i g - an filipino · 1. nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan,...

19
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) Filipino Unang Markahan, Modyul 5 Ugnayang Sanhi at Bunga MARITESS G. ADRIATICO A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT 8 PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Upload: others

Post on 11-Nov-2020

286 views

Category:

Documents


38 download

TRANSCRIPT

Page 1: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Filipino Unang Markahan, Modyul 5

Ugnayang Sanhi at Bunga

MARITESS G. ADRIATICO

A Joint Project of

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY

and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

8 PAG-A

ARI NG PAMAHALAAN

HINDI I

PINAGBIB

ILI

Page 2: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maritess G. Adriatico Editor: Zenaida M. Sebumpan Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS - Filipino Tagaguhit : Tagalapat : Kevien Ian I. Albon

Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independet Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 5: Ugnayang Sanhi at Bunga Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Page 3: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

1

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

Paksa: Ugnayang Sanhi at Bunga

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Week 1)

1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng pangyayari

F8PN-Ig-h-22 Inaasahang din na ikaw ay:

a. nailalahad ang layunin sa napakinggan. b. naipaliliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari. c. nauuri ang sanhi at ang bunga.

PANIMULANG GAWAIN 1: PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Sino ang may problema sa epikong Bantugan?

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon

Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

Subukin

Page 4: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

2

2

a. Prinsesa Datimbang c. Prinsipe Madali b. Haring Miskoyaw d. Prinsipe Bantugan 2. Ano ang pahiwatig ng pagmamadali ni Pinsipe Madali papunta sa langit upang kunin ang kaluluwa ng kapatid na si Prinsipe Bantugan? a. Lukso ng dugo para sa kapatid b. Tawag ng magulang at ng langit c. Iyon ang tama at ang nararapat d. Tawag ng pagiging hari sa kanyang nasasakupan 3. Sa anong sitwasyon sa akda makikita ang epekto ng inggit? a. Ipinagbawal sa mga tao na makipag-usap kay Prinsipe Bantugan b. Sumalakay nang bigla-bigla c. Lumipad sa langit para kunin ang kaluluwa d. Naglakbay at narating ang kaharian ni Prinsesa Datimbang 4. Ano ang nais iparating ng may –akda sa mambabasa? a. Isipin muna kung tunay ba siyang nangangailangan b. Pinagbabawal ang mapagsamantala c. Laging may ganti ang langit sa mga mapagsamantala d. Iwaglit ang inggit, galit at magmahalan 5. Ano ang problema ng epikong Bantugan? a. Hindi sang-ayon ang mamamayan sa bagong pamamalakad ng hari b. Maraming astig na asawa ang hari c. Inggit at galit ng kapatid sa kapatid d. Walang bait sa sarili ang hari, anupa’t maraming naghahari-harian 6. Paano sinagot ni Prinsipe Bantugan ang galit at inggit ni Prinsipe Madali? a. Nag-asawa at nagnegosyo b. Naging pasaway sa kaharian c. Sinuklian din ng galit at pakikipag-away d. Umalis sa kaharian at naglakbay 7. Ano ang ipinapahiwatig sa kilos ni Prinsesa Datimbang sa hindi pagtalikod sa bangkay sa kanyang pintuan? a. Matalik na kaibigan ang bangkay sa pintuan b. Isusumpa ng langit ang di marunong tumulong sa kapwa c. Ang pagtulong ay hindi namimili d. Katungkulan ng isang Prinsesa ang pagtulong 8. Ano ang aral na napulot ni Miskoyaw sa akalang wala si Bantugan sa Bumbaran? a. Pinagpala ng langit ang mabait sa kapwa b. May masayang buhay ang mapagsamantala c. Ang mapagsamantala ay laging may mapapalang masama d. Lalong lumalakas ang mapagsamantala 9. Ano ang naging epekto nang magkabalikan ng loob ang magkapatid sa kaharian? a. Namamayani pa rin ang inggit at galit b. Dalawa silang ginawang hari c. Nagkaroon ng kasiyahan at katahimikan ang bawat loob d. Minabuti nilang iwan ang kaharian at ibinigay sa iba ang pamamahala 10. Ano ang pinag-ugatan kung bakit makagagawa ng masama sa kapwa? a. Laging aasa sa tulong ng iba c. Di makuntento b. Walang tiwala sa sarili d. Inggit at selos

Page 5: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

3

Gawain 2- Panuto: Ibigay ang tamang bunga sa mga sumusunod na bilang. Letra lamang ang isulat pagkatapos ng bilang. Sagutang papel ito isulat ang sagot. Sanhi Bunga 11. A.

12. B. 13. C. 14. D. 15. E.

Page 6: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

4

Aralin 1

Ugnayang Sanhi at Bunga

Sa nakaraang aralin ay natutunan natin ang tungkol sa paghahambing. Nalaman natin na ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pagpili ng ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na kakainin, sa sasakyang ating sasakyan o sa lugar na ating pupuntahan o maging sa tao o kaibigan na nais nating makasama, kadalasan ang mga ito ay naisasagawa natin kung mayroon tayong paghahambingan. Napalawak din natin ang paghahambing at nalaman na ito pala ay inuri

sa dalawa at ito ay magkatulad at di magkatulad. Patas ang katangian sa magkatulad at di naman patas ang katangian sa di magkatulad. May mga salita o susing salita rin itong ginamit para mas mapadali ang pagkilala sa paghahambing. Pinalawak nating ang mga susing salita sa pamamagitan ng pagbuo ng sariling karunungang –bayan gamit ang paghahambing. Unti-unti rin nating napukaw ang inyong abilidad sa pagsulat ng isang sanaysay na paghahambing sa panahon noon at ngayon.

Ngayon ay alam kong handa ka na sa susunod nating paglalakbay. Lalakbayin natin ang mundo ng mga may kapangyarihan. Tara!

Balikan

Gawain A: Cheese Miz? Isulat ang mga di kapani-paniwala pangyayari na iyong narinig o maaaring nabasa o napakinggan

1. ______________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________ 4. ______________________________________________________________ 5. ______________________________________________________________

Page 7: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

5

Gawain A: Sino ang sa iyo? Panuto: Ipakilala at ipaliwanag ang gustong mong lokal o Hollywood na superhero at kung bakit mo ito nagustuhan. 1. Si_______________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________.

2. Si_______________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________.

3. Si_______________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________.

Suriin

Sa pagkakataong ito, ating himay-himayin ang nilalaman ng isang kwento na

puno ng kababalaghan o mga pangyayaring kapanipaniwala at hindi kapanipaniwala. Mga rason kung bakit nangyari at kailanngang mangyari ang isang pangyayari at ano ang naging epekto nito. Malalaman natin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari upang mas makita ang tunay na rason at masasabing tama lamang na nangyari ang nasabing pangyayari. Halungkatin at kilalanin natin ang buhay -buhay ng ating mga hinahangaan sa tulong ng Epiko. Anong uri ng kwento ang epiko? Tara at buklatin natin ang bawat pahina at siguradong kababalaghan iyong makikita.

Tuklasin

Page 8: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

6

Si Prinsepe Bantugan (Buod ng Epikong Muslim)

May isang hari sa malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangiang higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro at kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Ang unang tanday na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwayang pumatay sa ilang taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng patutuos.

“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang napatay na buwaya.

Paano nakaya ng isang taong ganito kabata na patayin ang buwaya? “Sinasapian siguro siya ng mga diyos!” sabi naman ng isa.

“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!” sabi ng pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalaban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharaing nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nila ang respeto’t pagkilala ng mga kalapit na kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.

“Sang-ayon ako sa iyo” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

Page 9: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

7

“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno,” sabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!”

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan nina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.

“Hindi ko gusto na nakikipag-usap ang kahit na sino sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan nang malubha.”

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapati. Nakita niya ang sariling parang may nakahahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang kababaihan at kahit ang taong kanyang minamahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipeng lisanin ang kaharian.

Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot siya ng kamatayan sa pintuan ng kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.

Habang pinagpupulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang gagawin, isang loro ang biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol ay si Prinsipe Bantugan, ang mabunyi at balitang Prinsipe ng Bumbaran. Pagkatapos ibalita ng loro ang tungkol kay Prinsipe Bantugan, bumalik naman siya sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali, ang kanyang kapatid, ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Nang malaman ni Haring Madali ang nangyari kay Prinsipe Bantugan ay nanaig ang pagmamahal niya rito at naalis ang kinikimkim niyang inggit sa kapatid. Agad na lumipad sa langit ang hari kasama ang kassangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Samantala’y ang bangkay ni Bantugan ay dinala naman ni Prinsesa Datimbang sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pilit na isinauli ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan at muling nabuhay si Prinsipe Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik ang dating mabuting pagtitinginan ng magkapatid.

Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali, na si Bantugan ay namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na sandatahan upang salakayin ang Bumbaran. Nang sumalakay sina Haring Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni Prinsipe Bantugan.

Page 10: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

8

Gabay na Tanong: 1. Paano nawalay si Prinsipe Bantugan sa kanyang kapatid na si

Prinsipe Madali? 2. Bakit minahal ng mga tao si Prinsipe Bantugan kaysa kay Prinsipe

Madali? 3. Paano nalaman ni Prinsipe Madali na namatay ang kapatid? 4. Bakit natalo si Prinsipe Bantugan labanan sa unang pagkakataon? 5. Paano nagkapalagayan ng loob ang magkapatid na Bantugan at

Madali?

Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya nagkaroon ng pagdiriwang. Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at sa pamamagitan ng kanyang kampilan ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang na lumaban si Prinsipe Bantugan ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling lang niya sa kamatayan, kaya siya ay nabihag. Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya ang gapos at siya’y nakawala. Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa mapuksa ang mga kaaway.

Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni Prinsipe Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan ang lahat ng Prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa Bumbaran. Buong galak siyang sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng panibagong pagdiriwang. Ang buhay ni Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hangang sa kanyang mga huling sandali.

-Halaw sa Pluma 8, 2017

Ano ang napansin mo sa iyong mga naging sa mga sagot sa itaas?

Ito ay ba ay naglalahad ng sanhi at bunga? Dahilan at epekto? Tama ba ako? Paano kaya malalaman na ito ang sanhi at ito naman ang bunga?

Ngayon ay ating pakikialaman ang tungkol sa sanhi at bunga. Go lets!

Page 11: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

9

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa

maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

Sanhi – ito ang dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari at kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.

Bunga – ito ay epekto/ resulta ng pangyayari at tumutugon sa tanong na paano.

Halimbawa: Alin dito ang sanhi at bunga; at ang susing salita o palatandaan o

hudyat na ito ang sanhi at bunga?

1. Nais ng mga tao na si Bantugan ang maging bagong hari dahil sa ipinakitang tapang at lakas.

2. Naguluhan si Prinsesa Datimbang kaya’t nakipagpulong ito sa konseho. Sanhi: Naguluhan kung ano ang gagawin kay Bantugan Bunga: Nakipagpulong sa konseho

● Hudyat na nagpapahaayag ng sanhi o dahilan: Sapagkat/pagkat . . . Dahil/dahilan sa . . . Palibahasa, at kasi . . . ● Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta: Kaya/ kaya naman . . . Kung kaya . . . Bunga nito . . . Tuloy . . .

* maaaring dagdagan ang mga hudyat o susing salita sa sanhi at bunga

Sa puntong ito, alam kong nais mo nang ipalabas ang naisip mong sanhi at bunga. Sige nga at nang masubukan natin.

Sanhi: Dahil ipinakitang tapang at lakas Bunga: Gawing bagong hari

hudyat /susing salita

hudyat /susing salita

Page 12: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

10

Pagyamanin

Gawain A. Alam Mo ba? Lagyan ng tsek ang gilid bago ang numero kung nagpapahiwatig ng layunin ng epikong Bantugan at ekis kung hindi. Sa sagutang papel isulat ang sagot. _____1. Huwag magtanim ng galit sa kapwa. _____2. Manmanan ang kahinaan ng iba upang makahanap kaagad ng daan na

makasalakay _____3. Gagawin ang lahat sa ngalan ng pagmamahal sa pamilya _____4. Maghanap ng ibang opinyon bago bigyang desisyon ang isang bagay. _____5. Sundin ang utos nang walang pagpapaliwanag kahit itoy maging mitsa ng

buhay. _____6. Dapat mainggit sa kapwa upang makapanira. _____7. Matutong magparaya at maging maligaya sa kaligayahan ng iba. _____8. Ang pagtulong ay hindi namimili. _____9. Mag-asawa ka ng marami. _____10. Dapat sundin ang nakatatandang kapatid. Gawain B. Konekted Ba Ako? Punan ang mga hinihinging impormasyon sa ibaba. Gamitn ang sariling sagutang papel. Epikong Bantugan 1. Sino ang problema? Sagot: 1. 2. 2. Sino ang may problema? Sagot: 1. 2. 3. Saan nag-umpisa ang problema? Sagot: 1. 2. 4. Kailan nagsimula ang problema? Sagot: 1. 2. 5. Bakit ito naging problema? Sagot: 1. 2. 6. Paano ito naging problema? Sagot: 1. 2. 7. Ano ang mga tangkang solusyon Sagot: 1. 2.

Page 13: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

11

8. Ano ang mga naging resulta? Sagot: 1. 2. 9. Ano ang kinalabasan ng pangyayari? Sagot: 1. 2.

Gawain C. Saan Ako Dapat? Pag-ugnay-ugnayin ang sanhi at bunga na nasa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel. Sanhi Bunga

1.___________________________________ _________________________________

2.___________________________________ _________________________________

3.__________________________________ _ ________________________________

4.__________________________________ _ ________________________________

5.__________________________________ _ ________________________________

Nainggit si Prinsipe Madali Sumalakay si Miskoyaw sa kaharian

Nagkasakit at namatay sa daan Inutos na bawal kausapin si Bantugan

Nalamang namatay si Bantugan Nagalit at nainggit ang kapatid

Mabilis na umakyat sa langit Nalamang namatay ang kapatid

Nagpatawag ng pulong sa konseho Naglayas at naglakbay

Page 14: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

12

Gawain A. Ako na Dito? Ibigay ang katangian at kahulugan ng epiko ayon sa nabasang pangyayari sa akda. Sagutang papel isulat ang sagot. Katangian ng Epiko 1.______________________________________________________________________________ 2.______________________________________________________________________________ 3.______________________________________________________________________________ 4.______________________________________________________________________________ 5.______________________________________________________________________________ 6. Epiko - ______________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ 7. Paano nakatulong ang ugnayang sanhi at bunga sa araw-araw na pakikipagsaparan? __________________________________________________________________________________ 8. Kailan at saan mo nagamit ang ugnayang sanhi at bunga? __________________________________________________________________________________

Isagawa Gawain 1. Ano ang mahahalagang aral na napulot mo sa epikong Bantugan at bakit? 1.________________________________________________________________________________ 2.________________________________________________________________________________

Isaisip

Page 15: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

13

Gawain 2- Ipakilala ang sanhi at bunga na ipinapahiwatig ng larawan Isulat sa sariling sagutang papel ang sagot. Sanhi:__________________ Sanhi:__________________ Sanhi:__________________ Bunga:_________________ Bunga:_________________ Bunga:_________________ Sanhi:__________________ Sanhi:__________________ Bunga:_________________ Bunga:_________________

Page 16: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

14

14

Gawain A. Panuto: Ikabit sa pamamagitan ng pagguhit ng arrow mula sa hanay ng sanhi patungo sa hanay ng bunga. Lagyan lamang ng ilustrasyon at papel para masagot ito sa inyong sariling sagutang papel. Sanhi Bunga 1. A.

2. B. 3. C. 4. D. 5. E.

Tayahin:

Page 17: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

15

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

6. Sino ang may problema sa epikong Bantugan? a. Prinsesa Datimbang c. Prinsipe Madali b. Haring Miskoyaw d. Prinsipe Bantugan 7. Ano ang pahiwatig ng pagmamadali ni Pinsipe Madali papunta sa langit upang kunin ang kaluluwa ng kapatid na si Prinsipe Bantugan? a. Lukso ng dugo para sa kapatid b. Tawag ng magulang at ng langit c. Iyon ang tama at ang nararapat d. Tawag ng pagiging hari sa kanyang nasasakupan 8. Sa anong sitwasyon sa akda makikita ang epekto ng inggit? a. Ipinagbawal sa mga tao na makipag-usap kay Prinsipe Bantugan b. Sumalakay nang bigla-bigla c. Lumipad sa langit para kunin ang kaluluwa d. Naglakbay at narating ang kaharian ni Prinsesa Datimbang 9. Ano ang nais iparating ng may –akda sa mambabasa? a. Isipin muna kung tunay ba siyang nangangailangan b. Pinagbabawal ang mapagsamantala c. Laging may ganti ang langit sa mga mapagsamantala d. Iwaglit ang inggit, galit at magmahalan 10. Ano ang problema ng epikong Bantugan? a. Hindi sang-ayon ang mamamayan sa bagong pamamalakad ng hari b. Maraming astig na asawa ang hari c. Inggit at galit ng kapatid sa kaptid d. Walang bait sa sarili ang hari, anupa’t maraming naghahari-harian 11. Paano sinagot ni Prinsipe Bantugan ang galit at inggit ni Prinsipe Madali? a. Nag-asawa at nagnegosyo b. Naging pasaway sa kaharian c. Sinuklian din ng galit at pakikipag-away d. Umalis sa kaharian at naglakbay 12. Ano ang ipinapahiwatig sa kilos ni Prinsesa Datimbang sa hindi pagtalikod sa bangkay sa kanyang pintuan? a. Matalik na kaibigan ang bangkay sa pintuan b. Isusumpa ng langit ang di marunong tumulong sa kapwa c. Ang pagtulong ay hindi namimili d. Katungkulan ng isang Prinsesa ang pagtulong 13. Ano ang aral na napulot ni Miskoyaw sa akalang wala si Bantugan sa Bumbaran? a. Pinagpala ng langit ang mabait sa kapwa b. May masayang buhay ang mapagsamantala c. Ang mapagsamantala ay laging may mapapalang masama d. Lalong lumalakas ang mapagsamantala 14. Ano ang naging epekto nang magkabalikan ng loob ang magkapatid sa kaharian? a. Namamayani pa rin ang inggit at galit b. Dalawa silang ginawang hari c. Nagkaroon ng kasiyahan at katahimikan ang bawat loob d. Minabuti nilang iwan ang kaharian at ibinigay sa iba ang pamamahala 15. Ano ang pinag-ugatan kung bakit makagagawa ng masama sa kapwa? a. Laging aasa sa tulong ng iba c. di makuntento b. Walang tiwala sa sarili d. Inggit at selos

Page 18: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

16

Karagdagang Gawain Gawain 1. Sumulat ng sariling kwento na nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga. Salungguhitan ng makalawang beses ang sanhi at bilugan naman ang bunga. Gawin ito sa sagutang papel. RUBRIKS Pamanta- yan

5 4 3 2

Organi-sasyon

Malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Di gaanong malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Di malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Magulo ang ayos at ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan

Nilalaman Ginamitan ng sampung sanhi at bunga

Ginamitan ng walong sanhi at bunga

Ginamitan ng anim na sanhi at bunga

Ginamitan ng apat sanhi at bunga

Kawastu-hang Gramatikal

Wasto ang paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

May mga mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Maraming mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Halos lahat may mali sa paggamit ng bantas, baybay, maliit at malaking titik

Kakintalan Nag-iwan ng impresyon sa mambabasa upang mahikayat

Di gaanong nag-iwan ng impresyon sa mambabasa upang mahikayat

Nag-iwan ng impresyon sa mambabasa ngunit di mahikayat

Walang iniwan na impresyon sa mambabasa upang mahikayat

KABUUAN 20

Page 19: I G - AN Filipino · 1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng

17

Mga Sanggunian: 1. Pluma8, 2017 edition 2. https://www.google.com/search?q=sanhi+at+bunga&client=ms-android-samsung-ga-rev1&prmd=ivsn&sxsrf=ALeKk02Zfu1EJ_5urcJULWf8tRsvUJ2FlA:1595425673961&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj8-77k_-DqAhWlyIsBHSLFBaMQ_AUoAXoECAwQAQ&biw=412&bih=782&dpr=2.63#imgrc=zoN9yw6JOF2EnM

https://www.clipartmax.com/middle/m2i8b1b1m2K9Z5A0_painful-sprained-ankle-painful-sprained-ankle/

https://www.google.com/search?q=Illustration+kid+have+tootache&tbm=isch&ved=2ahUKEwjsrJDIhuHqAhW-x4sBHbLZAtEQ2-cCegQIABAC&oq=Illustration+kid+have+tootache&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzIECCEQCjoECCMQJzoGCAAQCBAeOgQIABATOgYIABAeEBM6BAgeEApQifMFWMm6BmCNwwZoAHAAeACAAb0BiAGHIJIBBDAuMjeYAQCgAQHAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=pUoYX6zGH76Pr7wPsrOLiA0&bih=782&biw=412&client=ms-android-samsung-ga-rev1&prmd=isvn&hl=fil#isa=y

Susi sa Pagwawasto

Subukin 1. C 2. A 3. A 4. D 5. C 6. D 7. C 8. C 9. C 10. D 11. E 12. A 13. D 14. B 15. C

Pagtataya 1. E 2. A 3. D 4. B 5. C 6. C 7. A 8. A 9. D 10. C 11. D 12. C 13. C 14. C 15. D