historikal na pagsusuri sa edukasyong pilipino

24
Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino Inihanda ng National Union of Students of the Philippines, Hunyo 2006 I. PAMBUNGAD Ang pag-aaral sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay isang pagbabaliktanaw din sa kasaysayan ng lipunang Pilipino. Ang mga pag-unlad at pagkilos na siyang humubog sa lipunang Pilipino ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang pang-edukasyon. Nagmumula sa pagbabagu-bago ng uri at batayang pang-ekonomiko ang antas ng edukasyon sa kabuuan. Ang tipo ng edukasyon ay sumasalamin kung anong uri ng lipunan ang namamayani sa isang bansa. Mula ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyang neokolonyal na pamumuno ng imperyalismong Est ados Unidos, lubos na ginamit at ginagamit ang edukasyon upang patatagin ang makinaryang ekonomiko at pultikal ng mapang-aping sistemang umiiral. Ngunit sa isang banda, may dayale kti kong ugna yan ang eduk asy on sa pul iti ka at ekonomiya ng lipunan. Bahagi ito ng kulturang sumisibol na nagbibigay ng higit na lakas o hamon sa namumunong kalakara n sa lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upang ipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon. Mahalagang bahagi ito ng Rebolusyong 1896 at nagtuluy-tuloy ito maging sa panahon ng pananakop ng Ame rika at pagkak alu klok sa mga papet na Republ ika mul a 194 6. Dominante man ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa, hindi nawawala ang tinig at malawak na kilusan para sa edukasyong magsisilbi sa interes ng mamamayang Pilipino. Ang patuloy na pagtu gon ng edukasyon sa panga nga ilangan ng mga dayuhan at mal ala king negosyante sa bansa ay siyang tan ika lang gumagapos sa ati ng pag-unl ad. Mauunawaan lamang ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa kung uugatin natin ito sa mahabang karanasan ng Pilipinas sa kamay ng dayuhang mananakop. Kailangan ang pagtit ila d-ti lad ng mga bahagi ng luma at mak ada yuha ng sistema ng eduk asy on upang malaman nat in ang susunod nat ing hakba ng sa pakiki baka para sa isa ng makabago at makabayang tipo ng edukasyon. I. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, umiiral na ang iba’t ibang uri ng pamayanan sa Pilipinas. Laganap ang sistemang sultanato at relihiyong Islam sa Mindanao. Dominante ang pyuda l na sistemang pagha hari ng mga sultan at datu. Umiiral din ang sistemang alipin sa ilang pamayanan at sistemang primitibo komunal sa hilagang bahagi ng Luzon. Sa panahon ding iyon, relatibong maunlad ang agrikultura bilang pangunahing batayan ng ekonomiya ng bansa. May maunl ad na pagsasa ka, pangin gisda at pani nisid ng perlas . Mayroon na ring masiglang kalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa nito tulad ng Tsina at Ara bo. Lagana p ang barter bilang pangu nahing uri ng komers iyo sa buong kapuluan. 1

Upload: michaela-krishia

Post on 29-Oct-2015

675 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

TRANSCRIPT

Page 1: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 1/24

Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Inihanda ng National Union of Students of the Philippines, Hunyo 2006

I. PAMBUNGAD

Ang pag-aaral sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay isang pagbabaliktanaw dinsa kasaysayan ng lipunang Pilipino. Ang mga pag-unlad at pagkilos na siyang humubog salipunang Pilipino ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang pang-edukasyon.

Nagmumula sa pagbabagu-bago ng uri at batayang pang-ekonomiko ang antas ngedukasyon sa kabuuan. Ang tipo ng edukasyon ay sumasalamin kung anong uri ng lipunanang namamayani sa isang bansa. Mula ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sakasalukuyang neokolonyal na pamumuno ng imperyalismong Estados Unidos, lubos naginamit at ginagamit ang edukasyon upang patatagin ang makinaryang ekonomiko at pultikalng mapang-aping sistemang umiiral.

Ngunit sa isang banda, may dayalektikong ugnayan ang edukasyon sa pulitika at

ekonomiya ng lipunan. Bahagi ito ng kulturang sumisibol na nagbibigay ng higit na lakas ohamon sa namumunong kalakaran sa lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upangipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon. Mahalagangbahagi ito ng Rebolusyong 1896 at nagtuluy-tuloy ito maging sa panahon ng pananakop ngAmerika at pagkakaluklok sa mga papet na Republika mula 1946. Dominante man angkolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa, hindi nawawala ang tinig at malawak nakilusan para sa edukasyong magsisilbi sa interes ng mamamayang Pilipino.

Ang patuloy na pagtugon ng edukasyon sa pangangailangan ng mga dayuhan atmalalaking negosyante sa bansa ay siyang tanikalang gumagapos sa ating pag-unlad.Mauunawaan lamang ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa kung uugatin natinito sa mahabang karanasan ng Pilipinas sa kamay ng dayuhang mananakop. Kailangan angpagtitilad-tilad ng mga bahagi ng luma at makadayuhang sistema ng edukasyon upangmalaman natin ang susunod nating hakbang sa pakikibaka para sa isang makabago atmakabayang tipo ng edukasyon.

I. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, umiiral na ang iba’t ibang uring pamayanan sa Pilipinas. Laganap ang sistemang sultanato at relihiyong Islam sa Mindanao.Dominante ang pyudal na sistemang paghahari ng mga sultan at datu. Umiiral din angsistemang alipin sa ilang pamayanan at sistemang primitibo komunal sa hilagang bahagi ngLuzon.

Sa panahon ding iyon, relatibong maunlad ang agrikultura bilang pangunahing batayanng ekonomiya ng bansa. May maunlad na pagsasaka, pangingisda at paninisid ng perlas.Mayroon na ring masiglang kalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa nitotulad ng Tsina at Arabo. Laganap ang barter bilang pangunahing uri ng komersiyo sa buongkapuluan.

1

Page 2: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 2/24

Sa pagdating ng mga Kastila ay nadatnannila ang ating mga ninuno na maymaipagmamalaking sariling sining at kultura. Maypaghahabi’t paglililok, paglikha ng mga alahas naginto, pagpipinta, paggawa at pagpapanday ngmga kagamitang pandepensa at pandigma tuladng pana, kris, tabak, kampilan at mga panangga.

Mayroon ding sariling literatura sa anyo ng mgaepiko tulad ng Biag ni Lam-ang, Hudhud, Alim atIndararapatra and Sulayman. Sa panahong ito rinnagkaroon ng unang naitalang alpabetong Pilipinona kilala natin ngayon bilang alibata.

Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mgamagulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata. Ang mgakasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahingbinibigyang pansin. Ang mga mandirigma naman ang nangunguna sa pagtuturo sa sining ngpakikidigma at depensa sa pamayanan. Ang edukasyon ay tuwirang nagsisilbi sa kagalinganng buong barangay dahil ito ay nakabatay sa karanasan ng mamamayan at ekonomikong

pangangailangan ng komunidad.

II. PANAHON NG KOLONYALISMONG KASTILA

Ginamit ng kolonyalismong Kastila ang espada at krus upang sakupin at pagharian angPilipinas. Ang sinumang lumaban ay pinapaslang sa pamamagitan ng espada at ang sinumangsumang-ayon ay pinaluluhod sa krus.

Sa pagpasok ng mga Kolonyalistang Espanyol, lumaganap ang sistemang pyudal atkolonyal. Ipinako ang mamamayang Pilipino sa lupa at hinawakan ng mga Kastila atsimbahan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pangangamkan ng mga lupain at

pagpapatupad ng sistemang Encomienda. Pangunahing tagapagpalaganap ng kulturangpyudal at mistisismo ang simbahan. Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng SimbahangKatoliko at tagapangasiwa ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay tatawaging erehe, pilibustero, atkasusuklaman dahil sa paniniwalang masusunog ang kaluluwa sa impyerno.

Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga Kastila ang halos lahat ng mgamanuskripto at ebidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang itoraw ay gawa ng diyablo. Kung hindi dahil sa pagsasalin-salin sa wika ng mga awit, epiko, atalamat, baka tuluyan na nating nakalimutan ang makulay na nakaraan ng ating lahi.

Pangunahing layon ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturong Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo sa korona ng Espanya. Ang mga unang

paaralan, dala ng mga misyonero, ay pagsunod sa kautosan ni Charles V noong Hulyo 17,1550 na nag-takda na ang lahat ng mga sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang Español.Subalit malalim ang ugat ng diskriminasyon ng mga Kastila sa mga indio, at sinabing hindikailanman maaaring matuto ang mga katutubo ng wika nila, at “mananatiling mga unggoyanupaman ang bihis”.

Pinag-aral sa mga sekondaryong paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno samga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo atcabeza de barangay. Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niños noong 1596 para saadhikaing ito, subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon. Ang iba’t ibang mga misyonero

2

Page 3: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 3/24

at kongregasyon ay nagtayo ng mga pamantasan. Itinatag ng mga Heswita ang ColegioMaximo de San Ignacio noong 1589 at ito’y naging unibersidad noong 1621.Itinatag din nilaang College of San Ildefonso (1599, ngayo’y University of San Carlos sa Cebu), College of San

 Jose (1601), College of the Immaculate Conception (1817, ngayo’y Ateneo de ManilaUniversity). Itinatag naman ng mga Dominikano ang Colegio de Nuestra Señora del SantisimoRosario (1611, ngayo’y Unibersidad ng Santo Tomas) at Seminario de Niños Huerfanos dePedro y San Pablo (1620, ngayo’y College of San Juan de Letran).

Minaliit ng mananakop ang kaalamang lokal samantalang pinalaganap angkonserbatibo at pseudo-siyentipikong kaalaman sa mga paaralang pinapatakbo ng simbahan.Patuloy ang pagtuturo ng metapisika kahit lubos nang nauunawaan ang mga batas ngpaggalaw ng mga bagay bagay. Hindi rin ganap ang pagtututro ng syensya tulad na langhalimbawa ng ipinakita sa El Filibusterismo ni Rizal na ginagawang palamuti lamang ang mgakagamitan sa pag-eeksperimento.

Ang cura paroco ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskuwelahan namagtuturo ng alpabeto sa mga bata at pangunahin ang mga doktrina ng relihiyong RomanoKatoliko. Katekismo ang pokus ng edukasyon. Mekanikal na pinapabasa at pinapamemoryaang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal ng simbahan. Laganap ang paggamit ng

 palmeta bilang pamalo sa mga ayaw at nahihirapang matuto.

Dahil sa Educational Degree of 1863, naging compulsory ang edukasyong primaryabagama’t may diskriminasyon pa rin sa mga indio at monopolyo pa rin ng simbahan angedukasyon sa bansa. Kakaunti pa rin ang nakakatuntong sa mas mataas na antas ngedukasyon. Eksklusibo para sa mga paring sekular at gayundin sa mga anak ng mgakomersyante at lokal na panginoong maylupa ang pag-aaral sa mga Katolikong pamantasansa bansa at sa Europa. Ang mga ilustradong nakapag-aral ang nagpasok ng burges liberal nakaisipan sa Pilipinas tulad ng pagsasarili at nasyonalismo.

Elitista ang edukasyong pinatupad ng mga Kastila. Ipinagkait ang edukasyon sa mgaindio. Ipinako sa lupa at hindi binigyang pagkakataong makapag-aral ang mayorya ng mgaPilipino. Ayon kay Jose Rizal, “ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang

kakulangan ng edukasyon at kaalaman, na isang sakit mula sa kapanganakan hanggang sakatapusan.” Tinuligsa nya ang mga Kastila at mga prayle dahil hindi nakakatugon sapangangailangan ng mga Pilipino ang edukasyon sapagkat wala man lamang mga libro sakasaysayan, heograpiya, moralidad ng Pilipinas na nakabatay sa karanasan nito sa isangsistemang pyudal. Naging hiwalay ang mag-aaral sa kanyang pinag-aaralan.

III. PANAHON NG REBOLUSYONG 1896 AT REBOLUSYONARYONG GOBYERNO NGPILIPINAS

Naging tuntungan ang malawak na diskontento ng mamamayan laban sa marahas napang-aabusong pyudal at kolonyal upang mailunsad ang iba’t ibang mga kilusan at pag-aalsa,at sa pagdaan ng panahon ay nagbuo ng konsepto ng pagiging Pilipino mula sa indio.

Pinagkaisa ng karanasan at pangangailngan ang mga Pilipino upang magkaroon ngkamalayang makabayan at lumaya sa mananakop na Kastila.

Naging mitsa ang panawagan ng sekularisasyon ng mga parokya sa bansa sapaghahangad ng mga Pilipino sa pambansang kalayaan. Pinangunahan nina Padre MarianoGomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora ang kampanya na ipamahala na sa mgaPilipino ang mga parokya laban sa mga abusadong prayle na ayaw bitiwan ang kanilang mgapwesto dahil sa kapangyarihan at kayamanan na nakamkam nila mula dito. Dahil sa mganakapag-aral ang mga Pilipinong pari, ang kanilang pagkamulat ay naipasa nila sa iba pang

3

Page 4: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 4/24

mga Pilipino na naging bahagi ng kilusang mapag-palaya, kabilang na dito si Paciano, kapatidni Jose Rizal, na malaki ang naging papel upang mahubog ang kamalayan ng kapatid.

Naitatag ang First Propaganda Movement nila Rizal, del Pilar, Lopez Jaena at iba pangilustradong nakapag-aral sa Europa noong huling bahagi ng ikalabing-siyam na siglo. Layuninng kilusang ito na palaganapin ang isang makabayan at mapagpalayang kamulatan atedukasyon sa hanay ng mamamayang Pilipino.

Gamit ang panulat at pinsel, ipinakita ang pyudal at kolonyal na uri ng lipunan atpagsasamantala na pinapairal ng mga Kastila sa bansa. Ang La Solidaridad ng mgapropagandista ang naging daluyan ng mga subersibong ideya upang gisingin ang sambayananna labanan ang mahabang panahon ng pagkakalugmok sa kahirapan sa kamay ng mgaKastila.

Naging inspirasyon ang mga rebolusyon sa Pranses, Amerika at Latin Amerika upangmasindihan ang mitsa ng unang pambansang demokratikong rebolusyon sa bansa nanagluwal sa armadong rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan noong 1896. Malaki angnaging ambag ng rebolusyonaryong kaisipan at kulturang ipinalaganap ng Katipunan upangmaipagtagumpay ang kalayaang hinahangad ng mga Pilipino.

Naging mahalaga ang papel ng edukasyon at pagmumulat para sa KataastaasangKagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na itinatag ni AndresBonifacio. Naitalagang patnugot ng Kalayaan, pahayagan ng kilusang ito, si Emilio Jacinto atmadaling naintindihan ng mga mamamayan ang hiwatig ng pagnanasa ng sambayanan parasa kalayaan. Sa pagkalimbag ng Kalayaan, tumalon sa 30,000 ang kasapian ng Katipunan. Si

 Jacinto rin ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan, sa pagsang-ayon ng kasapian nito, at itoang gumabay sa ideolohiya ng buong kilusan. 

Naging larangan ng pag-aaral ang pakikibaka ng mamamayan. Mula sa mga sentrongbayan hanggang sa mga baryo ay nagbuhos ng panahon ang mga Pilipino upang matutunankung paano ibabagsak ang kapangyarihan ng mga mananakop. Binasa ang akda ng mgarebolusyonaryo, nagbuo ng mga samahan, nagbukud-buklod at humawak ng sandata upang

maipagwagi ang minimithing kasarinlan.

Sa pagkakamit ng tagumpay sa unang bahagi ng rebolusyon ay agad kinilala angkahalagahan ng edukasyon upang malubos ang kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila.

Sa panukalang Konstitusyon ni Apolinario Mabini ay tinukoy ang sentral na papel ngEstado upang pangasiwaan ang edukasyon mula sa monopolyong kontrol ng simbahan. Bawatbayan ay magbibigay ng libreng primaryang edukasyon, ang bawat probinsiya ay magtatayong mga sekundaryong paaralan at ang malalaking siyudad ay lalagyan ng mga unibersidad.Sa kabisera ng Republika ay itatayo ang isang Central University .

Ibinigay ni Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong sistema

ng edukasyon. Titiyakin nito ang modernisasyon ng mga paaralan at kung nabibigyan ngmataas na suweldo ang mga propesor. Ang Rector sa mga pamantasan ay magiging bahaging Pambansang Senado.

Ang panukala ni Mabini ay hindi nasunod dahil ang Konstitusyong ginawa ni Calderonang naipasa sa Malolos. Gayunpaman, ipinakita sa atin ni Mabini ang mga demokratikongkahilingan ng mga Pilipino sa pagsusulong ng isang makabayan, makamasa at siyentipikongtipo ng edukasyon.

4

Page 5: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 5/24

Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong noong 1898, agad siyang naglabas ng mgamanipesto tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa. Ito ang tala ni Prop. TeodoroAgoncillo tungkol sa edukasyon sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo:

“The Revolutionary Government took steps to open classes ascircumstances permitted. On August 29, 1899, the Secretary of the Interiorordered the provincial governors to reestablish the schools that have beenabandoned before. To continue giving instruction to the people, Aguinaldo

included in the budget for 1899 an item for public instruction amounting toP35,000. On October 24, a decree was issued outlining the Burgos Institute.

 The curriculum included Latin grammar, universal geography and history,Spanish literature, mathematics, French, English, physics, chemistry,philosophy and natural laws.”

“Higher education was provided for when, in a decree of October 18,1899, Aguinaldo created the Literary University of the Philippines. Professorsof civil and criminal law, medicine and surgery, pharmacy and notariat wereappointed. Dr. Joaquin Gonzales was appointed first president of theuniversity and succeeded by Dr. Leon Ma. Guerrero, who delivered thecommencement address on September 29,1899. The university did not live

long, for the conflict with the Americans led its faculty and students todisperse.”

Sa panahon ng unang pambansang demokratikong rebolusyon ay nailatag na ang binhipara sa isang edukasyong tutugon sa pangangailangan ng lipunan. Ang paghahanda ng daanpara sa ganap na pambansang pag-unlad ay aakuin sana ng pinapanday na edukasyon noonngunit ito ay maagang hinarang ng imperyalistang motibo sa pagpasok ng mga Amerikanonoong 1899.

IV. PANAHON NG PANANAKOP AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG US

Marahas na pananakop, pagsupil sa rebolusyonaryong gobyerno ng Pilipinas,panlilinlang at pakikipagsabwatan sa mga lokal na burgesya at panginoong maylupa angnaging pamamaraan ng imperyalismong Amerikano upang maisakatuparan ang disenyo nitosa Pilipinas noong unang taon ng kanyang pagdating sa bansa.

Milyun-milyong mamamayang Pilipino ang minasaker ng mga tropang Amerikano dahilsa patuloy na paglaban ng mga kasapi’t lider ng Katipunan at mamamayang Moro na wastongnatukoy agad ang pagpasok ng Amerika bilang bagong mananakop.

Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sabansa at magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon. Pagkapanalo ni CommodoreDewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong sundalo ang 39 na

eskuwelahan sa Maynila na may apat na libong estudyante. Ang mga naunang mga gurongpampubliko ay mga Amerikanong sundalo. Para kay General Arthur MacArthur, isangoperasyong militar ang pagtatayo ng marami pang mga eskuwelahan bilang bahagi ngkanilang kampanyang sakupin ang bansa.

Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong McKinley noong Enero 1901 aynailatag ang struktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano.Itinatag ang Department of Public Instruction, nagpadala ng mahigit isang libong Amerikanongguro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na nakilala bilang mga Thomasites, at ginamitang ingles bilang wikang panturo sa mga eskuwelahan.

5

Page 6: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 6/24

Ang edukasyon sa ilalim ng mga Amerikano ay isang mahalagang pagkukundisyon ngating pag-iisip upang tanggapin ang kanilang pamumuno. Hindi lang pagtuturo ang nagingpapel ng mga Thomasites kundi ang pagtitiyak ng “loyalty of the inhabitants to thesovereignty of the United States, and implanting the ideas of western civilization amongthem.” 

Ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga Pilipino na pabor sa pamumuno ng mga

dayuhang mananakop ay resulta ng isang edukasyong dinisenyo ng mga Amerikano upangmabaling ang ating atensiyon mula paglaban para sa kalayaan tungo sa pagkilala sapamumuno ng dayuhan. Araw-araw itinuturo sa mga kabataang Pilipino ang mabuting layuninng mga Amerikano sa pagdating sa Pilipinas at ang kadakilaan ng kanilang sibilisasyon atkultura. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura at ang inaral ng mga bata aypagkanta halimbawa ng Columbia, Star Spangled Banner, ABC, my old Kentucky home, at Maryland, my Maryland. 

Ang kanluraning kamulatan, pag-iisip at edukasyon na ipinalaganap ng mga Amerikanoay nagsilbi rin para sa kanilang pang-ekonomikong interes. Hinubog sa kaisipangkomersiyalismo ang mga Pilipino upang yakapin nila ang mga produktong dala ng mgamananakop. Sa wika ni William Howard Taft, sa simula ay titignan bilang mga luho sa buhay

ang mga produkto nila, subalit sa di kalaunan ay magiging mga pangangailangan ito na hindikayang mawalan ng mga Pilipino.

Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng mga prayle o misyonaryo sa paghubog ngisip ng mamamayan. Kung krus at espada ang ginamit ng mga Kastila sa pananakop ngPilipinas, naging mabisa para sa mga Amerikano ang Krag rifle at ang libro na hawak ng isang

 Thomasite.

Bilang suhol sa mga Katolikong pamantasan na dominante sa bansa, nagpasa ng batasang gobyerno sibil 1906 na nagbigay ng pribilehiyo sa mga eskuwelahan bilang mgakorporasyon, pangunahin ang proteksyon ng mga ari-arian ng simbahan. Magkatuwang angsimbahan at ang bagong mananakop sa pagpapatupad ng isang kolonyal na edukasyon.

Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na nakikidigma ay ikinintal sa isip ng mgabata bilang mga tulisan at masasamang tao. Isang dating guro at lider ng rebolusyon, siHeneral Artemio Ricarte ay sinamahan ang iba pang “irreconcilables”  tulad nina MelchoraAquino at Apolinario Mabini na sapilitang ipinatapon sa Marianas Islands dahil ayaw nilangkilalanin ang pamumuno ng Amerika sa Pilipinas. Si Heneral Malvar, Vicente Lukban atMacario Sakay ay tinaguriang bandido ng mga Amerikano kahit kinikilala silang bayani ngmamamayan.

Sa pagkatalo ng rebolusyon dahil sa pananakop ng Amerika ay hindi natapos angpaglutas ng problema sa lupa. Humantong ang pagsasama ng modernong kapitalismo ng USat domestikong piyudalismo sa bansa upang maisakatuparan ang plano ng US na bansutin

ang pag-unlad ng Pilipinas. Binalangkas ang istruktura ng edukasyon na umaakma samalapyudal na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sa pang-ekonomiyangpangangailangan ng US.

Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay pagtatayo ng mga pamantasan tuladng Unibersidad ng Pilipinas, Manila Business School (Polytechnic University of the Philippinesngayon) at Philippine Normal University upang matiyak na ang susunod na mga guro, klerk,teknokrat at lider ng bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at pamantayang iiwanan ng mgaAmerikano. Sa bisa ng Act 854 noong 1903 ay pinag-aral ang isang daang matatalinong

6

Page 7: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 7/24

Pilipino sa Amerika na tinawag na  pensionados. Sila ang naging mga pinakamasugid na taga-suporta ng dayuhang pananakop pagbalik nila sa Pilipinas.

Matagumpay ang paggamit ng edukasyon sa pag-impluwensiya sa pag-iisip ng mgaPilipino kaya’t nang maitatag ang gobyernong Komonwelt noong 1935, huling binuwag atipinasa sa mga Pilipino ng mga Amerikano ang Department of Public Instruction.

Mga tampok na paghamon sa kolonyal na edukasyon

Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey saedukasyon sa bansa noong 1925:

1. Ang mga guro sa elementary at hayskul ay walang sapat na kasanayan.2. Humigit-kumulang 82% ng mga kabataan ay hindi umaabot sa Grade 5.3. Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi naaayon sa

pangangailangan ng bansa.4. Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles.

Nanggaling mismo sa mga Amerikanong iskolar ang pagtukoy na hindi tumutugon sapartikular na pangangailangan ng Pilipinas ang kolonyal na edukasyong ipinapatupad ng

Amerika sa bansa.

Sa pagkakatatag ng gobyernong Komonwelt ay ipinasa na sa mga Pilipino angpangangasiwa sa edukasyon ng bansa. Kinilala ng binuong National Council of Education atmaging ni Pangulong Quezon ang layo ng agwat ng itinuturo sa mga eskuwelahan at angpangangailangan ng Pilipinas.

Ilan sa mga hakbang ng gobyernong Komonwelt ay ang pag-aalis ng grade 7 saelementarya, pagpapatupad ng programang universal compulsory primary education,paglalabas ng mga teksbuk na umaayon sa katangian ng lipunang Pilipino, at pagpapahalagasa edukasyong bokasyunal at adult education. Gayunpaman, patuloy ang paggamit ng inglesbilang midyum ng pagtuturo at ang ipinatupad na bagong istruktura ng edukasyon ay hindi pa

rin lumalayo sa pamantayan at disenyo ng imperyalismong US. Kinilala man ng gobyernongKomonwelt ang mga kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas, hindi nito isinakatuparan anglubusang pagtatatag ng isang makabayan at makabagong tipo ng edukasyon.

Hindi nakamit ng gobyernong Komonwelt ang layunin nitong universal priamry education. Noong 1935, 1,229,242 kabataan ang naka-enrol sa mga pampublikong paaralan,at pagdating ng 1939, 1,961,861 pa lamang ang nakakapasok sa paaralan. Apatnapu’t-limangporsiyento (45%) lamang ng kabataan sa watong edad ang nakakapasok sa mgapampublikong paaralan.

Ang mga eskuwelahan ay naging larangan din ng paghamon sa sistemang pang-edukasyon, umiiral na mapang-aping kaayusan sa lipunan at ang patuloy na pananakop ng

Amerika sa kabila ng pangako nitong kalayaan para sa Pilipinas.

Mula sa pagtutol ng pagtaas ng matrikula noong 1929 o ang pagsuporta sa Hares-Hawes Cutting Act noong 1933 hanggang sa kampanya para makaboto ang mga kababaihansa eleksiyon noong 1937 ay pinatunayan na ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinasang patuloy na pagsasabuhay ng tradisyong aktibismo ng mga kabataan.

Noong 1930 ay nagwalk-out ang mga estudyante ng isang sekundaryong paaralan saMaynila bilang protesta sa pang-iinsulto ng isang Amerikanong guro sa mga Pilipino.Sinuportahan ito ni Benigno Ramos, isang klerk sa Senado at  protégé ni Quezon. Tinanggal sa

7

Page 8: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 8/24

trabaho si Ramos na nagtulak sa kanya upang itayo ang grupong Sakdal. Binatikos ng mgaSakdalista ang kolonyal na sistemang edukasyon, partikular ang grade school Readers’ Textbook ni Camilo Osias dahil sa pagsamba sa kulturang Amerikano. Higit pa rito ay sinisisinila ang pananakop ng US bilang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at mamamayan.

Isang tampok na kuwento ng kabayanihan sa panahon ng pag-aalsa ng mga pesantenoong dekada trenta ay ang pakikibaka ni Tomas Asedillo, isang guro ng pampublikongpaaralan sa Laguna. Naging lider siya ng welga ng mga manggagawa ng La Minerva Cigar 

Factory sa Maynila na marahas na binuwag ng Constabulary. Tinangka siyang hulihin subalitnakabalik na siya sa Laguna at sumapi sa Katipunan ng mga Anakpawis. Nagingtagapagtanggol siya ng mahihirap at nakilala bilang Robin Hood ng kanilang bayan.

V. PANAHON AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG HAPON

Parang epidemyang hindi makakuha ng lunas ang humagupit na krisis pang-ekonomiyasa buong mundo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi mapigilan angmarahas na digmaan upang maresolba lamang ang pagkakahati ng mundo sa pagitan ng mgaimperyalistang kapangyarihan.

Sa Asya, naging pangunahing imperyalistang bansa ang Hapon. Madaling nasakop ngHapon ang Pilipinas dahil sa kawalan ng sapat na paghahanda ng gobyernong Komonwelt atang sagad-sagaring pag-asa nito sa tulong na hindi maagang binigay ng Amerika.

Bitbit ang programang “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere”, itinuring ng Haponang Pilipinas bilang isang kolonya at itinayo ang papet na gobyerno sa pamumuno ni Jose P.Laurel kasama ang iba pang mga burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Ipinatupad din ng Hapon ang isang kolonyal, pyudal at mapanupil na sistema ngedukasyon. Naging tampok sa programang pang-edukasyon ang pagkakaisa ng mga Asyanolaban sa mapanirang impluwensiya ng kulturang kanluran.

Ito ang karagdagang tala ni Prop. Teodoro Agoncillo:

“The Japanese educational policy was embodied in Military Order No. 2,dated February 17, 1942. Its basic points were the propagation of Filipinoculture; the dissemination of the principle of Greater East Asia Co-ProsperitySphere; the spiritual rejuvenation of the Filipinos: the teaching andpropagation of Nipponggo; the diffussion of the vocational and elementaryeducation; and the promotion of love of labor. The motive behind thiseducational system was not only to create an athmosphere friendly to

 Japanese intentions and war aims, but also to erase Western culturalinfluences, particularly British and American, on Filipino life and culture.”

Sinang-ayunan ng mga akademiko ang pagtukoy sa masasamang impluwensiya ngkanlurang kultura sa buhay ng mga Pilipino tulad ng bulag na pagsamba sa anumangnanggaling sa Amerika o sa mga “puti”, indibidwalismong kaisipan at panatikongpaghahangad ng yamang materyal. Gayunpaman, madali ring natukoy ng mga Pilipino angmaitim na motibo ng mga Hapon kung bakit nais nilang bumaling tayo sa simplistikong birtudng Silangan sa ilalim ng gabay ng Hapon. Hindi kinagat ng mga Pilipino ang pinasusubo saating tipo ng edukasyon kung kaya’t sa panahon ng digmaan, halos 90% ng mga estudyanteay piniling huwag pumasok sa eskuwelahan.

8

Page 9: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 9/24

Mula nang maipasa sa kamay ng papet na Republika ang pangangasiwa ng edukasyonnoong 1943, tinangkang langkapan ng konsepto ng “assertive nationalism” ang sistema ngpagtuturo sa bansa. Ito man ay nayonalismong katanggap-tanggap sa mga imperyalistangHapon, hindi maikakaila ang magandang intensiyon ng ating mga lider upang itatag ang isangmakabago at makabayang edukasyon.

Ilan sa mga hakbang na ginawa nila ay ang sumusunod:

1. Pagkuha ng lisensiya ng mga guro bilang rekisito sa pagtuturo.2. Paggawa ng isang code of professional ethics para sa mga guro.3. Ang mga guro ng relihiyon ay dapat tumalima sa mga patakaran ng Estado.4. Ang mga Pilipino lamang ang maaaring magturo ng Kasaysayan, pambansang

wika at character education sa lahat ng eskuwelahan.5. Ituturo at gagamitin ang pambansang wika sa lahat ng lebel ng edukasyon.6. Ang tuition at iba pang bayarin sa eskuwelahan, kabilang ang sahod ng mga

propesor ay aaprubahan muna ng gobyerno; maaari ring imbestigahan angstatus ng pinansiya ng mga pamantasan.

7. Ang mayorya ng governing board ng mga eskuwelahan ay dapat Pilipino.

Higit na makikitaan ng nasyonalismong motibo ang edukasyon sa panahong ito kaysa

sa panahon ng Komonwelt. Ngunit ito ay nasa balangkas pa rin ng imperyalistang kontrol saating bansa. Anumang magandang motibo para sa sektor ng edukasyon ay nawawalan ngsaysay hanggat ang makinaryang pulitikal at pang-ekonomiya ay nasa kamay ng dayuhan omakadayuhang interes.

Sa pagbalik ng neokolonyal na kontrol ng Amerika sa bansa noong 1946, binasura lahatng programang may kinalaman sa pamumuno ng Hapon, mabuti man o masama para sakapakanan ng mamamayan, kabilang na ang binalangkas na programa para sa edukasyon.

VI. PANAHON NG NEO-KOLONYAL NA PANANAKOP NG IMPERYALISMONG US AT MGAPAPET NA GOBYERNO NITO: 1946-1986

Hindi nagtagal matapos ang pagkatalo ng mga Hapon, ipinagkaloob ng US ang huwadna kalayaan noong Hulyo 4, 1946, bilang pagsunod sa Tydings-McDuffie Law. Ngunit, tiniyakng US na dominado pa rin nito ang pulitika, ekonomiya, militar, kultura at relasyongdiplomasya ng bansa. Matapos na masira ang kalakhan ng bansa dahil sa IkalawangDigmaang Pandaigdig, ginamit ng Estados Unidos ang Rehabilitation Acts at Bell TradeAgreements upang matali pa rin ang Pilipinas sa mga dikta ng imperyalistang bansa. Saganitong paraan umusbong ang malakolonyal at malapyudal na katangian ng bansangPilipinas.

Mula sa panahon ng pagbibigay ng huwad ng kalayaan ng Pilipinas hanggang sakasakukuyan, patuloy na umiiral ang komersyalisado, kolonyal at represibong sistema ng

edukasyon sa bansa. Nagpatuloy ang kolonyal na kaisipan dulot ng impluwensya ng US samamamayang Pilipino. Nanatiling midyum ng pagtuturo ang wikang Ingles sa mga paaralan. 

Sa pamamagitan ng mga paaralan, kasabwat ang simbahan, pinalaganap ng US angkaisipan at kulturang kolonyal at konserbatibo na nagsisilbi bilang muog ng isangmalakolonyal at malapyudal na kultura. Pinalaganap din ang anti-komunistang histerya atnagpapakalat ng mga kontra-rebolusyonaryo at reaksyunaryong kaisipan at teorya sa pulitikaat ekonomiya.

9

Page 10: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 10/24

Year Percent innational budget

1955 30.78%1960 27.50%1970 24.47%1975 11.33%1980 9.01%1981 7.68%

Source: Josefina Cortes, Education and NationalDevelopment

Declining Share of Education in the National Budget

Mula dekada sisenta hanggang nobenta ay mahigit walong libong mga AmerikanongPeace Corp Volunteer ang ipinadala sa bansa upang magturo sa mga eskuwelahan na parangmga Thomasites at naging estudyante nila maging ang mga Pilipinong guro. Sa pamamagitanng mga Amerikanong foundation tulad ng Ford, Luce, Rockefeller, at Fulbright ay nagpatuloydin ang paghubog ng mga Pilipinong estudyante na tapat at sumasamba sa lahat ngperspektibang pabor sa interes ng US.

Sa paglipas ng mga taon, ang edukasyonay pinagkakakitaan na ng malalaking

negosyante. Pagkatapos ng digmaan,biglang lumobo ang bilang ng mgapribadong paaralan sa bansa. Angdominasyon ng pribadong sektor sa kolehiyoay walang kaparis sa buong mundo.Naglipana ang samu’t saring mgaeskuwelahang namimigay ng diploma sakatapat na presyo na walang pinagkaiba saiba pang kalakal sa pamilihan. Ang pagdaming mga eskuwelahan ay nagdulot ngpagbulusok ng kalidad ng edukasyon dahilsa labis na paghangad ng tubo kaysa

magbigay ng tamang serbisyo sa lipunan.

Ang pagtindi ng komersyalisasyon sa edukasyon ay pinaboran ng pamahalaan habangsistematiko nitong pinapasa sa pribadong sektor ang responsibilidad sa edukasyon. Sapagdaan ng mga dekada ay bumaba ang gastos ng pamahalaan sa edukasyon bilang bahaging kabuuang badyet. Sa pagliit ng badyet ay tumindi ang krisis sa edukasyon at bumaba angkalidad ng ating pag-aaral. Hindi sana magkukulang ng guro, klasrum, at pasilidad ang mgaeskuwelahan taun-taon kung mataas ang alokasyon ng pamahalaan sa edukasyon. Napupuntasa pambayad utang at gastos ng militar ang halos kalahati ng pambansang badyet imbes namaglaan ng malaki para sa serbisyong panlipunan. Habang may malaking investment angmga karatig bansa natin sa Asya sa edukasyon (3.3% ng GNP, 1992), ang Pilipinas (2.9%) ay

nagtitipid naman.

Kaakibat nito ay angpagbabalangkas ng struktura ngedukasyon na tutugma sapangangailangan ng Amerika at ngmga korporasyon nito. Naging papel ngedukasyon ang pagsuplay ng mgamanggagawang may kauntingkasanayan at pwede pang matuto ngbagong kasanayan sa mga dayuhang

korporasyon lalo na ng pag-aari ngmga Amerikano.

Ito ang paliwanag sa pag-alis ng ating mga propesyunal upang magtrabaho sa ibangbansa (brain drain). Tumutugon ang ating edukasyon sa pangangailangan ng dayuhan at hindi

kung ano ang kailangan ng ating sariling ekonomiyaupang lumakas. Isang matingkad na halimbawa ayang oversupply ng mga nurse sa ating bansa sakabila ng maliit na domestikong pangangailanganpara sa propesyong ito. Noong 1998, kailangan

10

Number of Private Tertiary Schools

Year Schools GrowthRate

Enrollment

Distribution

1945 105 --- 40,879 90

1950 401 282 176,996 93

1955 351 (12) 174,099 85

1960 339 (8) 261,477 87

1965 440 30 468,000 89

1970 597 36 584,000 90

1975 628 5 666,000 86

1980 774 23 1,069,000 85

1985 785 1.4 1,376,000 85

Source: DECS Statistical Bulletin, 1989 

roduction of Nurses in the Philippines

EAR NO. OF NURSES NO. OF SCHOOLS

919-1950 7,229 17

951-1990 166,430 125

991-1998 149,831 186

999-2002 24,059 240

ource: Prof. Julieta Yabes, Research & Lecture in UPCN,March 2003

Page 11: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 11/24

Income Location

Grade Richest Middle Poorest Urban Rural1 100 99 97 99 982 100 99 96 99 973 99 98 92 98 944 99 97 87 97 915 98 95 80 95 866 97 93 74 92 817 90 83 56 82 67

8 86 76 46 75 609 74 62 32 65 46

Level of Educational Attainment from Age 15-19

Source: Demographic Health Surveys, 1993

lamang natin ng 27,160 nurse samantalang ang demand sa ibang bansa ay umaabot sa150,885.

Ito rin ang paliwanag sa tila mapagkawang-gawang donasyon ng World Bank sa sektorng edukasyon ng Pilipinas. Nais nitong matiyak na tutuparin natin ang ating obligasyon namagtustos ng mga semi-skilled laborers sa pagsuporta sa ating basic education.

Naniniwala ang WB na kailangan lamang ng mga Pilipino ng kaunting kasanayan kaya’tmas pinaboran nito ang pagpopondo sa elementary at edukasyong bokasyonal. Binalangkas atbinigyan ng malaking badyet ng WB ang Third Elementary Education Project ng Pilipinas.Ganundin ang ADB sa proyekto nitong Secondary Education Development ImprovementProject. Mula 1982-1996, nagbigay ang WB ng $385 milyon at $359 milyon naman ang OECFsa edukasyon ng bansa at 2/3 nito ay inilaan para sa elementary at edukasyong bokasyonal.

Sinasabing ang edukasyon ang “great equalizer”  sa lipunan at tagapagtaguyod ngdemokrasya sa bansa. Ito ang susi ng bawat Pilipino, mayaman o mahirap, upang guminhawasa buhay. Pagkatapos ng digmaan, lumaki ang enrolment sa mga eskuwelahan nang walangkapantay sa kasaysayan ng bansa. Mula 1948 hanggang 1970, tumaas ang bilang ng mgaeskuwelahan sa elementary ng 238% at sa High School ng 242%.

Sa likod ng mga numero at paniniwalangito ay hindi maitatago ang patuloy napagiging bulok at elitista ng edukasyonsa Pilipinas. Sa pag-aaral ni Prop. FrancisGealogo ng Ateneo, hindi natupad ngedukasyon ang misyon nitong alisin angagwat ng mga nakakapag-aral sasiyudad-kanayunan, babae-lalaki atmayaman-mahirap. Makikita sa talaan sababa ang diskriminasyon laban sa mgamahihirap at sa mga nanggaling sa

kanayunan pagdating sa access saedukasyon. Kahit ang mga nakatapos ngkolehiyo ay hindi awtomatikongnakakakuha ng trabaho. Sa katunayan,

walang pagkakaiba ang nakatapos ng kolehiyo sa mga hindi nakatapos sa pagkuha ngtrabaho. Mas mataas pa nga ang unemployment rate ng mga nakarating sa kolehiyo kaysa samga hindi nakapag-aral.

 Ang pagsigla ng kilusan para sa isang

makabayan, makamasaat siyentipikongedukasyon

 Tumambad ang isangmalaking krisis saedukasyon noong unangbahagi ng dekada sisentana kinilala maging ng mgamatataas na pinuno ng

11

Education Percent Unemployed

1965 1980 1996No grade 2.8 3.0 2.2Elementary 1-5 years 4.2 3.1 10.3Elementary graduate 7.9 3.8 13.2Secondary 1-3 years 9.5 6.4 15.9Secondary graduate 11.3 7.4 26.3College 1-3 years 14.0 10.5 18.9College graduate and higher 5.8 5.6 12.7

Unemployed Persons by Highest Grade Completed

Source: Yearbook of Labor Statistics, 1983, 1996

Page 12: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 12/24

bansa. Ikinagulat ng marami ang naiiba ngunit matapang na panukala ng Kalihim ngEdukasyon noon na si Manuel Lim na baguhin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sabansa, na ayon sa kanya ay ang pangunahing ugat ng suliranin. Dapat daw nakatuon angpansin ng pamahalaan sa pagkakaroon ng isang makabayang edukasyon. Isang edukasyon namay pagpapahalaga sa sariling kultura, wika at kasaysayang Pilipino na kasabay angpagdebelop sa mga mag-aaral ng isang kamalayang sibiko at patriyotiko.

Hindi papayagan ng US ang ganitong paghamon sa kanilang pamamayani sa sektor ng

edukasyon kaya’t agad binuo ang isang grupo ng mga Amerikano mula sa InternationalCooperation Administration at mga Pilipino mula sa National Economic Council upangmagbigay ng rekomendasyon sa kinakaharap na problema ng edukasyon sa Pilipinas. Taliwassa makabayang panukala ni Lim, idiniin ng grupo ang pagpapalakas ng edukasyongbokasyonal sa Pilipinas na susuporta diumano sa industriyalisasyon ng bansa. Ang panukalangito ang repormang sinunod ng rehimeng Marcos at malinaw na ito ay isang adyenda ng US namas pabor sa kanilang interes.

Habang pinag-uusapan ang mga panukalang ito, dumadagundong na sa buong bansaang protesta ng mga estudyante at kabataan sa loob at labas ng eskuwelahan. Nilunsad angSecond Propaganda Movement  ng mga kabataang intelekwal bilang pagpapatuloy ngnaunsyaming rebolusyon noong 1896 at pagkundena sa tinukoy nilang tatlong salot ng

lipunan: imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

Ang pagsigla ng bagong-tipo ng pambansang demokratikong kamalayan ay aktibongnilahukan ng mga estudyante kasabay ng pagbatikos nila sa kolonyal, komersyalisado atrepresibong edukasyon. Nagbuo sila ng mga samahang nakipaglaban para sa pagtatayo ngmga konseho ng mag-aaral, pahayagang pangkampus, academic freedom, kalayaangmagpahayag at karapatang konsultahin tuwing magtataas ng matrikula.

Nagdaos sila ng maraming mga Discussion Group (DGs) at Teach-in sa mgaeskuwelahan tungkol sa kasaysayan ng bansa, partikular ang propaganda movement atrebolusyong 1896. Pinag-aralan nila ang mga akda ni Recto, Constantino at Jose Maria Sison.Matapat nilang inaalam ang anti-imperyalistang pakikibaka sa buong mundo lalo na sa

Vietnam, Cambodia at Laos. Sa huli ay matiyaga nilang pinag-aaralan ang mga siyentipikongaralin tungkol sa uri, lipunan at rebolusyon ng Marxismo-Leninismo at kaisipang Mao Zedong.

 Tinuligsa ng mga estudyante ang konserbatismo at obskurantismo sa mga eskuwelahanlalo na ang tinatawag nilang kleriko-pasistang edukasyon ng mga katolikong pamantasan.Binunyag ang tumitinding amerikanisasyon ng UP. Walang magawa ang mga eskuwelahan sakakaibang tapang ng mga estudyante sa paglalabas ng kanilang hinaing. Walang malingpulisiya ang hindi tinunggali. Walang mapang-abusong awtoridad ang hindi nakatanggap ngpuna. Ngayon lamang lubusang hinamon ang kultura at kaisipang dominante sa mgapaaralan.

Humantong ang aktibismo ng kabataan sa kinikilala natin ngayong First Quarter Storm

ng 1970. Sa unang tatlong buwan ng taon ay nagdaos ng malawakang pagkilos ang mgakabataan sa buong bansa bilang protesta sa kahirapan at umiiral na kaayusan sa lipunan.

Dahil sa protesta ng mga estudyante, tumambad sa madla ang mga problema atkolonyal na oryentasyon ng edukasyon. Napilitang umangkop ang mga eskuwelahan atmaging ang pamahalaan sa mga akusasyong ito at mula noon ay nagpostura silangmakabayan at demokratiko ang mga paaralan sa bansa. Higit sa pagbusisi sa edukasyon, angpagkilos ng mga estudyante ay nagbigay ng mas masinsing edukasyon sa mamamayantungkol sa tunay na kalagayan ng pulitika, ekonomiya at kultura ng bansa.

12

Page 13: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 13/24

Pagsidhi ng krisis sa edukasyon sa panahon ng Rehimeng Marcos

Sinalubong ng malalang krisis sa ekonomiya ang pangalawang termino ni PangulongMarcos dahil sa pagkabangkarote ng kaban ng bayan dulot ng matinding korapsyon noongnakaraang halalan. Mataas ang presyo ng bilihin samantalang mahirap ang kabuhayan ngmamamayan. Apektado rin ang papalubhang krisis sa edukasyon.

Upang itago ang idinudulot nitong krisis sa pulitika tulad ng paglaban ng mgamanggagawa, magsasaka at kabataang estudyante, kabilang na rin ang planong pagbabagosa makadayuhang Konstitusyon, nagsagawa ang pamahalaan ng ilang pagbabago sa iba’tibang ahensiya nito.

Binuo ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) napinondohan ng Ford Foundation upang pag-aralan daw ang naaabot ng edukasyon sapagtugon nito sa pang-ekonomikong pangangailangan ng bansa at iakma sa “global economicdevelopment.” Mabilis na tinukoy ng mga estudyante na ito ay isang panandalian ngunit di-epektibong solusyon sa krisis sa edukasyon.

Sa ulat ng PCSPE (Education for National Development, New Patterns, New Directions)

noong 1970, sinabing hindi raw napapakinabangan ng husto ang ating mga graduate dahilhindi angkop sa manpower requirement ng ekonomiya. Nagpanukalang baguhin ang pokus ngedukasyon sa bansa sa paghuhubog ng trainable at mobile assembly line ng mga semi-skilledna manggagawa, farmhand, at mga craftsmen.

Malaki ang naging implikasyon ng ulat para sa edukasyon ng mga Pilipino hanggang sakasalukuyan. Ginamit ang PCSPE upang tuluyan ng i-overhaul ang edukasyon upang magingsandigan ng pre-industrial, backward agricultural at foreign dominated na ekonomiya ngbansa.

Pinalakas ang polytechnic school system at edukasyong bokasyonal para sa suplay ngmga manggagawa sa mga Multinational Corporation (MNCs). Ipinatupad ang National College

Entrance Examination upang isala ang mga estudyanteng didiretso sa higher education atyung kukuha ng bokasyonal na edukasyon. Binuo ang National Manpower Youth Council(TESDA ngayon) at Bureau of Non-Formal Education na magtitiyak na tuluy-tuloy angpagsasanay ng mga kabataan batay sa pangangailangan ng mga MNCs na nakabase saPilipinas at batay sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan.

Dahil sa mga pagbabagong ito, lumitaw ang mga kursong mataas ang demand sa ibangbansa. Lumaki ang bilang ng mga manggagawang (karamihan ay inhinyero) pinadala natin saMiddle East mula 1975 (12,500), 1977 (36,676) hanggang 1980 (157,394). Paparami rin angmga seamen na napapakinabangan ng mga dayuhang korporasyon at umabot ito sa rurok na140,000 noong 1990. Tinugunan ng PCSPE ang papel ng Pilipinas sa pagsuplay ng muranglakas paggawa sa buong mundo.

Sa pagpasok ng Martial Law, lalong tumingkad ang halaga ng sistema ng edukasyonupang pagsilbihan ang pasistang rehimeng US-Marcos. Kailangang baguhin ang mga aklat ngkasaysayan at kurikulum sa eskuwelahan upang maging katanggap-tanggap ang “BagongLipunan” ni Marcos at itago ang pasistang mukha ng batas militar.

Noong 1972 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Education Development Act of 1972na naglalayong magkaroon ng isang “development education” sa susunod na sampung taon.Gamit ang inisyal na alokasyon na P500 milyon at sa tulong ng WB, ginabayan nito ang pag-

13

Page 14: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 14/24

unlad ng ekonomiya sa kanayunan upang mapadali ang integrasyon nito sa pandaigdigangkapitalistang agrikultura.

Ginamit ang dayuhang kapital upang lalong patatagin ang pagkiling ng edukasyon sapagsuplay ng mga bagong graduate na may sapat na kasanayan at mapapakinabangan nanghusto ng mga dayuhan. Ang dating Philippine College of Commerce ay ginawang PolytechnicUniversity of the Philippines. Ang UP ay hinati sa mga autonomous unit na may kanya-kanyang ispesyalisasyon at itinayo ang mga bagong programa mula sa pondo ng mga

dayuhang korporasyon at bangko na tumutugma sa disenyong inilatag ng PCSPE. Itinatag angPhilippine Center for Advanced Studies sa UP Los Banos, College of Fisheries sa UP Visayas,Health Sciences Center sa UP Manila at Asian Institute of Tourism, School of Economics,College of Business Administration at Transport Training Center sa UP Diliman.

Luminaw pa ang tunay na layunin ng mga bagong programa sa edukasyon nang mismoang WB ang naglaan ng $767 milyon para sa Textbook Development Program ng bansa. Angplano ay ang pagsusulat ng mga bagong aklat ng mga guro at estudyante mula Grade 1hanggang hayskul.

Noong 1984, tinatayang may 85-92 milyong kopya ng mga teksbuk ng WB angnaipamahagi sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Ang humubog sa ating murang kamalayan

ay mga aklat na disenyo ng mga dayuhang may motibo at interes na kontra-Pilipino.

Sa kabilang banda, ang mga kursong pilosopiya, agham panlipunan, sining at literatura,law, education, economics at business ay naging bahagi naman ng pagpapalaganap ngkulturang maka-US at konserbatibo. Ang mga paaralan ay naging instrumento para saindoktrinasyon ng malakolonyal at malapyudal na kultura at kaalaman.

Isinabatas naman ang Education Act of 1982 sa kabila ng malawak na pagtutol mula sasektor ng edukasyon. Ito ang nagbigay daan sa malayang pagtataas ng matrikula sa mgapribadong paaralan at nagpatindi ng krisis sa edukasyon. Ginawa ito ni Marcos bilang suhol samga pribadong paaralan upang suportahan nila ang mga itinakdang programa’t proyekto ngWB sa edukasyon.

Pagpapatuloy ng laban sa kabila ng terorismo ng estado

Hindi napigilan ng pangil ng pasismo ng estado ang pagsulong ng demokratikongkilusan para sa isang makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon. Kahit sa madilim nayugto ng batas militar ay nagawang ipaglaban ang interes ng mga estudyante at guro sasektor ng edukasyon.

Noong 1969, pinangunahan ng Manila Public School Teachers’ Association ang kauna-unahang mass-leave ng mga guro upang hilingin ang pagpapatupad ng pagtaas ng sahod atiba pang benepisyo. Noong 1974 ay kinilala ng Supreme Court ang petisyon ng mga guro sapribadong paaralan na magtayo ng unyon. Noong 1978 ay itinayo ang kauna-unahang welga

ng mga manggagawa sa edukasyon ng mga empleyado at guro ng Gregorio AranetaUniversity Foundation. Pagkaraan ng ilang linggo ay napatalsik nila ang kinamumuhiangpresidente ng pamantasan at ibinigay ang hinihiling nilang pagtaas ng sahod.

Noong 1977 ay binuo ang alyansa ng mga estudyante laban sa pagtaas ng matrikula.Naglunsad ng mga koordinadong boykoteo, martsa at noise barrage ang mga estudyante saiba’t ibang kampus at maraming paaralan ang napilitang magbaba ng matrikula, habang angiba’y pumasok sa negosasyon at nagbigay ng konsesyon sa pasilidad sa kampus.

14

Page 15: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 15/24

Debt Servicing and Education as % share of GDP (1981-2006)

2.1 21.7 1.5

22.3

2.52.8 3 3.1

2.7 2.82.6 2.7

3.23.4

3.9 43.7 3.5 3.3

3.1 32.7 2.5 2.42.4 2.6 2.4

2.8

3.8

5.7

10.2

8.9 9

9.99.7

8.17.7

77.2

5.4 5.2

6.2

6.9 6.8

7.5

8.9

10.911.2

12.7

12

  1   9   8  1

  1   9   8   2

  1   9   8  3

  1   9   8  4

  1   9   8   5

  1   9   8  6

  1   9   8   7

  1   9   8   8

  1   9   8   9

  1   9   9  0

  1   9   9  1

  1   9   9   2

  1   9   9  3

  1   9   9  4

  1   9   9   5

  1   9   9  6

  1   9   9   7

  1   9   9   8

  1   9   9   9

   2  0  0  0

   2  0  0  1

   2  0  0   2

   2  0  0  3

   2  0  0  4

   2  0  0   5

  (   p  r  o   j   e

  c  t  e  d

  /   p  a  r  t   i  a   l   )

   2  0  0  6

  (   p  r  o   j   e

  c  t  e  d

  /   p  a  r  t   i  a   l   )

Education

 Total debt servicing

Naging inspirasyon sa maraming eskuwelahan ang patuloy na paglaban ng mga mag-aaral at guro ng UP mula nang maipataw ang batas militar sa bansa. Iginiit ng di-iilangpamantasan ang karapatan nilang maging daluyan ng demokratikong ideya, pabor o palabansa namumunong rehimen ng bansa.

Dahil sa tuluy-tuloy na pagkilos ng mga mag-aaral, 1979 pa lamang ay naibalik angmga konseho ng mag-aaral ng ilang kolehiyo sa UP. Sinundan ito ng nilunsad na democraticreform movement  mula 1978-1982 sa buong bansa upang maibalik ang pangunahing

karapatan ng mga estudyante na magkaroon ng konseho, pahayagan at mga organisasyon.

 Taong 1980-81 ng muling nilunsad ng mga mag-aaral ang kilusang boykot laban sapagtaas ng matrikula. Sa pagkakataong ito, mahigit 400,000 na mag-aaral ang lumahok saboykot sa mahigit 60 na paaralan sa buong bansa. Matapang na nilabanan din ang EducationAct of 1980 dahil sa idudulot nitong pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at atakesa awtonomiya ng mga pampublikong pamantasan. Napigil ang pagsasabatas nito ngdalawang taon.

Sa gitna ng lumalakas na kilusan laban sa rehimen ay napilitang magbigay ngkonsesyon ang estado sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Ministry of National Defense at League of Filipino Students. Ang MND-LFS accord ay nagpaalis sa mga

militar sa mga eskuwelahan, nagbawal ng pakikialam ng militar at paggamit ng dahas sa mgaaksiyong protesta sa mga eskuwelahan, at nagbawi sa praktika ng mga security guard namanghuli ng mga estudyante.

Ang huling tatlong taon ng rehimeng Marcos ay tinapatan ng sunud-sunod atpapalaking pagkilos ng mga estudyante, guro at mamamayan. Taong 1983-84 nangmaipagtagumpay ang isang daang boykot sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Sumunod nataon ay inilunsad ang 220 boykot sa 53 na eskuwelahan sa National Capital Region. Mahigit30,000 guro mula sa Maynila at Gitnang Luzon ang lumahok naman sa mass-leave noongSetyembre 1985 upang hilingin ang P3,000 pagtaas ng buwanang sahod.

Hindi na maikaila ng estado ang mahigpit na imperyalistang kontrol sa edukasyon ng

bansa. Madaling iugnay ang suporta ng imperyalismo kay Marcos sa makadayuhang programasa edukasyon ng Pilipinas. Ang kahirapan at kalupitang dinanas ng bansa kay Marcos aynaging halimbawa upang makita ang katumpakan ng pagkakaroon ng isang makabayan,makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon.

VII. NAGPAPATULOY NA KOLONYAL, KOMERSYALISADO AT MAPANUPIL NA SISTEMANG EDUKASYON

Patuloy ang pagdausdosng edukasyong Pilipino kahit sapagkabagsak ng diktaduryang

Marcos. Nanatiling nakakapit saimperyalistang kontrol at diktaang mga patakaran saedukasyon. Nagkaroon ng iba’tibang mga pag aaral napinondohan ng IMF-WB-ADBhinggil sa edukasyong Pilipinokatulad ng EDCOM, PESS, PCERsubalit ang kanilang mgarekomendasyon ay hindi

15

Page 16: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 16/24

181.65 205.46 230.79270.95 300.7

379.86

345.98391.34

439.59497.88

554.489

777.29

334.89 353.03

614.54

722.41

0

100

200

300

400

500

600

700

800

900

1999-2000

2000-2001

2001-2002

2002-2003

2003-2004

2004-2005

2005-2006

2006-2007*

National Average NCR Average

Average tuition increase, NCR and National Average(cost per unit)

Student performance onmathematics and science tests: Rankingamong 38 countries

umaangkop sa kalagayan ng lipunang Pilipino, bagkus ay mayroong pagkiling sa interes ngpribado at pandaigdigang merkado.

Niyakap at inako ni Corazon Aquino sa kanyang pagkapangulo ang lahat ng utang ngmga Marcos bagaman ang kalakhan ng mga ito ay hindi napakinabangan ng mamamayangPilipino. Kahit na nailagay sa Saligang Batas 1987 na ang edukasyon ang dapat nanakakatanggap ng

pinakamataas na alokasyonng badyet, hindi itonaisakatuparan ng mga papetna rehimen mula kay Aquinohanggang kay Arroyo. Ayon satsart sa itaas, ang averageshare ng edukasyon sa GrossDomestic Product  ay 2.8porsiyento lamangsamantalang ang para sapambayad utang ay 7.3porsyento. Sinasabi ng

UNESCO na ang minimum nadapat na ilaan ng isang bansasa edukasyon upang umunladay anim na porsiyento.

Samantalang kinakaltasan ang badyet ng pampublikong edukasyon na nagbunsodupang magtaas ng matrikula maging ang mga paaralang ito, patuloy naman ang pagtaas ngmga bayarin sa mga pribadong paaralan, kasabay ng paglobo ng kanilang bilang.

Patuloy din naman ang korporatisasyon ngmga eskuwelahang pampubliko. Gusto ngpamahalaan na pamunuan ang mga SCU bilang

mga korporasyon. Kung kaya’t ang sukatan ngtagumpay ng isang eskuwelahan ay batay sa“cost recovery and maximization of resourcesschemes” at hindi kung ito ay nakakapaglingkodba sa tao at komunidad. Pangunahingkunsiderasyon ang market requirements sapagpaplano ng mga bagong programa saedukasyon. Dahil ito ang pokus ng pamahalaan,dumarami ang mga malalaking negosyante napinapasok ang larangan ng edukasyon.

Samantalang tumataas ang halaga ng

edukasyon, kasabay din nito ang pagbaba ng kalidad nito. Dahil sa motibo ng mga kapitalista-edukador na kumita ng pera mula sa edukasyon at ang pagsasawalang-bahala ng gobyerno,nagsulputan ang mga paaralan na wala namang kakayahan sa pagtuturo mula sa aspeto ngkanilang kaguruan hanggang sa pasilidad. Dagdag pa sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon ayang kakulangan ng suporta ng estado sa pampublikong edukasyon na nagbubunsod ngkakulangan sa mga pasilidad, mga teksbuk, at mga guro. Bagkus, hindi kagulat-gulat angpagbaba ng kalidad ng edukasyon; ito’y epekto lamang ng mga patakaran ng pamahaan.

 A. Papet na Rehimeng Aquino

16

Page 17: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 17/24

Nagbunyi ang mamamayan sa pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos at malaki anginaasahan sa bagong luklok na rehimen na isasakatuparan nito ang mga pagbabagongkinakailangan ng bansa upang pigilan ang pagbulusok ng ekonomiya at krisis sa lipunan.

Dahil sa patuloy na paglakas ng kilusan para sa makabayang edukasyon, napilitan angpamahalaan na itaas nang bahagya ang badyet ng edukasyon. Itinalaga din ng bagongKonstitusyon ang compulsory at libreng pag-aaral sa hayskul.

Gayunpaman, karamihan sa mga kahilingan ng sektor ng edukasyon ay patuloy napinagkait ng rehimen. Nakalugmok pa rin sa mababang pasahod ang mga guro at hindipinakinggan ang panawagan ng mga kabataan na kontrolin at tuluyang pigilan ang pagtaasng matrikula. Sa halip ay lalong tumindi ang krisis sa edukasyon dahil sa mga bagongprogramang pinatupad ng pamahalaan.

Sa pamunuan ni Aquino higit na nalantad ang kutsabahan ng mga kapitalista-edukadorat pamahalaan. Halos taun-taon binabago ang guidelines hinggil sa matrikula at palagi itongumaayon sa kagustuhan ng mga pribadong eskuwelahan. Isinuko ang kinabukasan ng mgakabataan sa kamay ng mga ganid na kapitalista-edukador.

1. MECS Order #22 series of 1986 na naglagay ng ceiling ng 15% tuition fee increase para

sa non-accredited na paaralan at 20% para sa mga accredited.2. DECS Order #37 series of 1987 10% tuition fee increase para sa mga accredited na

eskuwelahan.3. DECS Order #39 series of 1988. Nagsaad na wala ng ceiling ang tuition fee increase.

Naamyendahan bilang 39-A matapos ang malawak na pagtutol.4. DECS Order #6 series of 1989. Walong pisong tuition fee increase sa upperclass at

deregulasyon ng matrikula sa freshmen5. DECS Order #37 series of 1990 na hindi na regulated ang matrikula sa mga freshmen,

hayskul at kolehiyo, pagsulat ng waiver, at pagtaas ng matrikula sa upper year ay bataysa tantos ng implasyon.

6. DECS Order #50 series of 1990. Pagluwag sa tuition fee increase sa mga 1st year samga paaralang may accredited na programang umaabot sa level 2.

7. DECS Order #136 series of 1990. Nagpahintulot ng dalawang beses na pagtataas ngmatrikula sa loob ng isang taon sa Region 3,4,5 at NCR. 

8. DECS Order #16 series of 1991. Pagtataas ng matrikula batay sa regional inflation.9. DECS Order #30 series of 1991. Nagtakda ng 30% tuition fee increase.10.DECS Order #137 series of 1992. Deregulasyon ng tuition fee increase ng 18 “excellent

schools.”11.DECS Order #21 series of 1993. Deregulasyon ng tuition fee increase sa lahat ng antas.

Patuloy ang paghahanap ng katanggap-tangap na programa upang talikuran ngpamahalaan ang responsibilidad nito sa edukasyon. Noong 1989, ipinatupad sa UP angSocialized Tuition and Financial Assistance Program(STFAP) upang diumano’y gawingdemokratiko ang pag-aaral sa pamantasan. Kalauna’y lumabas din ang tunay na motibo ng

estado na iskema ito upang magtaas ng matrikula sa “mapanlikhang paraan”. Mula P40 perunit ay biglang lumobo ang tuition sa P200 noong unang taon pa lang ng implementasyon ngprograma. Hindi nakapagtataka kung bakit sa kasalukuyan ito’y pinapatupad na sa lahat ngpampublikong eskuwelahang bokasyunal at nakaambang ipatupad na rin sa lahat ngpublikong kolehiyo sa bansa. Hindi tuwiran ang pagtaas ang matrikula, kumikita angpamantasan at lumiliit pa ang subsidyo ng pamahalaan habang ipinagyayabang na ito’y parasa demokratisasyon at modernisasyon ng edukasyon sa bansa.

Higit na pinaboran ang paglaki ng papel ng pribadong sektor sa edukasyon nangisinabatas ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o

17

Page 18: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 18/24

GASTPE. Naglaan ng subsidyo ang pamahalaan sa mga pribadong eskuwelahan upangpagtakpan ang kakulangan nito na ibigay ang libreng edukasyon sa mga Pilipino. Babayarandiumano ang tuition ng mga mahihirap subalit hindi naman pinigilan ang taunang pagtaas ngmatrikula na siyang hinahanap na tulong ng mga kabataan at mahihirap.

Hindi maitago ang pagkabangkarote ng edukasyon sa bansa kung kaya’t muli nanamang sinuri ang sistemang pang-edukasyon ng binuong Education Commission (EDCOM)1991 na malao’y naging Congressional Oversight Committee for Education. Wala namang

inulat na bago ang EDCOM  maliban lamang sa pagdidiin na hindi pa rin magkatugma angating mga graduate at pangangailangang manpower ng ating ekonomiya. Inamin din nito naisang dahilan sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang maliit na investment nggobyerno sa edukasyon. Kinilala ang bumabagsak na literacy rate, idiniin angpangangailangang magpokus sa basic education, at (maling) tinukoy bilang pangunahingsuliranin ng edukasyon sa bansa ang “inefficiencies in decision-making and organizationalmechanism in the implementation of education programs.”

Sinunod ang rekomendasyong bumuo ng tatlong magkakahiwalay na ahensiya na maypartikular na pokus at tungkulin sa pagbibigay ng serbisyong edukasyon. Pormal na itinalaganoong 1994 ang Department of Education (elementar at hayskul), Commission on HigherEducation (kolehiyo) at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA

(edukasyong bokasyunal at teknikal).

Ang pagtibag ng higanteng burukrasya ng edukasyon ay lumutas ng mga kagyat naproblema sa organisasyon at pamamahala ng mga eskuwelahan. Subalit lumipas ang ilangtaon ay hindi pa rin nito natutugunan ang mayor na layunin kung bakit ito ipinatupad, at itoang pigilin ang pagbulusok ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ngayon may panukala namagbuo ng coordinating agency na mag-uugnay sa tatlo upang magkaroon ng iisangdireksiyon ang edukasyon sa bansa.

Ibinaling ang sisi sa “efficiency” ng pamamahala at pagpapatupad ng mga programasamantalang matagal ng sinasabi ng mga iskolar na ang pangunahing suliranin ng edukasyonsa bansa ay nakaangkla sa kolonyal na oryentasyon o imperyalistang kontrol sa edukasyon ng

mga Pilipino. Ang bulag na pagsunod sa adyenda ng IMF-World Bank ang pangunahingbumabansot sa pagsilbi ng edukasyon sa pag-unlad ng Pilipinas.

B. Papet na Rehimeng Ramos

Ginamit ng rehimeng Ramos ang EDCOM upang maisulong ang programang Education2000. Nakabatay ito sa binalangkas na Medium Term Philippine Development Plan oPhilippines 2000. Lulutasin daw ang kahirapan sa pamamagitan ng “people empowerment atglobal competitiveness.” Panibagong rekomendasyon ito ng IMF-World Bank na higit napinatingkad ang malapyudal na ekonomiya ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ginamit nastratehiya ang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon.

Ang Education 2000 daw ang solusyon sa matinding krisis sa edukasyon. Kapuna-punaang mga panukala nito: “relaxing or liberalizing the heretofore restrictive regulatoryframework for private education; and rationalizing the role and function of the state tertiarysystem of education.”

Nagpatuloy ang edukasyong nakaangkla sa isang ‘export-oriented, import-dependent’na ekonomiya lalo na’t minadali ng pamahalaan ang pribatisasyon at patakarangliberalisasyon sa sektor ng edukasyon. Tumindi ang komersyalisasyon ng mga SCU at pinalakipa lalo ang papel ng mga kapitalista-edukador sa pagpaplano ng programa ng pamahalaan saedukasyon.

18

Page 19: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 19/24

Mula 1992-95, dumoble ang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa. Sumulpot angmga pre-school na nagongolekta ng napakataas na matrikula dahil sa patakarangliberalisasyon. Sa paanyaya ng pamahalaan, naglipana ang mga eskuwelahang nagtataguyoddaw ng ‘global competitiveness’, partikular ang mga IT schools. Napakinabangan ng husto ngibang bansa ang ating mga bagong graduates habang patuloy na nakapokus ang atingedukasyon sa dayuhang pangangailangan.

Ginawa ng CHED ang Long Term Higher Education Development (LTHEDP) 1996-2005na pawang pagsunod sa dikta ng dayuhan na bawasan ang badyet sa mga kolehiyo,magpokus sa agham at teknolohiya at umayon sa globalisasyon ng edukasyon. Kapuna-punaang CHED Memo #59 na naglimita ng mga kursong social sciences sa kolehiyo. Ikinatuwa ngmga MNCs at mga malalaking negosyante sa bansa ang pagsasabatas ng Dual TrainingSystem Act dahil sa ibinunga nitong maramihang internship ng mga estudyante sa kanilangmga kumpanya.

Isinabatas ang Higher Education Modernization Act of 1997 na nagbigay daan sakorporatisasyon at burukratisasyon ng komposisyon ng Board of Regents ng mga SCU.Binigyan ng kapangyarihan ang Board na magtaas ng matrikula at magkaroon ng businessventures sa pribadong sektor upang kumita nang sarili ang mga SCU. Hakbang ito ng

pamahalaan upang magbawas ng badyet sa mga SCU at akitin ang malalaking negosyante nalumahok sa pribatisasyon ng mga SCU.

Sa pamunuan ni Ramos nailatag ang pundayon ng malawakan, sistematiko at tuluy-tuloy na rasyonalisasyon (o pagbabawas) ng mga SCU. Isinabatas ang  Agriculture andFisheries Modernization Act  na ginawang legal ang rasyonalisasyon ng mga eskuwelahangagrikultural. Hinikayat ang mga publikong pamantasan na maghanap ng sarilingpagkakakitaan o kaya’y tuluyang magsara o lumahok sa programang pribatisasyon. Ipinasa sasumunod na rehimen ang lubusang pagpapatupad ng programang ito.

C. Papet na Rehimeng Estrada

Binuo noong Disyembre 1998 ang Philippine Education Sector Study (PESS) atPresidential Commission on Educational Reform (PCER) at may siyam na rekomendasyon saedukasyon na inaprubahan ng pamahalaan kasama ang WB, ADB, COCOPEA, PhilippineChamber of Commerce, at ang mga negosyanteng sina Aguiluz at Ayala.

Nagtulak ito ng moratorium ng pagtatayo ng panibagong mga SCU noong Oktubre1999. Binalangkas ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon at rasyonalisasyon ng mga SCU.Iminungkahi ang pagtataas ng matrikula sa mga SCU sa parehong lebel ng pribadongeskuwelahan. Ito ang salarin kung bakit inalis ang MOOE at binawasan ang capital outlay ngmga SCU. May freeze hiring tuloy at bawal na ang paglikha ng plantilla position sa mga SCU.

Nagmungkahi ding magdagdag ng isa hanggang dalawang taong kurso para sa mga

estudyanteng hindi papasa ng qualifying exam bago magkolehiyo (pre-baccalaureate system).Labis itong ikinatuwa ng mga kapitalista-edukador dahil sa nakikinita na nila ang kanilangmakukuhang dagdag na kita dito.

Binalangkas din ang programa ng rasyonalisasyon ng mga SCU:

1. Delineation of functions of SCUs towards the complementation of programs and course offerings with their private counterparts.

2. Review of enabling instruments and charters of SCUs to address alltechnical inconsistencies and serve as basis for reform

3. Development of a model for the rationalization of SCUs that accountsfor best practices in other countries

19

Page 20: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 20/24

4. Formulation of a strategic action and investment plan for therestructuring of SCUs

Hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang sinusunod na programa ng pamahalaanupang gipitin ang mga SCU at isulong ang rasyonalisasyon ng edukasyon sa kolehiyo. Inaalissa mga SCU ang mga kursong binibigay din ng mga pribadong eskuwelahan, binabago angCharter upang iakma sa komersyalisasyon at tuluy-tuloy ang pagbabawas ng badyet.

D. Papet na Rehimeng Macapagal-Arroyo

Naging taksil sa kabataan, sa mamamayan, at sa diwa ng EDSA Dos ang papet atpasistang rehimeng Gloria Arroyo. Sa pag-upo nya noong Enero 21, 2001, binalangkas ngkabataan ang mga panawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa edukasyon,paghihinto ng mga pagsingil sa mga bayarin sa mga paaralan sa isang takdang panahon, atang pagtatanggal ng pamahalaan ng mga patakarang nagpapalala sa sitwasyon ngedukasyon.

Subalit, pinagpatuloy ni Arroyo ang liberalisasyon ng edukasyon at lalo pa itong pinalaladahil sa pagsang-ayon nito sa mga dikta ng IMF-WB. Tampok ang pagpapakatuta ng rehimengito sa Estados Unidos pagkatapos nitong suportahan buong-buo ang war on terror  napinangunahan ng imperyalistang bansa. Karugtong ng mga patakarang liberalisasyon saekonomiya katulad ng pagtataas ng value-added tax,  sin taxes,  Mining Act, ay angpagpapalala ng kolonyal at komersiyalisadong oryentasyon ng edukasyon tulad ng RBEC,paggamit ng Inggles bilang wika ng pagtuturo, at CMO 14.

Lalong lumala ang labor migration sa panunungkulan ni Gloria Arroyo sa pag-alis ngmga doktor, mga nurse, mga guro upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang mgapangangailangang tinutugunan ni kasalukuyang rehimen at hindi ang mga pangangailanganng mamamayan.

1. LTHEDP 2001-2010. Binalangkas ito ng CHED upang gabayan ang direksiyon nghigher education sa bansa ngayong dekada. Kailangan daw maging angkop ang edukasyon saating “knowledge-based economy” ngayong nasa panahon na tayo ng “borderless education.” Balak ding idebelop ang isang service-oriented higher education na magbubunsod ngkasiglahan sa ating ekonomiya.

 Tumutugon ang pamantayan ng LTHEDP sa disenyo ng IMF-WB. Paiigtingin lalo nito angkrisis sa edukasyon dahil layon nitong maipatupad ang mga sumusunod pagdating ng taong2010:

• Nabawasan na ang bilang ng mga SCU ng 20% ng kabuuang bilang ngayon

• 6 na SCU ay semicorporatized na ang operasyon.

20% ng mga SCU ay kumikita ng sarili at hindi na humihingi ng pondo sapamahalaan sa pagbebenta ng mga intellectual product at mga grant.

• 50% ng mga SCU ay may aktibong income generating projects.

• 70% ng mga SCU ay may tuition na katumbas ng mga pribadong paaralan.

• 15 kolehiyo sa bansa ang may pre-baccalaureate system.

• 60% ng mga pamantasan ay may kolaborasyon sa malalaking industriya at

negosyo.

20

Page 21: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 21/24

2. Medium Term Higher Education Development and Investment Plan (MTHEDIP) 2001-2004. Ito ang ambisyosong programa ng CHED sa susunod na tatlong taon batay sa mgaginawang rekomendasyon noon ng PCER at PESS. Layon nitong bigyan ng solusyon ang isyusa mababang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo at ang usapin ng equity o access ngmahihirap sa mga pamantasan. Subalit tila niloloko ng CHED ang kanyang sarili dahil angibinabandila nitong programa ay nais idebelop ang edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ngpagbabawas ng mga pampublikong kolehiyo sa bansa.

May panukala itong rasyonalisasyon ng mga kolehiyo tulad ng rekomendasyon ngPCER. Kapag ito’y nabigo, may inihahapag ang CHED na normative financing at resourceallocation system bilang paraan ng pagpopondo ng mga SCU. Ang badyet ng mga SCU aynakabatay sa kanilang mga programang akademiko na prayoridad ng CHED. Kapag may mgainiaalok itong kurso na ‘non-sanctioned’ ng CHED, wala itong matatanggap na pondo sapamahalaan. Upang maging katanggap-tanggap ang pagbabawas ng mga SCU ay mayinilalako ang CHED na ‘regional university system.’

Iniinsulto ng CHED ang mamamayan sa dahil nakuha pa nitong ipagmalaki na angkinaltasang pondo ng mga SCU at ang idudulot nitong pagtaas ng matrikula ay babalansihindaw ng mga scholarship na kanilang ibibigay. Ilang libong estudyante lang ba angmakakakuha ng mga scholarship? At ang mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong ‘non-sanctioned’ ng CHED ay hindi rin makakatanggap ng subsidyo mula sa gobyerno. Mayposibilidad ding sinasabi ang CHED na cost-recovery o paniningil sa mga estudyantengtumatanggap ng scholarship sa hinaharap kapag nakatapos na sila ng kolehiyo.

Binabalangkas din ng programang ito ang mapping ng mga kolehiyo sa bansa ayon saekonomikong potensyal ng mga rehiyon. Aayusin ang lokasyon ng mga pamantasan batay saspecific field of expertise ng mga rehiyon tulad ng agrikultura sa Timog Katagalugan,pagmimina sa rehiyon ng Cordillera, fisheries sa kanlurang Visayas at Arts and Sciences saMaynila.

Nakaangkla ito sa dami ng mga MNCs at malalaking korporasyon na mayroon sa bawatrehiyon. Ang buong pakete ng MTHEDIP ay pinakamasahol sa mga programang nais ipatupadng CHED dahil tahasang binebenta ang interes ng bansa sa mga dayuhan. Hindinakapagtataka at nakasalalay ang programang ito sa pondo mula sa mga dayuhang bangko atimperyalistang bansa.

3. Restructured Basic Education Curriculum (RBEC). Solusyon ng DepEd sa mababangkalidad ng edukasyon ay pagbabago ng kurikulum sa elementary at hayskul. Lima na lang angcore subject ng mga estudyante: English, Science, Math, Filipino at Makabayan – pinagsama-samang araling panlipunan, musika, PE, health, at technology and home economcs.

Nahihibang ata ang DepEd sa pagsasabing ito ang solusyon para tumaas ang ating posisyonsa TIMMS dahil sa bagong kurikulum ay inalis ang science sa grade 1at 2 at binawasan angcontact time ng pagtuturo ng science sa hayskul. Sa paglabnaw ng pagtuturo ng kasaysayanat ng lahing Pilipino, higit nitong patitingkarin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sabansa. Palibhasa’y ang kailangan lamang ng mga MNCs ay mga mangagawa na kaunti lamangang kasanayan kung kaya’t kahit ang isang holistikong edukasyon ay isasakripisyo ngpamahalaan. Nilabag ng DepEd ang lahat ng metodolohiya sa pagbabago ng kurikulum dahilhindi dumaan sa pilot testing ang RBEC bago ito ipatupad sa buong bansa. Ang maagangpagpapatupad ng kurikulum ay dikta ng IMF-WB bago nila ibigay ang hinihinging utang ngpamahalaan para sa edukasyon.

21

Page 22: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 22/24

4. English as medium of instruction. Ipinatupad ni Gloria Arroyo ang paggamit ngwikang Inggles sa pagtuturo ng mahigit na 75% ng mga asignatura at mga paksa sa mgapaaralan upang maagapan daw ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong marunong mag-inggles. Naaayon ang patakarang ito sa dikta ng dayuhang merkado para sa english-speakingcheap labor  upang magtrabaho sa kanila bilang tagapag-alaga ng maysakit at matatanda,tagasagot ng telepono, taga-transcribe ng mga diskusyong medikal, atbp. Dahil sa patakarangito, pati na rin ang RBEC, inilathala ng DepEd noong Mayo 2006 ang pagbaba ng average

score ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Lalong pinalala ng patakarang ito ang kolonyal naoryentasyon ng edukasyon – isang edukasyon na nagsisilbi sa dayuhan at hindi sa sarilingbayan.

5. Joint Circular Memorandum on Normative Funding na inilabas ng CHED atDepartment of Budget ang Management (DBM) taong 2004. Ito ay nakabatay pa rin sarekomendasyong inilabas ng PESS at PCER upang “irasyonalisa” ang pagpopondo ng mgaSUC. Nilalayon nito na higit na rasyonalisasyon ng 100% ng MOOE batay sa merit nito upangmakatipid ang gobyerno at mapataas daw ang kalidad ng serbisyo ng mga SUC maliban samga service hospitals ng mga ito. Sinimulan itong ipatupad ngayong taon kung saan 25% ngMOOE ang ipinaloob dito, 50% sa 2006, 75% sa 2007 at 100% sa 2008. Sa partikular ang plaonito ay:

• ibatay ang MOOE sa bilang sa aktwal na bilang ng mga estudyante nang nakaraangtaon at hindi na maari pang magbigay ng dagdag na badyet sa karagdagang bilang samga susunod na taon;

• mas bibigyan lamang ng prayoridad sa popondo ang mga kursong IT, natural sciencesat math, teacher education at agriiculture, ang PhD, masters at iba pang kurso ay hindigaanong paglalaanan ng pondo at ipephase-out alinsunod sa programa ng AsianDevelopment bank (ADB);

• mayroon na ring takdang bilang ng mga thesis, dissertations at studies na dapat mai-publish upang mabigyan ng pondo sa pnanaliksik;

• upang mapanatili ang mga extension service ng SUC ay kailangang paramihin ang

output nito gaya ng bilang ng tao na nabigyan ng seminar nang walang ilalaan napondo upang maabot ang rekisitong ito;

• upang manatili ang mga guro sa serbisyo kailangang 80% ng kanyang estudyante ay

pumasa sa board exam.

Sa esensya, ang tunguhin ng bagong patakarang ito ay pagbabawas ng bilang ng SUC. Sakakarampot na badyet na inilalaan sa mga SUC, imposibleng maabot ng maliit at naghihikahosna pamantasan ang matataas na pamantayang ito.

6. CHED Memorandum Order No. 14. Sa pamamagitan ng CHED Memo 14 naipinatupad noong 2005, kunwang tinutugunan ng pamahalaan ang pagtutol ng kabataan sataunang pagtaas ng matrikula nang hind tuwirang naapektuhan ang kita ng mga kapitalista-

edukador. Ito ang ipinalit ng CHED sa revised guidelines para sa pagtaas ng matrikula ng mgapribadong paaralan mula sa naunang CHED Memo Order 13 series of 1998.

Nakasaad sa CHED Memo 14 ang paglalagay ng ‘tuition cap,’ o hindi paghintulot sa mgapribadong paaralan na magtaas na matrikula ng lagpas sa kasalukuyang inflation rate. Ayonpa sa CHED, layunin din daw ng Memo 14 na gawing regular ang mga konsultasyon ng mgapribadong paaralan sa mga magulang at estudyante. Kasama rin sa mga saklaw ng CHEDMemo 14 ang iba pang mga panukalang pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan(miscellaneous fees) bukod sa matrikula.

22

Page 23: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 23/24

Pero nananatiling inutil ang CHED Memo 14 sa pagkontrol sa taunang pagtaas ngmatrikula. Sa halip, liniligalisa ng CHED Memo 14 ang taunang pagtaas ng matrikula attuluyan nang tinatanggalan ang mga estudyante at magulang ng karapatang dumalo sa mgakonsultasyon. Hindi na raw kailangan ng konsultayon kapag ang pagtaas ng bayarin omatrikula ay katumbas o mas mababa pa sa inflation rate.. Samakatwid, awtomatiko na angpagtataas ng matrikula sa mga pamantasang ito. Wala itong idinulot kundi palalain angderegulasyon ng matrikula.

VIII. NAGPAPATULOY NA LABAN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN

 Taun-taon ay sinasalubong ng protesta ang pagbubukas ng mga klase dahil sa patuloyna pagsidhi ng krisis sa edukasyon. Pinapatampok ang pananagutan ng pamahalaan na pag-aralin ang kabataan. Hindi lang minsan niyanig ng mga protesta ang Estado at humahantongpa ito sa lubusang paghihiwalay sa reaksiyunaryong gobyerno. Pinakamatingkad nahalimbawa ay ang malakas, malawak at dumadagundong na kampanya laban sa pagtaas ngmatrikula. Ang taunang pagbabago ng mga DECS memo hinggil sa matrikula sapanunungkulan ni pangulong Aquino ay ibinunga ng militanteng paghamon ng mgaestudyante sa lansangan. Napilitang umaksiyon ang pamahalaan upang maiwasan angpagbulusok ng popularidad nito sa publiko. Ito rin ang dahilan kung bakit iminungkahi nipangulong Ramos ang pagbubuo ng National Multisectoral Committee on Tuition. Kailangangipakita niya sa mamamayan na may ginagawa siyang hakbang upang tugunan ang kahilinganng kabataan.

Mula nang maitatag ang CHED ay ilang beses na itong naglabas ng memorandumupang maging makatarungan daw ang konsultasyon sa pagtaas ng matrikula. Itinulak ito nghindi mapigil na protesta ng mga estudyante sa loob at labas ng mga eskuwelahan. Kungtutuusin, ang reklamo ni Dr. Feliciano ng COCOPEA (“But sadly, the education sector has thedistinction of being the only industry in the economy where the students must be consultedby the schools to the amount of tuition fees they have to pay”) ay isang pagkilala sa pagigingepektibo ng mga protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Walang pribadong korporasyon sabansa ang pwedeng diktahan ng pamahalaan kung saan dadalhin nito ang kanilang tubosubalit nagawa nating maging batas ang paglalaan ng 70% ng kita ng mga eskuwelahan sapagtaas ng sahod ng mga guro, 20% sa pagdebelop ng mga pasilidad, at 10% ang pwede langmaging tubo.

Noong 2000, binawasan ang badyet ng UP at iba pang SCU sa bansa. Ipinagmalaki ito niPangulong Estrada dahil siya raw ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito.Sinundan pa ito ng kanyang pagtatanggol kay Lucio Tan, ang nagmamay-ari ng UE at numerounong kapitalista-edukador. Sinabayan pa ito ng pagtaas ng matrikula sa mahigit limangdaang eskuwelahan sa bansa. Ang walang pagtatanging arogansyang ito ay hindipalalampasin ng kabataan. Naglunsad ng mga sunud-sunod na pagkilos sa mga eskuwelahansa buong bansa bilang pagkundena sa mga pulisiya ni Estrada sa edukasyon hanggang sa

umabot ito sa EDSA Dos. Naging tuntungan ang mga sektoral na isyu’kahilingan ng mgakabataan upang maging mabilis ang pagpapakilos ng daang libong mga kabataan sa EDSA atsa iba pang sentrong bayan sa buong kapuluan. Bago pumiyok si Chavit, nagkakaisa na angkabataan laban kay Erap.

Ang potensyal ng kabataan na pangunahan ang malalaking protesta laban sapamahalaan ay matagal ng kinikilala at kinakatakutan ng naghaharing uri. Ito ang atingmabisang sandata upang pigilin, kahit pansamantala, ang pagpapatupad ng mgakontrobersyal na programa sa edukasyon ng pamahalaan tulad ng STFAP sa lahat ng SCUs,moratorium sa paglikha ng mga bagong SCU at todo-todong pagpapatupad ngrasyonalisasyon sa edukasyon. Ipinakita rin natin ang katumpakan ng kolektibong pagkilos

23

Page 24: Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

7/14/2019 Historikal Na Pagsusuri Sa Edukasyong Pilipino

http://slidepdf.com/reader/full/historikal-na-pagsusuri-sa-edukasyong-pilipino-56327e0c5d208 24/24

nang napilitan ang pamahalaan na baguhin ang ROTC noong 2001 pagkatapos nating ikasaang sabay-sabay na walk-out ng mga kadete sa mga eskuwelahan sa bansa.

Matapang ang ating paghamon sa pamahalaan at may nakukuha tayong maliliit atmalalaking tagumpay. Subalit nananatiling dominante pa rin ang isang kolonyal,komersyalisado at mapanupil na sistema ng edukasyon. Lalong tumindi ang krisis saedukasyon sa pag-upo ni Pangulong Macapagal-Arroyo. Bukod sa pagtalikod sa mga pangakoniya sa EDSA, mas masahol pa siya sa pinatalsik na pangulo dahil sa mga patakaran niya sa

edukasyon at sa pagsupil sa mga karapatang pantao.

Pakikibaka ng kabataan at mamamayan laban sa diktadurya ni Arroyo

Mula ng maupo sa poder, pinagtaksilan na ni Arroyo ang kabataan. Higit pa ngayonginilulubog ng kanyang mga sakim na pakana para makapanatili sa pwesto eng edukasyon samas malalim na krisis.

Dahil sa pinipiling unahin ang pagkapit-tuko sa kapangyarihan, ang pondo na ilalaansana sa edukasyon ay napupunta sa kabuktutan ng rehimen. Noong 2004, ang idagdagdagsanang badyet sa DepEd ay hindi inapruba at ginamit ni Arroyo sa kampanya. Kung tutuusin,simula ng 2001, pababa na nga ang badyet ng edukasyon, ibinubulsa pa niya ang sana’y

pang-agapay sa krisis. Ngayong taon, dahil sa paggigiit ni Arroyo na maipasa ang dagdagbadyet niya sa cha-cha at sa iba’t iba pang pakana para makapanatili sa pwesto, ne reenactang badyet at higit na bumaba ang halaga ng badyet sa edukasyon. Napakarami sanang perana maaaring ilaan sa edukasyon, pero napupunta ito sa kabuktutan ni Arroyo at ng kanyangpamilya, bukod pa sa misprayoritisasyon ng pondo sa pambayad utang at gastusing militar.

Nagkaroon si Gloria Arroyo ng karapatang manipulahin ang mahigit 48 bilyong pisodahil sa pagre-reenact ng 2005 badyet. Sa kasalukuyan ay dinagdagan ng pasistang rehimenng isang bilyong piso ang pondo ng militar upang sugpuin ang mga rebolusyonaryongnakikibakang mamamayan. Ito ay sa kabila ng matinding pangangailangan ng edukasyon parasa dagdag na pera upang pampatayo ng mga silid-araln, pagpapaayos ng mga kagamitangeskwela, at marami pang iba.

Sinisingil na ng mamamayan at kabataan si Arroyo sa kanyang mga kasalanan atlumalakas ang kilusan na nananawagan ng kanyang pagpapatalsik. Ang reaksyunaryongestado naman ay gumamit ng mga mapanupil na mga patakaran upang patahimikin ang mgamamamayan. Kabilang ang kabataan sa naging biktima ng pasismo ng estado. Ginawanganimo’y mga kampo ng militar ang mga paaraalan at tiniktikan ang mga lider estudyante.Noong Marso 19, 2006, pinaslang ng mga militar ang coordinator ng League of FilipinoStudents sa Bikol na si Cris Hugo. Diniligan ni Cris ng sariling dugo ang harapan ng kanilangpamantasang Bicol University, ipinakita niya ang katapangan ng kabataan sa harap ngpasismo upang itaguyod ang interes ng masa.

Matapang na ipinakita ng kabataan ang militanteng paglaban sa rehimeng mapanupil.

Pinangunahan ng kabataan ang pagbawi ng mamamayan sa Mendiola sa ginawang pagkilosnoong Setyembre 2005. Sa iba’t ibang parte rin ng bansa ay naglunsad ng mga kilos protestaang mga estudyante’t kabataan upang imarka ang nagpapatuloy na makasaysayangresponsibilidad ng kabataan sa lipunan. Noong Mayo 2006 ay ipinakita ni Teresa Pangilinan,pangalawang kalihim ng NUSP Southern Tagalog, ang galit ng kabataan kay Gloria Arroyo saharap nya mismo sa graduation ng Cavite State University. Saan man magpunta si Arroyo ayhahabulin siya ng protesta ng mga makabayan at kritikal na mga kabataan. Ganito rin angginawa ng mga estudyante sa UP Manila at mga paaralan sa Taft Avenue nang bumisita siArroyo sa PGH. Hindi na siya tatantanan ng kabataang nakikibaka.