ictlessonepp4aralin10angcomputerfilesystem 150622081942-lva1-app6892 -

28
ICT Aralin 10 ANG COMPUTER FILE SYSTEM CATHY PRINCESS R. BUNYE Teacher PAETE ELEMENTARY SCHOOL

Upload: cathy-princess-bunye

Post on 18-Aug-2015

236 views

Category:

Internet


3 download

TRANSCRIPT

ICT Aralin 10ANG

COMPUTER FILE SYSTEM

CATHY PRINCESS R. BUNYE

Teacher

PAETE ELEMENTARY SCHOOL

KAYA MO NA BA?Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?

Tsekan () ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

• Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file system

• Nakagagawa ng folder at subfolder• Nakakapag-save ng file sa folder• Nakapagdedelete ng di-kailangang folder o file• Naisasaayos ang files gamit ang computer file

system

Gawain A: Tingnan ang larawan at basahin ang sumusunod na talata

ANG MASINOP NA SI MARTHA

Masinop na mag-aaral si Martha. May kani-kaniyang lalagyan ang lahat ng kaniyang gamit sa pag-aaral. Maayos na nakalagay sa kaniyang mesa ang kaniyang mga aklat. Mayroon din siyang kahon para sa kanyang mga aklat. Mayroon din siyang kahon para sa kaniyang mga gamit na panulat, pangguhit, pangkulay, at iba pa.

Sagutin ang mga tanong na ito:

• Paano naisasaayos nang mabuti ni Martha ang kaniyang mga gamit sa pag-aaral?

• Bakit mahalaga ang maging masinop sa mga gamit at papeles sa pag-aaral?

• Paano naman kaya maisasaayos ang files sa computer?

Ang Computer File SystemAng computer file system ay ang nagsasaayos ng files at datos sa computer sa paraan na madali itong mahanap at ma-access.

Ang mga hard disk, CD-ROM,flash drives, at iba pa ay mga storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang

maingatan ang kopya ng mga files.

Mga soft copy ng files ang inaayos at iniimbak sa computer file system. Tandaan na may dalawang uri ng files- ang soft copy at ang hard copy.

SOFT COPY- Ito ang mga elektronikong files na nabubuksan gamit ang computer at application software. Maaari itong maging word document, spreadsheet, presentation, mga litrato, at mga audio at video files.

Hard copy- Ito ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta

sa papel.

Lahat ng files sa ating computer ay may filename. Ang filename ay ang pangalan na ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na naka save sa computer. Kung tayo ay gagawa ng dokumento, dapat bigyan ng makabuluhang filename ang isang dokumento.

Ang mga file ay maaaring i-save sa mga folder at sub-folder. Naisasaayos ang pagsave ng file at napapadali ang paghahanap kung kakailanganin itong muli. Ang computer file address ang kumpletong pathway kung saan makikita ang naka save na file. Ito ay binubuo ng sumusunod na bahagi.

C:/Users/neo/Documents/PERSONAL FILES/Exercise for a Healthy

Device Directory/Folder

Filename

File Extensio

n

1.Device- Ito ang hardware device o drive (Local disk, Universal Serial Bus-USB Flash Drive,atbp) kung saan nakasave ang file.

2.Directory o Folders- Ito ay partikular na lalagyan ng mga files. Maaari itong magkaroon ng mga sub-folders, base sa uri ng files.

3.Filename- ang natatanging pangalan ng isang computer file.

4.File extension- tumutukoy sa uri ng computer file, halimbawa: Microsoft word file(.doc o .docx), Microsoft Excel File(xls o .xlsx) at Microsoft Powerpoint Presentation (.ppt o .pptx).

MGA URI NG FILESMay iba’t-ibang uri ng files na maaaring i-save sa computer.

1.Document files ( mga files na gawa sa pamamagitan ng software para sa mga word processing, electronic spreadsheet, desktop publishing, at iba pang productivity tools

2.Image files

3.Audio files

4.Program files- ginagamit bilang pang install ng mga application at system files.

Ang sumusunod na pamamaraan ay makatutulong upang matutuhan ang mga kasanayan sa computer file system.Gawain A: Paggawa ng Folder1. I- on ang iyong computer2. I-click ang start button na makikita sa taskbar at

piliin ang Documents3. I-click ang organize button na makikita sa

toolbar sa itaas,at kaliwa ng screen.4. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaroon

ng bagong folder. Kung di mo makikita ang organize button,i-click ang New Folder na makikita malapit sa organize button

•5. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaroon ng bagong folder. Kung di mo makikita ang organize button,i-click ang New Folder na makikita malapit sa organize button

•6. I-Type sa kahon sa ilalim ng folder ang iyong pangalan o pangalan ng inyong grupo. Ito ang magiging Folder Name. Halimbawa A. Antonio o Group 1A.

•7. I-press ang Enter sa keyboard.

•Mayroon ka na ngayong folder kung saan puwede kang mag save ng files.

Gawain B: Paggawa ng Subfolder

1.Buksan ang ginawang folder sa pamamagitan ng double click o pag-click dito nang dalawang beses.

2.Gawin ang hakbang 4-5 sa Gawain A upang makagawa ng isang subfolder sa loob ng folder na una mong ginawa.

3.Tingnan na magkakaroon muli ng bagong folder. I-type ang Mga Gawain bilang pangalan nito.

4.I-press ang Enter sa Keyboard

Ngayon, mayroon ka nang subfolder sa loob ng iyong folder. Makakatulong ang folders at subfolders upang madaling mahanap ang mga nai-save na files.

Gumawa ng isa pang folders sa loob ng unang folder na ginawa.Sundan ang ma hakbang na nabanggit sa itaas.Pangalan itong MGA LARAWAN.

Magkakaroon ka ng dalawang subfolders sa loob ng iyong main folders

(maaring nakapangalan iyo o sa iyong pangkat)

GAWAIN C:PAG-SAVE NG MGA FILE SA FOLDER AT SUBFOLDER(OPTIONAL)

Matapos matutuhan ang paggawa ng folders at subfolders,subukin namang mag save ng files sa mga ito.Sundan ang sumusunod na pamamaraan:

1.I-click ang start button na makikita sa task bar at piliin ang ALL PROGRAMS.

2.I-click ang ACCESSORIES folder at piliiin ang NOTEPAD.

3.Magbubukas ang NOTEPAD application gaya ng nasa larawan.

Ang NOTEPAD ay isang text editing tool na kasama sa Microsoft Windows.Pwede itong gamitin sa paggawa ng Web Pages gamit ang HTML CODING.Sa pagkakataong ito,

Gagamitin lamang ang NOTEPAD sa paggawa ng text tile.

4.I-type ang sumusunod sa binuksang Notepad window:

Ako si\kami sina_____________________________________________________

Ako/Kami ay masaya dahil_____________________________________________

5.I-click ang File option na makikkta sa menu bar ng Notepad window.

6.Piliin ang Save As Command.

7.Bubuksan ang Save As dialog box.I –type sa Filename box ang Sample File.

8.Sa kanang bahagi ng dialog box.hanapin ang sariling folder na naka save sa Documents folder,I-double click ang folder at I-double click ang folder na MGA GAWAIN upang buksan ito tulad ng nasa larawan.

9.I-click ang save button.

10.Tiyakin nai-save nang tama ang file.Maari mo itong tingnan sa folder na iyong ginawa,

• GAWAIN D: Pag Copy at Paste ng File sa Folder

Sundan ang sumusunod na proseso sa pag-copy at paste ng file sa iyong folder.

1.I click ang start button na makikita sa task bar

2.I-click ang pictures folder

3.Bubukas ang Picture folder. Pumili ng larawan sa Sample Picture Folder.

4.I-click ang Organize button na makikita sa Menu Bar ng Folder.

5.Piliin ang copy. Ginagamit ang Copy command upang gumawa ng iba pang kopya ang isang File.

6. Buksan ang folder ng mga larawan na ginawa mo sa Gawain B sa loob ng iyong main folder. I-click muli ang organize command sa Menu bar at piliin ang Paste. Ang Paste command ay ginagamit upang ilagay ang kinopyang file sa Folder na nais mong paglagyan.

7. Magkakaroon ngayon ng larawan sa loob ng subfolder na Mga Larawan.

Gawain E. PaG-Delete ng FileMaari ring mag delete o magtangal ng files o folders na di na kailangan. Sundan ang prosesong sumusunod:

1. Buksan ang subfolder ng Mga Larawan.

2. I-click ang larawang naka save.

I-click ang Organize Button na makikita sa Menu Bar ng folder at piliin ang Delete command

May lalabas na dialog box na may tanong kung sigurado kang gusto mong i-delete ang file. I click ang Yes kung sigurado ka na o ang No kung hindi mo pala ito gustong burahin.

3. Kapag na delete na ang larawan,mawawala ito sa folder at mapupunta ito sa Recycle Bin kung saan maaari mo itong i-restore kung nais mong ibalik ito sa folder.

Ang files sa computer ay dapat na maisaayos at mai-save upang madali itong ma-access. Kailangang bigyan ng isang angkop at natatanging filename ang bawat isa at mai-save ito sa tamang folder o sub-folder. Maaari din tayong mag-delete ng mga folder o file na hindi na kailangan upang makatipid ng espasyo sa ating storage device.

Ang computer file system ay isang sistema na dapat matutuhan upang maisaayos ang mga nagawang dokumento at ang impormasyong nakokolekta.

Gawain F: Paggawa ng SubfoldersSa pamamagitan ng mga kasanayang natutuhan

tungkol sa pagsasaayos ng files sa tulong ng computer file system, gumawa ng tatlong folder na gamit ang mga pangalang sumusunod:

Folder 1: Word ProcessingFolder 2: Electronic SpreadsheetFolder 3: Graphic Editing

Ilagay ang folders na ito sa loob ng Subfolders na Mga Gawain.

Gawain G: Paglilipat ng Files sa Ibang Folder

Maghanap ng dalawa hanggang tatlong image files mula sa isang Folder ng computer na iyong ginagamit. Ilipat ang mga ito sa iyong subfolders na Graphic Editing gamit ang cut at paste commands.

SUBUKIN MO!!Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1.Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer fies at datos para mapadali itong mahanap at ma-access.

a. Filename c. File format

b.Computer File System D. Soft copy

2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application software.

a. Soft copy c. Device

b. Folder d. Hard Copy

• 3. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na naka-save sa file system.

a. Filename c. Device

b. File location d. Directory

4. Tumutukoy ito sa isang uri ng computer file.

a. Filename c. File location

b. File extension d. File host

5. Paraaan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para madali itong ma-access kung kinakailangan

a.Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder

b.Bigyan ng Filename na madaling tandaan at kaugnay sa dokumentong nagawa.

c. Buksan ang Folder upang siguraduhing nai-save ang file

d.Lahat ng nabanggit.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan () ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

• Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file system• Nakagagawa ng folder at subfolder• Nakakapag-save ng file sa folder• Nakapagdedelete ng di-kailangang folder o file• Naisasaayos ang files gamit ang computer file system

PAGYAMANIN NATINKahalagahan ng Computer File System

Magsagawa ng panayam sa limang 5 taong nagtratrabaho sa opisina. Alamin kung paano nila nagagamit ang computer file system sa kanilang mga gawain sa opisina. Gamitin ang sumusunod ba tanong:

1. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pagsasaayos ng mga files gamit ang computer file system?

2. Sa paanong paraan nagagamit ang computer file system upang mas maging produktibo sa trabaho?