hunyo 2015 issn 2094-6597 vol.6 no.6 auto parts testing

4
Hunyo 2015 ISSN 2094-6597 Vol.6 No.6 Ni Joy M. Lazcano S&T Media Service, DOST-STII sundan sa pahina 2 Ipinakita ni DOST Asec. Robert D. Dizon (kaliwa) kay DTI Usec. Adrian Cristobal, Jr. ang mga testing equipment para sa Auto- Parts Testing Facility. sundan sa pahina 2 Mga Nilalaman DOST, katulong sa pagpapaganda ng mga muebles ng Lubao, Pampanga ............................................ p2 Mga handloom weaver, inayudahan ng DOST ............................ p3 Mga inobasyon sa agrikultura, itatampok sa NSTW 2015 ...................... p3 TuklaScience ........................................ p4 Larawanews ........................................ p4 Ni Joy M. Lazcano S&T Media Service, DOST-STII K inilala kamakailan ng House of Representatives (HOR) ang Department of Science and Technology (DOST) para sa mga natatanging programa at serbisyo ng nasabing Kagawaran sa bayan. Tinanggap ni DOST Secretary Mario G. Montejo ang hindi pangkaraniwang tatlong parangal sa DOST mula kay Speaker Feliciano Belmonte sa isang seremonyang naganap sa HOR. Ang congressional award ay nakapaloob sa tatlong House Resolution na nagbibigay parangal sa Kagawaran na kinabibilangan ng House Resolution No. 194, House Resolution No. 196, at House Resolution No. 201. Laman ng House Resolution No. 194 ang parangal sa DOST para sa pagkilala ditto ng prestihiyosong Geospatial World Excellence in Policy Implementation Award noong 2014 para sa programang Disaster Risk and Exposure Assessment for Mitigation (DREAM). Ang Geospatial World Excellence in Policy Implementation Award ay iginagawad ng Geospatial World Forum upang kilalanin ang mga katangi-tanging inobasyon at gawain mula sa pandaigdigang geospatial industry. I nilunsad kamakailan ng Department of Science and Technology- Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) ang Auto-Parts Testing Facility na naglalayong mapabilis ang paglaki ng industirya ng automotive sa bansa. Tatlong pagkilala ng Kongreso, iginawad sa DOST Auto parts testing center ng DOST, handog sa auto industry Ayon sa Resolution, “the Geospatial World Excellence Award is a clear demonstration that the international community acknowledges our local capability-building efforts to attain self-sufficiency in natural hazard and disaster preparedness and risk management.” Ang pagkilala ay tinanggap ni Sec. Montejo at DREAM Program Leader Dr. Enrico Paringit sa Geospatial World Forum Awards sa Geneva, Switzerland. Samantala, ang House Resolution No. 196 naman ay kumikilala sa dedikasyon ng mga kawani ng PAGASA Station sa Tacloban City, Leyte sa kanilang sinumpaang tungkulin nang ito ay kasalukuyang hinahagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013. Ayon sa report, ang mga kawani ng DOST-PAGASA na pinangungunahan ni Chief Meteorological Officer Mario Peñaranda kasama sina weather observer Romeo Elvina at Nilo Polinas ay nanatili sa himpilan nito sa Tacloban City Airport at patuloy na nagbibigay ng mga ulat sa Bagyong Yolanda. Ang mga nabanggit na mga kawani ay kabilang din sa mga nasugatan habang ang katawan ni weather observer Salvacion Avestruz ay Iginawad ni Hon. Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte and tatlong congressional award kay DOST Secretary Mario G. Montejo.

Upload: others

Post on 13-Nov-2021

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Hunyo 2015 ISSN 2094-6597 Vol.6 No.6

Ni Joy M. LazcanoS&T Media Service, DOST-STII

sundan sa pahina 2

Ipinakita ni DOST Asec. Robert D. Dizon (kaliwa) kay DTI Usec. Adrian Cristobal, Jr. ang mga testing equipment para sa Auto-Parts Testing Facility.

sundan sa pahina 2

Mga NilalamanDOST, katulong sa pagpapaganda ng mga muebles ng Lubao, Pampanga ............................................p2Mga handloom weaver, inayudahan ng DOST ............................p3Mga inobasyon sa agrikultura, itatampok sa NSTW 2015 ......................p3TuklaScience ........................................p4Larawanews ........................................p4

Ni Joy M. LazcanoS&T Media Service, DOST-STII

Kinilala kamakailan ng House of Representatives (HOR) ang Department of Science and Technology (DOST) para

sa mga natatanging programa at serbisyo ng nasabing Kagawaran sa bayan.

Tinanggap ni DOST Secretary Mario G. Montejo ang hindi pangkaraniwang tatlong parangal sa DOST mula kay Speaker Feliciano Belmonte sa isang seremonyang naganap sa HOR.

Ang congressional award ay nakapaloob sa tatlong House Resolution na nagbibigay parangal sa Kagawaran na kinabibilangan ng House Resolution No. 194, House Resolution No. 196, at House Resolution No. 201.

Laman ng House Resolution No. 194 ang parangal sa DOST para sa pagkilala ditto ng prestihiyosong Geospatial World Excellence in Policy Implementation Award noong 2014 para sa programang Disaster Risk and Exposure Assessment for Mitigation (DREAM).

Ang Geospatial World Excellence in Policy Implementation Award ay iginagawad ng Geospatial World Forum upang kilalanin ang mga katangi-tanging inobasyon at gawain mula sa pandaigdigang geospatial industry.

Inilunsad kamakailan ng Department of Science and Technology- Metals Industry Research and Development

Center (DOST-MIRDC) ang Auto-Parts Testing Facility na naglalayong mapabilis ang paglaki ng industirya ng automotive sa bansa.

Tatlong pagkilala ng Kongreso, iginawad sa DOSTAuto parts testing center ng DOST, handog sa auto industry

Ayon sa Resolution, “the Geospatial World Excellence Award is a clear demonstration that the international community acknowledges our local capability-building efforts to attain self-sufficiency in natural hazard and disaster preparedness and risk management.”

Ang pagkilala ay tinanggap ni Sec. Montejo at DREAM Program Leader Dr. Enrico Paringit sa Geospatial World Forum Awards sa Geneva, Switzerland.

Samantala, ang House Resolution No. 196 naman ay kumikilala sa dedikasyon ng mga kawani ng PAGASA Station sa Tacloban City, Leyte sa kanilang sinumpaang tungkulin nang ito ay kasalukuyang hinahagupit ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.

Ayon sa report, ang mga kawani ng DOST-PAGASA na pinangungunahan ni Chief Meteorological Officer Mario Peñaranda kasama sina weather observer Romeo Elvina at Nilo Polinas ay nanatili sa himpilan nito sa Tacloban City Airport at patuloy na nagbibigay ng mga ulat sa Bagyong Yolanda. Ang mga nabanggit na mga kawani ay kabilang din sa mga nasugatan habang ang katawan ni weather observer Salvacion Avestruz ay

Iginawad ni Hon. Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte and tatlong congressional award kay DOST Secretary Mario G. Montejo.

Tatlong pagkilala ...Mula sa pahina 1

Auto parts ...Mula sa pahina 1

Singkinis na ng mga muebles na gawa sa kawayan ang kakayahan ng mga furniture at handicraft maker mula sa

Lubao, Pampanga matapos ang kanilang pagsasanay na isinagawa ng Department of Science and Technology- Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) sa Sta. Catalina Bamboo Negosyo Village, Lubao, Pampanga, kamakailan.

Ang tatlong araw na pagsasanay sa bamboo finishing ay isang proyekto sa pagitan ng DOST Regional Office 3 sa pamamagitan ng DOST-Provincial Science and Technology Center at Department of Trade and Industry kasama ang lokal na pamahalaan ng Lubao, Pampanga. Ang mga kalahok ay tinuruan ng tamang pamamaraan ng “finishing” sa ilang uri ng produktong kawayan.

Kilala ang Sta. Catalina Bamboo Negosyo Village sa bayan ng Lubao sa paglikha ng mga engineered bamboo product gaya ng armchair, e-wall panel, ceiling tile, floor tile, wall decor at iba pang novelty item o mga kakaibang

produkto mula pa nang ito ay maitayo noong 2010.

“The participants learned about the step-by-step process of bamboo finishing- from surface preparation until the application of coatings

Ipinagmamalaki ng mga kalahok ang kanilang natapos na produkto mula sa kawayan.

DOST, katulong sa pagpapaganda ng mga muebles ng Lubao, PampangaNi Romelie Janele ManahanS&T Media Service, DOST-STII

and finishes,” paliwanag ni DOST-FPRDI Forester Zenaida R. Reyes.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Laila Tubalut mula sa Municipal Agriculturist Office at coordinator ng bamboo project na suportado ng lokal na pamahalaan ang bamboo village project sapagkat isa itong paraan upang mapalakas ang small and medium enterprise sa bayan ng Lubao. “The local government encourages us to come up with quality products that will showcase Lubao artisans’ craftsmanship and serve as souvenirs for our visitors,” dagdag pa ni Tubalut. Kanya ring pinasalamatan ang DOST sa napapanahong tulong na ito na tunay na mag-aangat sa industriya ng paggawa ng mga muebles sa Lubao, Pampanga.

Ang mga teknolohiya upang mapaghusay ang mga forest product tulad ng bamboo finishing ng DOST-FPRDI ay matutunghayan sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week na gaganapin sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City mula Hulyo 24-28, 2015.

Hunyo20152 BalitangRapiDOST

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Metals and Engineering Week ng DOST-MIRDC ay inilunsad ang pasilidad na magsisilbing testing center ng mga local car component upang mabawasan ang halagang inilalaan ng mga automotive car manufacturer sa mga testing facility sa labas ng bansa.

Mayroong iba’t ibang testing equipment ang nasabing testing facility upang suriin ang iba’t ibang bahagi ng kotse gaya na lang ng pagsukat ng tigas ng isang bakal at goma, pagsukat ng kapal ng isang bakal, simulated crash analysis, tire endurance test at accelerated corrosion test.

Ani Engr. Florante Catalan, hepe ng Physical Laboratory Section ng DOST-MIRDC,

patuloy na nawawala. Samantala, ang House Resolution 201 ay

binabati si Montejo para sa kanyang parangal bilang 2014 Most Distinguished Alumnus ng University of the Philippines Alumni Association (UPAA).

Kinilala ng UPAA si Montejo bilang isang multi-awarded engineer at imbentor na mayroong mahabng listahan ng mga inobasyon. Kabilang sa kanyang inobasyon

ay ang kagamitan sa paggawa ng water well screen, paggawa ng mga bakal na poste para sa kuryente, disenyo ng kauna-unahang motorized zip line, at ang kauna-unahang robotic carpark.

Kinilala rin ng UPAA ang mga naiambag ni Montejo sa pagpapalago ng mga industriya sa pamamagitan ng mga angkop na teknolohiya at serbisyo, pagpapalawak ng partnership sa akademya, at pagpapahusay ng pagbibigay ng

serbisyo para sa publiko. Ang paggagawad ng mga Resolution

para sa DOST ay dinaluhan ng chairman at miyembro ng House of Representatives Committee on Science and Technology na pinangungunahan ni Rep. Victor J. Yu, DOST Asst. Sec. Raymund E. Liboro, PAGASA Deputy Administrator Dr. Landrico Dalida Jr., DOST at mga piling kawani ng DOST-PAGASA. (S&T Media Service)

matataas na kalidad na car component at halaga laban sa mga imported na produkto.

Kasabay ng pagdiriwang ng M&E Week ay lumagda rin ang DOST ng isang Memorandum of Understanding kasama ang Motorcycle Development Program Participants Association, Inc., Motor Vehicle Parts Manufacturers Association of the Philippines, at Mechatronics and Robotics Society of the Philippines bilang mga bagong kapartner ng DOST para sa programa nitong MakiBayan.

Ang MAkiBayan ay programa ni DOST upang mapalakas ang industriya ng paggawa sa pamamagitan ng mga pagkakaroon ng mahahalagang teknolohiya, serbisyo at research and development strategy para sa iba’t ibang industriya.

layunin ng Kagawaran na tulungan ang lokal na industirya ng automotive na harapin ang mga suliranin lalo na ang pagpapahusay ng mga produkto nito.

Ayon pa kay Catalan, maliit ang industirya ng automotive sa bansa kung pagbabasihan ang bilang ng mga kumpanyang nasa ganitong industriya at maging ang laki ng produksyon kumpara sa mga karatig-bansa sa ASEAN. Kaya naman kinakailangan ang suporta ng pamahalaan upang ang industriyang ito ay makahabol lalo na sa teknolohiya.

At dahil sa taong ito ay pormal nang ipatutupad ang One ASEAN, nararapat lamang na makasunod ang mga local parts manufacturer upang makagawa ng mga

ARISTOTLE P. CARANDANG, PhDEditor-in-Chief

JOY M. LAZCANOCopy Editor

JAMES B. INTIALayout

FERDINAND D. CARTASCirculation

Ang Balitang Rapidost ay buwanang lathalain ng Institusyon ng Impormasyon sa Agham at Teknolohiya (STII) para sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya

(DOST).

Para sa inyong mga tanong at suhestiyon, maari po kayong mag email sa

[email protected] o tumawag sa DOST trunkline (02)837-2071 loc. 2148

Patuloy ang pagbibigay-ayuda ng Department of Science and Technology- Philippine Textile Research Institute

(DOST-PTRI)sa mga lokal na manghahabi ng bansa sa pamamagitan ng isang technopreneurship workshop na ginanap sa tanggapan nito kasabay ng paglulunsad ng Innovation Center for Textiles and Yarns.

Ang nasabing workshop na pinamagatang TELA Matters: A Technopreneurship Orientation-Workshop for the Philippine Handloom Weaving Communities, ay dinaluhan ng mayroong 20 kinatawan mula sa mga weaving community ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Bontoc, Bulacan, Aklan, Antique, Iloilo, Bukidnon, Misamis Oriental at South Cotabato.

Tampok sa nasabing programa ang pagbibigay ng capability-building seminar para sa mga manghahabi, product development, art, design, at niche marketing. Kabilang din sanasabing workshop ang pagpapakilala sa mga kalahok hinggil sa prosesong design development at ang konseptong sustainable business.

Mapalad ang mga kalahok sa nasabing seminar na mapakinggan ang ilan samga kinikilalang haligi ng industriya gaya nina Isabel Tesoro ng Tesoro’s Group of Companies; fashion designer nasi Patrice Ramos-Diaz; at Dom Martin Gomez naisa ring kurator ng Monastery of the Transfiguration at tagapagsulongng Philippine woven textiles. Pina-unlakan din ni UP Vice President at Executive Director ng Institute of

Small Scale Industries Prof. Nestor Rañeses, DOST-PTRI Engr. Henry R. Listano, at Master Weaver Josie Garlitos.

Maliban sa workshop, tampok rin ang isang mini pop-up exhibit ng mga produktong nagmula sa mga kalahok na handloom weaving community sa loob ng dalawang araw na programa. Ang TELA Matters ay inihatid ng pamunuan ng DOST sa pamamagitan ng DOST-PTRI katuwang ang Philippine Commission on Women.

Ang handloom weaving technology ng DOST-PTRI ay isasa mga teknolohiya at programang itatampok sa darating na National Science and Technology Week na gaganapin sa SMX Convention Center, MOA, Pasay City sa Hulyo 24-28.

Mga handloom weaver, inayudahan ng DOST Ni Romelie Janele ManahanS&T Media Service, DOST-STII

BalitangRapiDOST 3 Hunyo2015

Mga inobasyon sa agrikultura, itatampok sa NSTW 2015Ni Romelie Janele MarananS&T Media Service, DOST-STII

Mga bagong teknolohiya at kaalaman sa larangan ng agrikultura, pangingisda, crops, forestry at environment ang

ipamamalas sa publiko ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) sa darating na National Science and Technology Week (NSTW) saHulyo.

Sa temang Philippines: A Science Nation Innovating for Global Competitiveness, isasa publiko ng DOST-PCAARRD ang mga pinakahuling kaganapan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga“science-based know-how and tools” na siyang tumutulong upang makamit ang world-class na produksyon at kalidad ng agrikultura.

Ang grupong DOST-PCAARD Day magkakaroon ng apat na pavilion kung saan kanilang ipapakita ang mga science and technology (S&T) innovation para sa aquatic resources, forestry and environmental resources, crops and livestock.

Para sa Aquatic Resources Pavilion, magkakaroon ng exhibit para sa mga S&T based aquatic product at mga kagamitan at makinaryang na-develop upang mapaghusay ang kalidad ng mga produkto. Ang mga ito ay nakatakdang sumailalim sa pilot testing at rollout.

Ang Forest and Environment Pavilion naman ang magtatampok sa mga

teknolohiyang ginagamit upang makalikha ng mga kalidad na kagamitan sa pagtatanim at pangangasiwa sa mga taniman nang maiangat ang kita ng mga magsasaka. Makikita rin sa exhibit ang mga kagamitan sa decision support system na tumutulong upang maitaguyod ang mga climate-smart community at ecosystem.

Sa kabilang dako naman, bibigyang-pansin ng Crops Pavilion ang pagkakaroon ng mga angkop na impormasyon, produkto at teknolohiyang kinakailangan upang mapanatili ang pagiging produktibo at pagsunod sa mga nakatakdang pamantayan.

Samantala, ipapakita naman ng Livestock Pavilion ang mga teknolohiyang magpapaunlad sa farm productivity at pagbuo ng mga rural asset.

Maliban sa apat na pavilion ay magkakaroon din ng booth ang DOST-PCAARRD upang maipakita sa publiko ang mga tulong ng Kagawaran sa walong pangunahing industriya sa agrikultura ng bansa na kinabibilangan ng saging, mangga, buko, kanin, mud crab, kambing, tulya at hipon.

Kabilang din sa mga nakatakdang aktibidad ang iba’tibang forum, poster-painting, at essay-writing contest.

Ang mgate knolohiya at programang DOST-PCAARRD kasama pa ang iba pang ahensiyang DOST ay makikita sa pagdiriwang ng NSTW na gaganapin sa Hulyo 24-28 sa SMX Convention Center, MOA, Lungsod ng Pasay.

Ang eksperimentong ito ay nagmula sawww.sciencebob.com

PAANO ITO GUMAGANA:

Ikaw ay nakagawa ng tinatawag na CASEIN. Ito ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “cheese”. Nabubuo ang casein kapag ang protein sa gatas at ang acid ng suka ay nagtagpo. Ang casein sa gatas ay hindi humalo sa acid kaya naman ito nakalikha ng blob o namuong patak. Ang totoong plastic naman na tinatawag na polymer, ay naiiba dito. Kung nais gumawa ng totong plastic at madagdagan pa ang kaalaman tungkol sa polymer ay maaaring gawin ang Homemade Slime na eksperimento.

GAWIN ITONG ISANG EKSPERIMENTO:

Ang proyektong ginawa ay isa lamang demonstrasyon. Para gawin itong isang tunay na eksperimento, maaaring subukan na sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Makakagagawa ba ng mas maraming casein ang paggamit ng mas maraming suka?

2. Makakakuha ba ng parehong resulta ang paggamit ng low-fat milk at soy milk?

3. Lahat ba ng uri ng suka ay maaaring gumana?

4. Maaari rin bang gumamit ng ibang uri ng acid, katulad ng lemon juice at orange juice?

MGA KAILANGAN:

• Isang(1)malakingpako(3pulgada)

• ManipisnaCOATEDcopperwirenamay3talampakang haba

• Isang(1)bagongDsizebattery

• Ilangpaperclipoibapangmaliitnabakal

MGA GAGAWIN:

1. Mag-iwan nang 8 pulgadang kable na nakakalag sa isang dulo at ibalot ang natitirang bahagi ng sa pako. Huwag pagpatungin ang mga kable.

2. Gupitin ito (kung kinakailangan) upang magkaroon din ng isa pang nakakalag na 8 pulgadang kable sa kabilang dulo.

3. Magtanggal ng hanggang sa isang (1) pulgada ng plastic coating mula sa parehong dulo ng kable at ikabit ito sa isang dulo ng baterya habang ang isang bahagi ng kable naman ay nakakabit sa isang dulo ng baterya. Tignan ang larawan. (Mas mainam kung ididikit ang kable sa baterya gamit ang isang adhesive tape, ngunit mag-ingat dahil maaaring uminit ang kable habang nakadikit ito sa baterya)

4. Ngayon ay mayroon ka nang Electromagnet. Ilapit ang matulis na dulo ng pako sa ilang piraso ng paper clip at pagmasdan ang mangyayari rito.

Gumawa ng Electromagnet gamit ang isang pako

PAALALA: Ang paggawa ng electromagnet ay gumagamit ng enerhiya ng baterya kaya naman ito ay umiinit. Mahalaga na alisin agad ang kable sa baterya pagkatapos ito gawin.

PAANO ITO GUMAGANA:

Kadalasan, ang magnet katulad ng gamit sa speaker ng radyo ay permanente ang enerhiyang nag-aattract sa mga bagay na metal. Subalit, ang magnet na iyong ginawa ay maaring buksan at isara. Ito ay tinatawag na electromagnet na gumagana sa tulong ng kuryente na dumadaloy dito. Ang kuryenteng dumadaloy sa kable ang nag-aaayos sa mga molecule sa pako upang ito ay dumikit sa isang naturang metal o bakal. Huwag ididikit o ilalagay ang kable ng electromagnet sa mga outlet ng bahay sapagkat ito ay maaring ikapahamak mo. Maging maingat at mag-enjoy.

GAWIN ITONG ISANG EKSPERIMENTO:

Ang proyektong ginawa ay isa lamang demonstasyon. Para gawin ito bilang isang tunay na eksperimento, maaaring subukan na sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Naka-aapekto ba sa lakas ng pako ang bilang kung ilang beses ibinalot ang kable dito?

2. Naka-aapekto ba ang kapal o haba ng pako sa lakas ng electromagnet?

3. Naka-aapekto ba ang kapal ng wire sa power ng electromagnet?

Hunyo20154 BalitangRapiDOST

LarawaNEWS

TuklaSCIENCEMGA NAKAKAALIW NA SCIENCE EXPERIMENT

Trisikad sa baha. Nagwagi bilang 1st Runner-up sa nakaraang Regional Invention Contest and Exhibit ng DOST Regional Office VII ang imbensyong Amphibious Trisikad mula kay Jesse Pastor Magno, Hembrick Palmitos at Kenn Edward Mirasol ng University of San Carlos. Ang Amphibious Trisikad ay isang redesigned na bisikleta na mayroong tatlong gulong, bakal na frame, pedal at manibela, at natatanggal na floating device upang ito ay magamit sa baha. Ang mga imbensyon at iba pang teknolohiya ay tampok sa National Science and Technology Week sa Hulyo 24-28, 2015, sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia, Lungsod ng Pasay. (S&T Media Service).