ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

40
Aralin 11 PANANALIKSIK GAMIT ANG INTERNET

Upload: cathy-princess-bunye

Post on 16-Aug-2015

492 views

Category:

Internet


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Aralin 11

PANANALIKSIK GAMIT ANG INTERNET

Page 2: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.1. Naipaliliwanag ko kung anu ang web browser2. Naipapaliwanag ko kung ano ang search engine. 3. Nakapagsasaliksik ako ng gamit ng internet.4. Nakakagamit ako ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.

Page 3: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Basahin ang sumusunod na komiks: ANG ULAT NI MARLON

Marlon, bakit parang malalim ang iniisip mo?

Mayroon kasi akong pag-uulat sa susunod na linggo tungkol sa

Entrepreneurship. Ang sabi ni Gng. Bunye ay kailangan ko raw magsaliksik

tungkol sa mga katangian ng isang magaling na entrepreneur. Sinabi pa niya na mas maganda kung mayroon akong maipapakitang video tungkol

dito.

Page 4: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Nakapagsimula ka na bang magsaliksik tungkol dito?

Oo, kaya lang tila kulang pa ang mga

impormasyong nakuha ko.

Page 5: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Huwag ka nang mag-alala, mayroon akong alam na

makakatulong sa iyo.Ano iyon, Martha?

Ang kompyuter at internet! Kailangan lang nating

saliksikin ang kailangan mong impormasyon sa

tulong ng web browser at search engines

Page 6: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet? 2. Gusto mo ba itong subukan tulad ng gagawin ni Marlon? 3. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon gamit ang computer at internet?

Page 7: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

ANG WEB BROWSERAng web browser ay isang computer

software na ginagamit upang maghanap ng at makapunta sa iba’t-ibang websites. May kakayahan din ang web browser na ipakita ang nilalaman ng isang website tulad ng teksto at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri ng media tulad ng music, video, at animation.

Page 8: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin:

INTERNET EXPLORER- Libre itong web browser mula sa Microsoft Corporation. Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinakapopular ba browser ngayon.

MOZILLA FIREFOX- Libre rin ang web browser na Firefox mul sa Mozilla. Isa ito sa mga pamantayan ng mga browser na magagamit

Page 9: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

GOOGLE CHROME- Ang Google Chrome ay isa pang libreng wed browser. Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon

Page 10: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

MGA BAHAGI NG WEB BROWSERAng Web Browser ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi.

Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na makakatulong kung alam nating gamitin ang iba’t-ibang bahagi ng isang web browser.

Page 11: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER

A. Browser Window Buttons- I-click ang minimize button kung nais itago ang browser window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat ng window, I-click ang close button kung nais isara ang browser window

B. Tab Name- Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab.

Page 12: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER

C. Navigation Buttons- I-click ang ang back buttons para bumalik sa webpages na naunang binisita; I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages na pinakahuling binisita; o i-click ang reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser.

D. New tab-I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng bagong website.

Page 13: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER

E. Customize and Control Google Chrome- Dito makikita ang iba’t-ibang options at commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.

F. Bookmark this page- I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng websites. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksan muli.

Page 14: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER

G. Address Bar- Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gustong tingnan. Ang website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng website address ay www.google.com. Kung ito ay i-type mo sa address bar at pindutin ang Enter key,makakarating ka sa Home Page ng website na iyon.

H. Display Window- Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.

Page 15: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER

I. Scroll Bar- I-drag ito pataas o pababa upang makita ang kabuuan ng isang web page sa browser window.

Page 16: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Ang Search Engine

Page 17: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Ang search Engines ay isang software system na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa internet. Ang ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo, Alta Vista, at Lycos

Mga Bahagi ng Search Engine Home Page

Kung magsasaliksik gamit ang internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng search engines. Ang sumusunod ay bahagi ng isang search engine home page (www.google.com) at ang gamit ng mga ito.

Page 18: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

A. Search field o search box- Dito tinatype ang keyword na gagamitinsapagsaliksik.

B. Google Search button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o maaari ding pindutin ang Enter Key sa keyboard upang masimulan ang pagsasaliksik.

Page 19: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

C. I’m Feeling Lucky-I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang pumunta sa webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo. Madalas na ito ang unang search result.

Page 20: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

MGA BAHAGI NG SEARCH ENGINE RESULTS PAGE

Matapos I-click ang seach button, ipakikita ng search engine ang resulta ng iyong paghahanap. Ito ay sa pahinang tinatawag na search engine results page na naglalaman ng iba’t-ibang websites na may kinalaman sa ipinapasok na keyword.

Makikita sa sumusunod na pahina ang isang halimbawa ng search engine results page at ang mga bahagi nito.

Page 21: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

A. Search Field- kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword sa search field.

Page 22: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

B. Search Button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari ding pindutin ang Enter Key sa iyong keyboard.

C. Top Links-narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine katulad ng imahe, web, balita, videos at iba pa.

D. Page Title- ang pamagat ng web page na kasama sa search results.

E. Text below the title- maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Nakabold text dito ang mga salitang ginamit mo bilang

keywords

Page 23: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Matalinong Pagsasaliksik Gamit ang mga Keywords

Marami sa kailangan nating impormasyon ang nasa internet na. Kailangan na lamang natin ng kasanayan kung paaanong makukuha ang eksaktong impormasyon na nais natin.

Mas mainan kung gagamit tayo ng higit sa isang salita kung magsasaliksik tayo. Mahalaga rin na ang mga salitang salitang gagamitin ay tiyak at kaugnay sa paksang ating sinasaliksik.

Page 24: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik

1. Kung ang paksa ay tiyak at naglalaman ng mga pangngalang pantangi at eksaktong parirala, ipaloob ang keywords sa panipi(‘). Halimbawa : “Mga Matagumpay na Pilipinong Negosyante” o “ Ang Huling El Bimbo”.

2. Kung mahalagang maisama ang salita sa pananaliksik, i-type ang plus (+) sign bago ang keyword na nais maisama sa search results. Halimbawa: mga uri ng negosyo+pagkain.

Page 25: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik

3. Kung nais magsaliksik ng mga web pagesna hindi naglalaman ng isang partikular na salita, i-type ang gitling(-) bago ang keyword na ayaw mong maging bahagi ng iyong search results. Halimbawa: polusyon-tubig, kung ayaw mong hindi tungkol sa polusyon sa tubig ang mga resultang makuha mo.

Page 26: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Gawain A: Magsaliksik gamit ang web browser at internet.

Tulungan natin si Marlon sa kaniyang pananaliksik tungkol sa paksang, “ Mga Katangiang Taglay ng Isang Magaling na Entrepreneur.” Sundan ang mga sumusunod na pamamaraan.

1. Buksan ang iyong web browser( maaaring gamitin ang internet Explorer, Mozilla Firefox, o Google Chrome).

Page 27: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

2. I-type ang www.google.com sa address bar ng browser at pindutin ang Enter Key. Ito ang Wesite Address ng Google search engine.

Page 28: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

3. Pag- isipang mabuti ang keywords na gagamitin sa pagsasaliksik ng mga katangiang dapat taglayin ng isang Entrepreneur. I-type ang keywords sa search field.

Page 29: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

4. I-click ang search button. Magbubukas ang pahinang search results

Page 30: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

5. I-click ang search results upang makita ang kabuuan ng webpage.6. Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga resultang pinakamakakatulong kay Marlon sa kaniayang pananaliksik. Maaari mo pang tingnan ang iba pang search results sa pamamagitan ng pag-click ng sumusunod na pahina.

Page 31: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at search engines. Sa tulong ng computer at internet, maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan.

Mas magiging epektibo ang pananaliksik kung magaling tayo sa paggamit ng keywords. Sinasala rin dapat ang impormasyong nakukuha.

Page 32: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Tandaan na hindi lahat ng mababasang inpormasyon sa intermet ay totoo o tama. Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo sa mga impormasyong nakakalap.

Page 33: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Gawain B. Magsaliksik Tayo!Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa sumusunod

na paksa. Ibigay ang keywords na ginamit upang makita ang mga ito. Isulat sa table o talahanayan sa ibaba ang keywords na ginamit

Paksa Keywords1. Iba’t-ibang Uri ng Negosyo2. Ang Kuwento ng tagumpay ng isang Pilipinong Negosyante

3. Paano kumita Gamit ang internet.

Page 34: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Bisitahin ang links sa websites na inilabas ng search engines. Suriin itong mabuti. Nakatutulong ba ang napiling links sa inyong pananaliksik?Ibahagi sa klase ang naging resulta ng pangangalap ng impormasyon.

Page 35: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Subukin Mo:Kilalanin ang sumusunod. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.______1. Uri ng websites na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon. Halimbawa nito at Yahoo o Google.______2. Computer application na ginagamit upang makapunta sa iba’t-ibang website.______3. Libreng Web Browser na binuo ng Google.______4. Bahagi ng Search Engines Window kung saan dapat i-type ang keywords sa paghahanap.______5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na paksa,pangngalang pantangi,at eksaktong parirala sa pagsasaliksik gamit ang search engines.

Page 36: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

KAYA MO NA BA?Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng web browser.2. Naipapaliwanag ang konsepto ng search engines.3. Nakapagsasaliksik gamit ang internet.4. Nakakagamit ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.

Page 37: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Trivia…Trivia…Subuking sagutan ang sumusunod na

katanungan gamit ang search engines. Isulat ang sagot sa kuwaderno.1. Sino ang ikawalong presidente ng Republika ng

Pilipinas.2. Ano ang ibig sabihin ng RSVP?3. Ilan ang kulay ng watawat ng bansang Thailand?

Page 38: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Trivia…Trivia…4. Saan matatagpuan ang Tarsier?5. Sino ang kasalukuyang Kalihim ng

Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas?

Page 39: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

Mga Bansa sa AsyaGamit ang iyong kasanayan sa pananaliksik at

sa tulong ng web browser at search engine, punan ang sumusunod na talaan:

Bansa Kapital Wika PeraMalaysiaSouth KoreaVietnam

Page 40: Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

SALAMAT SA PAKIKINIG!!!

Guro: Gng. Cathy Princess R. BunyePaete Elementary School

Paete, Laguna