mamamayan na lumalaki din sa pagtaas ng presyo ng langis. Ayon sa pag-aaral ng IBON, mula Enero ng 2008 hanggang sa kasalukuyan, nasa P7.50/litro ang overprice o di makatwirang patong ng mga kumpanya sa presyo ng produktong petrolyo. Dahil pa lamang sa overpric-ing, tinatayang P369.65 million

araw-araw ang nakakamal ng kartel ng langis. Hindi ba’t tumataas ang presyo ng krudo sa pandaig-digang pamilihan? Ito raw ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Ang pagtaas ng presyo sa tinatawag na spot market o sa kaso nati’y presyo ng Dubai crude, ang pinagbabatayan ng pagtataas umano din ng presyo ng langis. Pero malaking kalo-kohan ito pagkat sa totoo’y hin-di naman talaga dito bumibili ng krudo ang kartel. Ang totoo’y 33% lamang ng lahat ng ibinebentang krudo sa mundo ay dumadaan sa ‘world spot market’. Ang natitirang 67% ay ipinagbebenta ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa isa’t-isa. Halimbawa, ang Pilipinas Shell ay nakakontrata ng su-playan ng krudo ng Royal Dutch Shell, na parent company nito. Hindi ito apektado ng paggalaw ng presyo pagkat kontrolado na ng pandaigdigang monopolyo kartel ang mga prosesong di-nadaanan ng langis at higit na mas mababa ito sa kumpara sa presyo ng spot market. Dahil monopolyado nila ang produksyon mula umpisa hanggang dulo, kaya nilang magpatupad ng mga iskema ka-gaya ng transfer pricing, kung saan pinapatungan nila ang presyo sa kada dinadaanang proseso ng produksyon ng lan-gis mula pagmimina hanggang pamamahagi. Nadidikta din nila ang presyo at naitutulak ito sa pamamagitan ng pagmama-nipula sa suplay ng langis at spekulasyon.

Bakit nga ba sumisirit pa pataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado?

Itinuturo nilang dahilan ang kakulangan ng suplay ng langis

Kinakailangan nating palakihin ang mga protesta at iba pang porma ng ligal na pagkilos laban sa rehimen para mailantad ang anti-mamamayan at pasistang katangihan nito. Sa kasaluku-yan, ang mga pagkilos sa mga lungsod, bagama’t mapangahas, ay maliit pa. Kinakailangang malagpasan ang ganitong katangian nito. Kasabay ng pagpapalawak ay ang papataas na antas ng militansya ng mga pagkilos. Kailangan natin paghalawan ang kara-nasan ng Kabataang Makabayan sa First Quarter Storm ng 1970, sa pagpapatalsik ng Diktaduryang U.S-Marcos nung 1983-86, at ang pagpapatalsik sa Rehimeng U.S-Estrada nung 1999-2001. Kung ga-gamit ang Rehimeng U.S-Aquino II ng dahas laban sa ating mga pagkilos, ipinapakita ng kasaysayan natin, pati ang karanasan ng mga bansa sa Rehiyong MENA (Gitnang Silangan-Hilagang Apri-ka), na magdudulot ito ng mas matinding galit ng sambayanan hanggang sa mapatalsik ang mapang-aping rehimen. Ang paglakas ng kilusang masa sa mga siyudad ay nag-aambag rin sa rebolusyonaryong pagkilos ng mamamayan sa ka-nayunan. Natatali ang mga pwersa ng militar at pulis sa mga sen-trong-lungsod imbes na pinapakawalan na mga asong ulol laban sa mamamayan sa kanayunan. Karanasan noong panahon ni Gloria ang pagiging mahina at kampante ng kilusang masa sa lungsod ay nagbigay ng lakas ng loob sa Rehimen para i-deploy ang militar at pulis sa kanayunan at ipamalas ang buong brutalidad ng Oplan Bantay Laya I at II. Habang tumitindi ang kahirapan at krisis panlipunan sa bansa, at kumakalat ang apoy ng anti-imperyalista at demokra-tikong paglaban ng mga mamamayan sa iba’t-ibang panig ng mun-do, nagkakaroon ng matabang-lupa para isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon tungo sa mas mataas na antas. Parang ulam, ito ay mananatiling nakatiwang-wang kung hindi nito pag-tatrabahuan ng mga aktibista at isasalang sa apoy ng pagpukaw, pag-organisa, at pagkilos.

editoryal... praymer hinggil sa...

Ang Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Pambansang Tanggapan

PATNUGUTANPUNONG PATNUGOT | Rafael Antonio DulceKAWANIHAN | Charisse Bernadine Bañez, John Francis LosariaLITRATO | John Francis Losaria, Richard Jacob DyPAGLALAPAT | John Francis Losaria

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa [email protected].

www.anakbayan.org

Page 5: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

5ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2011

sa daigdig kaya sumisirit ang presyo. Pero kung tutuusin, may sapat na suplay ang daigdig ng krudo. Walang totoong kri-sis sa suplay upang maging sa-pat na dahilan para sa pagtataas ng presyo ng krudo. Ispekulasyon at manipu-lasyon ng mga monopolyo sa langis sa daigdig ang tunay na dahilan ng pagsirit ng presyo sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng ispekulasyon, artipisyal na isinisirit pataas ang presyo ng langis para pag-kakakitaan ito ng mga malalak-ing pinansyal na institusyon. Habang itinutulak pataas ang presyo ng langis, binibili na ang suplay ng langis para sa mga su-sunod na taon, sa taya na mai-bebenta pa ito sa mas mataas na halaga. Isinisirit pa nito pataas ang presyo at sa ganitong par-aan pinipiga pa ng mga pinan-syal na institusyon ang malak-ing tubo. Mangangahulugan naman ito ng todong pahirap sa nakararaming mamamayan ng daigdig. Sa ilang pag-aaral, aabot sa $50-$60 kada bariles ang ipina-patong ng mga dambuhalang kartel sa presyo. Tinatayang 60% ng presyo ay dahil lamang sa spekulasyon.

Anong ginagawa ng gubyerno ni Aquino bilang tugon sa pag-tataas ng presyo ng langis?

Hinahayaan ni Aquino ang mga hindi makatwirang mga pagtataas sa pamamagitan ng pagpapanatili ng palpak na Oil Deregulation Law, pagpapatu-loy ng buwis na dagdag pasanin pa sa taumbayan, at paglihis sa usapin sa pamamagitan ng mga walang saysay na “solusyon” na ipinalulunok sa mamamayan.

Ano ang Oil Deregulation Law?

Higit na sumahol ang pag-tataas ng presyo nang isabatas ang Oil Deregulation Law (ODL) noong 1998 o RA 8472. Bago nito, dumadaan pa sa proseso ng pagpasa ng Energy Regulatory Board (ERB) ang pagtataas ng presyo ng langis. Bagamat nakapagtataas din ng sobra-sobra sa panahong ito, higit pa itong dumalas at suma-hol nang tanggalin ang regu-lasyon. Ikinatwiran ng gubyerno sa pagpapatupad ng patakarang deregulasyon na mabubuksan umano ang “kompetisyon,” mabubuwag ang mga kartel, at mapipigil ang pagtataas ng presyo ng langis. Sa totoo, la-yunin ng deregulasyon na higit na patindihin ang kita ng mga monopolyo at higit na pigain ang sobra-sobrang tubo mula sa mamamayan. Sa panahon ng deregulasyon, sinamantala ng husto ng kartel ang walang limitasyong pag-tataas. Nagtaas ng higit sa 60 ulit sa loob ng 10 taon ang pr-esyo ng langis. Samantalang sa 25 taon bago nito, 23 beses la-mang nagtaas ang presyo.

Paano nakikinabang ang gu-byerno sa buwis na ipinapataw ng langis?

Naghihirap na nga, higit pang pinahihirapan ng gubyerno ang mamamayan sa pagpapapasan sa kanila ng VAT sa langis. 12% ng ibinabayad ng mamamayan ay VAT. Halimbawa’y P50 kada litro ang presyo’y nagiging P56 kada litro dahil sa buwis. Hindi napupunta sa taum-bayan ang VAT na ito. Napu-puntang kalakhan sa pambayad utang sa malalaking dayuhang bangko at kinukurakot ng gu-byerno. Utos ng mga dayu-hang bangko ang patakarang ito na higit na nagpapahirap sa mamamayan.

Ano-ano ang mga “solusyon” ni Aquino?

Nananawagan ang gubyerno sa mga ahensya nito na magtip-id ng enerhiya at bawasan ang konsumo. Ngunit kahit naman

bumaba ang konsumo, na sa katunayan ay nangyari noong mga nakaraang taon, pataas pa rin ang presyo ng langis. Karaniwang nililihis din ang usapan sa paghahanap ng mga alternatibong source ng lan-gis. Pero wala namang seryo-song programa ang gubyerno para dito at sa katunayan ay ibinebenta pa nga sa malalak-ing dayuhang kumpanya ang mga alternate sources ng en-ergy gaya ng Malapaya na 90% kontrolado na rin ng dayuhang kartel ng langis.

Ano ang dapat gawin sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis?

Labanan ang walang habas at hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng langis. Dapat magkaisa ang mamamayan at pigilan ang sobra-sobrang pagtataas ng presyo ng langis. Kung tutuu-sin dapat pa ngang irolbak ang sobrang singil ng kartel mula sa mamamayan. Dapat ilantad ang mga ganid na pakana ng sabwatan ng kartel sa langis at gubyerno para sa higit na pag-papahirap at pagsasamanatala sa mamamayan. Sa kagyat, da-pat itulak ang gubyerno na alisin ang EVAT sa langis para makaalwan sa mamamayan.

Ibasura ang Oil Deregulation Law. Walang duda na ang deregu-lasyon ay higit pang nagpasahol sa pananamantala ng ganid na kartel sa langis at pagpapahirap sa taumbayan. Dapat kagyat na itulak ng mamamayan ang pag-babasura ng ODL at simulan ang makabuluhang mga hak-bang para kontrolin ang presyo ng langis at itigil ang pagsasa-mantala ng mga monopolyong kartel.

Isabansa ang industriya ng langis. Wakasan ang imperyal-istang kontrol sa langis. Dapat magkaroon ng makub-uluhang mga hakbang para sa pagsasabansa ng industriya ng langis, na tuluyang wawasak sa dayuhang kontrol sa langis. Kailangang tapusin ang pagig-ing lubusang palaasa ng ating ekonomiya sa import, gayundin tapusin ang suliraning idinudu-lot ng monopolyo ng mga TNC sa industriya ng langis at ener-hiya. Dapat tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng krudo at mga produktong petrolyo, at tiyakin nagsisilbi sa kapakanan ng bayan at pangangailangang pang-ekonomiya ang industri-ya ng langis.

Ilan sa mga mungkahi ng Ibon na hakbang ng gubyerno para sa pagregulate ng oil industry:.Sentralisadong pagbili ng langis at mga produktong petrolyo;.Commodity swap at/o ibang mga pamamaraan ng pagbili ng langis;.Pagkakaroon ng buffer fund para sa epekto ng mga biglaang pagtataas ng presyo;.Buy-back ng Petron Corp;.Aktibong partisipasyon ng estado sa petroleum refining;.Mekanismo para sa pagtiti-yak ng makatwirang presyo ng langis; at.Kontrol ng estado sa mga lokal na sources ng langis. .Kailangang patindihin ang paglaban at palawakin ang pa-kikibaka laban sa pagtataas ng presyo ng langis at pagsasa-bansa ng industriya ng langis. Dapat palawakin at palakasin ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan na magluluwal ng isang kinabuka-sang ang lipunan at gubyerno ay malaya na sa dikta ng dayuhang interes at mamamayan na ang nagpapasya para sa kanilang interes at para sa pagbubuo ng lipunang sosyalista: tunay na malaya at masagana.

Page 6: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

“Isulong ang mapangahas na pagpapalawak at konsoli-dasyon sa organisasyon na na-katungtong sa masiglang kam-panya at pakikibakang masa at kilusang pag-aaral”, ang panawagan sa matagumpay na pagpupulong ng Pambansang Konseho sa ilalim ng Ika-5 Kongreso noong 5-6 Pebrero sa Sentrong Punong Lungsod. Dinaluhan ang nasabing pulong ng 40 delegado, mga kagawad ng Pambansang Konseho mula sa 11 rehi-yon, 2 sektor at mga opisyal ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap kabilang ang Pambansang Tagapangulo, Pambansang Pangalawang Tagapangulo, Pangalawang Tagapangulo para sa Luzon at Visayas at Pangkalahatang Ka-lihim. Dumalo rin bilang observ-ers ang mga kinatawan ng mga organisasyon ng kabataang magsasaka sa Gintang Luzon, sektor ng kaguruan at migrante at mga balangay sa Metro Ba-guio, Western Mindanao State University, UP Diliman, PUP Main Campus at ilang komu-nidad sa lungsod Quezon. Ginugol ang unang araw ng pagpupulong sa kompre-hensibong pag-uulat ng mga kagawad ng mga balangay sa antas rehiyon at mga sektor na

sumasaklaw sa mahigit isang taon (Nobyembre 2009-2011). Samantala, inilahad ni Ken Leonard Ramos, Pambansang Tagapangulo, ang ulat ng Pam-bansang Komiteng Tagapag-paganap na pormal rin tinang-gap ng Pambansang Konseho bilang ulat nito sa gaganaping Ika-6 Pambansang Kongreso. Matapos ang isang taong pagtatasa ng Pambansang Kon-seho, binuo ang mga mayor na resolusyon ng organisasyon sa tatlong batayang larangan ng gawain: organisasyon, kam-panya at pakikibakang masa at edukasyon. Sa gawaing organisasyon, inatasan ng Pambansang Kon-seho ang lahat ng pormasyon at balangay na magbalangkas ng komprehensibo at mapanga-has na plano para sa pagkamit ng target na 43,900 na bagong kasapi bago ang Pambansang Kongreso. Pormal ring tinanggap bi-lang patakaran sa gawaing or-ganisasyon ang pagpapaloob o pagkokolektibisa sa lahat ng kasapi ng Anakbayan sa mga ‘AOM Teams’ para sa ibayong pagkokonsolida at pagpapatu-pad sa batayang tungkulin ng bawat kasapi na magpukaw, mag-organisa at magpakilos sa linya at programa ng Pamban-sang Demokrasya.

6 ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Pinaghahanda ng Pamban-sang Konseho ang lahat ng kasapi at mga balangay hang-gang antas rehiyon para sa gaganaping Ika-6 Pamban-sang Kongreso ng Anakbayan. Kaakibat ng gaganaping asem-bliya, iniatas ng Pambansang Konseho na itayo ang Asem-bliya ng Rehiyon (balangay sa antas rehiyon) at palaparin ang kasapian alinsunod sa plano sa pambansang pagbubuo ng or-ganisasyon. Nagpasya rin ang Pamban-sang Konseho na isikad ang pagsasagawa at pagsusulat ng 12-Taong Paglalagom sa Kara-nasan ng Anakbayan na layong maipresenta sa buong kasapian sa darating na Kongreso. Nagla-had si Renato Reyes, Pamban-sang Pangkalahatang Kalihim ng BAYAN at Tagapangulong Tagapagtatag ng Anakbayan noong 1998 ng mahahala-gang punto ng paglalagom sa 12-taong karanasan ng organ-isasyon. Sa gawaing kampanya at pa-kikibakang masa, tinalakay ang pagtutungtong ng pagpapala-wak at konsolidasyon ng kasapi ang malakas na pagsisikad ng kampanyang Ilantad at Laba-nan ang Rehimeng US-Aquino II! at Labanan ang atake sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan!

Sa gawaing edukasyon, mul-ing ipinagtibay ng Pambansang Konseho ang nauna na nitong resolusyon na gawing panguna-hing batayang pag-aaral ng mga kasapi ang Lipunan at Rebo-lusyong Pilipino (LRP) ni Ama-do Guerrero.Inilabas ng Komite sa Edukasyon-Pambansang Ka-lihiman ang Manwal sa gawaing PADEPA (Pambansa Demokra-tikong Paaralan) na naglalaman ng orentasyon sa PADEPA, kurikulum at mga kurso at iba pang gabay sa gawaing edu-kasyon ng mga balangay. Idinaos rin sa nasabing pu-long ang espesyal na halalan ng Pambansang Pamunuan—mga bagong kagawad ng Pamban-sang Konseho at mga opisyal ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap kabilang ang bagong Pambansang Tagapan-gulo na si Vencer Mari Crisos-tomo. Ang Pambansang Konseho ang ikalawang pinakamataas na tagapagpasya sa patakaran, programa at plano ng Anak-bayan. Ito ang pinakamataas na tagapagpasya sa pagitan ng mga sesyon ng Pambansang Kongreso at isinasagawa ang pulong nito dalawang beses sa isang taon. Gaganapin ang Ika-6 Pambansang Kongreso sa 16-18 Mayo, Sentrong Punong Lungsod.

Ika-4 na Pulong ng Pambansang Konseho ng Anakbayan, idinaosPaghahanda sa Ika-6 na Pambansang Kongreso, sinimulancharisse bernadine bañez

Page 7: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

7ABRIL 2011 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2011

aalsa para makapanghimasok sa bansa at makapagtayo ng gobyernong sang-ayon sa ka-nilang adyenda. Ani nila, ang kawastuhan ng ipinaglalaban ng mga rebelde, at ang suporta ng kanilang mga kapwa Libyan, ang mapagpasyang salik sa pag-aalsa.

kawalan ng tubig at kuryente, mataas na presyo ng bilihan, malayong opsital at paaralan, pangamba sa kalamidad, at maging ng ‘padlocking’ ng mga bahay kapag hindi nakakapag-bayad.Kaya naman, isang nag-ing paraan din ng mga samahan sa mga komunidad ang pag-tataboy sa mga tinukoy na re cruiters ng NHA na patuloy na nanghihikayat ng mga residente na magpabayad at magrelocate. Binuo rin sa mga komunidad

bansang libya... demolisyon sa... ang mga Brigada Kontra Sunog upang bantayan ang anumang banta ng panununog sa ka-nilang komunidad na isang tak-tika ng sapilitang pagpapalikas sa mga mamamayan, kagaya ng naganap sa Bgy. Central, Bgy. Culiat at Bgy. Bahay-Toro. Ayon sa Alyansa Kontra Demolisyon, ipinanawagan din nila na ma-glunsad ng 5-10 minutong aksyon o barikada sa mga ko-munidad bilang pagkundena at pakikiisa sa paglaban kapag nagkaroon ng demolition sa alimang komunidad.

ANG PAMBANSANG PAMUNUANNG ANAKBAYAN

PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP

Vencer Mari CrisostomoPambansang Tagapangulo

Rafael Antonio DulcePambansang Pangalawang Tagapangulo

Andrew Zarate (NCR)Pangalawang Tagapangulo para sa Luzon

Christian Tuayon (Negros)Pangalawang Tagapangulo para sa Visayas

Van Venter Mark Valdez (Western Mindanao)Pangalawang Tagapangulo para sa Mindanao

Charisse Bernadine BañezPambansang Pangkalahatang Kalihim

John Francis LosariaOpisyal sa Pinansya

MGA KAGAWAD NG PAMBANSANG KONSEHO

MULA SA MGA REHIYON Sherly Anne Angiwot, Cagayan ValleyJeremiah Hernandez, Central Luzon Neill John Macuha, Southern TagalogEdu ard Gervi Dioneda, Bicol Tracy Ann Dumalo, Cordillera Administrative RegionAndrew Zarate, National Capital RegionChristian Tuayon, Negros Lex Lucas, Central Visayas Van Venter Mark Valdez, Western MindanaoMaricar Ates, Northern MindanaoJonathan Tawide, CARAGA

MULA SA MGA SEKTOR

Arjay Concepcion (Sakdal-Hacienda Luisita), PeasantPatrick Simeon, HighschoolRoxanne Ricablanca,TeachersMara Macaspac, Migrants

AT LARGE

Vencer CrisostomoRafael Antonio Dulce Charisse Bernadine BañezJohn Francis LosariaEdward Pastor

Gusto mong mag-drawing, mag-layout, magsulat? Kontakin kami para sa pag-aambag sa TINIG.

Page 8: Hamon sa Pagdaluyong - · PDF filemitolohiya ng Rehimeng U.S-Aquino II sa mata ng sambayanang Pilipino. Mabilis silang naliliwanagan sa kabulukan, at walang pagkakaiba nito sa Rehimeng

Mataas na presyo, mababang sweldo, kawalan ng trabaho, kulang na badyet sa mga pan-lipunang serbisyo, paglabag sa karapatang pantao. Rebyu ng termino ni dating Pangu-long Gloria Arroyo? O ang mga kasalukuyang problema si ilalim ni Noynoy Aquino? Sa ilalim ng mahigit kala-hating taong panunungkulan ni Noynoy, nagpapatuloy ang mga problemang naranasan ng mamamayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasy-on. Tulad ng iginiit ng Anak-bayan at iba pang pambansa-demokratikong organisasyon sa unang araw pa lang ni Aquino, malabong makamit ang tunay na panlipunang pagbabago habang ang gobyerno ay nana-natiling kasangkot sa pagpap-anatili ng dominasyon ng mga dayuhan, lalo na ang imperyal-istang Estados Unidos. Kaya naman sa ganitong kaa-gang panahon, bagsak na ang tiwala ng mamamayan sa go-byerno. Nagiging usong sigaw sa lansangan ang ‘Walang pag-babago sa ilalim ni Aquino!’ bilang patukoy sa maraming bagay, tulad ng pagiging tuta

niya sa Estados Unidos, tulad lamang ng kanyang pinalitang pangulo. Pero paano nga ba na-tin nasasabi na siya ay tuta?

1Pinapanatili ni Noynoy ang katangian ng ekonomiya na ‘import-dependent, export-

oriented’ o nakaasa sa mga produkto mula sa ibang bansa pero ang produksyon ay naka-direksyon palabas.

aPangunahin dito ang kawalan ng programa sa

tunay na reporma sa lupa at pagpapanatili ng mayorya ng mga lupang agrikultura ng bansa sa kamay ng mga panginoong may-lupa tulad ng mga Cojuangco at mga dayuhang korporasyong agri-kultural tulad ng Dole. Dahil kita, at hindi pagkain, ang in-teres nila, mga murang tanim na kailangan ng ibang bansa (tulad ng asukal, pinya, at saging) at hindi mga batay-ang pagkain (tulad ng palay o mais) ang kanilang tina-tanim.

bKasama rin dito ang pagtutulak sa mily-

on-milyong Pilipino na mangibang-bansa para sa pangangailangan ng mga imperyalistang bansa para sa murang lakas-paggawa. Noong nakaraang taon, 4,400 na Pilipino ang tinatayang umalis sa Pilipinas kada araw. Bagamat ipinakita ng mga ka-ganapan sa Japan at Gitnang Silangan ang panganib na kinakaharap ng mga OFWs ,pinapatindi pa ni Aquino ang ‘Labor Export Policy’ sa pamamagitan ng ‘K-12’ cur-riculum sa mga paaralan. Sa patakarang ito, papahabain ang mga taon sa elementa-rya para maisiksik ang mga kailangang matutunan ng mga susunod na OFWs ng hindi na tumutungtong sa kolehiyo.

cDahil sa palagiang pag-kalugi na dulot ng mga

murang eksport at mama-haling import, nananatili ang pangangailangan nating mangutang sa mga dayuhan na lalo pang nagpapahig-pit sa kontrol nila sa ating ekonomiya at humihigop ng bilyon-bilyong piso na da-pat napupunta sa serbisyong panlipunan.

2 Pinapatindi ni Noynoy ang dayuhang dominasy-on sa ating ekonomiya.

aPinapanatili ang dayu-hang kontrol sa mga

iilang susing industriya at bahagi ng ekonomiya, tu-lad ng industriya ng langis kung saan kontrolado ng tat-long lokal na sangay ng mga MNCs/TNCs (multinasyunal at transnasyunal na korpora-syon) ang 90% ng buong lokal na merkado, at kontrolado ng isang dayuhang kump-anya (Chevron) ang pinaka-malaking reserba ng natural gas sa bansa (Malampaya).

bBalak buksan ang mas marami pang industriya

sa dayuhang kontrol sa ilalim ng Public Private Partner-ships (PPPs) tulad ng mga tren, kalsada, iba pang ser-bisyo tulad ng tubig at kury-ente, minahan, sakahan, iba pang likas-yaman, pabahay,

ospital, paaralan, atbp.

cBalak paramihin ang mga pribilehiyo na natatang-

gap ng mga dayuhan tulad ng hindi pagbayad ng buwis, at kawalan ng kapangyarihan para pigilan sila sa pagtaas ng presyo o singil sa serbisyo (halimbawa, Oil Deregula-tion Law at pagbawal ng mga TRO sa mga toll fare hikes).

3Pinapanatili ang pang-hihimasok ng dayuhang militar sa bansa – Hindi

ibinabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) na sa aktwal ay ginagamit para magkaroon ng permanenteng presensya ang mga sundalo ng U.S sa at-ing bansa, tulad ng panahon ng may base militar sila sa Clark at Subic. Katunayan, inilantad ilang taon na ang nakaraan, na may mga permanenteng pasili-dad-militar sila sa Mindanao na hindi pwedeng pasukin ng mga Pilipino.

4Sumusunod sa atas ng U.S laban sa mga ‘mapag-palayang kilusan’ sa loob

ng bansa – Tila ‘xerox’ ng U.S COIN 2009 (Counter Insur-gency Guide, 2009) ang bagong balangkas ng Armed Forces of the Philippines: ang Oplan Bay-anihan. Binabansagan nito ang mga kilusang mapagpalaya tu-lad ng NDFP (National Demo-cratic Front of the Philippines) at MILF (Moro Islamic Libera-tion Front) bilang mga ‘teror-ista’, at inaatasan ang militar na ang imaheng ng kaunlaran, imbes na aktwal na kaunlaran, ang solusyon sa armadong pa-kikibaka ng mga nasabing kilu-san.

5Pag-suporta sa mga pang-hihimasok ng U.S sa iba pang bansa – Tulad ng

ginawa dati ng gobyerno na pagsuporta sa di-makatarun-gang paglusob ng U.S sa Iraq nung 2003, nagpahayag kam-akailan ang Kalihim ng Depart-ment of Foreign Affairs (DFA) na mas pumapanig, bagama’t di pa makapagbigay ng opisyal na pahayag, sa pagsuporta sa ge-rang agresyon ng U.S laban sa bansang Libya.

Bagong Aso, Lumang Amo:

Ang Patuloy na Pagkakatuta ng Gobyerno sa ilalim ng Rehimeng

US-Noynoy Aquinorafael antonio dulce