ikaapat markahan modyul 3 katapatan sa salita at sa gawa...1 alamin magandang araw mag-aaral!...

16
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 15-Jul-2021

119 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Ikaapat Markahan – Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa

Zest for Progress

Zeal of Partnership

8

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

1

Alamin

Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na

ng aralin. Alam kong marami ka nang natutunan. Sa puntong ito, nais kong malaman

kung paano mo isasabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa, natutukoy ang mga angkop na kilos ng katapatan sa salita at gawa, at nakabubuong mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa. (EsP8PBIII-12.4)

Balikan

Panuto: Gumawa ng acrostic ng mga katangian ng isang taong matapat. Isulat ito

sa bagahing nakalaan para sa iyong sagot.

Modyul 3

Ang Katapatan sa Salita at Gawa

M Mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay sa lahat ng panahon. (halimbawa)

A

T

A

P

A

T

Page 3: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

2

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

_____1.

Anong paglabag sa katapatan ipinapahayag ng talata?

A. Salita

B. Gawa

C. Gawi

D. Isip

_____2. Alin ang inaasahan ng taong nagsasabi ng: “ Labis sa salita ngunit kulang

sa gawa?”

A. Ang pagdating sa ipinangakong oras na sinabi ng kaibigan

B. Ang wastong paraan ng pakikisama at pakikipagkaibigan sa kanya.

C. Ang hindi pagpakita ng pagkilos sa sinabi o ipinangako sa kaibigan.

D. Ang pagdating ng isang kaibigan ng nagdadala ng magandang balita.

_____3.

Paano mo haharapin ang sitwasyon?

A. Magpapaliwanag at hihingi ng paumanhin na nabigo ako sa aking pangako.

B. Huwag na lang pansinin ang kaklase dahil karaniwan namang nagyayari ang ganito.

C. Tutulungan ko siya sa kanyang nakatakdang paksa para makabawi sa aking pagkukulang.

D. Sisihin ang mga magulang dahil sa dami ng gawaing bahay na ini-utos at ipinapagawa sa iyo.

_____4. Ang katapatan sa salita at gawa ay naayon sa katotohanan at matatag na konsiyensiya. Alin ang itinuturing na pinakamataas na uri ng katotohanan?

A. Katotohanan na nakabatay sa mga batas ng lipunan B. Katotohang moral na nakabatay sa Diyos C. Katotohanang nakabatay sa kabutihan D. Katotohanang nakabatay sa pamilya

Binigyan ka ng kaibigan mo ng bag bilang regalo dahil sinabi mong ikaw

ang gagawa ng kanyang proyekto. Ngunit hindi mo ginawa at hindi ka na

nagpapakita sa kanya.

Dalawa kayo ng iyong kaklase na gagamit ng aklat na ipinahiram ng

inyong guro. Nangako ka na ibibigay ang aklat pagkatapos ng dalawang

araw, ngunit tatlong araw mong ginamit ang aklat. Kailangan mong

tumulong sa gawaing bahay. Hinintay ng iyong kaklase ang aklat sa araw

na iyong ipinangako.

Page 4: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

3

_____5. Bakit mahalagang maisabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa? A. Upang magkaroon ng katiwasayan at kapanatagan sa buhay B. Upang maging ligtas sa pamimintas ng ibang tao C. Upang maipakita sa lahat na ikaw ay maayos D. Upang maipadama ang pagmamahal sa iba

_____6. Ano ang sandatang kailangan upang matagumpay na maisabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa?

A. Malawak na kaalaman at sapat na kakayahan B. Talino, talento at malawak na kaisipan C. Sapat na kaalaman at katalinuhan D. Disiplina sa sarili at wastong asal

_____7. Paano inaabuso ang salita ng tao na tumutulong upang maging ganap ang pakikipag-ugnayan?

A. Ginagamit ng walang paggalang B. Malaswang pagsasalita

C. Sinsabi ng paulit-ulit D. Pagsisinungaling

_____8. Isang birtud na ngangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab.

A. Katapatan sa salita at sa gawa B. Pagiging mapagpasalamat C. Pamamahala ng emosyon D. Kabutihan sa kapwa

_____9. Alin ang pahayag na nagpapakita ng katapatan sa salita at sa gawa?

A. “Kunin mo ang bag, wala namang nakatingin”. B. “Paano kaya ako makakaganti sa kanya?”. C. “Huwag kang mangopya, masama yan”.

D. “Sabi ni Sally, mayabang ka raw!’.

_____10. Alin ang epekto ng pagsisinungaling? A. Marami ang matutuwa sa iyo B. Dadami ang mga kaibigan. C. Walang magtitiwala sa iyo. D. Sisikat ka sa paaralan.

Page 5: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

4

Tuklasin Panuto: Isulat sa loob ng Graphic Organizer ang iyong paniniwala sa mga angkop na

kilos ng isang taong mayroong katapatan sa salita at gawa.

Mga angkop na kilos ng

isang taong mayroong

katapatan sa salita at sa

gawa.

Page 6: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

5

Rubriks para sa pagtatala ng puntos

Kraytirya 5 3 1 Iskor

Kaangkupan sa

paksa

Lahat ng

sagot ay

angkop sa

paksa

Mayroong 1-2

sagot ang hindi

angkop sa paksa

Maryoong mga

sagot subalit hindi

angkop sa paksa

Makapagbibigay

ng mga angkop

na kilos ng isang

taong mayroong

katapatan sa

salita at sa gawa

Kompletong

nakapabigay

ng mga

angkop na

kilos ng isang

taong

mayroong

katapatan sa

salita at sa

gawa

Mayroon 1-2

kahon ang hindi

Nabigyan ng mga

angkop na kilos

ng isang taong

mayroong

katapatan sa

salita at sa gawa

Isang kahon

lamang ang

nabigyan ng

angkop na kilos

ng isang taong

mayroong

katapatan sa

salita at sa gawa

Kabuuang puntos

Page 7: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

6

Suriin Katapatan sa Salita at sa Gawa

Malaking hamon sa bawat tao ang pagpapanatili ng katapatan sa salita at sa

gawa. Marami sa atin, alam ang mga bagay kaugnay sa katapatan at

pagsisinungaling, subalit marami pa rin tayong nakikita, naririnig at nararanasang mga

pangyayari sa ating buhay kung saan biktima tayo ng kasinungalingan at kawalan ng

katapatan.

Maraming kadahilanan kung bakit nakakagawa ng kasinungalingan ang isang

tao, maaring dahil sa takot na mapahiya o dahil sa tuwirang nais manakit ng iba. Ano

man ang kadahilanan ng pagtatago ng katotohanan, maliit man ito o malaki,

kinakailangan ituwid o itama ang mga ito. Hindi dapat hayaang mamuhay sa

kasinungalingan dahil maaring makasira ito sa pagkatao at sa pakikipag-ugnayan sa

lipunan. Pinipigilan ng pagsisinungaling ang pagkakataong maging masaya at

matiwasay ang pag-iral ng tao.

Ang katapatan sa salita at sa gawa bilang isang birtud ay makakatulong sa tao

na labanan ang kasinungalingan. Dapat lang na mamuhay sa katotohanan na

ginagabayan ng katarungan at konsensya. Ang desisyong yumakap sa katotohanan

o pagiging matapat ay bunga ng ating pagpapasiya na manatili sa tama. Malawak na

kaalaman at sapat na kakayahan ang magiging sandata upang mapanatili at mapa-

unlad ang katapatan sa salita at sa gawa.

Mahalin at yakapin ang pamumuhay sa katotohanan at katarungan. Ipamulat

at ipadama sa mga kabataan ang kahalagahan ng katapatan sa salita at gawa.

Babaunin ng mga kabataan ang pagpapahalagang ito upang magkaroon ng sapat na

kakayahan sa pagharap sa buhay.

Hindi tumutigil sa pagtatago at pagtutuklas ng katotohanan ang lahat. Bilang

isang panlipunang nilalang, layunin ang pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng

bawat tao sa lipunan. Ang pag-iral at pagsasabuhay ng katapatan sa salita at sa gawa

sa lahat ng pagkakataon ay magdadala ng kapayapaan at maunlad na ugnayan.

Ang hindi mapanagutang paggamit ng pamamaraan ng pagtatago ng

katotohanan ay maituturing na rin na pagsisinungaling na maaring makasira ng

panlipunang kaayusan at ng tiwala ng kapwa.

Page 8: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

7

Pagyamanin

Panuto: Patunayan na may katapatan sa salita at sa gawa ang iyong pagkatao. Pag-

aralan ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon

Ano ang iyong

sasabihin kung

totoong

nangyari ito sa

iyo?

Ano ang

pagpapahalaga

ng iyong

isinaalang-

alang?

Ano ang

mabuting gawi

o birtud na

iyong

pinapalakas sa

iyong

pagkatao?

Katapatan ba sa

salita o sa

gawa?

1. Madalas kang

kinakantiyawan ng

dahil ikaw lang

ang walang cell

phone sa inyong

magkakaklase.

Mahalaga na

magkaroon ka

nito, subalit hindi

ka pa kayang

bilhan ng iyong

mga magulang

2. Halos araw-araw

kang pinapakopya

ng iyong kaklase

ng kanyang

takdang-aralin.

Lagi kang

napupuri ng

inyong guro sa

kanyang

magagandang

sagot.

Page 9: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

8

3. Magkapit-bahay

kayo ng kaklase

mong si Mario.

Nagtataka ang

kanyang nanay

dahil lagi kang

nauunang

nakakauwi sa

inyong bahay

kaysa sa kanya.

Alam mo na si

Mario ay naglalaro

ng bilyar kasama

ang mga

kabarkada sa likod

ng paaralan.

4. Pangatlong ulit

nang pumunta si

Aling Basing sa

inyong bahay

upang singilin ang

iyong nanay sa

perang inutang.

Palaging

sumisenyas ang

iyong nanay na

sabihing wala siya.

5. Nakita mo na

naman na nag-iipit

ng chocolate bar

ang iyong kuya sa

kanyang bulsa

mula sa inyong

tindahan.

Page 10: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

9

Rubriks para sa pagtatala ng puntos

Kraytirya 10 6 3 Iskor

Kaangkupang

sa paksa

Lahat ng sagot

ay angkop sa

paksa

Mayroong 1-2

sagot ang hindi

angkop sa paksa

Maryoong mga

sagot subalit hindi

angkop sa paksa

Kalinawan ng

pagpapahayag

ng mga ideya

Malinaw at

maayos ang

pagpapahayag

ng ideya

Mayroong 1-2

sagot ang hindi

malinaw ang

pagpapahayag ng

ideya

Mayroong 7-8

sagot na hindi

malinaw ang

pagpapahayag ng

ideya.

Kabuuang puntos

Isaisip

Panuto: Kopyahing sa sagutang papel at punan ng mga angkop na salita ang mga patlang sa loob ng talata upang mabuo ang batayang konsepto ng aralin.

Talata:

Ang __________ bilang isang birtud na nangangailangan ng

_____ pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab. Ang _____ ay

isang paran ng pag-aabuso sa kakayahan ng tao na magsalita. Ito ay

ang pagbaluktot sa ______. Mahalaga na sa lahat n gating _____

malaking bagay man o maliit, tinitiyak natin na ito ay yumayakap sa

katotohanan.

kolektibong pagsisinungaling

katapatan sa isip at sa gawa

iniisip, sinasabi at ginangawa katotohanan

Page 11: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

10

Isagawa Panuto: Batay sa iyong pagka-unawa sa paksa, sagutin ang gawain sa ibaba sa

sagutang papel.

Paano mo isasabuhay ang……

1. katapatan sa salita at gawa sa iyong sarili.

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

2. katapatan sa salita at gawa sa iyong pamilya.

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

3. katapatan sa salita at sa gawa sa iyong kapwa.

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

4. katapatan sa salita at sa gawa sa Diyos.

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

• ______________________________________________________________

Page 12: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

11

Rubriks para sa pagtatala ng puntos:

Kraytirya 10 6 3 Iskor

Kaangkupang sa paksa

Lahat ng sagot ay angkop sa paksa

Mayroong 2-3 sagot ang hindi angkop sa paksa

Maryoong mga sagot subalit hindi angkop sa paksa

Makapagbibigay ng mga hinihinging kasagutan

Kompletong nakapabigay ng mga hinihinging kasagutan

Mayroon 2-3 kahon ang hindi Nabigyan ng mga hinihinging kasagutan

Isang kahon lamang ang nabigyan ng hinihinging kasagutan

Kabuuang puntos

Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mg katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik na

may tamang kasagutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Bakit mahalagang maisabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa? A. Upang magkaroon ng katiwasayan at kapanatagan sa buhay B. Upang maging ligtas sa pamimintas ng ibang tao C. Upang maipakita sa lahat na ikaw ay maayos D. Upang maipadama ang pagmamahal sa iba

_____2. Ano ang sandatang kailangan upang matagumpay na maisabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa?

A. Malawak na kaalaman at sapat na kakayahan. B. Talino, talento at malawak na kaisipan. C. Sapat na kaalaman at katalinuhan. D. Disiplina sa sarili at wastong asal.

Page 13: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

12

_____3.

Ano ang nais ipahiwatig nga pahayag?

A. Ang pagtatago ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay

isang paglabag sa katapatan sa salita at sa gawa.

B. Naaapektuhan ang kaayusan at tiwala ng kapwa dahil sa pagtatago ng

katotohanan.

C. Minsan kailangan itago ang katotohanan dahil ito ay malungkot at masama.

D. Sa tamang panahon, dapat maipahayag ang katotohanan sa lahat

_____4. Sa anong paraan maipapakita ang katapatan sa salita at sa gawa?

A. Makatotohanang pagsasabuhay nito na ginagabayan ng katarungan at

konsensya.

B. Gawing gabay ang mga karanasan upang hindi magkamali sa mga

pagpapasya.

C. Kilalanin ang mga limitasyon sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga sa

katapatan.

D. Iwasan ang mga pangyayaring magdudulot ng masamang karanasan sa

iyo.

_____5. Alin ang pahayag na nagpapakita ng katapatan sa salita at sa gawa.

A. “Kunin mo ang bag, wala namang nakatingin”.

B. “Paano kaya ako makakaganti sa kanya?”.

C. “Huwag kang mangopya, masama yan”.

D. “Sabi ni Sally, mayabang ka raw!’.

_____6. Alin ang inaasahan ng taong nagsasabi ng “magaling mangako, lagi namang

napapako?”

A. Ang pagdating sa ipinangakong oras na sinabi ng kaibigan

B. Ang wastong paraan ng pakikisama at pakikipagkaibigan sa kanya.

C. Ang hindi pagpakita ng pagkilos sa sinabi o ipinangako sa kaibigan.

D. Ang pagdating ng isang kaibigan ng nagdadala ng magandang balita.

_____7.

Anong paglabag sa katapatan ipinapahayag ng talata?

A. Salita

B. Gawa

C. Gawi

D. Isip

Binigyan ka ng kaibigan mo ng bag bilang regalo dahil sinabi mong

ikaw ang gagawa ng kanyang proyekto. Ngunit hindi mo ginawa at

hindi ka na nagpapakita sa kanya.

Ang hindi mapanagutang paggamit ng pamamaraan sa pagtatago ng

katotohanan ay maituturing na rin na pagsisinungaling na maaring

makasira ng panlipunang kaayusan at tiwala ng kapwa.

Page 14: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

13

_____8. Ang katapatan sa salita at gawa ay naayon sa katotohanan at matatag na

konsiyensiya. Alin ang itinuturing na pinakamataas na uri ng katotohanan?

A. Katotohanan na nakabatay sa mga batas ng lipunan.

B. Katotohang moral na nakabatay sa Diyos.

C. Katotohanang nakabatay sa kabutihan.

D. Katotohanang nakabatay sa pamilya

_____9. Alin ang epekto ng pagsisinungaling?

A. Marami ang matutuwa sa iyo

B. Dadami ang mga kaibigan.

C. Walang magtitiwala sa iyo.

D. Sisikat ka sa paaralan

_____10. Isang birtud na ngangailangan ng kolektibong pagkilos upang mapanatiling

buhay at nag-aalab.

A. Katapatan sa salita at sa gawa

B. Pagiging mapagpasalamat

C. Pamamahala ng emosyon

D. Kabutihan sa kapwa

Page 15: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

14

Karagdagang Gawain Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng katapatan sa salita

at sa gawa, MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______1. Takpan ang kasinungalingang ginawa ng kaibigan, dahil bibigyan ka ng

pagkain.

______2. Sinagip mo ang batang muntik nang malunod mula sa tumaob na banka.

______3. Huwag ipagsabi sa mga kapitbahay ang babala na may sakunang

paparating.

______4. Sinabi mo sa iyong mga kasamahang Boy Scout na lalabas kayo ng

Camping Area kapag tulog na ang lahat.

______5. Aalukin ang isang manlalaro na ipanalo ang kanyang pagtakbo bilang

president ng samahan, ngunit iba ang iyong susuportahan.

______6. Nangakong isasauli ang bag kinabukasan ngunit dahil sa katamaran, isang

linggo pa ang nakalipas bago nasauli sa may-ari.

______7. Ibinalik ni Kio ang sobrang pera na kanyang hiningi para sa kanyang

proyekto sa kaniyang ate.

______8. Natulog ka buong araw dahil ikaw ay uminom ng alak kagabi sa inuman ng

kaarawan ng iyong kaibigan.

______9. Hindi mo ipinagsabi sa iba na ikaw ang nakasira ng door knob dahil ikaw ay

takot na mapagalitan.

______10. Inubos mo ang lahat ng natirang ulam kahit na alam mong may iba pang

hindi pa kumakain.

Sanggunian

Barcelona, Villa Eden C, Dinio, Carmela O., “ Ang Pagsasabuhay II” Rex Printing Company,

INC.2011

Luisita B. Peralta, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang, Modyul para sa

Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013, Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas, ed.

Punsalan, Twila G., et al, “Pagpapakatao 8, Rex Printing Company, INC 2012

Page 16: Ikaapat Markahan Modyul 3 Katapatan sa Salita at sa Gawa...1 Alamin Magandang araw mag-aaral! Binabati kita dahil ikaw ay nasa huling bahagi na ng aralin. Alam kong marami ka nang

15

Mga bumubuo ng modyul para sa mag-aaral

Manunulat: EMILY A. GOMERA Francisco Ramos National High School Division of Zamboanga Sibugay

Editor: Epimaco M. Paster Jr., LPT, MBA, MPA Kabasalan National High School Division of Zamboanga Sibugay

Tagasuri: Edelee C. Salvador Surabay National High School Division of Zamboanga Sibugay Jeffrey S. Libed Taway National High School Division of Zamboanga Sibugay

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D. Education Program Supervisor Tagapamahala: Evelyn F. Importante OIC- CID Chief EPS Aurelio A. Santisas

OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito

OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI

OIC – Schools Division Superintendent