hekasi1-7.weebly.com · web viewmatapang na isinulat ni rizal ang noli me tangere at el...

9
SAINT PEDRO POVEDA COLLEGE Sibika at Kultura 2 SY 2011-2012 MGA PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS NATIONAL SYMBOLS OF THE PHILIPPINES ANG WATAWAT MGA SIMBOLO SA WATAWAT 1 SESYON 3 HANDOUT BILANG 3 Kulay bughaw - kapayapaan Kulay pula- katapangan at kabayanihan Tatlong bituin LUZON, VISAYAS AT MINDANAO Tatsulok na kulay puti Pagkakapantay -pantay at kapatiran Ito ang simbolo ng kalayaan ng ating bansa. Ito ay ginawa ng mag-inang sila Marcella at Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa (pamangkin ni Jose Rizal) sa Hongkong. Itinaas ang watawat nang idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,1898 sa Kawit Cavite.

Upload: others

Post on 08-Jan-2020

48 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

SAINT PEDRO POVEDA COLLEGESibika at Kultura 2

SY 2011-2012

MGA PAMBANSANG SAGISAG NG PILIPINAS

NATIONAL SYMBOLS OF THE PHILIPPINES

ANG WATAWAT

MGA SIMBOLO SA WATAWAT

1

SESYON 3HANDOUT BILANG 3

Kulay bughaw -kapayapaan

Kulay pula-katapangan at kabayanihan

Tatlong bituin

LUZON, VISAYAS AT MINDANAO

Tatsulok na kulay puti

Pagkakapantay-pantay at kapatiran

8 sinag ng araw- 8 probinsya na lumaban sa mga Espanyol : Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas.

Read more: http://wiki.answers.com/Q/What_is_the_meaning_of_the_8_rays_of_the_sun_in_Philippines_flag#ixzz1RePGBt2i

Ito ang simbolo ng kalayaan ng ating bansa.

Ito ay ginawa ng mag-inang sila Marcella at Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa (pamangkin ni Jose Rizal) sa Hongkong.

Itinaas ang watawat nang idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,1898 sa Kawit Cavite.

Page 2: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

Pambansang awit : lupang hinirang

Pambansang wika: Filipino

Pambansang bayani: jose rizal

2

Ginawa ni Julian Felipe ang musika nito.

Isinulat ni Jose Palma ang lyrics nito.

Ang dating pangulong si Manuel L. Quezon ang pumili ng pambansang wika noong 1935.

Ang Filipino ang ginawang pambansang wika dahil mas maraming tao ang gumagamit nito.

Isa siyang magaling na manunulat, doctor, pintor at sculptor.

Matapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol.

Siya ay namatay sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta Park.

Tuwing ika-30 ng Disyembre inaalala ang kanyang kamatayan.

Hinahangaan siya ng mga kabataan dahil siya ay matalino, mahilig magbasa at masipag mag-aral.

Page 3: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

BUOD/SUMMARY:

3

Ipinakikilala ng mga pambansang sagisag ang Pilipinas at ang ating pagka-Pilipino.

Igalang at ipagmalaki natin ang ating mga pambansang sagisag.

MGA PAMBANSANG

SAGISAG

WATAWAT NG PILIPINAS

WIKA: FILIPINO AWIT:LUPANG HINIRANG

BAYANI: JOSE RIZAL

Page 4: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

IBA PANG MGA SAGISAG NG PILIPINAS

OTHER SYMBOLS OF THE PHILIPPINES

puno: narra

ibon: agila

hayop: kalabaw

4

Malaki at matigas ang kahoy nito. Makikita ito sa mga kabundukan.

Ginagamit ito sa paggawa ng mga mesa, upuan at iba pang furniture o gamit sa bahay.

Sinisimbolo ng Narra ang pagiging malakas ng mga Pilipino.

Makikita ito sa mga bundok ng Luzon, Mindanao, Samar at Leyte.

Isa ito sa pinakamalaking agila sa mundo.

Ang Philippine Eagle Foundation ang nag-aalaga upang pigilan ang pagkaubos nito.

Ang taas ng lipad nito ang sumisimbolo sa katapangan at mataas na pangarap ng mga Pilipino.

Ito ang katulong at kaibigan ng mga magsasaka.

Nagbibigay ito ng karne at gatas. Ito ay nagiging transportasyon sa mga bukid at rural areas.

Sinisimbolo nito ang kasipagan ng mga Pilipino.

Page 5: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

BULAKLAK: SAMPAGUITA

dahon: anahaw

prutas: mangga

5

Ito ay kulay puti at mabango. Ginagawa itong kuwintas at dekorasyon sa mga korona.

Sinisimbolo ng kulay puti ang pagiging malinis ng kalooban ng mga Pilipino.

Ito ay malapad at may malaking dahon na pwedeng gawing bag, basket, pamaypay at banig.

Sinisimbolo nito ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa paggawa ng mga iba’t-ibang bagay mula sa anahaw.

Ito ay hugis puso at matamis kapag hinog na.

Pwede itong gawing inumin o dried candy.

Sinisimbolo nito ang kabaitan at pagkakaroon ng mabuting puso ng mga Pilipino.

Page 6: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

kasuotan: barong tagalog at baro’t saya

tirahan : bahay -kubo

sayaw: cariÑosa

6

Ang Barong Tagalog ay damit para sa mga lalaki at ang Baro’t Saya ay damit para sa mga babae.

Ginagamit ito sa mga formal occasions o mga espesyal na pagdiriwang o okasyon.

Ipinakikita ng mga Pilipino ang mahusay nilang tindig sa kasuotang ito.

Ang ibig sabihin ng salitang cariñosa ay mapagmahal at magiliw.

Sinasayaw ito ng babae at lalaki. Ang babae ay may hawak na pamaypay na parang nakikipagtaguan.

Sinisimbolo nito ang pagiging magiliw ng mga Pilipino.

Ito ay gawa sa nipa, kogon, kawayan o sawali na bagay sa klima ng Pilipinas na mainit.

Sa ngayon ay nagbabago na ang uri ng mga bahay ng mga Pilipino dahil sa bagong teknolohiya at mga malalakas na bagyo sa bansa.

Sinisimbolo nito ang pagiging simple o payak ng mga Pilipino.

Page 7: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

BUOD/SUMMARY:

7

Ang iba pang sagisag ng bansa ay nagpapakilala din sa Pilipinas.

Pinapaalala ng mga sagisag ang magagandang katangian at ugali ng mga Pilipino.

Naipagmamalaki ang magagandang katangian ng mga Pilipino sa pagsasakilos nito.

Iba pang Sagisag ng Pilipinas

Page 8: hekasi1-7.weebly.com · Web viewMatapang na isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo para ipagtanggol ang bansa sa mga Espanyol. Siya ay namatay sa Bagumbayan na

GABAY SA PAG-AARAL:

FILIPINO INGLES FILIPINO INGLES

sagisag/simbolo symbol kasuotan clothing

gawa sa made of hinahangaan admired

isinulat written igalang respect

watawat flag ipagmalaki be proud

awit song katapangan bravery

tahanan house kapatiran brotherhood

payak simple pagkapantay-pantay equality

malinis clean/pure kasipagan industriousness

kabaitan kindness malikhain creativeness

magiliw charming malakas strong

tindig posture pagmamahal love for

araw sun sinag ray

sayaw dance hinog ripe

katangian quality/character klima climate

bituin star bughaw blue

pula red pamaypay fan

pamangkin na babae niece manunulat writer

klima climate bansa country

pambansa national mahilig likes to

MGA SANGGUNIAN:

*Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal ni Lazelle Pelingo

*Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan Lydia Agno et al.

8