hekasi1-7.weebly.com · web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. dito...

9
SAINT PEDRO POVEDA COLLEGE Sibika at Kultura 2 SY 2011-2012 MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS 1 SESYON 6 AT 7 HANDOUT BILANG 5 Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang mga ito ay pinupuntahan ng maraming tao at turista. Halika at tayo ay mamasyal! BUNDOK (Mountain) Ang bundok ay isang mataas at patulis na anyong lupa. Maraming malalaking puno at halaman dito. Pwede kang mamasyal at umakyat sa mga bundok. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Mt. Apo sa Davao, Mindanao. BUlubundukin (Mountain range) Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga bundok na nagkadikit-dikit. Tulad ng bundok, dito natin makikita ang mayayamang gubat.

Upload: others

Post on 24-Dec-2019

40 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

SAINT PEDRO POVEDA COLLEGESibika at Kultura 2

SY 2011-2012

MGA ANYONG LUPA SA PILIPINAS

1

SESYON 6 AT 7HANDOUT BILANG 5

Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Ang mga ito ay pinupuntahan

ng maraming tao at turista. Halika at tayo ay mamasyal!

BUNDOK (Mountain)Ang bundok ay isang mataas at patulis na

anyong lupa. Maraming malalaking puno at halaman dito. Pwede kang mamasyal at umakyat sa mga bundok.

Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Mt. Apo sa Davao, Mindanao.

BUlubundukin (Mountain range)Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga

bundok na nagkadikit-dikit. Tulad ng bundok, dito natin makikita ang mayayamang gubat.

Page 2: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

2

BUROL (HILL) Ang burol ay mas mababa kaysa sa bundok. Maganda itong taniman ng mga gulay at pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kalabaw at kambing. Pwede rin itong pasyalan ng mga tao.

Pinakakilalang burol sa Pilipinas ang Chocolate Hills sa Bohol. Kulay tsokolate ito sa tag-araw at berde naman sa tag-ulan. Maraming turista ang pumupunta dito.

BULKAN (VOLCANO)Ang bulkan ay bundok na may bunganga

o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda at mataba ang lupa sa paligid ng bulkan kaya mabuti itong taniman ng mga gulay. Ngunit hindi ligtas manirahan dito lalo na kung ito ay aktibo.

May 50 na bulkan sa PIlipinas at 13 dito ang aktibo. Isa dito ang pinakamagandang tanawin na pinupuntahan sa Albay, Bicol. Ito ang Mayon Volcano na halos may perpektong hugis cone ang itsura.

Ang ilan pa sa mga bulkan sa Pilipinas ay ang nasa ibaba.

MT. TAAL -BATANGAS MT. PINATUBO -ZAMBALESMT. PINATUBO -ZAMBALES

PHIVOLCS Philippine Institute of Volcanology and

Seismology

Ito ang ahensiya o agency ng pamahalaan na nag-aaral at nagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan at paglindol sa bansa.

MT.MAYON VOLCANO – BICOLNEAR PERFECT CONE

BUNDOK

BULUBUNDUKIN

ALAM MO BA?

Page 3: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

3

KAPATAGAN (PLAIN)Ang kapatagan ay isang malawak at patag (flat) na

lugar. Dito tumitira ang karamihan ng tao. Maraming malalawak na taniman sa kapatagan.

Ilan sa kilalang kapatagan ay ang Gitnang Luzon (pinakamalawak) , Panay, Cotobato at Negros.

TALAMPAS (PLATEAU)Ang talampas ay isang patag na lugar sa ibabaw ng

bundok. Malamig ang klima dito dahil nasa itaas ng bundok. Maaari din tumira at magtanim sa mga ganitong anyong lupa.

Ang lungsod ng Baguio at Malaybalay sa Bukidnon ay mga talampas. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa klima.

Anu-ano ang mga anyong

lupa ang iyong

nakita na?

BULKANG MAYON

NEAR PERFECT CONE

BULKANG TAAL

BULKANG PINATUBO

Page 4: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

4

LAMBAK (VALLEY)Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan

(in between) ng dalawang bundok.

Ang ilan sa mga lambak ay ang Cagayan Valley na may pinakamalawak na taniman ng tabako; ang Trinidad Valley na kilala sa tawag na “Salad Bowl of the Philippines” dahil karamihan ng mga gulay at prutas ay dito nanggagaling; Compostela Valley sa Mindanao at Marikina Valley sa Luzon.

TANGWAY (peninsula)Ang tangway ay anyong lupa na halos

napapaligiran ng tubig. Ito ay nakausli sa katubigan. Halimbawa: Bicol at Zamboanga

kapuluan (archipelago)Ang kapuluan ay pangkat (group) ng mga

pulo na pinaghihiwalay ng mga anyong tubig na nakapagitan sa mga ito. Halimbawa: Pilipinas

pulo (island)Ang pulo ay anyong lupa

napaliligiran ng tubig. Halimbawa: Marinduque(Luzon), Cebu (Visayas) at Tawi-Tawi (Mindanao)

CEBU

BICOL

Page 5: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

MGA PAKINABANG MULA SA ANYONG LUPA

ANYONG LUPA GAMIT O PAKINABANG IBA PANG PWEDENG PAKINABANG

BUNDOK AT BULUBUNDUKIN*kahoy mula sa malalaking puno na pwedeng gawing bahay at kagamitan

*mga puno na pumipigil sa agos ng tubig ulan para hindi magbaha

*Pinagkukuhanan ng mga sumusunod:

-produktong agricultural (palay, mais, tubo, niyog, halamang gamot, prutas at gulay)

-mga mineral ( ginto, pilak, bakal, nikel, marmol)

*mga tourist spots ng bansa

-Bulkang Mayon-Bulkang Pinatubo-Bulkang Taal-Mt. Apo-Chocolate Hills-Cagayan Valley-Banaue Rice Terraces-Baguio

BUROL*pwedeng taniman

*pwedeng pastulan ng mga hayop tulad ng baka, kambing, kalabaw at kabayo

BULKAN*nagpapataba ng lupa

KAPATAGAN*pwedeng tayuan ng mga bahay at gusali

*taniman ng palay, mais, puno at iba pang halaman

TALAMPAS*taniman ng mga bulaklak, prutas at gulay na pwede sa malalmig na lugar lamang

*pwedeng tirahan ng mga tao

LAMBAK*pwedeng tirahan at taniman

TANGWAY, KAPULUAN AT PULO

buod /summary:5

Page 6: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

Talasalitaan:

filipino ingles filipino ingles

anyong lupa land form mamasyal go around

bundok mountain taniman plantation6

MGA ANYONG

LUPA

BUNDOK

BULKAN

BUROL

KAPATAGAN

LAMBAKTALAMPAS

TANGWAY

PULO

Iba’t –ibang anyong lupa ang makikita sa ating bansa tulad ng bundok, bulubundukin, burol, bulkan, kapatagan, lambak, talampas, tangway, pulo at

kapuluan.Nagpapaganda sa bansa ang iba’t ibang anyong lupa. Dapat nating

ipagmalaki ang mga ito!

Maraming pakinabang na nakukuha ang mga tao sa mga anyong lupa kaya’t dapat pangalagaan ang mga ito.

KAPULUAN

BULUBUNDUKIN

Page 7: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

burol hill pastulan pasture

bulkan volcano mataas high

kapatagan plain mababa low

lambak valley malamig cool

talampas cliff napapaligiran surrounded by

tangway peninsula klima climate

pulo island kumukulo boiling

kapuluan group of islands putik mud

turista tourist tirahan house

nabubulok rotten magtipid save/wise spending

magputol cutting iwasan avoid

MGA SANGGUNIAN:*Pilipinas Kong Mahal ni Jospehine Martinez

*Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal ni Lazelle Pelingo

*Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan ni Lydia Agno et. al

7

Page 8: hekasi1-7.weebly.com · Web viewbulkan ay bundok na may bunganga o crater sa tuktok nito. Dito lumalabas ang apoy, abo, bato at kumukulong putik (lava) kapag pumuputok ito. Maganda

8