i l a s a t apat p y a m - sulong edukalidad para sa batang … · 2020. 4. 21. · para ka lang...

11
M a y P i l a s a T a p a t ng Aming Bahay Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Upload: others

Post on 20-Jan-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

May

Pila

sa Tapat

ng Aming BahayKuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 2: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

May pila sa tapat ng aming tahanan.

Bawal dumikit sa isa’t isa.

Kahit kay Nanay,

isang metro dapat ang layo ko.

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 3: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

May tumitingin ng temperatura

ng mga taong nakapila.

May espesyal na pila rin para sa mga

nilalagnat, inuubo, matatanda at buntis.

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 4: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

“Magandang araw po!

Nagpositibo po sa COVID-19

ang isang residente sa inyong sityo.

Kaya po para maagapan, lahat kayong

nakatira rito ay isasailalim sa testing para

matukoy kung may nahawahan

po ba ng sakit sa inyong lugar.”

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 5: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

medicalgown

gloves

face mask

leg at shoecovering

goggles

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Si Dr. Mike iyon! Ang doktor namin

sa Rural Health Unit. Pero kakaiba

ang kaniyang suot ngayon.“Hindi naman ito masakit,

para ka lang mababahing!”

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 6: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

ugaliing maghugas ng kamay!

panitilihin ding malinis ang kabahayan!

magsuotng facemask

panitilihin din ang physical distancing!

Para raw malabanan ang sakit,

kailangang panatilihan ang kalinisan.

At kung lalabas naman ng bahay,

mag-doble ingat sa di nakikitang kaaway!

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

“Sa kaalaman po ng lahat, ang virus

na nagdudulot ng COVID-19

ay mabilis na umaatake sa ating

mga baga. Pinahihina nito ang

ating katawan hanggang sa tayo’y

lagnatin at magkaroon ng pneumonia.”

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 7: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Isasara ang Sityo namin sa loob

ng labing-apat na araw.

Dadalhin daw ng mga opisyal

ng barangay ang lahat

ng kakailanganin namin.

Walang nanay at tatay

na papasok sa trabaho.

Walang sinomang bata

ang mag-aaral sa eskuwela.

Lahat ay mananatili lang

sa loob ng kani-kanilang tahanan.

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 8: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Nadagdagan nga ang nagkaroon ng

COVID-19, hindi na lang sityo namin

ang isinara kundi maging ibang lugar.

Kaya pinaigting pang lalo ang pagte-test.

Binibigyan ng agarang atensiyong medikal

ang sinomang positibo hanggang

sa tuluyan silang gumaling.Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 9: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Sa mga bintana ko na lang natatanaw

ang aking mga kaibigan. Matatapos din ito.

Makapaglalaro rin kami sa labas!

Makakapasok sina nanay at tatay sa trabaho.

Mag-aaral din ulit kami sa eskuwelahan.

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Sagutin mo nga?!Matapos mabasa ang kuwento, ano-ano

ang dapat gawin ng gobyerno upang sugpuin

ang pandemikong COVID-19?

1.

2.

3.

4.

5.

Lib

reng

mas

s testing sa lahat!

Page 10: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Gawin mo nga?Paano nga iiwasan ang COVID-19?

“Mga kapitbahay,

malaya na tayo

sa COVID-19!”

Per

o ‘w

ag ka

limutan ang kalinisan!

Kuwento ni Reggie Rey Caparas Fajardo • Ilustrasyon ni Julie Anne Villagracia Vertudes

Page 11: i l a s a T apat P y a M - SULONG EDUKALIDAD PARA SA BATANG … · 2020. 4. 21. · para ka lang mababahing! ... malaya na tayo ... Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Tungkol sa May-akdaKasalukuyang bahagi ng Departamento ng Araling

Pilipino sa Bulacan State University si Reggie

Rey Caparas Fajardo. Nagtapos siya sa naturang

unibersidad ng BA Malikhaing Pagsulat taong 2018.

Panawagan niyang isagawa na ng gobyerno ang

libreng mass testing para sa COVID-19.

Tungkol sa IlustradorSi Julie Anne Villagracia Vertudes ay nagtapos

ng kursong BS Early Childhood Education sa Batangas

State University at kasalukuyang Project Development

Officer II (LRMS) ng DepEd Cavite. Alay niya ito sa

lahat ng magigiting na Frontliners sa bansa.

Karapatang Ari © 2020. Nananatili sa may-akda at ilustrador ang karapatang intelektuwal sa

aklat-pambatang ito. Hindi maaaring ilathalang muli o gamitin sa anomang paraan ang alinman sa

nilalaman nang walang karampatang pahintulot mula sa may-ari.