hari

3
HARI Concealer dito, concealer doon. Make up dito, make up doon. Nagpapahid ang iba ng body oil sa kani-kanilang katawan. Mula balikat hanggang tiyan ang iba pa nga ay hanggang sa kanilang mga binti at paa. Kitang-kita ang kakisigan ng kanilang mga katawan. Tarantang-taranta ang lahat. Tarantang-taranta sa paghahanda para sa Swimwear Competition ng Mister San Rafael 2013. Masigasig na inaasikaso at inaayusan si Xander ni Sir Makalantal na kanyang Propesor. Concealer dito, concealer doon. Make up dito, make up doon. Wet Look na ang lahat ng mga kalahok. Mayamaya pa ay ipinatawag na ng Organizer ng Pageant ang lahat sa labas ng Dressing Room dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang Swimwear Competition. Hindi agad lumabas sina Sir Makalantal at Xander. Patuloy pa rin na inaayusan ni Sir Makalantal si Xander. Pinapahiran niya pa rin ng concealer ang ilang mga peklat ni Xander. Matapos ang ilang saglit, ipinapahid na rin niya ang body oil sa katawan nito. Napapalunok ito habang hinihimas niya ang makisig na 1

Upload: jonald-revilla

Post on 15-Apr-2017

224 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Hari

HARI

Concealer dito, concealer doon. Make up dito, make up doon. Nagpapahid ang

iba ng body oil sa kani-kanilang katawan. Mula balikat hanggang tiyan ang iba pa nga

ay hanggang sa kanilang mga binti at paa. Kitang-kita ang kakisigan ng kanilang mga

katawan. Tarantang-taranta ang lahat. Tarantang-taranta sa paghahanda para sa

Swimwear Competition ng Mister San Rafael 2013.

Masigasig na inaasikaso at inaayusan si Xander ni Sir Makalantal na kanyang

Propesor. Concealer dito, concealer doon. Make up dito, make up doon. Wet Look na

ang lahat ng mga kalahok. Mayamaya pa ay ipinatawag na ng Organizer ng Pageant

ang lahat sa labas ng Dressing Room dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na

ang Swimwear Competition.

Hindi agad lumabas sina Sir Makalantal at Xander. Patuloy pa rin na inaayusan

ni Sir Makalantal si Xander. Pinapahiran niya pa rin ng concealer ang ilang mga peklat

ni Xander. Matapos ang ilang saglit, ipinapahid na rin niya ang body oil sa katawan nito.

Napapalunok ito habang hinihimas niya ang makisig na katawan ni Xander. Titig na titig

din ang mga mata niya sa morenong pangangatawan nitp. Titig na titig ito na para bang

anumang oras ay maari itong manuklaw. Patuloy na inaayusan ni Sir Makalantal si

Xander. Nilalagyan niyang muli ng kaunting make up ang katawan nito. Pinahiran niya

ulit ito ng body oil. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Napangisi si Sir

Makalantal kay Xander at gayundin si Xander sa kanya. At ipinagpatuloy niya ang

paglalagay ng body oil upang maging makisig ang katawan ni Xander. Upang mas

maging matikas ito sa mga paningin ng iba.

1

Page 2: Hari

Isa-isa nang lumabas at tinawag ang mga kalahok sa entablado. Hiyawan at

malakas na pagbanggit ng mga pangalan ng mga kalahok ang maririni. Nagtatalo ang

sigwa at hiyaw nga mga tao at ang background music sa entablado.

“Candidate number 7, Carlos Manotoc.” Nagsigawan at nagpalakpakan nag

lahat. At tinawag na nga si Xander, “Candidate number 8, Xander Fernandez.”

Walang lumabas sa entablado. Natahimik ang lahat. Tumigil ang oras. Tanging

ang background music na lang ang maririnig. Pagtataka ang bumalot sa mga mukha ng

audience. Hindi pa lumalabas si Xander.

Mayamaya pa ay lumabas na si Xander. May nagulat. May nagsalubong ang

kilay. May nakaramdam ng init sa kanilang katawan. Ngunit hiyawan at sumisigaw ng

“Xander” nang paulit-ulit ang karamihan.

Hingal na hingal na lumalakad si Gino. Kitang-kita ang kakisigan nito. Makintab

ang kanyang katawan na para bang tunay pawis ang bumabalot dito at ito ay

tumatagaktak. Lumakad siya na may angas at nakangisi na para bang nang-aakit ng

mga manonood na para bang isa siyang haring makapangyarihan.

“Once again, Candidate number 8, Xander Fernandez.”

2