historikal na pagsusuri sa edukasyong pilipino

38

Click here to load reader

Upload: maeleizelgaso20

Post on 09-Aug-2015

150 views

Category:

Education


49 download

TRANSCRIPT

Page 1: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

MA. ELEIZEL GASO Tagapag-ulat

Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong

Pilipino

Page 2: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Paunang Gawain:Isulat sa manila paper ang mga napansin sa

sistema ng edukasyon Noon at Ngayon. Gamitin ang pormat sa ilalim. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang mga natalang kasagutan.

NOON NGAYON

Page 3: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Mga tatalakayin:1. Bago dumating ang mga Kastila.2. Panahon ng Kolonyalismong Kastila.3.Panahon ng Rebolusyong 1896 at

Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas.

4.Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US.

Page 4: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Ang tipo ng edukasyon ay sumasalamin kung anong uri ng lipunan ang namamayani sa isang bansa.

• Ginamit at ginagamit ang edukasyon upang patatagin ang makinaryang ekonomiko at pulitikal ng mapang-aping sistemang umiiral.

Page 5: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• May dayalektikong ugnayan ang edukasyon sa pulitika at ekonomiya ng lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upang ipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon.

• Ang patuloy na pagtugon ng edukasyon sa pangangailangan ng mga dayuhan at malalaking negosyante sa bansa ay siyang tanikalang gumagapos sa ating pag-unlad.

Page 6: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Bago Dumating ang mga Kastila

Page 7: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

• Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay

• Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.

• Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin.

Page 8: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

• Ang mga mandirigma ang nagunguna sa pagtuturo sa sining ng pakikidigma at depensa sa pamayanan.

• Ang edukasyon ay tuwirang nagsisilbi sa kagalingan ng buong barangay dahil ito ay nakabatay sa karanasan ng mamamayan at ekonomikong pangangailangan ng komunidad.

Page 9: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismon

g Kastila

Page 10: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

• Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga Kastila ang halos lahat ng mga manuskripto at edidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang ito raw ay gawa ng diyablo.

• Pangunahing layon ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturo ng Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo sa korona ng Espanya.

Page 11: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

• Ang mga unang paaralan, dala ng mga misyonero, ay pagsunod sa kautosan ni Charles V noong Hulyo 17, 1550 na nagtakda na ang lahat ng mga sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang Español.

• Pinag-aral sa mga sekondaryang paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa mga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.

• Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong 1596 subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon.

Page 12: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

Pamantayang itinayo ng iba’t ibang mga misyonero at kongregasyon:

Colegio Maximo de San Ignacio (1589)- itinatag ng mga Heswita at ito’y naging unibersidad noong 1621.

College of San Ildefonso (1599)- ngayo’y University of San Carlos sa Cebu

College of San Jose (1601)

Page 13: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

Pamantayang itinayo ng iba’t ibang mga misyonero at kongregasyon:

College of the Immaculate Conception (1817)- ngayo’y Ateneo de Manila University

Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario (1611)- ngayo’y Unibersidad sa Santo Tomas

Seminario de Niños Huerfanos de Pedro y San Pablo (1620)- ngayo’y College of San Juan de Letran

Page 14: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

• Minamaliit ng mananakop ang kaalamang lokal samantalang pinalaganap ang konserbatibo at pseudo-siyentipikong kaalaman sa mga paaralang pinapatakbo ng simbahan.

• Patuloy ang pagtuturo ng metapisikal.• Hindi ganap ang pagtuturo ng siyensya.

Page 15: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

• Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskwelahan na magtuturo ng alpabeto sa mga bata at pangunahin ang doktrina ng relihiyong Katoliko.

• Katekismo ang pokus ng edukasyon.• Mekanikal na pinapabasa at pinapamemorya

ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal ng simbahan.

Page 16: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Kolonyalismong Kastila

Education Degree of 1863 naging compulsory ang edukasyong primarya bagama’t may diskriminasyon pa rin sa mga indio at monopolyo pa rin ng simbahan ang edukasyon sa bansa.

Page 17: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

“ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang kakulangan ng edukasyon at kaalaman, na isang sakit mula sa kapanganakan hanggang sa katapusan”

-Jose P. Rizal

Page 18: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Rebolusyong 1896 at

Rebolusyonaryong Gobyerno ng

Pilipinas

Page 19: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas

• Naging mahalaga ang papel ng edukasyon at pagmumulat para sa kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio.

• Sa pagkakamit ng tagumpay sa unang bahagi ng rebolusyon ay agad kinilala ang kahalagahan ng edukasyon.

• Sa panukalang Konstitusyon ni Apolinario Mabini ay tinukoy ang sentral na papel ng Estado upang pangasiwaan ang edukasyon mula sa monupolyong kontrol ng simbahan.

Page 20: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas

• Bawat bayan ay magbibigay ng libreng primaryang edukasyon, ang bawat probinsiya ay magtatayo ng mga sekundaryang paaralan at ang malalaking siyudad ay lalagyan ng mga unibersidad. Sa kabisera ng Republika ay itatago ang isang Central University.

Page 21: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Ibinigay ni Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong sistema ng edukasyon.

• Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hongkong noong 1898 agad siyang naglabas ng mga manipesto tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa.

Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas

Page 22: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Rebolusyong 1896 at Rebolusyonaryong Gobyerno ng Pilipinas

Tala ni Prop. Teodoro Agoncillo tungkol sa edukasyon sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo.

Page 23: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng

Imperyalismong US

Page 24: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sa bansa at magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon.

• Pagkapanalo ni Comodore Dewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong sundalo ang 39 na eskwelahan sa Maynila na may apat na libong (4,000) estudyante.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 25: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Ang mga naunang mga gurong pampubliko ay mga Amerikanong sundalo.

• Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong McKinley noong Enero 1901 ay nailatag ang struktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano.

• Itinatag ang Departament of Public Institution, na nagdala ng mahigit isang libong (1,000) Amerikanong guro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na nakilala bilang mga Thomasites, at ginamit ay ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 26: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

“loyalty of the inhabitanants to the soverienty of the United States, and implanting the ideas of western civilization among them.”

Page 27: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Sa panahon ng pananakop ng Amerikano ay isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura at ang inaral ng mga bata ay pagkanta halimbawa ng Columbia, Star Spangled Banner, ABC, my old Kentucky home, at Maryland, my Maryland.

• Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng mga prayle o misyonaryo sa paghubog ng isip ng mamamayan.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 28: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Krag rifle at libro na hawak ng mga Thomasite ang naging mabisa para sa mga Amerikano.

• Magkatuwang ang simbahan at ang bagong mananakop sa pagpapatupad ng isang kolonya na edukasyon.

• Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na nakikidigma ay ikinital sa isip ng mga bata bilang mga tulisan at masasamang tao.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 29: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay pagtatayo ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, ManilaBusiness School (Polytechnic University of the Philippines ngayon) at Philippine Normal University upang matiyak na ang susunod na guro, klerk, teknokrat at lider ng bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at pamantayang iiwanan ng mga Amerikano.

• Sa bisa ng Act 854 noong 1903 ay pinag-aral ang isang daang matatalinong Pilipino sa Amerika na tinatawag na pensionados.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 30: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Matagumpay ang paggamit ng edukasyon sa pag-impluwensiya sa pag-iisip ng mga Pilipino kaya’t nang maitatag ang gobyernong Komonwelt noong 1935, huling binuwag at ipinasa sa mga Pilipino ng mga Amerikano ang Department of Public Instruction.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 31: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

1. Ang mga guro sa elementarya at hayskul ay walang sapat na kasanayan.

2. Humigit-kulang 82% ng mga kabataan ay hindi umaabot sa Grade 5.

3. Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi naaayon sa pangangailangan ng bansa.

4. Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Mga tampok na paghamon sa kolonyal na edukasyon

Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey sa edukasyon edukasyon sa bansa noong 1925:

Page 32: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

• Sa pagkakatatag ng Komonwelt ay ipinasa na sa mga Pilipino ang pangangasiwa sa edukasyon ng bansa.

• Ilan sa mga hakbang ng gobyernong Komonwelt ay pag-aalis ng Grade 7 sa elementarya, pagpapatupad ng programang universal compulsory primary education, paglalabas ng mga teksbuk na umaayon sa katangian ng lipunang Pilipino, at pagpapahalaga sa edukasyong bokasyunal at adult education.

Panahon ng Pananakop at Paghahari ng Imperyalismong US

Page 33: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Pagsasanay

PANUTO: Tukuyin kung sa aling panahon nangyari ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang :

BDK- Bago dumating ang mga KastilaPKK- Panahon ng Kolonyalismong KastilaPRRGP- Panahon ng Rebolusyong 1896 at

Rebolusyonaryong Gobyerno ng PilipinasPPPI- Panahon ng Pananakop at Paghahari ng

Imperyalismong US.

Page 34: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Pagsasanay

1. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.

2. Ang cura paroko ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskwelahan na magtuturo ng alpabeto sa mga bata at pangunahin ang doktrina ng relihiyong Katoliko.

3. Pinag-aral sa mga sekundaryang paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa mga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.

Page 35: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Pagsasanay

4. Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin.

5. Pangunahing layon ng edukasyon ang pagtuturo ng katolisismo.

6. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura at ang inaral ng mga bata ay pagkanta halimbawa ay ang Columbia, Star Spangled Banner, ABC, My Old Kentucky Home at Maryland, my Maryland.

Page 36: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Pagsasanay

7. Ginamit ang Igles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan.

8. Mekanikal na pinabasa at pinapamemorya ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal ng simbahan.

9. Ang mga guro sa pampubliko ay mga Amerikanong sundalo.

10.Ibinigay ni Apolinario Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong sistema ng edukasyon.

Page 37: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Pagsasanay

Sagot:

1. BDK 6. PPPI2. PKK 7. PPPI3. PKK 8. PKK4. BDK 9. PPI5. PKK 10. PRRGP

Page 38: Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Maraming Salamat (: